By Michael Juha
Email: getmybox@hotmail. com
FB: getmybox@yahoo. com
Disclaimer:
Ang kuwentong ito ay
pawang kathang-isip lamang bagamat "inspired" sa internet
sensation na si Carrot Man. Hindi po ito ang totoong kuwento ng buhay niya.
At hindi po intensyon ng may-akda na saktan ang damdamin ng mga taong
maaaring maapektuhan sa kuwentong ito. Ang litrato na ginamit dito ay hindi po
pag-aari ng may-akda. Credit to the real owner, Ms. Edwina Bandong.
***
Paglipas ng may mahigit
30 minutos ay bumalik na siya. May dalang kanin, piniritong itlog, piniritong
isda, at iyong pinikpikan.
Napangiti naman ako sa
nakita. Sa isip ko na lang ay, “Pinirito na naman.”
Inilatag niya ang
dala-dala niyang mga pagkain sa ibabaw ng maliit na mesa atsaka nilapitan ako
sa kama, inalalayan upang maangat ang ulo ko, iyong halos nakaupo na posisyon.
Nang nakaupo na ako,
kinuha niya ang plastic na plato ng kanin at ulam. Inilatag naman iyon sa
ibabaw ng aking kama, sa may tagiliran ko. Pagkatapos ay kinuha niya ang isang
silya, inusog iyon palapit sa kamat atsaka hinawakan ang plato ng kanin.
“No, no. Ako na,
Jeyrick…” ang sabi ko nang mapagtanto kong gusto niya akong subuan.
“Hindi mo pa kaya Sir.
Mahihirapan ka. Masakit pa iyang pilay at bali mo.”
“Kaya ko na” ang giit ko
sabay abot sa kutsara. Ngunit naramdaman ko ang sakit ng bali at pilay ko sa
paggalaw ng aking katawan at napaimpit ako. “Ummphh!”
“Iyan kasi… sabi ko na
eh.” Ang sambit din niyang mistulang isa lang akong batang sinisisi.
Kaya wala na akong
nagawa kundi ang hayaan siyang subuan ako.
Hindi ko lubos
maintindihan ang aking naramdaman sa aming postura. Halos hindi ako makatingin
sa kanya habang siya naman ay tila hindi lang apektado, naka-focus lang sa
pagpapakain sa akin. Wala kaming imikan sa sandaling iyon. Tila nag-blangko ang
aking isip. Halos hindi ko na nga rin alam kung ano ang lasa ng mga pagkaing
isinubo niya sa akin. Ang alam ko lang ay may isang taong nag-effort na subuan
ako, tulungan sa aking kalagayan, at masaya ako.
“S-salamat. Busog na ako
Jeyrick…” ang sabi ko nang maramdamang hindi ko na kaya. Pati ang tubig na
de-bote ay siya pa rin ang humawak upang makainum ako.
Kinuha niya ang mga
plato at kinainan ko at inilagay sa isang plastic bag. “Kumusta na pala ang
pakiramdam niyo, Sir?”
“Okay na ako Jeyrick.
Siguro ay kailangan ko lang ng pahinga. Magaling kang gumamot.”
Napangiti siya. “H-hindi
naman po, Sir. Mas magaling pa rin kung magpa-ospital ka.”
“Hindi na Jeyrick. Sa
tingin ko ay okay lang ako… Dito na lang muna ako.”
Tahimik.
“Iyong sasakyan niyo po.
Nasa ibaba ng burol. Ano pong gagawin doon?”
“Oo nga. Pero sa baba
naman ay may kalsada rin, di ba? Iyong dinadaanan ng truck ng carrots?”
“Opo… pero nakatagilid
siya eh. Kailangan pang itulak upang makatayo.”
“Kapag maayos na ako,
itayo natin uli iyon. Sa tingin ko ay umaandar pa naman iyon. Dalhin ko sa
repair shop, magpasama ako sa iyo.”
“Okay po. Kayo ang
bahala.” Ang sagot niya. Muli niya akong pinahiga sa kama. Magpahinga lang daw
muna ako at ituloy nila ang pag-harvest sa mga carrots. Marami-rami pa raw kasi
iyon, mahigit isang linggo pa nilang matapos gawa nang siya na lang mag-isa ang
naghaharvest. “Huling harvest ko na lang kasi iyan, Sir… Sayang din ang perang
paghahatian pa namin. Gusto ko na kapag umalis kami rito, may pera kaming
babaunin.” Ang sambit niyang bakas sa mukha ang lungkot.
“Ah… ganoon ba?” Ang
sagot ko. “S-saan naman kayo lilipat kung aalis kayo rito?” ang dugtong ko.
“M-may tiyuhin po kami
sa Bontoc. Doon namin balak na pumunta.” Ang sagot niya.
Hindi na ako nagtanong
pa. Bagamat may awa akong naramdaman para sa kanya, ayaw ko ring sirain ang
plano namin ng aking ama na gawing pinakamagandang hotel/resort ang lugar. Isa
itong malaking achievement para sa akin. Lalo na dahil nang sinabi ko sa aking
ama ang pag-uusap namin ng mayor ng municipality na iyon, tuwang-tuwa siyang
nagbalita na may tatlong mga kaibigan siyang willing at excited na mag-invest.
May ilang oras din akong
nakatulog simula nang umalis si Jeyrick. Nang tiningnan ko ang aking relo ay
maga-alas-10 na ng umaga. Pinilit ko ang aking sariling tumayo at dumungaw sa
bintana. Tiningnan ko ang bahay nina Jeyrick. Tahimik ito at mistulang walang
katao-tao. Nang sinilip ko naman ang bandang dulo ng taniman ng carrots, naroon
pala silang lahat. Si Jeyrick at ang kanyang mga kapatid ay nagtulong-tulong sa
pag-harvest.
Inabot ko ang aking
dalang teleskopyo. Kitang-kita ko si Jeyrick at si Jeymar kasama ang kanilang
tatlo pang mga malilit na kapatid. Binitiwan ko ang isang malalim na
buntong-hininga.
Alas-11:30 sa aking relo
nang nakita ko si Jeymar na bumalik sa kanilang bahay, kasama ang iba pa niyang
mga kapatid. Naiwan si Jeyrick na sa pagkakataong iyon ay naghakot na sa mga
na-harvest na carrots at inilagay iyon sa truck na nakatambay naman sa gilid ng
kalsada.
Alas-12:30 nang muli
akong dinalaw ni Jeyrick. Bitbit niya ang pagkain at kagaya ng umagang iyon,
sinubuan niya akong muli sa pagkain.
Pagkatapos niya akong
pakainin ay tinanong niya ako kung may ipapabili siya o kailangan sa bayan
dahil kung mayroon, bibilhin niya. Sasama raw kasi siya sa bayan. Bibili rin
daw siya ng stocks nila sa mga araw-araw na pangangailangan. Sinabi kong wala
naman at marami pa akong stocks ng pagkain. At doon ko na siya sinabihan na
iyong mga stocks ko naman ang aming iluto para sa hapunan dahil baka masira o
mag expire ang mga ito. Tumango naman siya.
Balik na naman siya sa
taniman ng carrots. Buong maghapon ay naroon siya. Tila wala siyang kapaguran.
Mga alas-4:00 ng hapon ay umakyat siya at nagpaalam na sa akin na sasama nga
siya sa bayan ng delivery truck nila. Mga alas-6 na raw siya makakabalik,
tamag-tama upang makpagluto pa siya at sabay kaming kakain. Muli niya akong
tinanong kung may kailangan ako sa bayan.
Feeling ko ay ganyan na
talaga kami ka-close. Parang napawi na ang takot at hiya niya sa akin. Kaya
pagkatapos kong sabihin na wala akong kailangan, biniro ko na lang siya ng,
“Dalhan mo na lang ako ng pasalubong...”
Binitiwan na naman niya
ang kanyang pamatay na ngiti.
“Tangina, aatakehin ako
sa puso nito!” ang sigaw ng isip ko. Ang lakas lang kasi ng dating ng kanyang
ngiti na parang malulunod ako sa sobrang kilig.
“Ano po ba ang gusto
mong pasalubong at bibilhan kita, Sir?” Ang tanong niya habang nakangiti pa
ring nakatingin sa aking mukha. “Pagkain?” ang dugtong niya.
“Huwag na. Ito naman,
biniro lang kita.”
“Di bale, ako na po ang
bahala.” Ang sambit niyang nakangiti pa rin, sabay talikod, nagmamadaling
lumabas ng bahay.
“Huwag na nga Jeyrick!”
ang pahabol kong sigaw. Ewan ko rin ba. Kahit sinabi kong huwag nang magdala ng
pasalubong ay mistulang kinilig ako sa posibilidad na pagbigyan niya ako sa
aking biro at kung pagbigyan man ay kung ano kaya ang kanyang bibilhing
pasalubong para sa akin.
Eksaktong alas-6 ng gabi
ay narinig ko na ang tunog ng truck. Tila naglulundag ang aking puso sa sobrang
excitement. Nang sinilip ko sa bintana, nakita kong bumaba si Jeyrick ng truck.
Maraming dala. Sinalubong naman siya ng kanyang mga kapatid. Kitang-kita ko ang
kanilang saya. Mistulang nagkagulo sila.
Maya-maya naman ay
nasilip ko na siyang paakyat sa aking bahay. May dala! Dali-dali akong humiga
sa kama, nagkunyaring tulog.
“Sir! Sir!” ang narinig
kong sigaw at maya-maya lang ay ang pagbukas naman ng pinto.
Nang naramdaman kong
nasa loob na siya ng bahay at nakita niyang nakahiga ako, nagkunyari akong
nagising. Kinuskos ko pa ang aking mga mata at inunat ang aking paa at kamay na
walang bali at pilay. “Dumating ka na pala?” ang sambit ko.
“Oo. At may pasalubong
po ako sa inyo!” ang excited niyang sabi.
“Jeyrick naman! Di ba
sabi ko ay huwag ka nang mag-abala pa?” ang kunyari ko ring pagtutol sa kanyang
ginawa.
“Hayaan mo na po. Minsan
lang naman ito eh.” Ang sagot niya at inilagay ang dala-dalang box sa mesa.
Dalawang plastic bag kasi. Halatang nakakarton.
Nang binuksan niya ang
isa, “Jarannnnn!”
“Wow! Tuta!” ang sigaw
ko nang bumulaga sa aking mga mata ang dala niyang pasalubong. “Ang galing
naman!” ang dagdag ko. Mahilig din kasi ako sa aso. At ang aso pang pinili
niya, bagamat native ay may magandang kulay na itim at puti. Ang itim ay spots
na nakapalibot sa bibig at isang mata, at mayroon ding tatlong itim na spots sa
katawan. Makapal din ang balahibo ng tuta. “Ang ganda! Paano mo nalaman na
gusto ko ang aso?”
“Wala lang po. Naisip ko
lang na wala kang kasama rito kaya ko binili para habang nagtatrabaho ako, may
mangungulit po sa iyo rito.” Sabay tawa. Iyong tawang tila nahihiya. “Nagkataon
din na nakita ko ang tutang ito na ibinibenta kaya binili ko na agad.”
“Ang galing! Salamat
Jeyrick! Magkano naman ito?”
“Woi, bawal daw
magtanong ng presyo kapag regalo.”
“G-ganoon ba?”
“Oo...” ang sagot niya.
Inilabas niya mula sa
karton ang aso atsaka inilagay sa leeg nito ang pantali. Itinali naman niya sa
paa ng kama ko ang dulo noon ang aso ay inilagay sa aking tabi.
Tuwang-tuwa talaga ako
sa regalo niyang iyon. Parang kilala na ako ng aso dahil sa pagkumpas-kumpas
niya ng kanyang buntot. At dinila-dilaan din niya ang braso ko. Parang sobrang
saya ng aso na mistulang nagpasalamat na may amo na siya. “Hey… Kilala mo na ba
ako?” ang excited kong sabi sa aso.
“Oo...” ang sagot naman
ni Jeyrick na pinaliit ang boses.
“Talaga? Mahal na
kita...” ang sagot ko rin.
“Mahal na rin kita...”
ang sagot din ni Jeyrick na pilaliit pa rin ang boses.
Natawa ako at tiningnan si
Jeyrick. Ewan, sobrang kinilig ako sa kanyang pagsagot. Ngunit in-denial naman
ako. “Hindi ikaw, iyong aso ang ina-I-love-you ko.” Ang biro ko.
“Iyong aso rin naman ang
naga-i-love-you-too eh. Hindi po ako.” Ang biro din niya.
Tiningnan ko ang aso. “Lalaki
ba ito?”
“Opo. Lalaki po iyan,
Sir.” Ang sagot niya.
“Ah boyfriend ko na pala
ang asong ito.”
Tawanan.
“Anong ipangalan mo po
sa kanya, Sir?” ang tanong ni Jeyrick.
“Hmmmm.” Nag-isip ako
sandali. “Ano kaya kung... Harjey! Tama! Harjey!”
Natawa siya. “Bakit po
iyan ang pinili mong pangalan?”
“Harold at Jeyrick.
Har-Jey”
“Ang galing!” ang sambit
niyang binitiwan ang tila nahihiyang ngiti.
“Ayos ba?”
“Ayos po!” ang sagot
niya.
“Ayos lang?”
“Ayos na ayos po!
Sobrang ayos! Grabeng-grabe sa ayos po!” ang sambit niya sabay tawa.
Tumawa na rin ako. Sabay
kaming nagtawanan.
Tinumbok naman niya ang
mesa at binuksan ang pangalawang plastic. “Jarannnnn!” ang sambit niya.
Natawa uli ako sa nakita
niyang pasalubong. Chocolate cake. Hindi kasi ako kumakain noon. Ewan ko ba
pero lahat ng cake ay kinakain ko maliban sa chocolate cake. Hindi ko lang alam
kung bakit. Iyong lasa kasi niya, hindi ko nagustuhan.
“Hindi niyo po
nagustuhan?” ang tanong niya. Siguro nakita niya ang reaksyon ko.
“G-gusto naman.”
“Sige po, kainin na
natin.” Kinuha niya ang kutsilyo at nagsimulang hatiin iyon. Pagkatapos niyang
maibaba ang tuta sa sahig at lagyan din ng plato at kaunting cake, umupo na
siya sa kama sa tabi ko, dala-dala ang pinggan na naglaman ng isang hiwa ng cake.
Doon na ako kinabahan
dahil gusto niyan kainin talaga namin. Ngunit dahil masama daw ang tumanggi sa
regalo kaya napilitan talaga akong kumain. Walang choice eh, lalo na dahil
sinubuan pa talaga niya ako. Kahit gusto kong iluwa ang cake na iyon sa aking
bibig, pinilit ko na lang ang sariling kainin iyon at lunukin.
“Masarap?” ang tanong
niya.
Tumango na lang ako.
Mahirap magsinungaling. “P-pero ayoko na. Mawawalan tayo ng ganang kumain kapag
naunahan ng tamis.” Ang paga-alibi ko na lang.
“Ay oo nga pala.” Ang
sagot niya. Isinoli niya ang plato sa mesa at pagkatapos ay nagsimula na siyang
magluto.
“Iyong mga kapatid mo sa
bahay, sinong nagluluto para sa kanila?”
“Naroon naman si Jeymar.
Sinabi ko sa kanya na siya na ang bahala sa kanila.” Ang sagot niya.
Nang matapos ang kanyang
pagluluto, kumain uli kami, kagaya pa rin ng agahan at pananghalian na
sinusubuan niya ako.
Nakakatuwa talaga iyong
aming postura, at iyong aming setup. May sarili siyang plato, may sariling
kutsara. Kapag siya ang kumakain, gagamitin niya ang kanyang kutsara. Kapag
sinusubuan naman niya ako hiwalay na kutsara ang gagamitin niya para sa akin.
Alternate ang pagsubo niya para sa sarili at para sa akin. Pero minsan ay
nakakaligtaan din niya. Imbes ang kutsara niya ay ang isubo niya para sa kanya,
iyon na rin ang ginagamit niya para sa akin, o minsan ang kutsara na para sa
akin lang ay iyon na rin ang ginagamit niya para sa kanya. Napapangiti na lang
ako. Pero syempre, ayaw kong sabihin iyon sa kanyan. Baka isipin naman na nandidiri
ako. Pero sa totoo lang, nakikiliti ako na hindi mawari.
“Nahihiya na ako sa iyo
Jeyrick ah…” ang sambit ko habang kumakain pa rin kaming dalawa.
“Huwag po kayong mahiya,
Sir. Ako ang dapat na mahiya sa iyo dahil sa lupa ninyong pinagkakitaan namin
sa mahabang panahon at wala man lang kaming naibigay sa inyo. Kung kailangan pa
ngang magpaalipin ako sa iyo, Sir, gagawin ko. Malaki ang kasalanan namin sa
inyo.”
“Wala na sa akin iyon,
Jeyrick… Ngayong alam kong mabait ka, at heto tinutulungan mo ako, erased na
ang lahat.”
“S-salamat po, Sir… Pero
syempre po, malaki pa rin ang utang na loob namin sa inyo. Hindi ko iyon
malilimutan.”
“Ano ka ba... kalimutan
mo na nga iyon.” Ang sambit ko. “At oo nga pala, huwag mo na rin akong tawaging
Sir. Naiilang ako. Gusto ko, magkaibigan na tayo. At huwag mo na rin akong
po-po-in, 22 lang naman ako, isang taon lang naman ang tanda ko sa iyo.
Napangiti siya. “Mas
bata pa nga po kayong tingnan kaysa akin eh.”
“Harold.” Ang sabi ko.
“Harold po.” Ang sabi
niya.
“At huwag mo na akong
po-po-in.”
“S-sige po…”
“Sige, Harold” ang sabi
ko.
“S-sige, Harold.” Ang
pag-ulit rin niya.
Nagatinginan kami.
Binitiwan niya ang isang matipid na ngiti. Kinilig na naman ako sa pagkakita sa
ngiti niya. Nginitian ko na rin siya.
Tahimik. Para kaming
nagkahiyaan.
“M-may girlfriend ka na
ba Jey?” ang tanong ko.
Para siyang nahiya sa
tanong kong iyon. Halos hindi makatingin. Parang nalungkot. “W-wala pa eh.”
“Paanong wala? Sa guwapo
mong iyan? Wala bang nabighani o nabiktima sa mga dimples mo na iyan?
“Wala po talaga, Sir.”
“Nandiyan na naman iyan
po at Sir. Ngangatngatin ko na iyang dimples mo eh.”
Nataw siya.
“As in wala talaga? Wala
kang napansin na nagparamdam?”
“Hindi ko alam eh. Baka
mayroon pero di ko lang napansin.”
“Kahit ba dati ay wala
ka talagang nagiging girlfriend pa?”
“Palagi kasi akong abala
sa trabaho. Lalo na nang namatay ang aking mga magulang. Lalo pa akong nawalan
ng oras para sa mga ganyan. Ako na kasi ang tumayong nanay at tatay para sa
aking mga kapatid. An gtanging laman lang ng aking isip ay kung paano
dumiskarte sa buhay, iyong pagtatanim ng carrots, iyong kikita ng sapat upang
may makakakain sa araw-araw para sa aming lahat.” Ang sabi niyang nakayuko.
Mistula naman akong
hinataw sa ulo ng isang matigas na bagay. Parang pinunit ang aking puso sa
narinig na sinabi niya. Noon ko lang kasi nalaman na wala na pala siyang mga
magulang. Akala ko ay nasa loob lang ng bahay at hindi ko nakikita o nasa ibang
lugar. Parang ako ang nahiya sa sarili sa tanong kong iyon. Nang tiningnan ko
si Jeyrick, humanga ako sa kanyang tatag. Bagamat halatang malungkot ang mukha
niya ay hindi siya umiyak, baka pinigilan lang niya ang pagluha.
“S-sorry. Naitanong ko
pa kasi. H-hindi ko akalain na wala ka na palang mga magulang.”
“Okay lang. Totoo naman
eh. Tanggap ko na ang katotohanang iyan. Ang mahalaga ay malakas at malulusog
kami, may makakakain kahit papaano sa araw-araw. Makikita ang mga kapatid ko na
masaya, may makakain, nakakapaglaro o nakakapag-bonding kami, masaya na ako.
Matagal ko nang tanggap na wala na ang aking mga magulang. Ang importante,
masaya kami dahil kung saan man sila naroroon at makita nilang masaya kami,
siguradong masaya na rin sila.”
Tahimik. Para kasi aking
nabusalan sa nalaman tungkol sa buhay niya. Tila natakot na akong magtanong ng
kung anu-ano. Sa loob-loob ko ay lalo pa akong humanga sa kanya. Sobrang
magkaiba ang aming mundo at karanasan sa buhay. Samantalang kumpleto ang aking
mga magulang, napakayaman pa namin, hindi ko akalain na ganito pala kahirap ang
buhay ng ibang tao sa mundo. Bagamat nakikita ko sila sa mga internet, o sa mga
movies, hindi ko akalaing maranasan ko mismo ang makausap at makasama ang isang
taong nasa kabilang dulo ng mundong aking kinagisnan, ipinadama at ipinakita sa
akin kung paano mamuhay ang mga katulad nila. Ang saklap pala. Habang
nag-eenjoy kaming mga mayayaman sa luho, sa kasaganahan at kalabisan, inum
dito, inum doon, party dito, party doon, droga rito... barkada, bisyo, gastos
ng pera na halos wala nang bukas, ngunit parang wala pa ring kasiyahan, parang
kulang pa rin ang kasaganahan, may hinahanap pa ring kung ano sa buhay, ang iba
ay sinisira ang buhay na parang walang halaga ngunit siya, tanggap ang lahat at
kuntento kahit pasan pa sa kanyang mga balikat ang responsibilidad kung paano
buhayin ang mga kapatid. Walang reklamo, walang pagdadalawang-isip.
Nasa ganoon akong
kalalim na pag-iisip nang siya naman itong bumasag sa katahimikan. “Sensya na
ah. Dina-dramahan pa kita. Magtanong ka pa. Mas maigi para mas lalo mo pa akong
makilala. At magkuwento ka rin kung gusto mo. Gusto ko ring makilala ka pa,
kung ano ang kuwento mo sa buhay, kung okay lang sa iyo.”
Napangiti na lang ako sa
kanyang sinabi. Para bang “Wow… at gusto talaga niyang mas makilala pa namin ang
isa’t-isa!” sa isip ko lang. “Sure ka na okay lang sa iyo kung magtanong pa
ako?”
“Oo naman. Bakit ayaw mo
ba akong mas makilala pa?” ang sambit niyang ipinakita sa akin na masaya siya.
“Syempre ah. Gusto ko!”
ang masaya ko ring sabi.
Kaya doon ko na tinanong
ang tungkol sa pagkamatay ng kanyang mga magulang na ikinuwento naman niya na
ang itay at inay raw niya ay parehong namatay nang matabunan ang mga ito ng
landslide habang nagdeliver ng carrots patungo sa siyudad. Nalaglag daw ang
sinakyan nilang truc sa bangin kasama ang mga malalaking bato na siyang dumurog
sa mga katawan nila. 16 lang daw siya nang nangyari iyon, graduating ng high
school. Common na raw kasi ang landslide sa kanila gawa ng bukid nga ang
kanilang lugar. Kaya nang pumanaw ang mga magulang nila, siya na ang nagpatuloy
sa pagtatanim ng carrots sa lupa namin. Huminto rin siya sa pag-aaral. Hanggang
high school lang ang kanyang natapos.
“Ikaw, kuwento ka naman
ng buhay mo?” ang sabi niya.
Kaya nagkuwento rin ako.
“Mayaman kami Jeyrick. Kahit anong bagay ay kayang bilhin ng mga magulang ko.
Nakapunta na ako ng ibang bansa, halos naikot ko na ang buong mundo.
Nakapag-aral at nakapagtapos sa mamahaling eskuwelahan sa Pinas at sa
ibangbansa, natikman ko na ang kung anu-anong masasarap at mamahaling klaseng
pagkain at ni minsan ay hindi ko naranasan ang maghirap o ni magbungkal ng
lupa. Pero alam mo, kahit ganito kami kayaman, parang may kulang pa rin. Hindi
ko nga maintindihan kung bakit nagpapayaman pa rin ang mga magulang ko ganoong
ang pera nila ay sapat na upang mabuhay kami at ang mga apo ng mga apo nila
kung ipagpatuloy lang ng maayos ang aming negosyo. Ako, kung bakit ko naisipang
pumunta rito ay dahil sawa na ako sa buhay sa siyudad, sa lugar na napakaraming
tao at maingay, puno ng pollution, at puno ng mga taong plastik, taksil, ganid
sa pera at kapangyarihan…” nahinto ako sandali. “Parang may kulang pa rin sa
buhay ko na hindi ko mawari, kung saan ko mahanap. Ngunit nang makita ko ang
sipag at bait mo sa kabila ng iyong kahirapan, nasabi ko sa aking sarili na
marahil ay ikaw ang taong hinahanap ko na magmulat sa aking mga mata patungo sa
kung ano man ang aking hinahanap. Nakita ko kasi sa iyo kahit ganyan kayo
ka-hirap, masaya ka, matatag. At naisip ko na napaka-selfish ko. Kasi, ako,
kahit naginganak-mayaman na, hindi naghirap ng katulad mo, hindi ko pa rin
nakita ang pagka-kuntento. Ngunit iminulat mo ang isip ko, na dapat pala ay
ma-kontento na ako dahil mayroon palang mga taong kahit naghihirap sa buhay ay
masaya pa rin, buo ang loob, matatag at hindi takot na humarap sa buhay. Di
kagaya ko na mareklamo, pangit ang ugali, matapobre, takot sa mga bagay-bagay,
hindi pa rin masaya. Simple lang ang pamumuhay ninyo, ngunit masaya kayo at
kuntento. Sana ay ganyan din ako. Sana ay matutunan ko ring maging makuntento
at maging masaya sa kung ano man ang mayroon ako.”
“Salamat naman…” ang
sagot niya. At naging seryoso na talaga ang aming pag-uusap. “A-ako rin siguro,
ayaw kong maging mayaman. Kasi, ayokong talikuran itong bukid namin. Para sa
aming mga Igorot, ang bukid ang nagbibigay sa amin ng buhay. Ito ay ibinigay sa
amin ni Kabunian. Binigyan niya kami ng tubig, ng apoy, ng mga pananim, ng
lupa, ng kaalaman. Narito na ang lahat. Para sa akin, ayaw kong magkaroon ng
mga bagay na sobra-sobra kaysa kung ano lang ang aming pangangailangan. Sabi ng
aking yumaong itay, kapag sobra-sobra raw ang pera, minsan ang tao raw ay
nakakalimot sa kahalagahan ng pagkatao, ng dignidad, ng tiwala, ng
pagkakaibigan. Dahil sa pera ay maraming tao raw ang nagiging sakim, kurakot,
nanlalamang, pumapatay, nagpapahirap at tinatapakan ang dignidad at pagkatao ng
iba, dahil gusto nilang dumami pa ang kanilang pera, nasisilaw sa kapangyarihan
nito. Kaya ayaw kong yumaman. Kahit may magbigay pa sa akin ng pagkakataon para
yumaman, tatanggihan ko ito. Ayaw kong mawalay sa bukid. Ito ang aking mundo.
Dito ako masaya. Dito ay malinis ang aming pamumhay, kampante ang pag-iisip, at
nandito ang pamilya ko. Dito ay malayo kami sa silaw at tukso ng pera at
kayamanan. Marumi nga lang ang aming katawan at kasuotan dahil sa mga trabahong
bukid ngunit malinis naman ang aming kalooban.”
“Kahanga-hanga ka,
Jeyrick. Kahit mas matanda ako sa iyo, bilib ako sa iyong panindigan, sa iyong
prinsipyo. Nainggit ako sa iyo.” Ang naisagot ko sa kanyang sinabi.
Ngumiti siya.“Bakit ka
nainggit?”
“Para kasing napakatibay
mo. Grabe ang iyong paninindigan. Lahat ng hirap siguro sa buhay ay pasan mo
na, pisikal, mga mahihirap na trabaho, dagdagan pa sa emosyonal sa pagkawala ng
mga magulang mo ngunit heto ka, mas matatag pa kaysa akin.”
“Siguro dahil naniwala
lang ako na kahit ano man ang kalagayan ng isang tao kung matuto lang siyang
makuntento, magiging masaya pa rin siya. Ang iba kasing tao ay tinitingnan ang
iba bilang basehan nila ng kaligayahan. Iyong kung ano ang mayroon sa iba,
gusto rin nilang magkaroon. Iyan ang simula ng inggit, at diskuntento. Kasi,
kapag mayroon na sila ng kung ano ang nasa iba, malulungkot na naman sila kapag
may bago na naman silang nakikita sa iba na wala sila. Walang katapusan… Kaya
malungkot ang ganitong klaseng tao dahil araw-araw ay may makikita talaga
siyang mga bagay na nasa iba ngunit wala siya.”
Tahimik.
“Sa pag-ibig naman. Ano
ang pananaw mo rito?” Inilihis ko ang usapan.
Bigla siyang tumawa. “Aha!
Bigo ka sa pag-ibig ano?” ang sambit niya.
Napangiti na rin ako.
Tumango. “Pinagtaksilan.” Ang sambit ko.
“Sabi ko na nga ba eh!
Sabi ko na nga ba eh!” ang sigaw niyang tila tuwang-tuwa na natumbok niya.
“Tuwang-tuwa ka pa!” ang
pag react ko.
“Sorry naman! May mga
kaibigan kasi akong ganyan. Halos magpakamatay na lang. Ikaw ba ganoon din?”
“Oo. Pero sa kaso ko,
ako naman ang gustong pumatay. Kaya nga napunta ako rito dahil ayoko na, baka
mapatay ko pa sila. Puro plastik ang mga tao sa siyudad…”
“Ang hirap pala talagang
umibig.” Ang sambit niya.
“Ikaw paano umibig ang
isang Jeyrick?”
“Hmmm. Hindi ko alam.
Pero siguro, kusa na lang darating iyan. At kapag dumating iyan, siguro…
paninidigan ko siya, hindi ko siya pakakawalan pa. Aalagaan ko siya.”
“Sweet naman.” Ang sagot
ko. “Eh, paano naman kung ipinagpalit ka sa iyong kaibigan?” ang dugtong kong
tanong.
“Ah, diyan na ako
papatay ng tao.” Sabay tawa.
“Niloloko mo yata ako
eh!” ang sambit ko.
“Joke lang. E di
pabayaan sila. Ano ba ang magagawa ko. Sabi mo nga pwede namang mambiktima ang
dimples ko. E, di maghanap ng bibiktimahin.” Ang biro niya. At talagang parang
sobrang close na namin na hindi na talaga siya nahihiya pa sa pagbibiro ng
kagaya ng ganyan.
“Wow naman... yabang!”
ang sagot ko pa rin. “Eh, paano naman kung lalaki ang iibig sa iyo? Paninidigan
mo rin ba siya? Hindi pakakawalan?” ang dugtogn kong tanong. Hindi ko rin alam
kung bakit ko naitanong iyon.
Bigla siyang nahinto.
Tila nagulat sa hindi inaasahang tanong. “Seyoso???” ang sagot niya ang kilay
ay tumaas pa.
Bigla rin akong
nakaramdam ng hiya tanong kong iyon. “A, e... a-ang ibig kong sabihin, kung
sakali lang na lalaki pala ang ma-in love sa iyo, paninindigan mo pa rin ba
siya?”
“Eh, kapag iniibig ko
talaga siya, bakit hindi? Sabi nga nila hindi mo raw maipaliwanag kung bakit
umibig ka sa isang tao eh, o kahit sa isang bagay. Kagaya halimbawa ng mahal mo
ang sasakyan mo. Puwede ko bang tanungin ang dahilan kung bakit mahal mo ang
sasakyan mo? O kahit aso o pusa. May nagsabi na ba ng dahilan kung bakit mahal
nila ang mga pusa o aso nila?
“Tange. Di ka naman
pedeng makipag sex sa kotse o aso, di ba?”
“Ganoon din iyon. Bakit
puede ka namang magmahal na walang sex di ba?”
“Ang hirap kaya…” ang
sagot ko sabay tawa.
“Manyak!” ang sigaw niya
sabay din bitiw ng malutong na tawa.
Pareho kaming
nagtawanan. Sa mga hypothetical na tanong at sagot na iyon.
“So panindigan mo talaga
kung may lalaking iibig sa iyo?” ang pag-ulit ko sa tanong.
“Eh.. oo naman. Basta
umiibig din ako sa kanya.” ang sagot niya.
Natapos ang aming
kuwentuhan ng natapos din kaming kumain. Pinakain niya ang tuta naming si
Harjeyat maaya-maya ay nagtungo siya sa banyo. “Gusto mo bang maligo Sir, er...
Harold? Puwede ka nang maligo. Halos 24 hours na kasi mula nang hilutin kita
eh.”
“P-puwede ba?”
“Oo… mag-init lang ako
ng tubig at pagkatapos ay lagyan natin ng tubig itong bath tub mo para
maligamgam ang maipaligo mo.”
“B-baka naman nakakahiya
sa iyo?”
“Ito naman… kahit nga
magpaalipin pa ako sa iyo, okay lang sa akin. Kulang pa iyan.” Ang sagot niya
at tinumbok ang gas range, kumuha ng tubig at inilagay iyon sa kaldero. Habang
nag-init siya ng tubig, naglagay naman siya ng tubig sa bath tub ko. Nagpagawa
din kasi ako ng bathtub sa maliit kong banyo. Nakakatipid kasi ng tubig kapag
bathtub dahil iyon din ang ginagamit ko sa pag-flush ng kubeta.
“Kaunti na lang pala ang
tubig mo. Bababa muna ako at mag-igib ng tubig sa gripo namin.” Ang sambit
niya. Naalala ko palang kaunti na lang ang tubig na naimbak ko.
Dali-dali siyang bumaba.
Nang nakabalik na siya ay dala-dala na niya ang balde na may lamang tubig.
Pinatay na rin ang kalan na pinag-initan ng tubig at ibinuhos iyon sa bath tub.
Bumaba uli siya upang
mag-igib ng tubig. Nakatatlong balik din siya. Hindi niya pinuno ang batch tub
dahil naawa na ako sa kanya. Tinulungan niya akong maghubad ng t-shirt atsaka
pantalon, kasama na ang brief. Nakakailang na hayun, hubo’t-hubad ako sa harap
ng isang lalaking hindi ko mawari kung bakit kinikilig ako. Ngunit wala na
akong pakialam. Basta, sa isip ko ay nag-enjoy ako.
Nang nasa loob na ako ng
bath tub. Siya pa rin ang nagpaligo sa akin. Dapat kasing hindi mabasa ang
aking pilay at bali kaya ang isang paa ko ay naka patong sa gilid ng bath tub.
Ganoon din ang apektado kong siko. Kaya mahirap talaga kung ako lang mag-isa
ang maliligo. Nagmistula akong isang handicap na matandang inalalayan ng
paliligo ng isang nurse. Habang nalatag ang aking katawan sa bath tub at
sinabon niya ang aking katawan, hindi ko naman mapigilan ang hindi mabitiwan
ang isang malalim na buntong hininga.
“Ang lalim naman ng
buntong-hininga na iyon. B-bakit?” ang tanong niya.
“Wala… naisip ko lang.
Napakabait mo pala. Nagsisi ako kung bakit kita nasuntok kita ng ganoon noong
una nating pagkikita sa palengke. Naduguan pa kita sa bibig no? Pasensya ka na
sa akin ah.”
Natawa naman siya. “Oo
nga. Nagliliyab ang mga mata mo sa galit. Tingin ko nga sa iyo noon ay demonyo.
Nang nasapak mo ang mukha ko, nakita ko ang mga sungay sa ulo mo.” Ang biro
niya.
“Gusto mo sapakin kita
uli?” ang biro ko.
“Kung kaya mo lang ha.”
Ang sagot din niyan biro.
“Sorry talaga.” Ang
seryoso kong sabi.
“Wala iyon. Kasalanan ko
rin naman kasi. Tatanga-tanga ako.” Ang seryoso rin niyang sagot.
“Mainitin lang talaga
ang ulo ko eh…”
“Pansin ko nga. Kaya,
takot din ako sa iyo eh. Ngayon lang ako nakikipagbiruan sa iyo. Mabait ka
naman pala.”
“kaya pala dinalhan mo
ako ng pasalubong. Pampalubag-loob”
“Hindi naman. Sadyang
sweet lang talaga kaming mga Igorot.” Ang biro niya. “Pero parang ganoon na rin
iyon. Gusto kong magpa-impress sa iyo.” Sabay naman bitiw sa kanyang pamatay na
ngiti, iyong may pagka pilyo.
Tila lumutang naman ako
sa ulap sa sinabi niyang iyon. At ang naisagot ko na lang ay, “Pilyo ka pala
talaga.” Sabay hagis ng tubig sa kanyang katawan.
“Argggghhh! Salbahe!”
ang sambit niyang tumawa pa.
At hinagisan ko pa uli
siya ng tubig. May tatlong beses ko siyang hinagisan. Basang basa siya. Ngunit
imbes na magalit, patuloy lang siya sa pagtatawa. Iyon bang nakilaro rin.
Ngunit hindi ako tumawa.
Seryosong nakatitig lang ako sa kanya. Paano, nabighani kasi ako habang
tiningnan siyang nabasa at tumatawa pa rin imbes na magalit. Sobrang cute ng
kanyang postura at reaction. Dagdagan pa sa kanyang malutong na tawa.
Nakakaengganyo talaga. Parang may kakaiba akong naramdaman.
Nahinto siya nang
napansin niya ang aking pagtitig. “B-bakit?” ang tanong niyang halatang
nagtataka.
“Maligo ka na rin kasi.
Sabay tayo rito. Basa ka na eh. Halika…” ang sambit ko.
“Diyan?” Turo niya sa
bath tub na halatang nagulat sa aking iminungkahe.
“Oo.” Ang sagot ko.
“Eh… isang tao lang ang
kasya riyan eh. Atsaka iyang bali at pilay mo ay baka mabasa kung dalawa tayo
riyan.” Ang seryoso niyang tanong.
“Sa ilalim ka naman eh,
ako ang nasa taas para hindi mabasa ang pilay ko…” ang sagot ko.
“Eh…” ang sagot niya na
parang nagdadalawang-isip.
“Sige na… pareho naman
tayong lalaki eh. Walang malisya.”
At nakita ko na hinila
niya ang kanyang ti-shirt hanggang sa matanggal iyon sa kanyang katawan. Ang
sunod naman niyang tinanggal ay ang kanyang maong at isinunod ang kanyang
brief. Wala siyang kiyeme na ginawa iyon sa aking harapan.
Damang-dama ko ang bilis
na kalampag ng aking puso. Parang hindi ako makahinga sa matinding excitement.
Para akong natuyuan ng laway habang pinagmasdan ang kabuuan ng kanyang katawan.
Iyon ang pinakauna kong pagkakita ng katawan ng isang Igorot. Proportioned ang
laki ng braso at hita sa kanyang gitnang katawan. May porma rin ang kanyang
dibdib bagamat hindi kalakihan ngunit parang sa isang modelo, Ang kanyang tiyan
naman, bagamat hindi iyong may mala-pandesal na hugis, ay walang kataba-taba at
bakat pa rin ang tinatawag nilang oblique muscles. At ang nakalambitin sa gitna
ng kanyang hita ay may ipinagmamalaki! Mahaba at may katabaan. Sa pagkakita ko
pa lang noon, naramdaman ko ang init na gumapang sa aking buong katawan.
Naramdaman ko ang kakaibang kiliti. At naramdaman ko na lang ang pagtigas ng
aking pagkalalaki na nasa sa ilalimng tubig.
Dali-dali siyang pumuwesto
sa bath tub. At dahil sa ilalim siya dapat tumihaya, pinilit ko ang aking
sariling tumagilid upang bigyang daan siya at maisingit niya ang kanyang
katawan doon. Hinawakan din niya ang aking katawan upang makuha ang tamang
puwesto na hindi mabasa ang aking bali at pilay habang abala siya sa pag-singit
ng kanyang katawan sa bath tub.
Nang nakapuwesto na siya
sa ilalim at nakapatong na ako sa kanyang katawan, inilingkis niya ang isa
niyang kamay sa aking katawan at pagkatapos ay hinaplos-haplos niya ang aking
dibdib. Sobrang sarap ng aking naramdaman. Napabulong ako ng “Shiiittttt!” sa
aking sarili.
Ngunit doon ako mas
naturete pa nang mula sa aking likuran ay naramdaman kong tumigas ang kanyang
pagkalalaki at bumubundol-bundol iyon sa aking likuran!
Dahil sa doon ay
napalingon ako sa kanya. Nang nagpangabot naman ang aming mga mukha, doon na
nagsimula ang lahat. Simbilis ng kidlat na nag-lock ang aming mga labi, kasabay
sa paghagod ng kanyang kamay mula sa aking dibdib patungo sa aking tigas na tigas
na pagkalalaki…
OMG. Ang Sarap basahin. Please, please. Update na ka agad sir.Nabibitin kami. Thanks.
ReplyDeleteAng sarap nman nito. Haha
ReplyDelete-44