Followers

Wednesday, March 23, 2016

Loving You... Again Chapter 44 - The Unseen Threats




  



Author's note...

Hello ulit guys. Andito na naman ako haha. Unang-una sa lahat po ulit, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Ponse sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin! Also kuya Peter! At pati na rin po sa ibang writers ng blog! :D

Hi guys. Meet Natasha Chernaya Vdova. Siya iyung girlfriend ni Dexter from France. Iyung iba pang detalye sa pagpapakilala niya ay makikita sa chapter na ito. Hindi po nakakaintindi ng Tagalog si Natasha, pero, ginawa ko ang POV niya in Tagalog Language. Hindi sa sinasabi ko na baka karaniwan sa mga readers ay hindi maintindihan ang English Language, ako din kasi ay nahihirapan sa English Language especially sa POV. So, ang ginawa ko ay iyung mga dialogue niya ang English, habang ang POV niya ay Tagalog. At kung mababasa niyo po ito ng tuloy-tuloy, plot relevant po siya. Kaya, sino kaya ang babaeng ito at bakit, may alam siya?

Last 2 Chapters na lang pala, pero baka sa mga susunod na buwan pa ako makakapagpost. Sana ay matapos na ang Summer agad para mapabilis ang aking ginagawa, kahit na magiging busy ako sa mga susunod na buwan.

Happy Holy Week po sa inyong lahat! Sana po ay maging safe kayo sa inyong mga byahe, kung saan man kayo tutungo. At huwag kalimutan na magngilay-ngilay. Heto na po ang Chapter 44.











Chapter 44:
The Unseen Threats


































































Natasha’s POV



          “Yes, I am here,” sabi ko sa kausap ko sa kabilang linya.



          “Good. So when will you start contacting our mole?” tanong nito.



          “Don’t worry sir. As soon as possible. Although, I have some appointments ahead because my boyfriend cannot go back to this country,” paliwanag ko. Lumakad ako papalabas ng airport para hanapin ang kapatid ni Dexter na sasalubong daw sa akin.



          “It’s okay Natasha. We have a lot of time to spare. And when you contacted our mole, call me immediately. I will follow you there shortly.”



          Nakita ko ang isang lalaki sa hindi kalayuan, na nakikita ko sa mga family photo ni Dexter. “Roger that. Gotta go sir. My boyfriend’s brother is here.”



          “Good luck Natasha.”



          Pagkababa ng telepono, ibinalik ko ito sa aking bulsa. Dala-dala ang aking maliit na bagahe, lumapit ako sa kapatid ni Dexter. Kumaway-kaway pa ako dito para mapansin. Mukha naman itong nag-alangan na kumaway pabalik.



          “Are you Natasha? My brother’s girlfriend?” tanong nito sa akin.



          “Yes, I am,” nakangiting sagot ko.



          Pagkaraan ng ilang segundo, natulala si Jin. Pinitik ko pa ng ilang beses ang aking mga daliri sa harapan niya para magising siya. Marahil ay dahil sa ngayon lang niya ako nakita kaya ganyan ang reaksyon niya.



          “Oh my God! I am so sorry!” paghingi niya ng tawad. “It’s just, you are more beautiful in personal.”



          “You already saw my pictures in Facebook right?”



          “Yes. Oh my goodness.”



          Tumalikod si Jin sa akin at humugot ng maraming malalim na hininga. Natawa naman ako sa inasal niya. Ganito ba talaga siya dahil ngayon lang niya ako nakita?



          Humarap ulit siya sa akin. “So, can I help you? Can I carry your baggage to my car? Wait, is that all your baggage?” Tinuro niya ang maleta ko na malaking-malaki.



          “Yeah. That is all my baggage.” Binigay ko sa kaniya ang maleta at binuhat naman niya ito.



          “This way. Follow me. And make sure you follow me.”



          Sumunod ako sa kaniya hanggang sa narating na namin ang sasakyan niya. Habang nilagay niya ang mga bagahe ko sa likuran ng kanyang sasakyan, pumasok na ako sa sasakyan. Mula sa aking bag, kinuha ko ang aking salamin para makita ang aking sarili kung kailangan ko pa bang magpa-retouch. Hmm, mukhang maganda pa rin naman ako kaya hindi na kailangan.



          Ilang segundo ang nakalipas, nakabalik na si Jin. Pinaandar na niya agad ang sasakyan at nagsimula ng magmaneho.



          “By the way Natasha, do you know me already?” tanong niya.



          Natawa ako. “Yeah. I know you already. You are Jin, Dexter’s brother.”



          “Yes, right. I am Dexter’s brother.”



          Habang nagmamaneho, kita kong palipat-lipat ng tingin si Jin sa akin, at sa daan. Muli ay natawa ako sa inasal niya.



          “You know Jin, you are funny. What are you doing? Please look at the road. We might get into something unexpected if you continue to do that,” natatawang saway ko.



          “Punyeta! Naiilang ako. I’m sorry. I was just, I can’t believe that a beautiful woman like you is my brother’s girlfriend,” pakumpas niyang saad. Ano iyung sinabi niya kanina? Hindi ko siya maintindihan.



          “Oh! Thank you for complimenting me. And yes. I am your brother’s girlfriend. Believe it.”



          “So Natasha, can we please reintroduce ourselves? Let me go first. I am Jin Bourbon, Dexter’s blood brother, I am a Filipino citizen, and I live in Rizal. My motto is…” Hindi siya nakasagot. “I am not ready for the motto so let’s skip that.”



          Kapwa natawa kami sa ginawa niyang pagpapakilala. Wala pala siyang motto sa ganitong edad? How come?



          “Okay. My name is Natasha Chernaya Vdova, an orphan, I am a Russian citizen, and I live in France. My motto is, patience is virtue,” pagpapakilala ko.



          “Oh, wow. Patience is virtue. I see. So, can I ask? What was the story behind you and my brother?” Tumigil naman ang sasakyan dahil sa traffic. “Ohh, sorry Natasha. I think, this will take time before we can get to our mansion. Welcome to the Philippines anyway.” Ganito pala sa bansang ito?



          “Don’t worry. Like I said, not more than a minute ago, patience is virtue. I guess, I should give you some advance answers that Dexter’s parents might ask me later. But please. Don’t spoil them okay?”



          “Okay. I understand.”



          Habang nasa kalagitnaan ng traffic, kiniwento ko sa kaniya kung paano kami nagkakilala ng kapatid niya na si Dexter. Kiniwento ko din kung ano ang mga nangyayari kay Dexter, sa eskwelahan na pinapasukan namin, at pati na rin ang mga nakakahiyang bagay. Habang nagkikwento, napapansin ko na parang hindi nakikinig sa akin si Jin. Napansin ko na ang kaninang masayahing ora niya kanina ay nawala.



          “Hey, are you still listening?” untag ko. Tinapik ko ang kanyang balikat.



          “Ha? What?” Nilingon niya ako at agad na ibinalik ang tingin sa daan. Humugot siya ng malalim na hininga. “Could you repeat that?”



          “You are spacing out while I am telling you our stories.  Are you okay?” tanong ko. “Are you okay? Are you sick? Did you get enough sleep? Would you like me to drive?” Nilagay ko ang kamay ko sa baba niya upang malaman kung may sakit siya.



          “Umm, no, Natasha. Please. I’m really okay.” Itinaas niya ang kanyang kanang kamay hudyat na okay lang talaga siya. “Thank you for caring, and I’m sorry. It’s just, this moment is so nostalgic for me. I mean, kind of a year ago, my sister, Sharina, we were like this while going to Rizal. We were happy that we finally see each other for a long time, we were sharing each other stories, and yes, we were really happy that time. But this year, she did something, bad, very bad to a person. And not just a person. There are three of them or more? Well, did my brother told you about our sister?” At ang tipo ng pag-uusap na ayaw ko, hangga’t maaari.



          Isinandal ko ang kanang bisig ko sa pintuan ng kotse at tumingin sa labas ng bintana. “Yeah. I heard that already. I heard that she murdered someone, and murdered an unborn child, right?”



          “Yeah. She did that. But you know, she keeps on insisting that she didn’t do it. Even though a series of evidences are piling up against her, she still insist that she didn’t do it.”



          “The penalty of infanticide in this country is Reclusion Perpetua right? Is she in jail now?” tanong ko. “You know, I really want to see her since she is a relative of Dexter. I want give her some of my love because, I think, she needs it.” Badly.



          “No. She wasn’t penalized because the family who sued her withdraw the cases against her for a condition. That’s why, Sharina is in the mansion right now, locked in her room.”



          “Wait, what was the condition?” usisa ko.



          “Tito Marcus must give all of his shares to our company.”



          “Wait, all of it? That’s crazy!”



          “I know. It is crazy. But, since Tito Marcus loved Sharina so much, also because, she is the only close family that he have, he did it. He gave his shares to the Dominguez family.” Huh? Dominguez family? Saan ko ba narinig ang apelyido na iyan?



          “Well, I must say that she is a lucky lady. You know, in Russia, if you did something really bad, you must be responsible for it, all by yourself. Good thing that Filipino people loves their family so much.”



          “Yeah, I guess so.”



          Parehas na hindi na kami nagsasalita sa byahe. Nararamdaman ko kasi na malungkot si Jin at hinayaan ko na lang muna siyang pag-isipan ang mga bagay-bagay. Gusto ko sanang magsalita para doon sa kapatid niyang si Sharina, kaya lang, mukhang wala pa ako sa posisyon na gawin ang bagay na iyun. Or, hindi pa panahon para magsalita ako. Dapat ay makinig din ang mga magulang niya sa sasabihin ko. Napakahirap pa naman ng sitwasyon ng kapatid niya. I bet na, iyung papa lang nito ang kumakausap sa kaniya. At mukhang, magiging malaki ang epekto nito sa kanyang sarili kapag, napabayaan. Pamilya ito ng boyfriend ko at, gusto ko sanang makatulong na ayusin at buuin ang pamilya nila kung kailangan.



          “Natasha, Natasha,” tawag ng isang boses sa akin na mukhang kay Jin.



          Idinilat ko ang aking mata at sinalubong ako ng nakakasilaw na ilaw. Napakasakit nito sa mata, at ngayon ko lang napagtanto na nakatulog pala ako. At hindi pala ito ilaw na nagmumula sa araw. Ilaw ito na nagmula sa bahay. Gabi na pala nang nakarating kami dito.



          Kinuskos ko ang aking mga mata. Pagkatapos ay iginala ko ang aking paningin. Mula sa aking bintana, nakita ko ang isang napakalaking bahay.



          “Are we here?” tanong ko.



          “Yes, Natasha. We are here,” sagot sa akin ni Jin habang tinatanggal ang kanyang seatbelt.



          Nag-unat-unat muna ako at humikab. “How long did we arrive?”



          “We just arrive. Are you okay Natasha? Do you need help?”



          “I’m fine. I think, you should help me with my baggage.” Binuksan ko ang aking handbag at kinuha ang aking makeup. “Let me do some retouches, and I’ll go out soon.”



          “Okay.” Lumabas si Jin sa kotse.



          Pagkakuha ng aking makeup, tiningnan ko ang sarili ko sa aking salamin. Ngumiti ako sa salamin at ngumiti din ito pabalik sa akin. Hmm, napansin kong medyo madumi ang mukha ko.



          Kumuha ako ng Wet Wipes mula sa aking handbag at pinunasan ang aking mukha. Pagkatapos ay nilukot ko ang ginamit kong wipes at ibinalik ang aking mga gamit sa handbag. Tumingin pa ako sa rear-view mirror para masiguro na maayos na ang lahat, saka binuksan ko na ang pintuan ng kotse at lumabas.



          “Natasha, welcome!” bati sa akin ng papa ni Dexter na si Tito Antoine, mula sa pintuan ng mansyon nila. Lumapit naman ito sa akin at mukhang gusto niya akong yakapin.



          Tinapon ko muna ang nilukot kong wipes sa basurahan at lumapit kay Tito Antoine para yakapin din siya na may ngiti sa labi. “Tito Antoine, it’s nice to see you again.”



          Maya-maya ay kumalas si Tito Antoine sa akin. “Welcome to the Philippines. I’m sorry if I am not the one who welcomed in the airport because something came up.”



          “It’s okay Tito Antoine. The important thing is, I’m here now.”



          Bumukas naman ang pinto ng mansyon nila at may lumabas pa na isang tao mula dito. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang papa ni Jin. Si Tito Louie.



          “Oh my goodness! You are Natasha right?” gulat na saad nito na mukhang namangha. “What a beautiful lady you are. And your blue eyes looks, your skin, what a beautiful lady you are.” Sigurado talaga ako na ito nga ang papa ni Jin.



          “Papa, tumigil nga kayo. Nakakahiya sa kanya,” mukhang saway ni Jin sa papa niya. Namumula pa ito habang inaalog ang bisig ng papa niya.



          “Bakit? Totoo naman hindi ba? Napakaganda niya.”



          “Iyan nga din ang nasabi ko nang nakita ko sa personal si Natasha. Hindi nga ako makapaniwala na boyfriend niya ang anak ko,” natutuwang sabi ni Tito Antoine. Tumawa pa siya ng payak.



          Kahit hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila, ngiti lang ako ng ngiti. Masayang-masaya pa sila habang nagkikwentuhan. Ano kaya ang sinasabi nila tungkol sa akin? Hindi ko pa kasi napag-aaralan ang lengwahe ng mga Pilipino.



          Muling nilingon ako ni Tito Antoine. “By the way Natasha, I’m sure that you are very tired just by coming here. I think, you should rest first,” suhestyon niya.



          “Oh, right. Yes, I should rest,” tugon ko. “Furthermore, I should contact Dexter, via Skype, the moment I arrived in here. He might be worrying on what’s happening to me right now.”



          “Sure. Our maid will give you the Wi-Fi password.” Nilingon nito si Jin. “Jin, ihatid mo na siya sa kwarto niya.” Lumingon ulit sa akin si Tito Antoine. “Rest peacefully, okay? If you need anything, just ask the maids. Now, follow Jin and he’ll take you to your room.”



          “Of course, Tito Antoine. Bye,” paalam ko sa mga magulang ng aking nobyo.



          Sabay na naglakad kami ni Jin papasok sa mansyon nila. Namangha naman ako sa laki ng bahay nila at sa disenyo nito. Parang, hindi ako umalis sa Pransya dahil karamihan sa mga disenyo ng bahay ay nagpapaalala sa bansang France. Meron din silang mga painting na may kinalaman sa mga Pranses, gaya ng French Revolution. Meron din silang mga painting ng mga naging hari sa France noong unang panahon. Wait, may kinalaman kaya ang pamilya nila sa Bourbon Brother’s ng France?



          Nang huminto na kami sa harap ng isang pintuan, kumuha si Jin ng susi mula sa bulsa niya at binuksan ang pintuan. Pagkapasok ko sa kwarto, nagtaka ako kung bakit parang nawala ang pagiging Pranses ng bahay nila sa kwartong ito. May mga nakasabit pa nga na poster ng ilang mga iconic superheroes, gaya ng Avengers, Justice League, X-Men, at marami pang iba. Parang kwarto ng isang lalaki, pero ayos naman. Mga paborito ko itong mga superhero ehh.



          “Wait, don’t tell me that this is Dexter’s room?” excited na tanong ko kay Jin na kapapasok pa lang dala-dala ang bagahe ko.



          “Yes, this is Dexter’s room,” sagot niya matapos magbuhat. “Dexter instructed us to let you sleep in his room while you stay here.”



          Ngumisi ako. “Ohh! He let me to sleep here huh? Hmm, I wonder if he keeps pornographic magazines here?” Sinimulan kong itaas ang kutson ng higaan ni Dexter. Wala akong nakita.



          “Wait, pornographic magazines? Why?” nakakunot-noong tanong ni Jin.



          Tumigil ako matapos maalala ang isang bagay at humarap sa kaniya. “Well, it’s just our little secret, Jin. You can go now.”



          “Okay. Well, good night Natasha. Have a good sleep,” nakangiti niyang paalam. “Oh, wait.” May kinuha na papel si Jin mula sa kaniyang bulsa. “This is the Wi-Fi password.”



          Kinuha ko ang papel. “Thank you again. Night, night,” paalam ko din sa kaniya.



          Humarap ulit ako sa kwarto ni Dexter at naghalungkat sa mga posibleng taguan niya ng mga pornographic magazines. Well, hindi naman talaga mga pornographic magazines ang hinahanap ko. Sa totoo lang, it’s a code name. Gaya nga ng sabi ko kanina, favorite ko ang mga superheroes na favorite din ni Dexter. Sa kwarto niya daw, may stash siya ng mga lumang comics, na hindi ko pa nababasa. At natagpuan ko na ang tinatago niyang kayamanan sa ilalim ng kanyang damitan.



          Nilabas ko ito sa kanyang pinagtataguan at nilagay sa lamesa dito sa kwarto niya. Hinanap ko agad ang aking paboritong series ng comics na meron siya. Ang ‘The Runaways’. Ang ‘The Runaways’ ay isang grupo ng mga mabubuting kabataan, na nanggaling sa mga masasamang magulang. Masama ang kanilang mga magulang hindi dahil sa inaabuso nila ang kanilang anak. Masama sila dahil humahanap sila ng paraan para masakop nila ang buong mundo, pati na rin ang buong universe. At nalaman ito ng kanilang mga anak nila, kaya nagrebelde sila at tinapos ng mga kabataan ang masasamang plano ng mga magulang nila. At pagkatapos noon, hindi ko na alam. Ngayon ko pa lang kasi mababasa ang series na ito. Nag-research kasi ako sa Google kung ano ang plot ng series na ito at nagustuhan ko iyun.



          Pinutol ko muna ang aking pagbabasa at kinuha ang laptop mula sa bagahe ko. Dali-dali akong nag-setup at, ayos na. Agad na binuksan ko ang aking Skype, at sakto naman na nakita kong online si Dexter. Pinindot ko ang call button malapit sa pangalan niya.



          “Oh! Thank God, you called!” Yumuko si Dexter at nakahinga ng maluwag. Nag-angat ulit siya ng tingin. “You are in the house now, aren’t you?”



          “Yeah. I am in the house now. And…” Tumayo ako para kunin ang comics ng ‘The Runaways’ at bumalik sa laptop. Ipinakita ko ito sa kaniya. “Tadah! I saw your hidden stashes!”



          “Oh! You found them. Are you reading it now?”



          “Umm, somehow, yes. But I must rest because I feel too tired.” Humugot ako ng malalim na hininga. “You know, it will be more fun if you are here, with me.” Dahan-dahan na hinubad ko ang aking pang-itaas na damit para akitin siya.



          Nanlaki ang mata ni Dexter. “Natasha, stop that.” Nagpakawala siya ng baligtad na ngiti. “It makes me want to go home already. But sadly, I have many things to do here in France.” Nagpakawala siya ng malalim na hininga. “Bakit kasi ganito kapag graduating? Ang daming kailangan gawin?” Hindi ko naintindihan ang sinabi niya pero mukhang nagrereklamo siya at ang kinakausap niya ay ang sarili niya. Pero mukhang alam ko na ang nirereklamo niya.



          Inayos ko ulit ang aking damit. “It’s okay Dexter. Everything will be fine,” pakonswelo ko sa kaniya. “Next year, all of that will disappear. We will spend Christmas and New Year together, and we will be happy. Just bear with it for a little while. It’s not fun if we can’t spend the next Christmas and New Year again.”



          “I know. And, thank you for coming there,” ngiti niya. “You know that you have a mission, right?”



          “Right. Yes, my mission,” tango ko. “You are such a loving brother, no?”



          Humugot ulit ng buntong-hininga si Dexter. “I just want my family to be strong like always. I mean, this incident, or accident, or whatever changes happened lately, it’s just, really unbelievable. And, I can’t blame the other party for that because, he just wants to prove his innocence. And I kinda know the guy. He is such a good person. And just now that I found out that he was going out with my sister’s ex, well, it is surprising.” Nanlaki ang mata niya habang nagpapaliwanag. “But the thing that Sharina, killed an unborn baby of her friend, and then a random guy, now that’s really totally unbelievable. And because of that, this fiasco in our family happened. God! Bakit ba ang lakas ng ebidensya kapag galing sa isang patay na tao?!” saka sinabunutan ang sarili. Muli, hindi ko naintindihan ang huli niyang sinabi, pero mukha siyang frustrated.



          “Don’t worry. Sooner or later, everything will be fine.”



          “Thanks, Natasha.” Ngumiti si Dexter. “I know. So, I think that you should rest now. I think I am taking so much time already.”



          “Yeah. I will rest now. Bye, Dexter,” paalam ko. “I love you.”



          “I love you too.” Binigyan pa niya ako ng isang flying kiss.



          Sinalo ko naman ito at tsaka hinalikan ang aking palad bago patayin ang skype. Ibinaba ko naman ang laptop, at inayos ang aking higaas para sa akin pagtulog. Nang tumunog ang aking phone. Tiningnan ko ito kung sino. Kumunot ang aking noo. Bakit tinatawagan ako ngayon ni Sir?



          “Hello Sir,” bati ko.



          “Natasha, I’m so sorry but there was a change in our plans,” agad na wika ni Sir.



          “W-What? Already?”



          “Well, something came up. Our mole detected our presence. And before our mole makes a wrong decision, we stopped it from happening.”



          “So, am I even included in your plans?” tanong ko.



          “Yes, Natasha. Don’t worry. You are still included in this mission. And don’t take this as a bad thing. In fact, this is really a good thing for you. You can spend more time with your boyfriend’s family, right?” paliwanag niya.



          “Yeah. I thought so.” Bigla kong naalala ang pamilya Dominguez. “Umm, Sir, do you happen to know the Dominguez Family here in Rizal?”



          “The Dominguez Family, hmm…” Tumahimik saglit si Sir. “Ahh, yes. I remember now. Yes, yes, the Dominguez Family. They are the benefactors of the secret formula that I gave. And I still don’t have a single word from them. Thank you for mentioning their name. How did you know them by the way?”



          “Well, my boyfriend’s family somehow knew them.” Humikab ako. “Sir, do you need anything else? I am already tired and I wish to end this conversation very quickly.”



          “Right. Yes, it’s okay now. Rest. I’ll be in touch,” paalam ni Sir.



          “Good bye, and good night sir,” pahikab na paalam ko.



          Binaba ko na ang aking phone. Hindi pa rin mawala sa isip ko kung paano sila napakiramdaman ng mole. Napakiramdaman ba talaga sila, o sinadya nilang magpakita sa mole? Nagmamadali kaya sila?



          Sa kalagitnaan ng gabi, biglang nakaramdam ako ng uhaw. Bumangon ako sa aking kama at lumabas sa kwarto para pumunta sa kusina nila. Salamat sa pagsasaulo ko kung ano ang dapat daanan papunta sa kusina, nakarating din ako dito sa wakas. Napakalaki naman kasi ng bahay at mukhang maliligaw ako kung hindi ako nagsaulo.



          Bukas ang ilaw nang marating ko ang kusina. Nadatnan ko naman si Sharina na umiinom, ng tubig sa counter. Nagtagpo ang mga paningin namin. Marahil ay nagtataka siya kung sino ako at kung totoo ba ako. Baka naman sinabihan na siya ng papa niya na nandito na ako kanina pa?



          “You are, Natasha, right?” hindi niya siguradong tanong.



          “Yes, I am,” nakangiting pagkumpirma ko. “And, you must be Sharina, right? Dexter’s younger sister?”



          “Yeah, I am,” nahihiyang pagkumpirma niya. “And we are not siblings. He is my cousin, but who cares. I think that it’s just the same.” Uminom siya ng tubig sa kanyang baso. “Do you need anything? Can I get you something?”



          “Yes, I want to have a glass of water.” Lumapit ako at pumwesto sa harapan niya sa counter.



          Sinundan ko siya ng tingin habang binibigyan niya ako ng tubig. Napakaganda naman ng batang ito, at mukhang hindi ito ang tipo ng tao na makakapatay. Nakikita ko din na nanginginig ng kaunti ang buo niyang katawan. Kabado ba siya?



          “Here,” bigay niya sa akin ng baso.



          Agad na tinungga ko ito. “Ahh! That was refreshing. Thanks Sharina.”



          “No problem.” Tiningnan naman niya ako ngayon ng mabuti. “Wait, if you are here, is Dexter here?”



          “Ohh! You were not informed?” nagtatakang tanong ko. “Actually, Dexter needs to finish his studies. That’s why, I’m here, as his representative, to celebrate with you. Dexter wants to be alone right now in school, so…” Nagbigay ako ng gesture na nagsasabing kaya ako nandito. “Anyway, where were you when I arrived here? I was looking forward to meet you.”



          Kumunot ang noo ni Sharina. Teka, mukhang maling salita ang mga ginamit ko.



          “I mean, I am really looking forward to meet you. Dexter is so worried about you. You were not talking to him, at all.”



          Suminghag siya at inikot ang kanyang mga mata habang inaayos ang kanyang pag-upo. “I think he also believes them like any other else. That’s why I don’t want to talk to him. Wait, are you here to talk about it?” tanong niya.



          “Yes. As his representative-”



          Naputol ang pagsasalita ko nang tumayo si Sharina, at mukhang paalis siya sa kusina. Agad na hinabol ko siya at hinawakan ang kanyang braso.



          “Sharina, wait,” pakiusap ko. “Don’t run away.”



          Tumigil siya at hinarap ako. “I don’t need to talk to you. Why would I?”



          Akmang aalis na naman siya ngunit pinigilan ko at pinaharap ko sa akin. “Listen to me. Dexter, and I, belives them not,” dahan-dahan kong sabi. “Dexter, and I, are worried about you. We are, really worried about you. So please don’t run away from me? Talk to me, and I will listen.”



          Pagkatapos magsalita, dumaan saglit ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Maya-maya ay may nakita akong luha na lumalabas mula sa kaniyang mga mata. Agad na kinabig ko siya papalapit sa akin at niyakap.



          “It's okay, it's okay,” tapik ko sa likod niya.



          Ramdam ko na malungkot na malungkot si Sharina sa mga oras na ito. Iyak siya ng iyak sa balikat ko. At wala pa rin siyang bagay na sinasabi sa akin. Marahil, naghahanap pa siya ng bwelo para magsalita.



          “Come. Let’s talk in your room,” sabi ko sa kaniya nang nakakita ako ng pagkakataon.



          Tumango-tango siya. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at sabay kaming pumasok sa kwarto niya. Dito, naglabas siya ng mga sama niya ng loob sa pamilya niya. At pinapakinggan ko ang mga bawat salita na lumalabas sa bibig niya. Totoo nga ang sinabi ni Dexter na siguradong, malaki ang naging pagbabago kay Sharina dahil sa mga nangyari. Kahit hindi ko ito nakikita mismo dahil isinasalaysay lang ito ni Dexter, ngayon ay nakikita ko na ang malaking pagbabagong iyun.



          Palagi sa kalagitnaan ng gabi, nakikita ko siya sa kusina. Kapag may araw kasi, lagi siyang nakakulong sa kanyang kwarto. At hinahayaan ko lang siya dahil kailangan naman niyang mapag-isa sa mga oras na iyun. Okay lang na sa ngayon, ako lang ang kumakausap niya.



          Kapag nagkikita kami, pumupunta ako sa kwarto niya at nag-uusap kami. At kung may nakita akong pagkakataon para magbigay ng payo, binibigyan ko siya para sa ikabubuti niya.



          “Umm, you know, I admire Aulric,” panimula niya.



          “Who is he? Is he the one who, gave you this trouble?” tanong ko.



          “Yes, he is,” sagot niya.



          “And why, do you admire him? Even though he gave you something, that will trouble you?”



          “Because I can tell that he is a very brave person. Do you know that he doesn’t like people who treats him well? And he likes people who does the opposite. And, I think that it has no exception, regardless of gender. He also hits girls if he found them, annoying I guess.”



          “How is so?”



          “One time, when we went to Boracay, Kristel, a daughter of our family, saw Aulric with us when we were about to stroll for a while in the island. And then, suddenly, Kristel shouted about what Aulric did to him. Kristel’s mother suddenly barged in and heard what her daughter just said. Then, followed by her father.” Humugot muna ng malalim na hininga si Sharina. “After that, her father asked Aulric about Kristel’s accusations to him if it is true. Then Aulric truthfully answered it and said that he did those things to Kristel. That time, I looked on Aulric’s eyes, to know if he was serious, or, just joking. But he was not, joking at all. He looks like, he didn’t care at all. He was like, yeah, I did it. Now what? And then, when he returned to school, after he got out temporarily because of the case, he was like, okay. I have a criminal case. Just look at me because, nothing will happen. I wonder, how can he do that? I want him to teach me that. But I cannot. Aulric hates me. Because he thought that I am destroying his life.”



          “Why would you like to be like, Aulric?” tanong ko na habang hinahawakan ang kanyang mga kamay.



          “Because even he is like that, why that there are some people who still likes him? After his case, why that there are some people still believe in him? I mean, in my point of view, his attitude, he can kill someone without remorse. Nevertheless, me, I have a descent ‘I-will-not-kill-for-something-stupid’ attitude, why that all of my friends left me? I can’t believe this,” paliwanag niya.



          “Maybe, Sharina, they know Aulric more than other people do? Would you tell me, do your friends really know you well? Alternatively, the question is, were they even your real friends in the first place?” tanong ko.



          Natahimik si Sharina at humugot ulit ng malalim na hininga. “No, they are not my real friends,” sagot niya. “And does it mean that Aulric has real friends?”



          “I think so.” Hinaplos-haplos ko ang kamay niya. “Well, not bad. That Aulric guy, is admirable. So which side of him do you like? His side that doesn’t care most of the time?” tanong ko ulit.



          Naging excited siya sa pagsagot. “Yes, that side of him.”



          Napahugot ako ng buntong-hininga. “But, that side is really dangerous. Not caring at all? Wow. A very risky route.”



          “But Aulric managed that. And now, I think I can, too,” nag-aalangan niyang sabi sabay tango.



          Kinabig ko siya papalapit sa akin at niyakap. Totoo iyung sinasabi ko kanina. Delikado ang ginagawa ng iniidolo ni Sharina. Imagine, wala kang pakialam sa mga nangyayari sa paligid mo. Pero kung magiging ganoong klaseng tao si Sharina, ikabubuti niya ba iyun?



          Ilang araw ang nakalipas, pagkatapos ng bagong taon, nagpasya kami ni Jin na igala niya ako sa lugar na ito. Pagkatapos mapuntahan ang ilang mga atraksyon sa lugar na ito, sinabihan ko siya na pumunta sa isang lugar, sa address na binigay ko sa kaniya. Nalaman naman niya kung paano pumunta sa address na sinabi ko at nagsimula na ulit magmaneho.



          “Why do you, talk to Sharina, lately? And why does she only, talk to you?” nag-aalangang tanong ni Jin. Marahil ay nag-iingat na hindi magmukhang kontrabida ang paraan niya ng pagsasalita.



          “Why do you ask? Isn’t it great that she talked to me?” pagbalik ko sa tanong niya.



          “I was wondering, lately,” sagot niya. “I miss her, as his brother. But, I don’t know how to approach her. Things might get worse if I just approach her without an invitation. Considering…” Natahimik siya habang patuloy pa ring nagmamaneho.



          “It’s okay, Jin. Approach her if you are ready. But if not, then don’t. Sharina needs a lot of space for now,” nakangiting paliwanag ko. “And after that, everything will be fine between you people.” At sana ay ma-adapt niyo ang bagong ugali ni Sharina balang araw.



          Hininto naman ni Jin ang kanyang sasakyan sa isang malaking, bahay. Napakatangkad ng pader na nakapalibot sa bahay, at may makikita kang keypad sa gilid ng pinaka-gate nito. So dito pala siya nakatira.



          “Your friend’s house?” tanong ni Jin sa akin sabay turo sa pader.



          “No, no,” pagtanggi ko. “It is actually, the house of the mysterious man, that destroyed a lot of, cyber data. I don’t know. But it’s unconfirmed yet.”



          “Huh? What do you mean?” kunot-noong paliwanag niya. “I don’t follow.”



          “I heard from Dexter that around last, last year, there was a mysterious incident happened here in this city. And not just in your city. This mysterious incident happened, almost all over the world.”



          “Mysterious incident? Do not tell me that it has something to do with phones?”



          “Yes, it has something to do with phones. They were mysteriously not working at all, and people who investigate the incident could not explain on what really happened that day. Some people said that it was a scheme of the telephone manufacturers to increase their sales. Note that the incident happened, when Christmas was just around the corner. But telephone manufacturers denied that they were responsible on that incident,” pakumpas na paliwanag ko. “Also, didn’t you know that around that time, Rizal’s article in Wikipedia, and also, informations that contains the keyword ‘Rizal’, that includes your city, mysteriously went down and they cannot post such things in the internet. Then, Antivirus makers investigate that matter, because it might be a new kind of computer virus. But then again, they found nothing.” Humugot ako ng malalim na hininga. “But, one day, everything mysteriously, again, becomes normal, again. Things are working fine, as if nothing happened. Many had passed, in France, me and my colleageus decided to investigate further this mysterious incident.”



          “You are taking IT in France?” singit ni Jin.



          “No, but my friends are. I am actually taking, Cullinary,” sagot ko.



          “Wow. You should, cook for us when you have time.”



          Halos mawala ang ngiti ko sa sinabi ni Jin. Bakit ba nakukuha ako lagi ang mga ganitong response? Kung sakali bang Education ang kinuha kong kurso, gusto ba nilang turuan ko magbasa, sumulat, at magbilang ang kanilang kakilala agad-agad?



          “So, where was I? My friends investigate further, right,” ngiti ko nang maalala kung asaan ako nawala sa sinasabi ko. “After some searching process, we found the source of that phenomenon. And that is, in that house.” Tinuro ko ang bahay na hinintuan namin.



          Nilingon niya ang tinuro kong bahay at tumingin ulit siya sa akin. “Wait, so what are we gonna do? Are we gonna talk to the person who lives inside that house?”



          “Actually, nothing. My friend’s information is kind of, not a fact, yet.” Pinatunog ko ang aking dila. “We might embarrass ourselves if we go inside and ask about the mysterious incident. Who knows if the maker of the mysterious virus is a skilled person and can conseal himself. What if it is not the real house of the source? So, I think, we are done here. Jin, let’s go home.”



          “Well, you are right.” Ini-start niya ang kanyang sasakyan. “Wow. This talk of ours is really fascinating for me, is it not?”



          “I know right. Kung hindi lang siguro ako kailangan sa kompanya namin, pagtutuunan ko talaga ng pansin ang misteryosong insidenteng iyun,” nakangiti niyang wika. Muli, hindi ko naintindihan ang mga sinabi niyang iyun. Pero nagkibit-balikat na lang ako.



          Bago muna minaneho ni Jin ang kanyang sasakyan, may huminto namang van sa kabila namin. Pagbukas nito ay niluwa nito ang isang matabang babae, at tatlong lalaki na mukhang kaedaran lang ni Jin. Mukhang masayang-masaya ang dalawang lalaki, habang ang natitira naman ay, medyo nakasimangot. Habang sinusundan ng tingin ang matabang babae, napansin ko na kinuha nito ang phone na nakalagay sa bulsa ng kanyang damit, at pumindot sa keypad, sa bahay na pinag-uusapan namin ni Jin. Mukhang ang mga taong ito ang nakatira sa bahay na ito. At mukhang iyung isang lalaking kausap ng medyo matangkad, ang aking pakay.



          Nang umandar na ang sasakyan namin, napalingon ang lalaking ito sa akin at nagkrus ang aming mga tingin, habang dahan-dahan na gumalaw ang sasakyan paalis. Nginitian ko siya pero hindi niya ako nginitian pabalik. Ikaw pala ang taong iyun. Ito ang unang beses na nagkita tayo na hindi opisyal, pero huwag kang mag-alala. Hindi ito ang huli, Ren Severin Castillo.



Aulric’s POV



          “Aulric, hindi mo pa rin ba ako kakausapin?” pakiusap sa akin ni Zafe habang naglalakad ako papuntang library. “Natapos na ang araw ng mga santo at patay, pasko, bagong taon, hindi mo pa rin ako kinakausap. Kausapin mo na ako ohh? Malapit na ang Valentine’s Day at, may plano pa naman ako para sa araw nating iyun.”



          “Wala akong pakialam sa Valentine’s Day plans mo. Hangga’t hindi ka nagsisisi sa ginawa mo, hindi kita kakausapin,” wika ko nang hindi pa rin siya hinaharap.



          “Humingi na ako ng tawad kay Jin. At napatawad na niya ako.”



          Hinarap ko siya.



          “Kakausapin mo na ba ako?” pagsusumamo niya.



          Pinanlakihan ko siya ng mata. “Ano na ba sa tingin mo ang ginagawa natin? Heto, kinakausap na kita.”



          Tumingin-tingin si Zafe sa paligid. “Huwag tayo dito. Ang daming tao.”



          Kinuha ni Zafe ang kamay ko at dinala niya ako sa kotse niya. Bago pumasok sa sasakyan, binitawan ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Pinagbuksan ko ang sarili ko at pumasok sa kanyang sasakyan. Kita kong nadismaya si Zafe sa ginawa ko at nalungkot. Hindi kalaunan ay pumasok na rin siya sa sasakyan.



          “So ano? Nagsisisi ka na ba talaga sa mga ginawa mo?” tanong ko. “Nagsisisi ka ba na ginawa mo akong premyo para sa pustahan niyo kuno ni Jin, na hindi naman pala totoo?”



          “I’m sorry,” paghingi niya ng tawad. “Oo. Kasalanan ko iyun. Hindi ko kinumpirma kay Jin kung totoo ba iyung pustahan na iyun, masyado lang kitang mahal at ayokong mawala ka, kaya naging ganoon ang reaksyon ko. Akala ko kasi, hindi pa rin siya sumusuko sa iyo noon.” Bakas sa boses niya na sinusuyo niya ako.



          “Hay! Zafe, alam ko naman na mahal mo ako. Kaya lang, bakit ganoon? Nagiging gullible ka na kapag ang subject ay tungkol sa akin? Ano ba ang nangyayari sa iyo? Bakit mo ba pinaniniwalaan iyung ibang tao kesa sa akin? At, take note. Hindi lang si Jin iyung naging biktima sa pagiging gullible mo. Pati iyung kaklase natin na akala mo may gusto sa akin, binugbog mo.”



          “Oh no! Ibang usapan iyun,” kontra niya. “Binugbog ko ang taong iyun dahil napakasama pala niyang tao kapag nakatalikod sa iyo. Ang ibig kong sabihin, hindi mo nahalata na plastik ang taong iyun. Tapos nakikipag-usap ka pa rin sa taong iyun.” Wait, talaga? Plastik pala ang taong iyun? Dapat pala, ako na lang ang bumugbog at hindi ikaw.



          Dumaan ang ilang segundo, dumaan din ang saglit na katahimikan sa pagitan namin. Nako naman! Hindi ko talaga inaasahan na medyo magiging chaotic ang kalagayan namin ni Zafe matapos malaman ng halos buong estudyante sa unibersidad, ang tungkol sa relasyon namin. Gaya nga ng sabi ko kanina, nagiging gullible si Zafe kapag may mga bagay siya na naririnig tungkol sa akin. Napakadelikado nito. Paano na lang kung may magsabi sa kaniya talaga na nakikipaghalikan ako sa ibang kalalakihan maliban lang sa kaniya? Siya pa lang kaya ang kalaplapan ko sa buong buhay ko.



          “May klase pa ba tayo sa mga susunod na oras?” tanong ko sa kaniya.



          “Umm, teka.” Tiningnan ni Zafe ang pambisig na relo niya. “Mga anim na oras pa iyung susunod nating klase.”



          “Gala tayo,” walang amor na sabi ko.



          “Gala? As in ngayon na?” hindi makapaniwalang tanong niya.



          “Gusto mong bumaba ako?” Bubuksan ko pa sana ang pintuan ng kotse niya para lumabas. Pero ni-lock na niya agad ito.



          “T-Tara. Gala. Date.” Isinuot ni Zafe ang seatbelt niya at ganoon din sa akin. “Pero galit ka pa rin ba sa akin?”



          “Kapag ba sinabi kong oo, hindi mo ba itutuloy itong gala natin?”



          “Umm, itutuloy natin. Itutuloy. Mahal kita kaya kahit ano, ibibigay ko, mapatawad mo lang ako.”



          Naantig ako sa sinabi niya. Nag-iwas ako ng tingin at ibinaling ang mga mata ko sa bintana na malapit sa akin. Napakahina na ng resistensya ko sa kaniya kapag sinasabi niyang mahal niya ako. Kung siguro paulit-ulit niyang sinasabi ang mga salitang iyun noong mga panahon na galit na galit ako sa kaniya, baka napatawad ko agad siya. Pero kailangan ay maging matigas ako.



          “Mahal din naman kita,” bulong ko sa sarili ko.



          Umandar na ang sasakyan at pumunta kami ni Zafe sa isang sinehan. Sa sinehan ay nanood kami ng isang action film. Habang nanonood, pinag-iisipan ko iyung mga aksyon na ginagawa ko nitong mga nakaraang araw. Parang nawawalan ako ng tiwala kay Zafe. Lalong-lalo na noong mga panahon na pumayag siya na makipagpustahan kay James. Ang rules daw ng pustahan, kung sino ang may pinakamaraming puntos na makuha sa kanila ni Jin, sa taong iyun ako mapupunta. At sa kasamaang palad, panalo si Jin dahil sa, dalawang tao ang tumutulong sa kaniya. Talo naman si Zafe dahil si Isaac lang ang katulong niya, at hindi, o wala si Ricky. Akala ko talaga, totohanan ang pustahan na iyun hanggang sa pinaliwanag sa akin ni Jin kung ano talaga ang nangyari. Nalaman daw ni James na may gusto si Jin sa akin noon, at nagsuhestyon si James na agawin ako ni Jin sa kabila ng lahat.



          Habang nanonood ang pelikula at lumilipad ang isip ko, bumuntong-hininga ako. Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit nawalan ako ng konting tiwala kay Zafe? Dahil ba ito sa mga sinabi sa akin ni Tito Henry tungkol sa mga magulang niya? Na magiging ganoon din si Zafe?



          Hindi ko namalayan na sinubuan ako ni Zafe ng dalawa o tatlong piraso ng popcorn. Kusang-loob na pinasok ko ang mga popcorn sa bibig ko, at kasama na rin doon ang mga daliri ni Zafe na dinila-dilaan ko pa. Pagkatapos niya, sinubuan ko din siya ng popcorn. Ginawa din niya ang ginawa ko maliban lang sa parteng dinila-dilaan niya ang daliri ko. Imbes na ganoon ang ginawa ni Zafe, iniwan niya ang kanyang laway sa daliri ko. Imbes mandiri, pinasok ko ito sa aking labi at diniladilaan pa ito. Nagulat siya sa ginawa ko.



          “Walang mas malalim na pahiwatig ang ginawa ko,” agad na sabi ko. “Pero pinapatawad na kita.”



          Ngumiti si Zafe sa sinabi ko. “Thank you  Aulric. So, may pakialam ka na ba sa Valentine’s Day plans ko?”



          Kunyari ay excited ako sa sinabi niya at ngumiti. “Oo. May pakialam na ako. Pwede mo bang sabihin sa akin?”



          “Secret iyun,” sabi niya habang kinukurot ang pisngi ko. Inaasahan ko na ang sagot niyang iyun.



          “Okay. Ngayon, tigilan mo na iyan at panoorin na natin itong pinapanood nating pelikula. Nasa magandang parte na tayo ohh?” ngiti ko.



          Tinigilan na ni Zafe ang pangungulit niya at itinuon na ulit ang atensyon sa pelikula. Pero kahit ganoon, sinusubuan pa rin niya ako ng popcorn. At ganoon din ako sa kaniya. Pero wala na iyung malanding dilaan ng daliri.



          「Some days ago…



          Matapos suyurin ang lugar namin para mahanap ang bagong kuta ni Nestor, sa wakas ay nahanap ko na agad ito. Kung dati ay nasa pangalawang palapag ng isang hardware, ngayon naman ay nasa likuran na ito ng isang restaurant.



          Pagkapasok ko sa restaurant, nasalubong ko si Nestor. Pagkakita niya sa akin, sinalubong niya ako ng isang ngiti at lumapit sa akin.



          “Best friend, naparito ka. Anong atin?” tanong niya agad.



          “Pwede ba tayong kaswal na mag-usap?” diretso kong sabi. “Ang ibig sabihin kong casual na mag-usap, mga kaswal lang na bagay ang pag-uusapan natin. Kalimutan na muna natin ang tungkol sa mga droga, pulis, o kahit ano doon. Pwede ba?”



          “Oo naman. Bakit hindi? Halika. Tuloy ka sa bago naming taguan,” pagpapaunlak niya.



          Pumasok ako sa restaurant na iyun habang inaakbayan ni Nestor. Pagkapasok ay pinagtitinginan ako ng mga taong nasa restaurant. Karamihan sa mga tao sa restaurant na iyun, siguro ay kilala ako. Teka lang? Artista na ba ako kaya kilala ako ng mga taong ito? O baka dahil naging suspek ako sa pagpatay at kalaunan, nalaman nila na may karelasyon akong lalaki?



          Pagkarating sa likuran ng restaurant, nakita ko ang taguan nila Nestor. Parang ganoon din sa una, may mga taong gumagamit ng droga, pero mas masikip. As usual, pumunta kami ni Nestor sa kanyang opisina.



          “Alam mo Aulric, nakakatuwa iyung binigay mo sa aking mata. Laging tama ang kanyang mga binibigay na tip. At maraming beses na niyang niligtas ang buhay ko,” kwento ni Nestor habang umuupo sa kanyang bagong sofa sa lugar na ito. “Maupo ka pwede?”



          Umupo ako sa sofa na nasa harapan niya. “Mabuti naman at natutuwa ka. Teka nga? Hindi ko alam kung alam mo ito. Pero sa tuwing nagsasagawa sila ng raid, bakit may nahuhuli silang mga importanteng tao na kailangan mahuli? May alam ka ba dito?”



          Napaisip si Nestor habang nagpalit siya ng posisyon sa kanyang pag-upo. “Hmm, wala akong alam sa mga pinagsasasabi mo. Baka coincidence lang iyun na may nahuhuli sila, hindi kaya?” natatawa niyang hula.



          Inikot ko ang aking paningin. “Baka nga. Malaki daw kasi ang impact sa mga pulis kapag wala silang napala sa ginagawa nilang pangre-raid.”



          “Maiba nga ako, kumusta ka na? Marami akong mga bagay na naririnig patungkol sa iyo simula nang naabswelto ka sa kaso mo sa mga Dominguez. Nabalitaan ko na kaya ginawa iyun nung, ano nga ang pangalan ng babaeng nag-frame up sa iyo? Sharina ba iyun? Ahh! Sharina Bourbon.” Kinuha ni Nestor ang isang kaha ng sigarilyo na nakalagay sa mesa. Kumuha siya ng isa sa kaha at ibinalik ito sa mesa. “Nabalitaan ko na kaya ginawa iyun ni Sharina Bourbon sa iyo ay dahil sa nagseselos siya na naging karelasyon mo ang isang lalaki? Totoo ba ito Aulric?” Sinindihan ni Nestor ang hawak na sigarilyo at nagbigay ng isang mahabang hithit tsaka nagbuga ng medyo makapal na usok sa ere. Gaya nga ng inaasahan, kahit si Nestor ay alam na din ang balitang iyun.



          Ngumiti ako at ginawa kong komportable ang sarili ko sa inuupuan kong sofa. “Oo. Totoo ang narinig mong mga balita. May karelasyon akong lalaki. At Nestor, isa ka sa mga lalake na hinding-hindi ko papatulan.”



          Natawa si Nestor ng payak. “Ang galing ahh! Paano mo nalaman na itatanong ko kung pwede mo ba akong patulan?”



          “Iyun kasi ang itinatanong sa akin ng ibang tao. Akala nila, kung sino-sinong lalaki ang papatulan ko porke’t lalaki ang karelasyon ko.”



          “At si Zafe, ano ang nakita mo sa kaniya? Pwede ko bang malaman?” wika ni Nestor habang nasa bibig niya ang sigarilyong hinihithit.



          Natawa ako. “Ano ka ba Nestor? Bakit ang dami mong kailangan malaman dahil lang sa lalaki ang karelasyon ko?”



          Ibinaba ni Nestor ang kanyang sigarilyo at nilagay sa gilid ng mesa. “Wala lang. Gusto ko lang malaman,” sagot niya sa senswal na tono at may nang-aakit pa na tingin. Hinubad pa niya ang kanyang damit. “Kasi, kung sa lalaki ka lang napunta, dapat pala ay niligawan kita noon pa man. Tsaka kita mo ba itong katawan ko Aulric? May abs din ako gaya ng karelasyon mo. Karamihan ng hinahanap mo sa isang lalaki, nasa akin na.” Tumayo naman siya at bahagyang hinubad ang kanyang pantalon. “Pati itong tarugo ko, napakalaki. Kitang-kita naman sa bukol ng brief ko hindi ba?” Sinubukan niya pa rin kahit na nilinaw ko na hinding-hindi ko siya papatulan.



          Kinagat ko ang gusto niyang makita at siniyasat ko ang kabuuan niya. “Oo nga. Kung nalaman ko na may feelings ka para sa akin noon, papatulan kita Nestor. Napakasarap ng katawan mo. Para kang karne,” saad ko sa senswal na tono din. “Pwede ba kitang ipasok sa isang grinder at, gawing giniling? Siguradong magiging masarap ka kapag kinain ka ng mga tao.”



          Biglang nawala ang nang-aakit na tingin sa akin ni Nestor at ibinalik sa dating ayos ang kanyang mga damit. Nangilabot ka ano? Akala niya ata, hindi totoo ang sinasabi ko na ipapasok ko ang katawan niya sa isang grinder para gilingin. Puwes, totoong-totoo iyun. Iyun ay kung pahihintulutan ako ng pagkakataon kung sakali.



          “Huwag naman Aulric. Napakahalaga pa naman ng buhay ko para maging isang giniling na karne.” Ibinalik ulit niya ang sigarilyong hinihithit sa kanyang bibig.



          “Siya nga pala. Bago ko makalimutan kung bakit nandito ako, may bagay akong nais itanong sa iyo.”



          “Ano iyun?” tanong niya. Kita ko sa mga mata niya na interesado siya sa aking sasabihin.



          “Nitong nakaraan, nabalitaan mo naman siguro na nasunog ang bahay na tinitirhan namin ni nanay. Ayon sa imbestigasyon ng mga bombero, nagmula sa bahay namin ang sunog. Tapos, sabi nila, mukhang sinadya ang sunog na iyun,” kwento ko.



          Inilabas ni Nestor sa kanyang bibig ang sigarilyong hinihithit. “Oo. Nabalitaan ko iyun. Nagalit pa nga sa inyo ang mga kapitbahay ninyo dahil nadamay sila sa sunog. Mabuti na lang at iyung madatung na syota ng nanay mo, binayaran ang mga kapitbahay ninyo kaya nanahimik na sila.” Hay! Ang mga tao talaga. Mabigyan lang ng pera, mananahimik na.



          “Tama ka. Pagkatapos noon, nagtanong-tanong ang mga pulis sa mga tao na naroon kung may ba nakita silang mga kahina-hinalang tao na umaaligid sa bahay bago ang sunog. Wala kasi kami noong mga panahon na iyun dahil huling trial ko noong araw na iyun. Alam mo na, nasa restaurant pa kami ng mga Bourbon. Tapos, may isang nagsalita. Kiniwento ng taong ito na may nakita nga siyang mga taong, dalawa o tatlo, na umaaligid sa bahay namin bago nangyari ang sunog. At may palatandaan pa siya sa mga taong ito. Sa buong likod, may tattoo ang mga arsonist. Ang disenyo daw ng tattoo ay may pabilog na tangkay na may tinik, may rosas sa gitna, at kulay itim ito.”



          Biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Nestor. Natural, dahil miyembro niya ang mga tinutukoy ko.



          “Iyung mukha ng taong gumawa nito? Ano ang itsura?” mahinahong tanong niya. At base sa mga tingin niya sa akin, mukhang sasabog siya sa kanyang mga naririnig. Huwag mong sabihin na kagagawan mo talaga ang nangyaring iyun?



          “Ayon ang problema,” kibit ko ng balikat. “Ayon sa nakakita, hindi niya namukhaan. Iyung tattoo lang sa likod ang nakita niya.”



          Hindi mapakali na tumayo si Nestor at hinithit ang kanyang sigarilyo. Naglakad-lakad siya papunta sa bintana at mukhang tinitingnan ang mga tao na nasa ibaba. Aamin ka ba?



          Humugot siya ng malalim na hininga at humarap sa akin. “Iniisip mo bang ako ang gumawa nito?” direktang tanong niya.



          “Sa mga nangyayari ngayon sa pagitan natin, bakit hindi kita paghihinalaan? Wala naman kasing nakalagay sa kontrata ni Cal-” Pumiyok ako. “Pasensya na. Wala naman kasing nakalagay sa kontrata ng dati mong kaibigan na kumalas sa iyo, na hindi din ako pakikialaman?”



          Lumapit siya sa kanyang upuan at umupo ulit. “Oo, nabasa ko iyung kontrata. Walang nakalagay na ganoon doon. Pero Aulric, hindi ko gagawin iyun sa iyo. Ngayong pang nakikita kong may pakinabang ka talaga sa akin, bakit ko, susunugin ang bahay mo?”



          “Baka may mga bagay si tatay na naiwan sa bahay naming iyun na mukhang ikalalaglag niyo? At para hindi matunton, sinunog niyo ang bahay?” hula ko.



          Mapait na tumawa si Nestor. “Napakatangang dahilan naman iyan. Pero, eto ha? Sinasabi ko sa iyo. Wala akong kinalaman sa sunog na iyun. At kung alam ko, baka aamin pa ako kung tinanong mo ako.” Talaga lang ha?



          “Then, sino sa tingin mo ang gumawa ng bagay na ito sa akin na may malaking tattoo sa likod, ng isang paikot na matinik na tangkay, at sa gitna ay may itim na rosas, o kung ano man iyung letseng bulaklak iyun?” pasarkastikong tanong ko at tiningnan siya ng seryoso. Bawat pantig pa ng salita na aking sinabi ay may intensidad.



          Humugot muna siya ng malalim na hininga at humithit mula sa hawak niyang sigarilyo. “Ganito. Magsasagawa ako ng sariling imbestigasyon para malaman kung sino sa mga tauhan ko ang gumawa ng bagay na iyun. At kapag nalaman ko kung sino, ihaharap ko sila sa iyo.”



          “Talaga? Gagawin mo ba iyun? Ang iharap sila sa akin?”



          “Siyempre naman. Mananagot sa akin ang mga tauhan ko na gumagawa ng mga bagay na hindi ko alam. Alam mo naman ako. Kapag naging kaibigan mo ako, gusto kong malaman ang bawat detalye na nangyayari sa buhay mo. Kapag may ginawa ang isa kong tauhan na hindi ko nagustuhan, natural. Mananagot sila sa akin. Masama kasi sa negosyo ang ganoon na hindi mo alam ang ginagawa ng isa sa mga tauhan mo. Mamaya, may sumaksak sa likod ko, at mahirap na kapag umabot na sa ganoon.” Nginitian ako ni Nestor.



          “Ganoon ba Nestor? Kung ganoon, bahala ka na. Aasahan ko na magkakaroon ng resulta ang imbestigasyon mo.” Tumayo ako sa kinauupuan ko at umalis na sa kwarto.」



          “Oo nga pala. May plano ka ba ngayong Valentine’s Day?” tanong ni Zafe habang nakatuon sa pinapanuod na pelikula.



          “Meron,” sagot ko habang sinusubo ko sa kaniya ang aking popcorn. “Sa gabi, may gagawin na namang performance ang Drama Club, Valentine’s Special. Sa kinabukasan na ako libre.”



          Sinubuan naman niya ako ng popcorn. “Gusto mo bang mag-celebrate na lang tayo ng Valentine’s Day, kinabukasan ng Valentine’s Day?”



          “Okay lang sa akin. Hindi naman sa akin big deal iyun.” Sinubuan ko ulit siya ng popcorn. “Oo nga pala. Sa performance na gagawin namin sa Valentine’s Special, hulaan mo kung sino ang leading lady ko.”



          “Huh? May babae na kayo sa Drama Club? Ngayon ko lang alam,” nagulat niyang wika.



          “Sampu na ang babae sa Drama Club.”



          “At sino pala ang leading lady mo? May kissing scene na naman ba na magaganap?” Nakatuon na sa akin ang paningin ni Zafe at tiningnan ako ng seryoso. Mukhang, wala pa ngang nangyayari na halikan, nagseselos ka na agad?



          “Yeah. May kissing scene na magaganap. At ang leading lady ko pala ay si, Colette,” diretso kong sabi.



          “Nananadya ka ba?” halos pagalit niyang tanong.



          “Bakit? May problema ba kung makikipaghalikan ako kay Colette?”



          “Hindi ka ba nakakaramdam? Alam mo naman na alam ng lahat ang relasyon natin at, ang awkward.”



          “Hay nako! Okay lang, ano ka ba? Sa totoo lang, napakagaling niyang umarte.” Lalong-lalo na sa harapan ko. Hindi ko masasabing totoo ba ang mga ugali niya kapag nakaharap sa akin, o hindi.



          「Some weeks ago…



          “Guys, lumapit na kayo,” tawag sa amin ni Sir Arthuro.



          Lumapit na kaming lahat gaya ng sinabi niya. Mukhang may malaking anunsyo na mangyayari para sa paparating na Valentine’s Event. Sana ay hindi ako kasama.



          “Okay guys, gaya ng alam ninyo at nakasanayan niyo na, magkakaroon tayo ng performance pagdating ng Valentine’s Day.”



          Nag-ingay naman ang ilang mga miyembro ng club. Ang iba sa kanila ay excited sa mangyayari. Mukhang ako lang pala ang hindi excited. At ano nga ba ang inaasahan ko? Siyempre, may gagawing performance pagdating ng Valentine’s Day.



          “So, maghahati tayo sa ilang grupo. So, since 30 na ang mga members ng club, magkakaroon tayo ng tatlong team. At since may ilang mga babae na tayo, siguro naman ay hindi na magrereklamo ang iba diyan na hahalik kayo ng lalaki. Maliban na lang kung boyfriend ninyo,” pabirong sabi ni Sir Arthuro.



          Natawa naman ang ilang mga miyembro sa sinabi ni Sir Arthuro. Kasi biro iyun. Pero para sa akin, mukhang pinapatamaan ako. Up to date, mukhang ako pa lang kasi ang kilala na may boyfriend dito sa eskwelahan. Iyung iba naman na katulad ko nga at lantad, mukhang wala. Magtatanong pa ba ako kung bakit?



          “At dahil diyan, magkakaroon tayo ng palabunutan. Mauuna muna iyung mga girls para ma-distribute kayo equally. At susunod, kayo naman mga boys. At kapag nalaman niyo na kung sino ang mga kagrupo ninyo, mamili kayo kung sino ang gagawin ninyong leader. Pagkatapos, magkakaroon ulit tayo ng palabunutan para mamili ang bawat sa inyo ng theme. At siyempre, kagaya ng dati, may premyo ang mananalo. Muli, sikreto iyun. Kaya simulan na natin,” mahabang paliwanag ni Sir Arthuro.



          Nagsimula na ang palabunutan para sa grupo. Naging kagrupo ko ngayon si Caleb, at pati na rin si Colette. At kung sino naman ang magiging group leader, hindi ako pinalad na ako ang maging leader kasi hindi ako nag-volunteer. At okay lang iyun. Baka isipin nila na pabida ako.



          Pagkatapos mamili kung sino ang magiging leader ng grupo namin, bumunot na ang mga leader para sa magiging tema ng performance namin. At ang tema ay, malalaman ng babae ang pagtataksil ng lalaki sa kaniya. Napakagandang tema, kung hindi lang ako ang magiging…



          “Aulric, mukhang bagay kang magiging bidang lalaki sa kwentong ito. Tapos kaming natitira, kunyari  iyung mga barkada ng lalaki, at babae,” mungkahi ng leader namin.



          “Okay lang sa akin,” nakangiti kong wika. Mabuti naman at may tiwala ang leader naming ito sa akin. Huwag lang nila gawin ang iniisip ko.



          “So, Caleb, okay lang ba na ikaw iyung magiging, best friend ni Colette?” tanong nito kay Caleb.



          “Okay lang din sa akin,” sagot niya.



          “Then, Colette, ikaw ang magiging babaeng bida sa kwentong ito.” Halos mawala ang aking ngiti sa narinig ko. “Tapos, Jenny, ikaw kunyari iyung babae-in-secret ni Aulric.”



          “Okay lang sa akin,” nakangiti ding sagot ni Colette.



          Maya-maya, habang nag-uusap kung ano ang magiging plot ng kwento, at may ilang halikan na magaganap, ang gagawin ng bawat isa, saan magpa-practice, saka lang napatanto ng leader namin ang isang bagay. Saka lang nila napagtanto na ex ni Zafe si Colette, at ako ang current, boyfriend ni Zafe. Tapos, sa dula na ito, ako ang iiwanan ni Colette para sa isang lalaki, na si Caleb.



          “Umm, guys, okay lang ba iyung setup natin?” tanong ng leader namin. “I’m sorry. Para kasing…” Palipat-lipat ng tingin ang leader namin sa aming dalawa ni Colette.



          “Okay lang, sa akin. Bakit, Aulric, hindi ka ba payag?” tanong sa akin ni Colette.



          “Okay lang sa akin,” kibit ko ng balikat. “Huwag kayong mag-alala. Kung iyun ang gusto ng leader namin, sino ako para tutulan ko ang gusto mo? At tsaka, gusto niyong makuha ang premyo, tama? Baka sa gagawin namin ni Colette, makuha natin ang premyo ni Sir Arthuro? Hindi ba?”



          “Oo nga. Iyung premyo, iyung premyo,” nasabi na lang ng leader namin habang kinakabahan. “Pero kung gusto niyong mag-iba ng gagawin, pwede niyo ng sabihin sa akin ngayon pa lang. Okay lang sa akin. May alternatibo pa naman akong naisip.”



          “Wala akong objections,” sabi ni Colette.



          “Pumapangalawa ako,” masigla kong wika.



          Nagsimula na ang pagpa-practice namin para sa aming gagawin. Napakagaling ni Colette na magsaulo ng mga linya, ganoon din ang iba pa naming mga kasama. Napakadamdamin din ng mga binibitiwan niyang mga salita, lalong-lalo na sa akin kapag sa mga scene namin. Para talaga siyang artista. At siyempre, hindi naman ako magpapatalo sa kaniya. Lalo na sa mga kissing scene namin.



          Habang break namin sa aming practice, naiisip ko. Bakit wala pa akong nakikita na negatibong reaksyon niya ngayong nalaman na niya na ako ang boyfriend ni Zafe, at hindi siya? Nahihiya ba siya? Tanggap ba niya? Kasi, kung ako iyun, kamumuhian ko iyung tao. Pero natural, hindi ako si Colette kaya hindi ko gagawin iyun.



          Napapahugot na lang ako ng buntong-hininga sa kakaisip. Medyo nahihirapan ako kapag ganito. Kung may negatibo kang reaksyon sa nalaman mo ngayon, dalian mo at ilabas mo iyan. Lalong-lalo na kung dalawa lang tayo. Nagiging-paranoid kasi ako kapag ganito.」



          “Naghalikan, kayo?” pagulat na tanong ni Zafe.



          “Oo,” direktang sagot ko.



          “At, bakit ka naman pumayag?”



          “Kasi iyun ang makakabuti. Tsaka kagustuhan ng leader namin iyun”



          “Pwede ka naman sigurong tumanggi hindi ba?”



          Napakamot ako sa aking ulo. “Pwede naman. Kaya lang, wala naman daw problema kay Colette. Kaya pumayag na rin ako. Mukhang, wala naman sa kaniya kung maghahalikan kami.”



          “Tinakot mo ba ang leader ninyo para mag-iba ang kanyang pasya?”



          “Zafe, hindi ko gagawin iyun. Kasi, ginusto ko iyun. Kung ako lang siguro nag-volunteer na maging leader. Hayaan mo sa susunod, ako na ang magiging leader ng isang grupo para ako ang masusunod. Para makakita ang mga manonood ng isang trahedya.”



          Saka ko lang namalayan na nakahawak si Zafe sa batok ko at pinalapit ang aking mukha sa mukha niya. At nagdikit ang aming mga labi. Noong una, napakalambing niyang humalik. Hanggang sa medyo naging marahas ito. Tapos, pinababa pa ni Zafe ang paghalik niya papunta sa leeg ko.



          “Balak mo ba na gumawa ng bagong eksena? Kagaya ng bench scene? Ang ibig kong sabihin, cinema scene?” tanong ko. Napahawak ako sa ulo niya nang naramdaman kong hinalikan niya ang kiliti sa leeg ko. Napakasarap noon na nagpatigas sa aking pagkalalaki sa ibaba. “Zafe, magtigil ka. Hindi tayo nagiging isang mabuting example sa iba.”



          “Pigilan mo ako, kung gusto mo,” senswal niyang bulong sa tenga ko.



          Agad na pwersahang nilayo ko ang kanyang mukha mula sa akin. “Really, Zafe? Ako pa talaga ang sinubukan mo?”



          Ngumuso si Zafe sa ginawa ko. Kaya sinubuan na lang niya ako ng popcorn, na isinubo ko. Ako naman ay ngumiti at sinubuan din siya ng popcorn. Ilang segundo naman na nag-suspend ang kamay ko sa ere, at naiirita na ako. Pero isinubo niya ang popcorn na hawak ko at binigyan din niya ako ng mabilis na halik sa labi. Pagkatapos ay itinuon ulit namin ang aming atensyon sa palabas, at patuloy pa rin na nagsusubuan ng popcorn.



          Valentine’s Day. Mula sa silid-aralan ng huli kong klase, mabilis na tinungo ko ang Drama Club dahil naghahanda na ang aking mga kasamahan para sa aming performance ngayong araw. Hindi ko naman sinasadya na mabangga si Isabela, na may dalang mga folders, at papel. Marahil ay research papers niya o kung ano. Himala, gumagawa siya ng research?



          “Pasensya na,” agad na paghingi ko ng tawad.



          “Okay lang. Pakitulungan mo naman ako. Sa iyo ang mga folders, ako sa mga papel, please,” pakiusap niya.



          Agad na pinulot ni Isabela ang mga nagkalat na papel. Tutulungan ko na din sana siya magpulot ng papel, nang maalala ang isang pamilyar na pangyayari sa buhay ko. Natigil ako at nagpasya ang buo kong pagkatao na hindi pulutin ang mga papel, kahit gusto kong tumulong. Mukhang na-trauma ako.



          Maya-maya ay nakuha ni Isabela ang mga papel. Ang mga folders na lang ang natitira. Pero heto, at nakatunganga ako sa mga folders.



          Hindi na nag-aksaya ng panahon si Isabela at pinulot ang mga folders. Medyo nag-react naman ang katawan ko at tinulungan siyang pulutin ang mga folders.



          “Salamat sa tulong,” medyo pasarkastikong wika ni Isabela. Ang galaw ng kanyang katawan ay parang nagdadabog.



          “Aba, pasensya na. Alam mo naman na noong huling tumulong ako ay nagkaroon ako bigla ng kaso na nilaglag ko daw iyang dinadala mo,” pasarkastiko ko din na tugon.



          Napatakip ng bibig si Isabela. “Ohh, pasensya na. Hindi ko alam.” Awkward.



          “Okay lang, at pasensya na. Hindi nga ako makukulong, pero mukhang magiging bastos akong tao sa matagal na panahon.” Paalis na sana ako nang naramdaman kong hinawakan ni Isabela ang bisig ko. “Bakit?” Humarap ako sa kaniya at bumitaw siya sa pagkakahawak.



          “Umm, Aulric, pasensya na talaga. Pasensya na at…” Kumumpas siya at marahil ay nag-iisip ng mga sasabihin. Napaiwas siya ng tingin habang kumukumpas, at muling tumingin sa akin kapag nagsasalita na. “Muntikan na kaming makakulong ng maling tao. At mabuti na lang talaga at lumabas ang katotohanan na…” Muli, kumumpas siya at hindi niya alam ang kanyang susunod na linya. “Hay! Lumabas ang katotohanan na si Sharina pala ang gumawa sa akin nito.” Nag-iwas ulit siya ng tingin. “Nako naman! Hindi ko talaga naisip na gagawin niya sa akin ang bagay na ito.”



          Napasinghag ako. “Ako din naman. Hindi ko din naisip na gagawa siya ng ganoong bagay.” Humugot ako ng malalim na hininga. “Ikaw, okay ka na ba?”



          Tiningnan niya muli ako sa mata. “Oo, medyo, okay. Sayang nga lang at nalaglag ang bata. Tuwang-tuwa pa naman sila mama at papa na buntis ako, which is very unusual sa mga magulang.” Mukhang maghahanap na naman ang babaeng ito na makakapagpabuntis sa kaniya.



          “Oo nga. Weird,” halos bulong ko sa sarili. Pero narinig niya iyun.



          “Siya nga pala, Aulric. Narinig ko na may mga kaibigan ka na sa eskwelahang ito. At, gusto ko sana na, maging kaibigan mo? I mean, yes, medyo masama ang nakaraan natin-“



          “Ayoko pa rin,” nakangiting pagputol ko sa sasabihin ni Isabela. “Ewan ko kung bakit, pero hanggang ngayon, ayoko pa rin sa iyo Isabela. Pasensya na.”



          Napangiti siya. “Ganoon ba? Okay.”



          “Good.”



          Hindi na ako nagpaalam sa kaniya at naglakad na ulit papunta sa Drama Club. Napakalakas naman ng loob niya na magtanong kung pwede ko ba siyang maging kaibigan. Seriously, ayaw ko talaga sa kaniya, kahit hanggang ngayon. Kahit makipagbati siya sa akin, tatanggapin ko iyun. Pero ang pagkakaibigan, huwag na lang.



          Napakabilis gumalaw ng mga ka-grupo ko dahil ang bawat ay isa ay may sariling gawain. Ganoon din ako. Sampu lang ba naman kami.



          Kasalukuyang tsine-check ko ang mga costume ng ka-grupo ko. Napangiti naman ako matapos malaman na nandito lahat ang mga kailangan namin. Kaya nagpunta ako sa group leader namin at inulat ang aking ginawang pag-iimbentaryo. Pagkatapos ay isinuot na namin ang mga costume na susuutin namin. Then, nagtawag ang group leader namin para magtipon-tipon.



          “Aulric, pwede bang ikaw ang mag-lead ng prayer?” pakiusap ng group leader namin.



          Nanlaki ang mata ko sa pakiusap ng group leader namin. “Sige. Yumuko tayong lahat para magdasal.”



          Yumuko nga silang lahat gaya ng sinabi ko, pero ako lang ang hindi yumuko. Pagkatapos ay nagdasal na ako sa kawalan. Hindi pala alam ng mga taong ito na hindi ako naniniwala sa mga Diyos nila at sa dasal-dasal.



          “Amen,” panapos ko.



          Nag-angat sila ng tingin. Pagkatapos ay may ilang bagay na sinabi ang leader namin. Kung manalo, o matalo lang kami, maging okay lang sa amin iyun. Basta daw ang importante, ginawa na namin ang pinaka-best namin.



          “Umm, Aulric, Colette, napagpraktisan na natin ito. Sigurado ba talagang okay lang para sa inyo?” muling tanong ng leader namin.



          “Okay lang naman sa akin,” nakangiting wika ni Colette.



          Pilit na napangiti ako. “Ako din.”



          “Awkward,” bulong ni Caleb sa sarili.



Shai’s POV



          Kasama ang barkada, nasa gym na kami dahil dito gaganapin ang pagtatanghal nila Aulric. Medyo marami-rami na rin ang mga tao na dumadagsa nang nakarating na kami. At karamihan sa mga taong ito ay single. May ilan namang mga mag-couple, pero hindi gaanong karamihan.



          “Balita ko daw, makakatambal ni Aulric si Colette,” wika ni Camilla habang naka-angkla kay Knoll.



          “Si Colette, at Aulric?” pag-uulit ni Andrew.



          Nagkatinginan kaming magkakabarkada. “Awkward,” sabay-sabay naming sabi.



          Humagikhik kami hanggang sa nakita namin si Zafe, na nakasimangot, at kasama si Ricky, na nasa likod lang pala namin. At mukhang narinig pa niya ata ang pinagtatawanan namin. Masyadong awkward.



          “Alam niyo, maghanap na tayo ng pwesto,” pag-iiba ni Knoll ng usapan.



          “Oo nga. Tama, maghanap na tayo ng pwesto,” pagsang-ayon naman ni Isaac.



          Nauna namang humiwalay sa grupo sila Zafe, Knoll, Camilla, at Isaac. Lalapitan ko na sana si Ricky nang pinigilan ako ni Andrew at hinawakan niya ang braso ko.



          Agad na binitawan ni Andrew ang braso ko. “Ay! Pasensya na,” paghingi niya ng dispensa.



          “Bakit, may kailangan ba kayong pag-usapan?” tanong ni Ricky. Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa akin at kay Andrew.



          “Oo sana. Pwede bang mahiram si Shai mula sa iyo? Kahit saglit lang?”



          “Umm, okay lang sa akin,” sagot ko. “Ikaw Ricky?”



          “Kung okay sa iyo, bakit hindi?” pagkumpirma ni Ricky. “Basta dalian niyo lang. Mukha kasing malapit na din magsimula ang pagtatanghal.”



          “Okay.”



          Nang umalis na si Ricky, sinensyasan naman ako ni Andrew na huwag sa lugar na ito mag-usap. Kaya sinundan ko siya hanggang sa makalabas kami ng gym at pumunta sa isa sa mga sulok.



          “Bakit? May problema ba?” tanong ko.



          “W-Wala naman.” Napakamot siya sa ulo. “Alam mo ba na sinabi ko na sa kanila iyung dahilan kaya hindi tayo nagpakasal?”



          “Hindi pa naman,” sagot ko. “Bakit? Alam na ba nila?”



          “Yeah. Pero sila Zafe at Aulric, hindi pa nila alam."



          "Teka, bakit mo naman sinabi pala sa kanila?”



          “Kasi, isang araw, naging topic kasi tayo ng mga kaibigan natin. Ano ba daw ang tunay na dahilan kung bakit ikaw ang umurong sa kasal at hindi ako? Nagmukha kasi akong, masama sa kanila dahil sa ginawa ko. At alam mo naman iyun kung bakit. Kasi, kung hindi naman dahil sa akin, siguro ay kasama mo pa rin ang pamilya mo. Siguro ay hindi ka nila itinakwil. Kaya pinagtapat ko sa kanila na ampon ako.” Napakaliit naman ng problema na iyan.



          Bumuntong-hininga ako. “Hay nako! Alam mo, plano ko talaga na umalis sa puder ng mga magulang ko. Kaya okay lang iyun. At kung hindi pa ako itinakwil ng mga magulang ko, hindi ako pakakasalan ni Ricky.”



          “Ahh! Ganoon ba? So, kumusta ka na pala? Masaya ka ba sa piling niya?” tanong niya.



          “Yeah. Masaya naman ako.” Napakamot ako sa aking ulo. “Although, mukhang ako ang source ng kamalasan sa pamilya nila, dahil doon sa nalagyan ko ng laxative ang pagkain ni Ricky kaya hindi siya nakapaglaro nitong huli. Pero pinatawad naman ako ni Ricky. Wow! Akala ko talaga, maghihiwalay na kami ni Ricky dahil sa kapalpakan kong iyun.”



          “Mabuti naman at hindi. Hey, may ipagtatapat nga pala ako sa iyo. At gusto kong malaman mo talaga.” Hindi pa pala iyun ang ipagtatapat niya?



          “Ano naman iyun?”



          “Umm, okay.” Humugot si Andrew ng buntong-hininga. “Natatandaan mo ba, 3 years ago, noong mga 4th year tayo sa high school, iyung nakatanggap ka ng bulaklak at isang love letter?”



          Nag-isip ako at inalala ang nakaraan. “Yeah. Natatandaan ko pa. Tapos dumaan kayo nila Knoll at sinira ang araw ko. Tapos, noong umalis na kayo, inasar-asar naman ako ni Camilla. Tapos, tuwang-tuwa siya nang nakatanggap ako ng bulaklak. At kinukulit niya ako kung kilala ko ba ang nagbigay sa akin ng bulaklak na iyun. Sabi ko, hindi. Kasi noong mga panahon na iyun, sinong magbibigay sa akin ng bulaklak.”



          “Ako iyun,” mabilis na pagtatapat niya.



          Natameme ako sa nalaman ko. “Okay, ikaw iyun? At bakit ngayon mo lang sinasabi sa akin ang bagay na ito?”



          “I know, I know. Bakit ngayon ko lang ba ito sinasabi sa iyo? Kasi Shai, kaya sinasabi ko sa iyo to dahil dati, nagkagusto ako sa iyo. At hindi naman kita malapitan dahil masama ang reputasyon mo sa akin. Pero kagaya ng sinabi ko, dati iyun,” bara-bara niyang paliwanag. “Ngayon kasi, may bagong babae na ang nagpapatibok ng puso ko. At ikaw pa lang ang unang nakakaalam ng bagay na ito. Kaya bago ko simulan ang pakikipagrelasyon sa babaeng ito, gusto ko munang malaman mo na, oo, may gusto talaga ako sa iyo Shai. At mula sa kaibuturan ng aking puso, tapat na sinasabi ko ito sa iyo, masaya ako para sa iyo at nahanap mo si Ricky.”



          “Ahh! Ganoon ba?” Nakahinga ako ng maluwag. “Akala ko, hahabulin mo pa ako matapos akong makasal.”



          “Actually, kung pwede pa ngayon, oo. Hahabol talaga ako. Pero ngayong hindi na pwede, kailangan kong tanggapin na masaya ka na kay Ricky.” Natawa ng payak si Andrew. “Nako po. Nag-confess talaga ako sa iyo? Iyung dati kasing ikaw, napakahirap mag-confess. Baka bigla mo akong nasapak.”



          Natawa din ako sa sinabi niya. “Sa tingin ko nga,” bulong ko sa sarili ko. “So, sino nga pala ang babaeng ito?”



          “Well, ang pangalan niya ay Jenny, iyung hahalikan din ni Aulric sa palabas, ooops!” Tinakpan agad ni Andrew ang bibig niya. “Wala kang narinig tama?”



          Bumalik na kami ni Andrew sa gym at nakaupo na kami. Pagkarating namin ay may upuan agad na nakareserba para sa amin, salamat sa mga kaibigan namin.



          “May problema ba?” pabulong na tanong sa akin ni Ricky.



          Naalimpungatan ako at hinarap siya. “Ha? Wala,” pabulong din na sagot ko.



          “Talaga? Ano ang title ng unang palabas na pinanood natin?”



          “Okay, hindi ako okay,” pag-amin ko. “Medyo naguguluhan lang kasi ako ngayon Ricky.”



          “Bakit? Ano ang sinabi ni Andrew sa iyo?”



          “Nag-confess lang naman siya sa akin na nagkagusto siya sa akin, once.”



          “Mag-aalala na ba ako ngayon?”



          “Hindi Ricky. Ano ka ba?" natatawang tapik ko sa balikat niya. “Ikaw talaga ang mahal ko. At tsaka, may babae ng mahal si Andrew kaya huwag ka ng mag-alala. Ang iniisip ko kasi, ilan pa kaya ang lalaki na nagkagusto sa akin noong high school? Tapos, takot lang pala sila sa akin mag-confess dahil akala nila na sasapakin ko sila?”



          “Sa circle of friends ko noong high school, tatlo?”



          Nagulat ako sa sinabi niya. “Huh? May kilala ka? Sino? Tsaka paano? Bakit?” sunod-sunod kong tanong.



          “Well, to put it quickly, parang katulad ng pagkakagusto ko sa iyo. Kaya lang, iyun nga, gaya ng sinabi mo kanina, takot kaming lahat mag-confess sa iyo dahil baka sapakin mo kami,” natatawa niyang paliwanag.



          Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. “Wow. Okay lang ba na kiligin ako ngayon, sa harapan mo? Parang medyo natuwa-tuwa na ako dahil hindi lang pala ikaw ang nagkagusto sa akin noon. May apat pa pala.”



          “Well, okay lang iyun,” kibit niya ng balikat. “Tutal, nakatali ka na sa akin, wala na silang magagawa kung hindi ang magselos na pinakasalan kita.”



          Kinilig ako sa sinabi niya at pasimple kaming naghalikan. Hindi naman namin namalayan na nagpalakpakan na ang mga tao. Umayos naman kami ni Ricky at nakipalakpak na din. Mukhang natapos na ang pangalawang grupo sa kanilang performance at ang grupo na ni Aulric ang susunod.



          “I love you Shai,” bulong ni Ricky sa akin.



          “I love you din,” tugon ko.



          Biglang may kuryenteng gumapang sa aking balat nang mabilis akong hinalikan ulit ni Ricky sa labi. Kinikilig ako. Bakit ko nga pala iniisip kung may iba pa bang lalaki na nagkagusto sa akin noon? Ehh, may Ricky na ako? Mahalaga pa ba iyun? Hay! Tarantadong Andrew kasi iyan. Bakit pa kasi siya nag-confess sa akin? Oh my God! Mababaliw ako nito sa kakaisip! Dapat, subukan kong burahin ang mga sinabi sa akin ngayon ni Andrew sa aking sistema. Erase, erase, erase.



          Nang ang grupo na ni Aulric ang nag-perform, buong-buo na ang atensyon kong pinanood ang kanilang palabas. Sa wakas, nakita ko din ang Jenny na sinasabi sa akin ni Andrew na babaeng gusto niya. Ayos na din. Maganda, kaya lang, mukhang si Aulric pa ang first kiss.



          So, ito ang summary ng kwento nila ni Aulric. Si Colette at Aulric ang magkasintahan, at mahal na mahal nila, kuno, ang isa’t isa. Hindi alam ni Colette, may ibang babae na kinikita si Aulric maliban kay Colette. Dito nga papasok ang babaeng gusto ni Andrew, na si Jenny. Tuwing nagkikita ang dalawa, may nangyayari daw sa dalawa na hindi alam ni Colette. Samantala naman, namomoblema naman daw kunyari si Colette. Nararamdaman niya kasing may ibang babae na kinikita si Aulric at naghingi siya ng payo sa kanyang mga kaibigan. Then, imbes bigyan siya ng payo, nagkaroon sila ng Q and A. Nagtanong ang isang kaibigan ni Colette kung may nangyayari na ba sa kanila ni Aulric. Siyempre naman, wala. Then, dito naman pumasok ang payo ng isang kaibigan niya na bakit hindi niya subukan na ibigay ang kanyang sarili kay Aulric? At kung tanggihan siya, hindi siya nito mahal.



          Makalipas ang ilang minuto ng pagpapalitan ng dayalogo ang mga bida, heto nga, nakapagpasya si Colette na ibibigay nga niya daw kay Aulric ang kanyang pagkababae. Ang dahilan daw, kahit hindi hinihingi ni Aulric, ibigay mo. Basta mapatunayan niya daw na mahal niya si Aulric, okay na iyun.



          “Kaya pa?” rinig kong pang-aasar ni Ricky kay Zafe na nasa tabi niya. “Maghahalikan na sila.”



          “Tumigil ka nga,” saway ni Zafe.



          “Manahimik na kayo. Maghahalikan na silang dalawa,” saway ko din.



          Magsasalita pa sana si Zafe nang biglang nawalan ng ilaw ang buong gymnasium. Kasabay noon ay naputol din ang palabas nila Aulric. At isa, dalawa, tatlong sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa gym. Biglang nagsigawan ang lahat at umingay ang paligid.



          “Sino iyun?!” sigaw ng isang boses na nasa likuran namin. At nasundan pa iyun ng tanong ng isa pa.



          “Dumapa kayo!” rinig kong sigaw ni Ricky.



          Kahit hindi namin alam ang nangyayari, dumapa kaming lahat. Kinabahan bigla ako kung ano ba ang nangyayari sa gym? Napakagulo. May ibang tao na imbes na dumapa, may mga nagtatakbuhan naman palabas. Pagkatapos ng ilang segundo, muling bumukas ang ilaw. At isa na namang napakatinis na sigaw ng isang babae ang narinig namin. Mukhang may natamaan sa tatlong putok ng baril na narinig namin.



          “Aulric?! Aulric?! Aulric?!” paulit-ulit na sigaw ni Zafe. Mukhang tumayo na siya at dali-daling tumakbo sa stage.



          “Kayong lahat, pumunta na kayo sa labas. Huwag kayong lilingon, basta pumunta lang kayo sa labas,” panuto sa amin ni Ricky na agad naming sinunod.



ITUTULOY…

3 comments:

  1. ayaaaaaa bakit si aurlic....., sino kaya may kagagawan, wala ako maisip maliban kay author... hehe

    ReplyDelete
  2. Admin kaylan nyo po ipopost ung chapter 45

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails