By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahool.com
----------------------
“Ganun ba? Wag yung nakakalungkot pare ha, depressed ako ngayon…”
Tila nahimasmasan naman ako sa nabasang sagot nya, at nalimutang sasabihin ko na sana ang totoong ako si Carmen. “Bakit ka depressed?”
“Eh… anniversary namin ngayon nung ex ko. Dami kong naalala sa kanya, sobra.”
“Ah, ok, ok pare. Pede mong ipalabas lahat ng hinanakit mo, nandito lang ako nakikinig…”
“Hehe. Dyahe…”
“Panu ba kayo nagkakilala nun?”
“Mahabang estorya pare pero heto yung kwento namin…”
At ikinwento nga ni Francis ang lovelife nya. Putol-putol ito sa message nya ngunit ibubuo ko. Ito ang sabi nya -
Transferee din si Trisha sa skul namin. Isang araw na may practice ang team namin sa skul, may trankaso ako ngunit sumipot pa rin sa stadium kung saan ginanap ang practice upang panoorin ang mga teammates. Yun nga lang, naka-upo lang ako sa may audience na side na mga upuan, naka white sweatshirt at straightcut faded jeans, naka-bonnet pa.
Mahilig din palang manuod ng basketball ni Trisha. Kahit practice lang yun, walang ka-boring-boring pa rin syang nanuod, kasama ng iba pang mga estudyanteng die-hard fans, ang iba ay nagrerelax lang ngunit naki-panuod din.
Sa porma ng pagkaupo nya, alam kong matangkad si Trisha, long-legged, mahaba at straight ang buhok, mala-birhen ang kinis ng mukha, at pare, sobrang sexy. Pang model ang porma. “Ang ganda ng babaeng to! Bat ngayon ko lang napansin” sigaw ng utak ko.
Dahil nasa mejo malayo-layo ang inuupuan ko, pasulyap-sulyap lang ang ginawa ko. Ngunit dedma lang sya, nakatutuk sa mga players ang mga mata. Upang mapansin, tumayo ako at bumili ng popcorn at imbis sa inuupuan babalik, dumaan ako sa harap nya at sinadyang mapatapon ang popcorn sa mukha at kandungan nya.
“Shiiittttt!” ang sigaw nya, kitang-kita sa mga mata nya ang magkahalung galit at gulat.
“S-sorry Miss, di ko sinadya!” syempre, ano pa ba ang sasabihin ko habang iniabot sa kanya ang dala-dalang tissue na hiningi ko din sa binilhan ng popcorn, paghanda sa ganung eksena. “Heto ang tissue Miss…”
Tinanggap naman nya ang iniabot ko ngunit di pa din sya umimik sa akin. Ako naman, nagkukunyaring takot na takot at soring-sori sa nangyari. Tinulungan ko syang paspasan sa mga ngakalat na popcorn at asin ang jeans nya at gilid ng inuupuan nya.
“Sorry talaga Miss, di ko sinadya…” ang paulit-ulit kong sabi habang napaupo na sa bakanting upuan sa tabi nya, na syang plano ko talagang gawin.
Nakasimangot pa rin sya. “Tse! Kung basketball player ka lang sana, e ok lang sa akin.”
Parang gusto kong tumawa ng malakas sa narinig. Ngunit di ako nagpahalata na basketball player ako. “E, panu yan, di ako basketball player… di ako marunong magdribble ng bola?”
“E, di wala! Wala kang silbe!” pagmamaktol nya.
Ngumiti lang ako. “Ibibili nalang kaya kita ng popcorn… gusto mo?” mungkahi ko.
“Bahala ka… Dapat lang, dahil kulang pa yan sa ginawa mo sa akin. Hmpt!” ang sagot nya na pansin kong mejo napapawi na ang matinding pagkainis.
Dali-dali akong bumalik ulet sa canteen at bumili ng popcorn at softdrinks na rin. Nung iniabot ko na sa kanya ang popcorn at softdrinks, wala ng bahid ng galit ang mukha nya at nakangiti na sa akin. “Hala, tinotoo pa talaga. Thank you ha?” ang nahihiyang sabi nya.
At yun ang simula ng pagkakaibigan namin. Doon ko nalaman ang pagka die-hard basketball fan nya, na sa salita nya, ay “adik” daw sya. At di lang yan, nalaman ko din na ang type nyang lalaki ang matangkad at higit sa lahat, basketball player. Basta basketball player daw at manligaw sa kanya, oks na oks.
“Ibig sabihin, di pala ako pweding manligaw sa iyo dahil di naman ako basketball player?” pabiro kong tanung.
“Hmmm… sa hitsura mo, tangkad, qualified ka, pahirapan nga lang, wala pang kasiguraduhan. Pero kung basketball player ka lang sana, kahit ngayon na, sasagutin na kaagad kita” ang biro din nya sabay bitiw ng malakas na tawa.
Alam ko, may laman ang biro nya pero sa loob-loob ko, may kabog akong naramdaman, may excitement at kaligayahan, di ko lang lubos maintindihan kung ano yun. “Sayang… manligaw pa naman sana ako sa iyo!” biro ko pa rin.
“E di para automatic na sagutin na kita, mag-basketball player ka muna. At di lang basketball player ha, yung kasali sa varsity team ng university mismo!”
“Wow! Sabi ko. Taas naman ng standard, di ko maabot ng isang taon lang na training yun ah!”
“E di magdouble time ka, simulan mo na ngayon o kaya’y mamayang gabi!” sabay tawanan kaming dalawa.
“E… totoo ba talagang kung basketball player ako at manligaw sa iyo, automatic sasagutin mo na kaagad ako?”
Natawa sya. Marahil ay talagang kampante sya na di talaga ako basketball player o kaya ay di nya nakita sa postura ko na player nga akong kasama sa varsity team, kaya ang sagot nya ay, “Oo naman!”
“Talaga?” paniniguro ko.
“Sure, cross my heart.” sabay ekis sa dibdib nya. “O anu, mageensayo ka na mamaya?” pahabol nya.
“Oo sigurado!” sagot ko naman. Tawanan ulet kami.
“E ok, ganun naman pala eh. So maghintay ka ng isang taon at pagkatapus ng isang taon na yan, jan mo na rin ako ligawan dahil siguro naman wala ka ng pag-asa ngayon dahil una, magtraining ka pa at pangalawa, kumpleto na ang lineup nila sa taon na to, ano?” Di pa rin matigil sya sa katatawa.
“Kahit ilang taon pa basta pag nanligaw na ako, sasagutin mo ako on the spot.” ang sagot ko naman.
“Basta varsity player ka na, kasama nila…” sabay turo sa mga nagpratice kong kasama. “Sigurado, promise!” sabay naman angat ng kanang kamay panunumpa.
“Sure…” sagot ko, pinakawalan ang isang mala-demonyong ngiti. “Yeheeeey! Next week, magkakaroon na ako ng girlfriend!” sigaw ng utak ko. Sa isang linggo na kasi ang invitational na labanan namin ng sister university namin sa kabilang syudad.
So habang palapit na palapit ang invitational match at practice ng practice ang team namin, umiiskapo naman ako at nag-alibi na may lagnat pa upang di makasali at di makita ni Trisha sa practice, hindi madudahang player ako.
At dumating nga ang takdang oras. Nagsalita ang university presidents ng dalawang school at prinoklama kaagad ang pagsisimula ng match. Palakpakan ang mga tao.
Ngunit sa araw bago pa man magsimula ang laban, ipinaalam ko na sa mga opisyales, announcer at pati na rin ang director ng school naming na ang pangalan ay si Sister Lara Mhae ang plano ko. At lahat naman sila ay naki-kontsaba tila nati-thrilled pa nga.
Nandun na sa court ang mga kalaban namin at tinawag na rin isa-isa ang mga home team players. Isa-isa din silang nagsitakbuhan papuntang court. Masigabong palakpakan dahil sa home team kami.
Ngunit kasali sa planong di muna ako tawagin kaya naiwan ako sa holding room, naghintay sa cue.
Nung nandun na ang lahat ng players sa court (maliban sa akin) at nakapwesto na ang first five players sa dalawang magkatunggaling teams, nagsalita ang announcer. “As a request from one of the players of the home team, I would like call, to do the ceremonial toss, please welcome a transferee but very much a basketball fanatic, Miss Trisha Suarez!”
Dinig na dinig ko ang palakpakan ng mga tao at ramdam ko naman ang paglakas ng kabog ng dibdib ko. Alam ko na si Trisha ay namangha din sa di inaasahang pagtawag sa pangalan nya.
Nung nandun na si Trisha sa gitna ng court at hawak-hawak ang bola, nagsalita na naman ang referee, “Ladies and Gentlemen, it is my pleasure to call the home team’s Most Valuable Player, please welcome Mr. Francis Villamor!!!”
Nakakabingi ang palakpakan ng mga tao sa stadium. Tumakbo kaagad ako sa gitna ng court dala-dala ang isang dosenang red roses at nung makarating na, kitang-kita ko kaagad ang pamumula pa ng mukha ni Trisha na tinatakpan ng isa nyang kamay, di makapaniwala sa nasaksihan, bakat ang isang ngiting nininerbyos.
Agad ibinigay sa akin ng announcer ang microphone at ang nasambit ko ay, “Hi Trisha!” sabay abot sa kanya sa isangdosenang red roses.
Hiyawan, palakpakan, sipulan ang mga tao, mas nakakabingi ang ingay sa loob ng stadium. Hinawakan naman muna ng isang player ang bola at tinanggap ni Trisha ang mga bulaklak, ramdam kong di pa rin sya makapaniwala sa pangyayari, pulang pula pa rin ang mukha.
Nagsalita ulet ako. “Sinabi mo sa akin sa mismong stadium na to, na sasagutin mo ako – on the spot - kapag isa ako sa myembro ng varsity team ng university naten at manligaw ako sa iyo. Pwes… player ako at ngayon, nanligaw sa iyo. Hinihintay ko ang iyong matamis na ‘OO…’”
Hiyawan ulet, palakpakan, sipulan ang mga tao. Isang segundo, dalawang Segundo, tatlong segundo, apat, lima, anim, pito… hindi pa rin nakaimik ni Trisha.
“Oo! Oo! Oo! Oo!” ang sigaw ng mga tao.
Gumapang na sa akin ang kaba sa hindi kaagad pagsagot ni Trisha. Hanggang sa siguro may isang minuto din ang nakalipas at tila magsasalita na sya, inilapit ko ang mikropono sa bibig nya.
“Oo! Sinagot na kita Francis.”
Tila guguho naman ang buong stadium sa matinding palakpakan at hiyawan ng mga tao lalo na nung niyakap ko sya at naghalikan kami sa gitna ng court…
Yan ang di ko malimutang tagpo namin ni Trisha. Kaya nung maghhiwalay kami, sobrang sakit ang naramdaman ko, lalo na alam ng lahat ang relasyon namin. Gumuho ang mundo ko, naglaho lahat ng pag-asa…
Para akong napako sa kinauupuan sa nalaman, tuluyan ng nalimutan ang sikretong ibubunyag na sana. Naawa, nakita ang kagandahang-loob nya, ang paghihirap nya.
“Hey, pareng Cris, nanjan ka pa ba?” message nya.
“Dito pa pare. ”
(Itutuloy)
Followers
Tuesday, January 11, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
Parang nabasa ko na sa ibang story yung basketball court scenario, ibang karakter lang!
ReplyDeleteBen