AUTHOR'S NOTE (IMPORTANT PLEASE READ!)
May part po dito na nakasulat sa Nihongo at sinadya kong hindi i-translate sa Tagalog o English. Sana maintindihan niyo, gusto sanang direct na hingin sa akin ng readers ko ang meaning nito (through FB Chat, or kung dito kayo sa wattpad ay pwede ring i-message niyo ako). Gusto kong makausap ang mga readers ko and I want to keep in touch with you guys. Yung iba kasi parang multo na hindi nagpaparamdam eh. Eh gusto ko rin naman kayong makilala. Sana maintindihan niyo. Wag na mahiya. Hehe. :-)
Sorry po sa delay. Marami lang inasikaso these past few days at nagkasakit din ako.
MARAMING SALAMAT PO!
MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
======================================================
CHAPTER LINKS:
"LOVE, STRANGER" (BOOK 1)
======================================================
DEAR STRANGER
(Book 2 of "Love, Stranger")
CHAPTER SIXTEEN
RAY:
"Kampai!" masiglang sabi ni Chichi sabay taas ng white wine. Tinaas ko rin ang akin at dinikit ito sa kanya, narinig ko ang malutong na tunog ng glass wine. Masaya akong makasama ang tatay ko, sinadya niyang ibakante ang schedule niya sa rest day ko para makasama niya ang kanyang only son. This is our Father and Son celebration dahil Japanese citizen na ako, at siya ang tatay ko sa documents ko sa Japan.
Sabay kaming uminom. Kakaiba ang lasa ng wine na ito, hindi ako expert at wala akong hilig sa wine; but I would say that it's interesting. Kakaiba yung after taste.
"Do you like it?" tanong ni Chichi sabay upo ng diretso sa puting sofa niya. Napansin niya siguro ang facial reaction ko.
"Yeah." Sabi ko sabay taas ng paa sa sofa at umupo in a lotus position.
"It's Domaine de la Romanée-Conti wine. The most expensive wine in the world, from France." Nakangiti niyang sabi.
"Akala ko po sa US kayo galing?" I gave him a quizzical look.
"I didn't bought it. This is a gift from one of my potential business partners, that young business tycoon from US." May kakaiba sa boses ni Chichi. Tiningnan ko siya, ngumiti siya. Parang kilala ko na ang tinutukoy niya which I think is a close friend of mine. "I admire that kid. He was able to expand his family business in Europe and US. He's a tough competitor to your student. Mukhang pahihirapan nila ako sa pagpili." Tukoy niya kay Rome na estudyante ko. Noong marinig ko ang description niya sa isa pang potential business partner niya ay nakumpirma ko kung sino ito.
"So you're saying that Rome already lost the partnership?" napakamot ako ng ulo. Kung sa wine pa lang ay malupit na ang taste nung lalaking iyon at afford ang ganito kamahal na wine, ano kaya ang ipanlalaban ni Rome dito?
"Ang sabi ko ka-kumpetensiya pa lang. Hindi ko pa tinatanggap ang offer ni Mr. Evans. His plans are good, but I must say na mas malaki ang gain ko if I take Rome's plan. Both have advantage and disadvantage, but Mr. Evans has the experience which is a big factor to consider."
Tahimik. Kahit hindi kami okay ni Rome ay medyo nalungkot ako para sa kanya, he's on the losing side. Lagi niyang sinasabi sa akin na para sa pamilya niya ang ginagawa niya, at nakikita ko sa mga mata niya ang katotohanan.
"Otousan."
"Hmmm?" sabay taas ng isang kilay. Uminom siya ng wine.
Para kong nalunok ang dila ko. Hindi ko alam kung paano ko bibigkasin ang bagay na gusto kong itanong sa kanya.
"Wala po." Sabi ko sabay iling. Uminom ako. Tinuon ko ang mata ko sa labas ng malaking bintana ng bahay niya. It's almost sunset. Nagbitiw ako ng malalim na hinga.
Tahimik. Umayos ako ng upo.
"Otousan." Tawag ko ulit sa kanya. Bakas sa boses kong may gusto akong sabihin.
"What is it?"
"Nothing." Sabi ko sabay bitiw ng malalim na hinga.
"Are you going to ask me something about Mr. Parrilla?"
"Ha?" bigla kong bulalas sa kanya.
"I know, you're worrying about Rome. Pero labas ka na sa kung anuman ang mangyari sa business namin. As a father, I would say – do what makes you happy."
Kinain kami ng katahimikan. Nakita ko ang pag-inom niya ng wine. Para akong hinampas ng malaking bagay sa huling salitang binitiwan niya. Tinitigan ko si Chichi. He's around late 40's, mukhang kuntento at masaya sa buhay. Ano kaya ang nagpapasaya sa kanya? Masyado kasing malihim ang tatay kong ito kaya hindi ko rin alam ang nangyayari sa personal niyang buhay.
"Paano po ba maging masaya ulit?" bigla kong tanong.
"Gusto mo na ba?" tanong niya sabay tingin sa akin. Nagbitiw ako ng malalim na hinga. Tumango ako. "To tell you frankly, you don't need someone to be happy. You will find it if you look within yourself. It's a decision. Being happy is a choice."
Hindi na ako nakapagsalita. Simple lang ang sagot niya, pero tumbok nito ang sagot na hinahanap ko. Chichi is a wealthy and successful man, pero lagi niyang sinasabi na wealth is just one thing, everything boils down to a choice or a decision to be happy. Sa galaw ng mata niya at sa nararamdaman ko, alam kong alam niya kung ano ang laman ng puso ko. If there's one person aside kay Bae na nandoon noong panahong sadsad ako sa putikan, si Chichi iyon, at kabisado niya ang galaw ng utak ko.
***
RAY:
"Yeeeeaaaaahhh!!!" birit ni Lyn sa isang rock music. "Yeaaaahhh!!!" headbang ni Lyn sabay birit na may pakulot-kulot na parang wala ng bukas. Si Jess naman ay nakatakip ang tenga gamit ang dalawang kamay habang hindi maipinta ang mukha.
"Ingay mo!" si Jess sabay kuha ng cellphone ni Lyn na nakapatong sa itim na lamesa at sinalaksak ito sa bibig niya. Nasamid ang bruha, naluwa niya ang cellphone. Tawa kami ng tawa ni Kim sa nangyari.
"Hayup ka Jess!" sigaw ni Lyn habang nakatutok pa rin ang microphone sa bibig niya. Hinampas niya si Jess at pagkatapos ay kinurot-kurot ito. Sumigaw si Jess gawa ng sakit.
"Hoy maawa ka naman dyan! Ngayon na nga lang nagkalaman iyan eh, binubugbog mo pa." Sita ni Kim. "Baka malamog at maging buto-buto na naman iyan."
Tawanan. Tinaas nilang tatlo ang beer, ako naman ay ice tea ang inumin ko. Nakainom na kami kaninang hapon ni Chichi kaya pass muna ako sa mga kaibigan ko.
"Para kay Rei Kyou!" sigaw ni Lyn.
"Kampai!" sigaw naming lahat. Sabay-sabay kaming uminom. Ang sarap ng ice tea dito sa karaoke house na pinuntahan namin. Treat ko ito sa kanila dahil sa change of citizenship ko from Filipino to Japanese citizen. Silang tatlo pa lang nakakaalam ng tungkol dito, kahit pamilya ko sa Pinas ay hindi ko pa nasasabi ang tungkol dito.
"Swerte mo Pareng Ray. Buti na lang may Mr. Kyou na tumulong sa iyo para makuha mo iyon in few years time. Eh ang alam ko ay 10 to 20 years inaabot iyan."
"I think destiny ko ito." Sabay upo ng lotus position, ewan ko ba trip na trip ko ang ganitong upo.
"Hindi ako naniniwala dyan." Sabat ni Lyn.
"Eh di wag. Di naman kita pinipilit." Sabi ko sabay ikot mata.
"Taray. Alam mo kahit ikaw na ngayon si Rei Kyou, namimiss pa rin namin ang original Ray na nakilala namin." Si Lyn.
"Ako pa rin naman ito. Spelling lang ng first name ko ang nabago ng kaunti, napalitan lang din ang surname ko."
"Nevermind." Si Lyn sabay ikot ng mata. Alam ko ang tinutumbok niya, hindi na lang niya ito diniretso. Ever since I met that stranger again, napansin ko rin ang unti-unting pagbabago ko. Mabilis uminit ang ulo ko and heck I get emotional in just a snap because of him.
"Erase! Wag mo muna siya isipin Ray, kahit ngayon lang." Sigaw ko sa isip ko.
"Hoy Lyn wag ka na kumanta masakit na tenga ko." Biro ni Jess nang makita niyang babanat na naman ng kanta si Lyn. "Si Pareng Ray na lang, mas bagay sa kanya yan." Sabay kuha nung isang mic at inabot sa akin. Umikot ang mata ni Lyn. Tumawa si Jess. "Parinig naman ng boses champion dyan." Nakangiting sabi ni Jess sabay palakpak. Umiling ako sabay ngiti. Nanalo kasi ako noon sa singing contest sa Nihongo school namin. First time kong sumali noon at naka-tsamba pa akong manalo.
Isang masayang Japanese song ang kinanta ko, narinig ko ang masiglang sumabay ang mga kaibigan ko sa akin. It's a night with my friends, no need to think about Mr. Stranger.
***
RAY:
"I hope you had a good time with your friends." chat ni Bae sa messenger. Ngumiti ako.
"Uuuy! Nagchat si Hollywood actor." sabi ng malisyosang boses sa likod ko. Lumingon ako, sabi na nga ba si Lyn ang nagsabi nun, chismosa eh tumitingin sa cellphone ng may cellphone.
"Baliw." Sabi ko habang naglalakad palabas ng Karaoke house. Nasa harap ko si Jess at Kim na parang may seryosong pinag-uusapan. Hindi ko na lang ito pinansin, tinuon ko ang mga mata ko sa screen ng cellphone ko at nagreply kay Bae.
"Umamin ka nga Mr. Rei Kyou, do you like him?" tanong ni Lyn. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Para kong nalunok ang dila ko at di makapagsalita.
"No!" Pilit kong sigaw ko sabay iling. "I mean, yes as a friend."
"More than that?"
Hindi ako makakibo. Nagbitiw ako ng malalim na hinga. Okay naman talaga si Bae, bukod sa type ko ang mga kagaya niya ar gwapo siya sa paningin ko ay napakabait niyang tao. Siya yung taong kahit sadsad ako sa putik ay hindi ako iniwan o hinusgahan.
"Nasa kanya ang lahat ng gusto ko sa isang partner. Makulit nga lang at workaholic to the point na pwede siyang mawalan ng oras sa iyo, but for me it's fine. He is perfect." sabi ko sabay bitiw ng malalim na hinga.
"Hindi mo pa pala nakukwento sa akin, paano pala kayo nagkakilala ni Bae?" bakas sa boses niyang naiintriga ang bruha.
"Mahabang kwento." sabi ko sabay cross-arm at tingin sa kanya.
"Dali na!" pangungulit niya.
Mula sa kanya ay tinuon ko ang mga mata ko sa malayo, nakita ko ang marahang pagsayaw ng mga puno gawa ng hagupit ng malakas at malamig na hangin.
Pumikit ako at ngumiti. Binalik ako ng utak ko sa nakaraan. That one night under a Blue Moon, when I needed someone to be there for me dahil sa pag-iwas sa akin ni Jerome. Binuka ko ang bibig ko at nag-umpisang magkwento.
Lumabas ako noon sa isang resort na tinutuluyan namin ng pamilya ko. Sumama ako sa outing para mag-unwind, napaka-toxic na kasi sa school dagdag pa ang pag-iwas sa akin ng taong mahal ko na di ko alam ang dahilan. Gusto ko kalimutan ang sakit na nararamdaman ko noon.
As I walked passed the garden in a set of palm trees, nakita ko sa di kalayuan ang isang lalaking nakatalikod kaharap ang swimming pool. Isang sigaw ang pinakawalan niya. Na-alarma ako, hindi ko alam ang gagawin ko pero may nag-udyok sa aking lapitang siya.
Unti-unti kong nakita ang napakagwapo ngunit umiiyak niyang mukha. Kitang-kita ko ang kulay blue na reflection ng tubig sa kanyang mukha at ang dahan-dahang pagsayaw nito. Rinig ko ang mahinahong daloy ng tubig sa swimming pool, parang nakikiisa ito sa kanyang pagtangis.
"I want to end this... I can't take it anymore." mahina niyang hagulgol. Ilang segundo ang lumipas at napansin kong nahulog siya sa swimming pool.
Nataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"Tulong!" sigaw kong parang wala ng bukas. "Tulungan niyo kami!" sigaw kong masmalakas, ngunit walang nakakarinig sa amin. Tiningnan ko ang lalaki sa pool, nakita kong nasa ilalim siya ng tubig.
Hindi pwedeng wala akong gawin, buhay ang pinag-uusapan dito at kitang-kita ko ang nangyari kaya kunsensya ko kung may mangyaring masama sa kanya. Kahit hindi ako marunong lumangoy ay lumusong ako para sagipin siya.
Nakakapit ako sa gilid ng pool habang papalapit sa kanya, nang kaunti na lang layo ko sa kanya ay huminga ako ng malalim at lumubog sa ilalim ng tubig , pilit ko siyang inabot habang ang isang kamay ko'y nakahawak sa bato sa gilid ng swimming pool.
"Tangina naman hindi ko siya maabot! Ang lalim!" sigaw ko sa utak ko.
Nang i-strech ko ang kamay ko upang muli siyang abutin ay nabitiwan ng isa kong kamay ang pagkakahawak sa bato. Nataranta ako, kinampay ko ang mga kamay ko. Unti-unting nawalan ng hangin ang baga ko.
Ilang saglit pa, napansin kong nasa ibabaw na ako ng tubig at bibit ako ng isang lalaki. Nang lingunin ko siya ay nakita ko ang lalaking nahulog sa pool na sinusubukan kong sagipin. Mabilis naming narating ang gilid ng pool, linapit niya ang napakagwapo niyang mukha sa akin.
"Are you okay?" sabay haplos niya sa kanang pisngi ko. Tumango ako. "What was that for?" bakas sa mukha niya ang pagtataka.
"Eh kasi magpapakamatay ka! Alangan namang wala akong gawin!" sigaw ko sa kanya.
"What? Sorry I don't understand Filipino." Sabi niya. Sa itsura niya, I think he's a british and american decent.
"I said, I thought you're going to kill yourself. So I tried to save you."
Isang malakas na halakhak ang binitiwan niya.
"I just fell because of my stupidity. Besides even if I'm about to commit a suicide, how are you going to save me if you don't know how to swim?"
"I'm not sure... I think I'll pull you up?" sabi ko sabay kamot ng ulo.
Muli siyang tumawa. Inirapan ko siya.
"You're funny."
"Yeah right." Sabi ko sabay ahon sa pool.
"Hey, don't go. I need someone to talk to. I saved your life bro." Pagyayabang niya.
Inirapan ko siya. Dapat kasi ako magsasabi noon, yun ang intensyon ko pero baliktad ang nangyari dahil siya ang sumagip sa akin. Tumingala ako, nakita ko ang napakagandang blue moon. Naisip bigla ng malikot kong utak na ang romantic ng atmosphere.
"I'm Baelfire." Nakangiti niyang sabi sabay abot ng kamay niya sa akin nang maka-upo ako sa gilid ng pool. Tumingin ako sa kanya, nakita ko ang napakagandang kulay blue niyang mga mata.
"I'm Ray." Pagtanggap ko sa malaki niyang kamay. Bigla kong naramdaman ang kilig, ewan ko ba, he's so handsome.
"Infairness. So romantic." Si Lyn sabay ikot ng mga mata pagkatapos niyang marinig ang kwento. "Anyway teh, nagmumukha ng flower shop ang apartment ko!" sabay hampas sa braso ko. Sa kanya ko binibigay ang mga bulaklak na pinapadala sa Hotel Room ko araw-araw, nanghihinayang kasi ang bruha dahil ang gaganda raw at fresh na fresh. Ang akin naman, bakit ko tatanggapin iyon eh hindi ko naman alam kung kanino galing. Muli ko na namang naalala si Stranger, siya kasi ang primary suspect ko sa pagpapadala ng bulaklak since siya lang naman ang makulit at maraming pakulo.
"Ibenta mo!" sigaw ko sa kanya sabay irap.
"Lyn, sasabay ka ba sa amin?" biglang tanong ni Kim.
"Pwede ring hindi para mag-date kayo ni Jess. Uuuy!" kilig na kilig na sabi ni Lyn.
"Sira ulo! Halika na sumabay ka na at may date pa yang si Ray." Ewan ko ba pero lagi akong tinutukso ni Kim kay Bae, hindi kasi siya fan ng second chances kaya ayaw niya kay Rome or sa kung sinuman ang taong galing sa nakaraan ko.
Nag-make face ako sa sinabi niya. Ilang segundo pa ay dumating ang isang taxi, bumukas ang pinto at linuwa nito ang hinihintay ko. Ang tamis ng ngiti niya sa akin, gumanti ako ng ngiti.
"Bye! Enjoy!" sigaw ni Kim sabay hatak kay Lyn at Jess palayo. Napailing ako.
Naglakad siya palapit sa akin. Inabot niya ang kamay niya.
"Pwede ko bang makasama ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko?" may pagka-slang niyang sabi. 'Di ko napigilang ngumti, ang cute ng pagkakasabi niya.
"Laki na talaga ng inimprove ng tagalog mo." Sabay tanggap ng kamay niya at pumasok sa loob ng taxi, sumunod siya.
"Magaling kasi ang teacher ko."
"Bolero!" sabi ko sabay batok sa kanya. Ngumiti siya. I admire his effort na matutong magtagalog. Half American, one fourth British, and one fourth pinoy kasi si Bae. Bukod sa gusto niyang matuto ng ibang lenggwahe ay gusto niyang mas maexpress ang sarili niya pag nag-uusap kami. Ewan ko ba dito, para namang hindi ako nakakaintindi ng english.
"Masaya akong masaya ka ngayon." Cute na pagkakasabi niya, todo effort si loko sa pagtatagalog.
"Salamat." Mahina kong sabi.
Nag-umpisang umandar ang taxi. Tinuon ko ang mga mata ko sa malayo, medyo pagod na ako pero masaya. Muli kong naalala si Rome dahil sa sinabi ni Bae, siya kasi ang dahilan ng stress ko sa buhay. Nagbitiw ako ng malalim na hinga.
"Why?" tanong niya. Napansin niya sigurong nagbago ang mood ko.
"Nothing."
Kinain kami ng katahimikan. Something is wrong, hindi kami ganito ni Bae. Parang may tinatago siya sa akin o parang may gusto siyang sabihin sa akin.
After fifteen minutes ay narating namin ang bahay ko. Inalalayan niya akong bumaba, ayaw kong gawin niya ito pero nagpupumilit siya kaya hinahayaan ko na lang.
Nang makaalis ang taxi ay binasag niya ang katahimikan. Tumingala ako, nakita ko ang maliwanag na buwan kasama ang maulap at madilim na langit.
"Ray, there is something I want to tell you... Naalala mo yung kinukwento ko sa iyong tao na mahal ko?" seryoso niyang sabi. Lumingon ako sa kanya.
"Yeah. What about her?"
"I love that person since that day I saw him in Manila Bay; vulerable, broken, and lost."
"Him!? Manila Bay!? Anong sinasabi niya!? Sino ang tinutukoy niya!?" sigaw ko sa utak ko. Nanlaki mga mata ko sa narinig. Muling kong naalala ang nangyari seven years ago few days after namin magkakilala, that night sa Manila Bay pagkatapos akong ipahiya ni Gel sa harap ng maraming tao at i-deny ako ni Jerome.
Naglalakad ako sa kawalan. Simula kaninang hapon ay walang tigil akong naglalakad, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Naramdaman ko ang ihip ng malamig na hangin, napansin ko na lang na nasa tapat ako ng Diamond Hotel sa may Roxas Boulevard. Tumawid ako sa patay na lugar, walang dumadaang tao o sasakyan, napakatahimik. Nang makarating ako sa seaside ay napansin ko ang marumi kong damit, kasama ang mga sugat na natamo ko sa mukha, leeg, at braso gawa ng pambubugbog sa akin ni Gel at ng mga kaibigan niya. Masakit ang buong katawan ko pero wala ito kumpara sa sakit na nararamdaman ng puso ko.
Tumayo ako sa gilid ng dagat. Mahina akong humagulgol.
"Ray! Please come down!" sigaw ng isang lalaki mula sa likuran ko. Lumingon ako, nakita ko si Bae.
"I said leave me alone!" sinusundan pala niya ako since kaninang hapon pa pagkalabas ko sa school.
"No I won't! You didn't left me when I needed someone, now I will do the same, let me return you the favor. Let me be that someone who is always there for you." Bakas sa mata niya ang pag-aalala. Napayuko ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang bigat ng dibdib ko, ang sakit-sakit. Bakit ba nagawa sa akin ni Jerome ito? Naging mabuting kaibigan ako sa kanya, pero bakit niya ako pinagkanulo? "Ray... I'm here... Please don't try to do something stupid." Sabi niya habang dahan-dahang lumalapit sa akin.
"Stupid?" bakas sa boses ko ang pagtataka. Tahimik. Humalik sa akin ang malamig na hangin. Ilang saglit pa'y naintindihan ko ang sinasabi niya. "Tanga! Hindi ako magpapakamatay nuh. At kung dito ako mamamatay baka maging pataba pa ako sa mga isda dyan, bukod pa dun ay hindi ko gustuhing mamatay ako na puro dumi at baho ang sasalubong sa akin." biro ko sa kanya sabay irap.
Ngumiti siya. Tumayo siya sa gilid ng seaside sa harap ko. Pinunasan niya ang luha ko. Isang mahigpit na yakap ang binigay niya sa akin. Hindi ako nakakibo.
"Let it go Ray." Bulong niya sa akin. Yinakap ko siya. Bumigat ang dibdib ko. Hindi ko napigilang umiyak. Unti-unting umikot ang paningin ako hanggang sa dumilim ito.
"Ray..." Tawag sa akin ni Bae na nagbalik sa akin sa kasalukuyan. Tumingin ako sa kanya. Nakita kong hawak-hawak niya ang isang pulang Rose. "It's me Ray, ako nagbibigay sa iyo ng bulaklak araw-araw."
Parang akong nabagsakan ng malaking bagay. Hindi ako makakilos. Hindi ko alam ang gagawin o magiging reaksyon ko. Kinilabutan ako. Hindi ko alam, hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Tumingin ako sa mga mata niya, punung-puno ng sincerity at pagmamahal. Everything is real.
"I saved him when he needed someone, and he saved me when no one is there for me." Sabi ng utak ko. Mahal ko si Bae, he's my closest friend and I want to give him a chance. Pero paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang sinisigaw ng pesteng puso ko, si Rome.
(End of Chapter 16)
o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o
CHAPTER SEVENTEEN
RAY:
"Give me time Bae... Pwede ba yun?" bulalas ko sa kanya. Tumango siya, nagbitiw ng isang ngiti.
"I understand. No pressure. I just want you to know that I love you."
Tumango ako at ngumiti. "Good night." Sabi ko sabay talikod.
"Ray." Tawag niya sa akin. Lumingon ako. "Now you know it's me, can I still send you flowers every morning? Will you accept it this time?"
"You don't have to... But if you insist, then yes I will accept it." Sabi ko sabay tango at ngiti.
"Good night." Ngumiti rin siya at kumaway.
"Good night." Tumalikod ako at pumasok sa bahay ko. Sinarado ko ang pinto. Nagbitiw ako ng malalim na hinga. Lutang pa rin ako, hindi ko akalaing ako yung taong laging kinukwento ni Bae na mahal niya at gusto niyang ligawan. Heck! I thought it's a girl.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Chichi. Sinagot ko ito.
"How's the party?" bungad ni Chichi.
"Okay naman po."
"I see. I think you're tired so I'm going to make it quick. Since it's peak season and my Hotel is fully booked starting tomorrow, can I ask you a favor son?"
Ano kayang favor ito? Naisip ko na tungkol ito sa dating Hotel Room na tinutuluyan ko, I already checked out since umuwi kami ni Rome galing Kyoto to give way para sa mga guest dahil peak season nga. Dagdag sales din iyon ng Hotel. Aside from that, wala akong maisip na ibang pabor na hihingin niya.
"Ano po yun?" bakas sa boses ko ang pagtatanong.
"Starting tomorrow, pwede bang tumira sa bahay mo ang isa sa mga VIP Guest ko? Kilala mo naman siya at studyante mo pa so I think wala namang magiging problema?"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Kilala ko na ang tinutukoy niya. Tsk!
"You mean si Rome po?"
"Yes." Sabi niya. Binura ko ang mukha ko gamit ang kamay ko. Bwisit. Putangina.
"Otousan, hindi po ba pwedeng umupa na lang siya?" sabi ko sabay ikot ng mata.
"Bukod sa VIP Guest ko siya, gusto kong manmanan at kilalanin mo siya anak. I already told you that his business proposal is really good, but I want to know him as a person."
Napangiwi ako sa narinig. Kung alam lang ni Chichi ang atraso sa akin ng taong iyon, malamang ay hindi niya gugustuhing maging Business partner ito.
"Otousan..." bakas sa boses kong may gusto akong sabihin.
"What is it? Is there something wrong?"
Bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto ko nang sabihin sa kanya ang lahat ng kasalanan sa akin ni Rome, that way tapos ang problema ko. I don't have to deal with that stranger anymore. Pero bigla kong naalala ang laging sinasabi ni Rome sa akin.
"Para ito sa pamilya ko." Paulit-ulit na umeecho sa utak ko ang boses niya. Bigla kong naramdaman ang kirot sa puso ko. Kung sisirain ko ang diskarte ni Rome ay para namang napakasama kong tao. Maaaring galit pa rin ako sa kanya, pero hindi ko maiwasang hindi isipin ang pamilya niyang walang kasalanan sa akin, lalo na ang Kuya niya na tumulong sa akin para makapasok sa Japan noon.
"Payag na po ako sa hinihingi niyo." Pikit mata kong sabi. Leche!
***
RAY:
Sumakay ako sa puting kotse ko. Sinara ko ang pinto. Narinig ko ang pagsara ng kabilang side. Agad kong binuksan ang makina, napansin kong umayos naman siya ng upo. Tahimik. Nagbitiw ako ng malalim na hinga.
"Alam mo naman sigurong ayaw kitang makasama sa bahay. Ginagawa ko ito para kay Chichi." Inis kong sabi.
"Tinatanong ko ba? Basta ako, gagawin ko ito para makuha ko ang partnership ni Mr. Kyou. Alam mo naman kung para kanino ko ito ginagawa." Plain niyang sabi. Tumingin ako sa nakabusangot na si Rome, diretso siyang nakatingin sa harap. Binigyan ko siya ng matulis na irap.
"Ikaw pa ang galit." Bulong ko sa isip ko. Pinaandar ko ang sasakyan. Kung pwede ko lang paharurutin ito ay ginawa ko na para malula si gago at hindi na muling sumakay pa sa kotse ko. Kaso ay bawal sa Japan ang magpaharurot ng sasakyan.
Hindi ko maiwasang hindi isipin na this is not purely business related. Hindi kaya ginagawa ito ni Chichi para magkalapit kami ni Rome? Ewan ko ba, baka assuming na naman ako kagaya sa mga bulaklak na pinapadala ni Bae na akala ko ay galing kay Rome.
ROME:
"Totoo lang ay nahihiya ako sa sinabi ko sa iyo noong isang araw. Hindi mo ako kailangan bigyan ng anak kasi ikaw lang sapat na. I really don't mean it. I'm sorry." Bulong ko sa isip ko. Ang dami-dami kong gustong sabihin sa iyo pero hindi ko magawa. You never gave me a chance lalo na pag seryoso na ang usapan natin; lagi kang tumatakbo at umiiwas.
"Damn! Why do I even think about it? Eh tinakbuhan mo na nga yung kasal-kasalan natin sa Shoren-in Shrine sa Kyoto. Pinagtabuyan mo pa ako. Tsss." Sabi ko sa utak ko sabay tukod ng kamay sa pinto ng sasakyan at pinatong ang kamay ko sa baba ko.
Patuloy kang nagmaneho. Ang tahimik, nakakabingi. Sobrang awkward.
RAY:
"Pucha ayoko ng ganitong feeling. I need to chill." Sigaw ko sa utak ko.
"Naalala mo yung napag-usapan natin dati sa office? Few days bago tayo umalis papuntang Kyoto?" tanong niya.
"Alin dun?" plain kong sabi.
"That we'll do better if we treat each other as strangers? Ituloy natin iyon, lalo na at titira tayo sa iisang bubong. Hindi kita pakikielaman at ganoon din ako. I'll do my thing, and you'll do your thing. Ayoko na ng stress Ray. Ayoko na ng toxic." Presko niyang sabi.
"Bakit? Sino bang lumagpas sa napag-usapan natin? Sino bang maraming pakulo sa Kyoto at may kasal-kasalan pang nalalaman?" walang emosyong kong sabi.
"Kaya nga simula ngayon, hindi na kita mamahalin. Isa ka ng stranger sa akin." Diretso niyang sabi.
Hindi ako nakakibo. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Nagbitiw ako ng malalim na hinga, parang isang matulis na bagay ang tumusok sa puso ko. Bakit ganito? Ewan pucha.
"Better. No stress. No dramas. We're good." Sabi ko.
Muli kaming kinain ng katahimikan.
ROME:
"Ang tahimik nakakabagot. Pwede ko bang buksan ang radio?" tanong ko sa iyo. Ayoko talaga ng sobrang tahimik natin, ang awkward. I'm trying to be cool, pero hindi ko maipigilang makaramdam ng pagka-ilang sa iyo.
"Sure." Sagot mo. Pinindot ko ang player, puro Japanese songs ang lumabas. Oo nga naman, nasa Japan tayo kaya obviously puro Nihongo ang kanta. Napansin kong may USB na naka-saksak sa player mo.
"May kanta ka ba dito na hindi Japanese?" tanong ko.
"Mas maiging Japanese ang pakinggan mo para masanay ang tenga mo. Tandaan mo may listening practice ka mamaya." Sabi mong abala sa pagmamaneho.
"Lagi nang hapon pinapakinggan ko, gusto ko naman ng english or tagalog songs."
"Ikaw bahala... Meron sa USB ko. I-play mo na lang." Sabi mo.
Pinindot ko ang player mo, kasabay nito ay inabutan tayo ng stop light. Tumugtog ang isang kantang malapit sa ating dalawa. Nagkatinginan tayo, sabay na sabay.
*Tumingin Saking Mata
Magtapat ng Nadarama
di Gusto ika'y Mawala
Dahil handa akong ibigin ka
kung maging tayo'
Sayo Lang ang Puso ko'
Magtapat ng Nadarama
di Gusto ika'y Mawala
Dahil handa akong ibigin ka
kung maging tayo'
Sayo Lang ang Puso ko'
Kailangan ba kitang iwasan...
-----------------------------------
*Sa'yo. Silent Sanctuary
-----------------------------------
*Sa'yo. Silent Sanctuary
-----------------------------------
Bigla mong pinindot ang player at napunta ito sa radio. Isang upbeat Japanese song ang nagplay. Muli tayong kinain ng katahimikan. Awkward.
"Makinig ka na lang dyan ng Japanese song." Bigla mong sabi, bakas sa boses mo ang pagkairita.
Tumingin ako sa kabilang direksyon, di ko napigilang ngumiti dahil parang nananadya ang pagkakataon. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin-tingin ng mga gusali, puno, at ilaw na nagbibigay liwanag sa madilim na kalsada ng Osaka.
***
ROME:
Nakatutok ako sa laptop ko habang nakapalumbaba. Napansin kong nag-aayos ka ng gamit. Katatapos lang ng lesson natin, maayos naman ang lahat, professional naman tayong dalawa. Sana tuluy-tuloy na ito. Bahagya akong nag-inat at hinilig ang likod sa puting sofa, ang lambot. Ilang segundo ang lumipas at may nagdoorbell.
"Ako na." Sabi mo. Naglakad ka at tinumbok ang entrance door. Narinig ko ang pagbukas ng pinto.
"Hi! Kamusta ang bagong live-in?" masiglang bungad ni Lyn. Lumingon ako, nakita kong nandoon din si Jess at Kim.
"Shut up!" pigil mong sigaw.
"In fairness ah ang ganda ng bahay niyo! Hindi mo man lang ba kami papapasukin sa nest niyo ni Bossing Rome?"
"Nest!?" lumakas ang boses mo.
"Yes. Lovebirds kayo di ba? So this is your nest. Dito nangyayari ang mga loving-loving niyo." Kilig na kilig na sabi ni Lyn.
"Stop it and just go straight to the point. What on earth are you doing here?" bakas sa boses mo ang pagkairita.
"Taray nito sarap krompalin. Si Boss sadya namin." Mataray na sagot ni Lyn at linagpasan ka, sumunod si Kim.
"May ihahatid lang kami kay Pareng Rome." Sabat ni Jess sabay pasok, hindi ka na hinintay magsalita. Binaba niya ang ilang mga folders sa glass table na pinapatungan din ng laptop ko. Nandito ang data ng mga naging successful na nag-apply at napapasok ng company namin hindi lang sa Japan kundi pati sa ibang bansa.
"Ang cold mo naman sa amin Ray. May mood swing ka na naman? O rineregla ka?" asar ni Lyn sa iyo.
"I'm not cold." Sabi mo sabay sarado ng pinto. Tinumbok mo ang kusina.
"Nag-iinarte." Sabat ni Kim, bakas sa boses niya ang inis. Tatlong araw ka na kasing ganyan simula noong umuwi tayo galing Kyoto. Napaka-negative ng dating mo, nakakapanibago. Narinig ko ang pagbagsak ng tubig sa baso.
"C'mon guys! Sabi ko nga sa inyo last week di ba?" dumaan ka sa harap ko, may dala kang tatlong basong tubig, inabot mo ito sa kanila. "This is who I am now. People change... Change is for the better. It is an endless process." Sabi mo sabay cross-arm.
Mahinang ginaya ni Lyn ang sinabi mo sabay ikot ng mata. Kinalabit ni Jess si Lyn, bakas sa mukha ni Jess ang ngiti.
"Lyn, napag-usapan natin kanina ang isang part ng presentation ni Pareng Rome di ba?"
"Yes? Anong meron?"
"Palagay ko ituloy natin iyon."
"Sira! Palagay mo papayag si arte? Eh ang arte-arte nun! Nagmamaganda!"
"Wala siyang magagawa kung gusto ni Pareng Rome." Ngisi ni Jess. Bumulong siya kay Lyn. Nanlaki ang mata ni Lyn. Napukaw nito ang atensyon ko.
"Anong napag-usapan niyo?" tanong ko sa kanila. Nagtinginan silang dalawa. Umikot ang mata ni Lyn sabay bitiw ng malalim na hinga, mukhang alangan siya pero I'm open for suggestions.
"Kasi po Boss, di ba ang concept ng Presentation niyo ay tungkol sa pagtangkilik sa sariling inyo?" sabi ni Lyn. Tumango ako, isa ito sa narealize ko noong nasa Kyoto ako. "And we need someone from our company na successful na ngayon sa Japan? At dahil naging successful ang taong ito, technically dumaan ito sa isang drastic change. Eh Boss, bakit pa po tayo magpapakahirap maghanap? Andyan si Ray oh, nanggaling na rin sa kanya ang isa sa key factors – change." Sabi ni Lyn sabay turo sa iyo.
Lumiwanag ang utak ko. Tama nga naman, nandyan ka naman, ikaw pa nga ang best option. Tumingin ako sa iyo, bakas sa mukha mo ang gulat.
"Teka nga ha, bakit ako? Ano na naman ito?" tumaas ang boses mo.
"Wala na kaming oras bakla. Three weeks na lang presentation na namin kay Mr. Kyou. Ang kailangan lang naman namin ay background mo, ano naging buhay mo noon bago ka mapuntang Japan at mag-apply kila Rome at ano ang naging buhay mo pagkarating mo rito. Yun lang." Si Lyn sabay ngiti.
"Ayoko!" sigaw mo.
"Aba! Anong arte na naman iyan!"
"Kasi ayoko ng balikan ang nakaraan ko. Ayoko na ring balikan ang mga unang taong pananatili rito. Besides it's my privacy!" sabay cross-arm.
"I think may mali guys." Sabat ni Kim. Tumingin kaming lahat sa kanya. "I think hindi tama na kalikutin natin ang buhay ni Ray. Privacy niya iyon. And I don't think a good company will do that."
"Pero Kim..." sabi ko. Bakas sa boses ko ang pagkairita.
"Shut up Rome!" sigaw mo sa akin. Tumingin ako sa iyo. Nanlilisik ang mga mata mo. "There are other options, bakit kailangan pakielaman mo pa ang buhay ng ibang tao?" nanggigil mong sabi. Hindi ko na gusto ito.
"I'm doing this for my family." Matigas kong sabi. Lumapit ako sa iyo.
"At the expense of my privacy!? Wow iba ka! Kahit hindi na lang sa akin eh, try mong gawin iyan sa ibang tao palagay mo ba matutuwa sila? Palagay mo matutuwa si Mr. Kyou? You're unprofessional!" sigaw mo.
"'Di ba gusto mo ng matapos ito? Then let's finish it! Ito na pinakamadali. Isa pa, wala na kaming oras Ray."
"Eh di humanap ng oras! Hindi ako nakikielam sa mga business plans niyo, kaya huwag niyo akong pakieaman at kalikutin ang buhay ko! For God's sake, don't invade other people's life!"
"Ray, be reasonable!"
"Ako ata ang dapat magsabi niyan. Rome, be fucking reasonable! Iyan ang problema sa iyo eh, lagi mong pinipilit ang gusto mo kahit hindi pupwede!" sigaw mo. Natigilan ako sa sinabi mo, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Iba ang dating sa akin noon, hindi lang basta business related. Ilang saglit pa'y nag-umpisa kang maglakad paakyat sa 2nd floor ng bahay.
Hahabulin pa sana kita ngunit pinigilan ako ni Jess. Tumingin ako sa kanya.
"Pare hayaan mo na muna siya. Palagay ko tama si Pareng Ray eh. Hindi ata tama ang naisip natin nila Lyn." Nakukunsensiya niyang sabi.
"As your advisor, you have to think another concept. Or maybe you can still stick to what you have. Ibang atake na nga lang. That is of course without invading someone else's privacy." Sabi ni Kim sabay inom ng malamig na tubig.
Nagbitiw ako ng malalim na hinga. Bumalik ako sa inuupuan kong puting sofa kanina. Pumikit ako.
"We only have three weeks to finish everything. And it looks like we have to scratch some parts of our presentation. Damn!"
Naisip ko na tama si Kim at Ray. What I'm thinking is invading someone else's life. Mali ako, inaamin ko. I'm sorry Ray, nasaktan na naman kita. Hay.
***
RAY:
"He asked me about my fucking personal life! Ano bang pakielam niya? Bakit!? May pakielam ba siya sa akin pagkatapos akong ipahiya ni Gel noon? May pakielam ba siya sa naging buhay ko sa College? Noong nagpunta akong Japan kinamusta ba niya ako? Hindi di ba? Wala siyang pakielam kasi hindi naman ako mahalaga sa kanya! Tapos ngayon na may kailangan siya, makikiusap siya kung pwede niya bang kalikutin ang naging buhay ko! Tangina niya!" sigaw ko sa loob ng kwarto ko. May isang oras na ang nakaraan pero nanginginig pa rin ako sa galit.
Mula sa pagkakahiga sa puting kama ay tumayo ako. Tinumbok ko ang pinto at hinawakan ang doorknob.
"Nasa labas pa ba siya? Baka makita ko na naman siya! Ayoko nga!" sabi ko na parang tangang kinakausap ang sarili. "Hay bahala na! Nauuhaw ako!" sabay pihit ng doorknob at binuksan ito, lumabas ako ng kwarto.
Pagbaba ko ay agad kong tinumbok ang kusina. Kumuha ako ng baso at linagyan ito ng tubig sa water dispenser. Ininom ko ito, ang lamig at ang sarap. Stress reliever kahit papaano.
"Sorry ngapala kanina." Sabi ng boses sa likod ko. Lumingon ako, nakita ko si Rome. "Sorry if medyo nagiging desperado ako. I promise I won't do that again." Malungkot niyang sabi.
Tango lang ang sagot ko. Kahit papaano'y nahimasmasan ako sa narinig ko. I think we're cool again as strangers.
Ilang saglit pa'y narinig ko ang doorbell.
"Ako na." Sabi ko. Pinatong ko ang baso sa lamesa at naglakad papuntang entrance door. Binuksan ko ito, bumungad sa akin ang isang demonyo. Muli na namang uminit ang ulo ko. Lumabas ako ng bahay at sinarado ang pinto.
"What are you doing here Gel?" tanong ko sabay cross-arm.
"Nasaan si Rome?" maangas niyang sabi sabay taas ng kilay.
"Ang sabi ko, anong ginagawa mo rito!? Tagalog na iyan para maintindihan mo!" tinaasan ko rin siya ng kilay sabay ngisi.
"Eh sa ayokong sagutin eh. Anong pakielam mo! Boyfriend ko ang sadya ko hindi ikaw!" sigaw niya sa akin.
"Ay! Why so mad? Bakit? Hindi ka na ba kinakausap ni Rome kaya ka nagkakaganyan? Let me guess, dahil ba sa skandalong ginawa mo sa opisina niya last time?"
Tumiklop ang kamay niya. Kapansin-pansin ang nanggigigil niyang panga. Linagpasan niya ako at dumiretso sa pinto.
"Rome! Rome mag-usap tayo! Rome!" sigaw niya sabay kalampag sa entrance door ng bahay ko. Hinawakan ko ng madiin ang braso niya at hinatak siya palabas ng bakuran ng bahay ko. "Bitawan mo ako! Hayup ka! Hayup ka kahit kailan Ray! Peste ka! Bakla! Malandi! Hayup!" nagwawala niyang sigaw habang hinahampas ang braso ko. Hinawakan ko ang isa niyang kamay at pagkatapos ay tinulak siya palabas ng torii gate ng bahay ko. Nasubsob si Gel sa kalsada. Ngumisi ako. Tiningnan niya ako ng masama.
"Ay sorry, napalakas? Masakit ba?" tanong kong nang-aasar.
"Hayup kang bakla ka! Sana inumpog mo na lang ulo ko para namatay na ako! Di ba yun naman ang gusto mo? Ang mamatay ako para makaganti ka!?" sigaw niya sabay tayo. Tumayo siya, akmang lalapitan niya ako ay muli ko siyang tinulak. Napaupo siya sa kalsada.
"Quit it Gel. Desperadang stalker ka na nga, drama queen ka pa." Sabay ikot ng mata ko. "You can't keep painting yourself as a victim Gel. It's absurd. Lalo na kung nakikita ng lahat na nagsusumigaw sa pagmumukha mo na isa kang impaktang demonyita." Sabay pandidilat ng mata at ngiti.
"Walang hiya ka talagang bakla ka! Napaka-hayup mo! Hindi mo kilala ang kinalaban mo!" sigaw niya. Muli sana siyang susugod sa akin nang harangin siya ng lalaki mula sa likuran ko. Si Rome, lumabas pala siya.
"Tama na!" sigaw ni Rome sabay hawak sa dalawang braso niya.
"Ako dapat ang magsabi niyan. Hindi mo kilala kinalaban mo." Madiin ngunit kalmado kong sabi. Malinaw sa memorya ko ang sinabi ng Ex niya sa akin sa chat three days ago. Isang baho na pwede niyang ikasira.
"Bakit anong gagawin mo ha!?" sigaw niyang nanlilisik ang mga mata. Napansin ko sa di kalayuan ang pagdating ng puting police car.
"Wag kang mag-eskandalo dito Gel!" pigil na sigaw ni Rome. Alam kong napansin na ni Rome ang pulis.
"Why should I tell you? I'm not an idiot like you." Kalmado ko pa ring sabi na may bahid ng pang-iinis. Tumigil ang kotse at bumaba ang dalawang pulis dito. Kinausap si Gel ng dalawang pulis, ngunit hindi niya naintindihan ang sinabi nito dahil tanga siya. Mukha siyang tanga. "I'm sorry. Nalimutan kong sabihin sa iyo na bawal ang skandalosa at palengkera sa Japan. Kinukulong at pinagmumulta ang mga ganoon dito eh." Sabay ngiti. Pasimple akong nag-pout ng lips upang lalo siyang inisin.
"Pinahuli mo ako hayup ka! Duwag!" pagsisigaw niya. Hinatak siya ng dalawang police officer. Masama man pakinggan pero tuwang-tuwa ako sa nakikita ko.
"Not me. My neighbors." Sabi ko na ang tono ay nang-iinis.
"Hayup ka talaga! Babalikan kita!" sigaw niya at pinasok siya sa loob ng Police car.
"Bye!" nakangiti kong sabi sabay kaway nang umalis ang sasakyan ng pulis. Napansin kong nakatingin sa akin si Rome, bakas sa mukha niya ang inis.
"Natutuwa ka ba sa nangyari?" irita niyang tanong.
"Yung totoo? Oo naman. Kulang pa iyan sa lahat ng ginawa niyang pambababoy sa akin. The funny thing is, wala man lang akong linagay na effort para mangyari iyan sa kanya. Kasalanan niya iyan dahil palengkera siya, pinadakip siya ng mga kapitbahay ko dahil sa panggugulo niya. Swerte ko lang dahil nandito ako at nakita ko ang lahat." Sabi ko sabay ngisi.
Umiling siya. Hindi ko alam ang tumatakbo sa utak niya. "Ganyan ka na ba talaga ngayon?"
"Eh ano naman kung ganito na ako ngayon? Di ba pinag-usapan natin, walang pakielamanan... Bakit ka nakikielam ngayon?"
Matulis niya akong tiningnan. Ilang saglit pa'y tumalikod siya at pumasok ng bahay, binagsak niya ang pinto. Nagbitiw ako ng malalim na hinga.
Tinukod ko ang likod ko sa torii gate ng bahay ko. Dahan-dahan akong umupo sa sahig. Sobrang sikip ng dibdib ko, hindi ko alam kung dahil ba ito kay Rome o dahil sa nangyari kay Gel. Hinawakan ko dibdib ko gamit ang palad ko, unti-unti itong sumara. Pinikit ko ang mga mata ko.
Naalala ko ang sinabi ni Chichi.
"To tell you frankly, you don't need someone to be happy. You will find it if you look within yourself. It's a decision. Being happy is a choice." Paulit-ulit ko itong naririnig sa tenga ko. Hindi ko pa rin maintindihan ang sinabi niya.
"Gusto ko ng maging masaya. Please." Sambit ko. Naisip ko nga eh, can someone please come here and teach me how? Or pwede bang may isang taong maging daan o instrumento para maging masaya na ako? I'm tired, as in sobrang pagod na ako.
Para maka pag unwind ako sa lahat ng mga pangyayari ngayong araw ay pumunta ako sa isang bar na malapit sa bahay ko.
Kinuha ko ang beer sa lamesa ko. Pumikit ako at dahan-dahan kong ininom ko. Tulala. Out of nowhere ay bigla kong kinakanta ang kantang di maalis-alis sa utak ko simula noong unang beses na marinig ko ito.
*Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko'y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na 'ko marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko
Ang pag-ibig ko'y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na 'ko marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko
-------------------------
*Buko. Jireh Lim
-------------------------
*Buko. Jireh Lim
-------------------------
"Sono utsukushī kao kara shikamettsura o miru ga kirai shitte imasyo" Sabi ng isang lalaki sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. I haven't heard that familiar voice for a long time! Hindi lang ang boses niya kundi ang linya niyang iyon na lagi niyang sinasabi sa akin sa tuwing nalulungkot ako.
Dahan-dahan kong tinaas ang ulo ko. Nakita ko siya, isang nakangiting gwapong lalaki na naging parte ng nakaraan ko. Ang lalaki na minsa'y tumanggap at nagmahal sa akin. Ang lalaki na minsa'y naging dahilan ng ngiti sa labi ko. Ang lalaking minsan akong yinakap. Ang lalaking kasama kong bumuo ng pangarap. Ang lalaking tinitibok ng puso ko noon... pero mali ata ako, kasi muli itong tumibok ngayong nakita ko siya ulit. Si Kojima Kazuki.
SA MGA MAGREREQUEST NG TRANSLATION NI KAZUKI (Malaking part ito later sa story), PM niyo ako sa FB or email me at: whitepal888@yahoo.com
ReplyDeleteSabi ko nga po, gusto ko pong mag-reach out sa mga readers ko. And I think I have to do this para sa mga readers ko na sobrang tahimik. Para sa mga nakakausap ko na sa FB, I'm just one chat away! ^_^
Thanks for reading!
Comments, feedback, and suggestions are all welcome.
Lalong gumanda ang story. Kilig nung sinabi ni Kazuki kay Ray (thanks whitepal sa reply mo when I asked for the translation). Sino ang endgame ni Ray kila Rome, Bae, at Kazuki? Team Rome pa rin ako but I’m willing to give Bae and Kazuki a chance.
ReplyDeleteI can’t stand Gel. I hope this is the last of that bitch. Umay na umay na ako sa gulong dala niya. Kaso malabo dahil may pasabog pa si Ray sa lihim nito. I hate to say this pero si Ray talaga ang nakikita kong kontrabida sa story. Tell me the truth, sinadya mo ba ito whitepal?
I can’t think of what will happen next chapter. Please update agad Gab!
- Zefyr
Mamaya po ako mag-update sa wattpad nung 18, then pag natapos ko ang 19 sabay na dito. If not bukas po siguro.
DeleteAs always, thanks for reading Zefyr! ^_^
sino si kojima kazuki? kaabang abang talaga! sana may kasunod na po.
ReplyDelete~n1ck~
Makikilala niyo po siya next chapter at sa mga susunod pa. Maraming salamat sa pagbabasa!
DeleteButi nga nakulong na pokpok gigil na gigil ako sa babaeng iyan sarap ipalapa sa piranha!!!! sana di na bumalik ang malantod na yan!!!!!!!! sorry sa admin nadala lang ako...
ReplyDeleteThanks for reading po. Kalma lang. Hahaha.
Deletekelan po nxt update? sorry excited lng po.
ReplyDeleteTry ko bukas. If not, Saturday siguro. Thanks for reading!
DeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteOk san ko ba dapat simulan? Ang masasabi ko lng eh, ang ganda ganda mo Ray, piang aagawan k ng mga naggagwapuhan na my iba't ibang lahi. Kung pwede akin n lng si Rome, haha. Isa pa sa napansin ko e, ang pagbabago ni Ray bilang palaban. YES maganda yun sa character nya pero minsan parang nagiging OA na, at ang nagiging dating na sakin ni Ray e isang mahaderang baklang nawawalan ng breeding haha,, Parang nawala na yung Ray na dati kong naiimagine sa isip ko. Opinyon ko lang sir Gab, hehe,. PERo all in all maganda at kaabang abang p rn lalo n yung pagdating ni Kazuki at my past pa sila,. Thanks and GodBless.
ReplyDelete-RavePriss
Para sa akin ang walang breeding ay si Gel at Lyn. Hahaha! Tipid na tipid nga at kontrolado ni Ray ang mga salita niya rito, pero deep inside pinatay na niya ng 50 times si Gel sa utak niya sa iba't-ibang paraan. Hahaha!
Delete