AUTHOR'S NOTE (IMPORTANT PLEASE READ!)
Nasa open and closed parenthesis po ng bawat line ang translation.
MARAMING SALAMAT PO!
MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
======================================================
CHAPTER LINKS:
"LOVE, STRANGER" (BOOK 1)
======================================================
DEAR STRANGER
(Book 2 of "Love, Stranger")
CHAPTER EIGHTEEN
RAY:
"Sono utsukushī kao kara shikamettsura o miru ga kirai shitte imasyo" Sabi ng isang lalaki sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. I haven't heard that familiar voice for a long time! Hindi lang ang boses niya kundi ang linya niyang iyon na lagi niyang sinasabi sa akin sa tuwing nalulungkot ako.
Dahan-dahan kong tinaas ang ulo ko. Nakita ko siya, isang nakangiting gwapong lalaki na naging parte ng nakaraan ko. Ang lalaki na minsa'y tumanggap at nagmahal sa akin. Ang lalaki na minsa'y naging dahilan ng ngiti sa labi ko. Ang lalaking minsan akong yinakap. Ang lalaking kasama kong bumuo ng pangarap. Ang lalaking tinitibok ng puso ko noon... pero mali ata ako, kasi muli itong tumibok ngayong nakita ko siya ulit. Si Kojima Kazuki.
Umupo siya sa katabi kong stool, umorder siya ng sake. Isang ala-ala mula sa nakaraan ang kumain sa akin, ang una naming pagkikita na nangyari five years ago.
Halos ilang buwan pa lang ang nakakalipas simula nang dumating ako sa Japan. Stress sa trabaho, yan ang masasabi ko kasi talagang sagaran at halos walang pahinga, ganyan ang ugaling hapon. Mas katanggap tanggap pa sa kanila ang makatulog ka sa trabaho kesa naman ang lumiban ka sa trabaho. Maiintindihan nila yun na nakatulog ka dahil indikasyon yun sa kanila na pagod ka sa sobrang sipag mo mag trabaho. Pero kahit na ganun pa man ay hindi ko ginawang matulog sa trabaho dahil gusto ko ipakita na kaya kong makipag sabayan sa mga hapon at kahit na sa ibang mga lahi, kahit pa baguhan lang ako. Another thing is, gusto ko ng promotion o di kaya ay mas malaking sahod. Oo mukha akong pera at kailangan ko ng pera, marami akong gustong gawin at pangarap sa buhay ko.
Nandito ako ngayon sa isang bar malapit sa tinutuluyan kong apartment, nagpapalipas ng oras para naman kahit papanu ay ma-enjoy ko rin naman ang mga pinaghirapan ko rito sa japan. Katulad ng mga bar sa Pilipinas ay halos ganoon din naman dito, ang tanging kaibahan lang ay ang disiplina ng mga customer. Eto ngang katabi kong hapon ay kahit na halatang lasing na lasing na, tahimik pa rin siyang umiinom.
"Oi... Mo hitostu no sake!" ang sabi niya sa bar tender sabay turo sa sake sa harap niya.
("Hey... One more bottle of sake" / "Oi... One more bottle of sake")
("Hey... One more bottle of sake" / "Oi... One more bottle of sake")
Halatang lasing na ito dahil sa tono ng kanyang pananalita. Base sa nakikita ko eh pang siyam na bote na ng sake ang kanyang inorder. Di katagalan ay bigla niya akong nilingon, inakbayan niya ako.
"Reiji, Anata jōdan dayo" sabog niyang sabi. Napakunot ako ng ulo. Sinong Reiji? Ray ang pangalan ko ungas! Napagkamalan pa ata ako.
("Reiji, you're kidding right?")
("Reiji, you're kidding right?")
"Rei....onnegaishimasu" sabi niya sabay himas ng kamay niya sa balikat ko. Weirdo.
("Rei... Please")
("Rei... Please")
Akmang magsasalita siya ay isang likido mula sa bibig niya ang bumuhos sa akin. Putangina nasukahan pa ako! Kung minamalas ka nga naman di ko alam kung anung pinagsasabi niya, nananahimik lang ako dito bigla pa akong susukahan. Shit
"Nii san... Daijōbu desuka" ang tanong sa akin ng waiter
("Mister... Are you ok??")
("Mister... Are you ok??")
"Ii... Daijōbu desu" Ang matipid kong sagot. Pasimple ngumiwi.
("It's okay... I'm alright.")
("It's okay... I'm alright.")
Akmang aalis na sana ako nang muli akong tawagin ng isa sa mga staff ng bar.
"Okyaku sama. Chottomate kudasai, ano ne... Ano hito wa shitte imasu ka?" Ang tanong niya.
("Mr. Customer. Please wait uhm... Do you know that person over there")
("Mr. Customer. Please wait uhm... Do you know that person over there")
"Gomene... Shiranai desu. Dōshite" ang sagot ko sabat iling.
("Sorry... I don't know him. Why?")
("Sorry... I don't know him. Why?")
"Demo... Anata no namae wa Rei san desu ka"
("But... Your name is Rei right??/ you are mr. Rei right??")
("But... Your name is Rei right??/ you are mr. Rei right??")
"Hai. Sō desu" sagot ko sabay kunot ng noo.
("Yes... I am")
("Yes... I am")
"Anone... Ano hito wa ima koko ni jama sa rete... Kare o toridashite kudasai.." Ang sabi niya sabay bow.
("Uhm... That person is already disturbing here... Please take him out...")
("Uhm... That person is already disturbing here... Please take him out...")
Di ko alam ang isasagot ko sa waiter. Totoo naman na ako si Ray pero malay ko ba kung ibang Ray ang sinasabi niya at nagkataon lang na Ray rin ang pangalan ko. Bwisit, kung minamalas nga naman oh. Wala na akong nagawa, dahil na rin sa hiya at sa awa ko sa lalaking iyon ay pumayag na rin akong akuhin siya, kesa naman sa mag tawag pa ng pulis ang mga staff dahil sa kanya. Kawawang lalaki, ang cute pa naman niya.
Heto ako, akbay-akbay ko ang isang taong hindi ko kilala at sinukahan pa ako, isang taong halos lupaypay na dahil sa kalasingan. Pilit ko siyang tinanong kung saan ang bahay niya para makatawag ako ng taxi at maihatid ko na rin siya, aba malay ko ba kung mamamatay tao ito o di kaya ay kasama sa sindikato.
"Sumimasen..." Tawag ko sa kanyang wala nang pag galang dahil na rin sa nauna na din naman niya akong pinahiya kanina. "Oi..." Tawag ko ulit. Nakakairita na ah! "Nii san..." Tapik ko sa kanyang mukha. Bahagya niyang minulat ang kanyang mga mata, nilingon ako at saka ngumiti. Yung tipong parang ang saya-saya niya na nakita niya ako.
(In order: "Excuse me." , "Oi..." , "Mister...")
(In order: "Excuse me." , "Oi..." , "Mister...")
"Anata no kao ga kirei ne." Nakangiti niyang sabi akmang hahalikan ako. Nanlaki ang mga mata ko. Sumalubong ang mahina kong palad sa mukha niya, patulak ba? "Kao ga kirei ne." Nakangiti niyang sabi at muli na naman akong hahalikan. Putangina ng lalaking ito, sinukahan na nga ako, nanakawan pa ako ng halik, bastos!
(In order: "Your face is so beautiful." , "Beautiful face.")
(In order: "Your face is so beautiful." , "Beautiful face.")
"Nii san... Anata no jusho wa doko desu ka?" ang tanong ko pero di na niya ako sinagot dahil nakatulog na siya.
("Mister.... Where do you live.../ where is your address")
("Mister.... Where do you live.../ where is your address")
Naku kahit na naiinis na ako ay hindi rin naman kaya ng kunsiyensiya ko na iwan siya rito sa kalsada, kaya kahit na may pangamba sa loob ko ay dinala ko na lang siya sa apartment ko. Buti na lang at walking distance lang ito.
Inabot ako ng umaga sa kaiisip, halos di ako nakatulog dahil sa pangamba ko na baka magnanakaw o kaya naman ay mamatay tao itong taong dinala ko rito sa bahay.
Ilang saglit lang ay napansin kong umiiling-iling na siya sinyales na gising na ang hinayupak. Nag titimpla ako ng kape, maliit lang ang apartment ko at saka may isang maliit na sala kaya doon ko na siya pinatulog.
"Ohayōguzaimasu." bati ko sa kanya sabay abot ng kape. Bakas sa mukha niya ang pagtataka, lutang lang? O may amensia?
("Good morning.")
("Good morning.")
"Ohayō." Alangan niyang bati.
("Good morning.")
("Good morning.")
"Sumimasen... Watashi ga doko desu ka?" ang tanong niya
("Excuse me... Where am I?")
("Excuse me... Where am I?")
"Boku no apato." Ang matipid kong sagot sabay inom ng kape.
("My Apartment.")
("My Apartment.")
"Ano ne... Anata ga dare desu ka."
("Uhm... Who are you?")
("Uhm... Who are you?")
Di ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya, halatang wala siyang ala-ala sa kalokohan niya kagabi.
"Watashi wa... Ray desu... Anata wa nani no namae." medyo mataray kong sagot.
("I am... Ray... How about you, what's your name?")
("I am... Ray... How about you, what's your name?")
"Watashi wa... Kojima Kazuki.... Hajimemashite kudasai." sagot niya sabay higop ng kape.("I am... Kojima Kazuki... It's nice to meet you.")
"Anata ga saigo no yoru nani o shita ka shitte imasu ka?" ang tanong ko sa kanya. Nabigla siya sa agaran kong tanong kaya napaso siya. Binaba niya ang kape.
("Do you know what you did last night?" / "Do you remember what happened last night?")
("Do you know what you did last night?" / "Do you remember what happened last night?")
"Gomensai, saigo no yoru ga shitte ga wakaranai"
("Sorry, but I don't know what happened." / "Sorry, but I can't remember.")
("Sorry, but I don't know what happened." / "Sorry, but I can't remember.")
Umikot na lang ang mga mata ko dahil sa nakakagagong sagot niya. Ayaw ko namang ipagtabuyan siya palabas kaya kahit papaano ay ikinuwento ko sa kanya ang ginawa niya kagabi na siya rin naman niyang ikinagulat. Walang habas siyang humingi ng pasensya.
Ayon kasi sa kanya ay inwan daw siya ng kanyang nobyo na si Reiji at Rei din ang tawag niya rito. Bago pa siya umalis ay pilit niyang hiningi ang contact number ko para raw sa sususnod ay makapag hingi siya ng dispensa sa mas maayos na paraan.
Napilitan na lang din akong ibigay dahil sa kakulitan niya. Iniisip ko na dapat niya akong bayaran dahil ako nagbayad ng mga linaklak niya kagabi.
"How are you?" tanong ni Kazuki na nagbalik sa akin sa kasalukuyan. Narinig ko ang ingay sa loob ng bar.
"I'm good." Sagot ko sabay tungga ng sake.
"If you say so." Sagot niya.
"It's funny, we bump into each other here. Remember the first time? The same bar and the same stool?" Tukoy ko sa bar at inuupuan namin ngayon, itong-ito yung lugar kung saan kami nagkakilala five years ago.
Tumingin ako sa kanya, nagtama ang aming mga mata, kanina pa ata ito nakatingin sa akin.
"Maybe it's destiny." Sagot niya sabay ngiti.
"Tss." Sabi ko sabay iling. Tinuon ko ang mga mata ko sa inumin ko.
"Why? You're the one who taught me to believe in those things."
"Well hindi na ako naniniwala dyan." Sabay ikot ng mata at ngiwi.
"You should."
"And why should I?"
"There are things that is meant to happen. It might delay for quite some time, but it will happen if it's really meant to be." Confident niyang sabi na parang siguradong-sigurado talaga siya.
"Ano ba itong sinaksak ko sa kokote ng lalaking ito." Sabi ko sabay pigil tawa.
"Hey, naiintindihan kita." Natatawa niyang sabi. Tinuruan ko rin kasi siya ng Tagalog noong mga panahong kami pa.
"I know." Sagot ko.
Kinain kami ng katahimikan. Unti-unting nawala ang ingay sa paligid, muli ko na namang naalala ang mga problema ko. I want to disappear, to run, to escape, ewan ko. I'm just tired.
"Are you still mad?" tanong niya. Tumingin ako sa kanya, nagtama ang aming mga mata, bakas dito ang lungkot. Tungkol ata ito sa nangyari dati.
"No. Never akong nagalit sa iyo. Besides, it's my decision remember?"
"Nagtampo?"
"Dati. Pero okay na ako. Kakausapin ba kita ngayon kung hindi?"
"I'm sorry."
"Don't think about it. Tapos na iyon."
"I'm flying to Manila tomorrow." Ang laki ng inimprove niya sa pagsasalita ng english, confident na rin siya. Ang galing ko kayang teacher. Tinuruan ko siya dahil kailangan niya sa negosyo niya, lalo na't marami siyang business partners sa iba't-ibang parte ng Asia.
"For business?"
"Yes."
"I see."
"Do you rememeber that we're supposed to go there for a vacation?"
"Yeah." Sabi ko sabay ngiti.
"Would you like to come?"
Tumingin ako sa kanya. Muli kong naisip ang mga problema ko, gusto kong magpahinga at lumayo pansamantala. This might be the opportunity to do it, pero hindi ko maaaring iwan ang trabaho ko. Nagbitiw ako ng malalim na hinga.
"I guess it's a no." Malungkot niyang sabi sabay yuko. "It's okay, I understand."
"Don't take it personally. Hindi lang talaga ako maka-hindi kay Chichi."
"But are you still happy? Knowing that you're working with that guy?" tukoy niya kay Rome. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Alam niya ang tungkol kay stranger? Alam niya mga nangyayari?
"How did you know?" bakas ang gulat at pagtataka sa boses ko.
"You might not see me physically, but I'm always looking after you. And I know the pain that is in here." Sabay turo sa puso ko. "Kung hahayaan mo ako, can I be your comfort? Your sanctuary? You guardian?"
Ngumiti ako sabay kamot ng ulo. Hanggang ngayon ay sweet pa rin si Kazuki. Kung wala lang naging problema noon baka asawa ko na ito ngayon.
"I know you will not take a no for an answer."
Tumawa lang siya. Ilang saglit pa'y nagpaalam na kaming dalawa sa isa't-isa. Masaya akong makita siyang muli. Walang halong tampo o bitterness, sobrang okay kami. I wonder why. Hindi kami ganito ni Rome, maybe because mas malalim na di hamak ang ginawang sugat ni Rome sa akin.
***
RAY:
Humiga ako sa puting queen size bed ko, sobrang lambot at masarap sa balat. Inakap ko ang isang itim na unan sa tabi ko. Medyo inaantok na ako nang marinig ko ang tunog mula sa aking cellphone. Inabot ko ito sa end-table na katabi ng kama ko. Nag-text si Chichi.
"Kamusta ka? Kamusta ang first night mo with your student?"
"Tangina!" sigaw ko sabay bato ng cellphone ko. Badtrip! Katatapos ko lang mag-chill dahil sa stress na binibigay sa akin ni Rome ay heto, pinaalala pa ni Chichi na kasama ko sa bahay ang stranger na iyon.
Sa totoo lang, kung wala akong utang na loob dito sa tatay-tatayan ko ay matagal ko nang tinurn down ang request niya na turuan ko si Rome. Ayoko na talaga makasama ang taong iyan! Nakakapagod na! Nakakasawa! Sinubsob ko ang mukha ko sa puting unan at pagkatapos ay nagsisisigaw. Bwisit.
Muling tumunog ang cellphone ko. Hindi ko ito pinansin. Ilang saglit pa'y sunud-sunod itong tumunog. Dahil sa inis ay inabot ko ito, nag-message si Kazuki at napakarami.
"Thanks for the time." Una niyang message. "Hey." Pangalawa niyang message. "Snob." Pangatlo. At marami pang mga sumunod. Natigilan ako sa pinakahuli niyang message.
"Whatever your decision is, I hope your happy. Still, I will wait for you later before my flight. I hope you will come with me."
Napaisip ako. I think oras na para panandalian kong takasan ang stress dito sa Japan. Naisip ko si Chichi, mahal ko ang tatay-tatayan kong iyon, but sometimes I feel na sinasaksak niya sa lalamunan ko si Rome, and I hate it. Ewan ko kung ano nangyari, napansin ko na lang na nag-eempake na ako ng mga gamit ko. It feels like I'm on a berserk and I can't control myself. I just want to do it my way.
***
ROME:
Tumunog ang doorbell. Sinuot ang coat ko, handa na akong pumasok sa opisina. Muling tumunog ang doorbell.
"Wala pa ring nagbubukas? Tulog ka pa ba?" Tanong ko sa iyo sa isip ko. Sa mga panahong nakasama kitang matulog sa isang bubong, lagi siyang nauunang nagising at nakakapag-ayos. Agad kong kinuha ang brown leather body bag at sinabit sa balikat ko. Muli kong narinig ang sunud-sunod na pag doorbell.
"Tangina hindi makapaghintay!" Sigaw ko sa utak ko. Agad kong binuksan ang entrance door, bumungad sa akin ang nakangiting si Lyn at si Jess na kunot-noong nakatingin sa kasama niya.
"Good morning Boss! Pasensya na akala ko si Ray ang magbubukas." Masigla niyang sabi.
"Napadaan kayo ulit." Sinenyasan ko silang pumasok. Sinarado ko ang pinto at sumunod sa kanila sa sofa.
"Ito kasi hindi makapaghintay." Si Jess sabay turo kay Lyn.
"Kasi magaling tayo!" bakas ang excitement sa boses niya. "Boss ganito, alam na namin gagawin sa presentation mo, sabi mo kagabi same concept pa rin tama? Pero this time hindi na naka-focus sa kung sinuman, ang focus na natin ay ang company niyo mismo. You have to rediscover the glory days or should I say, years of your company. Then from there you will see how it became successful before and you might use it and somehow innovate it today. Something like that Boss." Paliwanag niya.
Parang may bumbilyang napakaliwanag na umilaw ngayon sa ibabaw ng ulo ko. Parang sinasabi ng utak ko na tapos na ang problema dahil nakuha ko na ang missing piece na hinahanap ko. Sana nga ito na iyon.
"But for me to do that, I have to..." Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil muling tumunog ang doorbell. Sino naman kaya ito?
Tumayo ako at tinumbok ang entrance door, binuksan ko ito at nakita ko si Kim.
"Nandyan si Ray?" Nakangiti niyang tanong.
"Nasa itaas ata bakit?" Sagot ko. Wala pang isang segundo ay biglang lumitaw ang karibal ko sa torii gate, may dala-dala itong boquet of flowers. Anong pakulo na naman nito? Nanliligaw na ba ito sa iyo? Alam ko nakasimangot na ako.
"Good morning." Sabi ni Bae.
"Pwede kami pumasok Rome?" Sabay akbay ni Kim kay Bae. Mukhang botong-boto ito sa kupal na lalaking iyon ah.
"Para kanino iyan?" Irita kong tanong.
"Kay Ray." Sabat ni Kim.
"Hindi ikaw tinatanong ni Boss." Sabat ni Jess na nasa likuran ko pala. Inirapan ni Kim si Jess.
"Pwede ba kami pumasok?" Muling tanong ni Kim. As a sign of hospitality ay tumango ako, kahit sa loob-loob ko'y ayokong papasukin ang lalaking ito. Popormahan ka lang ng kupal na ito eh.
"Boss bakit mo pinapasok?" Bulong ni Jess pagkasara ko ng pinto.
"Baka mag-away na naman kami ni Ray pare, hayaan mo na." Bulong ko sa kanya.
"Ay! May mga ganitong drama!" Nakapamewang na sabi ni Lyn.
"Syempre." Si Kim. Confirm, gusto ni Kim si Bae para kay Ray. Tsk.
"Malalanta rin iyan." Sabat ni Jess. Pigil tawa akong tumalikod para hindi nila makita.
"Hoy, kung malanta man iyan madali pa ring mapapalitan ni Bae iyan. Araw-araw nga nagpapadala ng bulaklak itong manok ko eh. Ang yaman kaya nito! Afford nga nito ang..." Hindi natapos ni Kim dahil tinakpan ni Bae ang bibig niya.
"Mayaman din si Boss. Tsaka bakit? Pera ba ang basehan? Itong si pareng Rome puno ng pagmamahal. Big heart inside a big body." Sabay tapik sa dibdib ko. "Hindi lang katawan at puso ang malaki." Si Jess sabay kindat kay Kim at ngisi.
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Tangina saan niya nakuha iyon!? Eh hindi pa naman niya nakikita iyon. Buti na lang wala ka rito, baka namula ako sa hiya.
"Ay! Nakita mo!? Oh my gosh!" Sigaw ni Lyn.
"Gago hindi ah. Ganyan talaga kaming mga yummy at malalaki ang puso." Pagyayabang ni Jess.
"Ay talaga? Patingin nga ng titulo mo Jess!" Pagdiin ni Lyn sa salitang titulo sabay halakhak.
"Hoy!" sita ni Kim, bakas sa mukha niya ang inis.
"Joke lang! Ito naman, alam ko namang sa iyo lang iyan."
"Sira. Anong akin!? Kanya iyan nakakabit sa kanya!" Sabi ni Kim. Mukhang may something na sa dalawang ito ah. Hmmm.
Biglang tumunog ang cellphone ni Lyn.
"Wait lang guys ah. Nag-chat si arte." Tukoy niya sa iyo. Kumunot ang noo ko sa narinig. Bakit siya magchachat sa iyo gayung nasa taas ka lang naman at magkikita kayo mamaya sa opisina.
"Tawagin ko na nga." Sabi ko sabay lakad paakyat ng second floor.
"Wait! Wala siya dyan!" Si Lyn. Lumundag siya sa pagkakaupo pagkatapos ay tumili na parang kilig na kilig. "Oh my gosh! Oh my gosh!" Pagsisigaw niya.
"Hoy para ka nang mamamatay dyan! Ano nangyari?" Tanong ni Jess.
"Magkasama sila!" Kilig na kilig na sigaw niya. I gave her a quizzical look. Kinabahan ako sa salitang binitiwan niya.
"Who?" Tanong ni Bae.
"Si Kazuki!" Si Lyn sabay tili at pagkatapos ay naglupasay sa sofa.
"Yung Ex ni Ray!?" Gulat na tanong ni Kim. Nagulat ako, may Ex ka pala? Ewan ko pero parang nainis ako sa narinig, kasama mo pa ngayon.
"Yeah! And they're getting back together!" Pasayaw-sayaw na sabi ni Lyn.
"Anong getting back ka dyan? Sinungaling ito! Hindi ganoon si Pareng Ray. Kung ito ngang napakagwapong si Boss ay hindi basta-basta pinapatawad eh, iyan pang Ex na niya?" Turo niya sa akin na gwapo raw. Tiningnan ko siya ng matulis. Tumawa si jess sabay peace sign.
"Well, doon na rin papunta iyon!" Masayang sabi ni Lyn. Putek parang sa iba rin boto ito ah. Mukhang si Jess lang ang kakampi ko pagdating kay Ray. Nagbitiw ako ng malalim na hinga. Hay.
"Anong doon papunta, know the difference Teh! Wag kang potassium." Mataray na sabi ni Kim.
"Hindi ako potassium bakla! Ang sabihin mo talo na mga manok niyo ni Jess." Si Lyn sabay ikot ng mata.
"Saan ba sila pumunta?" tanong ni Kim.
"Bakit ko sasabihin? Baka sundan niyo pa noh!" Si Lyn sabay ikot ng mata.
"Sasabihin mo ba o sisisantihin kita?" irita kong sabi.
"Sasabihin na nga ito naman impatient." Sabay ngiwi ni Lyn. "Pupunta silang Pinas, may business meeting si Kazuki, while si Ray magbabakasyon."
"Bakasyon? Alam ba ni Mr. Kyou iyan!?" gulat kong tanong.
"Aba'y ewan ko. Basta ang alam ko, magkasama sila ni Kazuki baby! Yiiihiieee!!!" sigaw ni Lyn na patalon-talon pa. Sarap sapakin.
Hindi ako mapakali sa sinabi ni Lyn. Pero isa lang sigurado ko, alam kong hindi totoong nagkabalikan kayo dahil sa pagkakaalam ko'y hindi ikaw yung taong basta-basta na lang bibigay agad, lalo na at Ex mo iyon na malamang ay may malaking kasalanan sa iyo.
Naglakad ako paakyat sa kwarto ko. Binagsak ko ang katawan ko sa kama. Nagbitiw ako ng malalim na hinga. Isang katok ang narinig ko, tumingin ako sa pinto, nakita ko si Jess.
"Pwede pumasok?" tanong niya. Tumango ako. "Anong plano mo?"
"What do you mean?"
"Hindi mo ba susundan si Pareng Ray?"
"Hindi. Bakit ko siya susundan?"
"Seryoso ka sa sinasabi mo Pare? Tinatanong mo talaga iyan?"
"Kailangan kong tapusin ang presentation ko, isa pa maraming inaasikaso rito at kakabukas pa lang ng opisina ng business namin dito sa Japan."
"Pare nauunahan ka na ng iba. Kung dati pwede kang mag-chill dahil si Bae lang ang karibal mo, ngayon hindi uubra iyan dahil may dumagdag pa at may pinagsamahan sila nun."
"Ano bang mapapala ko kung kikilos ulit ako? Ilang beses na niya akong pinagtabuyan Pare, oras na para isipin ko naman ang sarili ko." Nagbitiw ako ng malalim na hinga. Ilang segundo ang lumipas at isang katok ang bumulabog sa amin ni Jess, nakita ko si Lyn.
"Boss! Hindi po ako papasok mamaya! Holiday po pala ngayon!" masayang sabi ni Lyn.
"Anong holiday?" kumunot ang noo ko. Wala naman akong nabalitaan na holiday ngayong araw.
"ReiZuki Day! Yihiiieee!!!" sabay bukas ng braso at nagtatatalon na kilig na kilig. Medyo matagal akong nag-isip.
"ReiZuki?" tanong ko sa kanya.
"Yes! Rei and Kazuki day! Yan ang name ng love team nila." Tuwang-tuwa na sabi ni Lyn. Tsk.
"Tigilan mo ako sa kalokohan mo Lyn." Sagot ko sa kanya.
"Umalis ka na nga rito!" sabat ni Jess. Tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito, may nag-chat!
"Sungit!" narinig ko ang yapak ni Lyn paalis. Binuksan ko ang messenger. Si Ate nag-chat.
"Bunso! Uwi ka naman dito, may surprise party para sa anniversary nila Papa at Mama. Sana kumpleto tayo bunso."
"Sayang naman. Marami ako inaasikaso rito Ate."
"Bunso, magpapadala ako ng katiwala dyan kung hindi mo talaga maiwan, hayaan mong siya na muna ang umasikaso niyan. Minsan lang ito Bunso. Please?" Ang galing ng pagkakataon, mukhang hinahatak ako ng Pinas.
"Si Pareng Ray ba yan?"
"Hindi. Si Ate, pinapauwi ako dahil anniversary ng parents ko."
"Pare, pumunta ka na. Tsaka isipin mo na kailangan mo ring makausap ng personal ang Kuya at Papa mo, sila ang kailangan natin para matapos na ang presentation mo."
Natigilan ako sa narinig ko. Si Kuya? Ewan ko kung kakausapin ko ba iyon, may sama pa rin ako ng loob doon. But for my presentation, I might give it a shot. Hindi ko maiwasang hindi ka isipin. Naisip kong puntahan ka sa bahay niyo during my free time, ewan ko bahala na.
***
ROME:
Nag-aayos ako ng gamit ko. Kaunti lang ang dinala ko since tatlong araw lang naman ang plano ko sa Pinas. Linagay ko ang ilang T-shirt, pants, underwear, socks, at kung anu-ano pa man. Ilang saglit pa'y binuksan ko ang isa kong maleta, hinalungkat ko kung may mga naiwan akong mahahalagang gamit. Isang bagay ang pumukaw ng atensyon ko na nakalagay sa isang tagong parte ng maleta, isang sulat.
"Dear Stranger" basa ko sa nakalagay sa puting envelope. Nagbitiw ako ng malalim na hinga. Ito ang sulat na ginawa ko at ibibigay ko sana sa araw ng kasal-kasalan natin sa Kyoto. Sa sulat na ito nakapaloob ang lahat ng gusto kong sabihin sa iyo, mga sumpa at pangakong sana ay bibigyan ko ng katuparan simula sa araw na iyon. Sumikip ang dibdib ko. Nagbitiw ako ng malalim na hinga. Binalik ko ang sulat sa maletang iiwan ko rito sa bahay mo.
Sa pag-uwi ko ng Pinas, hindi ako magdadala ng kahit na anong tungkol sa atin, iiwan ko ang mga iyon dito sa Japan. Focus ko ay negosyo ng pamilya ko at pamilya ko mismo.
(End of Chapter 18)
o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o
CHAPTER NINETEEN
RAY:
Naalimpungatan ako. Sumalubong sa akin ang malamig na hanging umiikot sa aircraft, nanginginig ako. Parang lalong bumigat ang pakiramdam ko, kagabi ko pa ito hindi ko lang pinapansin pero parang lumala. Tsk.
Napansin kong may brown jacket na nakabalot sa katawan ko, alam kong hindi ito akin, kay Kazuki ito. Lumingon ako sa tabi ko, nakita ko ang natutulog niyang mukha. Napangiti ako. Sweet siya sa actions, ngunit hindi siya sweet verbally, pero pag nalalasing parang gusto ko nang takpan ang tenga ko dahil grabe kung mambola. Kaya nga naninibago ako kagabi dahil kung anu-ano sinasabi niya sa bar kahit hindi naman siya tinamaan ng alak, siguro ay baka namimiss lang niya talaga ako.
Nagbitiw ako ng malalim na hinga. Muli kong naalala ang masasayang sandali namin noon.
"Woooh! Kapagod!" habol hinga kong sabi sabay higa sa damuhan. Ramdam ng balat ko ang pagtusok ng mga dahon.
"Enjoy?" tanong niyang habol hinga rin. Tumango ako sabay tingin sa kanya. "Let's do it again next time." nakangiti niyang sabi. Inakap niya ako. Pumikit ako. Hinaplos ko ang ulo niya habang ang isa kong kamay ay gumapang sa likod niya.
"Ureshii?"
("Happy?")
("Happy?")
"Oo naman." Sabi ko sabay hilig ng pisngi ko sa ulo niyang nakasubsob sa dibdib ko. Rinig na rinig ko pa rin ang malalim na paghinga niya. Dumilat ako, nakita ko ang madilim na langit, wala akong makita kahit isang bituin, pero napakalaki at napakaliwanag ng buwan na siyang saksi sa amin.
"Kazuki..."
"Hmmm?" his voice is light yet deep and manly.
"Thank you for everything. I will not experience this if it weren't for you."
"It's my payment for teaching me English for free." Inakap niya ako ng mahigpit. "Tsugi, Tagarogu ne." Sabay tawa.
("Next, Tagalog naman.")
("Next, Tagalog naman.")
"Sure." Sagot ko sa kanya sabay punas sa pawis na tumutulo sa noo ko. Ngayon ko lang na-experience ang maglaro ng football, at tinuruan niya pa ako. Sobrang saya. Ever since kasi ay hindi ako nakakasali sa mga sports and other physical activities, wala kasi akong confidence noon. Kazuki gave me the opportunity to do and experience the things na hindi ko nagawa noon. He made me a better person. He helped me overcome my flaws and weakness. He's the man of my dreams in human flesh.
Tumayo siya. Inabot ang kamay niya, tinanggap ko ito at tinulungan niya akong tumayo. Bigla niya akong hinatak palapit sa kanya at nagnakaw ng halik. Nanlaki ang mga mata ko, kasabay noon ay naramdaman ko ang isang malakas at mabilis na kuryenteng dumapo sa labi ko. Kumalas siya at nagbitiw ng isang nakakalokong ngiti.
"What is that for!?" tanong ko.
"Daisuki Yo" Nakangiti niyang sabi.
("I like you.")
("I like you.")
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Baligtad kasi sa Japan, ang babae o di kaya sa kaso namin ay ang mas feminine ang unang nanliligaw kesa sa lalaki. Pag sinabi ng lalaki na gusto niya rin ang babae ay doon pa lang mag-uumpisa ang totoong ligawan, hanggang sa magdesisyon silang dalawa na maging official couple.
"Hontou!?" nakangiti kong sabi.
("Really?")
("Really?")
"Uun." Sabi niya sabay iling. "Aishiteru Ray." Sabay muling halik sa akin. Pumikit ako, naramdaman kong kinulong niya ang katawan ko sa braso niya.
(In order: "No." , "I love you Ray.")
(In order: "No." , "I love you Ray.")
Ramdam ko ang malamig na halik ng hangin. Parang amin ang mundo. Saksi ang maliwanag na buwan sa araw na iyon, ang araw na may isang taong nagmahal sa akin ng totoo.
"Good morning." sabi niyang nagbalik sa diwa kong naglalakbay sa nakaraan. Nagising pala siya. Tumingin ako sa kanya.
"How's your wife and your son?" bigla kong tanong sa kanya.
Hindi siya agad nakasagot. Tahimik, rinig na rinig ko ang tunog ng aircraft. Nagbitiw siya ng malalim na hinga. Binasag niya ang katahimikan.
"My wife is already three years dead." maiksi niyang tugon. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, kinilabutan ako.
"Why? What happened?"
"Suicide." Pabulong niyang sabi. Kinilabutan ako. Napayuko ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Kinain kami ng katahimikan. Gusto ko pa sanang itanong kung bakit, pero hindi ko na ito tinanong.
"Kazuki..." tawag ko sa kanya sabay tingin. Nagtama ang aming mga mata, kanina pa pala siya nakatingin sa akin.
"Ray... Can I ask you something?" tanong niya. I gave him a quizzical look. "Pwede ba nating subukan ulit?"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Anong subukan? Ang ano? Ang alin? I'm confused.
"Are you asking me if I still love you?" alangan kong tanong.
"Yes... Because I never stopped loving you."
Natameme ako. Parang lalong bumigat ang pakiramdam ko. Damn, I think I have a fever now.
***
RAY:
"Ipapahatid na kita." Nag-aalala niyang sabi.
"Okay lang ako. Mag-taxi na lang ako."
"I insist. If I don't have a meeting in 15 minutes, ako mismo maghahatid sa iyo. Please let me do this."
Hindi na ako nakipagtalo dahil alam ko namang hindi siya papayag, baka ma-late lang ito dahil sa kakulitan niya. Balak ko pa sanang mag-ikot-ikot o di kaya ay magpunta sa malayong lugar kagaya ng probinsya para makapag-unwind ngunit lalong tumindi ang bigat ng katawan ko. Malamig ako sa labas, pero nakakapaso ang init sa loob ng katawan ko. Tsk.
Nagpaalam kami ni Kazuki sa isa't-isa. Hinatid ako ng tao niya gamit ang isang itim na kotse. Noong una ay gusto niyang sa ospital ako idiretso at ipatingin pero hindi na ako pumayag at sinabi kong magpapahinga na lang ako sa isa sa mga condo ko, buti na lang at nasa bakasyon din ang umuupa rito kaya pwede akong tumuloy.
Ayokong umuwi sa amin dahil alam kong mag-aaway lang kami ng tatay ko at baka lalong lumala ang sakit ko dahil sa stress.
Pagkarating ko ng condo ay agad kong sinarado ang pinto at dumiretso sa kwarto ko. Iniwan ko ang maleta sa may pinto at pagkatapos ay agad kong binagsak ang katawan ko sa puting double-sized bed. Unti-unti kong naramdaman ang malamig na hanging tumutusok sa balat ko, nag-umpisa akong manginig at manghina. Pumikit ako, muli kong naalala ang mga pinagdaanan ko noon mga unang buwan ko sa Japan, kapag nagkakasakit ako ay walang nag-aalaga sa akin. Tiisin ko na lang, pasasaan ba't mawawala rin ito, tutal sanay naman akong walang nag-aalaga sa akin.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog. Naalimpungatan ako sa pagbukas ng pinto ng kwarto ko, ilang saglit pa'y naramdaman kong may nagbukas ng butones ng blue polo ko. Pilit kong binuksan ang aking mga mata ngunit madilim at wala akong makita.
"Ako na bahala. Huwag ka na masyadong gumalaw." Bulong ng isang pamilyar na boses, lalaking-lalaki, hindi ko pa man siya namumukaan ay nakaramdam pa rin ako ng security at comfortability. Ramdam kong hindi ako pababayanan ng taong ito. Inalalayan niya akong tanggalin ang polo ko. Kasunod nito ay ang pants ko, natira ang ang itim na boxers ko. Unti-unti kong naaninag ang taong kasama ko, si Rome!
"Anong ginagawa mo rito!?" bakas sa boses ko ang panginginig.
ROME:
"Mamaya na tayo mag-usap. Kumalma ka muna." Sabi ko sabay ngiwi.
"Kaya ko ang sarili ko." Sagot mo.
"Tumigil ka nga." Irita kong sabi sabay hubad ng T-shirt ko kasunod ay ang pantalon at boxers ko, wala akong tinira. Nanlaki ang mga mata mo.
"Tangina anong ginagawa mo!?" pagsisigaw mo sabay pikit. Alam kong gusto mong kumilos, tumayo, at tumakbo; pero wala ka nang lakas gawin ito. Sunod kong hinubad ang boxers mo, linagay ko sa ibaba ng kama ang lahat ng damit natin.
Kinuha ko ang comforter ng kama mo, binalot ko ito sa likod ko at pagkatapos ay yinakap kita.
"Rome ano ba!" pasigaw mong sabi na halos wala ng lumalabas sa boses mo.
"Anong ano ba!? Halos magkumbulsyon ka na nga nung dumating ako kaya tumigil ka dyan. Kailangan lumabas ang init dyan sa katawan mo." Irita kong sabi. "Kumalma ka lang. Nandito ako." Malambing kong bulong sa iyo.
Hinilig ko ang ulo ko katabi ang pisngi mo. Mahigpit kitang inakap. Pumikit ako. Ramdam ko ang bawat parte ng balat mo sa balat ko. Tangina naman kasi pinapabayaan mo ang sarili mo. Tsss.
RAY:
Hindi na ako makagalaw. Nagpaubaya ako, kahit ramdam ng bawat balat ko ang balat niya lalo na ang harap niya sa harap ko, nakakailang. Pinikit ko ang mga mata ko. Naramdaman ko ang paghilig ng ulo niya sa pisngi ko. Naramdaman ko na lang na humilig din ako sa ulo niya. Ramdam ng katawan ko ang lahat ng sa kanya, pati ang nakakapasong init niya. Ito ba ang init na sinasabi niyang pagmamahal na pilit kong tinataboy? Ewan. Pero ramdam kong ligtas ako at magiging okay ako. Bumilis ang tibok ng puso ko. This is different, ngayon ko lang naranasan ito. Parang may kung anong emosyong sumasabog sa dibdib ko na hindi ko maintindihan.
Unti-unti kong naramdamang kumalma ang mabigat kong katawan.
ROME:
Naalimpungatan ako, ramdam kong basang-basa ang katawan ko at katawan mo. Inabot ko ang ilaw sa ibabaw ng kama mo, binuksan ko ito.
Medyo nasisilaw man ay pilit kong tiningnan ang maamo mong mukha na tinatamaan ng puting ilaw. Ilang saglit pa’y nagpakawala ng isang mala-barenang hilik ang bibig mo. Napangiti ako, ang sarap mong pagmasdang natutulog. Hinalikan ko ang noo mo, basa ito ng pawis. It’s good na lumabas na ang lagnat mo. Humikab ako, inabot ko ang iPhone ko sa may itim na end-table katabi ng kama mo, it’s four in the morning, ang haba ng tulog natin. Kahit ako’y pagod na pagod sa byahe ko kahapon.
Unti-unting nawala ang maingay mong hilik, sinubukan mong dumilat pero hindi mo magawa, masyadong maliwanag.
“Kamusta pakiramdam mo?”
“Medyo okay na.” Sagot mong nakapikit pa rin.
“Weh?” sabay mahigpit na akap sa iyo. Ang sarap mong akapin, ang kinis ng balat mo daig pa ang babae.
“Oo nga.”
“Hindi ako naniniwala.” Sabi ko, lalo kong hinigpitan ang pagkaka-akap sa iyo.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong mo.
“Anniversary bukas nila Mama at Papa. So umuwi ako para surpresahin sila. Nalaman ni Mr. Kyou na umuwi ka ng walang paalam, at nagkataon na uuwi rin ako. Nagpadala siya ng mga pasalubong para sa pamilya mo, alam niya kasing hindi mo ito tatanggapin kung sa iyo niya mismo ibibigay, kaya hayan pinapunta niya ako rito para iabot ito sa iyo.”
“Si Chichi talaga. Tsk.” Sabi mo sabay iling. Unti-unti mong naidilat ang silaw na silaw mong mga mata.
“Pagkarating ko rito, sinabihan ko siya na may sakit ka. Tawagan mo raw siya pag okay ka na.” Sabi ko sabay ngiwi. Patay ka kay Mr. Kyou, bad boy ka kasi. Hehe.
“Eh paano ka naman nakapasok dito.” Tanong mo sabay taas ng isang kilay.
“Binigyan ako ni Mr. Kyou ng spare key ng condo mo, binigay mo raw ito sa kanya in case of emergency o di kaya ay pag pupunta siya rito para bisitahin ka.”
Nagkamot ka ng ulo.
“Wag ka na ngang malikot!” irita kong sabi sabay baba ng kamay mo at kinulong ito sa braso ko.
“Masyado kang close alam mo yun? Naramdaman ko na lahat!” paos mong sigaw sa akin. Natawa ako.
“Bakit? Anong masama? May sakit ka, parehas naman tayo lalaki, at...” sasabihin ko sanang mahal kita kaso ay kailangan ko ngapalang iwasan ito ngayon. Hay.
“At ano?” kunot noo mong tanong.
“Nag-aalala ako.” Sabi sabay hilig ng ulo ko sa iyo.
Kinain tayo ng katahimikan. Ilang saglit pa’y binasag mo ito.
“Rome...” paos na paos mong bulong.
“Ano yun?”
“Bakit ginawa mo ito kahit tinataboy kita?”
"Gusto ko. Kaya sana hayaan mo ako."
Tahimik. Rinig ko ang malalim mong paghinga. Ramdam ng dibdib ko ang mabilis na tibok ng puso mo.
"Salamat." Bulong mo sa akin.
"Saan?"
"Sa pag-aalaga."
Ngumiti ako. Hinilig ko ang ulo ko sa pisngi mo. Hindi mo alam kung gaano ako kasayang marinig iyan mula sa iyo, for the first time pinasalamatan mo ang mga ginagawa ko para sa iyo. Napansin ko na lang na nabalot ng luha ang mga mata ko. Unti-unti itong tumulo sa pisngi mo.
"Umiiyak ka?" gulat at paos mong tanong.
"Hindi ah. Pawis lang iyan. Ang hot ko kaya."
"Sira."
"Masarap ba?" tanong ko sabay tingin sa iyo at ngiti ng nakakaloko.
"Ang alin?" bakas sa mukha mo ang gulat.
"Katawan ko?" sabay kindat.
"Gago! Tumayo ka na nga! Hindi na ako makahinga eh!" lumakas ang boses mo.
"Mamaya na, hindi ka pa okay." Sabay bagsak ng mukha ko sa pisngi mo. Binalik ko ang mahigpit na yakap sa iyo. "Susulitin ko ito, baka hindi na ito maulit eh." Bulong ko sa sarili ko.
"Rome..." tawag mo sa akin.
"Yes?"
"Friends?" Nakangiti mong sabi. Tinaas ko ang ulo ko at tumingin sa iyo.
"Sigurado ka?" abot tenga kong ngiti.
"Ayaw mo?"
"Gusto syempre." Naku, kung pwede lang ako magtatatalon sa saya ay ginawa ko na.
"So ano? Friends na tayo?"
"Friends." Sabi ko sabay tukod ng ulo ko sa noo mo. Hinimas ko ang buhok mo. Nagpaubaya ka. Naramdaman ko ang basa mongbraso na pumulupot sa likod ko. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon Ray,ito ang isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko, ang maging ganap na kaibigan ng taong pinakamamahal ko.
Thanks for reading! Comments, Suggestions, and feedback are all welcome! ^_^
ReplyDeleteYou never failed to bring "kilig" moments to your readers.
ReplyDeleteKudos White_Pal!
-dufei-
Thanks for reading! Sana po patuloy niyong basahin ang story ko. ^_^
DeleteOmg!!!!!! Nakakakilig yung last part! Hihi
ReplyDelete-44
Hahaha! Thanks for reading! Sana po di mahalay ang dating sa inyo. The goal of that part is to bring "kilig and kiliti" to the readers without the thing called "libog", or kung meron man para sa iba ay sobrang minimal lang. Mas gusto kong ma-emphasize yung kilig at yung pag-aalaga ni Rome kay Ray. :-)
DeleteGrabe whitepal hindi ako makahinga! Ginulat ako ni Rome doon as in hubad kung hubad! But what I like about it is it's sensual yet wholesome. Alam kong hindi libog ang dahilan but taking care of the person that he loves. And that's sweet.
ReplyDeleteHonestly iba naisip ko sa flashback ni Kazuki at Ray, I thought they're having sex, football lang pala. Lesson learned don't be too green. LOL!
Please update as soon as possible Gab. Gusto ko malaman ang kasunod nito. Mas exciting kasi they're friends now so I expect less fight between Ray and Rome and more kilig.
More power whitepal! Cheers!
- Zefyr
Yow Zefyr! Ayan kasi wag masyadong mahalay ang utak. Hahaha! I'll try to update this Tuesday or Wednesday. Sana matapos ko.
DeleteAs always Thanks for reading! Take care! ^_^
Yun bati na sila! Hubad lang pala katapat ni Ray. Hihihiii! Sana maging sila na.
ReplyDeleteHubad talaga!? Hahaha! Di po ba dahil inalagaan siya nito at naramdaman niya ang sincere na pagmamahal sa kanya ni Rome? Hahaha! :-))
Deletebati na sila at friend pa, si kazuki naman kaya, may pagasa nmn ba kaya kay ray?
ReplyDeletebharu
Yes bati na talaga sila. Kay Kazuki naman, hmmm... abangan! Same thing kay Bae. Mahaba pa tatakbuhin ng story.
DeleteThanks for reading! ^_^
I have constantly followed this story though I have not been commenting.. I just can't help but comment in this chapter because I really liked the flow and of course Rome and Ray getting cozy.. I hope they eventually end up together.. Please.. Keep up the great work author..
ReplyDeleteKeep on reading po. Maraming maraming salamat sa comment at pagbabasa! ^_^
DeleteHmm, ndi pa rin sakin malinaw kung papano nghiwalay si Ray at Kazuki. Kung dahil ba sa nakabuntis si Kazuki or enganged sya or ewan, haha. And for the climax, Grabe kinilig at nagulat ako sa hubaran na naganp subalit, datapwat ako ay nabitin nang sobra. Akala ko p nmn my magaganap na sobrang ikatutuwa ko yun pala sobrang ikabibitin ko, hahaha I demand a friends with benefits scene next chapter haha. Kudos and thanks sir Gab
ReplyDelete-RavePriss
Kasi wala po sa chapter na ito ang reason kung bakit sila nagkahiwalay ni Kazuki. Malalaman mo soon. :-)
DeleteRegarding sa request mo, hmmm... Abangan. Pero kung sakaling hindi man sa susunod chapter, baka sa mga susunod.
Reading the comments here, sa wattpad at yung mga PM's na natanggap ko, naisip ko na kung nangyari ang hubaran sa early chapters, hindi kayo magrereact ng ganito katindi ngayon. Hahaha! Kasi let's face it, normal na sa isang M2M story ang may sex o di kaya hubaran, this is different and I'm proud of it at masaya ako sa naging result na nagulat kayo. Unexpected nga sabi ng karamihan. Sabi ko nga sa iyo, ako man hindi ko ineexpect na may ganito, nalaman ko lang na may hubaran while writing it, yun ay hindi dahil gusto ko o gusto niyo kundi dahil hiningi ng story. :-D
Salamat sa pagbabasa! ^_^
shocks ang sarap! sana matuloy na ang inaabangan naming mga tagasubaybay mo. sana may kasunod na po.
ReplyDelete~n1ck~
Abangan kung matutuloy ang gusto mo po. Hehehe.
DeleteThanks for reading!
sana magtuloy tuloy na yung good relationship nila rome at ray,, sna wak ng mag away ulit sna puro sweet moments na lang lahat hahaha
ReplyDeleteAz
Sana nga po. Let's see sa mga susunod na chapters. :-)
DeleteThanks for reading!