Followers

Thursday, March 31, 2016

Enchanted (Book 2): Child of the Light -- Chapter 22 - 26


Nasa Chapter 54 na tayo sa Wattpad. Hanapin niyo ako doon. Ang username ko ay PeterJDC. Follow niyo ako doon para updated kayo lagi. Nasa profile ko ang mga stories, kasama ang Child of the Light. Hihintayin ko kayo doon. 






















Chapter 22

Mag-isang umuwi si Cindy. Bumuntong-hininga ito habang inaalala ang alitan nila ng nobyo. Naging mas abala kasi ito dahil sa mga dagdag na gawaing iniatas sa kanya ni Mr. Imperial, bagay na hindi naunawaan ni Bryan. Hindi niya mahindian ang matandang lumpo. Masama na ang lagay ng kompanya. Iilan sa mga empleyado ay nagresign na rin dahil sa mga problema. Si Miss Sandy naman ay palaging wala. May mga linggong hindi ito nagrereport.

Nasa gitna ng malalim na pag-iisip si Cindy nang makaramdam ito ng mahinang pagyanig ng lupa. Agad itong napakapit sa malapit na puno. Tumigil din sa pagyanig ang lupa. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang may mapansin siyang dalawang lalaking sumusunod sa kanya. Nilingon niya ang mga ito. Binilisan niya ang paglalakad. Ngunit maya-maya pa ay nasa gilid na niya ang mga ito.
“Sino kayo?” Magkabilang nilingon ni Cindy ang mga ito. “Ano’ng kailangan ninyo?”

“Sorry, miss ganda, napag-utusan lang,” saad ng lalaking nasa kaliwa.

“Wag kang papalag kundi bubutasan ko ang tagiliran mo,” saad ng nasa kanan.

Kinakabahan si Cindy. “Sino nag-utos sa inyo?”

“Tumahimik ka!” pagaralgal na bulalas ng isang lalaki.

Maya-maya pa ay may pumaradang van. Hinila ng dalawang lalaki si Cindy papasok.

Nagpumiglas si Cindy. “Bitiwan niyo ako!” Hinila niya ang mga kamay na hawak ng dalawang lalaki sa magkabilang gilid. Nang ipapasok na siya ng mga ito ay inapak niya ang mga paa sa apakan ng sasakyan at nagpumiglas.

Sinuntok ng isang lalaki si Cindy sa sikmura at nawalan ito ng malay dahil sa sobrang sakit.


Nagising si Cindy sa maliit na kama sa isang bodega. Nagkalat ang mga karton at sirang mwebles sa sulok ng amoy usok at amag na silid na naiilawan ng iisang bombilyang nagbigay ng mapusyaw na maladilaw na liwanag dito. Maliban sa sikmura ay wala namang sumasakit sa kanya. Natatakot ang dalaga. Sa pakiwari niya ay hindi naman siya namolestiya. Tumayo siya mula sa kama, ngunit lumapit ang isa sa tatlong lalaking nakabantay sa kanya.

“Gising na pala si miss byutipul,” saad ng lalaking mukhang manyak kay Cindy. Lumapit ito sa kanya.

Naramdaman ni Cindy ang kamay ng lalaki sa kanyang pisngi. Nanginginig siya sa takot. “Ano’ng gagawin ninyo sa akin?” Nanginginig ang mga labi ng dalaga.

“Wag ka mag-alala. Hindi kita sasaktan. Paliligayahin lang kita,” saad ng lalaki habang ngumunguya ng bubble gum. Nilapit nito ang mukha sa leeg ni Cindy. “Ang bango mo. Nakakalibog. Tinitigasan ako sa’yo.” Ngumisi ito.


Chapter 23


“Umalis ka sa harapan ko!” Tinulak ni Cindy ang mukha ng lalaki.

“Magugustuhan mo rin ‘to.” Lumapit muli ang lalaki.

Umatras si Cindy at umiling.

“Nanding, parating na si boss!” bulalas ng kasama nila.

“Mabilis lang ‘to. Pagbigyan niyo na ako. Minsan lang tayo makatikim ng ganito.” Hinaplos ng lalaki ang braso ni Cindy.

“Lumayo kang manyak ka!” sigaw ni Cindy.

“Ano’ng sabi mo?” Hinila ng lalaki ang buhok ni Cindy at tinulak ito sa kama. Agad na niluwagan nito ang kanyang sinturon at binaba ang kanyang pantalon.

Tumambad kay Cindy ang matigas na ari ng lalaki. Hilakbot ang nadarama ng dalaga. Nanlaki ang kanyang mga mata, nakaangat ang mga palad paharap sa kalapastanganang iyon. “Wag, please wag! Ibibigay ko lahat ng pera ko sa inyo.” Tiningnan niya ang dalawang lalaki ngunit nakangisi lang ang mga ito. Naiiyak na ang babae.

“Sige, Nanding. Pagkatapos mo kami naman. Bilisan mo bago dumating si boss!” bulalas ng isa sa kanila.

“Maawa naman kayo...” Mangiyak-ngiyak si Cindy habang nakita niyang papalapit ang lalaking nakababa ang pantalon at pilit siyang hinalikan habang pinapasok nito ang isang kamay sa loob ng kanyang suot. Naramdaman niyang nilalamas ng lalaki ang kanyang suso. Umiiyak si Cindy. “Wag please, tama na...” Ngunit pinatungan siya ng lalaki at hindi na siya nakagalaw. Naramdaman niya na lang na tinataas ng lalaki ang laylayan ng suot niyang palda at binababa ang kanyang panty. Ramdam niya ang pagtama ng matigas na ari ng lalaki sa kanyang hita malapit sa kanyang pagkababae.

“Ang lamig mo naman, miss byutipul. Pero paiinitin kita.” Ngumisi lang ito na tila hayok na hayok. “Tagal ko na di nakakatikim ng ng katulad mo.”

Nagpupumiglas si Cindy. Gamit ang anumang lakas na natitira sa kanyang katawan ay hinawakan niya ang lalaki sa magkabilang braso upang itulak ito. Nakita niya ang malademonyo nitong mukha na nakangisi sa kanya. Alam niyang anumang segundo ay mapapasok na siya ng demonyong ito.

“Ano’ng ginagawa mo!” sigaw ng lalaki sa kanya.

Nakita ni Cindy bigla itong napangiwi.

“Aaaarrggg!” Biglang kumalas ang lalaki mula kay Cindy at hinawakan nito ang magkabilang brasong kanina lang ay hawak ni Cindy.

“Hoy, Nanding, napa’no ka?” tanong ng isang lalaking nakangisi.

Nang tanggalin ni Nanding ang mga kamay sa mga braso niya ay tumambad sa kanila ang maputing parte ng kangyang braso. Nang hinawakan ito ng isa sa kasamahan niya ay -- “Ang lamig. Parang yelo!” Tiningnan ng tatlong lalaki si Cindy na nanginginig pa rin sa takot at pagkatuliro.

“Hoy, miss, ano’ng ginawa mo dito?” tanong ng lalaking kasamahan nila.

Umiling lang si Cindy. “Wala akong ginagawa! Pakawalan niyo na ako!” Pawis na pawis ang mukha ng dalaga. Tinaas niyang muli ang kanyang salawal at inayos ng nagusot na suot.

“Pa’no ba yan, Nanding, ako na lang siguro mauuna dito.” Agad sinunggaban ng lalaki si Cindy.

“Get away from me! Mga hayop kayo!” Hinawakan ni Cindy ang mukha ng lalaki upang ilayo ito sa kanya ngunit nagulat siya ng biglang tumigas ang mukha nito. Nakita niyang napadilat ang lalaki sa pagkabigla hanggang sa balutin ng puting yelo ang mukha nito. Gumapang ang yelo sa buong katawan ng lalaking nakadilat at nakanganga. Dinig niya ang paglagiti ng balat ng lalaki habang tumitigas ang mga kalamnan nito.

Napadilat si Cindy. Kumunot ang kanyang noo. Hindi niya maintindihan ang nangyari. Ang sunod niyang nasaksihan ay umuusok sa lamig ang lalaking hinawakan. Hindi niya alam kung patay na ba ito. Pinisil niya ang mukhang hawak pa rin niya. Matigas na ito. Nang bitawan ito ni Cindy ay bumagsak ito sa semento at nabali ang kamay nito at nabasag ang ulo nito. Napaigtad ang babae at napahawak sa nakabukas na bibig at ngumiwi. Umiling na lang siya at napaatras, hindi maarok ang pangyayari. Napatay niya ang lalaki na hindi sinasadya.

Nagulantang ang dalawang lalaki sa nasaksihan.

“May sa demonyo pala itong babaeng ito eh.”

Gulat na gulat si Cindy sa nangyari. Tiningnan niya ang mga palad na umuusok sa lamig. Hindi niya maintindihan kung paanong... Naramdaman niyang hinawakan siya ng isa pang lalaki.

“Ano’ng ginawa mo!” sigaw ng lalaki. Ngunit paghawak nito sa kamay ni Cindy ay gumapang din ang yelo mula sa kamay nito patungo sa kanyang buong katawan.

Nakita ni Cindy kung paano sumigaw at napangiwi ang lalaki sa sakit habang dumadaloy ang yelo papunta sa kanyang leeg. Hanggang sa natahimik na ito at nagyelo na rin ang buong mukha. Nagulat si Cindy sa nangyari at agad na inalis ang matigas na kamay ng lalaking kanina ay nakahawak sa kanya. Gaya ng naunang lalaki ay bumagsak ito sa sahig at nabali ang mga nagyelong kamay nito.

Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Tama ba itong ginawa niya? Pero hindi niya ito sinasadya. Kusang dumaloy ang lamig mula sa kanya patungo sa mga salaring hayok sa laman. Hindi siya ang nag-umpisa nito. Hindi siya ang pwedeng sisihin. Sa kabilang banda hindi niya maintindihan kung paano, kung ano ang nangyayari sa kanya. Tiningnan niya ang mga palad. Umiiling siya. Hindi niya gusto ito. Sinulyapan niya ang dalawang basag na katawan sa sahig. Kinilabutan siya sa tanawin, tanawing nagpatindig ng kanyang balahibo. Napaatras siya habang sapo ang bibig. Hindi niya alam kung masusuka o mahihimatay. Napahawak siya sa dulo ng higaan habang napapaiyak.

Nataranta si Nanding. Sa taranta nito ay hindi pa nito naiangat ang pantalon. Hinanap nito ang kanyang baril.

Napansin ng babae ang naiiwang buhay na lalaki sa silid na iyon. Halata sa kilos ng lalaki ang pagkataranta. Alam niyang babarilin siya nito. Lumapit ito sa kanya, iniwasan ang mga nagyeyelong basag na katawan ng kasama sa sahig. Hawak nito ang baril sa isang kamay, ang isang kamay naman ay pilit tinataas ang pantalon nito.

“Bitiwan mo yan!” matigas na saad ni Cindy.

Nanginginig ang kamay ng lalaking nakahawak sa baril na nakatutok kay Cindy. “Anong klaseng halimaw ka?” Nanlilisik ang mga mata nito.

Naghalo ang ngitngit at taranta sa babaeng muntik nang magahasa. Tinitigan niya ito. Naalala niyang muntik na nitong maipasok ang ari niya sa kanya. Lumakas ang kabog sa kanyang dibdib. Hinawakan niya ang kamay ng lalaki. Nabitawan ng lalaki ang baril. “Manyak ka. Ito ang bagay sa iyo.” Binalot ni Cindy ang matigas pa ring ari ng mama sa kabilang kamay. Dinig niya ang pangingisay ng lalaki habang nagyeyelo ang ari nito. Pinutol ni Cindy ang nagyeyelong ari at pinakita ito sa lalaki. “Ito ba ang pinagmamalaki mo?” Hinulog ni Cindy ang bagay na iyon sa sahig at inapakan. Nabasag ang bagay na iyon. Nang ibalik niya ang titig kay Nanding, mangiyak-ngiyak ito at nanginginig.

“Hayop ka! Papatayin kita!” Sinunggaban ng lalaki si Cindy at agad na sinakal ito nang mahigpit.

Hindi makahinga si Cindy at tila mababali na ang mga buto niya sa leeg. Hinawakan niya ang mga bisig ni Nanding. Ilang saglit pa lang ay sumigaw ito at binitawan ang leeg ng dalaga. Hinabol ni Cindy ang kanyang paghinga. Nakita ni Cindy na nanlalaki ang mga matang tiningnan ni Nanding ang mga bisig. Naging kulay lila ang mga kamay nito, marahil bunga ng pagkakatigil ng suplay ng dugo papunta sa mga kamay niya.

“Ano’ng klaseng demonyo ka!” Nakadilat sa kanya ang napangiwing lalaki.

Dahil sa galit ay hindi na napigilan ni Cindy na hawakan ang mukha ni Nanding. “Mas demonyo ka!” Agad na nagyelo ang mukha nito at ang buo nitong katawan. “Kayo ang nag-umpisa nito!”

Nang makita ang mga nagyeyelong basag na katawan ng tatlong tao sa loob ng silid na iyon ay biglang nahimasmasan ang dalaga. Tiningnan niya ang kanyang mga palad. “Ano’ng nangyayari sa akin?” Napaiyak si Cindy sa kalituhan at takot. Lumabas ito ng bodega. Doon niya lamang napansin ang isang bahay sa di kalayuan na halos lamunin na ng punong acacia. Sa tingin niya ay walang tao iyon dahil walang nakasinding ilaw sa labas.

Ilang minuto ng naglalakad si Cindy sa hindi pamilyar na lugar na iyon na malayo sa lungsod nang makaramdam siya ng pagkahilo marahil sa gutom at pagod. Bumagsak ito sa lupa.


Chapter 24


“Ate Cindy!” Nakadilat si Errol sa babaeng nakahandusay. Hinawakan niya ang pisngi nitong maputla. Dumako ang tingin niya sa mga galos niya sa braso at hita. “Lo, kilala ko siya.”

Nakakunot ang noo ni Melchor habang tinitingnan ang babaeng nakahandusay. Dahan-dahang inangat ng matanda ang tingin sa kanyang apo. “Ang nakasaad sa alamat ng mga bato...”

Nakasimangot si Errol. “Ate Cindy!” Niyuyugyog niya ang braso nito. Kinuha niya ang kamay nito upang pulsuhan at pagkatapos ay tumingala sa kanyang lolo. “Nasa kanya ang isang hiyas? Pa’no nangyaring...” Binalik niya ang tingin sa maputlang dalaga. “Ang lamig ng kamay ni ate.”

“Maaaring tama ang nakasulat sa alamat.”

“Ano’ng ibig mong sabihin, lo?”

“Bilis, buhatin natin. Dalhin natin sa hospital.” Pinagtulungan ng dalawang buhatin ang babae at agad silang binalutan ng mga ilaw.

Nang idilat ni Errol ang mata ay nasa gilid sila ng isang hospital. “Lo, baka may makakita sa atin.”

“Hindi na mahalaga yan. Ang mahalaga mabigyan siya ng lunas.” Dinala nila si Cindy sa emergency room.

“Kaanu-ano niyo ang pasyente?” tanong ng nurse na tumanggap sa kanila.

“Natagpuan lang namin siya,” mahinang sagot ni Melchor.

“Ah, ano, kasi...” Hinila na siya nang kanyang lolo.

“Sandali lang po...”

Nilisan nila ang hospital at nanatili sa labas.

“Hindi ba natin siya sasamahan?” tanong ni Errol na tinatanaw ang gusaling iyon habang may pinapasok na mga pasyenteng naka-stretcher.

“Kapag nagising siya, magtataka siya kung paano natin siya nakita.” Seryoso ang mukha ng matanda.

“Pero, pa’no si ate?”

“Magmamasid ako dito. Wag kang mag-alala.”

“Eh di dito na rin ako.”

“Umuwi ka na.” Pinatong ni Melchor ang kamay sa balikat ng apo. “Kailangan mo na magpahinga.”

“Di pa naman ako pagod.”

“Pero may trabaho ka pa bukas, apo. Sige na. Kaya na ito ng lolo.”

“Sigurado ka, lo?” Napakamot ng ulo si Errol. Nagdadalawang-isip kung susundin ang lolo niya o mananatili sa lugar na iyon. “Lo, kasi natatakot ako para kay ate.”

“Ako na ang bahala. Sige na.”

“Di ba di pa kayo kumakain? Dalhan ko na lang kayo dito ng pagkain para naman --” Naramdaman niyang hinawakan siya ng matanda at nakita niya na naman ang mga pamilyar na orbeng pumaikot sa kanila.

“Matigas talaga ang ulo mong bata ka. Kanino ka ba nagmana?”

“Eh di sa inyo.” Nanunuya ang tingin ni Errol na umirap lang nang makitang nasa tapat na siya ng kanyang tinutuluyan.

Bumuntong-hininga ang matanda. “Bueno...”

“Lo, kumain ka muna.” Hinila ni Errol ang kamay ng matanda, ngunit naglaho na rin ito. Napakamot na lang siya sa ulo. “Madaya talaga, o.”


Chapter 25


Nang idilat ni Cindy ang mga mata ay nasa isang hospital ito. Tinanong niya ang nurse na nag-aadjust ng kanyang IV fluid kung pa’no siya napunta doon.

“Hinatid kayo kanina ng isang matanda at isang lalaki.”

“Sino?”

“Hindi ko po natanong ang pangalan nila kasi biglang umalis.”

“I need to get out of here!”

“Ma’am, hindi pa pwede kasi oobserbahan ka pa.”


Mahigit isang linggong nagkulong si Cindy sa kanyang kwarto. Tuliro ito. Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa kanya. Nakapatay siya ng tatlong tao. Ngunit ang iniisip niya ay masasamang tao naman ang napaslang niya. Hindi mawaglit sa isip niya ang mga pangyayari -- ang muntik niyang pagkakagahasa at ang kung anong kapangyarihan meron siya na hindi niya maintindihan.


Isang umaga laking hilakbot ni Cindy nang magising siya na nasa tapat ng kanyang kama ang isang matanda. “Sino ka! Ano’ng ginagawa mo dito?”

“Wag kang mag-alala. Hindi ako masamang tao,” saad nito sa namamaos nitong boses.

“Ako si Melchor. Ako ang tagaingat ng mga mahiwagang hiyas.”

“Pa’no ka nakapasok dito?” Nilapit ng babae ang mga binti sa kanyang katawan. Nanginginig siya sa kaba. Ngunit nakita niya lang na ngumiti ang matandang masangsang ang amoy at madungis.

“Hindi na importante iyon. Ang importante ay kung ano ka.”

“Ano? Hindi kita maintindihan. Umalis ka na kundi sisigaw ako!” Nagulantang si Cindy nang magliwanag ang katawan ng matanda at naglaho ito. Sinampal-sampal niya ang sarili. Nababaliw na ba siya? Biglang napaiyak ang babae. Natatakot siyang baka nasisiraan na siya ng bait.

Lumitaw muli ang matanda sa gilid ng kama niya. “Gusto mo bang malaman ang nangyayari sa iyo?”

Napaigtad muli ang dalaga. “Sino ka ba? Paano ka nakapasok dito?” Maluha-luha na siya.

Ginalaw ni Melchor ang mga palad sa harap ng dalaga tanda na huminahon siya. “Ako si Melchor. Hindi mo ako kilala --”

“Talagang hindi kita kilala! Kaya umalis ka na, kundi sisigaw ako.” Matalim na tinitigan ng umiiyak sa tarantang dalaga ang matanda.

Naglakad ang matanda patungo sa gilid ng bintana at dumungaw. “Ikaw ang pinili ng hiyas ng tubig na humawak sa kapangyarihan nito.”

“Ano? What are you talking about?” Sumimangot siya. Yakap pa rin niya ang mga binti.

“Ikaw ang nakatakdang piliin ng hiyas ng tubig,” saad ng matanda na nakadungaw pa rin sa bintana na tila malalim ang iniisip.

Kahit nagtataka at natatakot ay pinakinggan ni Cindy ang matandang kanina’y nagpakilala bilang si Melchor. “Hindi kita maintindihan. Bakit ako?”

“Hindi ko alam. Hindi ko batid ang diwa ng mga elemento.”

“Teka, ano’ng hiyas?”

“Wala ka ba noong napapansing kakaibang bato?”

Naalala ni Cindy ang isang bato na kulay asul. Madalas niya itong nakikita ngunit hindi niya masyadong pinapansin. Ilang beses niya na itong tinapon sa basurahan. “Ibig sabihin...”

“Iyon ang hiyas ng tubig.”

“Pero mukhang ordinaryong bato lang yon sa pagkakatanda ko.”

Tumangu-tango si Melchor. “Walang bahid na espesyal na itsura ang mga batong iyon.”

“At,” dugtong ni Cindy, “hindi ko na rin nakikita yon.”

“Hindi mo na makikita iyon dahil sumanib na ito sa iyo.” Lumingon na ang matanda.

“Paano? Wala naman akong naramdamang sumanib sa akin.” Kahit nagtataka ay medyo kumalma na ang dalaga. Napagtanto niyang mukhang wala namang gagawing masama ang mukhang ermitanyo.

“Pero lumalabas na ang kapangyarihan nito. Hindi ba?”

“Pero yelo, hindi tubig.”

“Hindi ba ang yelo ay isang anyo ng tubig?” Ngumiti si Melchor at humakbang malapit sa dalaga.

“Pero, manong, ayoko nito!” Umiling si Cindy at ngumiwi. “Pa’no ito mawawala?”

“Wala ka ng magagawa. Ikaw ang pinili ng kalikasan na humawak sa hiyas ng tubig. Hindi ba’t nailigtas ka nito sa kapahamakan?”

Naalala ni Cindy ang muntik nang pagkakagahasa sa kanya. Tumango ito.

“Iilan lang tayong may kakaibang kakahayan.” Pinakita ni Melchor ang nagsasayaw na mga butil ng ilaw sa paligid ng kanyang kamay. “Hindi sumpa ito. Bagkus ay gantimpala. Pero dapat gamitin sa tama.”

Namangha si Cindy sa nakita. “Pero, manong Melchor, paano ko ito makokontrol?”

“Hindi mo pa ba kayang kontrolin?”

Umiling si Cindy. Kinuha ni Melchor ang plorera sa mesang nasa gilid ng higaan ni Cindy. Tinanggal niya ang mga bulaklak dito. Biglang tinapon ng matanda ang lamang tubig nito kay Cindy, ngunit maagap ang dalagang inangat ang mga kamay nito upang masangga ang tatamang tubig. Ginulat at minangha siya ng sunod na nasaksihan. Tumigil ang mga tilamsik ng tubig sa ere.

Natigilan si Cindy. Tinitigan nito ang mga butil at globo ng tubig sa ere at pagkatapos ang kanyang mga kamay.

“Buuhin mo ang mga patak ng tubig sa iyong isipan,” saad ni Melchor.

Yun nga ang ginawa ni Cindy. Inimagine niya na nagsasasama-sama ang mga butil. At nakita niyang unti-unting nagkumpulan ang mga butil at globo ng tubig sa ere at naging isang gumagalaw-galaw na bilog ng tubig na sinlaki ng suha. Nagulantang ang dalaga.

“Isipin mong nagyeyelo ito.”

Ganun din ang ginawa ni Cindy. Unti-unting pumuti at tumigas ang bolang tubig sa ere. Kinuha ito ni Melchor at iniabot kay Cindy na nanlalaki ang mata sa mangha.

“Isang gantimpala ang kapangyarihang ito. Gamitin mo ito sa tama.”

Hinawakan ni Cindy ang bolang yelo. Sa mangha ay napangiti siya. “Pero, teka. Dun sa bodega wala namang tubig nung naging yelo ang mga lalaki.”

Ngumiti ang matanda. “Hindi ba’t mahigit sisenta porsyento sa katawan ng tao ay tubig?”

Napakunot ng noo ang dalaga. “Oo nga,” bulong niya.

“May isa ka pang dapat malaman,” saad ni Melchor.

“Ano ‘yon?” tanong ni Cindy habang nilalaro ang bolang yelo.

“Kontrolin mo ang iyong emosyon. Ang iyong kapangyarihan ay nakatali sa iyong emosyon. Maaaring may magawa kang pagsisihan mo kapag ginamit mo ang kapangyarihan mo sa bugso ng matinding emosyon.”

Nakatuon lang ang atensiyon ng dalaga sa bolang yelo na nilalaro niya sa kanyang higaan. Napangiti siya. Nawala na ang pangamba. Nang iangat at igala niya ang kanyang tingin ay -- “Manong, asan na kayo?”

Nawala na si Melchor sa silid ni Cindy, ngunit gumaan ang kanyang pakiramdam. Kung anu man itong kakaibang kakayahan niya ay sinalba nito ang kanyang buhay. Iyon ang tumakbo sa isip kaya lumakas ang kanyang loob. Habang nilalaro ang yelong unti-unti na ring natutunaw sa kanyang kamay ay nakapagsalita siya, “I know who sent those guys to get me. Humanda ka sa akin.”

Kinabukasan ay pumasok na ito sa trabaho. Binati naman siya ng mga kasamahang inakalang nagkasakit lang ito. Nakita ni Cindy na masama ang tingin ni Sandy sa kanya. Sinuklian niya ng matalim na titig ang mga tinging iyon.


Chapter 26


Naalimpungatan si Ivan sa mga ingay na narinig. Nagulantang siya sa mga kalabog at sa marahas na katok sa kanyang pinto. Napalakas yata ang buga ng air-conditioning system. Nahawi rin ang kanyang kumot, dahilan upang makaramdam siya ng labis na lamig. Kinusot ni Ivan ang mga mata at doon niya lamang napansin ang kalat sa kanyang kwarto. Ang mga kurtina ay natanggal. Bukas ang bintana. Nahulog sa sahig ang dalawang speakers.

Nakakunot ang noo ang bagong gising na binata habang ginagala ang tingin sa buong kwarto. Dumako ang kanyang tingin sa bintana na wala ng salamin. Natanggal ang curtain rod mula sa itaas ng bintana. Ang kalat ng kwarto niya. May mga basag na salamin, nagkalat na damit, natumbang cabinet, at kung anu-ano pa.

Narinig niyang muli ang mga katok sa kanyang pinto kasunod ang pagpihit sa doorknob. Bago pa man mabuksan ang sariling pintuan ay nabuksan na ito ni Manang Jean na sinipat siya mula ulo hanggang sa...

Umiwas ng tingin ang may edad na kasambahay. “Takpan mo nga muna ng unan yang ano mo. Di ka na nahiya, dalawa kaming babae dito.”

Nasa gilid ni manang si Lindy na nakatulala’t nakangangang nakatitig sa bahaging iyon. “Manang, wag na. Ser, pwede pasilip.” Isang hampas mula kay manang. “Aray! Manang Jean naman.”

“Ikaw, kababae mong tao.” Umirap na lang ang nakatatandang kasambahay.

Medyo nahiya na rin ang binatang doon lang napagtantong ikubli ang bukol na iyon na bunga ng tinatawag nating morning wood. Dinig niya ang bulong ni Lindy kay Manang Jean habang pinipilit na ikubli ang bukol gamit ang dalawang kamay.

“Ang laki pala, manang, ‘no?” Marahan itong humagik-ik habang binabatukan ni Jean. Tumambad na sa dalawa ang kalat sa kwarto nang tuluyang makapasok.

“Diyos ko, Ivan, ano’ng nangyari dito?” nanlalaki ang mata ni Manang Jean habang ginagala ang tingin sa buong silid.

Hindi alam ni Ivan ang isasagot. Maski siya ay nagtataka at nahihiwagaan rin.

“Ivan, ano’ng nangyari?” tanong ulit ni Manang Jean.

“Hindi ko alam.” Nagtataka pa rin ang binata.

“Lindy, kumuha ka ng walis at dustpan,” utos ni Manang Jean. Agad namang lumabas ng silid si Lindy.

“Pinasok yata tayo ng magnanakaw.” Sinuot ni Ivan ang kanyang tsinelas at tinungo ang bintanang basag.

“Dahan-dahan, iho, baka masugatan ka.”

Hindi pinansin ni Ivan ang babae at tumanaw mula sa bintana. May umakyat kayang magnanakaw? Imposibleng manggaling ito sa pinto dahil nakalock ito. Pero paano siya nakaakyat sa mataas na bintana? Wala naman siyang mahahawakan sa pader para makaakyat. Walang malapit na puno. At kung tumalon siya, malamang napilayan iyon at di kaagad makakatakbo.

“Uminom ka ba kagabi?”

“Ho?” Lumingon siya kay Manang Jean na hawak ang bote ng alak at baso. Hindi niya alam kung yuyuko o tatango. Umiba na lang siya ng tingin.

“Alam mo, bilin sa akin ni Ma’am Daniella na sabihan ka na wag masyadong nag-iiinom.”

“Manang, kagabi lang naman.”

Bumalik na si Lindy na may dalang mga gamit panglinis. Nagsimula silang magwalis at magtapon ng mga basag na salamin sa maliit na basurahan.

“Wala ba kayong napansing kahinahinalang tao?” tanong ni Ivan habang palinga-linga sa labas ng tindahan.

“Wala naman, iho. Ikaw, Lindy, may napansin ka ba?”

“Nako, manang, alam niyo namang naglalaba ako,” sagot ni Lindy habang inaayos ang mga natumbang gamit sa loob ng kwarto.

“Yung gate...”

“Ser, sarado po ang gate. Alam ko, kasi sinara ko yun matapos mamalengke,” sagot ni Lindy.

“Ano ba nangyari?” nakakunot na noong tanong ni Manang Jean.

Nakakunot din ang noo ni Ivan na halatang nairita na. “Hindi ko rin alam. Baka hinangin lang. Nakalimutan ko sigurong isara ang binata kagabi. O baka naman may pumasok na aswang at gusto akong lapain.” Dumako ang tingin niya kay Lindy.

“Ay, grabe si ser, o.”

“Wala bang nawawala sa mga gamit mo?” tanong ulit ni Manang Jean.

“Teka.” Tinungo ni Ivan ang aparador. Binuksan niya ito, mukhang wala namang nagalaw. Ang pitaka niya ay nasa side table pa rin. Ang kanyang tablet ay naroon din. “Mukhang wala naman eh.”

“Sige, sige, maglinis na lang tayo. Iho, baka nagugutom ka na. May pagkain na sa baba.”

“Mamaya na, manang.”

“Ivan,” saad ni manang.

Bahagyang lumingon ang binata dito. “Ano po?”

“May problema ka ba?”

Umiling si Ivan, ngunit di siya humarap sa nagtanong. “Kuha muna ako ng piraso ng plywood sa likod para matakpan yang nasirang bintana kahit papano. Papaayos ko na lang yan.” Nang makabalik dala ang isang piraso ng plywood ay sinalubong muli siya ng kasambahay na tinuturing niya na ring pangalawang ina.

“Kung may problema ka, wag kang mahihiyang magsabi.” Ngumiti ito. “Alam mo naman kahit di ako parte ng pamilya ninyo, naging malapit na rin kayo sa akin.”

“Manang, part na kayo ng family. Kahit yang si Lindy. Tagal niyo na po sa amin eh. At ikaw lang naman nag-alaga sa amin nina Jed, sa akin.” Ngumiti si Ivan. “T’saka, wala akong problema.”

“Alam mo, nitong mga huli lagi kitang napapansing tulala. Kaya di ako naniniwalang wala kang iniisip.”

“Manang, kasi...” Naramdaman niya ang kamay nito sa kanyang balikat.

“Di kita pinipilit na magpaliwanag kung ayaw mo. Pero kung gusto mo ng kausap, nandirito ako.”


* * *


Buong araw na pinagtakhan ni Ivan ang pangyayari sa kanyang kwarto. Naisip niyang ireport sa pulisya ang pangyayari pero naisip niya ring aksaya lang ito ng panahon. Maaga siyang umalis sa convenience store matapos dumating ang bagong supplies. Mag-aalas singko na nang baybayin niya ang daan, paminsan-minsan ay tumutungga ng alak. Alam niyang pwede siyang hulihin ng pulis kapag nakita siya, pero wala siyang pakialam. Iniwasan niya ang mga matatrapik na lugar hanggang sa makarating sa paborito niyang tambayan, ang Baywalk.

Maulap ang himpapawid. Hindi niya tanaw ang paglubog ng araw, ngunit nakikita niya ang makulay na kalangitan, ang mga ulap na ang ilang bahagi ay kulay dilaw habang ang iba ay kulay abo. May iilang taong naroroon, ang ilan ay halatang mga magkasintahan. May mga iilang naglalakad paroo’t parito. Nakasandal si Ivan sa kanyang kotse habang tinitingnan ang tanawin at hinahayaang haplusin ng banayad na maalat na simoy ng hangin ang kanyang pisngi.

Bumuntong-hininga ang binatang mamula-mula ang mata habang naaalala ang huling tagpo nila ni Errol sa lugar. Hindi niya alam kung kanino sasama ang loob niya, kay Errol na hindi man lang siya binigyan ng isa pang pagkakataon o sa kanyang sarili sa ilang beses na niyang pananakit sa damdamin ng binatang iyon.

Hawak ang bote ng alak ay bumaba siya ng kotse, di alintana ang tingin ng mga taong nagtataka sa kanyang ayos. Lumakad siya papunta sa dalampasigan at napasipa pa sa puno ng niyog na nandoon. Napadako ang tingin niya sa isang taong naglalakad at sandali itong tinitigan. Bigla niya itong hinila at niyakap. “Errol.” Tiningnan niya ito sa mata.

“Dude, bakla ka ba?” Pinandilatan siya ng estranghero.

Dahil sa pagkabigla ay naitulak niya ito nang malakas.

“Nong problema mong bakla ka?” sigaw ng muntik ng mawalan ng balanse na lalaki.

“Ano sabi mo?” Tinutok ni Ivan ang bote ng alak sa lalaki.

“Kung gusto mo mamik-ap, dun ka sa Malate. Tang ina kang bakla...” Isang sapak sa panga ang natamo niya.

“Gago! Muka kang tae!” Nanlilisik ang mata ni Ivan sa estranghero.

“Nong problema mo?” mangiyakngiyak na tanong ng lalaki habang hawa ang magkabilang kamay na nakahila sa kwelyo niya.

“Problema ko? Yang tae mong mukha!” Tinulak niya ang lalaki na napadausdos sa sahig. Nagtinginan ang mga nasa paligid. Sinigawan pa niya ito na nagmamadaling umalis. Pagkatapos ay binasag ang bote ng alak sa kanina’y kinatatayuan ng lalaking nakaalis na.

Habang iniisip ni Ivan na suntukin ang sarili ay dahan-dahang lumakas ang ihip ng hangin. Unti-unting nagsilapitan ang mga tao papunta sa gilid ng Baywalk na pinagtaka ni Ivan. Ang iba ay nakahawak sa kanilang mga cellphones na tila may kinukunan. Nang iangat niya ang tingin ay doon niya nakita ang isang namuong ipo-ipo sa ibabaw ng look.

Noong una ay mapusyaw na puti ito na banayad na umiikot at tila humihigop ng tubig alat mula sa dagat. Sa itaas ay kita ni Ivan ang umiikot na ilalim ng isang ulap na kumunekta sa ipo-ipo. Dumami ang mga ususerong nagmasid. Habang nakatingin sa laot ay hindi pa rin mawaglit sa isipan ni Ivan ang galit sa sarili. Bigla niyang naramdamang may humawak sa magkabilang niyang braso.

“Sumama ka sa amin,” saad ng isa sa mga pulis.

“Boss, wala ho akong ginagawa.” Sumimangot siya, ngunit natatakot din. Unti-unti siyang nahimasmasan. Biglang tumakbo sa isip niya ang magiging reaksiyon ng kanyang ina kapag nalamang nakapiit siya.

“Wag ng marami pang tanong.” Hinila na ng mga pulis si Ivan.

“Wala nga sabi akong ginagawa eh!” Nagpumiglas siya.

Kumapal at lumakas ang ipo-ipo. Ang kanina’y maputi at marikit na ipo-ipong bumabaluktot habang nasa ibabaw ng tubig ay unti-unting naging kulay abo at lumawak. Ramdam ng mga nasa dalampasigan ang paglakas ng hangin at paglapit ng buhawi sa lupa. Kaya naman ang iba ay umalis na sa lugar.

Naramdaman niyang tumigil ang mga pulis. Nang tingnan niya ang isa ay tila natulala ito sa nakikita sa laot. Kaya naman ay napalingon din siya. Namangha siya sa pambihirang tanawin ngunit kaagad ding nabahala nang makita ang kumakapal at mas umiitim na buhawing tinutumbok ang dalampasigan. Nagsigawan na ang ibang tao. Bigla siyang binitiwan ng dalawang pulis na tumakbo papalayo.

Habang natutulala sa nasaksihan ay nabangga si Ivan ng isang ale na nagmamadaling umalis sa lugar. Tumatama na sa balat niya ang tilamsik ng tubig-alat na iniikot ng buhawi sa ere at tinatangay pahimpapawid. Nagtakbuhan na ang mga tao.

Kinabahan na si Ivan. Pinagmasdan niya ang papalapit na buhawi na tila nagsasayaw patungo sa kanya. Isa itong pambihirang tanawing nagbigay sa kanya ng ibayong kilabot. Lumakas pa ito at sa paglakas nito sumabay ang paglakas ng hanging nagpadapa sa mga puno ng niyog sa lugar na iyon.

“Hindi!” Iyon na lang ang tangi niyang nasambit nang makita ang isang tinderang nakahandusay sa semento. Napakapit ang sumisigaw na babae sa semento habang hinihila ng hangin ang kanyang katawan na dumudulas sa banketa. Kumaripas si Ivan na tinungo ang ale at tinulungan itong makatayo. Hindi alintana ng binata ang bugso ng hanging tila ay hindi nakakaapekto sa kanya, ngunit ramdam niya ang bangis nito.

“Dali!” sigaw niya sa babaeng hinila niya patayo. Akmang tatakbo na sila nang maramdaman niyang humihina ang hangin. Nang lingunin niya ang buhawi ay naging manipis na ito na animo’y ahas na bumabaluktot sa ere hanggang sa maglaho. Ilang puno ng niyog ang naputol. Ilang poste ng ilaw ang natumba.

Unti-unting nagbalikan ang mga tao sa banketa malapit sa dalampasigan. Dinig ni Ivan ang ingay ng mga ususero. Kinalabit siya ng babaeng tinulungan kanina lang.

“Salamat ha.” Kahit nakangiti ito ay bakas sa kanyang mukha ang nerbyos.

Tumango na lang siya dito. Nakita niyang pinahiran nito ang mga mata habang tinitingnan ang nagkalat na paninda.

Nagtataka man sa nangyari ay nilisan na rin ni Ivan ang lugar dahil dumidilim na. Naghanap ito ng makakainan, at matapos kumain ay tinungo nito ang isang pamilyar na bahay sa Sampaloc, ngunit laking pagtataka niya nang makitang bakante ang lote. Kinusot niya ang mata. Unti-unti siyang kinain ng panlulumo at takot, takot na tuluyan niya nang di makita si Errol at maputol ang kanilang ugnayan.

Bumaba siya ng kotse at tinanaw ang bakanteng lote. Baka lumipat na ng bahay sina Aling Celia at pinagiba ang lumang bahay na iyon. Sinisi niya ang kanyang sarili. Maaring siya ang dahilan.

May mangilan-ngilan din siyang ala-ala sa bahay na iyon, mga ala-alang nagpangiti, ngunit maya-maya ay nagpaluha rin, sa kanya. Sumisinghot si Ivan na pinahiran ang kanyang mga mata gamit ang mga hinlalaki. Sandaling dumako ang tingin niya sa isang ale na nakakunot-noong nagpalipat-lipat ng tingin sa kanya at sa bakanteng lote habang pinapaypayan ang mausok na barbecue. Maya-maya pa ay pumasok na siya ng kotse at umalis.

3 comments:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails