By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
----------------------------------
“Dyahe naman, ako lang ang nagkukuwento. Kaw naman magkwento pare…”
“Patay, panu na to…” bulong ko sa sarili. “Ok lang na ikaw magkwento pareng Francis. Sige, ipalabas mo pa sama ng loob mo. Dito lang ako makikinig.”
“Salamat pareng Cris at pasensya na. Talagang nalulungkot lang ako eh.”
“Ok lang yun…Oo nga pala, buti’t di ka naging woman-hater sa ginawa sa iyo ni Trisha?”
“Hindi naman, pareng Cris. Kahit ganun kasakit ang ginawa nya, alam ko, hindi naman lahat ng mga babae katulad nya. And I don’t blame Trisha. Siguro nga, talagang hindi kami para sa isa’t isa.”
Lalo naman akong humanga sa ipinakita nyang paninindigan. “Marahil nga, pareng Francis. At wag kang mag-alala, makakapag move-on ka rin at mahanap mo rin ang babaeng para sa iyo. Kaw pa, ang daming nagka-crush sa iyo jan.”
“Hehehe! Marami pa talaga ha. Sana nga pare… Maiba tayo, may girlfriend kana rin ba?”
“Ulk!” Napalunok naman ako sa nabasa nyang message. “Wala pa pare, wala pa” ang naisagot ko nalang.
“Hahahaha! As in virgin ka pa, pare?”
Natawa naman ako sa tanong nya. “Oo pare, hehehe”
“Hahaha! Kung nagkataong babae ka, pare, liligawan na kita eh. Para kasing ang gaaan-gaan ng loob ko sa iyo. Parang ang tagal na nating magkakilala. Tsaka, galing mo, nakikinig ka sa problema ko.”
Tila naman nakakita ako ng maraming anghel sa sinabi nya. Masaya ako sa comment nyang iyon. “E… Ano naman ang type mo sa babae, pare?”
“Hehehe. Ewan. Basta, kapag nanjan sya at bigla nalang titibuk-tibuk ang puso ko to the point na kahit malaking kahihiyan ay tatahakin ko para lang nya.”
“Ganun lang?”
“Oo. Yung bigla ko nalang gagawin ang isang bagay na ipagtanggol sya kahit masakit, nakakahiya, o weird. Pag nagawa ko iyon, alam ko sya na.”
“Kahit pagtatawanan ka ng mga tao? Kahit nakakahiya”
“Wala akong pakialam basta maipagtanggol ko lang sya. Kahit nakakahiya… Kahit tatalon pa ako sa putikan. Kahit ibubuhis ko pa ang buhay ko.”
“Kahit sinong babae?”
“Kahit sino. Basta sya ang ituturo ng puso ko…”
Sa nalaman ko sa kanya, lalong lumalalim ang pagtingin ko kay Francis. “Iba ka pala kapag nagmahal, pareng Francis. Sagad sa buto. Sana ako ganun din…” ang naitype ko nalang. “Pare, gabi na at marami na tayong napagkwentuhan, out muna ako ha?” dugtong ko.
“Ok pare. Salamat sa oras at sa pakikinig mo. Kaw kasi di ka nagkwento.”
“Salamat pare sa tiwala. Next time nalang yung kwento ko. Ingat!”
“Kaw din, ingat. O kelan tayo magkita para naman may kasama-sama ako sa skul o mga gimik. Imbitahan mo naman ako.” Pahabol nya.
“Sige pare, kapag meron, magkita tayo, isama kita sa gimik. Bye!”
“Ok pare. CU!”
Pagkatapus ng chat namin, napagdesisyonan ko na hayaan na lang na maging secret chat-mate nya ako at di nalang magpakilala. “Wala naman sigurong mawawala sa akin kapag ganun ang setup” sabi ko sa sarili. Napagdesisyonan ko rin na di ko na sya aawayin pa at iwasan ko na lang na magkalapit man o magkatagpo pa ang landas naming sa skul.
At yun nga ang ginawa ko. Kapag nakikita ko sya sa library, kusa na akong umaalis nya o pupwesto sa isang malayo na lamesa. Kapag sa canteen naman, ganun din, aalis o lalayo ako. Kahit sa English class, wala kaming imikan. “Siguro ganyan na lang talaga. Mananatili na lang nya akong secret friend… at sya, secret crush ko. Ok lang. At least, sinasabi nya sa akin ang mga problema nya.” bulong ko sa sarili.
Ngunit isang araw napadayo ako sa may likuran ng school campus gawa ng may pinuntahan ako sa office ng non-teaching personnel. Ang office na iyon ay tatawirin pa ng may 100 meters na isang makitid na pathwalk na ang magkabilang gilid naman ay palayan. Dahil sa maulanin ang season, punong-puno iyon ng putik at ang palayan ay may mga katatanim pa lang na mga usbong ng palay, siguro sa araw ding iyon dahil bakat pa ng mga paa ng mga nagtatanim na halos hanggang tuhod ang lalim ng putik. At yung putik ba naman na mejo malambot na malapot-lapot, halos purong putik talaga at kulay itim.
Nagmamadali ako sa paglalakad sa pathwalk na iyon nung masulypan ko si Francis galing din sa office ng non-teaching personnel at patungo na sa pathwalk, makakasalubong ko! Dahil sa sobrang pagkalito, bigla akong tumalikod at patakbong pabalik na sana. Ngunit natapilok ako at “Splak!”
Bumagsak ako sa palayan, subsob ang mukha sa putik, at lubog sa putikan ang buong katawan, ang mga gamit ay nagkalat sa palayan. “Arrgggggghhh! Shit!” ang sigaw ko.
Sa sobrang hiya at sa harap pa man din ng taong iniiwasan, hindi ako gumalaw, hinayaan ang sariling nakadapa pa rin sa putikan, ang mukha ay bahagyang iniangat upang hindi makalanghap ng tubig. “Gosh! Ano ba to! Kakahiyaaaaa!” sigaw ko sa sarili, nanatiling nakalubog ang buong katawan, hinintay na makadaan si Francis at saka na ako tatayo. Hindi ko ibinaling ang mukha para maiwasan ding ma-identify kung sino ako, pinakiramdaman ko na lang kung may dumaan na sa pathwalk.
Isang minuto, dalawang minuto… tila napakabagal ng oras. Ngunit walang dumaan. Pakiwari ko ay huminto sya at pinagmasdan ang porma ko. “Huhuhuhu! Ano ba to, siguro pinagtatawanan ako ng hunghang! Siguro tuwang-tuwa iyon sa postura ko! Siguro, hindi sya aalis hanggang hindi ako tatayo at magmakaawa sa kanyang hilahin ako sa putikan.” ang bulong ko sa sarili, na di pa rin kumilos, nakadapa pa rin sa putikan.
Hanggang sa hindi na ako nakatiis at iniangat ko na rin ang mukha, lumingon sa may likuran. Nandun lang pala si Francis, nakatayo at tinitingnan ako! “Arrrrrggggggh!” Nag sigaw ko ulet sa sarili. “Talagang pinapahiya ako ng taong ito! Siguro kinunan nya ako ng video at ilagay iyon sa youtube! Huhuhuhu!”
Tatayo na lang sana ako at haharapin nalang ang kahihiyan nung bago ako makakilos ay narinig ko naman sa tabi ko ang malakas na “Splash!”
Tiningnan ko kung ano ito. “Si Francis! lumundag din sa tabi ko!” At nagkalat din ang mga gamit nya sa putikan!” Sigaw ng utak ko. “Anong ginawa mo?” Sigaw ko sa kanya.
“Opppssss! Wag mo akong talakan, wag mo akong talakan!” Inunahan na nya ako, tila nagwawarning na wala syang masamang intension sa paglundag din dun. “E, antagal ko kayang naghintay na tumayo upang tulungang hilahin ka sa putikan na to. Ayaw mo yatang tumayo eh. Ayan, may mga tao ng dumadaan o, kaya napag-isip-isip ko na tabihan ka nalang. Baka kako kailangan mo ng kasama.”
Ibinaling ko ang paningin sa pathwalk at may mga tao na ngang dumadaan, ang iba ay nakatingin sa amin, nagtatawanan.
“O ano… at least di ka nag-iisang pinagtatawanan” ang pahabol nya.
Imbes na ninerbyusin at mahiya, napangiti na lang ako sa ginawa nyang pagdamay sa akin. Ang ginawa ko, dumampot ako ng putik at pabirong ibinato iyon sa mukha. “Ganun, gusto mo pala ng putik, ummm! At heto pa ummm!”
Binato din nya ako ng putik. “Heto din ang sa iyo, ummm!”
At nagbatuhan kami ng putik, tawanan at hiyawan. Ang matinding hiya at takot na nauna kong naramdaman ay biglang naglaho. Batuhan, harutan hanggang sa halos hindi na ma-identify ang mga mukha namin dahil sa nababalot na kami ng putik. Ang blouse kong kulay puti at puting t-shirt din ni Francis ay naging kulay itim na at balot na balot sa putik.
Nasa ganung ayus kami nung sumigaw ang nag-aalaga ng palayan na iyon. “Hoy! Umahon na kayo jan! Maraming linta jan!”
Bigla namang nagsitayuan ang mga balahibo ko at sa tindi ng takot sa narinig, napatalon ako at napasigaw ng “Eeeeeeeeeeeeeeeewwwww!” At namalayan ko na lang na nakayakap na ako kay Francis ng mahigpit. “Uhuhuhu! Francis! Francis!”ang tila batang nagtatalon-talon sa matinding nirbyos.
Dali-dali naman akong hinila ni Francis patungo sa pathwalk at nung nandun na ako, bumalik naman sya sa putikan upang pulutin ang mga gamit namin.
“Eeeeeeewwwww!” Ang sigaw ko. “Uhuhuhuhuh! Yukkkkkk!” Ang sigaw ko habang wala pa rin akong tigil sa katatalon.
Tawanan pa rin ang mga nakiusyosong tao at patuloy sa pagkantyaw, paghiyaw. Ang iba ay nagpalakpakan.
“Francis! Kalabaw lang ang naliligo jan bro!” ang sigaw ng isang bagong kaibigan ni Francis.
Hindi kumibo ni Francis. Nung makaahon na, pabiro itong dumampot ng putik galing sa katawan nya at akmang ihahagis ito sa mga taong nagkakantyawan. Unahan sila sa pagtakbo palayo sa amin.
Natawa nalang si Francis. “Dun tayo sa building ng non-teaching personnel. Alam ko may gripo sila dun. Dun tayo maglinis.” Ang mungkahi ni Francis.
“Tumango naman ako, sunod-sunuran nalang sa sinabi nya.”
At dun nga kami naligo sa banyo nila. Nakahiram din si Francis ng dalawang tuwalya at pinauna nya akong gumamit ng banyo. Pagkatapos kung maligo, nilabhan ko na rin ang damit ko kahit walang sabon at piniga ng maigi. Kahit basa pa rin iyon, isinuot ko muli para lang may maisuot pauwi.Walang katao-tao sa banyo kaya kampante lang ako, diretso sa isang cubicle na ang nakatakip ay plastic curtain lang habang si Francis naman ay sa kabilang cubicle.
Nung lumabas na ako, nandun na rin si Francis at nakatapis na ng tuwalya na low waist pa, halos makikita na ang mga balahibo ng kanyang harap. Tila nakakita ako ng multo sa hitsura nya. Ngunit ang mas lalo kung ikinamangha ay ang magandang hugis ng katawan niya. Tila may mga pandesal ang tyan at walang kataba-taba, malalaking mga biceps at chest muscles. Syempre patay malisya lang ako pero wag ka, naka photographic memory ang lahat ng iyon sa isipan ko.
“Tapos kana rin?” Tanong ko.
“O-o. Katatapus lang din.” Nag sagot nya na sa pakiwari ko ay namangha din sa nakita sa anyo kong tuwalya lang ang nakabalot sa may banding dibdib hanggang sa baba konti ng harapan ko.
Di ko rin alam kung ano ang nasa isip nya pero di ko nay un binigyang pansin. Pero ang nasambit nya lang ay, “Ganda pala ng katawan mo!”
Na sya ko namang ipinag-react kunyari. “Hoy! Francis, wag kang ganyan…”
“Ito naman o… Sige na wala na akong sinabi” ang pagbawi nya.
“Woi, panu ako makauwi nito…”
“Wag kang mag-alala, isuot mu ulet yung ba sa mo pang damit at hiramin muna natin ang tuwalya, ibalot mo sya sa katawan mo at sasakay na tayo ng tricycle.”
“S-sige.” Ang sagot ko naman
At dali-dali akong tumalikod at bumalik sa loob ng banyo upang magbihis. Isusuot ko na sana ang blouse nung mapansing may kumati na parang gumagalaw na bagay sa mismong boobs ko. Nung tiningnan ko ito, napasigaw nalang ako. “Lintaaaaaaa! Francis! May lintaaaaaaaaa!”
Bigla din namang sumulpot sa loob ng banyo ni Francis, nakatapis pa rin ng tuwalya at niyakap ko kaagad at nagtatatalon na naman habang yakap-yakap sya. “Asan ang linta?” tanong nya.
“Anjan o…” iniungos ko ang mga labi turo sa may boobs ko. Dali-daling kinamay iyon ni Francis at tinangkang tanggalin duon. Ngunit sa kapipiglas at kakayakap ko sa kanya, sabay na nagkalaglagan ang mga tuwalya namin…
(Itutuloy)
Followers
Wednesday, January 12, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
No comments:
Post a Comment