AUTHOR'S NOTE (IMPORTANT PLEASE READ!)
Mahaba po ang Chapter 21, katumbas nun ay 3-4 Chapters ko kaya ipopost ko na ang Chapter 20 ngayon para hindi kayo mainip in case ma-delay ng update. :-)
Credits to Roj Sawada para picture na nandito. Kahit ayaw ko ay pilit siyang nagpresinta at naghanap ng picture ng mga characters ng "Dear Stranger".
(Check niyo po sa Wattpad, doon naka-post yung mga pictures)
(Check niyo po sa Wattpad, doon naka-post yung mga pictures)
MARAMING SALAMAT PO!
MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
======================================================
CHAPTER LINKS:
"LOVE, STRANGER" (BOOK 1)
======================================================
DEAR STRANGER
(Book 2 of "Love, Stranger")
CHAPTER TWENTY
RAY:
"Salamat." Sabi ko pagkatapos inumin ang gamot kasabay ang tubig. Buti na lang at mas madali na sa akin ang gumalaw kumpara kagabi. "Anong gamot pala ito?" tanong ko sa kanya sabay inom ulit ng tubig. Ang sarap!
"Papa Rome Cetamol." Sabay kindat. Nabuga ko ang tubig na iniinom ko, nabasa ang kama ko. Humalakhak siya. "Wui baka isuka mo iyan, pinaghirapan natin gawin iyan, nanghina pa ako para dyan." Sabay kindat. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Kinuha ko ang puting unan sa tabi ko at hinampas siya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo.
"Bastos ka! Anong pinaghirapan? Anong nanghina!?" paos na paos kong sigaw.
"Ay ako lang pala napagod kasi humiga ka lang eh." Sabay ngisi niya.
"Hoy bakit ano bang nangyari!? Wala naman ah!" Hindi siya makapagsalita dahil sa katatawa. "Tapos ka na?" sabi ko sabay taas ng kilay.
"Wala ngang nangyari. Nagbibiro lang eh." Nakangiti niyang sabi.
"Ano ngang gamot ito!?" paos na paos kong sigaw
"Basta gamot sa lagnat. Basahin mo na lang mamaya." Sabi niya sabay kamot ng ulo. Tumayo siya at dumiretsong banyo, narinig ko ang pag-agos ng tubig. Ilang saglit pa'y lumabas siya may dala-dalang tabo, pinatong niya ito sa end-table.
Binaba ko ang baso sa itim na end-table at humiga. Hindi ko magawang tingnan si Rome ng diretso dahil totally naked pa rin ito. Hindi pa rin ako makapaniwalang wala siya ni isang saplot sa katawan, ganoon din ako. Shit naman nakakailang!
Narinig ko ang tunog at patak ng tubig, tumingin ako sa tabo, nakita kong hawak niya ang isang pulang bimpo. Piniga niya ang bimpo at pagkatapos ay marahang pinunas sa mukha ko. Ang lamig, ang sarap. Napapikit ako.
"Paliliguan ko ang baby Ray ko!" masaya niyang sabi na parang bata habang patuloy akong pinupunasan. Bigla akong napangiti, hindi ko alam kung bakit. Pagkatapos sa mukha ay napunta ang bimpo sa leeg ko, sunod ay braso then underarms.
"Ako na." Volunteer ko nang unti-unting napunta sa katawan ko ang bimpo at kamay niya.
"Humiga ka lang dyan, wag kang malikot." Lambing niya sa akin. Naiilang man ay hinayaan ko siya. Gusto niya raw ito eh. Naramdaman ko ang bimpo at kamay niya sa dibdib ko, gumapang ito sa tiyan ko papunta sa tagiliran ko. Pinaupo niya ako at pagkatapos ay pinunasan ang likurang parte ng katawan ko kasama ang batok na nalimutan niya kanina. Di ko napigilang tumawa dahil sa kiliti. Tumawa lang siya na labas ang dimples. Gosh! Naramdaman ko ang bimpo sa may pwet ko.
"Hoy! Ako na dyan!" reklamo ko sabay agaw ng bimpo sa kanya. Nagkamot siya ng ulo sabay ngiti. Dinamay ko na sa pagpunas ang harapan ko para hindi na niya ito daanan pa, buti na lang at medyo madilim kaya hindi namin gaano nakikita ang mga parte ng isa't-isa na hindi dapat makita.
Tinuloy niya ang pagpunas sa binti hanggang sa mga paa ko. Pinatuyo niya ang katawan ko gamit ang isa pa ulit na bimpo.
Umupo siya sa gilid ng kama ko, kinuha niya ang comforter, binalot niya ito sa kanya at pagkatapos ay pumaibabaw sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Napalunok ako.
"Stop it Rome! Ano na naman iyan!?" sigaw ko sabay takip sa maselang bahagi ng katawan ko, siya naman ay walang kyemeng nakabalandra ang lahat, ang ganda ng katawan niya, napapikit ako. Hindi ako alam kung hindi ako makakilos dahil sa bigat ng katawan o dahil sa isang nakahubad na anghel na nasa harap ko ngayon, oo anghel na ang tingin ko sa kanya sa mga oras na ito. Putragis!
"May lagnat ka pa." Sabay dagan at akap sa akin. Nakakakuryente! Hinilig niya ang pisngi niya sa aking pisngi. Nakakakiliti.
"Tyansing ka na ah." Sabi ko sabay ikot ng mata.
"Anong tyansing!? Sa ganda ng katawan kong ito, ikaw tya-tyansingan ko?" depensa niya.
"Wushuuu!!! Yabang mo." Sabay tapik sa malaki niyang braso.
"Wag ka na nga malikot baka mabinat ka pa!" irita niyang sabi.
Ginaya ko ang sinabi niya habang pinaliit ko ang boses ko. Tumawa siya. Kinain kami ng katahimikan. Ilang saglit pa'y nagulat ako sa naramdaman ko, something unusual is happening down there. Nanlaki ang mga mata ko, bumilis ang tibok ng puso ko, parang napasakan ang bibig ko ng kung anong bagay at hindi ako makakibo. Putangina may pumipintig! Hindi ko alam kung gagaling ba ako sa pag-aalaga niya o lalagnatin ako lalo dahil sa bagay na nabuhay sa ibaba. Shit!
"Rome..." nauutal kong sabi. Nag-umpisa akong manginig hindi dahil sa lagnat ko kundi dahil sa anghel na nakadagan sa akin.
"Hmmm?" malambing niyang sabi habang hinihimas ng kamay niyang basa ang basang braso ko.
"Pwede ba akong tumalikod? O kaya tumagilid? Naiilang kasi ako sa ano mo eh, gising kasi tas pumipintig pa." Nahihiya kong sabi. Humalakhak siya. Tinaas niya ang ulo niya at tumingin sa akin, nagtama ang aming mga mata, kitang-kita ko ang mga bituin na dati ko ng nakikita. Pero parang may nadagdag, sobrang pungay ng mga mata niya at may bagay na nandito na hindi ko mabasa.
"Pwede naman." Sabay ngiti niyang labas ang dimples. Nakakatunaw! "Pero baka kung saan mapunta yung bagay na sinasabi mo, mas okay sa akin iyon, sa iyo ba okay lang?" sabay ngisi na may pagka-pilyo. Nanlaki ang mga mata ko.
"Bastos ka talaga!" sabay tapik sa pisngi niya. "Mahalay!" tapik naman sa kabila niyang pisngi. "Rapist!" paos kong sigaw.
"Joke lang." Sabay tawa niya.
"Umayos ka ah! Tigilan mo kapilyuhan mo! Nahihirapan na akong huminga, ang bigat mo." Sabi ko sabay side-view. Muli niya akong inakap. Kinain kami ng katahimikan. Takte sobrang awkward nito. Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa posisyon na iyon, ilang saglit pa'y naging malikot ang kamay ni Rome na noo'y nasa may tyan ko, gumapang ito sa lugar na hindi dapat.
"Hoy!" sigaw ko sabay pigil at alis ng kamay niya. "Babawiin ko yung sinabi ko kaninang friends na tayo!" pilit kong sigaw kahit paos.
"Heto naman nagbibiro lang eh." Sabi ng pilyong anghel sabay bagsak ng mukha sa batok ko. Hinayaan ko na lang siya, basta ang akin ay behave siya.
Muli akong dinalaw ng antok, unti-unting gumaan ang pakiramdam ko, siguro'y dahil ito sa gamot na pinainom niya sa akin, o di kaya sa skin to skin contact na ginawa niya sa akin since kagabi. Kahit nakakailang ay masasabi kong kumportable ako, dahil siya ang kasama ko, dahil siya ang naka-akap sa akin, at dahil siya ang nag-aalaga sa akin. I feel safe. I feel secure. Pakiramdam ko'y walang kayang manakit sa akin.
Pumikit ako. Inakap niya ako ng mahigpit. Lalong naramdaman ng balat ko ang init ng kanyang balat. Naramdaman ng batok ko ang mainit niyang hininga, kasabay nito ang dahan-dahang pag galaw ng malikot niyang mga kamay. Nakakakiliti. Hindi pa ako nakaka-take ng drugs pero para akong naka-droga, out of this world, ewan ko ba! Pakiramdam ko'y nawawala na ako sa katinuan, para akong lumilipad habang akap-akap ng anghel. Nasa ulap na ba ako? Nasa outer space? Nasa langit? Ewan ko. Narinig ko ang lalaking-lalaki niyang boses, bumubulong ito, narinig ko ang boses ko, binulong ko ang kanyang pangalan, sinagot niya ito ng pangalan ko. Bumigat ang paghinga ko, hinabol ko ang hanging kumakawala sa katawan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko, ang lakas ng pintig ng ugat ko sa ulo. Ano na bang nangyayari sa akin? Totoo ba ito? O isang kahibangan? O di kaya ay isang panaginip?
Isang halakhak ang gumising sa akin. Dumilat ako.
"Gusto mo rin pala." Pilyo niyang bulong sa akin.
"Ano!?" Gulat kong tanong sa kanya. Di ko siya maintindihan.
"Ang lalim na ng hinga mo at nanginginig ka na. Wala pa nga akong gingawa eh. Hindi ko pa nga ginagalaw yung mga mas gusto kong galawin." Sabay ngisi.
"Gago ka!" sigaw ko sabay kalas sa kanya. "Tangina lalo akong magkakasakit sa iyo!" sabay hampas sa kanya. Ramdam ko ang lalong pag-init ng katawan ko. Tiningnan ko si mokong, parang mamamatay si gago sa katatawa. Kung hindi lang ako inalagaan nito buong araw simula kahapon ay tinadyakan ko ito. Bwisit.
***
ROME:
"Totoo lang gusto kong may mangyari sa atin kanina. Pero may sakit ka ngayon at friends lang tayo. Ayoko rin naman sirain ang binigay mong pagkakataon." Sigaw ko sa isip ko habang nagpiprito ng itlog na isa sa ulam natin. Napahawak ako sa puson kong kanina pa nananakit. Tsk.
Pinatay ko ang kalan at linagay ang itlog sa plato kasama ang iba pang mga ulam natin na hotdog, bacon, at ham. Nagsandok rin ako ng kanin at linagay ito sa mangkok. Linagay ko ang lahat sa tray kasama ang tubig at pumasok sa kwarto mo, sinarado ko ang pinto. Pinatong ko ang hawak kong tray sa itim na end-table sa tabi ng kama mo. Nakita ko ang natutulog mong mukha, pinagmasdan ko ito.
"Tangina lalaki ka pero bakit ba mas maganda ka pa sa ibang mga babae at mga Ex ko? Tangina bakit ang lakas ng hatak mo sa akin? Tangina bakit ganito nararamdaman ko sa iyo?" Sigaw ko sa utak kong baliw na sa iyo habang patuloy kang pinagmamasdan.
Ngumiti ako. Ang gulo ng utak ko ngayon dahil sa nararamdaman ko sa iyo, gusto kong mahanap ang sagot sa mga tanong ko, pero ang tanging alam ko lang ay mahal kita.
Bahagya kong tinapik ang mukha mo. Dumilat ka.
"Kain na tayo." Sabi ko sabay upo sa gilid mo.
"Di ka pa rin nagbibihis?" gulat mong tanong.
"Naka-boxer na ako." Sagot ko sabay kamot ng ulo.
"Magbihis ka na!"
"Bakit ba?" irita kong tanong.
"Naiilang ako eh!" paos mong sigaw.
"Bakit? Nasa bahay lang naman ako. Tsaka nakita mo naman na ang lahat sa akin."
"Wala akong nakita." Pagsisinungaling mo.
"Maniwala." Sabi ko sabay kuha ng tinidor, tinusok ko ang hotdog.
"Oo nga wala!" nanlalaki mga mata mo.
"Weh? Kumain ka na para makainom ka na ulit ng gamot!" Sabay subo ng hotdog sa iyo. Nginuya mo ito. Ang daldal mo eh, ayan natahimik ka. Hehe.
"Ako na! Kaya ko na!" sabi mong punung-puno ang bibig sabay kuha ng tinidor sa akin. "Gusto susubuan pa ako."
"Iba na lang ipapasubo ko gusto mo? Unli pa yun." sabi ko sabay ngisi.
"Sapak gusto mo?" sagot mo habang ngumunguya. Napangiti ako, ang cute mong kumain. Sinaluhan kita sa hapunan.
***
ROME:
Binuksan ko ang maleta ko, kumuha ako ng T-shirt at shorts. Pasimple akong tumingin sa iyo. Naka-boxers ka lang habang pinupunsan ang basa mong katawan, nag-quick bath ka kahit may sakit ka, tigas ng ulo mo at mapilit ka kaya hinayaan na lang kita. Sana lang mas gumaan ang pakiramdam mo.
RAY:
"Ang sarap magbanlaw! Ang presko!" sigaw ko sa utak ko habang pinupunasan ang katawan ko gamit ang itim na tuwalya. Pasimple akong tumingin kay Rome na nasa likod ko. Kitang-kita ko ang magandang hubog ng kanyang likod. Putek, bakit ba ako tumitingin sa kanya? Ilang saglit pa'y nagsuot siya ng shorts. Lumingon siya sa akin, agad akong tumalikod at mabilis na nagsuot ng shorts.
ROME:
"Ang sexy mo mahal ko." Bulong ko sabay ngiti.
"May sinasabi ka?" bigla mong tanong. Tae, lakas ng tenga mo.
"Sabi ko ang kinis mong lalaki, daig pa ang babae." Sabay tawa.
"Is that a compliment or insult?" sabay harap sa akin na nakataas ang kilay.
"Compliment syempre. Ganda mo kaya."
"Ulul."
"Pa-hug nga ulit!" sabay ngiti at lapit sa iyo.
"Kagabi mo pa ako akap, di ka ba nagsasawa?" reklamo mo sabay atras.
"Hindi ako magsasawang akapin ka!" paglalambing ko sa iyo.
Akmang sasagot ka pa ay biglang tumunog ang doorbell.
"Ako na. Magpahinga ka lang dyan." sabay suot ng brown T-shirt at agad akong lumabas ng kwarto. Tinumbok ko ang pinto palabas ng condo mo, binuksan ko ang pinto. Isang lalaki ang nakita ko, naka-formal attire ito at mukhang Japanese. Napangiwi ako, sino naman ito?
"Eh... Anataga ga dare desu ka?" bakas sa mukha niya ang gulat.
("Eh... Who are you?")
("Eh... Who are you?")
"Rome desu... Anata wa?" sagot at tanong ko sa kanya.
("I'm Rome... You?")
("I'm Rome... You?")
"Kojima Kazuki." Presko niyang sabi sabay lakad papasok ng condo, linagpasan ako. Hindi ko naintindihan ang huli niyang sinabi. Sinarado ko ang pinto. Ito pala yung kupal na kasama mong umuwi ng Pinas. Ang angas, sarap sapakin.
"Rei!" tawag niya sa iyo. Wala pang tatlong segundo ay lumabas ka ng kwarto. Naka-suot kang brown T-shirt, yihhiiee parehas tayo! Hehe.
"Kazuki!" gulat mong sabi. Walang pasabi kang hinalikan ng kupal na ito, torrid kiss. Para akong naging estatwa. Agad kang kumalas at napa-urong. Nag-init ang tenga at katawan ko, tumiklop ang kamao ko, parang gusto kong manapak ng gagong lalaki.
RAY:
Putangina ano yun!? Bakit niya ako hinalikan!? At sa harap pa ni Rome! Napatingin ako kay Rome, bakas sa mukha niya ang galit, kitang-kita ko ang panginginig ng kamao niya. Shit baka magkagulo pa rito!
"Rei... Ōgenki desu ka?" tanong niya.
("Rei... Are you feeling okay now?")
("Rei... Are you feeling okay now?")
"Yes... Medyo okay na... Inalagaan ako ni Rome." Pautal-utal kong sabi. Tumingin si Kazuki kay Rome. Hindi ko alam ang gagawin ko. Diyos ko parang lalagnatin na naman ako kagaya kagabi.
"Rei... Anohito wa honto ni dare desu ka? Koibito janai desu yo?"
("Rei... Who's really that person? He's not your lover right?")
("Rei... Who's really that person? He's not your lover right?")
"Boku wa Ray no kareshi san." Sabat ni Rome. Nawindang ako sa narinig ko. Seryoso ba siya? Kailan pa? Paano? Bakit hindi ko alam aber?
("I am Ray's boyfriend.")
("I am Ray's boyfriend.")
"Honto ni... Anata wa kareshi... Uso-tsuki! Boko ga Rei no dana san dayo!" matigas na sabi ni Kazuki. My jaw dropped literally. Saan naman nakuha ni Kazuki ito? Putragis, bigla akong nagkaroon ng boyfriend at asawa. Ano ba nahithit ng mga gagong ito?
("Really? You're his boyfriend? Liar! I am Rei's husband!")
("Really? You're his boyfriend? Liar! I am Rei's husband!")
"Tumigil nga kayo! Tangina lalo akong lalagnatin sa inyo eh." Sabi ko sabay hawak sa ulo ko. Seryoso, sumasakit. Tsk. Tumingin sa akin si Kazuki, hinaplos niya ang ulo ko. Kita ko ang lalong pagsara ng labi ni Rome, senyales na naiinis ito. Napansin kong bumaling si Kazuki kay Rome
"Oi romu san... Rei no Kusuri wa doko?" Matulis ang mga mata ni Kazuki.
("Oi Rome... Where is Rei's medicine?")
("Oi Rome... Where is Rei's medicine?")
"Eh di hanapin mo!" maangas na sagot ni Rome. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
"Bakero!" sigaw niya kay Rome. Akmang susugod na siya ay agad ko siyang hinarangan at hinawakan sa magkabilang braso.
("Stupid!")
("Stupid!")
"Konero!" sigaw ni Rome kay Kazuki, bakas sa mukha niya ang galit. Unti-unting lumamig ang mga kamay ko. Natatakot ako sa maaaring mangyari.
("Putangina mo!")
("Putangina mo!")
"Rome, doon ka muna sa kusina! Please." Bakas sa paos kong boses ang panginginig. Naglakad palayo si Rome, hindi pa rin inaalis ang matulis na tingin kay Kazuki.
"Karimasyo ne onegaishimasu Kazuki." Pakiusap ko sa kanya sabay hatak palabas ng condo ko.
("Please umuwi ka na lang Kazuki.")
("Please umuwi ka na lang Kazuki.")
"Boku ga kaerimasuka!? Dōshite!?" bakas sa boses niya ang inis. "Ano hito ga kaeru dayo, watashi ja nai!"
(In order: "Me going home!? Why!?" , "That person should go home not me!")
(In order: "Me going home!? Why!?" , "That person should go home not me!")
Napabuntong hininga ako. Wala ako sa mood magpaliwanag dahil masama pa rin ang pakiramdam ko.
"Kazuki, may meeting ka pa bukas, ayokong magka-pasa ang mukha mo, maaapektuhan ang outcome ng business meeting mo nun. Besides, this is part of my job, alam mo naman kay Mr. Kyou di ba?" pagdadahilan ko para matapos na.
"I'll come back here tomorrow." Sabi niya sabay talikod at mabilis na naglakad palayo. Hinabol ko siya.
"Kazuki wait." Hinawakan ko ang braso niya. Humarap siya at agad akong hinalikan. Naramdaman kong pilit niyang pinasok ang kanyang dila sa bibig ko. Hindi na ako nakakilos, nagpaubaya ako. Muli kong naalala ang nakaraan namin, masarap pa rin ang halik ni Kazuki, nagdulot ito ng kiliti at init sa labi ko. Hindi ko maiwasang ikumpara ito kay Rome, parehas na halik, pero iba ang dating sa akin, it's very different. Ilang saglit pa'y kumalas siya at yinakap ako ng mahigpit.
"Aishiteru Ray." Bulong niya sa akin. Inakap ko siya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, nalilito ako. Bakit ganito? Ano bang nangyayari? Ano bang dapat kong gawin?
("I love you Ray.")
("I love you Ray.")
***
RAY:
"How are you?" tanong ni Chichi. Bigla niya akong tinawagan pagkaalis ni Kazuki.
"Medyo okay na." Bakas pa rin sa boses ko ang pagka-paos, alam kong naririnig niya iyon.
"Why did you leave without notifying me?"
"Totoo lang po, Na-iistress ako. I don't want to disrespect you Chichi, kasi mas naging tatay pa kita kaysa sa totoo kong ama, pero kasi..."
"It's about Rome right?" pag-cut niya sa akin.
"Yes." Sabay bitiw ng malalim na hinga. Umayos ako ng pagkakaupo sa stool, nasa kusina ako.
"I want to hear it from you, may nakaraan ba kayo ni Rome?" diretso niyang tanong.
Hindi ako makasagot. Kahit anong pilit ko'y walang boses na lumalabas sa bibig ko.
"Chichi..." utal kong sabi.
"You don't have to tell me, I know."
"Alam mo!?" gulat kong sabi. May hinala na ako noon, pero ngayon ko lang na-kumpirma.
"Yes. And I expect you to set aside your issues and act professionally. Sadly, you failed." Seryoso na ang tono ng boses niya.
"Chichi, sana maintindihan niyo, hindi madali sa akin makatrabaho ang taong pinakasinaktan ako. Believe me, I'm tried. I just need some air away from stress. I just need some time. Gusto ko ring mag-relax para maging neutral ako pag nakaharap siya ulit. Sana ibigay niyo naman po iyon." Napayuko ako.
"As your employer, I can't, because you've already failed." Galit niyang sabi. Kinain kami ng katahimikan. "But as a father, I might give you another chance..." biglang kumalma ang boses niya. "Tomorrow is the anniversary of Mr. Parilla's parents. Early this day, he asked me if it's okay to invite you, I said why not? Now I want you to check on his family. As a businessman, I need to know what kind of people my potential business partners is. Of course Mr. Parrilla doesn't have to know about this, you're going there as an invited friend."
Nagulat ako sa sinabi ni Chichi. Bakit ako gustong papuntahin doon ni Rome? Bukod kay Rome ay ang kuya niya lang ang kakilala ko roon. Napuno ng tanong ang isip ko. May mga sinabi pa si Chichi, pero hindi ko na ito halos naintindihan, pasimple akong tumingin kay Rome na noo'y nakaupo sa sala at nanonood ng basketball sa flat screen TV.
Pinindot ko ang end call nang matapos na kaming mag-usap. Naglakad ako palapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya. Pasimple ko siyang tiningnan. Nakatingin pa rin siya sa TV. Muli kong naalala ang sinabi ni Chichi na iniimbita ako ni Rome, nagbitiw ako ng malalim na hinga. Ilang saglit pa'y isang mainit at malaking braso ang bumalot sa balikat ko.
"Pinagalitan ka ba?" tanong niya. Tumingin ako sa kanya, nagtama ang aming mga mata.
"Medyo."
"Bad boy ka kasi." Sabay iling.
Hindi ako kumibo. Kung alam lang niya ang rason kung bakit ako umalis ng walang paalam. Tsk.
"Nasabi ba niya sa iyo?"
"Yes."
"Pupunta ka?"
Tiningnan ko siya. Nagtama ang aming mga mata. Muli kong nakita ang kumikislap na mga bituin. Nagbitiw ako ng malalim na hinga. Ngumiti ako, ngumiti rin siya, alam kong naintindihan niya ang ibig kong sabihin.
ROME:
Ang ganda ng mga mata mong nakatingin sa akin, para akong nalulusaw. Pakiramdam ko'y ako naman ang susunod na lalagnatin. Ilang saglit pa'y malutong na bumagsak ang palad mo sa mukha ko, umecho iyon sa buong kwarto.
"Aray!" napasigaw ko sabay hawak sa pisngi ko gawa ng sobrang sakit. Nanlaki ang mga mata ko sabay tingin sa iyo. Ang tulis mong tumingin, baon na baon sa kaluluwa ko. "Bakit!? May kasalanan ba ako!?" Bigla kong tanong sa iyo na parang batang hindi alam kung nakagawa ba ng kalokohan.
"Iyan ay dahil hinubaran mo ako kagabi ng walang paalam!" irita mong sabi sabay ikot ng mga mata. Akmang magsasalita pa ako'y malutong na bumagsak ang kabila mong palad sa kabila kong mukha.
"Aray tangina!" napasigaw ko ulit sabay hawak sa isa ko namang pisngi. Mas malakas ito kaysa sa nauna.
"At iyan para sa panghihipo mo sa akin! Ang likot-likot ng kamay mo kung saan-saan napupunta! Manyak ka! Pervert!" sigaw mo sabay ngiwi.
"Bakit? Naramdaman mo naman yung katawan ko at ano ko ah, nag-reklamo ba ako?"
"Bakit gusto ko bang maramdaman iyan!?" sabay turo mo sa katawan ko. "Hinihingi ko ba ito!?" sabay turo mo sa junior ko. Nagkamot ako ng ulo. Galit ka na naman. Tsk.
Wala pang dalawang segundo'y bigla mo akong inakap nang napakahigpit. Para akong naging estatwa, hindi ako makagalaw. Linapit mo ang bibig mo sa aking tenga.
"At ito, para sa pag-aalaga mo sa akin." Malambing mong sabi. Tinapat mo ang mukha mo sa akin, bahagya akong yumuko dahil masmatangkad ako sa iyo. "Masakit ba?" sabi mo sabay himas sa magkabilang pisngi ko, nag-sad face ka pa. Napakunot ako ng noo, nakakatawa, para kang bipolar, pero ang cute mo pa rin.
"Palagay mo?" sungit-sungitan ko. Gusto ko suyuin mo naman ako paminsan-minsan. Hmp!
"Sorry." Panunuyo mo sabay kiss sa isang pisngi ko. Nagdulot ito ng kuryente at kiliti sa balat ko. Kasunod nito'y hinalikan mo ang kabila kong pisngi. Mas matinding kuryente ang gumapang sa katawan ko. Bumagsak ang panga ko. "Ikaw naman kasi eh. Manyakol ka."
Hindi ko alam ang gagawin ko, napakabilis ng tibok ng puso ko. Napansin ko na lang na inakap kita nang napakahigpit. Naramdaman kong inakap mo rin ako. Pumikit ako. Pakiramdam ko'y nasa mga braso ko ang mundo. Para bang sapat ang pagmamahal ko sa iyo para umasang may magandang mangyayari sa atin sa huli, yun ay kung susubukan mo lang sana tayo. And for the first time, ayokong matapos ang isang bagay sa isang tao, I want to stay like this forever; akap-akap ka at akap-akap mo.
Mahaba po ang Chapter 21, katumbas nun ay 3-4 Chapters ko. Pinost ko na ang 20 para in case ma-delay ay hindi po kayo maghintay ng matagal. :-)
ReplyDeleteThanks for reading! Comments, feedback, and suggestions are welcome! ^_^
Keep up the good work White_Pal!
ReplyDeleteMaghihintay ako sayo este sa mga susunod na chapters.. hehe..
-dufei-
Hahaha! Bumabanat ka na rin po ah. :-)
DeleteSalamat sa pagbabasa! Take care!
Grabe nakakakilig at nakakalibog din hahahaha paganda ng paganda ang story!!!
ReplyDelete-44
Yikes! Mahalay po ba ang chapter na ito? So hindi na wholesome? O_O
DeleteHahaha! Thanks for reading!
Yeheeeyyy.....thanks sa update....kakainlove naman sila....love is sweeter the 3rd time around...hahahaa....so yummy.....:)
ReplyDeleteHahaha! 3rd time around :-)
DeleteSalamat po sa pagbabasa! Request po, please put your name po rito, kahit anong palatandaan kung sino po nag-comment para po alam ko na ikaw po yun the next time na magcomment po kayo. :-)
Kilig ito grabe! Akala ko kung ano na ginagawa eh. Hipuan lang pala. All the way na ba sa susunod? Hihi.
ReplyDeleteSana next time present si Bae para mas mainit ang away. Bitin pag Kazuki at Rome lang nagbabangayan.
More power Gab! Great chapter as always!
- Zefyr
Yow Zefyr na mahalay na ngayon! Hahaha. Check mo sa wattpad, nagreply na ata ako sa iyo dun. Double comment ka eh. Haha. Salamat sa support lagi!
DeleteI cannot.. i mean i can't..i really can't breathe.. hahaha. Best chapter i must say. Thanks Mr. Author. Keep it up..
ReplyDeleteAz
Bakit po naging best chapter para sa inyo? Dahil po ba sa hipuan na nagdala sa kanila sa ulap? Joke! Hahaha!
DeleteThanks for reading!
This is the second story that I am attached now.. Can't wait for the chapter KUDOS AUTHOR.
ReplyDeleteWhile I am still waiting for the update of TNBK. CANT HELP BUT TO LOVE THIS STORY . 😂😂😂
I'm happy na nagustuhan niyo po. Thanks for reading! :-)
DeleteRequest po pala, please put your name or anything na palatandaan (kung ayaw niyo ng name hehe) para po alam ko na kayo po yung nagcomment sa mga susunod na chapter. Yun lang po. Take care! ^_^