Maraming Salamat po ulit kay kuya Mike.
Enjoy reading
COMMENTS, SUGGESTION AND VIOLENT REACTIONS ARE WELCOME.
Love a its Best “Deceit”
(Book3 Part6)
by: Migs
“I can't believe this! Pinagdrive mo ako hanggang dito, para lang kumain ng MAMI sa bangketa!” sigaw ko kay Drei sa sobrang inis.
“I don't see you complaining earlier when you're driving my bike.” pagyayabang ni mokong sabay senyas sa nagseserve ng dalawang bowl ng mami.
“geesh Drei, I never thought you can be very impulsive.” suko kong sabi sa kaniya.
“thank you. Besides you should try the mami here, promise, makakalimutan mo ang pangalan mo pag natikman mo na ito.” tinignan ko lang siya ng masama, ngumiti lang siya at sumipol sipol pa.
“whatever.” mahina kong sagot.
“so tell me, what's with the one night stand thing?” malakas na sabi ni mokong, sa sobrang lakas, pinagtinginan kami ng mga tao sa paligid. Tinignan ko ng masama si gago.
“kailangan isigaw?!” sabi ko sa kaniya.
“sorry naman, nabibingi parin ako dun sa bilis ng pagpapatakbo mo kanina eh.” sabi ni mokong sabay smile.
“nagyon mabilis akong magpatakbo? Kanina lang sabi mo mabagal.”
“nabingi ako sa huni ng mga kuliglig habang mabagal kang nagpapatakbo.” sabay smile na nangiinsulto si mokong. Sinipa ko sa paa si mokong sa ilalim ng lamesa. Napangibit naman ito sa sakit ng pagsipa ko, nagulat naman ang nagseserve ng mami dahil biglang gumalaw ang lamesa namin ni Drei, at ng mapansing dahil yun sa pagsipa ko kay Drei ay naglakad itong palayo na masama ang tingin saming dalawa.
“wow! Nagjojoke ka?” balik insulto ko sa kaniya, sabay tikim sa pinagmamalaking mami ni mokong.
“sarap no?” tanong niya sakin, masarap nga pero hindi ko pinahalata sa kaniya.
“ok na.” matipid kong sagot.
“Oh c'mon Ram!” pasigaw niyang sabi.
Natawa naman ako sa pangungulit niya sakin kung nasarapan ako sa mami na kinain namin, hindi talaga natahimik si mokong kahit na naka tatlong tasa na ako ng mami. Naglalakad na kami pabalik malapit sa may motor ng bigla niya ulit akong akbayan.
“di mo parin sinasagot ang tanong ko.” nanlamig naman ako sa sinabi niyang yun, as much as possible, ayokong pagusapan ang nangyari samin ni Migs. Masyadong masakit.
“di mo rin naman kasi maiintindihan, Drei.” mahina at nahihiya kong sabi.
“try me.” at hinila niya ako papasok ng Manila Ocean Park.
“what are you doing?!” takang tanong ko sa kaniya nang magbayad siya ng entrance sa Manila Ocean Park.
“di pa kasi ako nakakapasok dito.” parang batang sabi sakin ni kumag. Nang makapasok kami, hindi ko inakalang magagandahan at mageenjoy din ako sa loob, parang naging bata ulit ako.
“kwento mo na. You can trust me.” sabi ni Drei habang kinakatok ang salamin ng malaking aquarium.
Natahimik ako saglit, masakit para sakin na ulit ulitin pa ang mga nangyari samin ni Migs, and I was never comfortable sharing it to others. Napatingin ako kay Drei at napatawa sa ginagawa niyang panggagaya sa malaking isda na nakatigil sa harapan niya, binubuka niya ang bibig niya na parang isda. Parang tanga in short. Di ko akalain na ganitong kakengkoy si mokong.
“You were never good in judging other people, especially the ones you can trust.” ume-echo na sabi sakin ni kuya, paulit ulit na nagpleplay sa utak ko ang mga sinabi niyang yun, nang sabihin ko sa kaniya ang nangyari samin ng girlfriend ko at at nangyari samin ni Migs after.
“bigyan mo ako ng isang magandang rason kung bakit dapat kitang pagkatiwalaan.” naninigurado kong hamon kay Drei, napatigil ito sa panggagaya sa isdang kanina pa nakikipagtitigan sa kaniya at tumingin sakin, agad naman lumangoy palayo ang isda.
“just one?” mapreskong tanong sakin ni Drei.
“yup. Just one.” paninigurado ko sa kaniya.
“well...ahmmm, heres a good one! We had sex and I never told a single soul about it! Oha! Oha! That's a good one!” napalakas niyang sabi at napatingin lahat ng tao samin. May pamilyang malapit sa amin na parang naeskandalo ang reaksyon at talagang tinakpan pa ng mga magulang ang tenga ng kanilang mga anak. Sa sobramg gulat ay sinapo ko ang ulo ni kumag at inuntog ito sa salamin ng malaking aquarium sabay lakad palayo.
“Ram wait! Di ko sinasadyang isigaw.” natatawang sabi ni Drei. Di ko siya pinansin at naglakad na palabas ng park.
“that ain't gonna count now, wouldn't it? Masyado lang kasi akong na excite na meron akong dahilan para pagkatiwalaan mo.” nakayukong sabi ni Drei na parang batang nakagawa ng kasalanan. Isinuot ko ang helmet at lihim na napangiti. “Ang cute ni mokong.” bulong ko sa sarili ko. Nagdrive na ako pabalik ng opisina. Ipinarada ko ang ducati niya sa parking lot at walang imik na naglakad pabalik sa loob ng opisina namin. Bumukas sa harapan namin ang elevator, walang laman ito, kami lang dalawa.
“I'm sorry.” bulong nito sa tabi ko, pwede pang sumiksik ang tatlong tao sa pagitan namin, ganun kami kalayo sa isa't isa.
“I'm really getting tired of that word.” mahina kong sabi, sawang sawa na talaga akong marinig ang salitang yun, though di naman talaga ako galit sa kaniya. Nakita ko ang repleksyon ng mukha ni Drei, para itong batang magsisimula ng umiyak.
“I'm still waiting for a good reason, why I would wanna trust you.” pabulong kong sabi habang iniintay na bumukas ang pinto ng elevator.
0000ooooo00000
Di ko matapos ang bagong submitted proposals na ngayon ay nakatambak na sa lamesa ko, “I was only gone for like two hours at ganito na agad kadami ang natambak na trabaho ko?!” sigaw ng isip ko. nang matapos na ang unang folder na puno ng proposal ay iniangat ko ang intercom at sinubukang tawagan si Janine. Nang walang sumagot ay napilitan akong sumilip sa labas ng opisina ko at nang makitang wala na doon si Janine ay napamura na lang ako sa sarili ko.
“coffee break. ^_^v” nakalagay sa ibabaw ng lamesa ng sekretarya ko.
“bwisit! May sekretarya ka nga, wala namang silbi!” bulong ko ulit sa sarili ko, nagpunta ulit ako sa lamesa ko at kinuwa ang files na dapat ay ipapa-photocopy ko sa aking sekretarya. It took me 10 minutes to find the xerox machine.
“mapapatay talaga kita Janine!” sigaw ng utak ko. Habang busy ako sa pagaaral kung pano patakbuhin ang lintik na machine ay naramdaman kong may nakatingin sakin. Bigla akong napatingin sa kaliwa at nahuli si Drei na nakatitig sakin, agad naman itong nagbawi ng tingin. Iniisip ko ang maaaring dahilan kung bakit ako tinititigan ni mokong ng biglang may pangit na tunog na nanggaling sa xerox machine.
“O shit!” naibulalas ko at nagsimula na akong magpanic, parang gina-grind na bakal ang tunog nito, nagpipindot ako ng kahit anong pwedeng mapindot. Tas bigla itong tumigil, napabuntong hininga ako at napatingin sa kaliwa, andun na si Drei at hawak hawak nito ang plug ng xerox machine. Nakangiti itong nakakaloko.
“Coffee?” aya nito sakin. Nginitian ko lang siya at tumalikod na. Narinig ko namang nagbuntong hininga ito.
0000ooooo00000
“San Mig.” tawag ko sa barista at agad naman akong inabutan nito ng isang bote.
“hey.” bati sakin ni Drei na biglang sumulpot sa tabi ko.
“anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kaniya. Habang palinga linga na naghanap pa ng maaring kasama ni Drei na kilala ko doon sa bar na yun.
“still thinking of a good reason why you should trust me.” nakangiting sabi nito sakin. Di ko naman sinasadyang masamid bigla sa sinabi niyang yun.
“sineryoso mo pala ang sinabi ko?”
“Oo naman. Gusto ko kasing malaman ang dahilan sa pakikipag one night stand mo at gabi gabing paginom.” nahihiyang sabi sakin ni Drei, gusto kong ibahin ang usapan kaya ibinili ko na lang siya ng maiinom.
“my treat.” sabi ko sa kaniya sabay abot ng bote ng beer.
“iniiba mo naman ang usapan eh.” sabi nito sakin.
“ano ba kasing gusto mong malaman?!” nakukulitan ko ng tanong sa kaniya.
“katatanong ko lang diba?!” naiinis naring sagot nito.
“komplikado kasi. Saka naka...nakakahiya, mahabang kwento pati.”
“sus naman to. Aga pa naman eh, kahit gano pa kahaba yan makikinig ako.” sabi ni Drei sabay ngiti. Napatitig ulit ako sa kaniya, para talagang bata si mokong, kada inom niya sa beer ay babayuutin nito ang kanyang mukha na parang masamang masama ang lasa ng beer sa kaniya, tapos ngingiti at mawawala nanaman ang naniningkit niyang mata.
“may dumi ba ako sa mukha?” tanong niya ulit sakin sabay ngiti.
“wala naman.” at nangiti narin ako. Ilang beses pa akong kinulit ni kumag at nang makapitong bote na siya ay talaga namang lalong kumulit ito.
“Lasing ka na.” sabi ko sa kaniya.
“kaya ko pa, saka hindi mo parin naman kasi kinukwento kung bakit ka nagkakaganyan eh.”
“Kulit mo Drei, halika na ihahatid na kita.” aya ko sa kaniya.
“kaya ko pa.” pamimilit niya pero pulang pula na ito sa kalasingan.
“akin na yung susi ng Ducati, wag ka ng makulit.” inalalayan ko siya papuntang parking lot at sinuotan ng helmet.
“ikaw ang dapat nakahelmet, Ram.” mangitingiting sabi nito sakin.
“ikaw ang dapat nakahelmet, in case na makabitaw ka sa sobrang kalasingan.” pangungulit ko sa kaniya.
“di pa naman ako lasing. Saka di mo naman alam ang bahay ko ah.” pangungulit nanaman ni Drei. Nakalimutan na ni mokong na sa tapat ng condo niya ako minsang nagpalipas ng gabi, sa motel, kasama ang isang lalaking nakalimutan ko na ang pangalan.
0000ooooo00000
Dahan dahan ang aking pagpapatakbo at iningatan ang bawat pagliko, kahit pa hinahampas ng hangin ang aking mata at nanunuyo na ito sa lamig ng madaling araw na hangin ay hindi ko sinubukang ipikit ito, naramdaman kong lumuluwag ang pagkakakapit ni mokong saking bewang kayat ang ginawa ko ay hinawakan ko ang kaniyang kamay at isang kamay na minaneho ang malaking motor.
Ipinark ko ang motor sa parking area ng condo ni drei, iniwan ko na lang ang lisensya ko sa guard at nagpaalam na ihahatid ko lamang ang lasing kong kaibigan. Nang aktong maglalakad na kami papunta sa elevator ay gegewang gewang na si kumag at hindi na makatayo ng sarili niya.
“Drei, hindi ko alam kung anong floor ka. Hoy! Gising ka muna!” saby tapik sa pisngi ni kumag.
“12B-H.” sagot nito sabay tulog ulit. Wala na akong magawa kundi buhatin si kumag. Piniggy back ko si kumag, saktong sasakay na kami ng elevator ng may humabol na dalawang babae, nakatingin ang mga ito samin, marahil nagtataka kung anong nangyari at pasan pasan ko si Drei. Walang imikan, pero ramdam ko ang minsang sulyap na binibigay ng dalawang chismosa. Tumigil na ang elevator sa 12th floor at aktong lalabas na ako ng narinig kong bumulong yung isang babae.
“sweet naman nila.” sabay hagikgik ng dalawa. Tatalikod sana ako at ipagtatanggol ang sarili sa mapanghusgang mga panget na yun ng biglang sumuka si Drei, at salong salo ko lahat ng suka niya.
“anak ng tipaklong naman Drei!” sigaw ko sa kaniya, agad kong hinanap ang 12B-H bago pa man mapuno ng suka ang buong 12th floor. Nang makita ko ito ay agad kong ibinaba si Drei sa sahig at kinapa ang susi. Nakita ko naman sa salamin sa may hallway ang itsura ko, mukha na akong basang sisiw at may suka sa kaliwang balikat ko pababa. Nang makita ko na ang susi ay agad kong binuksan ang pinto at hinila si Drei papasok. Ihiniga ko siya sa may kama at agad hinanap ang CR, hinubad ko ang aking mga damit at nashower muna.
“Hay salamat.” naibulong ko sa sarili ko nang malinis ko na ang sarili ko, agad kong binuksan ang ilaw at ang bumulaga sakin ay ang sandamakmak na kalat, parang isang buwan nang walang naglilinis sa bahay ni kumag. Dinala ko ang aking damit sa may washing area at pinaandar ang washing machine. Bumalik ako sa tabi ni mokong at pinunasan siya, pinaltan narin siya ng damit at dinala sa kama. Bumalik ako sa may washing area at sinalang narin ang maduming damit ni Drei doon, inintay kong matapos magspin ang washing machine at isinalang naman ang damit sa drier at ng matapos ito ay isinampay ko ito ng maayos sa silya sa may dining room. Bumalik ako sa kwarto ni kumag at pinanood siyang matulog, umupo ako sa dulo ng kama, dun ko napansin na nakatapis lang pala ako at si Drei naman ay naka under wear lang, ikinibit balikat ko na lang ang itsura naming dalawa. Napahiga narin ako sa kama at doon na nakatulog dahil marahil sa sobrang pagod.
Itutuloy...
sa tingin ko lumalambot na ulit ang puso ni ram hmmm.... wish ko lng...
ReplyDelete"LHG" & "LHB"