By Michael Juha
Email: getmybox@hotmail. com
FB: getmybox@yahoo. com
Disclaimer:
Ang kuwentong ito ay
pawang kathang-isip lamang bagamat "inspired" sa internet
sensation na si Carrot Man. Hindi po ito ang totoong kuwento ng buhay niya.
At hindi po intensyon ng may-akda na saktan ang damdamin ng mga taong
maaaring maapektuhan sa kuwentong ito. Ang litrato na ginamit dito ay hindi po pag-aari
ng may-akda. Credit to the real owner, Ms. Edwina Bandong.
******************************
Sa pagkakataong iyon ay
pinakawalan namin ang bugso ng aming damdamin, ang nakakalitong pagpaparaya
namin sa kakaibang init ng aming katawan na dapat sana ay sa babae lamang namin
naipapadama.
Hindi ko lubos
maintindihan ang aking sarili sa nangyari. Hindi ko alam kung bakit naramdaman
ko ang ganoong klaseng pagnanasa sa kanya sa kabila ng isa siyang lalaki.
Masakit ang aking bali at pilay sa aming ginawang pagtatalik ngunit bale wala
iyon sa sarap na dulot ng aming ginawa.
Nang mahimasmasan na ay
kinarga na niya ako patungo sa kama at inilatag doon. Kinuha naman niya ang
tuwalya at pinunasan niya ang aking katawan. Nang matapos ay humiga siya sa
tabi ko. Tumagilid siya at inilingkis ang kanyang braso sa aking dibdib. “A-ako
ba ang unang nakapasok sa iyo?” ang tanong niya.”
“Oo. At ikaw rin ang
unang lalaking nakatalik ko.” Ang sagot ko.
“Ang suwerte ko pala.
Ikaw rin ang pinakauna kong nakatalik sa buong buhay ko at ako rin pala ang
nakauna sa iyo…”
Hindi ako sumagot. Tila
may kaunting inis kasi akong naramdaman sa aking sarili kung bakit ako
nagpaubaya, kung bakit nagawa ko ang ganoon samantalang ang tingin ko sa sarili
ay hindi naman ako bakla.
Iginapang niya ang
kanyang kamay sa aking palad ay iginuri-guri ang kanyang daliri sa gitna ng
aking palad. “Hindi kita malilimutan, Harold…”
Nilingon ko siya at
binitiwan ang isang matipid na ngiti. “Ako rin…” ang sagot ko.
Nakatulog kami ng
mahimbing na nagtabi sa aking kama. Hating-gabi nang maalimpungatan kong
hinahalikan muli ni Jeyrick ang aking mga labi. Ginantihan ko rin iyong na
mainit na halik. Muli naming pinagsaluhan ang tamis ng aming pagnanasa sa
isa’t-isa. Sa gabing iyon ay tatlong beses naming pinaalpas ang aming
nag-uumapaw na init ng aming katawan.
Simula noon ay naging
ganoon na ang routine namin. Siya ang nagluluto para sa akin, bumibili ng mga
gamit at kunsumo namin kasama ng mga kunsomo ng mga kapatid niya, pinapaliguan
niya ako, siya ang naglalaba sa mga labahin ko, siya ang naglilinis ng bahay,
at sinasamahan ako sa gabi sa pagtulog. Sa araw naman ay naroon siya sa carrot
farm para ituloy ang pag-harvest. Para kaming mag-asawa talaga. Ang kaibahan
lang ay wala kaming inaamin na kami na nga. At lalo na, walang kasal. Pero
sapat na sa akin ang ganoon. Iyon na ang pinakamasayang bahagi ng buhay ko.
Tila iyon na yata ang aking hinahanap-hanap na kulang sa aking buhay.
Isang linggo pagkatapos
noon ay nakakalakad na ako, bagamat gamit ang crutches. Bumababa na ako sa
taniman ng carrots. “Doon ka lang sa bahay… Ayan madumihan ka na, baka mabinat
ka pa.” ang sambit sa akin ni Jeyrick nang naroon na ako sa carrot farm sa tabi
niya.
“Ok lang sa akin ang
madumihan. Gusto ko iyan. At hindi ako mabibinat dahil alam kong pagaling na
ako…”
“Tigas naman ng ulo eh.
Ayaw kong madumihan ka. Ayaw kong mapagod ka…” Ang sambit niya, iyon bang kahit
nainis pero naglalambing pa rin ang boses.
“Hayaan mo na ako. Gusto
kong tumulong eh. Gusto kong tingnan ka habang nagtatrabaho.”
Napangiti naman siya.
Ewan pero feeling ko ay kinilig siya. Iba kasi ang kanyang ngiti nang sinabi ko
iyon. At tila naging conscious siya sa kanyang kilos. “Talaga?” ang sagot niya.
“Oo… naman!” ang sagot
ko rin.
“Sige… ikaw ang bahala.
Pero kapag napagod ka na, sabihin mo lang. Ihahatid kita sa bahay.”
“Ok po.”
Kaya iyon, kahit
nahirapan, pinilit kong tumulong, bagamat halos wala rin naman akong
naitutulong talaga dahil nga nahirapan akong yumuko. At lalo pa tuloy tumagal
ang trabaho niya dahil ayaw niyang umalis sa aking tabi dahil baka raw matumba
ako, o masaktan. Kaya ang ginawa ko ay sinabi ko na lang sa kanya na ayaw ko
na.
“Ok… ihatid na kita
pabalik.” Ang sabi niya. Ang buong akala ko ay alalayan lang niya ako. Ngunit
kinarga pa talaga niya ako sa kanyang mga bisig.
“Jeyrick! Ibaba mo ako!”
ang sambit ko, kunyari ay nagulat at hindi nagustuhan ang kanyang ginawa.
Narinig ko naman ang
kanyang mga kapatid na nagtawanan.
“Para mas mabilis at
hindi ka pa mahirapang maglakad.” Ang sagot din niya.
Wala na akong nagawa
kundi ang hayaan siya sa pagkarga sa akin. Hangggang sa loob ng bahay. Nang
nasa loob na kami, ibinaba niya ako sa mismong kama. “Ang kulit mo kasi… Sabi
ko na ngang huwag magpunta sa taniman eh.”
“Eh, gusto kitang makita
habang nagtatrabaho eh.” Ang sagot ko.
“Hug na nga lang.” ang
sabi niya sabay sa pag-unat niya sa kanyang mga bisig. Ibinuka ko rin ang aking
mga bisig. Doon na siya sumampa sa kama at nagyakapan kami, hanggang sa nauwi
ito sa paghahalikan... at pagtatalik.
Nang matapos kami, may
nabitiwan akong salita. Tinitigan ko siya, gusto kong namnamin ang kanyang
reaksyon sa aking sasabihin. “Maysasabihin ako sa iyo.” Ang sambit ko.
“Ano iyon?” ang tanong
niya.
“Promise, hindi ka
magagalit.” Ang biro ko.
“Promise. Kahit paalisin
mo na kami bukas, hindi ako magaglit.”
Mistula naman akong
sinipa sa sagot niyang iyon. “Ano ka ba, hindi iyan! Kainis naman.” Ang
pagmamaktol ko pa.
“Eh, ano pa ang ang
puwede kong ikagalit. Wala naman, di ba? Lahat basta galing sa iyo ay
ipinagpasalamat ko. Kaya wala akong puwedeng ikakagalit sa iyo. Promise. Kaya,
ano iyan?”
Mistula namang maiyak
ako sa sinabi niyang iyon. “Okay. Heto, hindi ko na itutuloy pa ang pagdevelop
nitong lupa para sa resort. Papayag na ako na tataniman na lang natin ito ng
carrots o kahit anong gulay na maaari nating itanim dito.”
Kitang-kita ko sa
kanyang mga mata ang matinding kasiyahan. Bumalikwas pa siya sa higaan at
nagtalon-talon sa sahig, nagsisigaw ng “Yeheeeeeyyyy! Yeheeeyyyyyy!!!” atsaka
hinahalik-halikan ako sa bibig. Sobrang saya niya sa pagkakataong iyon. Bago
siya lumabas ng kuwarto ay niyakap pa niya ako, hinalikan sa bibig at
nagpasalamat. Dinig ko pa ang pagsisigaw niya habang lumabas ng bahay, “Jeymar!
Mga kapatid!!! Hindi na tayo aalis dito sa taniman natin ng carrots! Tayo pa
rin ang magtatanim sabi ni Sir Harold ninyo!!!”
Dinig na dinig ko ang
hiyawan ng magkakapatid. Nang sinilip ko sila sa bintan, tanw ko ang kanilang
paglulundag at pagyayakapan. Tuwang-tuwa naman ako sa nakitang kaligayahan
nila. Noon ko lang naramdaman ang ganoong klaseng kaligayahan, iyong tuwa at
saya gawa nang may natulungan ka, iyong nakikita mismo sa iyong mga mata ang
saya ng taong natulungan mo.
Nang gabing iyon ay
nag-celebrate kami ni Jeyrick. Dinalhan niya ako ng tapey, Iyon daw ay Igorot
wine na gawa mula sa rice. Linggo kasi kinaumagahan at mag-day off daw muna
siya sa pagha-harvest ng carrots. Natuwa naman ako dahil araw-araw, palagi na
lang silang nagtatrabaho.
Kaya nag-inuman kami,
kasama si Jeymar. Ang kanyang mga mas batang mga kapatid ay naki-nuod naman ng
TV sa aking bahay habang kumakain ng sitserya. Walang mapagsidlan ang aming
kasiyahan sa gabing iyon.
Kinabukasan, may
dumating kaming bisita. Maga-alas 9 na iyon ng umaga. Masakit pa ang aking ulo
sa hangover ngunit pinilit kong gumising. Si Jeyrick ay nauna nang nagising at
kasalukuyang naghanda ng aming almusal.
Medyo nagulat kami nang
makita ang bisita naming iyon. Ang mayor ng munisipyo. Pinapasok namin sa aming
bahay ang mayor. “Dumalaw ako upang sabihin sa iyo na natapos na ang drawing at
planong hotel resort na pinapagawa natin sa municipal engineer at architect.
May limang palapag ito, may lapad na isang ektarya ang area kasama na ang pools
at botanical gardens. Iyong remaining na bahagi ng lupa ay gagawin nating
parang conservation area, may zoo, at iba’t-ibang klase at exotic na mga kahoy
at hayop. Mahigit sa 500 million ang budget nito.” Ang sabi ng mayor na
tuwang-tuwa sa pagpresenta ng report niya sa akin.
“G-ganoon po ba?”
“Ganoon nga Harol. Kapag
natapos itong project natin, magiging sikat na itong aming munisipyo, aangat
ang turismo at maraming taong magkaroon ng trabaho. Lahat ng mga tao rito sa
constituents ko ay matutulungan ng proyektong ito, lalo na ang mga mahihirap at
walang trabaho…” ang dugtong niya. “Utang naming lahat ito sa iyo.”
Napatingin ako kay
Jeyrick. “Napatingin din siya sa akin sabay yuko. Kitang-kita ko sa kanyang mga
mata ang pangamba at lungkot.”
Ibinaling kong muli ang
aking paningin sa mayor. “S-sorry po, Mayor. P-pero nakapagdesisyon na po ako
na huwag na lang siyang ituloy.” Ang sambit ko.
Kitang-kita ko naman ang
pagkagulat ng mayor. “Sandali. Itong project ba na hotel/resot ang iyong
tinutukoy?”
Tumango ako.
“B-bakit naman? Di ba
ironed-out na ang lahat ng detailye nito? And I thought na sinabi mong may mga
investors na rito na kaibigan ng papa mo?” ang tanong niya.
“P-pasensya na po talaga
Sir. Hindi ko na po ituloy ang project. Babayaran ko na lang po ang labor sa
pagplano ninyo.” ang sambit ko.
Wala nang nagawa ang
mayor kundi ang umalis na may sama ng loob. Ngunit malungkot man siya, wala
akong magagawa kundi ang sundin ang nabuo ko nang desisyon.
Pinanidigan ko naman ang
aking desisyon. Simula noon ay lalo pang naging close kami ni Jeyrick at
kanyang mga kapatid. Nang tuluyan nang gumaling ang aking pilay at bali, para
kaming tunay na mga magulang ng kanyang mga kapatid, at si Jeymar ang aming
panganay. Ramdam ko ang pagmamahal nila sa akin. Isang bahagi ng kanilang
pamilya na talaga ang turing nila sa akin.
Pati si Jeymar ay alam
na may kakaiba sa amin ng kuya niya. Ngunit ramdam kong tanggap niya ito dahil
minsan ay niloloko pa niya ang kuya niya kagaya ng isang beses na naghaharutan
kami sa aking bahay. “Kuya Harold, alam mo bang ngayon lang namin nakita si
Kuya Jeyrick na sobrang saya, at sobrang kinikilig!”
Tapos deny kunyari si
Jeyrick at sinagot ang kapatid ng, “Kinilig ka jan. Anong kinilig? Palagi naman
akong masaya ah! At bakit naman ako kikiligin?”
Sinagot naman ni Jeymar
ng, “Kinikilig ka dahil may nagmahal.”
Tapos magtatawanan na
silang magkakapatid habang ako naman ay pinipigilan ang tawa na nakatingin kay
Jeyrick, ninamnam ang kanyang reaksyon sa mga biro ng mga kapatid.
Mayroon ding isang beses
na nagkausap kami ni Jeymar, tinanong ko siya kung ano ba talaga ang alam niya
sa amin ng kuya niya. “Eh… n-nakit ako kayo isang beses eh sa loob ng bahay
ninyo na nagyakapan kayo, naghalikan habang nakahiga sa kama. S-sorry po, di ko
naman sinadya. Tinatawag ko kasi ang kuya ko nang oras na iyon at hindi siya
sumagot. Kaya pinuntahan ko sa bahay ninyo po. Iyon... nakita ko po kayo sa
guwang ng pinto…”
“H-hindi ka naman
nagalit sa nakita mo?”
“Hindi naman po. Masaya
nga ako dahil noon ko nalaman na iyon marahil ang dahilan kung bakit palaging
masaya si kuya Jeyrick eh. Mabait din naman po kayo.” Ang sambit ni Jeymar.
“Simula nga nang namatay ang mga magulang namin, tila nawalan na ng sigla ang
kuya Jeyrick. Ni pakikinig ng music ay hindi na niya ginagawa. Lalo na ang
pagkanta. Nang buhay pa ang aming mga magulang kasi, kapag nagkasiyahan at
nagba-bonding kaming pamilya, palagi kaming nagkakantahan. Ngunit nang pumanaw
ang mga magulang namin, hindi ko na narinig na kumanta pa si Kuya Jeyrick. Puro
trabaho na lang ang inaatupag niya. May ukelele nga siya na palagi niyang
ginagamit eh. Ngunit simula nang dumating kayo, palagi ko na siyang naririnig
na kumakanta. At ang ukelele niya at palagi na ring nagagamit.” Ang dugtong pa
ni Jeymar.
Doon ako mas natuwa pa.
Para bang talagang wala nang hadlang pa sa amin ni Jeyrick. At totoo ang sinabi
ni Jeymar. Kahit hindi maganda ang boses ni Jeyrick, mahilig siyang kumanta. At
palagi niya akong kinakantahan habang nagyu-ukelele siya. Kapag alam niyang
mataas na ang nota at na sintonado na siya, magtatawa na iyan. At doon na ako
tatawa rin. Naku-kyutan kasi ako sa kanya na kahit alam niyang wala na siya sa
tono ay kanta pa rin nang kanta. Napaka-masayahin niya. At iyong dimples kapag
bumakat na sa pisngi niya habang tumatawa, nahi-heaven ako.
Tungkol naman sa
sasakyan kong SUV na nalaglag sa bangin dahilan upang magkaroon ako ng pilay ay
bali ay napaayos ko na rin. Tinuruan ko si Jeyrick na magmaneho, pati na rin si
Jeymar.
Ang saya-saya ng aming
pagsasama. Tila wala na akong mahihiling pa sa buhay. Dahil dito ay naisipan
kong gawing official ang aming relasyon ni Jeyrick. Sosorpresahin ko siya ng
mga balloons at at mga pagkain. At sa pinakailalim ng cake, may isang
naka-plastic na papel na ang nakasulat ay isang tanong, “Jeyrick, mahal kita...
Mahal mo rin ba ako? –Harold.” Siya ang pababasahin ko. At siya na rin ang
sasagot.
Pagkatapos, mag-inuman
kami, magkantahan bilang selebrasyon sa aming pagiging official na mag-syota.
Dumating nga ang araw na
iyon. Nakaplano sa pananghalian namin. Nagtaka sila kung bakit napakaraming
pagkain ang ipinahanda ko. May inorder pang masasarap na pagkain. At... may
cake. Sinagot ko na lang na may mahalagang okasyon na sasabihin ko lang kapag
tapos na kaming kumain.
Nasa gitna na kami ng
kasiyahan noon. Tapos na kaming kumain at sinimulan na naming kainin ang cake.
Nang naubos na ito at excited na sana akong sabihin sa kanya na may papael na
may sulat na naka-plastic sa ilalim ng cake biglang dumating naman ang isang
bisita.
Ang aking papa. Galit na
galit, hindi man lang ako nakapag-introduce sa kanya nina Jeyrick at mga
kapatid niya. At nasaksihan nilang lahat ang mga sinabi ng aking ama. “Ano
itong nabalitaan ko mula kay mayor na nakapagdesisyon ka na raw na huwag ituloy
ang project? At bakit hindi mo ako kinunsulta bago ka magdesisyon?” ang sigaw
niya.
“Pa… sorry! Sasabihin ko
naman talaga sa iyo eh.”
“Sasabihin mo sa akin? Pagkatapos
mong sabihin sa mayor na hindi na matuloy? Ano to, gaguhan?! Hindi ganyan ang
gawain ng taong matinong kausap Harold! Thats’ very unprofessional!”
“S-sorry pa. Pero
nakapagdesisyon na ako. Gusto kong dito na manirahan at gawin kong farming land
itong ating lupa.”
Mas lalo pang tumaas ang
boses ng aking ama. “Nababaliw ka na ba?!!! Alam mong nakapag-kumpromiso na ako
sa mga kumpare kong investors at nag-agree na kami sa project, at heto ngayon,
magdesisyon ka ng sarili mo? Ano ang mukhang ihaharap ko sa kanila? Paano pa
nila ako paniniwalaan sa susunod na proyekyto? Naisip mo ba iyan? In the first
place, hindi ako ang nagmungkahe nito. Ikaw. Nang ok na ang lahat, sabi mo na
decided ka na, need mo ng capital. I delivered. At ngayon, bigla ka na lang
aatras? Anong klaseng tao ka? Where is your responsibility? Where is your word
of honor? Wala kang paninidigan? Pati ang mayor na, for your information ay
second degree cousin ko pala, at Tito mo, ay mapapahiya tayo? Ano ka ba?”
Nagulat din ako sa nalaman
na iyon. Matagal na kasing lumisan ang aming mga magulang doon kung kaya ay
hindi na namin kilala pa ang iba naming kamag-anak sa lugar na iyon. “Eh… iyan
po ang napagdesisyunan ko pa eh.” Ang sagot ko na lang.
“And for what stupid
reason?”
“Farming pa… ayaw kong
masira ang kalikasan dito. Ayaw kong magkaroon ng maraming taong magdala ng
dumi, ingay at pollution sa lugar na ito. Kaya nga po ako umalis sa atin dahil
ayaw ko ng mga ganoon pa. Ayaw kong masira ang lugar ng Bauko...”
“Tanga ka ba? This project
will help people sa lugar na ito! Aangat ang kanilang pamumuhay, dadami ang
turista rito, magkaroon ng trabaho ang mga kababayan natin. Dito ang roots
natin. It’s our way of giving back to this place na matagal na nating
tinalikuran! Hindi mo ba naisip iyan?”
“Pa… mas importante pa
rin para sa akin ang simpleng pamumuhay. Respetuhin natin ang kultura ng mga
Igorot! Ang kanilang pag-alaga sa kalikasan. Mahal nila ang kalikasan. Ayaw
nilang masira ito. Ayaw nilang isakripisyo ang kanilang kalikasan para lamang
sa silaw ng pera at trabaho.”
“No-no-no-no-no! It’s a
big NOOOOOOO!” ang sigaw niya. “Hindi ako papayag na hindi matuloy ang project.
And if you are not with me with this, better leave this place, Harold, dahil
kung magmatigas ka, tatanggalin ko ang lahat ng mga access mo sa pera, sa
credit cards, at itakwil kita bilang anak.Wala kang mamanahin sa akin! Hindi
ito ang pinakunang pagkakataong nagmatigas ka. I’m fed up! I’m done with you!
Wala ka nang ginawa kundi sakit sa ulo! Kailan mo ba kami bigyan ng kasiyahan
ng mama mo? Kahit ito na lang Harold... Kahit ito ito na lang!!! Kapag nagawa
mo itong project na ito, hahayaan kita kung ano man ang gustong gawin mo sa
buhay mo. Hindi kita pakikialaman, hindi ako hahadlang sa kung ano man ang
gusto mo! ITO LANGGGG!!!” ang bulyaw niya.
Nang mabaling ang
kanyang paningin kay Jeyrick, binulyawan din siya. “Ikaw ba ang nakinabang sa
lupain ko nang walang paalam?”
“O-opo, S-sir…” ang
nanginging na sagot ni Jeyrick. Nahiya at naawa ako sa kanya. Pati siya na
inosente ay nadamay pa.
“Kung ayaw mong
sasampahan kita ng kaso, hijo at ipakulong pa, alam mo na ang gagawin mo!
Naintindihan mo?!!!” ang bulyaw uli ng aking ama na tila nanlilisik ang mga
mata sabay walk out.
Maya-maya lang ay
narinig na namin ang malakas na ingay ng kanyang sasakyan na pinaharurot.
Doon na ako nawalan ng
ganang ituloy pa ang aking balak na ilabas ang tanong ko kay Jeyrick mula sa
ilalim ng cake kung mahal ba niya ako. Actually, nalimutan ko na rin iyon. Ang
bumabagabag ng aking isip sa puntong iyon ay ang banta ng aking ama. Kilala ko
ang aking ama. Alam kong totohanin niya ang kanyang sinabi.
Iyon na ang simula ng
aking kalbaryo. Kasi kung tanggalan ako ng access sa aking mga bank accounts at
palalayasin pa kami sa carrot farm, paano na lang kami mabubuhay ni Jeyrick at
mga kapatid niya?
“Okay lang iyan,
Harold…” ang sambit ni Jeyrick nang nakitang nakayuko na lang ako at malungkot
na nag-isip. “Tama ang papa mo, dapat ay ituloy mo ang pagdevelop sa lupa na
ito. Dapat ay sundin mo ang gusto niya. Papa mo siya, may karapatan siya sa
iyo.” Ang sambit niya.
“Paano ka? Paano kayo ng
mga kapatid mo?”
Binitiwan niya ang isang
matipid nga ngiti. “Huwag mong kalimutan na sanay kami sa hirap, Harold. Iyan
ang kagandahan sa amin. Kahit saan kami itapon ng tadhana, mabubuhay at
mabubuhay kami. Ang buhay naming mahihirap ay maihalintulad sa isang damo.
Kahit saang sulok mapadpad, kahit sa gitna ng bagsik kalikasan, kahit
tinapak-tapakan pa ng ibang tao at kinakain ng mga hayop, patuloy pa ring
naming pinapahalagahan ang buhay. Hindi kami susmusuko. Nananatili kaming
matatag at hindi natitinag sa kahit anong dagok at pagsubok ng buhay.” Ang
sambit niya.
Napatitig ako sa kanya
sa sinabi niyang iyon. Napakagandang mensahe para sa aming mga nakaranas ng
pagiging spoiled, sa mga taong medaling sumuko sa mga maliliit na problema sa
buhay. “Hindi. Hindi mangyayari iyan, Jeyrick. Hindi ako papayag na magkalayo
tayo. Ituloy pa rin natin ang pagbunkal sa lupa at pagtatanim ng carrots.” Ang
nasabi ko na lang.
Hindi na umimik si
Jeyrick. Niligpit niya an mesa at hinugasan ang mga plato. Pagkatapos ay parang
wala lang na kinuha ang kanyang ukelele at kinantahan ako, iyong “Paano Pa Kita
Malilimutan” na kanta ni Cinderella pero Igorot na version ang lyrics –
Minsan mo lang ako niyakap
Ngunit sa dibdib ko'y wala nang
hanap
Tamis at higpit ng 'yong
tanging yakap
Mga puso natin ay nagkausap
Paano pa kita malilimutan
Sa isip ko'y di ka maiwasan
Habang may init pa ang haring
araw
Ang init mo'y nasa 'kin pang katawan
Paano pa kita malilimutan
Sa isip ko'y di ka maiwasan
Habang may tinig pa akong
naririnig
Damdamin ko'y bulong ng 'yong
pag-ibig
Minsan mo lang ako niyakap
Ngunit sa dibdib ko'y wala nang
hanap
Tamis at higpit ng 'yong
tanging yakap
Mga puso natin ay nagkausap...
Mistulang nawala ang
aking lungkot sa pagkarinig sa kantang iyon ni Jeyrick. Narinig ko nang kinanta
niya iyon. Ang sabi niya ay paboritong kanta raw ito ng kanilang mga magulang
at iyon na rin daw ang paborito niya. Panandalian kong nalimutan ang aking
problema sa kanyang kanta. Ang nadama ko ay ang kilig dahil tila ba ramdam na
ramdam niya ang kanyang pagkanta. At ako naman, iniimagine na para sa akin
talaga ang mga mensahe ng katagang iniukit sa kanta.
Pagkatapos niyang
kumanta ay pinakanta ko pa siya uli. Sobrang nagustuhan ko kasi. Tumalima naman
siya. At sa bawat pagkanta niya ay ganoon pa rin, ramdam na ramdam niya ang
pagkanta na parang siya mismo ang nagbigay ng mensahe ng kanta.
Habang kumakanta si
Jeyrick, nag-inuman din kami, kasama si Jeyrick. Dahil sa kinikimkim kong
problema at sama ng loob ay ginanahan akong uminom. Napansin ito ni Jeyrick.
“Parang tubig lang sa iyo ang tapey ah!”
“Kaya ko naman eh.” Ang
sagot ko na lang.
“Huwag mo na lang kasing
isipin ang sinabi ng papa mo… Hayaan mo na lang.”
“Hindi ko naman talaga
ito iniisip ah.” Ang sagot ko na lang bagamat taliwas ito sa laman ng aking sa
isip kung saan ay bumabagabag ang maraming katanungan kung paano na lang kami
kapag natuloy ang project at maghiwalay kami ni Jeyrick. Ang sakit lang isipin.
“Talaga?” ang sagot
niya. “Basta, huwag mong problemahin iyan. Magiging okay din ang lahat.” Ang
dugtong niya.
Hindi na ako sumagot pa.
Hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang ibig niyang ipahiwatig sa kanyang
sinabing magiging okay ang lahat.
Hanggang umabot ng alas
6 ng gabi ay nag-inuman pa rin kami. latang-lata na ako at hilong-hilo. Ang
alam ko ay hindi na ako nakapaghapunan pa.
Kinabukasan, alas-9 na
nang akoy magising. Wala si Jeyrick sa aking tabi. Nang ibinaling ko ang aking
tingin sa mesa, nakahanda na ang pagkain. Tinakpang ang mga ito ng plato.
Pinilit kong tumayo
bagamat sobrang sakit pa ng aking ulo dahil sa hangover. Tinungo ko ang banyo.
Nang tiningnan ko ang drum na lagayan namin ng tubig, bagong igib ito at
talagang puno ng tubig. Mistulang walang gumamit. Naligo ako atsaka sinilip ang
bahay nina Jeyrick.
Tahimik ang bahay nina
Jeyrick. Walang katao-tao. Wala lang sa akin iyon dahil sa isip ko ay nasa
taniman lang silang magkakapatid. Ganoon naman talaga palagi sila kapag mga
ganoong oras. Ngunit laking gulat ko nang silipin ko ang taniman at wala ring
katao-tao roon! Doon na ako kinabahan. Dali-dali akong bumaba ng bahay upang
puntahan ang bahay nina Jeyrick.
“Jeyrick! Jeyrick!” ang
sigaw ko.
Walang sumagot.
“Jeymar! Jeymar!” ang
sigaw ko uli.
Wala ring sumagot.
Pati ang mga pangalan ng
bata ay natawag ko nang lahat. Wala pa ring sumagot. Ang ginawa ko ay
puwersahang binuksan ko ang bintana ng bahay nila at nang masira ko na ito,
pumasok ako.
Walang katao-tao sa
loob. Tiningnan ko rin ang kanilang mga cabinet kung naroon pa ba ang kanilang
mga damit. Wala na rin!
Dali-dali kong
pinuntahan ang dulo ng taniman ng carrots, nagbakasakali na baka naroon sila sa
pinakadulo na hindi ko na nakikita pa. Ngunit wala akong nakita ni anino nila
roon. “Jeyrickkkkkkkkkk!!! Jeyrickkkkkkkkk!!!” ang sigaw ko.
Ngunit walang Jeyrick na
sumagot. Nag-iisa na lang ako sa lugar na iyon.
Dali-dali kong tinumbok
ang aking sasakyan at binaybay ko ang kalsada patungo sa palengke. Sa daan ay
may tinanong ako kung nakita ba nila si Jeyrick at mga kapatid niya. Ngunit
wala ni isa sa kanila ang makapagsabi kung nasaan sila. Hanggang sa nakarating
ako sa terminal ng mga bus at jeep. Nagtanong-tanong din ako roon. Ngunit
walang ni isa mang tao na nakapagbigay sa akin ng kasagutan.
Wala na akong nagawa
kundi ang bumalik sa aking bahay. Mabigat ang aking kalooban na inihakbang ko
ang aking mga paa papasok sa loob ng aking bahay. Nang nasa loob na ako, naupo
ako sa aking kama. Habang tiningnan ko ang kanin na inihanda ni Jeyrick para sa
akin sa umagang iyon, hindi ko naman maiwasang hindi maluha. Naalala ko kasi si
Jeyrick. Ang kasiyahan namin sa kuwarotng iyon. Ang aming tawanan, harutan, at
ang mga nangyari sa amin. Ngunit sa pagkakataong iyon ay sobrang tahimik.
Nakakabaliw ang katahimikan na wala na ang taong nagpapasaya sa akin. At
naalimpungatan ko na lang ang aking sarili na humagulgol. “Hindi ako titigil
Jeyrick hanggang sa mahanap kita...” ang bulong ko sa sarili.
Nasa ganoon akong
pag-iyak nang may napansin akong papel na umusli sa ibabaw ng mesa na
pinatungan ng pinggan.
Dali-dali akong tumayo
at dinampot ang papel. Sulat ni Jeyrick! At sulat kamay niya. Dali-dali ko
itong binuklat at binasa.
“Dear Harold, una sa
lahat, gusto kong magpasalamat sa pagdating mo sa buhay ko, sa buhay namin.
Salamat din sa maiksing panahon na naging kaibigan ka namin at tinulungan mo
kami. Napakabait mo. Nagyon lang ako nagkaroon ng kaibigang mayaman na
napakabait. Higit sa lahat, salamat sa mga alaalang iniwan mo sa akin, iyong
mga alaalang sobrang nagpasaya sa akin, mga alaalang sa iyo ko lang naranasan
at naramdaman. Saan man ako magtungo, saan man ako mapadpad, saan man ako
dadalhin ng tadhana, hinding-hindi kita malilimutan. Pangako iyan.
Pasensya ka na rin kung
bakit ako umalis nang walang paalam. Ayaw kong pigilan mo kami dahil masakit
mang aminin, tama ang mga sinabi ng papa mo. Kapag nadevelop ang lupa ninyo,
mas maraming tao ang makinabang, maraming taong matutulungan, maraming tao ang
uunlad ang kanilang buhay dahil sa trabaho na maidudulot nito. Maliban d’yan,
aangat pati ang pamumuhay ng buong munisipyo. Ayokong maging hadlang sa
ikabubuti ng marami. Naintindihan ko ang lahat at wala akong sama ng loob sa
iyo o sa papa mo sa ginawa kong desisyon na ito. Kaya napagdesisyunan kong
aalis na lang. Ayaw kong mahirapan ka sa pagpili. At ayokong kami ang piliin mo
dahil hindi ito ang tama. Alam kong kapag ang project ang pipiliin mo, maging
maayos ang iyong buhay. Maging maayos ang relasyon ninyo ng iyong ama. Kaya mas
makabubuting kami na lang ang aalis.
Huwag kang mag-alala sa
amin. May natira pa naman akong kaunting pera doon sa mga nabenta naming
carrots. Kapag naubos naman ito, makahanap din kami ng paraan. Sa sinabi ko na
sa iyo, sanay kami sa hirap. Walang mawawala sa amin kung magsimula kaming muli.
Kahit saan saan kami mapadpad, mabubuhay kami.
May kaunting
panghihinayang lang ako. Aaminin kong nalungkot ako sa desisyon kong ito. Ang
bilis lang kasi ng lahat. Parang isang iglap lang ay naging magkaibigan tayo,
naging isang pamilya, at sa isang iglap lang din ay parang bulang nawawala ang
lahat. Gusto pa sana kitang mas makilala pa. Gusto pa sana kitang makasama pa.
Ngunit sadyang ganyan lang talaga. Minsan ay masakit magbiro ang tadhana.
Minsan ay may mga bagay na gustuhin man nating manatili sa buhay natin ngunit
dahil hindi sila nakalaan para sa atin, hahayaan natin silang lumayo, mawala.
Masakit tanggapin ngunit iyan ang katotohana. Aaminin ko na habang sinusulat ko
ito, umiiyak ako. Ngayon lang ako umiyak ng ganito.. Hindi ko alam kung ito ba
ay dahil hindi na kita makikita pang muli o dahil nagsisi ako kung bakit
ipinagtagpo pa tayo gayong maghihiwalay din lang naman. Kahapon lang sinabi ng
papa mo na ituloy ninyo ang project, at kagabi, umiiyak na ako. Habang himbing
ka, hindi ako makatulog, pinagmasdan ko ang mukha mo habang himbing na himbing.
Niyayakap kita, hinahalikan... ngunit hindi mo na ako naramdaman.
Kahapon ay kinantahan
din kita. Gusto kong umiyak habang kumanta ako sa paborito kong kanta, iyong
“Paano Pa Kita Malilimutan” sa tagalog. Ngunit pinigilan ko ang aking sarili
dahil ayaw kong ipakita sa iyo na nasaktan ako, dahil ramdam ko mensahe ng bawat kataga ng kanta...
para sa iyo. Sana, kagaya ng mensahe ng kanta, ay hindi mo rin ako malilimutan...
Huwag mo na akong sundan
pa Harold. Ayaw kong magdusa ka, ayaw kong maghirap din ako. Sa sinabi ko,
ituloy mo ang project mo. Isang araw, kapag nagtagumpay ka na, magiging proud
ang papa mo sa iyo, proud ang mga taga Bauko sa iyo. Kapag dumating ang araw na
iyan, dadalaw ako…
Hangad ko ang iyong
tagumpay, Harold.
Muli, maraming salamat
sa lahat. Ang iyong kaibigan.
-Jeyrick”
P.S.
Alagaan mo si Har-Jey.
Kapag ginawa mo iyon, para mo na ring inaalagaan ang ating maiksing pagsasama
at pagiging magkaibigan.”
(Itutuloy)
Napakagandang kwento. Sana mahaba pa tong kwento na to. Sana sa pagbalik ni jeyrick ay matuyuloy na ang kanilang naudlot na pagmamahalan.
ReplyDeleteAng sakit sa puso. Huhu. Grabe nman to.
ReplyDelete-44