By Michael Juha
Email: getmybox@hotmail. com
FB: getmybox@yahoo. com
Disclaimer:
Ang kuwentong ito ay
pawang kathang-isip lamang bagamat "inspired" sa internet
sensation na si Carrot Man. Hindi po ito ang totoong kuwento ng buhay niya.
At hindi po intensyon ng may-akda na saktan ang damdamin ng mga taong
maaaring maapektuhan sa kuwentong ito. Ang litrato na ginamit dito ay hindi po
pag-aari ng may-akda. Credit to the real owner, Ms. Edwina Bandong.
***
“Hindi ko maitago ang
aking pagkadismaya sa front desk personnel na nagbigay ng aking message para
kay Jeyrick. “Sana, Miss ay ibinalik mo na lang sa akin. You are not being
helpful!” and sambit ko sabay walk out.
Simula nang magkita
kaming muli ni Jeyrick ay nagti-text na siya sa akin kapag may time siya.
Kumustahan lang naman, minsan ay nagtatanong siya kung kumain na ako, kung
nakapagpahinga na ba. Iyon lang. Walang tanungan tungkol sa mga personal na
bagay. Ayaw ko na ring magtanong kasi natatakot akong baka may malalaman akong
masakit tungkol sa status nila ng ka love-team niya. Masakit iyon dahil may
nararamdaman pa ako para sa kanya.
DUMATING ang takdang
araw ng pagbukas at riboon-cutting ng hotel/resort namin. Matiwasay naman na
nairaos ang programa. Nagsimula ito ng alas-4 ng hapon. May variety show, may
kantahan, may pakilig sina Jeyrick at ka loveteam niya. May sayawan, may
modern, may Igorot songs and dances, may pa-raffle na hotel accommodation para
sa 25 ka kuwarto para sa free one-day and one-night stay para sa mga local
Igorot bilang pasasalamat sa kanila. Full-packed ang opening ng hotel na
dinayuhan pa ng mga dayuhang turista, mga residents ng Cordillera, mga at iba
pang karatig-probinsya dahil nga naroon si Jeyrick. Lalo na nang lumabas na si
Jeyrick at nagbigay ng speech, hindi magkamayaw ang mga Igorot sa kakapalakpak
sa kanya. Bagamat sa wika nila ipinahayag ni Jeyrick ang kanyang mensahe, may
translator naman na nagsabing ang mensahe raw ni Jeyrick sa kanila ay ang
pagiging masipag, mapagkumbaba, pagmamaal sa pamilya, pagmamahal sa kalikasan.
At dapat daw na magiging proud sila sa kanilang lahi, bilang mga Igorot.
Emosyonal din na ikinuwento ni Jeyrick kung paano siya lumaki sa lupang iyon,
sa hirap ng buhay nila, sa pagtatanim ng carrots na itinuro pa niya ang
lokasyon ng kanilang taniman na noon ay nasakop na ng swimmping pool at themed
park. Nagpasalamat din siya sa aming pamilya na hindi sila siningil ng bayad sa
paggamit nila ng lupa kung saan naman siya nadiskubre.
Magara ang preparasyon
namin sa aming opening na iyon. Inimbitahan din kasi namin ang mga malalaking
networks at mga media ng Pinas na nagkatong kaibigan din ang iba ng aming mga investors.
Mayroon ding ilang foreign media na dumalo.
Alas-7 na ng gabi nang
matapos ang programa. May Buffet na dinner na libre para sa lahat. Dahil busy
ako sa pag-supervise at pag-assist sa mga guests, hinayan ko na lang sina
Jeyrick na kumain, kasama ng kanyang manager at personal assistant.
Naki-halubilo rin siya sa ibang mga guests na Igorot, lalo na ang mga kakilala at
kaibigan niya. Naroon din ang kanyang mga kapatid. Hindi naman umaalis sa kanyang
tabi ang kanyang ka love-team niya at manager nito. Dahil nakita ko naman
nag-enjoy si Jeyrick, hinayaan ko na lang siya habang patuloy pa rin ako sa
pag-estima sa mga bisita. Halos wala kaming panahon para private time na para sa
amin lang. Naroon din kasi ang kanyang ka love-team kaya hanggang tinginan na
lang kami.
Alas-9 na ng gabi nang
medyo nakapagpahinga na ako. May scheduled concert kasi sa gabi, mga banda
galing Maynila at may isiningit din kaming banda galing sa Cordillera. Kaya ang
ibang guests ay nagsi-uwian na, ang iba ay nagpahinga muna, nagrecharge ng
energy kumbaga para sa concert. Napag-alaman kong sina Jeyrick ay abala naman
sa pakikisalamuha sa mga kababayan niyang Igorot na nagpapapicture-taking at
selfie sa kanya sa pool.
Dahil sa pagod,
dumiretso na ako sa aking kuwarto. Gusto ko sanang mag-text kay Jeyrick ngunit
nahiya na rin ako gawa nang baka makaistorbo lang ako sa kanila. Nang nasa loob
na ako ng kuwarto, ibinagsak ko kaagad ang aking katawan sa ibabaw ng kama.
Naidlip na ako nang
bigla namang nag-ring ang intercom. “Sir, sorry to disturb you, this is Maila
from the front desk, Mr. Jeyrick would like to talk to you?”
Biglang nawala ang aking
antok sa narinig. “Yes, Maila, I want to talk to him. thanks…”
Narinig ko ang ingay ng
paglipat ng receiver ng intercom. Maya-maya lang, “Hi. Tulog ka na ba? Ang
bilis naman. Ang biro niya.”
“Naidlip ako nang kaunti
eh. Sobrang pagod sa paghanda.”
“Oo nga, nakita nga
kita, grabe ang pagka-abala mo kaya hindi na rin kita inistorbo. Nakaistorbo ba
ako ngayon?”
“Hindi, hindi. Ikaw pa.
Ang lakas mo kaya sa akin.” Ang sagot ko. Syempre, kinilig din.
“Talaga?” ang sagot niyang
tumawa pa.
“Ikaw pa!”
“O sige kung malakas ako
sa iyo, halika rito sa baba. Bonding tayo.” ang sambit niya.
Ramdam ko naman ang
pagtatalon ng aking puso sa narinig. “Iyong ka love-team mo, kasama mo ba
ngayon?” ang tanong ko. Baka kasi ma-OP ako kung naroon din siya.
“Umuwi na ng Maynila,
kanina pa. May taping sila bukas ng hapon kaya nagmamadali para may ora pa para
maghanda siya. Halika na!” ang masiglang sabi niya.
“Okay. Sure. Antayin mo
ako d’yan!” Ang sagot ko ring excited na excited.
Dali-dali akong
bumalikwas ng kama at halos takbuhin ko na lang ang elevator pababa. Nagpalit
lang ako damit, t-shirt at jeans ang sinuot ko. Nang nasa harap na niya ako,
halos matulala naman ako. Bigla akong naging conscious at kinabahan. Ramdam ko
ang malakas at mabilis na klampag ng aking dibdib.
“Si Jean, ang sweetheart
mo, nasaan siya?” ang tanong niya kaagad sa akin.
“Ah… nasa room na rin
siguro niya. Pagod din iyon.” Ang sambit ko. “So… ano ang plano mong gawin nating
bonding?” ang paglihis ko sa usapan.
“Kuwentuhan tungkol sa
buhay-buhay, gaya ng dati.”
“Ok, good.”
“Doon kaya tayo sa gilid
ng pool. Maganda roon at presko.” Ang mungkahi niya.
“Sure.” Ang sagot ko. “Anong
gusto mong drinks? Wine, whiskey, tequila?” ang tanong ko naman.
Napangiti siya. “Ayaw mo
na bang tapey?”
Natawa ako. “Of course!
Iyan ang iniinum natin noon, di ba? Mayroon din kami niya. Syempre, may mga
turista rito na maaaring maghanap ng native na inumin ng mga Igorot.” At baling
sa front desk, “Pakipadalhan mo kami ng tapey Maila…” ang utos ko sa front desk
na naka-duty. “Sa may pool lang kami.” ang dugtong ko.
“Yes, boss.” Ang sagot
naman ni Maila.
“Ang yaman niyo talaga”
ang sambit ni Jeyrick.
“Malapit ka na rin.” Ang
sagot ko. “Alam ko naman na marami ka nang pera eh.” Sabay tawa.
“Hindi naman… nagsimula
pa lang ako. Pero may naipon naman kahit papaano.” ang sagot din niya.
Maya-maya ay medyo
ramdam kong tinamaan na ako sa aming nainum. Nagtanong siya. “Alam mo, na-miss ko
pa rin ang bahay namin dito. Sa may banda riyan, iyon, di ba?” ang tanong niya
habang tinuro ang lokasyon kung saan ay dating nakatayo ang bahay nila.
“Oo… sensya ka na,
kailangang i-demolish eh. Nasa gitna kasi siya ng main building kaya dapat
talagang gibain.” Ang sagot ko.
“Okay lang iyon, ikaw
naman. Na-miss ko lang talaga siya. Di mo maiwasan sa akin iyon. Halos buong
buhay ko, iyon na ang nakagisnang bahay namin. Diyan ako isinilang, diyan din
namatay ang aking mga magulang. Nakaka-home sick na di ko mawari. Na-miss ko
ang buhay namin d’yan. Kahit mahirap lang kami ngunit buo, at masaya.” Ang
malungkot niyang sabi.
Natahimik ako nang
sandali. Binitiwan ko na lang ang isang malalim na buntong-hininga.
Maya-maya, “Drama mo naman,
nalungkot din tuloy ako.”
“Sensya ka na. Alam mo
namang ganyan talaga ako di ba? Na-miss din kita. Simula nang maging
magkaibigan tayo, sa iyo ko lang naipalabas ang mg aka-dramahan ko. Sa lahat ng
mga kaibigan ko simula noon hanggang ngayon, ikaw lang ang tanging
pinagkakatiwalaan ko. Kaya kahit sa maynila, na-miss kita, namiss ko ang ganito
na nakakapagsabi ako ng aking mga saloobin, mga hinanakit, mg aka-dramahan sa
buhay.”
“Oo naman. Ako pa. Loyal
mo kaya akong kaibigan, at ngayon number one fan.”
Napangiti siya. “Ako ba,
ganyan ka rin?”
“Oo naman. Kahit iniwan
mo ako, ikaw pa rin ang itinuturing kong best friend…” nahinto ako sandali. Bigla
kasing sumagi sa isip ko ang maliit na bahay kung saan kami unang naging
magkaibigan. “Sandali, may sorpresa pala ako sa iyo.” Ang sambit ko.
“Talaga? Ano iyon?”
“Tara sundan mo ako.” Ang
sagot ko. At tinumbok ko ang maliit na pathwalk patungo sa likod ng hotel.
Tumayo rin siya at
sinundan ako. Nang malapit na kami sa bahay dinig na dinig naman namin ang pagtatahol
ni Har-Jey na kasalukuyang lumabas sa kanyang doghouse. Siguro ay naamoy niya
kami.
“Waaahhhhh! Ang laki na
niya!” ang sigaw ni Jeyrick na tuwang-tuwa na nakita na malaki na ang bigay
niyang aso.
“Iyan, inaalagaan ko
iyan. Di ba sabi mo pa na alagaan ko iyan dahil parang inaalagaan ko na rin ang
ating pagiging magkaibigan?
Napangiti siyang
tiningnan ako. “At malusog siya, mukhang masaya.”
“Syempre, espesyal
talaga ang pagpagawa k ong bahay niyan. Special ang pagkain, kada-hapon ay
isinasama ko sa pamamasyal. At kapag wala ako ay may taga-alaga niyan.”
“Ang galing!” ang sambit
niya.
Nang makalapit na kami
ay hindi magkamayaw na nagtatalon habang pumapayupoy ang buntot ni Har-Jey. Halos
mapatid na nga ang kanyang tali sa lakas at malikot na pagtatalon habang hinarap
Jeyrick.
“Kilala ka pa niya!” ang
sambit ko.
“Oo nga! “Alam niyang
ako ang una niyang amo!” ang sagot naman ni Jeyrick.
Doon na tila nag-iiyak
ang aso at lalo pang naglupasay sa katatalong na para bang sabik na sabik at
nanunumbat kung bakit siya iniwan. Nakakaiyak tingnan. Para silang mag-ama na
ilang taong hindi nagkikita at nag-uumapaw ang kasabikan sa isa’t-isa.
Niyakap-yakap pa ni
Jeyrick si Har-Jey at kinarga. Kahit nadudumihan ang suot na damit ni Jeyrick,
hindi niya ito ininda. Kahit dinila-dilaan pa ni Har-Jey ang bibig niya,
hinayaan lang niya ito. Ang cute nilang tingnan.
Maya-maya ay ako naman
ang hinarap ni Har-Jey. Nakikipag-laro din siya sa akin, ang buntot ay
pumapatupoy pa rin na tila nagpasalamat na dinala ko si Jeyrick sa kanya. “O
ngayon na nagsawa ka na sa amo mong si Jeyrick, sa akin ka na haharap. Second
priority na lang ako ngayon, ganoon ba iyon??” ang sabi ko sa aso.
Tila nakaintindi naman si
Har-Jey sa aking sinabi. Umungol siya na parang sinagot ang akig sinabi,
tumingala na nakatingin sa akin, itinatagilid ang mukha habang ang mga mata ay
sa akin nakatutok, parang nahiya.
“Sinagot ka niya!” ang
sambit ni Jeyrick.
“Ano ang sinabi?” ang tanong
ko.
Pinaliit ang niya
kanyang boses. “Huwag kang mag-inarte, pangit! Araw-araw naman tayong nagkikita!
Nakakasawa na pagmumukha mo!”
Tawanan na lang kami ni
Jeyrick.
“Matalino ang aso mo!”
ang sabi niya.
“Aso natin…” ang sagot
ko naman. “Manang-mana sa iyo.” Dugtong ko.
Napangiti siya. “ang
katalinuhan ay mana sa akin. Ang kakisigan naman ay mana sa iyo!”
“Sinabi mo pa.” ang biro
kong sagot. “Angkinin ko na talaga lang ang kisig.” Ang ang dugtong kong tumawa
rin. “Hayan, sorpresa ko rin sa iyo.” Ang pagturo ko sa bahay.
“Wowww!” ang sigaw niya.
Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang ibayong saya. “Narito pa rin siya!”
Dali-dali siyang umakyat at pumasok sa loob, umupo sa gilid ng kama. Inikot ng
kanyang mga mata ang paligid ng kuwarto. “Halos walang nagbago…” ang sambit
niya.
Kinuha ko ang bangko sa
gilid ng mesa at pinaikot ko ito paharap sa kanya atsaka ako umupo. “Halos wala
talaga akong binago riyan. Maliban sa dinagdag kong features kagaya ng aircon,
cable TV, kutson na medyo malambot…” ang sabi ko.
“Ang galing.”
“Nagustuhan mo?” ang
tanong ko.
“Na-miss ko siya…” ang
sagot niya.
“Dito pa rin ako
natutulog. Kahit full-operation na ang hotel, gusto ko pa rin dito.” Ang sambit
ko.
Hindi agad siya
nakaimik. Parang may lungkot sa kanyang mga mata.
“Bakit?” ang tanong ko.
“Wala… muli kong lang
naalala ang aming kahirapan.”
“At least now masaya ka
na. Sikat ka na, may pera na, hindi na mabigat ang trabaho. Kaya move-on ka na.”
ang sabi ko.
Napangiti siyang
tiningnan ako. Ewan ko, tila may kakaiba sa kanyang ngiti. “Move-on ka jan…
Ikaw ba ay nakapag move on na?”
Nagulat naman ako sa
tanong niyang iyon. “Move on? Saan?” ang inosente kong tanong.
“Eh…” nahinto siya
sandali. “A-ang ibig kong sabihin, s-sa papa mo. Di ba nagalit siya sa iyo
dahil gusto mong gawing farm itong lupa ninyo?”
“Syempre. Okay na kami
nga papa ko. Heto nga very successful ang pagpapatayo namin ng hotel/resort. Proud
siya sa akin, at nagpapasalamat din siya sa iyo. Lalo na, hindi ka pa talaga humingi
ng bayad sa pag-endorso mo sa hotel.”
Tahimik. Ramdam kong
seryoso pa rin ang kanyang mukha. “Ikaw, kumusta ka na sa kalagayan mo ngayon?
Sigurado, masayang-masaya ka na sa buhay mo.”
“Ewan… hindi pa rin eh. Parang
hinahanap-hanap ko pa rin ang pagiging ako. Sa
showbiz, may sariling mundo sila roon, may sariling patakaran. Doon ay
kailangan mong makisabay, makisayaw sa tugtog, magaling makisalamuha,
magaling dumiskarte. Kailangang maingat para hindi maungusan. Dapat
ay palaging okay tingnan, hindi nahuhuli sa uso at mga
gadgets. Kahit walang pera, dapat ay mayaman kang tingnan... dahil
kapag hindi ka nakakahabol sa standard, hindi ka na okay para sa kanila. Hindi
ka na papansinin hindi ka
bibigyan ng project. Kapag wala ka nang maibubuga, lalaitin ka ng
paharap at patalikod ng mga tao sa industriya.”
“Naintindihan kita.
Ganyan talaga ang patakaran sa showbiz. Matira ang matibay. Sabi nga nila, nasa
pag-arte lang ang lahat. Palibahasa sa harap ng camera ay subsub ang
pagkukunyari nila bilang ibang katauhan, pati ang pag-uugali nila ay naging scripted
na rin.”
“Iyon na nga eh. Mahirap
makahanap ng tunay na kaibigan sa showbiz.”
“Kaya dapat ay mag-ingat
ka. Palaging bantayan mo ang iyong likod.”
“Oo nga eh.”
“Musta pala ang love-life?
Kailan ka mag-aasawa?” ang tanong ko sa kanya.
“Wala pa sa plano ko
iyon. Kailangan kong patapusin muna ang mga kapatid ko sa kanilang pag-aaral.
At matagal pa iyon. Baka abutin pa ng sampung taon.”
“Nakapagpatloy ka ba ng
pag-aaral?”
“Hindi na. Mahirap
pagsabayin ang showbiz at pag-aaral eh. Hindi naman ako kasing talino mo. May
naiipon naman ako kahit papaano. Sa mga kapatid ko na lang. Sila ang mahalaga.”
“Isa ka talagang huwaran
na kuya…”
“Salamat… Kailan ka pala
mag-aasawa?” ang paglihis niya sa usapan.
“Ah matagal pa iyon. Di
ba sabi mo ay patapusin mo muna ang mga kapatid mo? Kapag tapos na sila at nag-asawa
ka na, sasabay na ako sa iyo. At, matagal pa rin iyon.” Ang sagot ko sabay
tawa.
“Talaga?” ang sagot
niyang napangiti. Parang may pagka-pilyo ang kanyang ngiti. Tumayo siya at
tinumbok ang dingding kung saan ay nakapaskil pa ang sulat niya sa akin noong
umalis siya. Binasa niya ito nang malakas -
“Dear Harold, una sa
lahat, gusto kong magpasalamat sa pagdating mo sa buhay ko, sa buhay namin.
Salamat din sa maiksing panahon na naging kaibigan ka namin at tinulungan mo
kami. Napakabait mo...” Nahinto siya sa
pagbabasa. “Tingnan mo, di ba tinupad ko ang sinabi ko sa iyo, di ba?” ang sabi
niya.
“Saan
diyan”? ang tanong ko.
“Hayan
o...” at tinuro niya sa akin ang linyang iyon. “Basahin mo.” Ang utos niya.
Binasa
ko. “Huwag mo na akong sundan pa Harold. Ayaw kong magdusa ka, ayaw kong
maghirap din ako. Sa sinabi ko, ituloy mo ang project mo. Isang araw, kapag
nagtagumpay ka na, magiging proud ang papa mo sa iyo, proud ang mga taga Bauko
sa iyo. Kapag dumating ang araw na iyan, dadalaw ako…”
“Di
ba?”
Napangiti
naman ako. Syempre, bilib ako sa kanya.
“Isang
salita. Word of honor ba ang tawag doon sa English?”
“Oo.”
Sagot ko.
“Importante
iyan sa makakaibigan.” Sabi niya. “Kapag may sinabi ka, panindigan mo. Kung
hindi, nagsinungaling ka. Niloko mo ang kaibigan mo. Ikaw, gusto mo bang lokohin
kita?”
“Syempre,
hindi.” Ang sagot ko.
“Promise
mo sa akin iyan ha, na hindi mo ako lolokohin. Pangako mo sa akin na hindi ka
kagaya ng mga taga showbiz na walang laman ang kadalasang sinasabi.”
“Promise
po.” Ang sagot ko.
Tinitigan
niya ako, seryoso ang kanyang mukha sabay abot sa kanyang kanang hinliliit.
Inabot ko rin sa kanya ang aking kanang hinliliit at sabay kaming nag-lock
noon.
“Ngayon
ay selyado na ang pangako natin na walang lokohan...”
Napangiti
ako. “Sure!” ang sagot ko.
Pagkatapos noon ay
tinungo naman niya ang banyo. “Wow, may hot and cold na ang banyo mo!” ang
sambit niya matapos tingnan ang bath tub at ang gripo ng tubig na may pula at
blue na indicator.
“At di na kailangang
mag-igib pa! Ikaw ang taga-igib noon, di ba?”
“Oo nga eh.” Ang sagot
niya.
“Ngayon ay hindi na ako kailangang
mag-iigib pa. Kasi, wala na rin ang taga-igib ko.” Ang sambit ko na sumunod din
sa kanya sa loob ng banyo.
Napangiti siya. “Oo nga.
Paano, pinalayas mo naman kasi siya.” Ang sagot niyang biro.
“Wow ha! Mr. Jeyrick Sigma…
for your information, hindi ko siya pinalayas. Kusa niyang iniwan ang bahay na
ito. Kusa siyang umalis nang walang paalam at iniwan ang nakakaawang tao na
nangangailangan pa sana ng kanyang tulong! Iyan ang totoo! Huwag mong
baliktarin ang katotohanan!” ang kunyaring pagtaas kong boses.
“Ganoon ba? Salbahe pala
ang taong iyon!” ang biro niya.
“Oo, salbahe ang taong
iyon. Kaya kapag nakita ko siyang muli, babalian ko talaga siya ng buto para
hindi na siya umalis pa rito!” ang sabi ko.
“Talaga?” ang sagot din
niyang nakangiti na tila bibigay para sa isang malakas na tawa.
“Oo. Bakit, kilala mo ba
siya? Ituro mo sa akin kung nasaan siya at babalian ko siya ng buto.”
“Ganito ba?” ang sambit
niya. Doon na ako nagulat. Mabilisang inilingkis kasi niya ang kanyang bisig sa
aking baywang at ni-wrestling ako dahilan upang malaglag kaming dalawa sa bath
tub kung saan ay kasalukuyang puno na ng tubig.
Biglang umapaw ang tubig
sa sahig nang bumagsak kami roon. “Jeyrickkkkkk!!! Shitttt!” ang sigaw ko.
Basang-basa kasi kaming dalawa, siya ay nakatihaya sa ilalim habang ako naman
ay nasa ibabaw niya.
Tawa naman siya nang
tawa.
“Basang-basa ang mga
damit natin! Tangina!” ang sigaw ko pa rin.
Ngunit hindi na umimik
si Jeyrick. Natahimik siya at hindi nagreact sa aking pagsisigaw. “Wala ka bang
natandaang ganitong eksena natin dati?” ang bulong niya sa aking tainga na sa
pagkakataong iyong ay nakadampi na ang kanyang bibig.
Hindi na ako nakaimik pa.
Ramdam ko sa aking tainga ang pagkampi ng kanyang mga labi. Nakakakiliti.
Nakakapag-init ng katawan.
Nang naramdaman kong iginapang
pa niya ang kanyang kamay sa dulo ng aking t-shirt sa may bahagi ng aking
harapan at isiniksik sa ilalaim noon ang kanyang palad at itinaas iyon, hinagod
ang aking balat sa tiyan, hanggang sa aking dibdib at pinsil-pisil pa ang aking
utong, napakagat ako sa akin glabi sabay bitiw ng mahinang ungol. “Ahhhhhh.”
Hanggang sa tuluyan na akong naalipin ng kamunduhan, nilingon ko na siya. Doon
ay simbilis ng kidlat ang paglapat ng aming mga labi. Naghalikan kami. Matagal,
mapusok habang inisa-isa naming tanggalin ang aming mga saplot sa katawan.
Hanggang sa muling may
nangyari sa amin ni Jeyrick ang mga bagay na iyon. At naulit pa iyon ng apat na
beses nang natapos kaming mag love-making at maligo sa bath-tub ay lumipat kami
sa ibabaw ng aking kama at doon nagpalipas ng gabi. Ramdam ko ang pananabik,
ang matinding pagnanasang pinakawalan namin para sa isa’t-isa.
Simula noon, kahit busy
si Jeyrick sa kanyang trabaho, dalawang beses sa isang linggo niya akong
binibisita sa hotel/resort. Malaking sakripisyo kung tutuusin dahil sa layo at
trabaho niya. Ngunit kapag bakante naman ang service helicopter ng hotel,
ipinahahatid ko siya sa Maynila. May service helicopter kasi ang resort upang
magamit para sa emergency o kapag may mga turistang gustong makita mula sa
himpapawid ang Cordillera at iba pang parte ng Northern Luzon.
Minsan din, kapag ako
naman ang nasa Maynila, tinitext ko si Jeyrick upang dalawin na lang niya ako
sa aking hotel kung saan man ako magcheck-in.
Isang araw, nasa Maynila
ako noon at nag-attend ng meeting nang sa paglabas ko ng building kung saan
naroon ang venue ng aming meeting, nagulat na lang ako nang may mga reporters
na nag-abang. Akala ko ay nag-abang sila ng mga artista o malalaking pulitiko.
Ngunit laking gulat ko nang silang lahat ay nagkumpulan at humarang sa aking
daanan nang nasa lobby na ako ng hotel.
“Mr. Soriano, totoo po
bang galing sa inyo ang litratong may nakasulat na ‘Miss ka na niya, miss mo na
rin ba siya?’ na ipinapadala mo raw kay Jeyrick Sigma?”
Nahinto ako nang
sandali. Nagtaka. “Saan naman ninyo nakuha ang litrato na iyan?” ang tanong ko.
“Heto po…” ang sagot ng
isang reporter. Ipinakita sa akin ang nakapaskil na showbiz news sa isang
entertainment section ng isang magazine. May nakasulat na, “Guwapo at mayamang
most eligible bachelor ang sugar-daddy ni Jeyrick!”
Gusto kong mainis sa nakita.
Hindi ko kasi akalaing talagang lalabas pa ang issue na iyon. Naawa rin ako kay
Jeyrick. Kaya upang maklaro ang issue, sinagot ko ang tanong ng reporter. “Oo…
galing sa akin iyon. Naging kaibigan ko si Jeyrick nang nagtatanim pa siya ng
carrots sa lupa na ginawa na naming hotel ngayon. Dahil nga sa lupa namin sila
naghanap-buhay, binigyan niya ako ng aso bilang pag-appreciate niya sa kabaitan
ko. Iyan lang po ang masasabi ko.”
Ngunit may humahabol
pang mga tanong. “Bakit Har-Jey po ang name ng aso. Di ba ito ang pinagdugtong
na mga pangalan ninyo, Harold at Jeyrick?”
“Tama po. Dahil
magkaibigan kami kaya naisipan kong iyan ang pangalan na ibbigay ko sa aso na
souvenir niya sa akin.” Ang sagot ko habang patuloy na naglalakad patungo sa
kotseng nakaparada sa labas ng hotel. Hanggang sa nakapasok na ako ng kotse.
Ngunit may humabol na
tanong muli kahit nasa loob na ako ng sasakyan. “Bakit po ninyo siya na-miss?”
Ibinaba ko ang glass
window ng sasakyan. “Kaibigan mo, ma-miss mo talaga, di ba?” ang sagot kong
muli.
“Totoo bang madalas daw
nagpupunta si Jeyrick sa hotel ninyo sa Cordillera sakay sa inyong helicopter?”
“Ah… no comment po d’yan.”
“Sa Shangri-la Hotel po
kayo naka-check in ngayon, Sir di ba?”
“Opo.”
“May nakakita kasi sa
inyong dalawa ni Jeyrick sa hotel na iyon kagabi. Magkasama ba kayo sa isang
kuwarto?”
Doon na ako napikon at
tuluyan nang isinara ang bintang salamin ng sasakyan. “Let’s go” ang sabi ko sa
driver.
Hindi ko lubos
maipaliwanag ang aking nadarama sa nangyaring ambush interview. Parang gusto
kong balikan ang front desk ng hotel na nagbigay ng litrato sa reporter upang
sampahan siya ng kaso. Ngunit nanaig din ang awa ko sa kanya. Bilang isang
ordinaryong trabahante na wala namang intension na saktan ako at si Jeyrick,
inintindi ko na lang siya. At ayaw ko na ring palakihin pa ang ang issue.
Tinawagan ko si Jeyrick
na kasalukuyang nasa kanyang trabaho. Ngunit hindi siya sumagot. Dumiretso na
lang ako sa hotel.
Nang nasa loob na ako ng
hotel, agad kong binuksan ang TV. At nagulat ako sa aking nakita. Si Jeyrick ay
kasalukuyang may ambush-interview din!
“Totoo bang may natanggap
kang litrato na galing sa mayamang anak ng business mang si Mr. Soriano, ang
may-ari ng bago at pinaka-modernong Greenworld Hotel na nasa Cordillera?” ang
tanong ng isang reporter sa kanya.
“Wala po akong
natanggap.” Ang sagot ni Jeyrick
“Pero kilala niyo ba
siya?” ang follow-up na tanong.
“Hindi ko po siya
kilala.” Ang sagot uli ni Jeyrick.
“Oh, my Godddd!” ang
bulong ko sa aking sarili. “Ba’t mo itinanggi Jeyrick? Shittt!”
“Hindi ba nagtatrabaho
ka dati sa carrot farm na nasa lupa nila?”
“Opo… totoo po iyon.
Pero hindi ko po talaga siya kilala.”
Hinugot ng reporter ang
diyaryo mula sa kanyang bag ang kung saan naroon ang litratong ng aso na may
nakasulat na “Miss ka na niya…” Ipinakita niya it okay Jeyrick. “Ito po, may
natanggap po ba kayong ganito?”
Tiningnan ni Jeyrick ang
diyaryo. “Wala po. Hindi ko po natanggap.”
“Pero kilala mo ang aso
na iyan?”
“Hindi rin po…”
“Kung ganoong hindi pala
kayo magkakilala, paano ba ang kuwento bat ka umalis doon?”
“Bale nadiskubre po ni
Mr. Soriano na matagal na kaming nagsaka sa lupa nila nang walang paalam. Doon
nap o niya kami sinabihan na umalis.”
“So wala talaga kayong
ugnayan ni Mr. Harold Soriano?”
“Wala po…”
Iyon ang mga tanong sa
kanya. Ngunit may isang reporter na sumingit uli. “Kani lang ay nainterview po
ng kasama naming reporter si Mr. Harold Soriano at inamin niyang siya raw ang
nagpadala ng nasabing litrato. Inamin din niyang magkakilala kayo bago ka pa
man nadiskubre. Sino ang nagsasabi ng totoo?”
Kitang-kita ko naman sa
mukha ni Jeyrick ang pagkagulat. Namutla siya at hindi nakasagot.
“No comment kami tungkol
d’yan.” Ang pagsingit ng kanyang manager sabay hila kay Jeyrick patungo sa
kanilang sasakyan.
Wala na akong nagawa
kundi ang isubsob ang ulo ko sa mesa. “Shiitttt! Bakit mo kasi itinanggi
Jeyrick!” ang sigaw ko. Ngunit naisip ko rin na ako ang may kasalanan. “Bakit
pa kasi ako nagpa-interview! Tangina! Sana ay hinayaan ko na lang silang
magsalita!” Ang paninisi ko pa sa aking sarili.
Tinawagan ko si Jeyrick
pagkatapos kong mapanuod ang interview niya. Ngunit hindi pa rin siya sumagot.
Kaya ang ginawa ko na lang ay ang maghintay na mag text siya o tumawag.
Kagaya ng inaasahan ko,
nagkagulo ang media sa magkataliwas na pahayag namin ni Jeyrick. Sa kanilang
mga kumento ay lalong nagduda ang mga tao. Hindi ko lubos maisalarawan ang
tunay kong naramdaman. Natatakot ako para kay Jeyrick, para sa career niya. Naawa
rin ako sa kanya, at nainis sa aking sarili kung bakit pa ako nakisawsaw sa pagsagot
sa ambush interview na ginawa sa akin ng media. Para sa akin ay napakalaking
kamalian ang ginawa ko. Ayaw kong masira ang maginhawang pamumuhay at trabaho
ni Jeyrick. Ayaw kong mawala sa kanya ang lahat at babalik siya sa mahirap na
pamumuhay. Higit sa lahat, ayaw kong ako ang magiging dahilan ng pagbagsak ng
kanyang career.
Hindi ako mapakali dahil
sa nangyari. Nanginginig, pabalik-balik akong naglalakad sa aking kuwarto,
hindi malaman kung ano ang gagawin, kung uupo, tatayo, o hihiga. Sabog ang aking
utak. Hanggang sa isang desisyon ang nabuo sa aking isip.
“Puntahan kita sa hotel
mo” ang text ni Jeyrick.
“Baka makikita ka ng mga
reporters!” ang sagot ko naman. “May nakakita sa iyo rito!” ang dugtong ko.
Nagka-phobia na rin kasi ako.
“Okay lang… wala akong
pakialam sa mga tao.”
Tinawagan ko na siya.
“Okay, ganito na lang ang ating gagawin. Lilipat ako ng hotel, ang staff kong
babae ang magcheck-in para sa akin. At doon ka na rin dumiretso. Mag check-in
ka ng sarili mong kuwarto. I-text ko sa iyo ang room number ko at puntahan mo
ako sa aking kuwarto.” Ang sabi ko.
“Okay.”
Paglipas ng isang oras,
nakacheck-in na kami ng aking staff. Nang nakapasok na ako ng kuwarto ay pinaalis
ko siya. Maya-maya lang ay nag-text na si Jeyrick, ibingay ko sa kanya ang aking
room number.
Maya-maya lang ay may
nag-door bell na. Nang magkaharap na kami, kitang-kita ko ang tila pagkabagabag
niya. Hindi siya mapakali, parang may takot na na gustong umiyak na hindi ko
mawari.
Napayuko na lang ako, nag-sorry
sa pakisawsaw ko sa issue at pagsagot pa sa ambush interview. Naintindihan
naman niya ang panig ko. Hindi siya galit sa akin. Bahala na raw ang manager
niya. Ang manager naman daw niya ang nagturo na iyon daw ang dapat niyang isagot
sa interview, na itanggi niya raw na magkakakilala kami upang huwag nang lumaki
pa ang issue.
“Bakit naman daw gustong
i-deny ng manager ninyo na magkaibigan tayo noon pa?” ang tanong ko.
“Kasi nga raw, kapag
nagdududa na ang mga fans ko sa akin, o lalo na’t mapatunayan nilang may
relasyon tayo, baka raw maapektuhan ang aking career. Baka magkawalaan na ang
mga fans at supporters ko.”
“W-wala naman talaga
tayong relasyon, di ba?”
“Wala nga… pero may
nakakakita raw sa atin na nagsasama rito sa Maynila, nagchi-check-in sa isang
hotel, sumasakay ako sa inyong helicopter, dagdagan pa sa aso mo na naroon nga
sa litrato na may isinulat ka… Kaya ang payo ng manager ko ay hindi daw muna
ako magpapakita sa iyo.”
Tahimik. Awang-awa
talaga ako kay Jeyrick sa sandaling iyon. Kitang-kita ko ang matinding lungkot
sa kanyang mukha. Alam kong iyon pa ang pinakaunang intriga niya sa kanyang
career. Kaya doon na pumasok ang plano na nasa isip ko.
Huminahon ako. Humanap
ng buwelo sa aking sasabihin. “Alam mo, Jeyrick, t-tama naman ang manager mo, eh.
Sundin mo ang payo niya. Siya ang mas nakakaintindi sa takbo ng career mo. At
sa panig ko naman, hindi na tayo puwedeng magkita pa. Ayoko ring masira ang
career mo. Sa totoo lang, ngayon ko lang sasabihin ito, siguro ay sinadya na
maging ganito ang nangyari upang masabi ko sa iyo ang totoo. Ayaw ko na talagang
makipagkita pa sa iyo. Wala naman tayong relasyon eh. Wala tayong naramdaman
para sa isa’t-isa. Ang nangyari sa atin ay laro-laro lang. Walang attachment.
Walang commitment. Kaya huwag mo na akong hanapin pa. Huwag mo na rin akong
dalawin pa sa hotel/resort sa Bauko. Ayaw ko na. At ayaw ko na ring makita ka
pa. Tama na iyong mga nangyari sa atin. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga
nagustuhan iyong mga ginagawa natin. Babae ang gusto ko, Jeyrick, hindi
lalaking katulad mo.”
Kitang-kita ko ang tila
pamumutla ng mukha ni Jeyrick at ang luhang namuo sa kanyang mga mata. “S-seryoso
ka???” ang mangiyak-ngiyak niyang tanong.
“Oo Jeyrick. Nandidiri
ako sa mga ginagawa natin. Hindi ko gusto ang mga iyon. Respeto ko na lang sa
iyo kung kaya ako ay pumayag.”
“Ang sakit mong
magsalita.”
At nakita ko na lang na yumuko
siya. Alam ko, umiyak siya. Sobrang sakit ng aking damdamin sa pagkakita ko sa
kanya sa ganoong ayos na nasasaktan. Pakiwari ko ay gusto kong bumigay at
yakapin siya, aluin, sabihing hindi totoo ang sinabi ko. Ngunit mas nanaig sa
akin ang hngaring mapabuti hinid masisira kanyang career at masayang buhay.
Kaya pinilit kong magiging kasing tigas ng bato ang aking puso.
“At oo nga pala… nagsinungaling
ako nang sabihin ko sa iyo na wala pa akong balak na magpakasal.” Nahinto ako
nang sandali. “E-engaged na kami ni Jean. At ikakasal kami tatlong buwan mula
ngayon.”
Doon na niya inangat ang
kanyang ulo. Nakita ko ang tila panlilisik ng kanyang mga mata. “Sinungaling!
Manloloko! Wala kang pinagkaiba sa mga reporters at mga taga-showbiz! Pareho
kayong lahat!!!”
“Hindi Jeyrick. Wala
tayong relasyon kaya hindi kita niloko.”
“Ang sabi mo ay wala ka
pang balak pa na mag-asawa! Bat hindi mo sinabi sa akin? Di ba panloloko iyan?
Akala ko ba ay wala tayong lokohan!!!” ang sigaw niya sabay tayo at tumbok sa
pintuan.
“Jeyrick patawarin mo
ako!”
“PUTANGINA MOOOOOO!!!”
ang sigaw niya sabay sara ng pinto na tila magiba ito sa sobrang lakas.
(Itutuloy)
eto na naman si Author
ReplyDeletepangit na nman ang ending haisst sana mali ako
Bosss :(
ReplyDeleteAng ganda po tlaga ng kwento...moreplease...nkakaexite...ang galing
ReplyDeleteAng ganda po ng iyong likha...more please
ReplyDeleteI hope na ma realize ni Jeyrick ang reason ni Harold. Sayang ang relasyon nila.Thanks for the on time update. Take care.
ReplyDeleteAng sakit sa puso. Hayyy.
ReplyDelete-44
medyo nagdadalawang isip ako kung susubaybayan ko ito kasi baka matulad na naman sya don sa story titled 'kuya renan' sa totoo lang isa ako sa mga nadissappoint dahil di ko na nabasa karugtong non dahil ayaw naman ako isali sa fb secret group na yan.
ReplyDelete-rave