By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
-----------------------------------------------
Agad-agad akong pumalag kay Francis nung malaglag ang mga tuwalya namin. “Francis! Nalaglag ang tuwalya. Eeewwww!”
Ngunit lalong niyapos nya ako ng mahigpit. “Wag kang malikot! Wag kang malikot! Malapit ng matanggal…” ang sigaw naman nya habang kinakalikot ng kamay nya ang linta sa boobs ko upang matanggal iyon.
Wala na akong nagawa kung di ang ipikit ang mga mata habang yakap-yakap ng isang kamay nya ang bewang ko, ang isang kamay naman nya ay pilit na hinawakan ang madulas na linta upang matanggal sa pagkapit nito sa balat ko.
Pandidiri sa linta, takot, kiliti, hiya, at matiding excitement na di ko mawari ang naghalong naramdaman sa tagpong iyon. Para kaming si Adan at Eba sa pustora naming walang saplot. Anlakas ng kabog ng dibdib ko habang yakap-yakap ko ng mahigpit at hubad na katawan ni Francis, ramdam na ramdam ang pagkalalaki nyang bumubundol-bundol sa harap ko.
“Ayan, tanggal na!” At nakita ko nalang na itinapon ni Francis ang linta sa gilid ng shower.
“Eeeewwwww!” Ang sigaw ko naman sa nakitang linta. At naramdaman ko naman ang paghapdi ng parte ng boobs ko at nung tiningnan ito, may dugong tumatagos. “May dugo, Francis. Eeeeeeee!” ang sigaw ko.
Ewan kung ano ang nasa isip nya nung habang yakap-yakap pa rin ako, sinipsip nya ito ng sinipsip.
Bigla kong naisipang kung itulak sya. Ngunit malakas pa rin ang pagkayakap nya habang sinisipsip ang parting iyon ng boobs ko. Hindi ako makapalag.
Huminto sya sa pagsipsip at tiningnan ako, habol-habol ang paghinga. “Sandali! Dapat sipsipin yan upang matanggal ang dumi sa loob ng sugat mo! Baka maimpeksyon yan!” ang pag explain nya.
Kaya hinayaan ko nalang sya sa ginawa hanggang sa maramdaman ko na lang na hindi lang nya sinisipsip ang sugat kungdi dinila-dilaan nya na at hinalik-halikan, pati ang buong boobs ko! Nilaru-laru ng kanyang bibig at dila iyon!
Di ko lubusang maisalarawan ang naramdaman. Nanginginig ang buo kong kalamnan sa kiliti at sarap na di maipaliwanag sa ginawang iyon ni Francis, lalo na nung maramdaman kong tumigas at lumaki ang bumubundol-bundol nyang ari sa harap ko na sya namang idiniin-diin. Ibayong lakas ng kabog ng dibdib ang naramdaman, nasararapan. “F-francissssss!” Ang bulong ko. “A-ano ba yang ginagawa mooooh?” ang tanong kong may halong pag-ungol.
Hindi tinugon ni Francis ang tanong na iyon. Bagkus, lalo nyang pinag-igihan ang pag lalaro sa dibdib ko hanggang sa narinig ko na lang ang ungol nya na tila sarap na sarap din sa ginagawa. “Ahhhhhhhh!” Ang ungol ko na rin, na tila lumilipad at nasa kalagitnaan ulap sa di maipaliwanang na kiliti.
Nasa gaunu kaming ayos nung sa di inaasahang pangyayari, bumukas bigla ang kurtina may sumigaw.
“Ay kabayo!” sigaw ng janitor ng non-teaching personnel department na sya palang humawi ng kurtina.
“Ay kabayo ka rin!” ang sigaw ko naman sa sobrang pagkabigla at dali-daling itunulak si Francis na sya namang napasadsad ang pwet sa sahig ng banyo, ang dalawang kamay ay naka-tukod doon, kitang-kita ang tirik na tirik pa nyang ari.
Dali-dali akong tumalikod at hinablot ang tuwalya, ganung din ang ginawa ni Francis, dali-daling ibinalot ang tuwalya sa bewang.
Sa pagkagulat, hindi kaagad nakapagsalita ang janitor.
“Bossing, pwede ba, wag mo nang ipalabas to? Atin-atin nalang to ha?” ang pakisuyo ni Francis.
Napakamot ng ulo ang janitor, tila sumagi sa isip ang isang masamang balak. “Eh…”
“Wag kang mag-ala.” Hinugot ni Francis ang wallet sa basang pantalon nya, binuksan iyon at dinukot ang dalawang tig-lilimang daang piso. “Heto… tanggapin mo.”
“OK bosing, salamat!” ang nakangiting sambit ng janitor na tatalikod na sana. Ngunit…
“Anong nangyari Jan, Mang Erning!” ang sigaw ng madre na head ng non-teaching personnel department na narinig pala ang kalampag namin at nag-usyoso sa narinig.
“O my God!!!” Ang sigaw nya nung Makita ang mga ayos namin na nakabalot ng tuwalya at nasa isang banyo lang. “Anong ginawa nyo dito?”
“Ah, Sister… natisod po si Carmen sa patwalk at nalaglag sa palayan”
“At ikaw?” baling nya kay Francis. “Naki-tisod ka rin? Ganun? At bakit kayong dalawa ang narito sa isang banyo samantalang may isa pa namang shower?” ang galit na galit na tanong ni Sister.
“Sister… may linta pong dumapo sa dibdib ni Carmen, kaya sya sumigaw at tinanggal ko po iyon!”
“At nasaan na ang linta? Aber…” ang suspetsusang tanong ni Sister.
Hinanap ni Francis ang lintang itinapon nya ngunit sa kasamaang palad ay naglaho din ito, marahil ay nakalusot sa drainage opening ng banyo.
“O,,, wala kayong maipakitang linta kaya sa Director’s office kayo magpaliwanag!” sabay talikod ng madre na nakabuntot naman ang janitor nya.
Inihatid akong pauwi ni Francis. Nag tricycle nga kami. Walang imikan. Di ko alam kung ano ang iniisip nya ngunit magkahalong kaba, takot, hiya ang naramdaman. Sa kabilang parte ng utak ko, nandun naman ang kilig at saya sa ginawa ni Francis na pagdamay sa akin, ang pagpapahiya din nya sa sarili upang damayan ako.
Ngunit sa isang part eng utak ko, nandun din ang tanong kung bakit nagawa nya sa akin ang nangyari sa banyo. Inaamin ko na may sarap akong naramdaman ngunit feeling ko rin na parang ang cheap-cheap ko. “Ganun kaya ang turing nya sa akin?” tanong ko sa sarili. May inis din akong naramdaman sa kanya. Syempre, babae ako. Dapat kung ang lalaki ay seryoso sa kanyang hangarin, manligaw muna siya.
Nakarating kami ng bahay at nung bumaba na ako ng tricycle, “Sorry Carmen sa nangyari…” paliwanang nya.
Tumalikod lang ako, imbis na sagutin pa sya at tuloy-tuloy ng pumasok ng bahay.
Kinabukasan nga, pinatawag kami ng Director ng school. Ramdam ko naman ang mga may pagkamalisyosong tingin ng ibang mga estudyante na nakakasalubong ko sa campus at nakaalam na sa pangyayari. Pero, hindi ko na masyadong binigyang-pansin yun. Nung pumasok na ako sa loob ng opisina ng Direktor, pinagalitan nya ako at binigyan pa ng reprimand. Nagtataka din ako kung bakit nalaman ng direktor na nagyakapan kami ni Francis at hinahalikan ang dibdib ko. Alam ko, ang janitor lang ang nakakita noon. “Sinabi din pala nya ang lahat kahit binigyan na sya ng pera ni Francis” ang pagmamaktol ko, ramdam ang sakit ng pagtatraydor ng janitor.
Ngunit, mas mabigat ang parusang ibinigay nila kay Francis. Binigyan ng limang araw na suspension. Syempre, napakasakit nun, at naging sentro pa kami ng tsismis.
Naguilty naman ako sa nangyari. Kahit papano, naramdaman ko rin ang kabaitang ipinakita nya sa akin sa panahon na ako ay nasa bingit ng kahihiyan. Pero may isang parte din ng utak ko na nagsasabing, “Buti nga, bat pa kasi tsinatsansingan pa nya ako. Ano ako, cheap? Ang baba kaya ng tingin nya sa akin.”
Sa araw din na iyon bago ang araw ng effectivity ng suspension nya, nagulat nalang ako nung lumapit sya mismo sa kinauupuan ko sa library. “Pwede ba tayong mag-usap?”
“T-tungkol saan?” Tugon ko, ramdam ang nirbyos sa buong katawan.
“May sasabihin lang ako sa iyo”
Lalo akong kinabahan. “Dyos ko, magtapat na ba ito?” Sigaw ng utak ko. Tumango lang ako.
Nagpunta kami sa botanical garden ng school at naupo sa may damuhan sa ilalim ng malaking puno ng narra. Naghalong kaba naman ang naramdaman at excitement. Kaba dahil syempre, lalo kaming pag-uusapan kapag nakita kaming ganun at excitement dahil baka liligawan na nya ako.
“Ano ba yung sinabi mo na pag-uusapan natin?”
“Gusto ko lang mag-sorry sa ginawa ko… Hindi ko dapat ginawa iyon.”
Hindi ako nakaimik. Napayuko lang ako.
“Di bale… pagkatapus netong semester, babalik na ako sa dati kong skul.”
“Hah?!” Nag nabiglang sambit ko. “Bakit ka naman lilipat? Sayang naman…”
“Ewan, parang malas sa akin ang skul na to. Sa simula pa lang, ayan, may kaaway na kaagad ako – ikaw, at ngayon naman, suspended. Tsaka, wala ako masyadong kaibigan ditto. Pati yung laro kong basketball, na miss ko na rin.”
“Eh… kung yung tungkol sa nangyari sa atin, kalimutan mo na yun. Basta, ayokong gawin ang ganun na labas sa isang relasyon. Hindi ako ganun.”
“Naintindihan ko. Ngunit hindi lang naman iyon kasi. Feeling ko hindi ito ang eskwelahan para sa akin. Pasensya ka na…”
Tiningnan ko lang sya. Hindi ko maintindihan ang naramdaman. Sobrang lungkot sa sinabi nya iniisip na di na siguro kami magkita kung lilipat na sya, panghihinayang. Parang gusto ko syang pigilan…
“Bakit?” tanong nya sa tugon kong pagtitig sa kanya, pansin ang lungkot na namumuo sa mukha ko.
“Wala…” ang pagdepensa ko. “Wala ka bang ma-miss dito?”
Binitiwan nya lang ang ngiting pilit. “Meron din…” at din nya na itinuloy kung ano iyon o sino. Iniisip ko nalang na si Ann yun, yung best friend ko na nakakalapitang-loob nya at di ko na rin inimik. O kaya, yung sinabi nyang girlfriend na nakakita sa drawing ko sa notebook na binawi ko sa kanya.
“Oo nga pala, pasensya ka na sa katarayan ko ha? Di naman ako ganun talaga, eh. Sa iyo lang.”
“Pansin ko nga…”
“Pansin ang ano?”
“…na ako lang ang tinatarayan mo. Pero wala sa akin yun. Siguro may menstruation kalang.” sabay bawi naman at bitiw ng isang nakakalokong ngiti.
Naalala ko naman ang pag chat namin. Ang sabi nya, dalawa lang dw ang rason kung bakit ako mataray sa kanya, either type ko sya, o may menstruation ako. Natawa na lang ako.
“Bakit ka natawa?” tanong nya.
“Wala… may naalala lang ako. E, kung ganun, wala akong menstruation ngayon?”
Natawa na rin sya. “Obvious ba?”
Sabay kaming nagtawanan.
Tahimik.
“Salamat sa pagdamay mo sa akin sa palayan” ang pagbasag ko sa katahimikan.
“Wala yun…”
“Du-mive ka pa talaga sa putikan…”
“Hahahaha!” Tumawa sya ng malakas. “Ok lang yun. Di ako nagsisisi. Kung mangyari man ulet yun, gagawin ko pa rin ang ganun para sa iyo.”
May kilig din ang huling sinabi nyang iyon. Nginitian ko sya. “Talaga?”
Ngiti din ang iginanti nya, lumingon sa akin. “Oo.”
“O nga pala” ang bigla kong pag-iba sa topic. “Panu nalaman ng director na nagyakapan tayo at hinahalikan mo ang dibdib ko?”
Tila bigla din syang nanggagalaiti sa narinig. “Walang iba kungdi ang Janitor na iyon! Sya lang naman ang nakakita nung nasa ganung ayos tayo eh! Binayaran ko pa naman, tangina!”
“Yun din ang hinala ko” ang sagot ko.
“Mag-ingat sya. Gaganti ako sa ginawa nya.”
Yun ang huling narinig kong salita kay Francis.
Kinabukasan, simula na ng suspension ni Francis. Syempre, hindi na sumipot yung tao. Kaya ibayong lungkot ang nadarama ko.
Ngunit may isang balitang imiikot sa campus na nagpapabalisa sa akin. Binugbog, sinaksak at pinatay ang janitor sa non-teaching personnel department na syang nakahuli sa amin sa banyo. At ang main suspect sa pagpatay ay mismong si Francis…
(Itutuloy)
Followers
Thursday, January 13, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
No comments:
Post a Comment