Followers

Friday, April 8, 2016

Enchanted (Book 2) Child of the Light Chapter 27 - 33

Nasa chapter 60 na tayo sa Wattpad. Hanapin ninyo ako doon. Ang username ko ay PeterJDC. Follow me para updated kayo lagi. Nasa profile ko ang mga stories kabilang itong Child of the Light. Hihintayin ko kayo doon.





















Ang Child of the Light ay pangalawa sa Enchanted series. Ang una ay Enchanted: Broken na makikita ninyo dito sa MSOB o sa Wattpad profile ko. Ang mga kwentong ito ay pinaghalong boyxboy at modern urban fantasy. Salamat sa mga sumusubaybay.























Sir Mike Juha, maraming salamat!




Chapter 27

Habang kumakain sa karinderia malapit sa tinutuluyan ay napatigil siya dahil sa isang balita tungkol sa namataang waterspout sa Manila Bay. Muli niyang naalala ang mga hiyas. Sabi ng lolo niya ay mararamdaman niya ang kapangyarihan ng mga ito. Ngunit kung ang may hawak ng hiyas ang may gawa ng buhawing iyon ay hindi niya masiguro dahil wala siyang naramdamang kakaiba.

Hinihintay niyang bumulaga ang matanda sa paligid upang sabihin sa kanyang natagpuan na niya ang may hawak sa hiyas ng hangin, ngunit hindi ito nagparamdam sa kanya nang buong gabing iyon. Kung bakit ay hindi niya alam at hindi niya na rin inisip.

Nang makapagpahinga sa kanyang silid ay tiningnan ni Errol ang mga print copies ng silweta nila ni Jansen na kinunan ni Liz apat na buwan na ang nakakalipas. Ang ganda ng mga larawan. Isa sa mga larawan ay ang magkahawak sila ng kamay ni Jansen. Sa silwetang larawang iyon ay magkaharap sila ni Jansen. Ang kanilang itim na mga pigura ay napapaligiran ng pulang kulay ng kalangitan. Sa likod ng kanilang magkahawak na kamay ay ang kulay dalandan na bilog, ang lumulubog na araw.

Napangiti si Errol habang nakatingin sa mga litratong iyon. Naalala niya si Ivan. Sana si Ivan ang lalaking ‘yon. Sana pwede. Tumunog ang kanyang telepono.

“Hi,” saad ni Jansen sa text.

“Oy, ano’ng meron?” sagot niya.

“Di makatulog?”

“Oo eh. Ikaw din?”

“Kamusta na? Long time no see, no talk.”

“Busy sa work. Hehe”

“Pupunta ako ng Taguig bukas.”

“Talaga?”

“Oo. May bibisitahin akong kamag-anak.”

Hindi alam ni Errol ang isasagot.

“Pwede ba tayo magmeet bukas?” tanong ng binatang naaalala ni Errol sa makakapal nitong salamin.

“Sure. Teka, anong oras ka ba paparito sa Taguig?”

“Umaga pa lang. Actually, diyan ako buong araw.”

“After work na lang siguro. Pero baka masyadong matagal.”

“Nope. Okay lang. Sige bukas. Mga 6 p.m.?”

“Okay. Hehe”


* * *


Kinabukasan pagkatapos ng trabaho ni Errol ay nagkita nga sila ni Jansen sa isang coffee shop.

“Hey, nice to see you again,” bati ni Jansen sa kanya.

Napansin ni Errol na bago na ang salamin nito. “Sira talaga ang mga mata mo, ‘no?”

“Yup, since high school.”

“Malabo talaga paningin mo pag wala yan?”

“Oo, yung tipong hindi ko mabasa ang mga signage tapos di ko makilala yung mga tao kasi blur lang yung mga mukha nila.”

“Pwede patry?”

“Sure!” Tinanggal ni Jansen ang kanyang eyeglasses at inabot ito kay Errol.

“Mas cute ka pag walang salamin.” Nakita niyang ngumiti ang kausap. Sinuot ni Errol ang salamin.

“Bagay sa iyo magsalamin,” saad ni Jansen na nakangiti.

“Nakakahilo!” Agad niya itong inalis. “Grabe pala sira ng mata mo.”

“Hindi naman. May kilala ako doble ang grado ng salamin niya.” Sinuot ulit ni Jansen ang kanyang salamin. “So how are you?”

“I’m fine.” Ngumiti si Errol. “Kamusta na si Ate Liz?”

“Iyon may dinedate. Finally, may love life na yata. Ikaw, how’s your love life?”

“Wala akong panahon sa love life.”

“Walang panahon o natatakot?”

“Hmmm. Both?”

“Bakit ka natatakot?”

“Parang hindi naman possible yan sa akin.”

“Why so?”

“Hindi ko alam if may magmamahal sa akin.”

“Wow, senti.” Ngumisi si Jansen. “Baka naman meron, tinatanggihan mo lang.”

“Ikaw ba, may love life ka?”

“Wala pa.”

“Bakit?”

“May gusto ako pero parang di pa siya ready.”

Naintriga si Errol sa pagkakangiti ni Jansen sa kanya. “Ligawan mo kaya.”

“Lalaki siya.” Ngumisi ito.

Oo nga pala. Naalala ni Errol. Bisexual nga pala si Jansen. “Eh di ligawan mo na rin.”

“Bakit, magpapaligaw ka ba?”

Sa pagkabigla ay nasamid si Errol at napaubo ng ilang beses bago makasagot. “Ha?”

“Errol, I like you.”

Dahil sa pagkabigla ay hindi niya alam ang akmang isasagot. “Sigurado ka?”

Tumango si Jansen.

Ngayon lang may tahasang nagsabi kay Errol na gusto siya nito. “Nagtitrip ka yata eh.” Ngunit napansin ni Errol na biglang nailang si Jansen. “Huy!”

“Gusto talaga kita.” Napakamot ito sa ulo.

Napansin ni Errol na namumula ito at tila nahihiya na. “Pa’no? Bakit?”

“Hindi ko alam. Nung nag-usap tayo dati sa mall parang I liked you na.”

“Flattered naman ako. Pero hindi ko alam. Pa’no ba ‘to?”

Ngumiti lang si Jansen.

“Pwede bang friends na lang muna? Marami pa kasi akong aayusin, sarili ko, buhay ko...” At ang sinasabi ng lolo niyang nagbabadiyang lagim. Kahit hindi kumbinsido si Errol sa mga kwento ng lolo niya ay nababahala na ito sa pagdaan ng mga buwan lalo pa’t tila isa-isang nagiging totoo ang mga sinasabi nito. Ang mga kababalaghang nasaksihan ay hindi na rin biro.

“Okay lang.”

“Can I keep you as a friend?”

“Oo naman. Hindi ka naman mahirap kaibiganin.”

“Salamat. Bakit hindi mo ginagalaw ang kape mo?”

“Hindi kasi talaga ako umiinom ng kape.”

“Bakit ka umorder ng kape?” Ngumisi si Errol.

“Para sabayan ka.”

Hindi alam ni Errol ang idudugtong sa kanilang usapan. Palingon-lingon na lang ito sa mga ibang nandoon hanggang sa narinig niyang magsalita ulit si Jansen.

“Kamusta na kayo nung...”

Hindi kaagad nakasagot si Errol.

“If you don’t mind... Sorry, ang tsismoso ko.”

“Okay lang. Hindi na kami nag-uusap.”

“Bakit? Di ba iniwan namin kayo ni Ate Liz sa Baywalk noon?”

“Yun na yung last naming pagkikita.”

“Bakit?”

“Paano ko ba ipapaliwanag?”

“Sabihin mo lang kung ano’ng pwede mong sabihin.”

“May mga masakit kasi siyang ginawa at sinabi sa akin.”

“Masakit talaga, ‘no, kapag galing sa minamahal mo?”

Tumango si Errol, tinuon ang atensiyon sa kanyang tasa, at ngumiti.

“Hindi mo na ba siya kayang patawarin?”

“Hindi naman sa ganun. Minahal ko yun. Kahit paano naging malapit siya sa akin. Kaya hindi siya mahirap patawarin.”

“Mahal mo pa rin ba siya?”

Hindi alam ni Errol ang isasagot. Mahal pa nga ba niya ito? “Hindi ko alam. Ayoko ng isipin. Gusto ko na lang ipagpatuloy ang buhay ko. I’m sure masaya na yun.”

“Pa’no kung mahal ka rin niya?”

“Mahal as in romantic na pagmamahal? Imposible yata. Napalapit sa akin yun kasi sabi niya naaalala niya raw sa akin yung namatay niyang kapatid. Kapatid ang turing niya sa akin. Tsaka andami nung kaibigang babae. Nakikita ko lagi sa Facebook niya.”

“Stalker ka pala niya sa Facebook.” Tumawa si Jansen.

Tumawa rin si Errol. “Noon. Ikaw ba, wala kang sinu-stalk sa Facebook?”

“Ikaw sana pero wala ka naman dun eh.” Ngumiting muli si Jansen.

Halos mabilaukan si Errol. “Grabe ka. Hindi ka man lang pumreno.”

“I really like you, Errol. You’re deep. Masarap ka kausap.”

Hindi alam ni Errol ang isasagot. “Gusto rin kitang kausap kasi parang andami nating pwedeng pag-usapan.”

“Hindi ba talaga pwede?”

“Sorry, Jansen. Hindi pa ako ready.”

“Nandiyan pa kasi siya.” Marahang tumawa si Jansen.

“Hindi naman sa ganun.”

“Okay lang. Pero friends pa rin tayo ha.”

“O, ba.”

“Pwede bang friends with benefits?”

“Ha?”

“Biro lang. Don’t worry, kahit finriendzone mo ako, I’ll stick around.”

“Grabe, pinapaguilty mo naman ako.”

“Dapat talaga maguilty ka.” Yumuko si Jansen at kinaraw ang kapeng hindi pa niya ginagalaw.

“Okay sige payag na ako sa friends with benefits.”

“Talaga?”

“Joke lang.”

Natawa ulit sila.

“May sense of humor ka rin pala.”

“Lahat naman tayo meron nun,” sagot ni Errol.

“Teka, nagdinner ka na ba?”

“Hindi pa.”

“Dapat pala nadinner tayo bago tayo nagkape.”

“Oo nga, ‘no?”

Kung anu-ano pa ang pinag-usapan nila habang kumakain sa kalapit na restaurant.

“Thanks for the company,” saad ni Jansen nang matapos sila kumain. Nasa labas na sila ng restaurant na iyon.

“Ako dapat magthank you. Ang sarap mo kausap.”

“Ikaw rin naman masarap kausap.”

“So pa’no, uuwi ka na?”

Tumango si Jansen. “Can I hug you?”

“Okay.” Nagyakapan ang dalawa. Ngunit biglang namiss ni Errol si Ivan. Kamusta na kaya siya?

“Kung kailangan mo ng kausap, I’m just a text or call away.” Bumitaw na si Jansen.

Tumango si Errol. “Salamat, Jansen.”

Tinanaw ni Errol ang binatang nakasalamin habang naglalakad ito palayo. Napangiti siya dahil kahit paano ay hindi siya nakaramdam ng pagiging isa.






Chapter 28

Sinalubong si Ivan ng tarantang si Manang Jean pagkauwi nito mula sa convenience store. “O, manang, ano’ng problema?”

“Ivan, andito ang mommy mo!”

“Talaga?”

“Nasa sala siya.”

Kinabahan si Ivan. Di niya alam kung bakit andito sa bahay ang nanay niya gayung sinabi niya noon na ayaw na niyang pumarito. “Ma, naparito kayo?” Nakita niya itong tumayo mula sa pagkakaupo.

“Ano itong nababalitaan ko na pinapabayaan mo na ang farm?”

“Ma, akala ko ba hindi ka interesado dun?” Sumimangot si Ivan.

“Excuse me?” Umirap ang ina ng binata na tiniklop ang mga bisig.

“Bakit bigla bigla interesado kayo sa lupang yun?” Binagsak ni Ivan ang katawan sa sofa sa sala. Nakita niyang bumaba ang tingin ng kanyang ina sa kanya.

“I’m just worried about your future, son, your welfare.”

“Ma, I’m fine.” Giniya ng binata ang kanang kamay sa kanyang buhok. Halatang irita na ito. “Yan lang ba ang pinunta mo dito?”

“Hindi ko gusto yang tono mo.” Kumunot ang noo ni Daniella na nakaturo ang hintuturo sa anak. “Aren’t you glad to see me here? Di ba gusto mo akong pumunta dito sa bahay?”

“I’m tired, ma.” Umiling si Ivan.

“I don’t see why you’re tired. Ganyan na ba kahirap magpatakbo ng isang maliit na tindahan?”

“Ma, hindi isang maliit na tindahan lang ang pinapatakbo ko.”

“Call it what you wanna call it, Ivan, but it’s still a small business.”

“Ma, magtatalo na naman ba tayo?” Tumayo si Ivan at naglakad papunta sa itaas, sa kwarto niya.

“When will you take your life seriously?”

Natigilan ang lalaki. Hinarap nito ang kanyang ina. “You think I’m not taking my life seriously?” tanong niya na nakaruto ang daliri sa dibdib niya.

“You’re not getting any younger.”

“I know, ma. Hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko.” Nakasimangot na niluwagan niya ang kanyang kwelyo.

“I see. Pero kelan mo ako tutulungan sa pagpapalakad ng ibang negosyo natin?” Bumaba ang boses ni Daniella.

“Negosyo niyo ni papa, ma!”

“Ivan, hanggang ngayon ba” -- umiba ng tingin ang ina ng binata -- “hindi mo pa rin mapatawad ang iyong papa?”

“It’s not that, ma.”

“Then what is it?” Humarap muli ang nakagayak na ginang sa anak. “What’s the problem?”

“Ma, I’m tired. Wala ako sa mood na pag-usapan yan.”

“Ivan, you have to think about this. It’s for our future. Alam mong hindi ko kayang patakbuhin mag-isa ang lahat ng negosyong iniwan ng ama mo.”

“I know, ma. I’m sorry. Bukas na bukas pupuntahan ko ang farm natin.”

“Hindi natin. That farm is yours. You know that.”

“As you wish, ma.” Nakita ni Ivan na lumapit sa kanya ang ina at hinawakan ang mukha nito.

“Pumayat ka yata,” saad ni Daniella na nakasimangot sa anak. “Are you under some kind of stress?”

“Wala ‘to, ma.”

“Take care of yourself, son. I don’t want to lose you too.”

Natigilan si Ivan sa narinig. Noon niya lang narinig ang ganoong pag-aalala ng ina.

“Looks like you took care of the house.” Ginala ni Daniella ang kanyang tingin sa buong bahay.

“Laging naglilinis dito sina Manang at si Lindy.”

“Ganun ba?”

Bigla silang tinungo ng kasambahay. “Ma’am Daniella, Ser Ivan, handa na po ang dining table,” saad ni Manang Jean.

“Manang, bakit may ser pa?” tanong ni Ivan na nakasimangot. Ayaw niyang tinuturing siyang boss ng mga kasama sa bahay. Parang pangalawang nanay na niya si manang. Subalit alam din niyang naging pormal lang ang tawag sa kanya ni Manang Jean dahil nandirito ang kanyang ina.

“Ah, sige na po. Tumuloy na kayo sa hapag kainan.” Nakangiti si Manang habang tinuturo ang dining room.

“Dito ka kakain, ma?”

“Yes, why?”

“I thought you didn’t like to be here anymore.”

“Let’s just say I miss this house.” Ngumiti ang ina ni Ivan.

Ngumiti si Ivan. Kahit paano ay napasaya siya ng pagtigil ng ina sa bahay nila. “Why the sudden change, ma?”

“I’m getting older, and I realized you’re the only family I got.” Hinaplos nito ang pisngi ni Ivan.

Nangingilid ang luha sa mata ni Ivan nang makitang naluluha rin ang mata ng ina. “Ma!” Niyakap nito ang ina.

“Take care of yourself, son. Will you?”

“I will, ma,” saad ni Ivan.

“So what’s for dinner?” tanong ni Daniella.

“Ang favorite dishes niyo po, ma’am,” sagot ni Manang Jean.

“Kare-kare and pochero! I miss these!” nakangiting bulalas ni Daniella habang umupo sa tapat ng dining table.

Masayang kumain ang mag-ina na noon lang sabay na kumain matapos ang mahabang panahon.

Masiglang gumising si Ivan kinabukasan, ngunit nakaalis na ang kanyang ina.

“Nagmamadaling umalis, ser. May aasikasuhin daw,” saad ni Lindy.

Nalungkot ang binata. Pero gaya ng pinangako sa ina ay pinuntahan niya ang bukid sa Laguna. Isa sa mga dahilan kumbakit hindi masyadong nabibisita ni Ivan ang farm ay dahil sa layo nito. Madalas ay nabuburyong ang binata sa byahe. Bukod pa dito ay walang hilig ito sa pag-aasikaso ng lupaing iyon.



Chapter 29

“Dane!” Agad na tinakbo ni Diana ang kinaroroonan ng Amerikanong naka brown jacket at denim pants. Nakaupo ito sa gilid ng isang lumang restaurant. Agad na nagyakapan ang dalawa.

Madaling lumitaw ang itsura ng banyaga dahil sa kulay ng balat nito, sa buhok nitong kulay light brown na nakausli sa suot niyang knit hat, at sa asul nitong mga mata. Ang kanyang mga pilikmata ay mapupungay. Nakangiti ito habang nakayakap nang mahigpit sa dalaga.

“What are you doing here in the country?” Bumitaw si Diana at umupo sa lumalagitik sa silya. Pinatong niya ang mga siko sa umuugang mesa.

“Director Siler sent me here to do a task.” Ngumiti ang binata habang ginalaw-galaw ang mga hintuturo.

“How’s Rod?”

“Getting old and a little bit cranky.”

Ngumisi si Diana. “Where’s David? Aren’t you always together on missions?”

“Rod thinks I can do this alone. I just need to look for two people.”

“Who?” Kumunot ang noo ni Diana. “By the way, what would you like to eat?”

“Just get me anything edible,” tugon ni Dane.

Pumunta ang dalaga sa counter at umorder. Pagkatapos ay bumalik sa mesa. “So what is your mission?”

Kinuha niya sa kanyang bulsa ang kanyang smartphone. Tila ay may hinahanap siya, at maya-maya pa ay pinakita niya ito kay Diana. “The power outage in Manila earlier this year. The strange lights over Makati that same night. These are on the files of the Homeland Security and have been forwarded to the CIA.”

Naging seryoso ang mukha ni Diana habang nakatingin sa picture ng folder na iyon. Sandali itong sumulyap kay Dane. “You mean...”

Tumango si Dane. “There are CIA agents here in Manila.”

Biglang sumagi sa isip ni Diana ang kanyang ate. Alam niya ang kapangyarihan nito. Ngunit naisip din niyang imposibleng ganoon kalakas ang kapangyarihan ng ate niya. Sa kabilang banda, ilang beses na niyang napapansing kakaiba sa kinikilos nito. Agad niyang binalik ang wisyo sa usapan. “How long have they been around?”

“For a while now.” Lumingon lingon si Dane sa paligid at hinawakan ang kanyang sombrero. “The U.S. Government still thinks it was terrorism.”

“So they think the terrorists are still here?”

Umiling si Dane. “They’re more interested in how they did it. Plunging a city in total darkness requires a technology that hasn’t been seen before, especially not on that grand scale. Most likely it was an EM pulse. But who or what did it is the question.”

Bumuntong-hininga si Diana. “So Rod asked you to find the CIA agents?”

“No.” Umiling si Dane. “He wants me to get to the bottom of this. Rod doesn’t think it’s technology. Rod thinks...”

“It was caused by people like us.” Umiba ng tingin si Diana. Sandaling sumulyap ito sa suot na knit hat ng kausap. Hindi siya komportable sa titig nito, at hindi niya malaman kung dahil ba ito sa asul niyang mga mata o dahil sa tingin ng dalaga ay nababanaagan ng banyaga na may alam siya kahit hindi sigurado. Tumanaw na lang siya sa labas ng salamin sa gilid ng inupuan niya, sa mga kotseng dumadaan at nagsalitang muli. “What will you do if you find them?”

“Rod said he just wants to know their identities.”

“You trust him?”

“No, but I’m kind of getting bored lately. And getting here in your country seems a cool idea.” Ngumiti si Dane, kita ang pagpungay ng kanyang mga mata, ngunit naging seryoso din ang ekspresyon nito sa mukha. “Besides, me and David had a bit of a fight, and...”

Ngumisi si Diana. “And you needed a break?”

“Yeah,” tugon ng banyagang binata.

“So how do you like my country?”

“Pretty hot?” Napakamot sa ulo ang binata.

“Why are you wearing that jacket?” Kunot-noong ngumiti si Diana.

“Right!” Hinubad ni Dane ang jacket. Lumitaw ang kakisigan nito sa suot na puting t-shirt.

Mas lalong napangiti si Diana. “You’re more gorgeous without your jacket.” Nakita niyang pinamulahan ang kausap.

“Stop!” Tumawa ito nang payak.

“No wonder David loves you.”

“And doesn’t want me to talk to other guys.”

“Like Kyle?” Umismid ang dalaga. “Is he still jealous of Kyle?”

Ngumiti lang si Dane at umiba ng tingin. “When are you coming back to the team?”

Matagal bago umimik si Diana at nakatulala sa labas. “I’m not coming back.”

“Why?” Sumimangot si Dane at nilapit ang mukha nito sa kausap. “You’re a valuable member of the team.”

“I don’t want to be an agent, Dane. You know that. I never liked our missions. And I certainly don’t want to be used like a machine.” Nakita ni Diana na natigilan ang kausap. “I’m sorry. I didn’t mean to...”

“That’s all right.” Umiba ng tingin ang banyaga. “I know what you’re trying to say. But you probably know why I called you.” Bahagya itong ngumiti at kinunot ang mga noo na tila nagsusumamo.

“Of course, I won’t let you wander aimlessly. How much did you pay the cab?”

“$200?” Ngumiwi ang gwapong banyaga.

“What!”


Chapter 30

Habang nasa gitna ng byahe ay naalala ni Ivan ang ina. Inasam niyang sana ay tumigil pa ito sa bahay nila, ngunit ganoon talaga ang ina, minsan hindi niya maarok ang timpla. Inisip niyang sana ay bumisita ulit ito sa bahay nang makapagkwentuhan naman sila nang mas matagal.

Sumagi din sa isip niya ang mga katakatakang karanasan na ipinagkibit-balikat na niya rin, dahil kahit ano’ng taimtim ang pag-iisip na gagawin niya hindi niya naman rin mapaliwanag sa sarili.

Sumagi din sa diwa niya si Diana. Hindi maikakaila ni Ivan na tila nagkakagusto na siya sa babae. Sinong lalaki ba naman ang hindi? Pero bigla ring sumagi si Errol sa isipan niya. Kamusta na kaya siya? Apat na buwan na niyang hindi nakikita at nakakausap ito. Nagi-guilty pa rin si Ivan sa kinahinatnan ng kanilang pagkakaibigan ni Errol. Inaako niya ang kasalanan. Pero gusto niya pa rin itong makausap. Gusto niyang makahingi ulit ng tawad. Ngunit paano? Hindi niya ito makontak. Wala na rin ang bahay nila sa Sampaloc. Tiyak galit sa kanya ang mga magulang ni Errol.

Nababahala din siya sa magiging reaksiyon ni Erik kapag nalaman niya ang ginawa niya kay Errol. Pero wala na siyang magagawa. Nangyari na ang mga nangyari. Napabuntong-hininga na lang siya habang nagmamaneho.

Mataas na ang sikat ng araw ng makarating siya sa Laguna. Binati siya ng tanawin sa lalawigan na ibang-iba sa Maynila. Sa Paete ay tanaw niya ang payak na pamumuhay ng mga taong nabubuhay sa paglililok at pagpipinta. May mga nadaanan siyang mga wood carving shops. Bigla niya naalala si Diana. Tiyak magugustuhan niya ang lugar na ito. Maliban sa mga malilikhaing gawain ay pinag-uukulan din ng panahon ng ibang PaeteƱos ang pangingisda at pagsasaka. Pagdating sa lupaing sakahan ay pinagmasdan niya ang malawak na lupaing binalot ng luntiang palayan. Sa malayo ay tanaw niya ang mga bukirin at ang mga puno ng niyog.

Binati siya ng katiwala niya. “Ser, magandang umaga po. Bakit di po kayo nagpasabi na pupunta kayo rito? Sana nakapaghanda kami.”

“Mang Carding, sinadya ko po talaga na surpresahin kayo.” Tumawa si Ivan na nakasuot ng sunglasses.

“Ser, hindi pa ba kayo nag-aasawa?”

“Marami pa pong inaasikaso.”

“Ser, baka may mapili kayo sa isa sa mga nagtitiliang kababaihan dito.” Tinukoy ni Mang Carding ang mga babaeng nasa gilid ng irigasyon sa di kalayuan na nakatingin sa kanya.

“Mang Carding, may lalaki din pong tumitili eh.”

Natawa naman si Carding. “Matinik ka kasi, ser. Pati mga lalaki nahuhumaling sa’yo.”

Biglang sumagi si Errol sa isipan ni Ivan. “Kamusta na po ang farm? Okay ba ang mga pananim?”

“Nako, ser, yun nga. Medyo pineste noong nakaraang buwan, pero naagapan naman.”

“Malaki ba ang nasira?”

“Hindi naman. Tingin ko may kikita naman siguro sa ani sa dalawang buwan kahit papa’no.”

“Problema pa rin ba ang nakawan ng ani?” tanong ni Ivan habang nakapamulsang naglalakad papunta sa sakahan kasama ang katiwala.

“Problema pa rin, ser. Magdadagdag ba tayo ng mga bantay?”

“Sa susunod na buwan na lang kapag malapit na ang ani.”

“Sa bahay ka na lang mananghalian, ser. Magpapahanda ako.”

“Sige po. Salamat!”

Pagkatapos ng pananghalian ay inikot nina Mang Carding at Ivan ang farm. Pinasyal din ni Mang Carding si Ivan sa kanilang orchard. Alas tres na ng hapon nang magpasya si Ivan na umuwi.

“Ser, kailan po uli kayo bibisita dito sa Paete?”

“Magpapasabi lang ako, Mang Carding. Maraming salamat po sa mga mangga,” saad ni Ivan habang tinitingnan ang isang basket ng mangga na pinasok ni Mang Carding sa likod ng kotse niya.

“Pupunta ba kayo dito sa ani o mag-aabang na lang kayo sa bigasan ninyo sa Maynila?”

“Kung may panahon ako, pupunta ako dito sa ani para naman matingnan ko. Kung hindi baka nga dun na lang ako mag-aabang sa bigasan.”

“Kayo pa rin po ba ang namamahala doon?”

“Oo, ako pa rin. Di na kaya ni mama kasi may ibang business pa si dad.”

“Ah, sige ho. Ingat na lang sa byahe, ser.”


Chapter 31

Habang nasa rooftop ng gusali kung saan naroon ang kompanyang pinamamahalaan ng kanyang ate ay tanaw niya ang mababang araw at ang mga katabing gusaling nasisinagan ng madilaw na liwanag. Dama ni Diana ang hanging tumatama sa kanyang pisngi at nagpapagalaw sa kanyang kulot na buhok. Ginugulo ng hangin ang mga laso sa kanyang suot na damit at ang kanyang saya. “Are you sure about this?”

“This is what I went here for,” sagot ni Dane habang nakakunot ang noong nakatingin sa maaraw na kalangitan. “Besides, I only have one day.”

“Isn’t it too hard on your brain?” Nakapamewang si Diana habang ang nakatagilid ang ulo sa kausap. Nag-aalala siya kahit papaano.

Umiling ang binatang banyaga. “I don’t think so.”

“Have you done this before?”

“Not really.” Ngumiti ang binata.

“Then it could hurt you.” Lumapit si Diana dito at sumimangot.

“That’s why you’re here.”

“But...” Hindi maituloy ni Diana ang sasabihin. Nakita niyang tinanggal ni Dane ang kanyang suot na sombrero at inabot ito sa kanya.

“Wear this.”

Tinanggap ito ng dalaga na may pag-aalinlangan. Tiningnan niya ang loob nito at nakita niya ang mga electrodes sa loob. “These things are disgusting.”

“They keep me from having to focus on controlling my powers all the time.” Inayos ng lalaki ang buhok. “You know, right?”

“I thought you already learned how to control your powers without this.” Umismid ang dalaga habang winawagayway ang knit hat.

“Yes. It’s just for caution. With that, I have zero chance of accidentally reading someone’s thoughts. I want you to wear it.”

Tumango si Diana. “I know. I know. Rod wants you to wear it.” Sinuot na niya ang sombrero.

“That’s why I don’t trust him.”

“I know, and you know I feel the same way.”

“The only difference is you can afford to live without him.” Pinasingkit ni Dane ang mga mata habang nakatanaw sa malayo. “David and I can’t.”

Sandaling lumingon si Diana sa kausap at pagkatapos ay ginala ang tingin sa paligid. “Sooner or later you’ll have to figure out how to live on your own.”

“We’re actually planning to go back to college. This isn’t the kind of life I want to live for the rest of my life.”

Tumango si Diana at sandaling yumuko upang mag-isip ng akmang tugon. “Doesn’t David like the job?”

“He’s pretty much fixated on it.” Binulsa ni Dane ang mga kamay.

“Among us, he was the most enthusiastic.”

“He loves the job. Gets excited every time we go on a mission.”

“But you can’t leave him, right?” Ngumiti si Diana habang nakatingin sa malayo.

Tumawa nang payak ang banyaga. “We have frequent fights, but we still care about each other. I can’t leave him with Rod. Besides, that guy misses me right away.” Kinuha niya ang cellphone, binuksan ito, at ngumiti. “He’s been sending me messages since I left.”

“You guys can’t be any mushier.”

“No.” Tumawa si Dane.

Sandaling katahimikan ang namayani habang ginagala ng dalawa ang mga tingin. Maya-maya pa ay nagsalita na rin ang banyaga.

“It’s time.”

Hinawakan ni Diana ang bisig nito. “Be careful.” Nakita niyang ngumiti ito at pagkatapos pumikit. “What are you doing?”

“Be quiet. I’m trying to scan thought signatures in the area.” Hindi gumalaw ang binata.

“What thought signatures?”

“I’m looking for people who know what happened that night when Manila lost contact with the world. Now be quiet.”

At tumahimik na si Diana. Pinagmasdan niya ang maamong mukha ng banyagang kaibigan na tinamaan ng ilaw ng palubog na araw. Humahanga siya sa itsura nito. Kanina habang naglalakad sila sa baba ay panay ang sulyap sa kanila ng mga tao.

Ilang minuto ang lumipas nang biglang kumislot ang mga kamay ng binata. Bahagya rin itong napakunot ng noo. Ngunit tahimik lang na nanood si Diana, nagdadalawang-isip kung lalapit o mananatili sa kinatatayuan.

Maya-maya pa ay nakita niyang napadaing ito sabay hawak sa mga sentido at ngumiwi. “Dane...” Lumapit si Diana dito. “Stop, Dane. Stop! It’s hurting you.” Nataranta na ang dalaga habang niyuyugyog ang braso ng banyagang telepath.

“Be quiet, Diana!”

Umatras si Diana na nakakunot ang noo, ngunit labis ang kanyang pagkabahala sa nakikitang ekspresyon sa mukha ng kaharap.

“I found one of them. She’s near!” Kita ang tensiyon sa mga panga ng binata habang nakapikit ito at napayuko habang dinidiin ang mga daliri sa sentido. “I’m trying to” -- dumaing muli si Dane -- “scan her memories.”

Wala nang magawa si Diana kundi masdan ang telepath na nahihirapan.

“She cast a spell that plunged your city into darkness.”

Kinabahan ang dalaga dahil... Dahil isang tao lang ang kilala niyang may kakayahang kontrolin ang dilim at gumawa ng spells.

“There’s an old, unkempt man... He confronted her.” Lumalabas na ang mga ngipin ni Dane habang kunot-noong dinidiin ang mga kamay sa kanyang sentido. Kita sa mukha niya ang hirap. Lumalakas ang mga daing nito. “A dark force is trying to stop me.”

“Dane, stop.” Lumapit muli si Diana sa kanya.

“She’s trying to resist. The feedback is so strong! Aaargghhh...” Bumagsak ang mga tuhod ng banyaga at napahawak ito sa semento habang nakapikit pa rin at ngumingiwi. “A dark, lethal force is trying to fend me off. It’s too strong!”

Nagulantang si Diana nang makitang umitim ang mga mata ni Dane nang dumilat ito. Nakita niya ang hirap sa kanyang mukha habang tila ay nilalabanan ang pwersang iyon na tila ay nais sumaklob sa kanya. “Stop, Dane.” Nataranta na ang dalaga at muling niyugyog ang binata. “Dane! Break the connection!”


Chapter 32

Napatigil si Cassandra sa pagmamaneho nang makaramdam ng biglang pagsakit ng ulo. Hindi pa siya nakakalabas sa parking lot ng gusali. Kakaiba ang sakit ng ulo na ito. Hindi pangkaraniwan. Tila may mga matutulis na bagay na tumutusok sa loob ng kanyang bungo. Animo’y kinakalkal ang kanyang utak.

Habang napapadaing na nakahawak sa kanyang magkabilang sentido ay biglang lumitaw sa harap niya ang mga imahe ng dwelo nila ni Melchor sa ibabaw ng naturang gusali. Hindi man lubusang naiintindihan ang nagaganap ay batid niyang may kakaibang presensiyang dumapo sa kanyang diwa. Bumilis ang kanyang paghinga. Kung anumang pwersa ito ay hindi siya magpapagapi dito. “Anong salamangka na naman ito, tanda!”

Sumigaw ang bruha, at kasabay ng sigaw na iyon ay ang pag-itim ng kanyang mga mata. Napahawak siya nang mahigpit sa manibela hanggang unti-unting nawala ang sakit sa loob ng kanyang ulo. Maya-maya pa ay kumalma na ang pinagpawisang babae. Ngumisi ito at umiling. “Hindi mo ako madadaan sa ganito, tiyo. Malapit ka na.”

Matalim ang tinging ginawad ng babae sa kawalan. Napalingon ito sa katok sa kanyang bintana. Binaba niya ito.

“Ma’am, okay lang po ba kayo?” tanong ng gwardiya na sinusuri ang loob ng sasakyan.

“I’m fine. Just had a bout of migraine.” Hindi ito tiningnan ni Cassandra.

“Okay po, ma’am.”

Hindi na sumagot ang babae at pinaharurot ang kotse.


Chapter 33

Dahan-dahan ng bumagal ang paghinga ni Dane. Nakayukod ito, ang mga tuhod ay nasa sahig, ang isang kamay ay nakatukod. Si Diana naman ay nasa gilid nito at minasahe ang kanyang likod upang makalma ito.

“You shouldn’t have done it,” nakasimangot na saad ni Diana.

“Her name is Cassandra.” Dahan-dahang lumingon ang banyaga sa kanya.

Nanlaki ang mata ni Diana. Hindi siya makapagsalita.

“She knows you.” Dahan-dahang tumayo ang binata na inalalayan ng dalaga. “I saw you in some of her memories before things went dark.”

“She’s my...” Hindi natapos ni Diana ang isasagot dahil biglang nagring ang telepono ng kasama. Nakita niyang agad nitong sinagot ang tawag. Pagkatapos ng pag-uusap ay lumingon ito sa kanya.

Nang ibulsa ng binata ang telepono ay nagsalita ito. “Just got a tip. Hong Kong facility, in trouble.”

“Is it serious?” tanong ni Diana.

“Not sure.”

Hinubad na ng dalaga ang sombrero at binalik ito kay Dane na agad namang sinuot ng huli. “What are you going to do now that you’ve found her?”

“I don’t know. I’ll check with Rod first. From the looks of it, she’s going to be a problem.”

Wala ng ibang maisip si Diana na ibang Cassandra maliban sa ate niya. Tama nga ang matagal na niyang hinala. Hindi nga tumigil ang ate niya sa mga pinaggagagawa nito. Ngunit ano ang pakay ng kanyang ate? Sumulyap siya sa sombrero ng katabi. Mabuti na lang at hindi nababasa ng telepath na kasama ang iniisip niya ngayon.

“She knows you, so you have to be careful. I think she’s dangerous.” Naglalakad ang dalawa pabalik sa loob ng gusali. “One person I know who was strong enough to resist my mental probes was an insane man.”

Hindi masabi ni Diana kay Dane na maaaring ate niya ang tinutukoy nito. Hindi siya sigurado. Hindi rin siya sigurado kung ano ang maaaring kahihinatnan kung sabihin niya ang impormasyong iyon. “Did she catch you peeking into her mind?”

Umiling ang binata. “No. She thought someone else was doing it.”

“Wait, what did you mean, things went dark?” nakasimangot na tanong ni Diana.

“Whatever was trying to block me was a force I’ve never seen or felt before.” Tinitigan niya si Diana. “And it’s very powerful.”

“What do you think is it?”

“I don’t know. But it’s much stronger than a psychic block.”

Tahimik ang dalawang sumakay ng elevator at pumasok ng sasakyan ng dalaga.

“Where are we going?” tanong ng binata.

“I’m going to treat you to Pinoy food.” Ngumiti si Diana at pinaandar ang kotse. Habang nasa byahe ay di mawaglit sa isip niya ang natuklasan. Kailangan malaman niya kung ano ang ginagawa ng ate niya, kung ano ang mga plano nito.

Sumulyap siya sa binatang nakaidlip sa passenger’s seat. Hinawakan nito ang kanyang kamay, hawak na nagpagising dito. Nginitian niya ito. “We’re here.”

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails