Followers

Thursday, March 24, 2016

Dear Stranger (Chapter 21 and 22) - Love, Stranger Book 2

AUTHOR'S NOTE (IMPORTANT PLEASE READ!)
Sorry sa delay. Inaantok na ako so next time na ang ibang mga bagay. Yawn!
MARAMING SALAMAT PO!
MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
======================================================

CHAPTER TWENTY-ONE
RAY:
Lumabas ako ng kwarto habang kinukusot ang mga mata ko.
"Good morning!" masaya niyang bati sa akin. Tumingin ako sa direksyon niya, kitang-kita ko ang malalim niyang dimples at kumikslap na mga mata.
"Good morning." habang humihikab at punas sa natuyong laway sa pisngi't labi ko. Naglakad ako palapit sa kanya, hinatak niya ang kulay itim na upuang gawa sa plastic, umupo ako roon at pagkatapos ay tinanggal niya ang takip sa pagkain namin.
Tumingin ako sa harapan ko, nanlaki ang mga mata ko! Sinangag at tapsilog ang ulam! Napangiti ako. 
"Wow!" sigaw ko sabay kuha ng pagkain at agad na linagay ito sa plato ko. Na-miss ko ito!
"Di nakapaghintay oh, ako sana maglalagay sa iyo ng food." sabi niya sabay kamot.
"Okay lang! Kumain ka na!" Masaya kong sabi sabay subo ng pagkain. Medyo nahirapan akong nguyain dahil naparami ang subo ko.
"Dahan-dahan baka mabilaukan ka." natatawa niyang sabi na nakaupo na pala sa pwesto niya at kumukuha ng pagkain.
"Na-miss ko ito eh!" sabi ko habang punung-puno ang bibig. Hindi ko pa man nalulunok lahat ng nasa bibig ko'y muli akong sumubo ng pagkain gamit ang kutsara. Patuloy akong ngumuya, tumawa si Rome. Ilang segundo ang lumipas at bumara ang nginunguya ko sa lalamunan ko. Umubo ako ng malakas. Nataranta si Rome, agad niyang kinuha ang baso niya at pinainom ako ng tubig.
"Ayan kasi subo ng subo ng malalaki!" sabi niya habang hinihimas ang likuran ko. Napansin kong nakahawak ako sa kamay niya ba noo'y hawak-hawak ang baso niya. Ang init ng kamay niya, nakakapaso, hindi ko maiwasang hindi kiligin. "Dahan-dahan lang kasi wag masyadong hayok. Gusto napupuno bibig eh."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Iba ang naging dating sa akin ng mga sinasabi niya, tiningnan ko siya sabay hampas. Nalunok ko na rin ang mga nasa bibig ko.
"Yung mga salita mo ah!" sigaw ko sa kanya.
"Bakit?"
"Mahalay!"
"Huy hindi ah! Baka utak mo mahalay!"
"Hoy Mr. Parrilla, basang-basa kita! Mas mahalay kang di hamak, manyak ka kaya!"
Biglang tumunog ang doorbell. Tinumbok ni Rome ang pinto at agad itong binuksan.
"Hello Boss!" masiglang bati ng pamilyar na boses, lumingon ako at nakita ko si mahaderang Lyn kasama si Jess na noo'y nakipag-apir kay Rome.
"Ano ginagawa niyo rito!?" gulat kong tanong sa kanila. Sinarado ni Rome ang puting pinto.
"The question is, bakit hanggang dito live in pa rin kayo? Nasaan si..." hindi natapos ni Lyn ang sasabihin dahil tinakpan ni Jess ang bibig nito. Alam kong si Kazuki ang tutukuyin sana ni Lyn.
"May pinadala rito si Boss at ang Super Boss na kailangan pirmahan ASAP." paliwanag ni Jess. Ang super Boss na sinasabi niya ay ang Tatay ni Rome.
"So pupunta kayo later?"
"Yup." sabi ni Jess sabay alis ng takip sa bibig ni Lyn, inirapan siya ng huli.
"Ay! Tapsilog!" Tili ni Lyn sabay takbo sa kusina at kumuha ng plato.
"Consistent kayo sa isang bagay." sabi ni Rome.
"Saan kami consistent?" si Lyn sabay upo sa isa sa mga upuan at sumandok ng pagkain.
"Lagi kayong dumarating pag kainan."
Tawanan.
"Well." sabi ni Lyn sabay subo ng ulam.
"Hindi na nahiya ito! Nakikain pa!" turo ni Jess kay Lyn.
"Kain ka na rin dude." sabi ko kay Jess. "Kunwari ka pa, eh ikaw pinakamalakas kumain dito, kayo ni Rome."
"Eh... Sige na nga!" sabay kamot ng ulo.
Napuno ng tawanan ang hapagkainan. Sa dalawang araw na hindi ko sila nakita, masasabi kong na-miss ko ang mga kaibigan ko.

***

ROME:
Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin. Too formal and stupid. Ayoko ng ganito, mas trip ko talaga yung mga damit na kumportable lang ako. Pero dahil anniversary nila Mama at Papa at dapat nakaayos, wala akong choice. Tumalikod ako, nakita kitang nag-aayos sa harap ng salamin. Ang ganda mong lalaki mahal ko. Hay. Kapansin-pansin ang nakabusangot mong mukha.
"May problema?" tanong ko sa iyo.
"Alam mo na." Sabi mo sabay ngiwi. Tinanggal mo ang itim na coat at linagay ito sa hanger. Tumawa ako. Oo ngapala parehas tayong mas trip ang casual wear. But you look damn good with those blue with white shades long-sleeve. Muli kang tumingin sa salamin at pagkatapos ay tiniklop ang sleeve hanggang sa siko mo, pinausli mo ang puting kulay na nasa dulo ng sleeve. Napangiti ako. You look better kaysa kanina.
"Okay na iyan." Nakangiti kong sabi. Kami lang namang pamilya ang kailangan mag-formal, sa inyo kahit semi-formal okay na.
"This is kinda casual." Sagot mo.
"Hindi ah." Sabi ko. Tumingin ka sa akin. Ngumiti ka ng napakaganda. Dahan-dahan kang lumapit sa akin. "We should do this quick." Sabi mo sabay ngiting ewan ko kung ano tawag dyan.
Hinawakan mo ang itim na neck-tie ko at dahan-dahan itong tinanggal. Nanlaki ang mga mata ko, bumilis ang tibok ng puso ko, what are you doing!? Napansin ko na lang na unti-unti mong tinanggal ang black coat ko, sumunod ako, binaba ko ang braso ko, ramdam ko ang unti-unti mong paghubad sa akin. Tinanggal mo ang itaas na butones ng pula kong long-sleeve. Nag-umpisa akong manginig. Walang boses na lumalabas sa lalamunan kong biglang natuyo ng oras na iyon. Tumingin ka sa akin, parang ang lagkit na hindi ko maintindihan, napansin ko ang dahan-dahang pagdila mo sa mapula mong labi, napangiti ako, I like it. Ano bang tumatakbo sa isip mo mahal ko? Unti-unti na akong nag-iinit.
"This is better." Sabi mong gumising sa utak ko. Napansin kong sinusuotan mo na pala ako ng puting coat. "Okay ka lang? Bakit namumula at tulala ka dyan?" tanong mo.
"Wala." Hiya kong sabi sabay tawa ng mahina.
"Hoy Rome ha, baka kung ano na naman iyan."
"Wala nga!" sagot ko.
"Kailangan bang super formal? Alam kong ayaw mo."
"Hindi naman siguro. Maarte lang talaga si Ate." Sagot ko.
"Sure ka ah."
"Oo."
Pagkatapos mong sagutin ang tanong mo'y bahagya mong inangat ang sleeve ng coat ko at pagkatapos ay tiniklop ang long-sleeve nito. Naramdaman ng wrist ko ang mainit mong palad.
"Better." Sabi mo sabay ngiti.
Nagtama ang ating mga mata. Para mong hinahalukay ang aking pagkatao, nakita ko ang pagkislap ng napakaganda mong mga mata. Napansin ko na lang ang paghaplos ko sa malambot mong pisngi papunta sa panga mo. Naramdaman ko ang mainit mong kamay sa dibdib ko papunta sa aking balikat. Naramdaman ko ang malalim mong paghinga, ang lapit na pala ng mukha natin sa isa't-isa, lalong-lumapit, parang isang butil na lang ng bigas ang lapit.
"Tara na!" sigaw ni Lyn sabay katok ng malakas sa kwarto. Pumikit ka sabay yuko. Napangiwi ako sabay tingin sa pinto. Kitang-kita ko si Lyn na nakangisi. Tangina naman nananadya oh! Tsss.

***

RAY:
"Mami-meet mo na ang future in-laws mo!" tapik sa akin ni Jess. Biglang lumingon si Lyn at tiningnan nang napakatulis si Jess. Napailing ako sabay ngiti.
"Don't be so sure. Palaban si Kazuki baby." sabay irap at hawi ng buhok na pina-rebond niya.
"Hahablutin ko iyan!" sigaw ng isang pamilyar na boses na si likod namin. Lumingon kami at nakita namin si Kim.
"Bakla nandito ka! At kulot ang peg mo tonight!" si Lyn sabay tili at akap kay Kim.
"Syempre invited ako, at wag ka ring pasisiguro dahil mas matinik si Baelfire." sabay pamewang.
"Hoy tigil-tigilan niyo ako ha! Stop shipping me!" sabi ko sa kanilang tatlo. Patuloy kaming naglakad.
"Dami mo kasing boys." sagot ni Kim.
"Ganda problems." maarteng sabi ni Lyn.
"Shut up! Nandyan na si Rome." sabi ko nang makita ko siya, bakas sa mukha niya ang ngiti habang tumatakbo.
"Tara handa na ang room." sabi ni Rome. Naglakad kami at tinumbok ang isang makintab na grand door na gawa sa kahoy.
Binuksan niya ito, rinig ko agad ang malakas na tunog ng up-beat music, bumungad sa amin ang napakagandang set-up. Bukod sa makulay na lightings ng venue ay kapansin-pansin ang mga palamuti na dekorasyon na nakasabit sa kulay gintong dingding ng venue. Maganda rin ang pagkaka-ayos ng table set-up, simple pero elegante, may kulay puting ilaw sa gitna nito.
"Dito kayo. Samahan ko kayo mamaya." Sabi ni Rome sabay turo sa bilugang table. Umupo kami ni Kim, Jess, at Lyn.
Ilang segundo ang lumipas at nakita kong palapit ang isang pamilyar na lalaki, si Kuya Roel, ang Kuya ni Rome.
"Kamusta?" nakangiti niyang bati sa akin.
"Okay naman po. Kayo po?" Sabi ko sabay ngiti.
"Ayos lang. Medyo stress ang daming inaasikaso sa opisina." Natatawa niyang sabi. Pansin ko ang pag ngiwi ni Rome. Ano na naman kayang problema nito? Pansin kong tumingin si Kuya Roel kay Rome.
"Ah sige maiwan ko na muna kayo." Sabi niya sabay tapik sa likod ko at umalis.
Tahimik.
"Ang bongga ng set-up at ng venue!" pagbasag ni Lyn sa katahimikan.
"Sabi nga naming magkakapatid, simple na lang dahil nga maraming gastos ang pamilya namin, pero si Ate at ang asawa niya na ang gumastos."
"Nandito pala kayo." Sabi ng isang pamilyar na boses. Lumingon ako sa likod ko, nakakita ako ng impaktang naka-itim na dress. What on earth is she doing here?
"Akala ko ba nakulong ka?" si Lyn sabay taas ng kilay.
"Nagmulta ako. Ganoon talaga, mayaman ako eh. Hindi mga pulis at feeling Japanese citizen ang makakapigil sa akin." Maarteng sabi ni Gel sabay irap sa akin.
"FYI, isang Japanese Citizen na si Ray. His name is Rei Kyou, anak ng isa sa pinakamalaki at pinakamaimpluwensiyang tao sa Japan." Pagyayabang ni Lyn.
"Ang sabihin mo isa siyang ampon, bastardo, at pulubi na sumasabit sa mga mayayaman. Pilit sinusubukang bumangon mula sa basurang pinanggalingan niya. Pero kahit na anong tayo at bihis niya, nangangamoy pa rin kung saan siya nababagay, dahil isa siyang basurang malanding mang-aagaw na bakla!" Sabi niya habang minamata ako't tinitingnan mula ulo hanggang paa. Magsasalita sana ako ngunit biglang tumayo si Rome at linapitan si Gel.
"Gel, tumigil ka na. Wag mong sirain ang party ng parents ko." Gigil na bulong sa kanya.
"Why babe? I'm just telling the truth." Sagot niya sabay haplos sa malapad na balikat nito. Bahagyang tinabig ni Rome ang kamay niya, bakas sa mukha ni Rome ang pagkairita. "Anyway, be ready babe. Something great will happen later." Sabay ngiti. Matulis siyang tumingin sa akin. "As for you, kung ayaw mong masiraan na naman ng ulo, then do yourself a favor, stand-up, and walk away! Leave this room hangga't maaga pa... Pero matutuwa ako kung mananatili ka rito, gusto ko kasi makita kang kagaya ng dati eh. Natatandaan mo yun? Noong mas mababa ka pa sa putik at uod?" Sabay irap sa akin at umalis.
Tumiklop ang kamay ko, bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto kong hablutin ang buhok niya at ingudngod sa buffet table na di kalayuan sa amin. Pansin kong nanginginig ang kamao ko. Inhale, exhale.
Nang kumalma ako'y napuno ng tanong ang isip ko, anong ibig sabihin niya? Ano na namang pakulo niya? Nananahimik ako pero talagang tinitikis ako ng hayup na yun. Pagkaalis na pagkaalis ni Gel ay agad na lumapit ang Ate ni Rome, pansin ko ang pagtingin niya sa akin, hindi ko ito mabasa pero parang may kung anong pinapahiwatig ang tingin niya sa akin. Something is not right, pero hindi ko na lang iyon pinansin. Nandito ako bilang invited friend ni Rome at dahil utos ni Chichi.
"Rome, samahan mo ako paparating na sila Mama at Papa." Sabay hatak palayo kay Rome. Napansin ko ang nadagdagan ang mga bisita sa venue.
"Naku! Dudukutin ko ang putanginang mata ng babaeng iyon!" gigil na gigil na sabi ni Lyn.
"Teh, kumalma ka, wag mong uulitin yung ginawa mo sa opisina!" tukoy ni Kim sa away ni Lyn at Gel noong nagsampalan sila at inumpog-umpog ni Lyn ang mukha ni Gel sa fiber glass.
"Pigilin mo siya, huwag ako, kasi talagang mawawalan ng mukha ang malanding kaladkarin na iyan!"
"CR lang ako guys." Buntong hininga kong sabi sabay tayo at tumbok ng CR. Mabilis pa rin ang tibok nang puso ko.
Nang makarating ako ng CR ay agad akong naghilamos. Ramdam ko ang init na gumagapang sa katawan ko, ang apoy sa loob ko na nagtatago sa salitang galit. Muli kong naalala ang nangyari sa amin noon pitong taon na ang nakaraan, ang ginawa sa akin ni Gel ang at pagtakwil sa akin ni Rome. I gave a warm deep sigh.
"Kaya mo ito Ray okay? Huwag kang mag paapekto sa kanya?" sabi ko habang kinakausap ang lalaki sa salamin.

***

JESS:
"Ano ba itong si Gel, walang pinipiling lugar. Tsk." Sigaw ko sa isip ko.
"Kokrompalin ko yung putanginang iyon eh." Kanina pang bulalas ni Lyn na gigil na gigil ang panga na noo'y kababalik lang at may dalang tubig. Linaklak niya ito, oo laklak dahil naubos niya ang isang baso ng isang inuman.
"Tumigil ka nga at manahimik." Sagot ni Kim.
"Nasira ang araw ko puta! Wait nga, puntahan ko lang si cute na papable waiter at makahingi ulit ng tubig. Baka pupwedeng pakiligin niya rin ako para naman mawala ang pagkabwisit ko!" maarteng sabi nito sabay tayo.
"Behave!" sabi ni Kim. Umiling siya.
Tahimik. Naiwan kami ni Kim sa lamesa. Ilang saglit pa'y tumingin siya akin. Lalo siyang gumanda ngayong gabi. Hehe.
"Ikaw, kamusta?" bigla niyang tanong.
"Anong kamusta?" bakas sa boses ko ang pagtataka.
"Kamustang makita ang Ex mo?" tukoy niya sa Ate ni Rome.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Wala naman na kasi akong pakielam dun.
"She's not my Ex." Sabi ko sabay iling at tingin sa baso.
"Eh di sige, naka-fling mo na minahal mo noon." Nakapalumbaba niyang sabi.
"Wala. Blank." Sagot ko abang linalaro ang daliri sa paa ng baso.
"Weh?"
"Oo nga. Bakit mo natanong?" sabay tingin sa kanya. Nagseselos ba ito?
"Wala lang." Sagot niya sabay ikot ng mata.
"Nagseselos ka ano?" tanong ko sabay ngiti.
"Hindi ah." Sabay hawi sa kulot niyang buhok.
"Alam mo Kim, ikaw na ang mahal ko ngayon, kaya wag mo na siyang pagselosan." Sabi ko sabay kindat sa kanya.
"Daming alam." Sabi niya sabay inom ng tubig.
"Teh! May nasagap ako!" humahangos na sabi ni Lyn. Ang lalim ng paghinga niya at halatang tumakbo. "May special part pala ang party na ito... Announcement ng engagement ni Rome!" sabi niya sabay upo.
"Ha!? Kanino mo nalaman?" gulat kong tanong. Walang sinasabi sa akin si pareng Rome na ikakasal na siya, isa pa, sigurado akong si Ray talaga ang gusto noon, halos mawala nga sa direksyon ang buhay niya ng isang taon dahil sa di magandang nangyari sa kanila sa Tokyo last year.
"Nasilip ko sa Programme." Sagot nitong nakahawak pa ang kamay sa dibdib.
"Sigurado ka?" tanong ko.
"Oo nga! Binasa ko ng limang beses!" sabay bagsak niya ng baso sa lamesa.
"Eh kanino naman siya ikakasal?" kunot-noo kong tanong.
"Kay Gel." Sabat ni Kim sabay ngiwi. "May sinabi siya kanina kay Ray, remember?"
"Kung totoo man iyan, walang alam si pareng Rome dyan."
"Ewan ko Jess. Ang alam ko lang is we should escort Ray out of here, masyado nang nasaktan ang kaibigan natin noon. Hindi na dapat ito madagdagan, hindi niya dapat makita ang mangyayari mamaya."
"Wait. Mamaya na Kim pagdating na sa part na iyon." Sabi ko.
"Why? Bakit hindi pa ngayon?" tumaas ang boses ni Kim.
"Kim, kabastusan naman kung aalis siya bigla di ba? Inimbita siya rito." Paliwanag ko.
"Tangina talaga ng puta na iyan! Pati ba naman party ng parents ni Rome eeksena siya!" gigil na gigil na sabi ni Lyn, bakas sa mata ang panlilisik nito. "Paano niya naisingit ang sarili niya sa Programme?" kunot-noo niyang tanong.
"May kakunstaba siya." Sagot ko. Naalala ko ang mukha ng babaeng dati kong minahal. Siya yun, wala ng iba pa, bukod sa siya ang nag-organize nito ay close din sila ni Gel at noon pa man ay botong-boto siya rito para sa kapatid niya.
"Sino?" tanong ni Lyn.
"Basta." Sagot ko sabay iling.
Kinain kami ng katahimikan. Akala ko cool lang ang gabing ito, pero hindi pa man nag-uumpisa ang party ay ramdam ko na ang stress namin. Tsk. Naisip ko si pareng Ray, baka magalit na naman siya kay pareng Rome, paano na ito? Kababati lang nila, away na naman? Putek.

***

RAY:
Nagbitiw ako ng malalim na hinga. Pikit mata kong binuksan ang pinto at lumabas ng CR.
"Uy." Bati sa akin ni Kuya Roel. Binati ko rin siya. "Balita ko big time ka na ngayon ah." Natatawa niyang sabi.
"Hindi naman po." Ngiti kong sagot sabay iling.
"Ray." Tawag sa akin ng pamilyar na boses. Lumingon ako sa, nakita ko si Rome, nakasimangot. Ano kaya problema nito? Ganito rin siya kanina noong kinausap ako ng Kuya niya ah.
"Sige Ray. Mamaya na lang." Sabi ni Kuya Roel pagkatapos ay pumasok ng CR.
Naglakad ako palapit kay Rome.
"Anong problema?"
"Wala naman." Poker face niyang sagot.
"Meron, alam ko. Anong problema mo kay Kuya Roel?" tanong ko sabay pamewang.
"Bakit okay kayo?" tanong niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. I gave him a quizzical look.
"What do you mean?" tanong ko sabay taas ng kilay.
"Ngayon na lang kayo ulit nagkita, pero okay kayo, samantalang ako, ang tagal bago mo ulit kinausap ng maayos." Nakabusangot niyang sabi. Nag-umpisa na akong mainis sa kanya.
"So what are you trying to say?" sagot ko sabay cross-arm.
"That person is far worst than I am Ray, siya ang may kasalanan kung bakit nabaon sa utang ang pamilya ko! Hinayaan niyang makapasok yung gagong dating empleyado namin, yung taong iyon ang nagtakbo ng pera ng negosyo namin Ray, kung hindi dahil sa kapabayaan ni Kuya, hindi mangyayari ang lahat ng ito sa pamilya namin." Matigas niyang sabi.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. I get his point, pero wala siya sa katwiran. Umiling ako sabay hinga ng malalim.
"Walang kasalanan ang Kuya mo Rome, so don't blame him."
"Madaling sabihin sa iyo iyan kasi hindi ka naman apektado sa nangyari sa pamilya namin."
"Maaaring hindi nga ako apektado, pero ikaw na kapatid niya ang dapat mas nakakaintindi sa kanya. Naalala mo ba yung ginawa sa akin noon ni Gel? Involve ka dun, pero ginusto mo ba iyon? Hindi di ba? Nangyari siya, at kagagawan ng ibang tao, dapat iyan din isipin mo Rome. Hindi ginusto ng Kuya mo iyon. Kaya sana patawarin mo na siya." Paliwanag ko sa kanya.
Natigilan siya, napayuko. Alam kong nag-iisip siya. Kaka-chill ko lang dahil kay Gel ngunit muling bumigat ang pakiramdam ko, naalala ko ang bangungot na pangyayaring iyon sa buhay ko, sariwang-sariwa, napakalinaw.
"Tara na." Sabi ko sabay lakad, linagpasan ko siya.
"Napatawad mo na ba ako?" bigla niyang tanong.
Isang matulis na bagay ang tumusok sa puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Napapikit ako. Hindi ko siya masagot ng tama. We're good, we're friends now, pero masakit pa rin pala.
"It's a no. Alam ko." Malungkot niyang sabi.
"Tara na." Sabi ko na lang habang pabigat ng pabigat ang dibdib ko.
Mabilis akong naglakad, napansin kong marami ng tao ang kwarto. Agad kong tinumbok ang upuan ng mga kaibigan ko. Tahimik silang nakatingin sa akin. Something's wrong here.
"Anong nangyari?" tanong ko sa kanila.
Nanlaki ang mga mata nila.
"Wala! Wala!" sabay-sabay nilang sagot at pailing-iling pa.
"Guys, hindi niyo ako maloloko. Anong problema?" sabay tingin sa kanila ng matulis. Nagkamot si Lyn ng ulo, si Jess naman ay napatakip ng mukha.
"Eh kasi..." si Kim, ngunit hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil biglang nagsalita ang host.
"What?" tanong ko sa kanya. Hindi ako natinag ng ingay ng host.
"Kasi..." nauutal na sabi ni Kim.
"Kasi natatae raw siya. Eh hindi nakapagdala ng wet wipes." Sabat ni Jess. Biglang humalakhak si Lyn, hindi ko napigilang matawa. Nanlaki ang mga mata ni Kim sabay hampas kay Jess, tinawanan lang siya nito.
"May dala ako sa bag. Pahiramin kita." Sabi ko.
"Hindi na! Nawala na." Sabi ni Kim sabay kamot ng ulo. Napailing ako.
Ilang saglit pa'y pumasok na ang magulang ni Rome at napuno ng palakpakan ang buong venue. Bakas sa mukha ng Mommy ni Rome ang gulat, halos maiyak-iyak pa ito habang akap-akap ito ng Daddy ni Rome. Ilang saglit pa'y nagsalita at maiyak-iyak na nagpasalamat ang Daddy at Mommy ni Rome. Biglang sumulpot si Rome sa stage kasama ang mga magulang niya bilang surpresa, ang alam kasi nila ay nasa Japan pa rin ito at inaasikaso ang negosyo nila roon.

ROME:
Agad akong umupo sa table mo at mga kaibigan natin. Pinahid ko ang mata kong punung-puno ng luha. Masaya akong makitang tumagal ng thirty years ang pagsasama ng mga magulang ko.
"Alam naman po natin na maraming couples o mag-asawa ang naghihiwalay, ano po ba ang sikreto para umabot ng thirty years ang pagsasama?" tanong ng host sa kanila.
Tahimik. Kinuha ni Papa ang mic.
"Hindi ako perpektong asawa, may mga naging pagkakamali at pagkukulang ako, pero ang alam ko lang ay kahit ano mang nagawa ko, hindi ako tumigil o sumuko para sa asawa ko at mga anak namin. Kasi mahal ko sila eh." Sagot ni Papa. Ramdam kong pinipigilan niyang umiyak. Naalala ko ang nagawa niyang kasalanan sa amin, nagkaroon siya ng kabit sa loob ng sampung taon, nagkaroon siya ng anak sa kabit niya na hindi man lang din namin nakilala.
Napatingin ako sa iyo. Kitang-kita ko ang maganda mong mukha habang nakatutok sa mga magulang ko. Naalala ko ang napag-usapan natin kanina, oo kasalanan ni Gel ang nangyari sa iyo, pero aminin mo man o hindi alam kong may kasalanan ako, kung ginawa ko lang ang tama, hindi ka sana nasaktan at inapakan ng ibang tao.
"If only I could turn back time, I won't let them harm you Ray." Bulong ng isip ko sa iyo.
Habang nakatingin sa iyo ay nakatatak sa isip at puso ko ang sinabi ni Papa.
"Alam kong hindi ako perpekto at may nagawa akong pagkakamali, pero hindi ako dapat sumuko sa mahal ko kasi mahal ko yun eh, kasi mahal kita." Sabi ko sa isip ko. Napatingin ka, bakas sa mata mo ang gulat. Pucha nasabi ko ata! Tsk.
"Ha? May sinasabi ka?" bigla mong tanong.
"Wala." Sabi ko sabay tuon ng mata sa mga magulang ko. Nahiya ako bigla.

RAY:
Narinig ko ang sinabi ni Rome, hindi ko alam kung ano ang gusto niyang tumbukin, ayoko na namang mag-expect na para sa akin yung sinabi niya. Tinuon ko ang mata ko sa mga magulang niya. Matagal bago nakasagot ang Mommy ni Rome.
"Understanding." Naiiyak na sagot ng Mommy ni Rome. Naintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Naalala ko ang kinuwento ni Rome sa akin sa Kyoto, nagkaroon ng kabit ang Daddy niya for ten years at anak sa ibang babae. "Kung nakagawa ng pagkakamali o pagkukulang, intindihin at patawarin mo, kasi kung gusto mong mag-work ang isang bagay you have to let things go. Gagawin mo ito kasi mahal mo."
Para akong tinamaan ng kidlat sa narinig, kinilabutan ako. Pasimple akong napatingin kay Rome. Hindi ko alam kung bakit, para akong tinamaan na hindi ko maintindihan. Unti-unti siyang tumingin sa akin, nagtama ang aming mga mata. Seconds after, lumapit ang Ate niya, binulungan siya at pagkatapos ay tumayo at naglakad palayo.

***

JESS:
Nakita kong tumayo si pareng Rome kasama ni Sheena, ang Ate niya na naka-fling ko.
"Tangina teh! Ito na yun!" Bulong ni Lyn kay Kim. Alam ko na ang tinutukoy niya.
"Palalabasin ko si Ray." Bulong ni Kim kay Lyn. Akmang tatayo siya ay inunahan ko na.
"Ako na." Sabat ko sabay tayo. Dahan-dahan akong lumapit kay pareng Ray habang nag-iisip ng idadahilan. Nakita ko sa malayo ang pagtayo ni Gel, ngiting-ngiti ito habang hinahawi ang buhok sabay lakad papunta sa isang pinto. Tumingin ako kay pareng Ray, napakamot ako ng ulo. Putek anong gagawin ko?
"Ako na!" si Kim sabay tayo. Sinenyasan ko siyang umupo. Kinalabit ko si pareng Ray, lumingon siya.
"Pareng Ray, tara." Nauutal kong sabi.
"Saan?"
"Ah. Eh... Tawag ka ni Boss." Hindi ko alam kung saan galing iyon. Tsk. Pansin kong napatakip ng mukha si Kim habang si Lyn naman ay napapikit at tumalikod na lang na para bang ayaw nang makita ang mangyayari.
"Kaaalis lang niya ah." Kunot-noo niyang sabi.
"Eh kasama ka eh." Dahilan ko. Naglakad kami palabas ng venue, pasimple akong napakamot ng ulo. Anong gagawin ko?
Paglabas ng venue ay nakita ko ang isang naka-awang na pinto, kitang-kita ko na nandoon si Gel kasama si Sheena. Naisip ko na naghihintay ito bago tawagin at i-announce na ikakasal na sila ni Rome. Lalaki ako, pero tangina nito, hindi ko mapigilang hindi murahin ang babaeng nakikita ko, tikas ng babaeng ito parang walang natirang kahihiyan at respeto sa sarili niya. Napailing ako. Nasilip ko sa loob na umalis si Sheena at pumasok sa kabilang pinto. Naisip ko lang, hindi naman dapat si Gel ang nandyan, kundi taong mahal ni pareng Rome.
"Pareng Ray wait lang ah, may naiwan ako sa loob. Dito ka lang." Dahilan ko. Pumasok akong venue. Nag-isip ako ng pwede kong magawa para kay pareng Ray, alam ko ang pinagdaanan ng kaibigan kong ito, hindi na dapat iyon maulit.
Tumingin ako sa malayo, nakita ko si pareng Rome, naghihintay sa isang gilid. Napangiti ako. May kalokohang tumakbo sa isip ko. Sana success.

***

ROME:
Ano na naman kayang pakulo ni Ate? Nakita kong umakyat siya sa stage, hiningi ang mic sa host, nag-umpisa siyang magsalita.
"Daddy, Mommy, alam kong masayang-masaya kayo ngayong araw. At inspiration kayo sa lahat ng taong nandito ngayon. Gusto ko po sanang lalo kayong pasayahin sa araw na ito." Nakangiting sabi ni Ate sabay tingin sa akin. Ewan ko pero kinutuban ako ng masama. Ano ang ibig niyang sabihin?
"Bukod sa nandito si Rome, ay may gusto po kaming sabihin sa inyo at sa lahat ng bisita natin." Sabay tingin sa mga tao.
Nanlaki ang mga mata ko. Anong ibig niyang sabihin!?
"Soon, we will have a new addition to the family. And this will happen because our bunso, will get married in few months time." Masaya niyang sabi.
Nanlumo ako sa narinig, hindi ko alam ang gagawin ko, para akong naging estatwa. Napuno ng ingay ang buong venue, kung anong saya ang nararamdaman ng lahat ay siya namang kinabagsak ng sarili ko. Ikakasal ako!? Kanino!? Muli kong naalala ang sinabi sa akin ni Ate kanina.
"Whatever happens, I hope hindi mo biguin sila Mama at Papa. Mamaya makakasama mo ang isang taong matagal mo ng kilala." Boses niyang bumubulong sa utak ko. Naalala ko si Gel, ano ngapalang ginagawa niya rito? Hindi kaya siya ang gusto ni Ate na pakasalan ko!? Nanlamig ang mga kamay ko, bumilis ang tibok ng puso ko. Tangina gusto kong mag-walkout! Pero hindi ko naman magawa dahil ayokong sirain ang party nila Mama at Papa.
"Hindi ko na patatagalin. Ladies and Gentlemen, please help me welcome, my brother Rome Parrilla and his Fiancée." Sabay turo sa akin. Lalong lumakas ang palakpak, sipol, at sigaw ng mga tao, nakakabingi.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa tabi ko. Lumingon ako. Tinamaan ng spotlight ang taong lumabas sa pinto, napawi ang bigat ng pakiramdam ko sa aking nakita. Nakita ko ang pinakamagandang tao sa paningin ko, ang taong pangarap ko na ngayon, ang taong gusto kong pakasalan, ikaw Ray. 
Naglaho ang nakabibinging ingay at napalitan ito ng katahimikan.
Bakas sa mukha mo ang gulat. Nagtama ang ating mga mata, unti-unti kong nakita ang pagkislap ng mga bituin. Napangiti ako. Inabot ko ang kamay ko sa iyo. Tiningnan mo ito. Tumango ako. Dahan-dahan mong tinanggap ang kamay ko, ang init ng kamay mo, nagdulot ito ng kuryente at kiliti sa akin.
"Ito si Ray, siya ang mahal ko, siya ang pangarap ko, at siya ang pakakasalan ko." Proud kong sabi sa nagsusumigaw kong isip.

(End of Chapter 21)



o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o





CHAPTER TWENTY-TWO
RAY:
"Pareng Ray dito tayo." Sabi ni Jess. Napakamot ako ng ulo, hindi ko alam kung bakit niya ako dinala rito, ang sabi lang niya ay pinatawag ako ni Rome.
"Nasaan ba si Rome?" irita kong tanong.
"Ah... Basta dito lang tayo." Sabay bitiw ng isang pilit na ngiti.
Narinig kong nagsalita ang Ate ni Rome. Sinabi nitong may surpresa sila sa parents nila. Ilang saglit pa'y muli ko siyang narinig magsalita.
"Soon, we will have a new addition to the family. And this will happen because our bunso, will get married in few months time." Bakas sa boses niya ang saya.
Natulala ako sa aking narinig. Pakiramdam ko'y unti-unting bumigat ang dibdib ko, parang kinakain ang buong katawan ko. Bakit ba ako nasasaktan? Wala naman akong karapatan kasi hindi ko naman boyfriend si Rome. I'm just a friend!
"Ray kumalma ka." Si Jess sabay himas sa likod ko. Inakbayan niya ako at tumapat sa isang pinto. "Basta kung anuman ang mangyari mamaya, just smile okay?" nakangiti niyang sabi.
Tiningnan ko siya. I gave him a quizzical look. Hindi ko siya maintindihan.
"Hindi ko na patatagalin. Ladies and Gentlemen, please help me welcome, my brother Rome Parrilla and his Fiancée." Masiglang sabi ng Ate ni Rome. Rinig na rinig ko ang ingay sa loob.
Biglang bumukas ang pinto na nasa harap namin. Nasilaw ako sa liwanag na nakatutok sa akin, ramdam ng balat ko ang init nito. Naramdaman ko ang malakas na pagtulak sa akin ni Jess.
Unti-unting luminaw ang paningin ko, nakita ko ang anghel sa harap ko, si Rome. My jaw dropped literally. Nagsalubong ang aming mga mata, kitang-kita ko ang pagkislap ng mga bituin. Ngumiti ka, napakatamis, labas pa ang malalim mong dimples, hindi ko napigilang gumanti ng ngiti. Inangat mo ang kamay mo sa akin. Tiningnan ko ito.
"Pareng Ray, enjoy this while it last. Isipin mo na ikaw ang fiance ni pareng Rome, na ikaw ang pakakasalan niya." Bulong sa akin ni Jess na nakatago sa gilid ng pinto.
Muli kong naalala ang nangyari ang kasal-kasalan namin sa Kyoto. Ang pakiramdam na maglakad sa aisle palapit sa taong mahal ko, ang binitiwan niyang sumpa, at ang dapat ay happily ever after na binuo namin ng araw na iyon. Tinanggap ko ang kamay niya, nagdulot ito
ng matinding kuryente, kilig, at kiliti sa akin. Hawak kamay naming hinarap ni Rome ang lahat ng tao.
Napansin kong nakabibingi ang katahimikan. Malamang ay hindi nila ineexpect na isang lalaki ang bubungad sa kanilang fiance ni Rome.
"Anong gagawin natin?" bulong ko kay Rome.
"Sakyan mo na lang." Bulong niya sabay ngisi. "Pero gusto mo bang ikaw ang sakyan ko mamaya?" sabay pilyong ngiti.
"Baliw." Sagot kong pabulong sa kanya.
"I'm sorry. It's Rei Kyou, our special guest tonight from Kyōryoku Kabushiki Gaisha, he's our family friend and the son of The Mr. Kyou. But he can be the latest addition to our family as what Sheena said, as my brother's fiancé right?" sabi ni Kuya Roel na noo'y hawak ang microphone. Pansin kong nakabusangot ang katabi nito na Ate ni Rome, siguro ay inagaw niya ang mic mula rito.
"Yes! Pwede!" sigaw ni Kim at Lyn. Alam kong hindi si Rome ang manok nila para sa akin, pero nagawa nilang sakyan ito para hindi ako mapahiya. I'm touched.
Nagtawanan ang mga tao, they took everything as an honest mistake. Tama si Rome, sakyan na lang namin ito, wala namang mawawala eh. Pasimple akong tumingin sa Parents ni Rome na noo'y natatawa rin.
"I believe Mr. Rei Kyou here would like to say something?" nakangiting sabi ni Kuya Roel. Nanlaki ang mga mata ko, anong sinasabi niya? Inalalayan akong umakyat ni Rome papuntang stage. Binulungan ako ni Kuya Roel.
"Sorry for that Ray, pagsasabihan ko si Sheena. Anyway, just give best wishes to Mama and Papa, and think something like a message from The Mr. Kyou para maitawid lang natin ito." Nangingiti niyang sabi.
"Thanks Kuya." Natatawa kong sabi. Nag-umpisa nang gumalaw ang utak ko, sobrang bilis, kailangan kong maitawid ito.
Tumingin ako harap, nakita ko ang lahat ng bisita. Ngumiti ako. Sa malayo ay nakita ko ang nakabusangot si Gel. Tumalikod ito at naglakad palabas.
"Good evening... Nakakatawa yung nangyari ano? Human mistake, but that's fine." Sabi ko sabay tawa. Rinig ko ang pagtawa ng mga tao. Tumingin ako sa parents ni Rome na noo'y nakangiti sa akin. "Actually kanina ko lang nalaman na magsasalita pala ako, so forgive me in advance... Hindi ko po alam kung alam niyo, pero gusto ko pong malaman niyo na malaki ang naitulong ng business niyo sa akin. If it weren't for it, hindi ko mararating ang narating ko ngayon, at hindi ko makikilala ang tatay kong si Mr. Kyou. Kaya maraming-maraming salamat
po. My father can't come here tonight, pero gusto niya pong malaman niyo na bilib po siya sa bunso niyo." Sabi ko sabay tingin kay Rome. Naalala ko ang mga kwento sa akin ni Chichi tungkol kay Rome. Muli akong napangiti.
"Even though wala siyang experience sa business, his persistence, determination, and talent is amazing, at dahil doon bumilib si Chichi sa kanya. If he makes it, my father will be very happy and proud to be his business partner. Pagbalik ko, masasabi ko kay Chichi kung gaano kabubuting tao ang mga possible partners niya sa business. So to end, I want to say that congratulations po! Thirty years and counting." This is an assurance na maganda ang sasabihin ko kay Chichi regarding sa assignment ko, I hope with this simple act, makatulong ako sa problema ni Rome at ng pamilya niya.

***

JESS:
Rinig ko ang palakpakan ng mga tao. Success! Hindi man perfect, pero hindi naman halatang impromtu ang ginawa ni pareng Ray, maganda pa rin at hindi sabaw.
Ilang saglit pa'y nakita kong naglalakad palapit si Gel kasama si Sheena. Alam ko na ang sadya nitong mga ito. Sinabihan ko kasi si Gel na sa kabilang pinto siya lalabas, sumunod naman siya, dahil dito nagawa ko ang plano ko at si Ray ang lumabas sa pinto na dapat ay lalabasan ni Gel.
Akmang lalapit si Gel para sampalin ako ay agad na hinawakan ng isang kamay ang braso niya, nakita ko si Kim na mabilis na lumitaw sa gilid ko, nagpunta pala siya rito!
"Don't touch me bitch!" maarteng sigaw ni Gel sabay tabig sa kamay ng girlfriend ko.
"Don't bitch me bitch! Mas bitch ako sa iyo baka hindi mo lang alam! Wag mong kantiin ang boyfriend ko dahil papatulan talaga kita!" sigaw ni Kim sa kanya.
"Putangina ng boyfriend mo! Pakielamero! It should be me! Ako ang fiancee ni Rome! Ako ang dapat na nandoon!" pagsisigaw ni Gel habang nanginginig na tinuturo ang sarili.
"Bakit? Para ikadena sa iyo si Pareng Rome?" sigaw kong inis na inis sa kanya. Tangina sinapak ko na ito kung hindi lang babae ito eh.
"Kung pag kadena ang tawag doon, oo! Ikakadena ko siya dahil akin lang siya! Ikakasal kami sa ayaw at sa gusto niyo!" sigaw niya sa amin.
"Wala ka na bang respeto sa sarili mo Gel? Ganyan ka na ba kababaw?" sabat ni Kim.
"I'm not talking to you bitch!" si Gel na nagtatantrums sabay duro sa girlfriend ko.
Napansin ko mabilis na pag takbo ni Lyn sa likod ni Gel at ni Sheena.
"Gel!" sigaw ni Lyn. Pag harap ni Gel ay bumagsak ang kamao ni Lyn sa mukha nito, tumba si Gel. "Masarap ba? Kasing sarap ba ng saging na kinahahayukan mo?" sigaw ni Lyn na agad na hinatak ni Kim palayo.
Sumigaw si Gel gawa ng sakit. Tinulungan itong tumayo ni Sheena.
"All three of you! Get out of here!" sigaw ni Sheena sa amin.
"No! Hindi sila aalis!" sagot ng boses mula sa pinto kung saan lumabas si Ray kanina, linuwa nito ang Kuya ni Rome. Sinarado niya ang pinto, siguro ay para hindi marinig sa labas ang nangyayari rito.
"Kakampihan mo pa sila Kuya!?" gigil na sigaw ni Sheena.
"Oo! Kasi mali ang ginawa mo Sheena!" galit na sabi ng Kuya ni Rome.
"Anong mali!? Sila ang mali kasi nangingielam sila! Lalo na iyan!" sabay duro sa akin.
"Ako? Bakit ako?" sagot ko sabay tawa.
"Kasi kung hindi ka nangielam hindi mangyayari ito!" sigaw niya.
"Ikaw may kasalanan hindi ako! Kasi sinasaksak mo sa kapatid mo ang babaeng hindi na niya mahal! Hindi ka pa rin nagbabago Sheena, kahit noon ganyan ka na... Minahal din naman kita pero gusto mo lagi ikaw ang nasusunod... Di mo ba naiisip na nakakasakal ka na! Kahit sarili mong kapatid ginaganyan mo! Mahiya ka nga!" gigil kong sigaw sa kanya.
Bakas sa mukha niya ang gulat. Ilang saglit pa'y tumalikod ito at naglakad palayo kasama ni Gel na noo'y umuungol gawa ng sakit na suntok ni Lyn.

***

RAY:
"Ikain na lang natin ito guys." Nakangiti kong sabi, pilit na inaangat ang mga bagsak nilang mood. Agad kong inupakan ang pasta.
"Tataba ako nito!" sabi ni Lyn na punung-puno ang bibig. "Na-drain ako mga teh, ang hirap palang manuntok. Mas madali manampal, manabunot, at mang-ngudngod ng mukha!" habang umiikot ang mata.
Tawanan.
"Sinong sinuntok?" tanong ni Rome na noo'y kararating lang mula sa buffet table. Binaba niya ang plato niya sa mesa. Naramdaman ko ang mainit niyang kamay sa likod ko.
"Long story. Mamaya na namin ikukwento." Sagot ni Lyn sabay subo ng lechon. Narinig ko ang tunog ng tinidor, kutsara, at plato.
Kumunot ang noo ni Rome. Tumingin siya sa akin sabay ngiti.
"Kamusta naman ang kain ng fiancé ko? Mukhang masarap iyan ah." Sabay kindat. Nabilaukan ako sa word na fiancé. Tumatawa siyang hinimas ang likod ko. Uminom ako ng tubig. Linapit niya ang labi niya sa tenga ko. "Pero mas masarap ako dyan fiancé ko, gusto mo tikman?" sabay ngisi.
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Bigla kong hinampas ang braso niya.
"Yuck, tumigil ka nga!" irita kong sabi.
"Bakit? Totoo naman fiancé ko ah. Mas masarap naman talaga ako dyan, my lips, my pandesal, my banana, my eggs, my milk, my everything." Pilyo niyang bulong sa akin.
"Rome!" sigaw ko sabay padyak ng paa. Ang halay-halay niya grabe!
"You can have it all later." Sabi niya sabay kiss sa tenga ko. Nakakakiliti. Pakiramdam ko'y nag-init ang katawan ko sa ginawa niya, dagdag pa ang marahang haplos sa likod ko na para bang inaakit at pinapainit ako. Tsk.
"Tumigil ka na!" gigil kong sigaw sabay hampas sa kanya, pinunasan ko rin ang tenga kong hinalikan niya. Humalakhak siya.
"Hoy ano yan ha! Nakita ko 'yun ah!" sita ni Kim na parang naintindihan ang sinabi ni Rome. "Porket wala si Bae dito gumaganyan kayo!" sabi niya sabay kain ng salad.
"At si Kazuki!" singit ni Lyn.
"Akin lang ito." Si Rome sabay akap sa akin.
"Bakod king!" sabay-sabay na sabi ni Jess, Kim, at Lyn.
Tawanan.
"Guys, iinvite ko sana kayo sa birthday ko sa kamakalawa." Masayang sabi ni Kim. "Sa El Nido! Libre ko na ang accommodation." Sabi nito habang tinataas-taas ang kilay.
"Ang yaman! Gora na tayo!?" excited na tanong ni Lyn.
"Hoy, may trabaho na noon." Sabat ni Jess.
"Eh di gamitin na natin ang paid leave natin." Sagot ni Lyn sabay ngiti at tingin kay Rome na parang nagpaparinig.
"Hoy, tumigil kayo ah, kakaumpisa lang natin mag-leave na agad kayong dalawa?" iritang sita ni Rome.
"Eh Boss, after naman noon hindi na kami makaka-leave ulit, matatagalan na dahil mas busy na tayo pag naging partner na natin ang tatay nito." Sabay turo ni Lyn sa akin.
"I said no. Maraming dapat asikasuhin." Matigas na sabi ni Rome.
"Oo tama pala iyan na wag na kayong sumama. Isasama ko si Ray at Bae." Nakangiting sabi ni Kim sabay kagat ng apple.
Tumingin ako kay Rome, bakas sa mukha niya ang gulat. Napangiwi ito sabay kunot-noo.
"Sasama ako. Pati si Jess isasama ko." Bakas sa mukha ni Rome ang inis. Putek, nagselos ata kay Bae. Tsk.
"Yes!" masayang sabi ni Jess.
"Siya lang Boss?" tanong ni Lyn.
"Sige na nga!" sagot ni Rome sabay iling.
"Yehey!" si Lyn sabay taas ng kamay na parang kami lang ang tao sa venue.
"Ayaw patalo. Bakod king talaga. Tsk! Tsk! Tsk!" iiling-iling na sabi ni Kim.
"Great wall of Rome." Natatawang sabi ni Jess.
"Siera Rome-dre." Pagkumpara ni Lyn kay Rome sa Siera Madre, sabay ikot ng mga mata.
Napuno ng tawanan ang lamesa namin.

***

ROME:
Katatapos lang ng party. Bumaba tayo sa malapad na puting hagdang gawa sa marble. Sumalubong sa atin ang mga puno at isang malaking fountain. Nasa hardin tayo ngayon ng hotel na venue ng anniversary nila Mama at Papa.
"Ang haba ng araw na ito nuh?" sabi ko sabay akbay sa iyo. Narinig ko ang malutong na daloy ng tubig sa fountain.
Tumango ka. Tahimik. Naramdaman ko ang preskong ihip ng hangin na humaplos sa aking mukha. Bahagyang gumalaw ang buhok at bangs ko. Tumingin ako sa iyo, ang layo ng tingin mo, hindi ko maiwasang hindi titigan ang maganda mong mukha.
"Gusto mo ihatid ko na kayo?" Naghihintay kasi kayo ng mga kaibigan natin ng sundo pauwi.
"Hindi na. Hintayin na lang namin yung susundo." Sagot mo. Umupo tayo sa gilid ng fountain.
Tumango ako. Kinain tayo ng katahimikan. Tinatamaan ng liwanag mula sa ilaw ng fountain ang mukha natin. Naalala ko ang sinabi mo kanina tungkol kay Kuya, siguro ay tama ka, I should give him a chance, hindi nga naman niya ginusto ang nangyari. Parang noong pinahiya ka ni Gel, kahit alam kong involve ako doon, hindi ko iyon ginusto at wala akong nagawa. Napabuntong hininga ako.
Ilang saglit pa'y narinig ko ang mahinang pag-hum mo, hindi ko maintindihan kung anong kanta iyon. Biglang pumasok sa isip ko ang prom natin noong 4th year high school tayo. Naalala kita, you were sitting there with some of our batchmates, nakangiti ka noon pero hindi kita nakitang nagsayaw sa dance floor. Napansin ko na lang na wala ka na sa upuan mo, maaga ka palang umuwi noon.
"Naalala mo noong Prom natin?" random question ko sa iyo.
"What about it?" kunot-noo mong tanong.
"Sino ngapalang ka-date mo noon?" pag-kumpirma ko.
"Wala." Maiksi mong tugon.
Kinain tayo ng katahimikan.

RAY:
Bakit naman kaya niya natanong ang tungkol sa Prom noon? Isa yun sa mga panahong gusto kong maglaho na parang bula, I feel sad and bitter noon kasi ako lang ang walang partner, paano nga ba naman ako magkakaroon ng partner noon, eh impossible namang i-date niya ako, besides yun na rin yung mga panahong iniiwasan niya ako, few days bago mangyari ang malagim na pagpapahiya sa akin ni Gel.
"Ano naalala mo tungkol doon?" tanong niya. Totoo lang ay naiirita na ako.
"Eh di nanalo kayo ng date mo na star of the night." Ngumiwi ako sabay ikot ng mata. Ang date niya noon ay walang iba kundi ang pambansang impakta.
Tahimik.
"Alam kong wala kang nakasayaw noon, pero may nakasayaw ka na ba for the past seven years?" tanong niyang walang katuturan.
"Wala pa since birth." Sabay buntong hininga.
"Can I tell you something?" tanong niya.
"Shoot." Sagot ko.
"If only I can turn back time, ayokong maka-date yung naging date ko noon. Kasi may gusto akong i-date na iba ngayon na sana ay siya ang inaya kong i-date dati. Wala rin akong pakielam kung hindi kami mananalong star for the night, sabi lang naman nila yun eh, subjective iyon depende sa paningin nila kung bagay ang dalawang tao. Ang hindi nila alam, may higit na mas nababagay sa akin, at higit na alam ng puso ko ang taong bagay sa akin." Sabay turo sa puso niya.
Napatingin ako sa kanya. Nagtama ang aming mga mata.
"Why are you saying this to me?" nauutal kong sabi.
"Wala lang." Iling niya. "Ray. Sorry sa nangyari noon ah." Alam ko na ang tinutukoy niya.
Hindi ko maintindihan kung bakit siya ganito ngayon. Hindi ko masabing napatawad ko na siya ng buo, pero hindi ko rin masabing galit pa ako sa kanya, parang somewhere in between ba? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Tumayo siya.
"Ray... Can I be your first dance? Kung hahayaan mo ako." Inabot niya ang kamay niya sa akin. Hindi ako makakilos. Anong mayroon? Totoo ba itong naririnig ko?

ROME:
"I want to be your first dance, but I also want to be your last, kasi gusto kong ikaw ang huli ko." Iyan ang gusto kong sabihin sa iyo na hindi ko masabi-sabi. Sa dami ng nangyari sa atin ay ngayon pa ako na-torpe. Tsss. Siguro kasi iniingatan ko ang pagkakaibigan na binigay mo sa akin.
"Gusto ko lang. Parang sa Prom ba?" sabi ko.
"Rome, matagal ng tapos yun. Tama na nga ang mga pakulo mo." Natatawa mong sabi.
"Matagal na ngang tapos iyon, hindi na rin natin maibabalik ang panahon, pero gusto kong ma-experience mo ng maayos ang Prom, yun bang may taong may mag-ayang isayaw ka." Paliwanag ko.
"Ikaw na rin nagsabi na hindi na natin maibabalik pa ang panahon. So para saan pa?" sagot mo sabay kamot ng ulo.
"Hindi naman natin kailangan ibalik ang panahon, ang kailangan natin ay bagong pagkakataon, ang ngayon. Sana hayaan mong ma-experience ngayon ang isa sa mga missed opportunity mo, At kung pwede sana ako ang gumawa noon. Sana hayaan mo ako." Sabay ngiti.
Tahimik. Nakatingin ka lang sa akin, para kang naging bato at hindi kumikilos. Hinawakan ko ang braso mo, hinatak kita, sumunod ka. Linagay ko ang kamay mo sa balikat ko habang ang kamay ko naman ay sa bewang mo. Bakas sa mukha mo ang gulat. Lalong lumaki ang ngiti ko sa iyo.

RAY:
Awkward nito shit! Ano bang nakain nito kanina at may mga pakulo na naman si mokong? Ang tamis ng ngiti niya at ang lalim ng dimples niya. Kumikislap-kislap din ang bituin sa mga mata niya. Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko maiwasang hindi kiligin. Napayuko ako. Sobrang nakakailang.
"Pangit ba ako?" tanong niya.
"Bakit mo natanong?" sagot ko sabay taas ng ulo at tingin sa malayo.
"Eh kasi hindi mo ako tinitingnan eh." Napansin kong ang kanyang pag simangot. Pasimple ko siyang tiningnan ng diretso. Ang cute niya pag nag papabebe paminsan-minsan.
"Eh kasi naiilang ako. Tsaka ang awkward kaya walang music at walang ilaw." Pagdadahilan ko.
"Mayroon tayong ilaw, iyang fountain." Sabay nguso sa maliwanag na fountain. "Ilaw rin natin ang maliwanag at malaking buwan, idagdag pa ang mga bituin na ngayon ay nanonood sa atin." Sabay ngiti at tingala. Tumingala rin ako, nagulat ako sa dami ng mga bituin. Himala! Madalang sa Manila ang napakaraming nakalitaw na mga bituin. Parang pati ang pollution ay nawala upang makisama sa moment na ito.
"At ito ang music." Sabay pindot ng cellphone nya sa bulsa, pinatong niya ito sa may fountain. Nag-umpisang tumugtog ang isang pamilyar na introduction ng kanta, isang piano, alam ko na ang kanta. Napangiti ako. Sa'yo by Silent Sanctuary.
Kasabay ng pagsabay niya sa kanta ay ang mahinang pag sway ng katawan namin. Kahit medyo sintunado siya ay hindi ko mapigilang ngumiti at kiligin, sinabayan ko siyang kumanta para naman may guide siya at mabawasan ang out of tune niya. Lalo siyang ngumiti. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata, parang hinahalukay ang kaluluwa ko, napuno ng saya ang aking puso.
"Kinakabahan ka ba?" tanong niya.
"Ewan..." Sagot ko.
"Don't deny it... Halata... Relax ka lang." Sabay kindat niya.
"Eh kasi..." Naiilang kong sabi. Patuloy pa ring nagpe-play ang tugtog.
"Pikit ka na lang. Ako na bahala. Just enjoy the moment." Malambing niyang sabi.
Sumunod ako, nakita ko ang kadiliman, dinamdam ko ang kanta at marahang pagsayaw namin. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko, this is my first time to dance with someone. Hindi ko namalayan na hindi ko na naramdaman ang pag sayaw namin dahil pakiramdam ko'y lumulutang na kami sa langit papuntang kawalan, ito ang tanging kadilimang nakikita ko na masasabi kong masaya ako, I feel free, happy, and safe. Parang amin ang mundo.

ROME:
Pinagmasdan kita habang nakapikit. Naramdaman ng mukha ko ang bawat init ng iyong paghinga, sinabayan ko ang malalim mong hinga at pagkatapos ay patuloy na kumanta. Nagbitiw ka ng isang sinserong ngiti. Tinukod ko ang noo ko sa noo mo. Naramdaman ko ang pintig ng pulso mo, naging isa ang pintig ng puso natin. Pumikit ako, as I closed my eyes, isa lang naisip at nararamdaman ko – mahal na mahal kita. Sinambit ko ito sabay dilat. Dumilat ka, I saw doubt in your eyes.
"Please wag mong kontrahin, please wag kang magagalit, I just want you to know... Pero kung naiilang ka, isipin mo na mahal kita bilang isang kaibigan." I said in soft tone. Patuloy tayong nagsayaw.
Nagbitiw ka ng isang pilit na ngiti. Kahit papaano'y nababasa kita, okay lang, hindi ito madali sa iyo, pero masaya ako kung anong mayroon tayo ngayon.

***

RAY:
"Ang sweet naman." Sarcastic na sabi ng maarteng boses. Napalingon kami ni Rome sa pinanggalingan nito, nakita ko si Gel nasa may hagdan. "I'm sorry, nasira ko ba ang moment niyo? Pasensya na ha, pinatatawag kasi ng future brother-in-law ko ang future husband ko." Sabay ngisi at pamewang.
Umiling si Rome sabay kuha sa cellphone niya at binulsa ito. Hinawakan niya ang kamay ko, nakita kong tiningnan iyon ni Gel.
"Tara na Ray." Sabi ni Rome sabay hatak sa akin.
"Can I talk to your fiance wannabe?" maarteng tanong ni Gel.
"No. And he's not my fiance wannabe." Sagot ni Rome kay Gel, bakas sa boses niya ang inis.
"Rome okay lang. Sige na, puntahan mo na si Kuya Roel." Sabi ko sabay tango. Alam kong nagdadalawang isip si Rome, pero sinigurado kong okay lang talaga.
Nag-umpisa siyang maglakad palayo. Bago siya mawala sa paningin ko'y muli siyang lumingon. Tumango lang ako sabay bitiw ng isang pilit na ngiti. Ilang saglit pa'y kami na lang ni Gel ang tao sa garden.
"What?" tanong ko sa kanya sabay poker face. Nagtama ang nagliliyab naming mga mata, kulang na lang ay magpatayan kami ng demonyo na nasa harap ko.
"Masaya ka sa nangyari kanina? So feeling mo ikaw na ang fiance ni Rome ngayon? Feeling mo pwede kayong ikasal? Hoy! Huwag kang ilusyunadang bakla! Kahit kailan hindi kayo pwedeng ikasal dahil isa kang bakla! Ako ang pakakasalan ni Rome dahil babae ako! May matres ako! Iyan ang bagay na kailan man hindi ka magkakaroon!" sigaw niya sa akin habang nanlilisik ang mga mata. Nasabi ko na dati na ayoko maging babae dahil maraming paghihirap ang dinadaanan ng isang babae, pero ewan ko ba sa bruhang ito at paulit-ulit na lang niyang pinaglalaban ang pagkababae niyang wala naman akong pakielam.
Ngumiti ako, ngiting nang-iinis. Gustong-gusto ko ang nakikita ko ngayon, she's like a desperate pathetic loser. Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis mo matawa sa kanya.
"Tapos ka na?" sagot ko sabay smirk. "Alam mo, hindi ko alam kung maiinis ba ako o maaawa sa iyo eh. Nagsusumigaw na sa buong pagkatao mo ang pagiging desperada mo. Para kang mawawalan ng lalaki. Kung sa bagay ganoon talaga pag cheap. Tsk tsk tsk." Sabi ko sabay iling. Nanginig ang panga niya.
Nag-umpisa akong maglakad at lampasan siya, ayokong masira ang gabi ko. Ngunit hindi siya natinag, bigla niya akong hinarangan sabay hablot nang madiin sa braso ko, ramdam ko ang pagbaon ng kuko niya rito, malakas ko itong tinabig. Naamoy ko ang perfume niya, nangati ang ilong ko, hindi naman pangit ang amoy pero dahil sa siya ang may gamit ay pumangit na ito.
"Don't touch me!" sabay duro sa kanya. "Alam mo ba ang pinaka-ayoko sa lahat? Una, formal wear." Sabay turo sa damit niya. "Pangalawa, bitch." Sabay turo sa pagmumukha niya. "Pangatlo, bitch na nasa harapan ko." Sabay pandidilat sa kanya. "At pang-apat, bitch na amoy cheap perfume, kasing cheap ng ugali niya. At dahil ayaw ko ang lahat sa iyo, hindi ako mag-aaksaya ng panahon na kausapin ka." Sabay lagpas sa kanya.
"Nang-iinis ka talaga eh ano!?" sigaw niya sa akin.
"No. Totoo lang iyon. Pero kung naiinis ka and the shoe fits, feel free to to lace that bitch up and wear it." Sabay ngisi. Akmang hahawakan niya ako ulit ay mabilis kong tinabig ang kamay niya.
"I said, don't touch me." Sabay taas ng kilay.
"Akala mo naman ang linis mo! Eh isa ka lang naman uod na galing sa putik." Pang mamaliit niya sa akin.
"I suggest you look yourself in the mirror Gel. Kung isa akong uod, ikaw isa kang parasite. Parasite na unti-unting pumapatay sa mga malilinis na tao, isang desperadang parasite na kapit at kapit, magkakalat at magkakalat, para lang makuha ang gusto niya. Hindi ba mas nakakadiri ka? Hindi ba mas nakakasuka ka? Hindi ba ikaw ang pinakamsahol na nilalang sa mundo?" matigas kong sabi.
"Hayup ka!" gigil niyang sigaw sa akin sabay sampal sa mukha ko. "Kung naging parasite ako, kasalanan mo iyan dahil kagagawan mo ang lahat ng nangyayari sa akin!" paninisi niya sa akin. Dahan-dahan ko siyang tiningnan na noo'y bakas ang panggigigil sa mukha.
Nag-init ang tenga ko sa narinig, gumapang ang init na nararamdaman ko sa buong katawan ko. Nanginig ang lahat ng parte ng katawan ko. Parang sasabog ang puso ko sa bilis ng tibok nito. In a snap, muli kong nakita ang kadiliman, mas madilim pa sa gabi na ito, kinain niya ako. Nawala ako sa aking sarili. Mabilis at malutong na bumagsak ang palad ko sa mukha ni Gel. Nadapa siya at sumubsob ang mukha niya sa lupa. Dahil sa gigil ay inapakan ko ang ulo niya at sumubsob ito sa lupa na putik pala. Pansin ko ang kamay niyang pilit pumipiglas pero lalo kong diniin ang ulo niya sa putik.
“Ikaw ang hayup! Ang tigas din ng mukha mo eh ano!? Ako!? May kasalanan sa lahat ng nangyari sa iyo!? Ha! Interesado akong malaman, saang parte ng impyerno mo nakuha ang lakas ng loob mong sabihin iyan pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa akin!?” sigaw kong gigil na gigil na umalingaw-ngaw sa buong lugar habang paulit-ulit na nginungudngod ang mukha niya sa putik gamit ang paa ko.
Tinulak niya ako, napaatras ako. Tumingin siya sa akin, bakas sa marumi’t malupa niyang mukha ang gulat. Ito ang unang beses na nasaktan ko siya ng ganito. Siguro ay hindi niya inaasahang gaganti ako. Dahil malakas pa rin ang loob niya ay lalo akong nainis at naisipan kong dagdagan ang pasakit niya, pagkatapos kong imudmod ang mukha niya sa lupa ay maingat kong inilihis ang paa ko sabay punas ng putik sa sapatos ko sa kanyang braso. Hindi siya nakakibo, lalo siyang natulala sa ginawa ko.
"Kung anuman ang nangyayaring kamalasan sa buhay mo ngayon, kasalanan mo iyan! Kung iniwan ka na ni Rome, kasalanan mo pa rin iyan! Babae ka Gel, pero naalala mo yung ginawa mo sa akin? Nagmakaawa ako, nakiusap, pero anong ginawa mo? Pinagtulungan niyo ako! Binaboy! Binugbog! Halos mamatay ako ng araw na iyon dahil sa sugat at pasa na natamo ko! And the reason? Dahil lang sa putanginang selos mo na walang basehan, dahil gusto mo akong burahin sa buhay ni Rome." sigaw kong nag-umpisa nang mag-crack ang boses ko. Ramdam ko ang pagtaas ng emosyon ko. Kung dati ay naiiyak ako, ngayon ay wala ni-isang bakas ng luha ang bumalot sa mga mata ko.
"Baka naman pati ang pagpapalaglag mo sa anak mo ako pa ang sisihin mo!" nadulas kong sigaw sa kanya. I spilled the biggest secret na nakuha ko from her Ex na nakabuntis sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Kapansin-pansin ang pamumutla niya. "Gusto mo sabihin ko kay Rome ang ginawa mo? Gusto mo ipagsigawan ko sa lahat ang pagpatay mo sa sarili mong anak? I will tell them na ginawa mo iyon para balikan ka ni Rome. And guess what? Pag nalaman ng lahat, sigurado akong pupulutin ka sa putik na binabato mo sa akin!" I said in a very dark and villanious tone sabay ngisi. Unti-unting sumayaw ang kadiliman sa aking katawan, ramdam ko ang pagkulo nito sa bawat parte ng balat ko, nakakakiliti, pero sa hindi malamang dahilan ay nagustuhan ko ito. Naramdaman ko ang bigat sa puso ko, but at the same time it's cold, very cold, like an ice.
Kapansin-pansin ang panginginig ni Gel. Nabalot ng luha ang kanyang mga mata. Mula sa matapang na kilala kong Gel, isang vulnerable at mahinang babae ang nakita ko, all I see is terror in her eyes, ramdam ko ang takot na nararamdaman niya.
"Hindi pa tayo tapos Ray!" nag-crack ang kanyang boses sabay tayo at takbo palayo.
Unti-unti siyang nawala sa paningin ko, kasabay nito ang paghupa ng bigat na nararamdaman ko. Slowly, the darkness fade away, kasabay noon ay isang libong pana ang tumusok sa puso ko, napahawak ako sa dibdib ko. Ngayon ko lang na-realize ang mga sinabi ko sa kanya, ang mga ginawa ko sa kanya. Ramdam ko ang malakas na pintig ng mga ugat ko.
"What have you done Ray? Are you really capable of doing that? Are you really capable of destroying someone else's life? Ganito ba katindi ang galit na naipon sa puso mo na matagal mong dineny?" bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kawalan. Kahit malaki ang atraso sa akin ni Gel, ramdam ko ang nagsusumigaw na kunsensiya sa puso't isip ko.
Unti-unti akong napaluhod. Napapikit ako. Nagbitiw ako ng malalim na hinga. Nagpalpitate ako. I was shocked of what I've discovered tonight. Nakilala ko ang isang parte ng pagkatao ko na kayang gumawa ng masama, isang parte ng pagkatao ko na kayang sumira ng buhay ng ibang tao, isang parte ng pagkatao ko na wasak na wasak at nagsusumigaw ng hustisya, isang parte ng pagkatao ko na hindi ko akalaing nag-eexist, isang parte ng pagkatao ko na hindi ko kilala. I never knew what I was capable of, until now. Then it hit me really hard, hindi ko pa pala kilala ng lubusan ang sarili ko. I realized that I'm also a stranger to myself.


14 comments:

  1. Para sa unang nakabasa nito, I turned it to draft after few seconds na aksidente kong napindot ang "publish", pakibasa na lang po ulit. Hahaha!
    Thanks for reading! ^_^
    Comments, suggestions, and feedback are all welcome!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Comments guys please, medyo kabado ako sa chapter na ito. Hahaha! Gusto ko malaman insights niyo, as in kinakabahan kasi ako, parang di ako makakatulog nito. Hahaha! XD

      Delete
  2. Dapat lang yun sa babaeng leche na yun hay nakakainis yang si Gel at Sheena!!!

    Buti na lang ang sweet ni Rome kay Ray kahit na alam kong ang bigat bigat ng pakiramdam ni Ray. Hayss

    Thanks author sa magandang update.

    -44

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat din sa pagbabasa! Ang tagal na pala nitong comment mo, pero ngayon lang na-approve ng admin. Sana mabasa mo pa rin. :-)
      Later try ko po mag-update ng Chapter 23.

      Delete
  3. Replies
    1. Salamat! Please put your name or something na palatandaan para po alam ko na kayo rin po yung magcocomment next time. Maraming salamat ulit! ^_^

      Delete
  4. That's awesome! Something new and I love the twist.... but I think Alam nman ni Rome na nbuntis c gel nun ng pnalit sa knya nung nagpropose xa sa HK Disneyland... I even more excited for the next chapters...

    Lahat nman tayo strangers sa sarili ntin... nlalaman LNG naten n capable tau sa isang bagay esp. Sa mga sitwasyn n ndi n tau nkkpag Isiip ng Tama... that's normal! We are not born perfect and d other side of us its just a part of hu we are... mabuti man o masama un tayo eh.... tao Lang....

    #LSDee
    .

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes. Yun po ang reason ng break-up ni Rome at Gel noon sa HK Disneyland. I'm glad naalala niyo pa po yung details. ^_^
      Noong sinusulat ko pa lang po ang umpisa ng Book 2, excited na akong makarating sa part na ito. This is two of the many big twist. Ray being the Stranger to himself (na siyang title ng story) and Rei Kyou being the new him and the Antagonist of the story in disguise. Hindi ko siya inintend mangyari, pero nangyari kasi hiningi po ng character niya ito. And I'm really happy na minahal niyo pa rin si Ray kahit ganoon. :-)
      Thanks for reading! Take care always! ^_^

      Delete
  5. Kelan ba ang exact date ng punta nila sa El Nido? Para makapagpa book ako ng plane ticket nang masaksihan ko ng personal ang pagmamahalan ni Rei at Rome.. :)
    Already read this 2 recent chapters sa Wattpad but cant help myself not to read again (nth time).. nakakawala ng stress.. thanks White_pal!

    -dufei-

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow! Inulit-ulit niyong binasa. Salamat po!
      This week po sila pupuntang El Nido. Hahaha! Mamaya po ang alis ng airplane nila kasama ang tropa plus Bae and Kazuki. :-)

      Delete
  6. This is what I’ve been waiting for! I saw this since the start of book 2. The rebellious and negative side of Ray had consumed him in this one brief scene. I can't blame him because sobra ang ginawasa kanya ni Gel. I said before na nakikita kong kontrabida noon si Ray, at tama ang hinala ko. He is the antagonist in disguise. Amazing whitepal!

    On the positive note, sobrang light at kilig ng umpisa. I like the fact that Ray was announced as the fiancee, super unexpected kaya super kilig din!

    More power Gab! Cheers! Best chapter so far!

    - Zefyr

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat sa laging pag-comment at pagbabasa Zefyr. Ingat ka palagi! ^_^

      Delete
  7. Its Ray's revenge. I'm happy for him. Justice! !!.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes it's a revenge that he didn't expect na magagawa niya. Thanks for reading! Ingats! :-)

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails