Followers

Monday, April 25, 2016

Dear Stranger (Chapter 24 and 25) - Love, Stranger Book 2

AUTHOR'S NOTE (IMPORTANT PLEASE READ!)
This part is dedicated to a friend and a reader, Mark Lores. Miss you! I hope masaya ka na kung saan ka man ngayon. :'-)
MARAMING SALAMAT PO!
MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
======================================================




CHAPTER TWENTY-FOUR
RAY:
"Thank you for flying with us and we hope to see you on your next flight." Sabi ng pilot na maririnig sa speaker ng aircraft.
Nagpunas ako ng mukha sabay inat. Medyo napasarap ang tulog ko sa byahe. Napansin kong tumayo ang mga kaibigan ko kasama si Kazuki at Bae. Nag-umpisang umingay ang kaninang tahimik na aircraft. Tumingin ako kay Rome, walang reaksyon ang mukha nito at bakas sa mukha niya ang pamumutla.
"Are you okay bro?" tanong ni Bae kay Rome.
"Okay lang." Sagot nito sabay tango at inayos binaba ang hood nakasuklob sa ulo niya. Halatang wala siya sa sarili.
Naalala ko na may aerophobia si Rome at naupo pa ito malapit sa window seat. Buti na lang at hindi ito nagpanic kagaya noong nasa Tokyo Tower kami.
Naglakad kami palabas ng aircraft. Naramdaman kong may kumalabit sa akin, lumingon ako at nakita ko si Rome.
"Hoy ano 'yan ha!" sigaw ni Lyn.
"'Wag ka ngang epal! May iaabot lang umpisa ka na naman!" sita ni Jess kay Lyn.
"May ibibigay lang ako sa iyo." Mahinang sabi ni Rome sa akin. Inabot niya sa akin ang isang puting sachet, parang pamilyar ito sa akin. Kinuha ko ito at tiningnan ang laman, tumambad sa akin ang isang ray-ban shades. "Naiwan mo iyan last year sa kwarto ko sa Tokyo. Naalala ko lang na lagi mong suot iyan at minsan ay nakasabit iyan sa damit mo pag nagtu-tour." Walang gana niya pa ring sabi.
"Salamat." Sagot ko sabay bitiw ng pilit na ngiti. Tinago ko ang sachet sa bag ko sabay suot ng ray-ban shades ko. Na-miss ko ito! My travelling experience is not complete without this thing.

***

ROME:
"Sunod na lang ako." Sigaw ni Jess na noo'y nasa loob ng CR.
"Sige." Sagot ko sabay labas ng Villa namin.
Sinarado ko ang sliding door at nag-inat. Huminga ako ng malalim at linanghap ang malinis na hangin ng El Nido, ang sarap sa pakiramdam nakakaalis ng stress at problema. Malakas na umihip ang hangin, rinig ko ang pagsayaw ng mga puno. Maganda ang napiling resort ni Kim, perfect para sa mga taong gustong mag-alis ng stress at naghahanap ng kapayapaan. Dahil dito'y nag-umpisa ng gumaan ang pakiramdam ko, unti-unti kong nararamdaman ang pagtaas ng bagsak kong mood.
Nag-umpisa akong maglakad sa pathway na gawa sa bato, nadaanan ko ang villa ni Kazuki, Bae, at ng dalawang babae. Ilang saglit pa'y bumukas ang sliding door ng isang Villa, linuwa ka nito. Napangiti ako. Nag-inat ka at pagkatapos ay naglakad papunta sa terrace. Tinukod mo ang kamay mo sa barandiliyang gawa sa kahoy at pumikit, pansin ko ang paghinga mo ng malalim.
"Rapunzel, Rapunzel, let down your hair!" nakangiti kong sigaw sa iyo sabay tago sa ilalim ng terrace mo sa may green-colored shrub. Dumilat ka, bakas sa mukha mo ang gulat at inikot ang mga mata.
Inabot ko ang binti mo at pagkatapos ay hinawakan ito ng napakahigpit.
"Putangina!" gulat mong sigaw sabay padyak at tingin sa akin. Nakawala ka sa pagkakahawak ko. "Rooooomeee!!!" sigaw mo ulit at patakbong bumaba sa hagdan ng terrace. Tumakbo ako. Hinabol mo ako. Nagulat ako ng sakyan mo ako sa likuran ko! Ang bilis mong tumakbo!
"Ang bigat mo bumaba ka na!" natatawa kong sabi. Ngunit hindi ka pa rin bumaba. "Ray please ang sakit na ng likod ko mahaba pa ang araw baka hindi ako makasama mamaya." Pakiusap ko sa iyo. Alam kong abot tenga ang ngiti ko.
Bumaba ka at hinampas ang braso ko.
"Anong Rapunzel ka dyan!? At nandadakma ka pa ng binti!" sigaw mo sa akin sabay cross-arm.
Ginaya ko ang pagra-rant mo sabay tawa. Bakas sa mukha mong natatawa ka rin pero pilit itong pinipigilan. Kinurot ko ang pisngi mo.
"Aray!" sigaw mo sabay ganti ng kurot sa pisngi ko. Nangangalay na ang panga at pisngi ko sa ngiting hindi maalis sa mukha ko.
"Aba! Aba! Anong nagaganap dito!?" tanong ng isang maarteng boses. Lumingon ako sa likod ko kung saan nandoon ang nagsalita, nakita ko ang nakapamewang na si Lyn sa gitna ng sinag ng araw.
"Nagkakatuwaan lang. Bawal ba?" pabalang kong sagot.
"Hindi naman. Nagtatanong lang. Masyado kasi kayong maingay eh. Rinig na rinig sa buong resort ang ingay niyo. At may kurutan pa ng nagaganap!" Sabay ikot ng mata nito.
"Tama! Maingay sila at sweet. Para silang bagong kasal na nasa honeymoon at katatapos lang mag-uhm!" Sabat ni Jess na biglang sumulpot sa di kalayuan habang naglalakad. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Pasimple akong tumingin sa iyo. Bakas sa mukha mo ang pamumula.
Humarap si Lyn kay Jess sabay taas ng kilay at ngiwi.
"Hindi sila nagha-honeymoon! Hindi sila sweet! At hindi sila nag-uhm! Dahil si Kazuki baby ang asawa ni Ray." Sagot ni Lyn sabay hawi ng buhok.
"Okay edi asawa kung asawa... Dating asawa!" sabay halakhak ni Jess.
"Hoy! Nagtatalo pa kayo 'dyan! Eh hindi naman makakatuluyan ng mga manok niyo si Ray noh!" biglang sigaw ni Kim mula sa Villa nila ni Lyn habang nagpapahid ng sunblock sa braso. "Oh wag na kayong kumontra! Umpisahan na natin ang Island Hopping dahil maraming package ang kinuha ko!" sabay pahid ng sunblock sa binti.
Napangiwi ako sa narinig. Talaga lang Kim ah. Hindi ako makapapayag sa sinabi mo. Kahit sino pa ang Kazuki na iyan o gaano pa ka-big time si Bae ay wala akong pakialam! Ilalaban ko si Ray sa abot ng aking makakaya. Ako una niyang minahal! At alam kong mahal niya rin ako kaya akin siya!

***

RAY:
"Guys please stop fighting! Naiirita na ako!" sita ko kay Jess, Kim, at Lyn na walang katapusang nagtatalo at nagpapasiklaban. Maingay na nga ang makina ng bankang sinasakyan namin, maingay pa sila! Puro pagtatalo tungkol kay Rome, Bae, at Kazuki ang naririnig ko sa mga bunganga nila. "Nandito ako para magtanggal ng stress, tapos pati kayo mga stress din pala! Bwisit!" sigaw ko sa kanilang sagad sa lalamunan, halos hindi marinig ang boses ko dahil sa nakakabinging ingay ng makina ng bangka. Bahagya kong inayos ang masikip na orange life-vest na suot-suot ko.
"Oo nga naman. Bakit hindi na lang natin enjoyin ito?" nakangiting sabi ni Rome na noo'y nakaupo sa harap ko. Pansin ko ang malayong tingin ni Bae sa dagat na noo'y katabi ni Rome, chill na chill lang. Si Kazuki naman ay nakatingin lang sa tatlo kong asungot na kaibigan, siguro ay naiirita na siya sa mga ito, katabi rin ng Hapon si Rome. Buti na lang at hindi nagpapatayan ang dalawa dahil sampal ang aabutin sa akin ng mga ito pag ganoon.
Ilang saglit pa'y dumating kami sa unang isla na parte ng combo Island Hopping Tour na inavail ni Kim. Secret Lagoon ang tawag dito.
Masayang nag swimming ang tatlo kong mga kaibigan kasama si Kazuki at Rome. Ako naman ay sandali lang nag babad dahil gusto ko muna ng katahimikan. Tutal mahaba pa naman ang araw at marami pang ibang beach na mapupuntahan. Naglakad ako palayo sa kanila kung saan hindi nila ako makikita. Umupo ako sa isang bato in a fetal position. Pinakinggan ko ang hampas ng dagat sa beach sand at mga bato. Napakapayapa ng lahat. Tinuon ko sa kawalan ang mga mata ko, all I can see is the blue sea and sky.
"Nandito ka lang pala... Can I join you?" tanong ni Bae sa akin na biglang sumulpot sa gilid ko. Naiilang man dahil gusto ko ng katahimikan ay tumango ako. "I'm sorry about all this stress and pressure."
"Wala ka namang kasalanan." Sabi ko sabay hawi ng bangs na noo'y humaharang sa mata ko gawa ng malakas na hangin.
"But I'm part of the competition thing. I'm one of your suitors right?" sabi niya. Kunot-noo akong tumingin sa kanya, nakangiti siya.
"Hindi ko kayo suitors kasi wala naman akong pinayagang manligaw sa inyo." sabay iling.
"Regardless. We're still trying to win your heart." Giit nito sabay tingin sa malayo. Narinig ko ang malalim niyang paghinga.
Tinitigan ko ang gwapo niyang mukha, kalmadong bumagsak ang butil ng tubig dagat sa kanyang pisngi mula sa kanyang noo, kasing kalmado ng kanyang personality. Hindi ko maiwasang isipin, bakit napaka-kalmado nitong si Bae. Kahit ang daming nangyayaring kaguluhan dito ngunit nananatili siyang kalmado. Alam ko rin ang buhay at problema niya sa pamilya niya, but I never saw him panicked, nawala sa katinuan o di kaya ay bumigay. Isang beses lang noong nagkakilala kami and we were young back then.
"Bae." Tawag ko.
"Yes?" ang layo ng linalakbay ng kanya napakagandang blue eyes.
"How can you remain so calm? I know all your problems lalo na ang stress sa iyo ng pamilya mo, pero bakit never kita nakitang nag-alala o nag-isip?" tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin. Nagtama ang aming mga mata. Ang ganda ng mata talaga. Intense kung makatingin, nakakatunaw! He gave a deep sigh.
"There are things that is out of my control. I'll just do what I can and let destiny or whoever high-being work for the things that is beyond my reach. Why should I worry about these things? Hindi ko nga kontrolado eh. Kasi kapag nag-alala ako, I will just think, think and overthink." Slang niyang pagkakasabi sa mga tagalog na salita. "Overthinking gives you stress, gives you worries, and takes away your peace of mind." Turo sa utak at puso ko. Nagbitiw siya ng isang matamis na ngiti. He really is at peace.
Nagbitiw ako ng malalim na hinga. Bae and I are the exact opposite. I'm a worrier and he's not. He has peace at ang mayroon ako ay puro pag-iisip at kaguluhan.
"I want to be like that." Mahina kong tugon sabay yuko at linaro-laro ang white-sand sa binti ko.
"Try it now. We're in a vacation away from your family, Japan, and Mr. Kyou. Leave all your thoughts somewhere far from you. And start thinking about nothing then enjoy this moment with your friends." Nakangiti at optimistic niyang sabi.
Natahimik ako. Gusto kong maging kagaya ni Bae, pero paano ko ito magagawa kung lagi kong naalala ang mapait na nakaraan at mga taong nanakit sa akin.
"You're past is bothering you right? I know that is the biggest scar here." Sabay turo sa puso ko. "But try to look at this lagoon." Tukoy niya sa lugar kung nasaan kami. "Do you know that this was once a cave? It collapsed but look, it's stunningly gorgeous." Inikot ko ang mga mata ko, it's like a massive cauldron-like cliffs na tinubuan na ng makintab na puno't halaman, breath taking dahil malupit sa ganda ang pagkakaporma.
"So?" I gave him a sharp look, di ko gets.
"Sometimes life will destroy us to make us far more beautiful than we were before." Sabay kurot sa pisngi ko. Hindi ko napigilang ngumiti. Nakuha ko na ang ibig niyang sabihin. Tama siya, siguro winasak ako ng pagkakataon para hubugin at maging best version ako ng sarili ko. Parang ginto, kailangang dumaan muna sa matinding init bago lumabas ang tunay na kinang. "I hope you won't think those things starting from today." Pahabol niya.
"Thanks Bae." sabay halik sa pisngi niya. Nanlaki ang mga mata niya at nag-umpisang mamula ang maputing mukha. Ilang saglit pa'y tinapik niya ako at pagkatapos ay umalis. Alam niyang kailangan kong mapag-isa.
Inhale through my nose then exhale through my mouth. Sa bawat paghinga ko ay iniisip kong ang malinis na hanging linalanghap ko ang siyang lilinis sa madumi kong katawan, at sa pag buga ko naman ng hangin kasama kong ibubuga ang mga nagpapabigat sa akin. I focus my mind on the nature, yung alon, hangin, at ang mainit na sinag ng araw na tumatama sa aking balat. Para akong napunta sa ibang mundo at iniwan ko ang lahat ng dapat iwan. Unti-unting nawala ang bumabagabag sa isip at puso ko.


(End of Chapter 24)



o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o




CHAPTER TWENTY-FIVE
RAY:
Sa isang mala-paraisong isla kami nag-lunch, parte ito ng island hopping tour.
"Yum! Ang sarap!" sabay kagat ni Lyn sa inihaw na manok. "Wala bang unli gravy dyan?" tanong habang ngumunguya.
"KFC lang?" si Jess habang kumukuha ng napakaraming kanin.
"Yes. Ray the gravy." Sabay tingin sa akin.
"Huh? Gravy?"
"Yes. Gravy ka, dahil si Kazuki baby ang Hot and Spicy chicken. Perfect!" Sagot ni Lyn. I get it, hinahambing niya kami sa pagkain.
Tumingin ako kay Kazuki, kumindat siya sa akin.
"Pwes si Bae ang fun-shots." Sabat ni Kim na noo'y humihigop ng sinigang. "Kahit miryenda ay pwede mong papakin, mas bagay sila ni Ray na gravy." Pahabol nito.
Napatingin ako kay Bae. Nakangiti siyang umiiling. I know he's uncomfortable dahil sa kumpetisyong nagaganap, pero chill lang siya at hindi nagpapahalata.
"Lahat kayo ay mga wannabe at trying-hard. Dahil si pareng Rome ang original." Si Jess sabay tapik kay Rome na pinipigil ang pagtawa.
Magsasalita sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ito, tumatawag si Mama. Bigla akong kinabahan. Siguro ay nabalitaan niyang nasa Pinas ako ngayon.
"Excuse me." Sabi ko sa mga kasama ko sabay inom ng tubig. Tumayo ako at naglakad palayo sa kanila.
"Hello Ma." Sabay buntong-hinga.
"Kamusta anak? Apat na araw ka na pala rito, hindi mo rin ako sinabihang uuwi ka pala."
"Biglaan eh. Tsaka babalik din akong Japan, gusto ko lang mag-relax." Sabay tukod ng likod sa kahoy na poste.
"Bakit hindi ka pa dumadaan ng bahay? Pwede ka naman doon mag-relax."
"Kapag dumaan ako 'dyan maiistress lang ako, alam mo namang 'di pa kami okay ni Papa." Sabay ikot ng mata. Dati na kaming hindi okay ni Papa, pero lalong lumala ito nang malaman niya ang tunay kong pagkatao. Someone told him pero hindi niya sinabi kung sino. Ito rin ang nagtulak sa akin para maging isang Japanese citizen at umalis sa kadena ng aking ama.
"Pero sana magkita naman tayo anak, kahit bago ka bumalik ng Japan."
"Sure Ma, walang problema. Gusto ko rin namang makita kayo ng kapatid ko." Napangiti ako.
Ilang saglit pa'y nagpaalam na kami sa isa't-isa at tinapos ang tawag. Tinuon ko ang mata ko sa malayo. Ang ganda ng scenery, kalmadong-kalmado ang dagat, kitang-kita ko rin ang magandang hugis ng mga isla sa malayo. Pilit kong binabalik sa isip ko na nasa malayong lugar ako at hindi ko dapat isipin ngayon ang mga bagay na nagpapabagabag sa akin.

***

RAY:
Rinig ko ang pag-echo ng tubig sa bawat galaw ko habang nakababad sa bathtub. This is so relaxing, pwede akong matulog buong magdamag dito. Tiningnan ko ang oras sa cellphone kong nagpe-play ng isang soft music, it's 9pm. Pagkatapos ng dinner ay maaga kaming nagpunta sa kanya-kanyang mga villa's dahil na rin sa pagod buong araw.
Tumunog ang telepono sa tabi bathtub ko. Agad kong sinagot ito, baka hotel staff ito.
"Hello." Sabay hininaan ang music sa cellphone.
"Hello sir, how's your stay?" weird na tanong ng isang lalaking parang pinapalaki ang boses.
"Uh... Good?" naiilang kong sagot. Sinakyan ko na lang.
"That's good to know. May I know the name of the guy na kasama niyo Sir? Yung gwapo na naka-blue shirt na mas matangkad sa iyo." Tukoy nito kay Rome na unti-unting nagbago ang boses. Hindi ko napigilang humalakhak. Kilala ko na ang kausap ko.
"Tangina feelingero mo ah." Humahalakhak ko pa ring sabi.
"Bakit? Di ka ba nagagwapuhan sa akin?" natatawa niyang sabi.
"You're not my type."
"Weh?"
"Yeah. Ang type ko ay mga tipo ni Bae." Sabay ngisi.
"Okay sabi mo eh." Nawalan ng gana ang boses niya.
Tahimik.
"Kamusta ka?" sabay naming tanong.
"Okay naman. Ikaw?" Sagot ko agad.
"Sakto lang. Pero mas okay kung puntahan kita 'dyan."
"No! Hindi pwede!" sigaw ko.
"Bakit?"
"Nasa bathtub ako." Nahihiya kong sabi.

ROME:
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi mo. Kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko ay nag-umpisang manginig ang katawan ko. Naglaro sa utak ko ang itsura mo sa condo noong nagkasakit ka. Napatingin ako sa katawan ko, parehas tayo walang saplot.
"Ah eh, oo tama dito na lang tayo mag-usap." Sabay balot ng comforter sa katawan kong nag-uumpisang ginawin.
"Bakit ka pala napatawag?"
"Gusto lang kitang kausapin. Hindi tayo makapag-usap kanina eh ang daming epal." Tukoy ko kila Lyn at Kim. Humalakhak ka. I love to hear you laugh.
"Hayaan mo na sila."
"Pero seriously, Gusto kong malaman mo na masaya akong okay tayo."
"We're cool. Chill lang." Sincere mong sagot.

***

RAY:
Mabilis akong nagbihis at nagpatuyo ng buhok. Hindi ko pa man naisusuot nang maayos ang t-shirt ko'y biglang tumunog ang cellphone ko. Napatingin ako sa hotel telephone, hindi pa tumatawag si Rome. Tumingin ako sa cellphone ko, unregistered number.
"Moshi-moshi?" Sabay ayos ng shirt ko. Ganito ang bati ko since unregistered number ito at baka nanggugulo lang.
"Nasa Pinas ka na ganyan ka pa rin sumagot sa phone." Si Rome! Paano niya nakuha ang number ko!? 
"How did you get my number!?" kunut-noo kong tanong.
"Kapag gusto maraming paraan. Ang tagal mo naman mag-ayos. Ano ba suot mo pantulog suit and tie?!" tanong niya sa kabilang linya.
"Parang pambahay lang. T-shirt, short, at may underwear."
"Balot na balot ah. Ako nga walang saplot eh."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
"Hindi ka giniginaw?" naiilang kong tanong.
"Hindi. Ang sarap kaya ng ganito, lalo na pag kumikiskis lahat ng balat ko sa comforter." Sabay hinga niya ng malalim.
"Okay din sa akin iyan. Pero kasi ginawin ako." Binagsak ko ang katawan sa kama.
"Pag magkatabi tayo aakapin ulit kita."
"Bawal! Lalo na wala kang suot, ayan ka na naman eh."
Tawanan.
Marami-rami kaming napag-usapan ni Rome tungkol sa buhay, mga gusto at hindi gusto, marami kaming pagkakaparehas pero marami rin kaming pagkakaiba. Sa tagal niyang naging stranger sa akin ay ngayon ko lang nalaman na napakadaldal pala ni mokong.
"What is your Passion? Aside sa work mo?" tanong niya sa akin.
"Music, writing, and arts."
"Ganda nga ng boses mo eh. Sana nag-singer ka na lang. Bibili ako album mo."
"Baliw, mahirap ang pera dun. At marami mas magaling sa akin."
"Bakit? May ipon ka na ah. Bakit hindi mo i-pursue ang mga passion mo?"
He has a point. Bukod sa pagkanta ay mahilig din akong magdrawing, magpinta at magsulat. Napabuntong hininga ako. How could I forgot some of these things? Iba talaga nagagawa ng pangangailangan sa pera, nakakalimutan mo ang mga bagay na totoong magpapasaya sa iyo.
"Hindi pa siguro panahon." Sagot ko na lang. "Ano naman ang sa iyo?"
"Photography at basketball." Kaya pala lagi siyang may SLR Camera sa tuwing may tour o hindi kaya nasa ibang lugar. Nakita ko ito noon sa Beijing, Tokyo, Kyoto, at kanina.
"Bakit hindi mo pinursue?"
"Kailangan ako ng pamilya ko para sa negosyo namin. At kagaya ng sabi mo, mahirap din ang pera dun." Tukoy niya sa Photography. "Kung basketball naman, hindi ako kasing galing ni Michael Jordan para maging basketball superstar."
"Malay mo naman."
"Since napag-usapan natin ang ganitong bagay, ano plano mo sa future?"
"Hopefully, I can pursue my passion. If only I have time."
"You have time stop making excuses." Firm niyang sagot. "What's stopping you?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Tama siya, I have the money and time, pero bakit hindi ko magawa ang gusto ko. Naisip ko si Chichi.
"Utang na loob." Mahina kong sagot.
"Kay Mr. Kyou?"
"Yes."
"Sinabi mo ba sa kanya?"
"No. Isa pa, wala naman siyang anak, wala rin siyang pamilya. So sino ang tutulong sa kanya sa negosyo?"
"Ako." sagot niya.
"Ha!?" sigaw kong nanlalaki ang mga mata. Tama ba ang narinig ko?
"Oo ako. Kung tayo magkakatuluyan ako ang sasapo ng responsibilidad na iyan, para magawa mo ang mga gusto mong gawin. Ayokong ikulong mo ang sarili mo sa bagay na hindi ka masaya."
Bumigat ang dibdib ko. Ramdam ko ang malakas na tibok ng mainit kong puso. Na-touch ako sa sinabi niya.
"Eh paano ang passion mo?" Bigla kong tanong. Wait, mali! Bakit ba ito ang tinanong ko? Eh hindi naman posible ang sinabi niya.
"I can always take a picture on someone. The most beautiful person in the world. Sa kanya pa lang fulfilled na ako."
"Who?"
"You!"
Hindi ko napigilang ngumiti. Pumikit ako, pilit tinatago ang emosyong nararamdaman ko. What the fuck bakit ako kinikilig!? It's just three letter word that people use countless times everyday.

ROME:
Binago mo ang topic, siguro ay naiilang ka na unti-unti na naman akong nagiging straight-forward sa nararamdaman ko. Ayos lang sa akin na hindi mo pansinin ang mga pagpaparinig ko, basta ang importante ay nasasabi kong mahal kita sa iba't-ibang paraan.
"Start na ng spring ngayon sa Japan." Bigla mong sabi.
"Tell me about it."
"Aside sa hanami?" tukoy mo sa cherry blossom viewing.
"Deeper meaning. Mas okay malaman yung mga bagay na hindi nakikita." sagot ko. Kung yung isa ang itatanong ko'y makikita ko naman ang mga bagay na iyon pagbalik ng Japan, unlike yung ito na hindi nakikita basta-basta ng mga mata.
"Hmm... Spring symbolizes hope, growth, and new beginning."
Napangiti ako. Naisip ko ang lahat ng nangyari sa atin.
"May tanong ako, may mga bagay ka bang gustong gawin na hindi mo nagawa?" random question ko.
"Marami. Pero ewan ko kung may chance pa akong gawin iyon." Biglang naging malungkot ang tono ng boses mo.
"Bakit naman?"
"Hindi ko kasi alam kung pwede pa eh."
"Paano mo masasabing hindi na pwede ang isang bagay kung hindi mo pa nasusubukang gawin?"
Kinain kami ng katahimikan.
"Ang hirap kasi." Bigla mong sabi.
"Paanong mahirap? Eh hindi mo pa nga nasusubukan."
"Kasi takot ako?" alinlangan mong sagot.
"Bakit ka natatakot? Explain."
"Hindi mo kasi naramdaman ang sakit na pinagdaanan ko, kung paano ako nadurog noon."
Nakuha ko ang sinabi mo. Kahit hindi mo direktang sabihin, naiintindihan ko. And I'm sorry.
"Ray."
"Yes?"
"Ako rin. May mga bagay na gusto kong gawin na hindi ko magawa ng one-hundred percent."
"Bakit hindi mo itodo?" naging firm ang boses mo.
"Kasi hindi pwede." nagbitiw ako ng malalim na hinga.
"Kagaya nga ng sabi mo, bakit hindi mo subukan? Minsan may mga bagay na naghihintay lang sa tamang panahon."
Muli tayong kinain ng nakakabinging katahimikan. Para ako nabuhusan ng napakalamig na tubig, hindi ako makaimik o makagalaw. Tama ka, siguro gawin ko na ang matagal ko ng dapat ginawa.

***

RAY:
Lumipas ang isang minuto at wala pa ring kumikibo. Bumaling ako sa kabilang parte ng kama. I gave a deep sigh. Ang bigat ng dibdib ko.
"Pwede ba kita puntahan dyan? May ibibigay lang ako sa iyo." Tanong niya.
"Hindi ba pwedeng bukas na lang?" gulat kong sabi. Tumingin ako sa orasan, it's four in the morning, tangina inumaga kami ng kwentuhan.
"Ngayon na. Umaga naman na ngayon." Pagkasabi niya noon ay biglang may nag-doorbell.
"You've got to be kidding me!" sigaw ko sa sarili ko sabay tayo at bukas ng pinto. Nakita ko ang isang lalaki, dahil sa pagmamadali ay hindi ko nagawang buksan ang ilaw, pero kahit ganoon ay alam kong si Rome ito dahil sa tindig at naaninag ko ang kanyang mukha. Naaninag ko rin na he's wearing a white v-neck shirt at puting shorts, ang bilis niya magbihis at makapunta rito. Naglakad siya palapit sa akin. Napaatras ako. Bumilis ang tibok ng puso ko. What on earth is he doing?
"Sabi ko bukas na." Nanginginig kong sabi.
Nagtama ang mata namin. Nangungusap ang maamo niyang mata. Pakiramdam ko'y hinuhukay ng kanyang tingin ang aking pagkatao, sagad hanggang kaluluwa.
"Hindi pwedeng ipagpabukas ito." Patuloy siyang naglakad.
Naramdaman ng likod ko ang makinis na cabinet, napahaplos ako rito.
"Hindi pwede... Kasi dumating na ang tamang panahon." Sabay tukod ng dalawa niyang kamay sa cabinet sa tabi ng pisngi ko. Tinukod niya ang noo niya sa akin. Nagdikit ang matangos naming ilong.
Humangin ng malakas, nahawi ang kurtina sa bintana at bahagyang tinamaan ng liwanag ang kanyang mukha. Napatingin ako sa mapula niyang labi, unti-unting tumaas ito at napunta sa kanyang mga mata. Ibang-iba ang tingin niya noon kumpara ngayon, parang may kung anong sumasabog na emosyon ang nakapaloob dito.
"Rome..." habol hinga kong bulong, sumikip ang aking pag hinga.
"Ito na rin siguro ang panahon para gawin natin ang matagal na nating dapat ginawa. Ang alisin ang takot. Ang maging pwede ang inaakala nating hindi pwede. At ang ipaglaban ang nararamdaman natin. It takes two to tango Ray. Because love consist of you and I."
Tumigil ang paghinga ko. Unti-unti niyang linapit ang labi niya sa akin, naramdaman ko ang mainit niyang hinga. Napapikit ako. We're two people, a stranger, a possible lover inside a dark-cold room where endless possibilities can happen. Naramdaman ko ang init ng kanyang balat sa aking pisngi. Halos magdikit na ang aming labi.
"Love consist of you and I." paulit-ulit na umecho ang boses niya sa utak ko.



9 comments:

  1. Thanks for reading!
    Comments, feedback and suggestions are welcome! ^_^

    P.S. ADMIN ng site na ito ang nag-aapprove ng comments niyo at hindi ako ang ADMIN, contributor lang ako. Nagrereply din ako sa lahat ng comments na inapprove ng ADMIN sa previous chapters, sinagot ko rin ang mga tanong at concern ng iba.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dagdag ko lang, hindi ko nababasa ang mga unapproved comments ng ADMIN. So hindi ko nababasa ang hinaing ng iba kaya sana wag niyo ako sisihin sa bagay na hindi ko naman hawak o nabasa. Yun lang. If halimbawa nag-comment kayo rito at hindi na-approve ng ADMIN, you can PM me sa FB or email niyo ako wala namang problema kahit negative pa iyan, as long as makakatulong sa story why not. :-)

      Delete
  2. Kilig nito grabiii!!!! Ano pa kaya mangyayari sa El Nido?? Nabasa ko sa fb page mo author na malapit na itong matapos. Babalik pa ba silang Japan?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Abangan! :-)
      The Finale Arc will start in Chapter 30 up to (TBA), depende pa kung gaano kahaba ang Finale Arc basta once dumating tayo sa Chapter 30, start na yun.
      Thanks for reading!

      Delete
  3. kelan po next? sobrang bitin ganda ng story.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sabay-sabay ako mag-update dito ng 26-28 (or 29) para isang bagsakan since hindi naman gaano mahaba ang 27 at 28 baka may magreklamo na naman na maiksi eh. Hehe. If gusto niyo po mabasa agad, sa wattpad ipopost ko kaagad once I'm done writing it. :-)
      Thanks for reading!

      Delete
  4. may hawig story nito sa Dolce Amore na pinapalabas sa ABS-CBN ngayon. nauna lang ito ng 1 taon kaya pag nabasa mo ito iisipin mo na dito kinuha ng creative team ng teleserye ang idea nila. reader mo ako sir at concern, pero kung tama naisip ko ay ninakawan ka nila ng idea. sana mali ako.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nasagot ko na po ito sa comment niyo sa wattpad. I-repost ko na lang po sagot ko rito in case hindi niyo pa nababasa:

      "Hala hindi naman po siguro sila nagnakaw. Hehe.
      Siguro yung nagkaparehas lang ng concept na nagtu-tour ang main characters at nasaktan ng sobra yung bida kaya gumana yung "defense mechanism" nila at nalimutan yung mahal nila dahil sa sobrang sakit. The difference is, yung sinasabi niyo po ay totally amnesia, sa case ni Ray, wala siyang amnesia but tumaas yung defense mechanism niya and his mind forgot the face of Jerome / Rome dahil sa sobrang sakit, which happened to me before sa taong nakasama ko sa Beijing 7 years ago."

      Delete
  5. Im tightly watching out for the next chapters... Let it be soon pls.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails