Followers

Sunday, January 9, 2011

My Secret Love [1]

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

Author's Note:

Isa sa mga straight na love story na nauna ko nang nagawa at naipost sa isang straight na site. I-post ko na rin siya dito habang nag-aantay tayo sa part 24 ng SUAACK.

Happy reading po.

-Mikejuha-

------------------------------

Tawagin nyo nalang ako sa pangalang Carmen – Carmen Flores, nasa second year college.

Ang totoo nyan, nagka-boyfriend na ako nung first year high school pa lang ngunit hindi kanais-nais ang naging karanasan dahil sa siguro, bata pa kaming pareho at napag-alaman kong madami pala kaming girlfriend nya. Inis na inis ako sa boyfriend kong iyon. At parang nagkaroon ako ng phobia sa pagbo-boyfrined. Kaya simula noon, nagpromise na ako sa sariling wag munang mag-boyfriend hanggang sa makatapus ng pag-aaral.

Actually, hindi naman ako pangit. In fairness, sabi nila, (hindi lang nanay ko ang nagsabi – lol!), na maganda daw ako, matangos ang ilong, may magaganda, pantay, at mapuputing mga ngipin, mahaba ang buhok, kissable lips… iyon. At, may mga umaali-aligid na mga nanliligaw. Ngunit binale-wala ko na silang lahat. Para sa akin, lahat ng mga lalaki pare-pareho. Lalo na yung kina-career ang panliligaw. Feeling ko, sanay ang mga iyon. Kaya “Ayoko na! Naka-ilang babae na siguro ang mga yan!” sabi ko sa sarili.

Ngunit nung may bagong lalaking transferee ang umeksena, tila nagbago ang pagka man-hater ko.

Bagong bukas pa lang ng skul nun at habang nagbabasa ako sa library, aba... pumasok itong si transferee, kumuha ng libro sa shelf, at umupo sa katabing mesa at paharap sa akin. Kaming dalawa lang ang tao sa dalawang lamesang iyon kaya’t di pweding di ko sya mapansin o ako ay di rin nya mapansin. At ewan ko ba, may kabog akong naramdaman sa puso sa una ko pa lang pagkakita sa kanya, nakoryente kumbaga. Matangkad, moreno, makinis ang mukha, at ang gwapo-gwapo. Kaya nahati tuloy ang concentration ko; sa libro kunyari nakatutuk ang mga mata pero pasikreto ko naman syang sinusulyap-sulyapan.

“Carmen! Carmen! Lalaki lang yan, lalaki lang yan, ano ka ba!” sigaw ko sa sarili.

Pero sige pa rin ang pagsusulyap ko sa kanya. Di ko makontrol ang sarili grabe. Basa-sulyap… Basa, maya-maya sulyap na naman. At ewan ko ba, kinikilig talaga ako sa ginagawa. Noon lang ako nakadama ng ganun. At aba… graveh din ang mama ha – seryosong seryoso sa pagbabasa. Kung may lente lang ang mga mata nya, sigurado ako, lumiliyab na ang hinawakan nyang libro.

“Hmmm, mukhang shy, mukhang matalino… ano ba tong nangyari sa akin???” bulong ko ulet sa sarili.

Siguro, bunga na rin ng pagka-boring kaya ang ginawa ko ay drinowing ang mukha nya sa notebook ko, at sinulatan iyon, “Anong pangalan mo? Wafu-wafu mo kaya… Seryoso, mukhang intelehente, sobrang ma-appeal… Parang, crush na kita. Unang kita ko palang sa iyo, kinikilig na ako. May girlfriend ka na kaya? Sana hindi ka katulad ng iba jan na madaming babae, kasi, hate ko ang mga ganyang klase...”

Nasa ganun akong kahibangan nung sa pagsulyap ko ulet sa kanya ay nagkataong tumingin din sya sa harapan. Syempre, wala syang ibang makikita kungdi ang beauty ko lang naman. Ramdam ko ang lalong paglakas ng kabog ng dibdib ko. Feeling ko, nababanat ang balat sa mukha ko at para akong malulusaw. Sa maiksing sandaling iyon, tila napakahaba ng oras, at slow motion pa sya.

“Smile!” sigaw ng utak ko.

At ngumiti nga ako. Subalit, kung gaano ako ka-excited sa maaring tugon nya, ay ganun din ang pagkadismaya ko nung bigla syang yumuko at nagbasa ulet. Feeling ko, pulang-pula ang pisngi ko sa hiya habang naka-frozen naman ang ngiti sa di inaasahang pagdedma nya. “Aba’t antipatiko pala to!” bulong ko sa sarili. “Pwes, humanda ka sa gagawin ko!” ang sabi ko nung may namuong masamang plano ang utak upang makaganti.

Nung tumayo na ang lalaki dala-dala ang mga notebooks nya at palabas na ng library, dali-dali din akong tumayo at tumakbo, sinadyang isagi ang sarili sa kanya.

“Opppssss!” ang sigaw nya, kitang-kita sa mga mata nya ang pagka-gulat habang nagkalat naman ang lahat ng mga notebooks at libro ko, pati na rin ang sa kanya sa sahig. “Sorry! Sorry!” ang paghingi nya ng dispensa.

“Anong sorry ka jan! Kung hindi ka pa naman eengot-engot at paharang-harang, e di sana ako mabundol sa iyo.” Ang pasigaw kong sabi sabay yuko at akmang kukunin ang mga nagkalat na notebooks ko at libro.

“Ako na! Ako na ang pupulot Miss.”

“Dapat lang! Dahil tatanga-tanga ka noh!”

“Sorry na Miss…”

“Sa susunod kasi, wag kang eengot-engot dito. Bago ka lang dito, ano?”

“Oo, panu mo nalaman?”

“Syempre, wala pa akong nakitang ganyang klaseng engot na mukha dito, at kapag ganyang tatanga-tanga ka, alam na kaagad na hindi ka taga-rito.”

Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya. Siguro nagtimpi lang o sadyang mabait syang tao. “Oo na, oo na. Engot na ako, tanga pa. Pero sorry na, di ko talaga sindya.” Habang iniabot sa akin ang mga notebooks at libro ko.

Agad-agad kong sinunggaban ang mga gamit ko sabay irap sa kanya, at talikod. “Hmpt!” ang nasambit ko na lang. “Tanga talaga! Di man lang hiningi ang pangalan ko! Hmpt! At Hmpt ulet!” sigaw ng utak ko.

Siguro may labing limang steps na ang layo ko sa kanya nung bigla nya akong tinawag. “E… Miss!”

Singbilis naman sa alas kwatro akong lumingon. Dahil sa tumatakbo sya palapit sa akin, nasa harap ko na kaagad sya, na niratrat ko naman agad. “O ano? Ngayon, itatanong mo kung anong pangalan ko? Kung ano ang number ko? Kung saan ako nakatira, kung ano ang course ko, kung may boyfriend na ba ako, at kung anu-anu pa? Ha? Hoy…” napahinto ako ng sandali “Ano nga ang pangalan mo?”

“Francis”

“Apelyedo?” dugtong ko, matigas ang boses.

“Villamor”

“Whatever!” ang supalpal kong sagot. “Hoy, Mr. Francis… alam ko ang style ng mga loko-lokong lalaki. Kunyari, magpa-gentleman-gentleman effect tapus iyon na, liligwan na nila ang babae, at kung magpaloko naman ang babae, ayun, bibiktimahin na, isasama nila sa listahan ng mga nabiktima nila. Pwes ibahin mo ako! Hindi ito madaling maloko no!”

Napako naman si Francis sa kinatatayuan, kitang-kita sa mata ang pagka-shock sa narinig, hindi kaagad nakapagsalita.

“O, anu? Tama ba ang sinabi ko? Tatanungin mo ako kung anong pangalan ko, kung saan ako nakatira…?” tanung ko.

“Eh… naisama ko kasi sa pagbigay sa iyo ang notebook ko. K-kunin ko sana” ang tila natatakot na boses ni Francis.

Tila binuhusan naman ako ng malamig na tubig sa narinig. Pero hindi ako nagpapahalatang napahiya. Hinawi ko kunyari ang buhok ko, tiningnan syang taas-noo. “I-iyon lang?”

“O-oo, iyon lang…”

At dali-daling hinahanap ko na kaagad sa mga notebooks ko ang notebook nya at nung makita iyon, iniabot na diretso. “O, ayan! Isaksak mo yan sa baga mo!” ang padabog kong sabi at tuloy-tuloy na akong umalis, hindi lumilingon, iniwanan si Francis na tila tulala, kinakamot ang ulo at siguro, sinasabi sa sariling, “May topak yata ang babaeng to!”

Anyway, nakarating din ako ng bahay, ramdam pa rin ang kilig na nadarama sa tagpo namin ni Francis. “O my God! At ang kanyang mga mata… tila nangungusap! At siguro ang bait-bait nung tao dahil ni hindi man lang ako sinapak sa mga sinasabi ko! Lord, sana sya na! Lord, give him to me!” ang sambit ko sa sarili, tila nasa ikapitong alapaap, sinaniban ng mga maligno, naalipin ng kabaliwan.

Nasa ganun akong state of kilig moment nung biglang mabaling ang paningin ko sa dalang mga libro at notebooks na nasa ibabaw ng mesa. Nilapitan ko ang mga ito at tiningnan ang pinakataas na nakapatong na notebook. Nung mapansing hindi akin yun, napatakip ako ng bibig, “O my God! Kay Francis ito!”

Hinahanap ko kaagad ang isa kong notebook kung saan ko drinowing ang mukha ni Francis at kung saan may mga naisulat ako tungkol sa kanya. Ngunit hindi ko mahanap ito.

“Huhuhuhu! Iyon ang naibigay ko sa kanya!” Sigaw ko.

(Itutuloy)

2 comments:

  1. lol. nakakatawa yung simula.
    -kevin

    ReplyDelete
  2. nice.....nkakatuwa sya..lol
    -theo-

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails