Author's note...
Hello ulit guys. Andito na naman ako haha. Unang-una sa lahat po ulit, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Ponse sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin! Also kuya Peter! :D
Hey guys, so long! Pumalpak ako! Hanggang apat lang ang mapo-post ko ngayon dahil sa maraming kadahilanang dumaan sa buhay ko. Heck, ANG INIT! Hindi ako makapag-type ng mga susunod na chapters dahil sa laptop ko na ito ginagawa, at iyun nga, hindi ko ito magawa sa aking pamamahay dahil NAPAKAINIT. Pesteng summer iyan! Dati kasi, sa phone kaya kahit saan man ako pumunta, sumusulat ako. So, gaya nga ng sinabi ko, hanggang apat pa lang iyung natatapos ko, tapos Semana Santa pa, and all. Tapos bigla kong naalala na April na pala sa susunod na buwan, April Fools.
Pasensya na talaga. Chapter 41 here.
Hey guys, so long! Pumalpak ako! Hanggang apat lang ang mapo-post ko ngayon dahil sa maraming kadahilanang dumaan sa buhay ko. Heck, ANG INIT! Hindi ako makapag-type ng mga susunod na chapters dahil sa laptop ko na ito ginagawa, at iyun nga, hindi ko ito magawa sa aking pamamahay dahil NAPAKAINIT. Pesteng summer iyan! Dati kasi, sa phone kaya kahit saan man ako pumunta, sumusulat ako. So, gaya nga ng sinabi ko, hanggang apat pa lang iyung natatapos ko, tapos Semana Santa pa, and all. Tapos bigla kong naalala na April na pala sa susunod na buwan, April Fools.
Pasensya na talaga. Chapter 41 here.
Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 | Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9 | Chapter 10 | Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 | Chapter 14 | Chapter 15 | Chapter 16 | Chapter 17 | Chapter 18 | Chapter 19 | Chapter 20 | Chapter 21 | Chapter 22 | Chapter 23 | Chapter 24 | Chapter 25 | Chapter 26 | Chapter 27 | Chapter 28 | Chapter 29 | Chapter 30 | Chapter 31 | Chapter 32 | Chapter 33 | Chapter 34 | Chapter 35 | Chapter 36 | Chapter 37 | Chapter 38 | Chapter 39 | Chapter 40
Chapter 41:
I Believe In You
Zafe's POV
“Ikaw pala? Kumusta? Nangangaliwa ka na ba?" Ano ba
naman klaseng pagtatanong iyan. Para siyang walang pakialam kung sasabihin ko
na oo, kinakaliwa kita.
“I am doing my best para malayo sa kaniya. And so far,
mukhang magaling pala ako doon," sagot ko na pinagmamalaki ko pa. “Alam
mo, kahit hindi ka naniniwala kay God, ipagdadasal ko na maaprubahan na iyung
bail petition mo. Para makalabas ka na, at kung ano-ano pa."
“Salamat," ngiti niya pero saglit lang iyun. “Alam mo,
napag-isipan ko iyung ipakilala mo ako sa mga magulang mo. Do you think any of
your parents will like me? Ang ibig kong sabihin, ginago ko sila sa unang
pagkikita pa lang."
“Kasalanan mo iyun. At tsaka huwag na muna natin
problemahin iyan. Ang problemahin natin ay paano maipapalabas ang katotohanan
na inosente ka."
“Hmm, tama ka. Hindi magandang impresyon sa mga magulang na
isang abortionist ang nagugustuhan ng anak nila."
Sinipat ko ang pambisig na relo ko. “Umm, oras ko na pala
para umalis. Kaya sa uulitin na lang."
“Yeah. Sa uulitin na lang."
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.
“Naniniwala ako sa iyo Aulric. Naniniwala ako na hindi mo ito kasalanan. At
huwag. Huwag kang mag-file ng guilty plea. Maaayos din ang lahat," bulong
ko.
“Alam ko Zafe. Alam ko."
Nang kumalas na ako sa kaniya, nagngitian kami. Gusto ko
siyang halikan sa harap mismo ng mga pulis dito, kaya lang ay baka hindi niya
iyun magustuhan.
Tumalikod na ako sa kaniya at lumabas sa lugar na iyun.
“I love you."
Napalingon ulit ako sa kanya. Pagkakita ko kay Aulric
ibinabalik na siya sa kulungan. Totoo iyung narinig ko hindi ba? Ohh baka
nagha-hallucinate ako?
Gusto ko sana na habulin siya at sagutin ang mga sinabi
niya. Pero huli na ang lahat. Nakapasok na siya at hindi na niya maririnig pa ang
sasabihin ko.
Wala ako sa sarili nang bumalik ako sa aking kotse. Parang
ayokong umalis sa lugar na iyun at antayin na lang siya na lumabas sa kulungan.
At babawi talaga ako sa kaniya. Gusto kong bumawi sa mga kasalanan na nagawa ko
sa kaniya. Tama. May nagawa akong kasalanan sa kaniya at mabigat na mabigat
iyun. Hindi ako naniwala sa kaniya na hindi niya magagawa ang ganoong bagay kay
Isabela. Pero hindi ko iyun nagawa.
Parang wala pa rin ako sa sarili na pinapatalbog ang bola
habang nagpa-practice ako. Hanggang dito ba naman, naiisip ko pa rin si Aulric.
At simula nang nawala siya, napaka-dull ng buhay ko.
“K-Kumusta si Aulric?" nag-aalangang tanong ni Isaac
na kasama ko sa pagpa-practice.
“Bakit ka nagtatanong?” pagalit kong tanong. “Hindi ba,
nilaglag niyo siya? Kaya mas lalo siyang naipit dahil sa mga binigay niyong
statement sa korte.”
Nag-iwas siya ng tingin. “Si Aulric ang nagsabi sa amin na
sabihin namin ang totoo. Sinabihan nga namin na lalala ang sitwasyon niya kapag
ginawa namin iyun. Pero nagpumilit pa rin siya.”
“Grabe siya ha. Para lang sa anak mo, ilalaglag niya iyung
dinadala ni Isabela? Alam mo, dapat nga harapin mo ang problemang iyun dahil
ikaw ang nakabuntis.”
“A-Ako? Ako ang ama ng dinadala ng anak ni Isabela?”
Nagulat ako nang itinulak ako ni Isaac sa isang sulok.
Nabitawan ko tuloy iyung hawak kong bola. Anong problema ng taong ito?
“Teka? May nakarinig ba sa mga pinag-usapan natin?”
palingon-lingon niyang tanong. Mga sampu o labintatlo ata kaming tao sa loob
kaya posible na isa sa kanila ang nakarinig sa pag-uusap namin.
“Alam mo Isaac, dapat nga, halos lahat ng tao ay marinig
ang sinasabi ko. Ikaw ang ama ng dinadala ni Isabela at hindi ka nagpakilala.”
Aalis na sana ako nang pinigilan niya ako.
“Oo na. Pero hindi ako ang ama ng dinadala ni Isabela.”
Ano? “Ang ibig kong sabihin, oo nga. Ako ang ama ng dinadala ni Isabela. Pero
Zafe, pwede bang wala muna na makakaalam nito? Dapat kasi, sikreto lang ito. At
para sabihin ko sa iyo, hindi natuloy ang binabalak ni Aulric. Hanggang sa huli,
hindi ako pumayag dahil buhay ang pinag-uusapan namin na kunin.”
“Hmmph! Sige. Hindi ko ipagkakalat.”
“Zafe, Isaac, bumalik kayo dito sa court!” sigaw ng coach
namin matapos makita kami nito na nag-uusap sa isang sulok. Bawal kasi iyun
habang nagpa-practice.
“Opo coach,” sabay naming tugon.
Bumalik ulit ako sa pagpa-practice. Imbes kay Aulric ngayon
ang atensyon ng utak ko, napunta ito ngayon kay Isaac. Nadulas ba siya kanina
na hindi daw siya ang ama ng dinadala ni Isabela? Teka lang? Kung magkaganoon
nga, sino ba talaga ang ama? Tinatago ba nila Aulric ang katotohanan sa ama ng
dinadala ni Isabela?
Hindi ko alam pero umabot hanggang sa aking tenga ang aking
ngiti nang makita si Aulric na lumalabas mula sa kulungan. Halos
napakaimposible na palabasin siya sa kulungan pero nakalabas siya. Kadalasan
kasi sa mga kasong pagpatay, hindi pinapalabas ng korte ang akusado. Pero
ngayon, nakalabas siya. Mukhang simula na ito ng aking magandang araw.
Pagkalabas, sumalubong sa kaniya si Tita Ems, si Sir Henry,
at si Derek. Agad na niyakap ni Tita Ems ang anak at halos ipitin na niya si
Aulric sa lakas ng kanyang pagkakayakap. Wala ka namang maririnig na reklamo
mula kay Aulric dahil ito ang isa sa mga bagay na kailangan niya.
“Na-miss talaga kita anak,” mangiyak-ngiyak na sabi nito
habang nakayakap pa rin ng mahigpit sa anak.
“Salamat nanay. At hindi pa po ako nasasaktan sa ginagawa
ninyo kaya higpitan niyo pa,” tugon ni Aulric. Dahil sa sinabi niya, mas lalo
pang humigpit ang pagkakayakap ni Tita Ems sa anak.
Maya-maya ay naghiwalay na sila at niyakap naman ni Aulric
si Sir Henry. “Welcome to the outside world.”
“Salamat po Tito Henry.” Kumalas na sa yakapan si Aulric.
“Ano? Uuwi ka ba agad sa bahay?” tanong ni Tita Ems.
“Maghahanda ako para sa iyo. Ise-celebrate natin ang paglabas mo sa kulungan.”
“Nay, nakalabas lang po ako ng kulungan. Pero may kaso pa
rin ako kaya kapag hindi ko maipanalo ang kaso ko, balewala din. “
“Emma, tama si Aulric,” sabat ni Sir Henry.
“Pero kahit na. Kailangan pa rin natin mag-celebrate anak,”
pamimilit pa rin ni Tita Ems.
Habang nakatingin ako kay Aulric, biglang nagkrus ang aming
mga tingin. Ngumiti siya sa akin ng napakatamis. Biglang bumilis ang tibok ng
puso ko sa ginawa niya at nag-iwas ng tingin. Kapag nginingitian talaga niya
ako, napaka-cute. Ang sarap pisilin ng kanyang pisngi.
“Oo nga po pala nanay. Gusto ko nga po pala muna samahan si
Zafe. May mga bagay po kaming pag-uusapan,” rinig kong sinabi ni Aulric.
Napatingin ako sa kaniya. Ohh, yes. Sasama siya sa akin.
Teka? May sinabi na ba ako? Wala pa naman ahh?
“Yeah. Oo, oo,” sabi ko nang napagtanto ko na nakatingin
ang lahat sa akin. “Pero, kailangan ba Aulric? Okay lang naman na ipagpabukas
natin iyun. Dapat, samahan mo muna ang pamilya mo.”
“Ganoon ba? Pero okay lang sa akin,” sabi ni Tita Ems.
“Basta Aulric, umuwi ka sa bahay bago matapos ang balita sa gabi."
“Opo nanay. Naiintindihan ko po.” Lumapit sa akin si
Aulric. “Tara na.”
Binuksan ko ang pintuan ng kotse para sa kaniya. Kita ko naman
na nagtataka na tiningnan ako nila Tita Ems, Sir Henry, at ni Derek.
“Nagmamadali po,” pagdadahilan ko.
“Ingat kayong dalawa ha!” wika ni Tita Ems na kinaway pa
ang kamay.
“Opo Tita Ems.”
Dali-dali na sumakay ako sa kotse at pinaharurot na ito pauwi
sa amin. Okay, okay, okay. Susulitin ko ngayon ang araw naming ito.
Pagkapasok sa kwarto ko, tinulak ko siya papunta sa kama ko
at ni-lock agad ang pintuan ng aking kwarto. Lumapit ako sa kaniya habang
hinuhubad ang aking damit saka pinaulanan siya ng halik sa leeg matapos humarap
sa akin.
“Ahh! Ilang linggo nga ulit nang makulong ako?” tanong ni
Aulric habang umuungol sa sarap.
Tumigil ako at tiningnan siya sa mata. “Importante ba ang
bagay na iyun sa ngayon?”
“Hindi naman. Pero hindi pa ako naliligo. Pwede bang maligo
na muna ako bago maganap ang magaganap?"
“Maaayos ko agad iyan.”
Binuhat ko siya papunta sa banyo at pinahiga sa bathtub.
Binuksan ko ang shower na nakalagay sa taas at kapwa naramdaman namin ang tubig
na lumalabas mula dito. Napakalamig ng tubig pero mainit ang pag-eespadahan ng
aming mga labi.
“Zafe, hinay-hinay lang. Nilulunod mo ako,” rinig kong wika
niya nang humalik ako sa kanyang leeg.
“Okay lang. Malunod ka sa pag-ibig ko.” Humalik muna ako sa
leeg niya pababa sa magkabila niyang utong.
“Hindi okay iyun. Ahh! Marami pa akong bagay na gustong
gawin sa buhay ko.”
Tumigil ulit ako at nagtitigan kami. “Alam ko. Alam ko.
Pero hindi ko lang kasi mapigilan. Nanggigigil kasi ako sa iyo. Halos araw-araw
kang tumatakbo sa utak ko. Nag-aalala kung ano ang nangyayari sa iyo sa
kulungan.”
“Bakit? Sa tingin mo ba ay may papatol sa akin sa
kulungan?” kagat-labi niyang tanong.
Muli ko sanang hahalikan si Aulric nang hinarangan ng kamay
niya ang labi ko. Huh? Huwag mong iharang ang kamay mo. Iyung labi ang iharang
mo sa labi ko.
“Paliguan mo muna ako. Bigla akong na-concious at baka kung
anong sakit ang makuha mo sa akin habang nagse-sex tayo.”
Pinatulay ko ang aking kamay sa kanyang katawan. “Pero para
sa akin, malinis ka na. Sobrang napakalinis. At mukhang pumuti ka.” Walang
babala na humalik sa magkabilang utong niya.
“Ahh! Zafe, shit! Pasaway ka!” saway ni Aulric na ang boses
ay halos namamaos.
Dahan-dahan na inalis ko ang suot-suot niyang pantalon
hanggang sa pinakahuling saplot niya. Ngayon, hubo’t hubad na sa aking harapan
si Aulric. Wala si mama, wala si papa, may mga ilang katulong sa bahay,wala ng
makakapigil sa binabalak ko.
Nagpakawala ako ng ngiti habang nakatingin kay Aulric.
Tinignan niya ako ng may paanyaya na simulan na ang aking binabalak. Sa bawat
halik ko sa katawan niya, nagiging parang tulay ang kanyang katawan kapag
gumagalaw siya. Ang bawat ungol niya ay mas lalong nagpapaigting ng aking apoy
na ilang araw na din na nagtiis.
Pinatay ko muna saglit ang shower at kumuha ng sabon.
Nilagyan ko ang katawan niya gaya ng gusto niyang ipagawa sa akin. Bago ko
sabunin ang isang parte ng katawan niya, hinahalikan ko na muna ito at
paulit-ulit ko iyung ginawa. Ngiti ako ng ngiti habang nakatingin sa kaniya.
Parang hindi ata ako mapapagod sa ginagawa kong pagngiti.
Nang mapadako ang kamay ko sa ibabang parte ng katawan
niya, nilusot ko agad ang isa kong daliri sa puwerta niya. Nagpakawala si
Aulric ng isang senswal na ungol habang nakatingin sa akin. At habang
nagdadagdag pa ako ng isang daliri, mas lalo pa itong lumalakas.
Nang handa na ang lahat, pinatalikod ko siya sa akin.
Dahan-dahan na pinasok ko ang aking pagkalalaki sa kaniya. Gaya ng karaniwan
naming pagtatalik, napakasikip ulit niya. Medyo nahirapan ulit ako pero
naipasok ko din ito ng buong-buo. Pagkatapos ay dahan-dahan akong gumalaw
hanggang sa nararamdaman ko na gumalaw na din siya. Medyo napabilis ako sa
aking pagbayo sa sarap ng aming ginagawa. Sa sobrang bilis, nararamdaman ko na
malapit na agad ako.
“Aulric, malapit na ako," sabi ko habang bumabayo.
Wala akong narinig na kahit anong reklamo mula sa kaniya.
Tanging senswal na ungol lang niya ang naririnig ako. Hanggang sa maramdaman ko
ang rurok at ipinutok ko lahat sa loob niya. Kasabay ko din ay naabot din niya
ang rurok.
Hingal na nagpahinga ako sa bathtub at binuksan ang shower
sa taas. Si Aulric naman ay nahiga din sa ibabaw ko. Muli ay dumaloy ulit sa
mga balat namin ang tubig. Nililinis nito ang sabon na nasa balat pa rin ni
Aulric. Oops! Hindi ko pala siya nabanlawan.
“Hindi ka ba nagma-masturbate noong wala ako?" tanong
niya.
“Hindi," sagot ko. Niyakap ko siya mula sa likuran.
“Ikaw ba? Nakakapag-masturbate ka ba sa kulungan?"
Umikot siya paharap sa akin. “Hmm, hindi. At ayoko. Ang
dami pa namang mga mata na nakatingin sa akin doon."
“So, may tao bang nagkagusto sa iyo doon sa kulungan? Baka
may kakompetisyon na naman ako kapag nagkataon.”
Natawa siya at binasa ni Aulric ang aking mukha. “Huwag
kang mag-alala. Mukha bang may tao na magkakagusto sa akin?”
Muli ay nagkatinginan na naman kami. Kung kanina ay ako ang
humalik, si Aulric naman ang sumugod at mapusok akong hinalikan.
“Isang round pa?” bulong ko.
Emma’s POV
Kasama si Henry, masaya akong nakabalik sa aming bahay.
Nilagay ko sa aking lamesa ang dala-dala kong maliit na bag at umupo sa aking
upuan. Si Henry naman ay pumasok sa loob ng bahay at umupo katapat sa akin. Sa
wakas ay nakalabas din si Aulric. Pero gaya nga ng sinasabi ng anak ko, hindi
pa tapos ang kaso niya. Kapag nahatulan na siya sa korte at hindi maganda ang
resulta nito, muli siyang babalik sa kulungan. At posibleng wala na kaming
magagawa para makalabas siya.
“Henry, maraming salamat sa tulong mo at nakalabas ang anak
ko,” pagbasag ko sa katahimikan namin. “Magkano ba iyung binayad mo para lang
makalabas ang anak ko? Babayaran ko ng
paunti-unti at kapag nakaluwag na ako.”
“Hindi na Emma,” pagtanggi niya. “Barya lang sa akin ang
perang nagamit ko para makalaya si Aulric.”
Tumayo ako at tumungo sa kusina para maghanda ng kakainin namin.
“Ay nako! Hindi pwede iyan sa akin Henry. Babayaran ko talaga iyung binayad mo.
Kahit na sabihin mo na barya lang iyun para sa iyo, para sa akin ay napakalaki
ng naitulong mo para makalaya si Aulric.”
“Kung iyan ang gusto mo Emma. Pero mas gusto ko na hindi mo
na lang bayaran. Hindi ko naman hinihingi na bayaran mo.”
Muling dumaan ang katahimikan sa aming dalawa. Ramdam ko
naman ang tingin niya sa akin habang hinahanda ko ang kanin na aking sasaingin.
Ano ba ang dapat kong gawin? Bakit, hindi siya umaalis? May kailangan pa ba
siya sa akin?
“Emma, pwede bang magsimula tayo ulit?” tanong ni Henry na
ikinagulat ko.
Napatingin ako sa kaniya para suriin kung seryoso ba siya
sa kaniyang sinasabi. Pero hindi ko masabi. Hindi ko siya mabasa. Simula noong
nangyari ang…
Tumawa na lang ako. “Henry naman. Nagbibiro ka lang hindi
ba? Alam mo, tigilan mo-”
“Seryoso ako,” pagputol niya.
Natigilan ako sa pagputol niya. Nag-iwas ako ng tingin at
muling tumingin sa aking sinasaing. Ano ba ang dapat kong sabihin ngayon? Hindi
ko talaga alam ang sasabihin. Mag-isip ka Emma.
Tumayo siya at lumapit sa akin. “Emma, pumayag ka lang.
Magsimula tayo ulit. Alam ko na may mga bagay noon ang hindi natin
makakalimutan. At tapos na iyun. Kaya ngayon, liligawan kita ulit kung maaari.”
Humarap ako. “Hindi madali iyun Henry. At pwede ba? Huwag
kang dumagdag sa mga kasalukuyan kong problema ngayon?”
“Kailan ba naging problema ang magmahal?”
“Kailan naging problema? Noong ikaw ang taong iyun.”
Natahimik si Henry at nag-iwas ng tingin. “Alam ko iyun.
Pero-“
“Henry, sa pangatlong pagkakataon, kung kailangan kitang
bastedin, babastedin uli kita. Para lang matapos ang problemang ito,”
mangiyak-ngiyak kong wika. “Alam mo ba na nitong mga nakaraang araw, naiisip ko
kung ano ba ang ginawa ko para magkaganito ang buhay ko. Sa tuwing nagkakaroon
ng magandang nangyayari sa akin, may masamang bagay naman na nangyayari.
Gumaganda ang takbo ng negosyo ko, heto naman si Aulric.”
Nag-angat siya ng tingin at tiningnan ako sa mata. “Pero
Emma, hindi ako ganoon kabigat sa mga problemang iyun. At alam mo kung anong
kailangan mo ngayon? Karamay. Kailangan mo ng makakaramay Emma. At nandito ako
para dumamay sa iyo.” Lumapit siya sa akin at hinayaan kong yakapin niya ako.
“Emma, matatapos din ito. Huwag kang mag-alala.”
Habang nakayakap sa kaniya, bigla ko naman naalala ang
gabing naging iba si Henry sa akin. Agad na nagpumiglas ako at kumawala sa
pagkakayakap niya. Nagulat siya sa naging reaksyon ko at kapwa nag-iwas kami ng
tingin. Hindi talaga ako makatagal sa kaniya kapag nakayakap siya sa akin. Isa
ito sa mga dahilan kaya walang nangyari sa amin noong nasa Palawan kami.
Naglakad papunta sa lamesa si Henry habang may bagay na
kinukuha mula sa kaniyang pitaka. “Aalis na ako Emma. May pupuntahan pa pala
ako. Heto nga pala, isang libo.” Nilapag niya sa lamesa ang isang libong papel
at inipit sa pamamagitan ng baso na nakalagay sa mesa. “Ibili niyo iyan ng mga
masasarap na pagkain. Gusto kong makatikim si Aulric dahil nakalabas na siya.
Baka natatakam na iyun sa mga tunay pagkain dahil kagagaling lang niya sa
kulungan.”
Pipigilan ko pa sana siya sa kanyang gagawin pero nakalabas
na siya ng bahay. Muling natahimik na naman ang bahay. Tanging mabilis na
pagtibok ng puso ko lang ang aking naririnig. Sa totoo lang, may nararamdaman
pa rin ako kay Henry. Pero nag-aalala pa rin ako sa mga bagay na mangyayari kapag
naging kami. At iyun ang bagay na pumipigil sa akin.
Natigil ako sa pag-iisip nang nakita ko na may puting usok
na lumalabas mula sa kaldero. Pinunasan ko naman muna ang luha na lumabas sa
aking mata. Kumukulo na ang aking sinasaing at kailangan ko ng hinaan ang apoy.
Nakarinig naman ako ng katok sa aking pintuan. Lumapit ako dito at binuksan. Si
Derek pala ang kumakatok.
“Ohh? Derek? Hinahanap mo ba si papa mo? Kaaalis lang niya
ahh,” sabi ko.
“Umm, hindi po,” tugon niya. “Pwede po bang pumasok?”
“Sige, sige. Tumuloy ka.”
Pinatuloy ko si Derek sa bahay ko at bumalik ako sa aking
sinasaing. Umupo naman sa mesa si Derek. At kagaya ng papa niya, tiningnan lang
niya ako.
“Ang totoo po Tita Emma, alam ko po na umalis na si papa,”
pagbasag ni Derek sa katahimikan. “Narito po ako para tulungan sana si papa sa
ginagawa niyang, panliligaw sa inyo. At pwede po ba na ako lang ang magsalita.
Ayoko po kasi na may ibang tao ang magsasalita kapag may mahaba akong sasabihin
dahil baka makalimutan ko lang po ang kailangan kong sabihin.”
Nagulat ako sa sinabi ng anak ni Henry. Napatango na lang
ako para hayaan siyang magsalita.
“Unang-una sa lahat, alam ko po iyung nangyari sa inyo ni
papa,” panimula ni Derek. “Noong mga high school students pa lang daw po kayo,
naikwento niya ang isa sa mga bagay na pinagsisihan talaga niya na nangyari. At
iyun ang sinaktan niya po kayo. At dahil po doon, hindi po kayo makatagal kay
papa kapag malapit siya at nakayakap sa inyo. Umm, kung nag-aalala po kayo na
sasaktan po kayo ulit ni papa gaya noon, ako na po ang nagsasabi sa inyo, na
pagkatiwalaan niyo po ulit si papa. Noong buhay po si mama, alam niya iyung
side na ganoon ni papa. Pero kahit ganoon, minahal pa rin niya si papa. At
gusto ko pong isumbong sa inyo na naging masaya naman ang pamilya namin. May
mga instances po na lumalabas po ang ganoong ugali ni papa, pero nakikita kong
pinipigilan niya ang sarili niya na gawin iyun kay mama dahil mahal niya ito.
At siguro naman po, gagawin din ni papa ang ginawa niya kay mama. Dahil
nakikita kong mahal po kayo ni papa. At sana naman po, i-reconsider niyo si
papa. Gusto ko po siyang makitang sumaya ulit matapos mawala ni mama. At kung
iniisip niyo po na hindi ko kayo magugustuhan kapag naging asawa po kayo ni
papa, okay po kayo sa akin as long as masaya po si papa.”
Matapos ang mahabang salaysay ni Derek, ngumiti siya at
lumabas ng bahay. Biglang lumabas sa akin mga mata ang mga alaala ko noong high
school pa kami ni Henry.
「20 years ago…
Habang naglalakad ako sa hallway ng eskwelahan, nakita ko
si Henry na nakangiting nakatingin sa akin. Sa isang kamay niya, nakita ko agad
na may dala-dala siyang bagay na paborito ko.
“Para sa iyo.” Binigay ni Henry ang paborito kong chocolate
bar.
“Salamat,” nakangiting tugon ko. “Alam mo talaga kung ano
ang gusto ko.”
“Siyempre naman Emma.
Ang isa sa mga step para maging matagumpay ang relasyon niyo ng iyong
kaibigan ay alamin ang gusto at ayaw ng isa’t isa.”
“Umm, okay. Sabi mo ehh.”
Hinawakan ni Henry ang kamay ko. “May isang bagay pa nga
pala Emma. Mula sa araw na ito, may ipapangako ako sa iyo. Nangangako ako na
kahit kailan, hindi kita sasaktan. Kahit anong mangyari. Kung ano ang ginawa mo
sa akin, papatawarin kita. Alam mo naman ako. Nananakit ako sa mga taong
sinasaktan ang mahal ko.”
Nahiya ako sa sinabi niya. “Wow naman Henry. Ang sweet mo
talaga. Pero alam mo, late na tayo para sa susunod nating klase. Kaya lumakad
na tayo.”
Muli ay sabay kaming lumakad papunta sa susunod naming
klase. Sasabihin ko na ba sa kaniya? Ayoko naman kasi siyang paasahin. Ang ibig
kong sabihin, nagi-guilty ako kapag itatago ko pa sa kaniya.」
「19 years ago…
“Pasensya na talaga Henry. Pero nakapagdesisyon na ako.
Pinipili ko si Ike kesa sa iyo,” paliwanag ko. “At sana naman Henry, maging
masaya ka para sa akin. Gustong-gusto ko talaga si Ike. Siya ang lalaking
pinangarap ko.”
“Pero bakit? Bakit siya pa?” naiiyak niyang tanong. “Emma,
ako na lang ang piliin mo. Mas kilala kita, alam ko ang gusto at mga ayaw mo,
alam ko halos ang lahat sa iyo. Pinapangako ko talaga sa iyo Emma.
Hinding-hindi ka magsisisi.”
“Pero Henry, gaya nga ng sinabi ko, nakapagdesisyon na ako.
At ito ang bagay na matagal ko ng tinatago ko sa iyo. Alam ko na mas bagay
tayo, magiging maganda ang relasyon natin, pero si Ike talaga ang gusto ko.
Kaya Henry, tanggapin mo na. Maging masaya ka na lang para sa akin.”
“Alam mo Emma, tanggap ko naman sana kung ibang tao pa
iyun. Pero si Ike, hindi ko iyun matatanggap. Hindi mo siya kilala. Marami kang
bagay na hindi mo alam sa kaniya. Isa siyang drug addict, holdaper sa gabi,
gangster, at kung ano-ano pang masasamang titulo. Baka nga, miyembro siya ng
isang sindikato.”
“Sinasabi mo lang iyan dahil hindi mo siya gusto para sa
akin. Gusto mo na sa iyo ako mapunta. Lahat ng mga sinasabi mo, puro
kasinungalingan.”
“Oo. Oo, inaamin ko. Mas maganda na sa akin ka mapunta
Emma!” sigaw niya. “Ano ba kasi ang nakita mo kay Ike? Mas gwapo ako doon, mas matalino, mas macho,
ewan ko nga lang kung sino ang mas malaki ang tarugo sa aming dalawa dahil isa
iyon sa mga bagay na wala talaga akong pakialam. Pero Emma, huwag mong
babalewalain ang mga sinasabi ng mga kaibigan mo. Lahat kami, sinasabi na
lumayo ka kay Ike dahil nag-aalala kami sa iyo. At iyung mga bagay na naririnig
mo, lahat iyun, totoo. Hindi iyun tsismis. Alam mo, magpasalamat ka pa nga
dapat. Kaming mga kaibigan mo, lalong-lalo na ako, may pakialam sa iyo.”
“Pero kahit ano pa ang sabihin mo, hinding-hindi na
magbabago ang isip ko. Pasensya na talaga Henry. Hindi mo makukuha ngayon ang
gusto mo. At kung pwede, layuan mo na ako. Tinatapos ko na rin ang
pagkakaibigan natin mula sa araw na ito.”
Aalis na sana ako sa lugar na iyun nang hinawakan ni Henry
ang balikat ko at nakatanggap ako ng isang malutong na sampal mula sa kaniya.
Nasapo ko ang pisngi na sinampal niya at tumingin sa kanyang mga mata. Bigla
akong nakaramdam ng takot habang nakatingin sa kaniya. Pakiramdam ko, hindi si
Henry ang kaharap ko. O siya nga ba talaga?
“Kung kailangan kitang sampalin ng paulit-ulit, gagawin ko.
Magising ka lang mula sa kahibangan mo Emma!”
Tinulak niya ako hanggang sa madikit ako sa pader. Hindi ko
mabilang kung ilang beses akong sinampal ni Henry. Ang sobrang sakit nito at
wala akong lakas para labanan siya. Masyado siyang malakas para sa akin. Ilang
beses din akong humingi ng tawad sa kaniya at tigilan na niya ang ginagawa.
Pero wala akong magawa. Mukhang nabingi na ata si Henry sa mga daing ko. Kahit
may lumabas na luha mula sa mata ko ay hindi pa rin siya tumitigil. Akala ko
ba, hindi niya ako sasaktan kahit kailan? Pero bakit kabaligtaran ang kanyang
ginagawa ngayon?
“Henry, tigilan mo iyan!” rinig kong sigaw ni Ike.
Agad na sumaklolo sa akin si Ike at inagaw niya ang
atensyon ni Henry sa akin. Nagsuntukan silang dalawa habang ako ay sinusubukang
pigilan sila. Makalipas ang ilang pagpapalitan ng kamao, bumagsak sa lupa si
Ike. Lalapit pa sana si Henry para muling saktan si Ike pero lumapit agad ako
kay Ike para pigilan siya.
“Henry, tigilan mo na ito!” mangiyak-ngiyak na sigaw ko.
“Nasaktan mo na ako, nasaktan mo na si Ike, pwede bang tumigil ka na?! At
please, pakiusap lang! Sa tingin mo, sa nangyari ngayong gabi, pipiliin pa rin
kita? Hindi na Henry. Hinding-hindi na kita pipiliin kahit kailan.”
“Ganoon ba?” Natawa ng payak si Henry at tumingin sa amin.
“Ano ba ang pakialam ko kung hindi mo na ako piliin ngayon? Tingin mo ba, sa
mga oras na ito ay may pakialam pa rin ako sa iyo? Pasensya na Emma. Pero
simula sa gabing ito, wala na talaga akong pakialam sa iyo. Bahala kayo,
magsama kayong dalawa. Sa bagay, mukhang bagay naman ata kayo. Congratulations!
Panalo ka Ike!” sarkastikong bati niya. “At ikaw naman Emma, tandaan mo itong
mga sasabihin ko sa iyo. Magsisisi ka na pinili mo si Ike kesa sa akin. Kapag
nakita kita ulit at naging hindi maganda ang buhay mo, pagtatawanan kita.
Ipapamukha ko sa iyo na maling-mali ang ginawa mong desisyon. Magsisisi ka araw
at gabi na siya ang pinili mo. Mag-iisip ka palagi na ano kaya ang buhay ko
kung si Henry ang piliin ko? At sa puntong iyun, baka nga habulin mo ako ulit.
Pero hindi na pwede. Kasi, magkakaroon na ako ng sarili kong masaya na pamilya.
At ikaw ay hindi magkakaroon ng ganoon. Kasi magiging impyerno ang buhay mo
dahil sa taong pinili mo. At kapag humingi ka sa akin ng tulong, asahan mo
Emma. Hinding-hindi kita tutulungan. Tulungan mo ang sarili mo. Mag-isa ka!
Paalam Emma. Hindi na ako hihiling na sana maging maganda, o magiging impyerno
ang buhay mo. Dahil pinili mo na ito. At impyerno mismo ang lalapit sa iyo.”」
Napaupo ako sa upuan nang maalala ang mga sinabi ni Henry.
Tama nga siya. Nagkatotoo nga ang mga sinabi niya. Naging impyerno ang buhay ko
sa piling ni Ike. Isa nga talaga siyang holdaper, gumagamit ng droga, at nitong
nakaraan lang, nalaman ko na isa talaga siyang miyembro ng sindikato. Noong
una, isinasawalang-bahala ko lang ang sinasabi ng mga tao sa paligid ko. Pero
unti-unti, nagkatotoo ang mga sinabi sa akin ni Henry. Araw at gabi, walang
araw na hindi ako umiiyak dahil nalaman kong tama si Henry. At hindi lang iyun
doon natapos. Simula nang isinilang si Aulric, nagsimula din namang mawala si
Ike sa buhay ko. Noong mga panahong iyun, umasa ako na sana, pagdating man lang
kay Aulric, maging isang responsableng ama sana siya. Pero hindi nangyari iyun.
Kada taon, o kada buwan, biglang babalik si Ike sa bahay. Hindi ko nga alam
kung saan siya nanggaling, kailan siya babalik, pero palagay ko ay kasama niya
ang kanyang mga kabarkada niya na nanghoholdap at magpapakasarap sa buhay. At
kapag umalis siya, siguradong may bagay na naman na ninakaw ito mula aming
kapitbahay. Susugod ang mga ito sa bahay namin at magagalit. Magsisisigaw pa
sila sa labas na ilabas ko daw ang asawa ko. Ehh, hindi ko nga alam kung nasaan
siya.
Nagsisisi talaga ako sa hindi pagpili kay Henry. Pero
natigil iyun nang lumaki-laki si Aulric. Halos kuhang-kuha ni Aulric ang ugali
ng tatay niya. Matapang, bayolente, malakas ang loob, pero may bagay na ugali
na hindi niya talaga namana mula sa tatay niya. Mahal na mahal niya ako. Sa
kaniya ko lang naramdaman ang pagmamahal na hindi ko naramdaman sa tatay niya.
Kaya nangako ako sa sarili ko, hinding-hindi ko siya pababayaan. Kahit na hindi
ako mahal ng tatay niya, mamahalin ko siya. Aalagaan ko siya. Ibibigay ko ang
lahat sa kaniya. Gagawin ko ang lahat para sa kaniya. At nasuklian naman iyun
ng walang katumbas niyang pagmamahal. Napakaswerte ko sa kaniya. Wala na akong
maihihiling pa.
「4 months ago…
“Ako nga pala si Mr. Wolf,” pag-amin sa akin ni Henry. “Ako
ang benefactor ni Aulric.”
Gulat akong napatingin kay Henry. Hindi ko inaasahan na
siya pala ang taong tumutulong kay Aulric para makapagtapos siya. Hanggang
ngayon kasi, tumatak pa rin sa utak ko ang mga sinabi niya sa akin noon.
Hinding-hindi niya ako kahit kailan na tutulungan. Totoo ba ito?
“B-Bakit sinasabi mo sa akin ito ngayon Henry?” tanong ko.
“Alam mo, tandang-tanda ko pa, para ngang kahapon lang na sinabi mo sa akin,
kahit kailan, hinding-hindi mo ako tutulungan dahil hindi kita pinili. Ano na
ang nangyari doon?”
“Well, sabihin na lang natin na nagbago ang isip ko. At fan
ako ng mga taong nakakapagtapos ng kolehiyo. Tiningnan ko ang records at mga
performance ng anak mo sa eskwelahan, at nasabi ko sa sarili ko na sayang naman
kung hindi makapagtapos ang taong ito. At tungkol doon sa mga sinabi ko noon,
pwede bang kalimutan na natin iyun.”
“Ano ka ba Henry? Sa tingin mo ba, ganoon-ganoon ko lang
makakalimutan iyun? At nakakalimutan mo ata. Anak ni Ike si Aulric.”
“Hindi ko nakakalimutan ang bagay na iyun Emma. Alam kong
ang tatay ni Aulric ay si Ike. Pero may bagay akong nakita kay Aulric kaya
gusto ko siyang tulungan. Mahal ka ng anak mo. Sa totoo lang, nagulat nga ako
nang malaman iyun dahil akala ko, mamanahin nung bata ang lahat kay Ike.
Nagkamali ako. At ngayon, gusto kong tulungan siya na makapagtapos sa kolehiyo.
Sayang si Aulric kung hindi siya makatapos. At siguro naman, nakikita mo din
ang mga nakikita ko kay Aulric. Matalino siya. Mukhang hindi siya gagawa ng mga
maling desisyon na ginawa mo noon.”
Natahimik ako sa sinabi niya. Alam ko na ako ang tinutukoy
niya na gumagawa ng mga maling desisyon sa buhay. Pero hindi naman niya
kailangan ipamukha sa akin iyun.
“Pasensya na,” paghingi niya ng tawad. “Alam kong masakit
ang sinabi ko lalo na’t nanggaling sa akin. Pero alam mo Emma, gusto kong
malaman mo na nagsisisi ako sa ginawa ko sa iyo noon. Kung pwede lang na
bumalik ako sa panahong iyun, ginawa ko. Kung sana, nagbigay ako sa iyo ng mga
patunay kung bakit hindi dapat si Ike ang pinili mo, siguro ay naagapan ko ang
mga nangyayari sa iyo ngayon. Pero hindi ko nagawa. Hindi lang ikaw ang tanga
noon. Ako din. Napakatanga ko. Bakit ko ba hindi naisip ang bagay na iyun? At
ngayon, hanggang doon na lang ako. Hanggang sa kung sana na salita na lang.
Kaya ngayon Emma, gusto kong makabawi sa iyo. At gusto kong maibalik ulit ang
bagay na meron tayo noon. At kung hindi na maibabalik okay lang. Gusto ko lang
masigurado na magiging maayos ang buhay mo. Kahit na hiniling ko na sana maging
impyerno ang buhay mo, ayoko na ngayon. Gusto ko na gumanda ang buhay mo kahit
hindi na ako kasama doon. Magiging masaya na ako para sa iyo.”」
Zafe’s POV
Kasalukuyang nagpapalipas na lang kami ng oras ni Aulric.
Siya, nakahiga sa tabi ko na walang saplot, at ako naman ay nakayakap sa kaniya
habang hinahalikan ang kanyang likuran. Natigil lang ako nang mahalikan ko ang
kadeng ng kwintas niya.
“Ay! Ano ba iyan! Panira,” naiinis kong bulong sa sarili.
“Alam mo, huwag ka na lang kaya magkwintas. Hindi bagay sa iyo. Mas maganda na
walang bagay ang humaharang sa iyong magandang likuran. Kahit hindi ka na din
magdamit, mas maganda iyun.”
“Huwag mo ngang awayin ang kwintas ko. Kayamanan kaya iyan.
Nagpapatunay iyan na magiging tagapagmana ako ng isang malaking kompanya na
biglang ikakayaman ko,” walang amor niyang wika.
“Heh! Yayaman ka lang kapag binili kita. Magkano ka ba?
Sampung milyon? Bente? Trenta? Name your price,” pagyayabang ko. “Maalala ko
nga pala. Kay Mr. Wolf ang kwintas mong ito hindi ba? Nakilala mo na ba siya?”
Nag-iba ng posisyon si Aulric at humarap sa akin. “Huh?
Hindi ko pa pala naikikwento sa iyo kung sino si Mr. Wolf?”
“Hindi pa. Bakit? Nakilala mo na siya?” excited kong
tanong. Ipinatong ko ang aking ulo sa aking isang kamay.
“Oo. Siya si Tito Henry,” sagot niya.
Napatingin ako sa kwintas niya na may korteng lobo at
nasapo ang ulo ko. “At napakatanga ko talaga. Bakit ko ba ngayon lang
napansin?”
“Ang alin?”
“Iyang kwintas mo kasi, iyan iyung insignia ng dating
kompanya na pinapatakbo ni Sir Henry at ng papa niya. Kaya pala parang pamilyar
sa akin dahil nakita ko na iyan. Hay nako! Kapag nagkaroon talaga ako ng oras,
magpapasalamat ako sa kaniya dahil naging benefactor ka niya at nakilala kita.”
“Maiba nga ako. Kayo ni Colette, kumusta? Kinakaliwa mo na
ba ako?” tanong niya.
Humugot ako ng buntong-hininga. “Hay! Alam mo, noong isang
araw ka pa. Hindi nga kita kinakaliwa. At iyang tono ng pananalita mo kapag
nagtatanong, pwede bang baguhin mo?” Kinurot ko ang kanyang magkabilang pisngi.
“Hindi ka cute kapag ganyan alam mo ba iyun. Sayang pa naman. Ang cute mo.
Bakit hindi mo sabihin na mahal mo ako?”
“Oy wob yo.”
Binitiwan ko ang magkabila niyang pisngi. “Ha? Anong sinabi
mo? Pakiulit?”
“Hay salamat. Binitiwan mo na din ang pisngi ko.” Agad na
tinalikuran niya ako.
“Hoy, napakadaya mo. Sabihin mo ulit iyun. Sige na,”
pangungulit ko.
“Saka na kapag may ginawa ka na namang bagay na pasok sa
criteria ko para sabihin ang mga salitang iyun. At limited edition ang salitang
iyun para sa akin. Kaya, treasure it.” Ay! Ano ba iyan. Mukhang hindi niya ako
pagbibigyan.
“Matanong ko lang? Noong isang araw, sinabi mo sa akin ang
mga salitang iyun. Anong bagay ang nagtulak sa iyo para sabihin ang mga
salitang iyun?” tanong ko. Muli ko na naman hinalik-halikan ang likod niya.
“Dahil naniwala ka sa akin na wala akong kasalanan sa
pagkalaglag ng anak ni Isabela?” pahula niyang sagot. “Well, naniniwala ka ba
talaga o hindi? Ewan ko pero parang nagdududa ako kung dapat ba talaga akong
nag-I love you sa iyo noon. Pero hindi bale na. Nasabi ko na kaya wala ng
bawian.”
“Umm, oo nga pala. Tungkol nga pala sa bagay na iyan, oo at
hindi ang sagot ko,” pagtatapat ko. “Parte ng pagkatao ko ay naniniwala na
ikaw, parte ko ay hindi. Pero ngayon, buong pagkatao ko ay hindi naniniwala na
magagawa ang bagay na iyun. Buhay iyun Aulric. Nakapatay ka na ba?”
“Paano kung sabihin ko sa iyo na oo, nakapatay ako? At kung
mapapatunayan talaga na ako ang gumawa ng bagay na iyun kay Isabela, pangatlong
beses ko ng ginawa iyun.”
“Huh? Anong ibig mong sabihin?” naguguluhan kong tanong.
“Ibig sabihin, nagawa mo na ang bagay na iyun?”
“Oo naman. Nagawa ko na. Noong una, maaawa ka sa pinatay mo
dahil mare-realize mo na wala na talaga siya. As in patay na talaga. Hindi na
babalik sa mundo ng mga buhay at hindi mo na makakausap.”
Bigla akong nainis sa kaniya. “Aulric, humarap ka nga sa
akin.”
“Ayoko,” agad na pagtanggi niya.
Bumangon ako sa aking hinihigaan at pumatong sa kaniya.
Pwersahan ko naman siyang hinarap sa akin para makita siya. Kailangan sabihin
ko sa kaniya ang nasa loob ko.
“Aulric, pwede bang tigilan mo ang pagsasalita ng ganyan?”
pakiusap ko.
“Well, pasensya ka Zafe. Ito ang tono ko kapag nagsasabi ng
katotohanan.”
“Okay. Sabihin natin na ganyan ka magsabi ng katotohanan.
Pero isipin mo naman ang iisipin ko sa paraan mo ng pagsasalita mo. Para kang
walang pakialam kung may masama akong sasabihin, o gagawin.”
Ngumiti ng bahagya si Aulric. “Oo. Wala naman talaga akong
pakialam. Handa lang ako sa masamang mangyayari sa akin. Lagi nga sa totoo
lang. Tanggap ko na agad. Kung mamatay ako, mamatay na ako. Kung iiwanan mo
ako, iwanan mo. Kung makukulong ako, makulong na ako. I’m a nihilistic person
Zafe.”
“Hindi. Hindi ka isang nihilistic. Matapang ka lang Aulric.
At nasobrahan ka lang. Aulric, huwag mong basta-basta tanggapin ang mga bagay
na darating sa iyo. Pakiusap lang. Para sa akin.” Tumulo ang ilang butil ng
luha ko. “Alam mo ba noong nakakulong ka, parte ng utak ko na naniniwala na
magagawa mo iyun. Pero salamat kay Kurt. Pinaliwanag niya sa akin na ginigiit
mo na wala kang kasalanan. Na-frame up lang ang lahat ng ito. At alam mo,
na-realize ko na ang sama ko namang tao. Kilala kita kesa sa kanila. Close na
close kaya tayo. Kaya ako dapat ang unang tao na maniniwala sa iyo. Pero hindi
iyun nangyari. Kaya ngayon naman, pwede bang isipin mo ang nararamdaman ko sa
tuwing”
“Kaya ba hindi na nakapunta sa kulungan agad?” tanong ni
Aulric.
Tumango ako.
“Ahh! Sabi ko na nga ba. Well, hindi iyun maiiwasan. Bago
ang bagay na ito sa iyo, bago din ito sa akin. Imagine, nag-iwan pa ako ng
bakas kapag gagawa ng masama.”
“Hey, tigilan mo nga iyan,” saway ko.
Hinaplos-haplos ni Aulric ang pisngi ko. “Zafe, ang
naririnig mo sa akin ay totoo. Nakapatay na ako ng tao before. Kaya kung
pumatay ng isang bata na nasa sinapupunan pa lang. Well, depende pala iyun sa
reasoning ko kung dapat bang pumatay ng bata o hindi. Kaya huwag ka ng umiyak.”
“Pero hindi ikaw ang gumawa noon hindi ba?”
“Hindi.”
Nakahinga ako ng maluwag at pinunasan ang mga luha ko.
“Okay. So iyung unang dalawang tao na pinatay mo, anong klaseng tao sila?”
Humiga ulit ako sa kama at humarap siya sa akin.
“Iyung pinakauna, isa siyang serial holdaper sa lugar
natin. Biniktima niya ako. Akala ko nga, katapusan ko na noong mga oras na
iyun. Pero, nag-iba ang ihip ng hangin at napatay ko siya. Iyung pangalawa,
siya iyung pumatay sa tatay ko. Sa totoo lang, hindi ako makapaniwala na
namatay siya dahil sa muruatic acid na nilagay ko sa inumin.” Napansin niyang
nakatitig lang ako sa kaniya at hindi umiimik. “Zafe, nakikinig ka ba?”
“Yeah. Nakikinig ako.” Pinatulay ko ang aking kamay sa
mukha niya. “It’s just, hindi talaga ako makapaniwala. Inaasahan ko na
magbabago ang pagtingin ko sa iyo sa mga naririnig ko, pero parang okay lang sa
akin. Iniisip ko, gusto ko naman ito. Gusto kong makilala ka at ito ang nakuha
ko.”
“Nagsisisi ka ba na nakilala mo ako?”
“Hindi. Hindi ako nagsisisi. Ngayon, nalaman ko na 90% ng
sinasabi mo ay totoo, at sampu doon ang hindi.”
Nagtaka ang mukha ni Aulric. “Anong sinasabi mo?”
“Hindi si Isaac ang ama ng dinadala ni Isabela hindi ba?”
“Ooops.” Nag-iba ng posisyon si Aulric at tinalikuran ako
sa kama.
Bumangon ako sa kama at pumunta sa harap niya. “Hey,
sabihin mo sa akin ang totoo. Sino talaga iyung ama ng dinadala ni Isabela?”
Tinalikuran ulit ako ni Aulric. “Pasensya na Zafe. Kung sa
mga pinatay ko ay ikikwento ko, iyang tanong mo ay hindi ko dapat sagutin.
Sabihin na lang natin na sikreto lang namin iyun nung mga kaibigan kong iyun.
Kailangan na magtagal pa ang relasyon natin para sabihin ko sa iyo ang sikreto
namin.”
“Pero dalawang taon na tayo.”
Napabalikwas siya at humarap sa akin. “Teka? Hindi! Hindi
counted iyung kasalukuyan nating relasyon. Ang sinasabi ko ay iyung opisyal
nating relasyon.” Kita ko na namula ang pisngi niya. “Tandaan mo na, it’s
complicated with benefits ang relasyon natin. At kapag natapos na ang lahat ng
ito, handa na ako sa opisyal nating relasyon.” Bahagyang nag-iwas siya ng
tingin. Maya-maya ay ibinalik ang tingin sa akin.
Natawa na lang ako sa ikinikilos niya. Natawa din ako sa
mga kasalukuyang nangyayari. Hindi ako makapaniwala. May gusto talaga ako kay
Aulric. Ano pa kaya ang mga bagay na hindi ko alam sa kaniya?
“Bakit ka natatawa?” naitanong niya.
“Wala,” iling ko. Bumalik ako sa higaan at humiga ulit.
Niyakap ko ulit siya at pinalapit sa akin. “Tara. Magpalipas na muna tayo ng
oras. Tutal, mamaya ka pa naman babalik sa inyo. Magkwentuhan na lang tayo ng
kung ano-ano.” Biglang may naisip ako. “Oo nga pala. Alam mo ba nung isang
araw, may nakasalubong akong lalake na nakabisekleta. Tapos ang lalaking ito,
tingin ng tingin sa akin. Hanggang sa mabangga siya sa isang sasakyan.” Teka,
tama ba na ikwento ko ang bagay na ito sa kaniya? Parang mali.
“Ehh, buti nga sa kaniya,” natatawang komento niya. “Teka,
kilala mo ba iyung lalaki na iyun? Baka naman, may gusto sa iyo ang lalaking
iyun kaya tingin siya ng tingin sa iyo?”
“May gusto ang lalaking iyun sa akin? Paano mo nasabi?”
tanong ko.
“Kasi, ganoon ako noong nakikita ka,” sagot niya. “Hindi ko
maialis ang tingin ko sa iyo. Ewan ko ba kung anong meron hanggang sa malaman
ko na may gusto pala ako sa iyo. Tapos, heto na tayo. Nasa kama mo, nag-uusap
ng kung ano-ano.”
Habang nakikinig ako sa mga sinasabi ni Aulric, lumilipad
ang isip ko. Ang init ng kanyang hininga sa tuwing tumatama ito sa aking
dibdib. Ang mukha niya kasi ay malapit dito at napapaisip ako ng kung ano-ano.
Gaya ng, paano kung bigla niyang hahalikan ang dibdib ko? Handa kaya ako kung
sakaling mag-isang round pa kami? At, ano kaya ang magiging hinaharap ko kapag
kasama si Aulric? Gusto ko siyang makasama hanggang sa huli. Gusto kong tumanda
kasama niya. Gusto kong samahan siya kung saan man siya pumunta. Aulric, mahal
na mahal talaga kita. Sana, makitaan namin ng butas ang problema niya ngayon.
Sana, mahanap namin ang totoong lumaglag sa dinadala ni Sharina. Para maabswelto
si Aulric. Dahil kapag ganoon, hindi na siya makukulong ulit. Marahil, magiging
makulay na naman ang bawat araw ko sa tuwing kasama ko siya. Kapag kasi
napatunayan na si Aulric ang may gawa ng mga bagay na iyun, makukulong siya ng
mahabang panahon. At iyun ang bagay na ayokong mangyari.
Biglang bumalik ang uliran ko nang maramdaman ang mainit na
labi ni Aulric sa dibdib ko. Ramdam ko ang pagsipsip niya at siguro ay gusto
niyang mag-iwan ng marka sa dibdib ko. Nagkatotoo ang iniisip ko. Shit!
Maya-maya ay tumigil naman siya. Kita kong tumingin siya sa
parteng hinalikan niya at nakabusangot nang tumingin siya sa akin.
“Paano mo nagagawa iyun?” tanong niya.
“Ang alin?” tanong ko din.
“Bakit hindi nagmamarka? Nananakit na nga ang labi ko, wala
pa rin.”
Tumawa ako. “Matagal na proseso talaga iyan. Kailangan,
matibay ang labi mo. At gustong-gusto mo talagang gawin.” Lumapit ako sa tenga
niya. “Gaya nito,” bulong ko.
Pumaibabaw ulit ako sa kaniya. Dinilaan ko muna ang leeg
niya sabay hinalikan ko ito ng mapusok. Muli na naman nagliyab ang init na nasa
loob ko at nasa ibaba ko. Panay na naman ang senswal na ungol ni Aulric habang
hinihigpitan niya ang pagyakap sa akin. Napakaganda na ng mga eksena nang
narinig kong tumunog ang telepono ko sa kwarto.
“Hindi mo ba, ahh, sasagutin ang telepono?” tanong ni
Aulric.
“Paano ko sasagutin ang telepono kung mahigpit ang
pagkakayakap mo sa akin?” balik ko habang patuloy pa rin siyang hinahalikan ng
mapusok.
Natawa si Aulric. “Alam ko. Ahh! Pero malay mo, importante
ang tawag na iyan. Ahh!”
Nagpatuloy pa rin ako sa ginagawa. Hindi ko inaalala kung
anong meron sa teleponong iyun. Pero makalipas ang ilang segundo, naiirita na
ako sa paulit-ulit na pagtunog ng telepono. Nawala kami ni Aulric sa ritmo at
mukhang ako ang may problema. Pumasok na kasi sa isip ko kung ano ang mga bagay
na posibleng marinig ko sa telepono kapag hindi ko naisagot.
Humugot ako ng buntong-hininga at bumangon. Inabot ko ang
telepono na malapit lang sa kama ko. Narinig kong tumatawa si Aulric habang
nakahiga.
“Bakit?” naaaburidong tanong ko sa telepono.
“Sir Zafe buti naman po at sinagot niyo na po ang
telepono,” panimula ng katulong namin sa bahay. “Andito nga po pala ang
kaibigan niyo daw ni Sir Aulric. Gusto niya daw po kayo makita. Derek po ang
pangalan.” Ano kaya ang ginagawa ni Derek dito?
“Okay. Pakisabi na mag-antay na lang siya sa baba. Bababa
na kami ni Aulric pagkatapos namin magligpit.”
“Op-“ Biglang naputol ang sinasabi ng aming katulong. “Umm,
Sir Zafe, pasensya na po. Nalingat lang ako saglit at mukhang umakyat na po ang
bisita ninyo.”
Naalarma ako sa aking narinig at ibinaba ang telepono.
“Magdamit ka na Aulric.”
Walang tanong-tanong na nagmadaling magbihis si Aulric.
Kinuha niya ang mga damit na binigay ko sa kaniya. Pagkatapos ay nag-abang na
ako sa pintuan para abangan kung nandito na si Derek. Hindi na ako nag-abala na
magbihis dahil mas maraming marka sa katawan si Aulric. Kaya naka boxer lang
ako na may patong na-brief. Ha?! Sa sobrang pagmamadali ko ay pinatungan ko ng
boxer shorts ang brief ko. Tsaka bakit naman dumiretso si Derek na umakyat
papunta sa kwarto ko?
Gaya ng inaasahan, narinig ko na din sa wakas ang mga katok
sa aking kwarto. Walang babala ko itong
binuksan at, bahala na. Kung ano ang makita ni Derek, magpapaliwanag kami ni
Aulric at bahala na talaga.
“Oi, Derek,” pilit na bati ko sa kaniya. “Naparito ka?
Tuloy ka?”
“Salamat,” tugon ni Derek. Pumasok siya sa kwarto ko.
“Aulric, napakaganda naman ng timing at nandito ka. Anong ginagawa niyo?”
Pagkapasok ni Derek, agad na sinara ko ang pintuan. Nang
binalingan ko na sila ng atensyon, may mga nakasalansan na Monopoly cards sa
sahig. Wala ito kanina kaya baka si Aulric ang kumuha.
“Heto. Naglalaro kami ni Zafe ng Monopoly Stripping Game,”
sagot ni Aulric. “At kakatalo ko lang sa kaniya kaya huhubarin ni Zafe ang isa
sa mga suot niya. Kaya, hubad, hubad, hubad.”
Napatigil ako sa aking narinig. Ano ba namang klaseng
palusot iyan? Bakit pa kasi Monopoly Stripping Game ang ginamit mong alibi?
Baka naman may gusto lang siyang makita? Pero nakikita naman niya palagi ang
lahat sa akin hindi ba?”
“Ganoon?” Nilingon ako ni Derek. “Hubad, hubad, hubad.
Hubad, hubad, hubad,” dagdag pa ni Derek. Bakit ka pa nakisali?
Imbes na nahiya, nginitian ko na lang si Aulric. Puwes,
ibibigay ko ang gusto niya.
Dahan-dahan na hinubad ko ang aking boxer shorts habang
nakatingin kay Aulric. Kita ko na nakangiti din siya sa akin at hindi inaalis
ang tingin sa akin. At syempre, ang resulta, alam niyo na. Iyung brief nila ang
nakita ko. Minsan, may mga napakatangang pangyayari na blessing in disguise
pala. Humanda itong si Aulric sa akin kapag nagkaroon ako ng oras.
“Okay. Isang laro pa. Ikaw Derek, sali ka?” yaya ni Aulric.
“Sige ba. Sali ako,” pagpayag niya.
“Okay. Alam mo, counted na huhubarin ang mga punda sa unan
ni Zafe kung susuutin mo iyan sa kung saang parte ng katawan mo. Halimbawa na
lang ay sa mga paa mo?”
“Salamat na lang. Pero hindi ko pinangarap na maging isang
sirena.”
Humugot ako ng malalim na hininga at umupo sa sahig. Kinuha
ko ang mga baraha at binalasa ito. Hindi ko na rin pala inayos ang aming kama.
Parang dinaanan tuloy ito ng bagyo. Bagyo na kami ni Aulric ang gumawa.
“Teka, bakit nga pala kayo naglalaro ng Monopoly Stripping
Game?” tanong ni Derek. “Ang lamig-lamig dito sa kwarto mo Zafe.”
“Para malaman kung sino sa amin ang matibay. Sino sa amin
kaya ang hindi mamamatay sa lamig,” sagot ni Aulric. “Hindi ba Zafe? Ganoon ang
rules ng laro natin? Hanggang kamatayan?”
“Boredom,” tanging sinabi ko. Hindi ko pinansin ang mga
sinasabi ni Aulric.
“Ay! Oo nga pala. Bago ko makalimutan, may bagay akong
gustong sabihin sa iyo Aulric. Kaya siguro, sa susunod na lang na araw tayo
maglaro nitong Monopoly Stripping Game,” pag-aaburido ni Derek.
“Ano ba iyan? Gusto ko pa naman sana na matalo ka para may
maiasar naman ako sa iyo. Gaya ng kung gaano kaliit iyang sa iyo kapag tulog.”
Nginuso-nguso pa ni Aulric ang ibaba ni Derek.
Tumigil ako sa pagbalasa. “Kung importante iyan, sabihin mo
na agad. Mukhang madali ka pa namang ma-distract.”
Humugot muna ng malalim na hininga si Derek. “Sa tingin ko,
makakatulong ako sa kaso mo Aulric. Namumukhaan ko na kasi kung sino iyung
taong posibleng nag-frame up sa iyo para malaglag ang batang dinadala ni
Isabela.”
Napatingin kami ni Aulric sa isa’t isa. Napakaganda namang
balita ito para sa, aming dalawa.
“So, sino iyun?” excited na tanong ko pagkabaling kay
Derek.
Napangiwi si Derek. “Iyun ang problema. Hindi ko kilala
kung sino ang taong iyun.” Ngumiti naman siya ulit. “Pero namukhaan ko naman
siya. Kaya kung siguro titingnan ko ang lahat ng mga litrato ng lahat ng mga
mag-aaral sa unibersidad, baka sakaling makilala ko siya.”
“Good news iyan. At least, namumukhaan mo. Malaking tulong
pa rin iyan. Hindi ba Aulric?” baling ko sa kaniya.
“Yeah. Malaking tulong,” walang amor na saad ni Aulric.
Hindi ba siya excited sa kanyang nalalaman ngayon.
Walang babala na niyakap ko si Aulric. Niyakap ko siya ng
mahigpit ng mahigpit. Hindi ko naman inaasahan na sumali si Derek na niyakap na
din siya. Excited na excited ako sa mga nalaman ko dahil makakatulong ang
nalalaman ni Derek sa pagpapalaya sa kaniya. Hay! Sana naman ay tuloy-tuloy na
ito. Sana mapatunayan talaga ni Aulric na inosente siya sa isang kasalanan na
hindi niya ginawa.
“Preo paano mo ba siya namukhaan? Kasabwat ka ba niya?”
tanong ni Aulric kay Derek.
“Hindi niya ako kasabwat,” sagot ni Derek sabay kalas sa
pagkakayakap kay Aulric. “Natatandaan mo ba noong nagkasalubong tayo sa CR sa
may likod ng cafeteria? Nang pabalik ako sa mga kaibigan ko, nakita ko ang
isang kahina-hinalang taong ito. Para kasi siyang may nilalagay sa isang bote na
naging dahilan kaya iyung dinadala ni Isabela. At ang bilis niya ngang ginawa
iyun. Nang tinawag ako ng kaibigan ko, na-distract ako sa kaibigan kong ito. At
nang binalikan ko siya ng tingin, nawala na siya. Kahit ganoon, tandang-tanda
ko ang mukha niya. Naisip ko nga na baka guni-guni ko lang ang taong iyun kaya
isinawalang-bahala ko iyun. Pero nitong isang araw, nakasalubong ko na naman
ang taong ito. Nakabangga ko siya at, nang magkrus ang mga tingin namin, agad
siyang tumakbo papalayo sa akin. Nang mga sandaling iyun, naalala ko ulit ang
nangyari noon sa cafeteria. Kaya ngayon, siguradong-sigurado ako na totoo iyung
nakita ko. Hindi talaga ikaw Aulric ang gumawa ng bagay na iyun. Kasi paano mo
naman mailalaglag ang dinadala ni Isabela kung nasa CR ka pa. Hindi ba?”
“Magandang paliwanag,” puri ko. Kumalas ako sa pagyakap kay
Aulric. “Alam mo Derek, bukas, pumunta ka sa Journalism Clubroom. Papakiusapan
ko ang President nila na bigyan nila tayo ng kompletong litrato ng mga
estudyante sa unibersidad. I’m sure na makikita mo ang taong iyun doon dahil sa
unibersidad siya nag-aaral”
“Okay. Pupunta ako.”
Tiningnan ko si Aulric at inantay siya kung may mga bagay
siya na gustong sabihin. Nanatili pa rin ang kanyang katahimikan pero nakikita
ko sa mukha niya na ngumiti na siya ng konti. Nang magpang-abot ang aming mga
tingin, mas lalong lumawak ito. Kitang-kita ko sa mga mata niya na
masayang-masaya siya sa kanyang naririnig. Alam ko iyan.
“So, maglalaro pa rin ba tayo ng Monopoly Stripping Game?”
yaya ni Aulric.
Aulric’s POV
Pagkatapos akong ihatid ni Zafe, naglakad ako mag-isa sa
kalsada papunta sa bahay namin. Unang araw pa lang sa paglabas ko sa kulungan,
may maganda na agad na nangyari sa akin. Ang mga tao kaya sa paligid ko, may
nagbago kaya? Bakit nandito pa rin ang mga bahay na ito? Bakit buhay pa rin
sila? At iyung aleng iyun, may dalawa na siyang anak? At sino ba iyung matabang
tao na iyun na ngayon ko lang nakita?
Humugot na lang ako ng isang malalim na hininga. Marahil ay
huminto ang mundo ko sa likod ng mga rehas na iyun. Pero hindi ito huminto para
sa mga taong ito. Hay! Ang sarap huminga dito sa labas ng mga rehas. Kahit na
medyo madumi ito, mas masarap hingahan dito. Ramdam na ramdam ko na malaya ako.
Ramdam ko na karamihan sa aking karapatang pantao kesa sa loob ng kulungan.
Hindi pa nga napatunayan na guilty ako, pero ramdam na ramdam ko talaga na isa
akong bilanggo. Ayokong bumalik sa likod ng mga rehas na iyun. Kaya kung sino
man ang taong nag-frame up sa akin, humanda siya sa akin. Ngayong nakita na
siya ni Derek, ang kailangan na lang naming gawin ay hanapin siya.
Pagkabukas ng pintuan, nadatnan ko si nanay na mag-isang
nakaupo sa upuang kawayan sa bukana pa lang ng bahay. Napatigil ako at
pinagmasdan siya saglit. Hindi niya ako napansin? Malamang ay malalim ang
kanyang iniisip. Ako kaya ang iniisip niya? Sana naman, hindi. Mas gusto kong
isipin ni nanay ngayon ang personal niyang kaligayahan kay Tito Henry.
“Nay, andito na po ako,” saad ko nang isinara ko na ang
pintuan ng bahay.
Bahagyang nagulat si nanay. “Ahh! Anak, buti naman at
nandito ka na.” Tumayo siya at lumapit sa akin sabay yumakap. Ilang segundo ang
nakalipas ay kumalas na siya. “Tamang-tama lang ang pagdating mo. Handa na ang
kanin, ulam na lang ang natitira. Antayin natin si Randolf anak ha? Malapit na
ring dumating iyun.”
“Alam mo nay, may magandang nangyari po ngayon,” nakangiti
kong sabi.
“May maganda? Ano iyun anak?” excited na tanong ni nanay.
“Kanina po, nakita ko si Derek. At may dala siyang
magandang balita sa akin. Namukhaan niya ang taong posibleng nag-frame up sa
akin.”
Gaya ng inaasahan, kung kanina ay malungkot na malungkot si
nanay habang nag-iisip, ngayon ay kabaliktaran. Napakaliwanag ng mukha ni
nanay. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking mga kamay. Para kaming bata
na nagtatatalon sa saya.
“Sa wakas anak. May ebidensya ka na para mapatunayan na
hindi talaga ikaw ang gumawa ng bagay na iyun. Makakalaya ka na! Alam ko talaga
na hindi mo magagawa iyun. Kaya anak, mag-celebrate tayo. Kumain ka ng marami
ha! Alam kong hindi masasarap ang mga pagkain sa kulungan at medyo pumayat ka.”
Kinurot-kurot pa ni nanay ang aking bisig.
“Opo nanay. Kakain po ako ng marami.”
Kinurot-kurot pa ni nanay ang aking pisngi. Maya-maya ay
niyakap niya ako. Nag-shift na naman ang mood ni nanay at ngayon’y umiiyak.
Niyakap ko din si nanay pabalik.
“Ang saya-saya ko ngayon anak. Sana magtuloy-tuloy na ang
mga magagandang nangyayari sa atin,” garalgal na salaysay niya. “Alam ko na mga
pagsubok lang ito sa buhay natin. Kaya huwag kang bibitiw anak. At lagi mong
tatandaan, mahal na mahal kita anak. Mahal na mahal kita.”
“Alam ko po iyun nay. Mahal na mahal din ko po kayo.”
Kumalas ako sa pagyakap. “Huwag na po kayong umiyak nay. Baka habang naghahain
kayo ng kanin, magiging lasang luha ninyo ang pagkain. Napakalaki pa naman ng
kaldero nung pinagsaingan ninyo. Kaya tumahan na po kayo. At promise po.
Gagawin ko po ang lahat para mapatunayan ko na hindi po ako ang gumawa na iyun
kay Isabela. Okay?”
“Okay anak.” Pinunasan ni nanay ang sarili niyang mga luha.
“Tara, anak. Maghain na tayo at baka maya-maya, dumating na si Randolf.”
“Opo nay.”
Lumapit si nanay sa pinakamalaking kaldero na nakalagay sa
aming stove. Binuksan niya ito at nagsimula ng maghain. Lumapit naman ako sa
kaniya at tinulungan din siyang maghain. Maya-maya ay sakto naman na dumating
si Randolf kasama ang mga kaibigan niya. Bumili pala sila ng letson at ilang
panulak. At nang mga oras na iyun, nagsimula na ang aming pagsasaya.
Matapos maramdaman ko na karamihan sa mga kinain ko ay
natunaw na, sinenyasan ko si Randolf na umakyat sa kwarto ko. Nandito pa rin
kasi ang mga kaibigan niya at ngayon naman ay nagkakantahan.
Nauna na akong umakyat sa kwarto ko at naghintay sa kaniya.
Pumunta ako sa bintana ng aking kwarto at binuksan ito para pumasok ang hangin.
Ang ingay ng gabing ito. Hindi lang kasi ingay sa bahay namin ang naririnig ko.
Pati din ang ingay ng mga batang naglalaro na pinabayaan ng mga magulang, anong
oras na ba at nandito pa rin sa labas ang mga batang ito? Dapat kasi, maririnig
ko na ang sawayan ng mga magulang sa kani-kanilang mga anak kapag ganitong
oras. Napakarami namang bagay ang nagbago nang makulong ako.
Maya-maya ay bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Si Randolf
ito na may dalang dalawang baso ng mountain dew.
“Congratulations sa paglabas mo,” bati niya. Lumapit siya
sa akin at ibinigay ang isang hawak na bote sa akin.
“Salamat.” Tinanggap ko ang binigay niya at uminom ng
konti. “Kumusta ka na nga pala?”
“Heto, buhay pa rin at kumakayod. At kailangan na talagang
kumayod.” Humugot muna siya ng malalim na hininga at dumungaw din sa bintana.
“Nagbabalak na kasi ang magulang ko na pag-aralin ako kaya kailangan makaipon
ako.”
Pinandilatan ko si Randolf ng mata. “Baka maulit na naman
iyung nangyari noon? Patapos ka na nga ng high school, hindi ka pumapasok.
Kasi, pumunta ka kay nanay para tulungan siya sa kaniyang mga paninda.”
“Ano ka ba? Hindi na mauulit iyun,” nguso niya. “Tsaka,
pag-iigihan ko na talaga.”
“Ano nga pala ang kursong kukunin mo?”
“HRM. Sa URS ako mag-aaral.”
“Wow, maganda iyan. Good luck.” Humugot ako ng malalim na
hininga habang nakatingin sa labas. “Kumusta nga pala si nanay noong mga
panahong wala ako dito?” tanong ko.
Umiling si Randolf. “Medyo hindi okay. Makulong ka ba naman
sa kasalanang hindi mo naman ginawa. Minsan, nahuhuli ko si nanay mo na umiiyak
dahil nga sa nakakulong ka. Tapos, dumarating naman iyung eks ng nanay mo at,
aaluin siguro. Tapos…” Gumawa ng mga kakaibang hand gestures si Randolf. Tapos
uminom siya sa hawak niyang baso.
“Tapos?” kunot-noong tanong ko. “Hindi ko maintindihan
Randolf.”
“Nahuli nila ako. Kaya pinapatrabaho ako, at iyun lang.”
“Randolf, hindi iyan ang pinag-usapan natin.”
“Ano ka ba? Ayokong gawin iyun sa nanay mo. Ayoko ngang
makinig sa pinag-uusapan nila nung eks niya. Masama iyun. Boy ang trabaho ko
Aulric. Hindi ako si Boy Abunda. Tsaka ang lago-lago ng buhok ko. Ayoko ngang
ipagpalit ang buhok ko para lang maging katulad si Boy Abunda. Mahal na mahal
ko ang buhok ko.”
“Pero Randolf, mahalaga ito para sa akin. Baka naman isang
araw, malaman ko na nagkakalabuan na talaga si nanay at si Tito Henry.”
“Pwede bang pagtuunan ka na lang ng pansin ng nanay mo kesa
mag-asawa siya? Hindi ba mas maganda iyun?”
“Okay iyun Randolf. Pero, hindi naman siya magiging masaya.
Naniniwala ako na kapag nakasal sila ni Tito Henry, siguradong magiging mas
masaya si nanay. Mas masaya pa kesa ngayon. Alam mo iyun. At iyun ang gusto ko
para sa kaniya. Sobra-sobra na iyung mga ginagawa ni nanay sa akin. Tapos ako,
hindi ko man lang masuklian ang pagmamahal niya. Kaya Randolf, iyang loyalty mo
sa nanay ko, pwede bang bawasan mo? Sabihin mo na sa akin ang mga nalalaman mo.
At hindi iyun malalaman ni nanay.”
“Buti sana kung may bayad,” rinig kong bulong ni Randolf sa
sarili niya sabay tunga sa basong iniinom niya.
“Mukha ka talagang perang uling ka,” matalim na sabi ko.
Napatingin si Randolf sa salamin sa kwarto ko. “Uling?
Ganoon na ba talaga ako kaitim? Tsaka, nakikita ko pa rin naman na kulay brown
pa rin ang balat ko.”
“May problema ka na sa mata kaya may nakikita ka pang kulay
brown sa balat mo. Dahil ang totoo, uling ka na.”
“Sakit naman nito magsalita.”
“Sige na kasi. Sabihin mo na iyung mga bagay na nalalaman
mo. At, hindi na kita ulit tatawaging uling.”
Bumalik si Randolf malapit sa akin. “Talaga? Ehh, anong
itatawag mo sa akin?”
Umakto akong nag-iisip. “Sandali, iyan ang bagay na
pinag-iisipan ko pa.”
“Ay! Ayoko ng ganyan. Gusto ko na tawagin mo na lang ako sa
pangalan ko. Tsaka bayaran mo na kasi ako.”
Napakamot ako sa ulo. “Pwedeng utang muna Randolf?
Kakalabas ok lang kasi sa kulungan. Kapag binigyan na ako ng baon ni nanay,
ibibigay ko sa iyo.”
“Sige, sige, sige. Okay na. Hindi naman kita masisisi kung
wala kang pambayad. Kinulong ka ba naman.” Humugot ng buntong-hininga si
Randolf. “Well, sa tingin ko, parang nahihiya pa rin ang nanay mo diyan sa eks
niya. Hindi ko alam pero hindi tumatagal ang nanay mo kapag kalapit niya iyang
Tito Henry mo. Siguro, may mga problema pa sila noon na problema pa rin
ngayon.” Ahh! Alam ko iyan. Nasabi ni Tito Henry na nasaktan niya si nanay.
“Okay. Meron pa ba?”
“Hmm, advice ko lang Aulric. Sa tingin ko, huwag ka ng
makialam sa problema ng nanay at Tito Henry mo. Hayana mo silang matatanda na
ayusin ang problema nila. Mas maganda kapag ganoon. At huwag na tayong
sumawsaw.”
Binigyan ko siya ng naghihinalang tingin. “Ano iyan? Excuse
para hindi ka na magsalita? May nalalaman ka pa siguro ano?”
“Hindi Aulric. Ano ka ba? Nagsasabi ako ng totoo base sa
mga nakikita at nararanasan ko. Noong isang linggo kasi, nagkatampuhan si
Ermats at Erpats. Tumagal ng isang linggo ang tampuhan nila at bilang isang
mapagmahal din na anak nila, hindi ko iyun nagustuhan. Kaya isang araw,
pinakealaman ko silang dalawa. Pero iyung pangingialam ko sa mga magulang kong
iyun, mas lalo pang napasama. Nagkatampuhan ulit sila ng isa pang linggo. Pero
matapos noon, okay na sila. Nararamdaman ko ba naman na umaalog ang kwaro nila
sa taas.”
“Ano ba ang ginawa mo? At ano ba ang pinag-awayan nila?”
tanong ko.
“Iyan ang bagay na hindi mo na kailangan. Amin-amin na lang
iyun,” natatawang sagot niya. “Kaya ikaw Aulric, hayaan mo ang nanay mo sa
problema na iyan. Atupagin mo na lang iyung kaso mo at nang hindi ka makulong.
Tatanungin pa ba kita kung kumusta ang kulungan?” Sa bagay. May punto ang mga
sinasabi ni Randolf.
“Isang salita. Masama,” tipid na paliwanag ko. “Sige na.
Bumalik ka na sa baba. Pakisabi kay nanay na matutulog na ako at papasok pa ako
sa unibersidad bukas.”
“Papasok ka na agad?”
“Oo. Iyung isa kong kaibigan, may clue para mahuli iyung
taong nag-frame up sa akin. Ehh, kailangan ay pumunta ako sa eskwelahan para
daragin iyung tao.”
“Magandang balita. Sige. Bababa na ako.” Papalabas na si
Randolf sa kwarto ko.
“Mag-ingat ka sa pagbaba mo sa hagdan,” natatawang pahabol
ko. Naalala ko kasi na nahulog si Randolf sa hagdan dahil sa mahina na ang
bawat baitang ng hagdan.
“Ayos na ang hagdan niyo, gago. Ako kaya ang umayos nito,”
rinig kong itinugon ni Randolf.
Isinara ko na ang bintana ng kwarto ko at humiga sa kama
ko. Nakipagtitigan ako sa kisame at pinag-isipan ang mga bagay-bagay sa buhay
ko. Siguro, dapat mag-focus ako kung paano mapapatunayan ang sarili ko na
inosente ako kesa atupagin ang problema nila nanay. Kailangan ay mapatunayan ko
talaga na hindi ako ang gumawa ng bagay na iyun. Gagawin ko ito para kay nanay,
at para sa isang taong nagmamahal sa akin. Para kay Zafe.
Zafe’s POV
Kasalukuyang tinitingnan ni Derek ang litrato ng mga
estudyante sa unibersidad. Nandito kami
ngayon sa loob ng Journalism Clubroom kasama si Aulric, Kurt, Hela, Derek, pati
na rin si Jin. Bakit ba kailangan pa niyang sumama?
“Hoy, bakit ka ba nandito?” naiirita kong tanong kay Jin.
“Anak ako ng may-ari ng eskwelahan na ito kaya kung saan ko
gustong pumunta, pupuntahan ko,” walang angas na sagot ni Jin.
“Hoy, pwede huwag nga kayong mag-away dito,” agad na saway
ni Aulric. “At ikaw Zafe, tigilan mo na
iyan. Hayaan mo na kasama natin si Jin. Malay mo. Makatulong siya sa atin na
mahanap iyung nag-frame up sa akin.”
“Jin, pagpasensyahan mo na iyan talaga si Zafe,”
pagpaumanhin ni Kurt. “Kapas kasi naiirita siya sa isang tao, sinasabi niya
talaga ng harap-harapan. Pwede mo namang sapakin ang taong iyan kung gusto mo.”
Mas lalo akong nairita nang dumagdag pa si Kurt. Natigil
lang ako nang maramdaman ang paghawak ni Aulric sa pulso ko. Matalim ang tingin
sa akin ni Aulric at medyo masakit din ang pagkakahawak niya sa aking pulsohan.
Humugot na lang ako ng butong-hininga at pinahupa ang inis na aking
nararamdaman.
Ilang minuto ang nakalipas, tahimik pa rin ang kwarto.
Hindi pa rin nakikita ni Derek ang taong nag-frame up kay Aulric. Medyo
nababagot na ako dahil binibilang ko na ang mga bagay-bagay. Binibilang ko kung
ilang beses nagnankaaw ng halik si Hela kay Kurt, kung ilang beses ba
tinitingnan ni Jin ang kanyang phone, at kung ilang beses ng nililipat ni Derek
ang pahina ng malaking librong hawak niya. Ito kasi ang litrato ng lahat ng mga
estudyante sa unibersidad. Saang taon at saang kurso na kaya naghahanap si
Derek?
“Nakita ko na,” kalmadong sabi ni Derek matapos makita ang
kanyang hinahanap.
Nakahinga din ako ng maluwag matapos maring na nagsasalita
na si Derek. Akala ko kasi, baka napipi na siya sa kahahanap doon sa malaking
librong hawak niya.
Kinuha muna ni Kurt ang hawak ni Derek at tiningnan ang
litrato ng tinuturo niya. Pinasa naman niya ito kay Aulric at tiningnan din
niya ang tinuturo ni Kurt. Kita kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Aulric
matapos makita ang tinuturo ni Kurt. Inilagay ni Aulric ang kamay niya sa
bandang bibig ng taong ito.
“Siya nga ang taong ito,” pagkumpirma ni Aulric.
ITUTULOY…
Thanks so much sa update mr author.
ReplyDeleteKeepsafe lage.
Mwahhh
-jomz r-
thank you author...., masarap talaga may bathtub sa bahay...,
ReplyDelete