Followers

Monday, April 11, 2016

Dear Stranger (Chapter 23) - Love, Stranger Book 2


AUTHOR'S NOTE (IMPORTANT PLEASE READ!)
Galing po ako sa sakit kaya na-delay ang update. Pasensya na.
MARAMING SALAMAT PO!
MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
======================================================



CHAPTER TWENTY-THREE
RAY:
Dahan-dahan kong naaninag ang liwanag, ilang saglit pa'y nakita ko ang puting kisame. Huminga ako ng malalim. Ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko. Anong nangyari sa akin? Ang huli ko lang naalala ay kausap ko si Bae sa may Manila Bay. Inikot ko ang mga mata ko, nasa isa akong kwarto na ngayon ko lang napuntahan.
Seconds after, I noticed a man beside me, naka-upo siya habang nakasubsob ang mukha sa tagiliran ko. Nakabalot ng green na kumot ang kanyang katawan, tanging nakikita ko lang ay ang kanyang buhok. Hinawi ko ang kumot at bumungad sa akin ang maamong mukha ni Bae, tulog na tulog. Hinaplos ko ang mukha niya. Ilang saglit pa'y naalimpungatan siya.
"How are you feeling?" sabay ngiti.
"Medyo masakit ang katawan." Sagot ko.
Pinaliwanag niya na nawalan ako ng malay habang magkausap at akap-akap niya ako sa Manila Bay. Bae said that I almost died due to starving, exhaustion, mga sugat at pasa na natamo ko. Maswerte pa rin ako na hindi nagkaroon ng internal bleeding sa katawan ko dahil kung nangyari iyon ay life-threatening ito at baka kailanganin ng agarang operasyon.
Inalagaan ako ni Bae simula ng gabing iyon hanggang sa tuluyang bumalik ang dating lakas ko. Utang ko ang buhay ko sa kanya. Ang sabi naman niya ay utang niya rin ang buhay niya sa akin dahil sa ginawa kong pagligtas sa kanya noon sa swimming pool, kahit daw hindi ako marunong lumangoy.

"Ray! Are you still there?" tanong ni Bae sa akin sa kabilang linya. Nagbitiw ako ng malalim na hinga. Muli ko na namang naalala ang sakit na dulot sa akin ng demonyong si Gel.
"Yes." Maiksi kong sagot.
"I guess you're tired. You should rest now, okay?"
"Okay. See you soon? Sa kamakalawa right?" pag-confirm niya.
"Yes." Maiksi kong tugon.
"Magpahinga ka na."
"I will. Good night."
"Good night. I love you." Malambing niyang sabi. Sabay end call.
Binaba ko ang cellphone ko sa may end-table katabi ng aking kama. Muli kong naalala ang nagawa ko kay Gel kanina, kung saan inapakan ko ang ulo niya habang nginungudngod ang mukha nito sa putik.
"Dapat lang sa kanya iyon." Sambit ko. Kahit nakukunsensiya ang isang parte ng pagkatao ko ay di hamak na lamang ang galit dito sa puso ko, ewan ko, naguguluhan din ako. Muntik ko na kasing ikamatay ang ginawa niya sa akin noon. Pinahirapan niya ako physicilly, emotionally, and mentally, all because sa walang basehan niyang selos sa pagkakaibigan namin ni Jerome.

***

RAY:
"Ayan na ang nagmamaganda!" maingay na sabi ni Lyn sabay ikot ng mga mata. Alam kong ako tinutukoy niya. Patuloy akong naglakad palapit sa kanila habang hinihila ang aking blue urban luggage.
Pansin ko ang biglang pag-cross arm ni Kim sabay ngiwi. Si Jess naman ay ngiting-ngiti, kahit may dumaan na tao sa harap niya ay kitang-kita ko ang pag thumbs up niya. I wonder why? Pero parang nakatingin naman yung dalawa sa likod ko. I'm not sure.
"What?" nakangiti kong tanong kay Jess at Kim. Para silang ewan.
"Sabay pala tayo ng dating fiance ko. Good morning!" Sabi ng pamilyar na boses mula sa likod ko. Isang malaki at mainit na braso ang umakbay sa akin. Nagulat ako! Lumingon ako sa kanan, nakita ko ang nakangiting mukha ni Rome. Sobrang lapit namin sa isa't-isa. Nakakailang. Bahagya akong lumayo.
"Umamin kayo! Iisa kayo ng pinanggalingan ano!? Saan iyan!? Sa Motel ba? Sa condo ni Ray? Sa bahay ni Rome? Saan!? Saan niyo ginawa? At ikaw Ray, saan mo sinuko ang bataan!?" sigaw ni Lyn.
Mabilis ngunit mahinang bumagsak ang palad ko sa bunganga ni Lyn. Putragis na babaeng ito, walang kahihiyan!
"Skandalosa! Tumahimik ka! Hindi kami magkasama at wala kaming ginagawa!" gigil kong sabi sa kanya. Pansin kong nagtitinginan ang mga tao sa amin. Gumanti ako ng matulis na tingin sabay irap. Bwisit. Mga usyosero't-usyosera!
Huminga ako ng malalim. Kaaga-aga ay nasisira ang araw ko. Kainis.
"So, where's Mr. Evans?" nakangiti kong tanong sabay baling kay Kim. Ewan ko ba, I want to divert my attention to other things.
"Sinong Mr. Evans?" tanong ni Lyn. "Wait. Naalala ko lang, kapangalan niya yung isa pang potential business partner ni Mr. Kyou na Manpower din ang business. Sobrang big time iyon sa Europe at US." Kunot noong sabi ni Lyn sabay kamot ng ulo.
Napatakip ako ng bibig. Pinandilatan ako ng mata ni Kim. Patay ako kay Chichi! Lyn, Jess, and Rome aren't suppose to know who he is! It's a top secret dahil confidential ang details o identity ng mga competitors nila kay Chichi.
"Gago huwag niyong sabihing si ano..." nanlaki ang mga mata ni Jess.
"Good morning everyone." Sagot ng isang boses sa likod namin. Lumingon kaming lahat. He was wearing a blue-green jacket, halatang mamahalin ito dahil sa brand at ganda ng tela. Kapansin-pansin din ang iba nitong damit kagaya ng T-shirt at pants na alam kong mamahalin din dahil sa tatak. Nakakapanibago, ngayon lang siya nagsuot ng mga ganito. Simple lang kasi itong si Bae.
"Ikaw si Mr. Evans!?" gulat na tanong ni Jess.
Tahimik. Tumingin sa akin si Bae. Pasimple akong nag-peace sign, naintindihan na niya ang ibig kong sabihin. Tumawa siya.
"Yes. My real name is Baelfire Evans." Nakangiti niyang sabi.
"I'm Rome Parrilla." Pormal na pakilala ni Rome sa kanya sabay abot ng kamay. Wow! Ang civil! First time ata ito na kalmado si loko!
"So I think you're my other competitor right? Well, goodluck to us bro." Nakangiting sabi ni Bae sabay tanggap sa kamay ni Rome at nag-shake hands.
"Interesting. Magkakumpetensiya na sa negosyo, magkaribal pa sa puso nitong si arte." Sabi ni Lyn. Tiningnan ko siya ng masama. Mahina lang itong tumawa.
"May hinihintay pa ba tayo?" pag-divert ko sa ibang usapan sabay muling tingin kay Kim. Ayoko talagang ginagawa akong tampuhan ng tukso lalo na't may mga lalaking involve.
"Meron." Maiksing sagot ni Kim na parang walang gana.
"Sino?" tanong ko. Napansin ko ang biglang pag ngiti ni Lyn na para bang kinikilig, parang tanga lang.
"Sumimasen okuremashita." Sabi ng kilala kong boses mula sa likod ko. Sabay hawak sa bewang ko. Nanlaki ang mga mata ko sabay tabig sa kamay niya. Lumingon ako sa likod ko, nakita ko si Kazuki.
("Sorry I'm late.")
"Kazuki!" irita kong sita sa kanya.
"Okusan, ogenki desu ka?" nakangiti niyang sabi.
("My wife, how are you?")
"Anong asawa ka dyan!?" inis na sita ni Rome sa kanya.
"Sore wa anata niwa kankei arimasen!"
("It's none of your business!")
"Ako ang fiance niya! Kaya may pakialam ako sa kanya!" gigil na sabi ni Rome.
"Both of you! Please shut up!" Irita kong sabi sa kanila. "Ayoko ng toxic kaya please kumalma kayong dalawa. At ikaw Kazuki, alam kong hindi ka nag-eenglish o nag-tatagalog pag hindi mo ka-close, but please make this as an exception. Ilang araw rin tayong magkakasama kaya mabuting naiintindihan ka nila." Paliwanag ko sa kanya.
"Sure." Nakangiting sagot ni Kazuki.
"Marunong naman palang magtagalog at mag-english, naghahapon pa." bulong ni Jess na narinig ko.
"Wala kang pakialam! Eh sa doon siya kumportable eh." pambabara ni Lyn kay Jess sabay pamewang.
"Wala akong pakialam? Pakikisama dude! Pakikisama!" sagot ni Jess.
"Ang sabihin mo sinisiraan mo lang ang manok ko!" si Lyn na ayaw patalo.
"Tara na guys! Iwan na natin sila!" Ngiting sabi ni Kim sabay hatak ng maleta niya. Agad din namang sumunod si Lyn habang si Jess naman ay tumabi kay Rome. Sumunod ako kay Kim, napansin kong nakahilerang nakasunod si Rome, Bae, at Kazuki sa likuran ko.
"Ah mga pare, pipila po tayo bago pumasok ng airport." Nakangiting sita ni Jess sa kanila, bakas sa mukha niya ang hiya.
Dali-daling nag-unahan si Rome, Bae, at Kazuki sa pagpila kasunod ko. Nauna si Kazuki, sunod si Bae at huli si Rome. Hindi napigilang humalakhak ni Kim, pati ako ay natawa na rin.
"Tangina teh ang ganda mo talaga! Hindi namin keri ni Lyn! Tatlong papables ang nag-uunahan para mabakuran ka." Tawang-tawang bulong sa akin ng namumulang si Kim na halos hindi na makahinga.
"Ingat ka teh. Baka ma-three points ka ni Papa Kazuki! Siya pa naman nasa likod mo." Malanding sabi ni Lyn sabay kindat. Tangina naintindihan ko ang ibig niyang sabihin.
"Hoy! Anong three points!?" sita ni Kim.
"Bastos ka! Mahalay!" sagot ko sabay pingot sa tenga niya.
"Ayaw mo? Masherep yun!" sabi nito habang papikit-pikit at nagpapabebe at pinapaliit pa ang boses.
"Gago." Sagot ko sa kanya. Humalakhak lang ito.

ROME:
Tangina naunahan ako nung dalawa. Tsss.
"Pare anong nangyari?" bulong na tanong ni Jess na nasa likuran ko.
"Ang bilis ni Kazuki pare. Ito namang si Bae naharangan ako agad, ang laking tao." Bulong ko sa kanya sabay iling.
"Bawi ka na lang agad pareng Rome. Marami pa namang oras at pagkakataon." Sabi niya sabay tapik sa likod ko.
Nagbitiw ako ng malalim na hinga. Tangina sobrang pressure nito. Nakita ko ang magandang mukha mo sa malayo. Napangiti ako. Napansin kong kinalabit ka ni Kazuki, kinausap ka nito, ilang saglit pa'y nagtawanan kayo. Tsss. Pampam! Epal! Kupal! Sarap upakan nung hapon na iyon. Bwisit!

***

RAY:
"Palagay na lang po nung bagahe niyo rito." Sabi nung babaeng ground steward na nasa check-in counter.
"Let me." Nakangiting sabi ni Bae sabay buhat ng maleta ko at lagay sa timbangan. Pansin ko ang pag ngiwi ni Kazuki sa di kalayuan. Si Rome naman ay napakamot ng ulo. Ano kayang problema ng mga ito? Wait, why on earth am I asking that question eh alam ko naman, but what I mean is bakit big deal sa kanila? Tsk.
"Sir, sobrang bigat po ng maleta niyo, 15 kg. lang po ang allowed pag local flight." Sabi nung nasa check-in counter. Graduate ako ng tourism at madalas ako bumumyahe kaya alam ko iyon. Masyado lang akong excited at nalimutan kong ilipat sa mga kasama ko ang extra kong mga dalang gamit.
"Ray, give me some of your things." Offer ni Kazuki. Tumingin ako sa maleta niya, naalala ko na sobra sa 15 kg. ang laman nito noong umuwi kaming Pinas.
"Kazuki, di rin kakasya sa iyo. At palagay ko kailangan mo ring magbawas." Sabi ko sabay kamot ng ulo.
"Akin na lang yung ibang gamit ni Kazuki baby." Maarteng sabi ni Lyn. "Dapat kasi hindi mo dinadala ang bahay mo rito, ayan baka iba pa mag-offer ng dapat ginagawa mo." Bulong ni Lyn kay Kazuki sabay hatak ng maleta niya para ilipat ang ilang gamit dito ni Kazuki. Napailing ako. Naintindihan ko ang sinasabi niya sa manok niya.
"I'm sorry Ray. I can't too. Sakto lang ang akin." Si Bae. Tumango ako at ngumiti.
"Pwede sa akin Fiance ko." Nakangiting sabat ni Rome. Muli akong nakaramdam ng ilang sa pagtawag niya sa akin ng fiance.
"Stop calling me that." Irita kong sabi. Binuksan ko ang maleta ko at linipat ang ilang gamit sa kanya. Kitang-kita ko ang matamis na ngiti ni Rome na para bang nanalo sa loto.

ROME:
"Ayos pare! One point ka doon ah." sabay tapik sa akin ni Jess nang mailagay namin ang mga maleta namin sa counter. Ngumiti lang ako.
Nakita kong hinatak ito ng belt papunta sa likod ng check-in-counter. Alam kong diretso na ito sa eroplano. Lumingon ako sa iyo. Nakita kong inabutan ka ni Kazuki ng candy, nagpasalamat ka. Napangiwi ako. Ayos din sa ka-epalan ang lalaking ito eh, hindi talaga patatalo, pati candy pinatos para lang magpapansin sa iyo. Tsss.
"Wala kayo kay Kazuki baby!" maarteng sabi ni Lyn na nasa likod mo at ni Kazuki, dumila pa ito na parang nang-iinis. Kapansin-pansin din ang pagharang niya sa amin para hindi kami makalapit sa manok niyang hapon at sa iyo.
Nakita ko ang pag irap ni Kim na noo'y nasa tabi ko, katabi niya sa kabila si Bae.
"Hoy! Tabla na kami sa manok mo! Wag kang pasisiguro!" sigaw ni Jess.
"Excuse me, two points na po. Remember, nahuli kayo kanina pag pasok ng airport at nauna si Kazuki baby." Sabay halakhak na nang-iinis at pasayaw-sayaw pa. Sarap sipain, gago.
"We'll see about that." Pagbabanta ni Kim.
Tangina, ewan ko kung mag-eenjoy ako sa bakasyon na ito. Masyadong maraming arte ang mga tao. Hanggang dito may kumpetisyon. Hindi nakakatuwa. Ang gusto ko lang naman ay makasama kita, pero pati ba naman iyon ay ipagdadamot nila sa akin? Tsss.

***

ROME:
Saglit tayong dumaan sa may Starbucks. Mayroon nito sa loob ng airport sa may waiting area. Umorder kami ng hot drinks dahil maaga pa at masarap ito sa tyan, samantalang ikaw naman ay naka-frappe na agad. Favorite mo talaga ang cold drinks.
"Chocolate Chip Cream Frappuccino for Ray!" sigaw ng lalaking barista.
"Ako na." Sagot ni epal na Kazuki sa iyo, kasabay nito'y inabot niya ang resibo mo sa claiming area. Kinuha niya ang inumin mo at inabot sa iyo. Kita ko ang pasimpleng pag palakpak ni Lyn na parang gago. Sumenyas ito kila Kim at Jess na nakataas ang tatlong daliri. Ano na naman ito?
"Thanks." Sabi mo.
Pagkaabot mo ng inumin mo ay nakita kong dumulas sa kamay mo ang kulay brown na tissue
"Excuse me. Can I have another tissue please?" nakangiting sabi ni Bae sa counter. Pagkakuha ng tissue ay inabot niya ito sa iyo.
"Thanks Bae." Sabay kuha ng tissue. Tumingin si Kim kay Lyn at tinaas ang dalawang daliri. Parang naiintindihan ko na sila.
Tinapik ako ni Jess at pinakitaan ng bottled water. "Kunin mo na at ibigay kay pareng Ray, baka manakit lalamunan niya sa tamis ng iniinom niya." Nakangiting sabi ni Jess sabay inom ng Caffè Americano na inorder niya. Kinuha ko iyon at agad na lumapit sa iyo.
"Ray oh. Kailangan mo ito mamaya para ma-flush out ang tamis niyan. Mananakit na naman ang lalamunan mo." Sabi ko. Kita ko ang matulis na tingin ni Kazuki sa akin, samantalang si Bae naman ay cool lang. Kitang-kita ko ang pag-ikot ng mata ni Lyn sa gilid.
Tumango ka at tinanggap ang tubig na binigay ko sa iyo. Paglingon ko kay Jess ay nakangiti itong nang-iinis kay Lyn habang nakataas ang dalawang daliri.
Lumabas tayong starbucks at naglakad papuntang waiting area ng airport.
"Anong meron? Ano yung nakikita kong pagtaas-taas ng mga daliri niyo?" tanong ko kay Jess, kinukumpirma ko ang kalokohan nilang tatlo nila Kim at Lyn.
"Score niyong tatlo iyon pare. Bale 3-2-2 na, lamang lang si Kazuki ng isa. Pati candy hindi pinalampas eh." Natatawang sabi nito.
"Sira ulo kayo." Sagot ko sabay iling.
"Jess!" tawag ni Lyn kay Jess. Nagpunta ito sa likod ko kung saan nandoon si Jess.
"Ano?" iritang sabi ni Jess.
"Sigaw kaya ako dito na may bomba kayo ni Rome para hindi kayo makaalis at hindi maka-epal kay Kazuki?" sabay halakhak.
"Tangina mo subukan mo lang at iyang bombang sinasabi mo ang isasalaksak ko sa bibig mo." inis na sabi ni Jess sa kanya.
Matulis kong tiningnan si Lyn. Nag-peace sign ito sa akin. "Subukan mo lang Lyn at wala kang babalikang trabaho sa Japan." Pagbabanta ko. Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mukha.
"Eh boss. Nagbibiro lang naman eh." Bawi nito sa kalokohan niya.
"Isa pa. Iyan ang epal, iyang manok mo, hindi ako!" Inis ko sabi sa kanya sabay alis, linagpasan ko kayong lahat. Kitang-kita ko pa ang nakaakbay na braso ni Kazuki sa iyo, pero wala akong pakialam. Bahala kayo sa mga buhay niyo.

JESS:
Ang bilis maglakad ni pareng Rome, parang may sariling mundo, literal na iniwan kaming lahat. Pasimple akong tumingin kay pareng Ray, bakas sa mukha niya ang pagtataka.
"Ayan nagalit si Rome lagot ka!" sabi ng girlfriend kong si Kim kay Lyn. "That's a bad joke teh! Pag nagbiro ka ng ganoon dito sa airport ay pwede kang ikulong! Umayos ka nga!" sabay batok dito.
"Hindi ko naman tototohanin eh." Pangangatwiran pa nito.
"Kahit na! It's a bad joke! At kung may makarinig sa sinabi mo kanina, tyak gulo na agad iyon!" sagot ng girlfriend ko.
"Palibhasa alam mong matatalo ang Kazuki mo!" pang-aalaska ko kay Lyn.
"Hoy hindi ah! Feeling mo naman Jess!" sabay pamewang nito.
"Oh, kayo naman ngayon mag-aaway? Tumigil nga kayo!" sita sa amin ng girlfriend ko. "Ganito na lang, itutuloy pa rin natin ang 3-2-2 na score, although I doubt na may mananalo rito dahil hindi patatalo ang tatlo. Pero ganito, kung sino ang unang i-entertain ni Ray, siya ang panalo for this day. Pustahan ano!?" mayabang na sabi ni Kim.
"Panigurado it's Kazuki baby na. Look oh." Sabay turo at inom nito sa Chocolate Hazelnut Macchiato.
"Not that! Pag sinabi kong entertain ay yung may flirting. Yung mag reciprocate si Ray at the very least. Thank you is not counted! Smiling is not counted! Lalo na ang talking, hindi iyan counted!" paliwanag ng girlfriend ko.
"Eh yung ngitian nila ni Kazuki?" sabay turo ulit ni Lyn kay pareng Ray at Kazuki.
"Hindi nga huwag mo ng ipilit!" sigaw ko sa kanya. Maipilit lang nitong babaeng ito yung manok niya eh, nakakabwisit na!
"So ano na game?" si Kim.
"Game!" si Lyn.
"Sige payag ako dyan!" sagot ko kay Kim.
"It's settled then." Si Kim sabay higop sa inumin niyang Hot Chocolate.

ROME:
Nakita ko ang isang bakanteng mahabang kulay gray na upuang gawa sa bakal. Akmang uupo na ako nang inunahan ako ni Kazuki kasama mo. Bastos na lalaking ito. Uupo sana ako sa tabi mo nang harangan naman ito ni Lyn. Sarap buhusan ng dalawang ito ng iniinom kong mainit na kape ngayon, bwisit.
Naglakad ako papunta sa katapat naming upuan. Tinabihan ako ni Jess. Nakita ko si Bae at Kim na umupo sa upuan sa likod niyo, kinalabit ka ni Bae, ilang saglit pa'y nagtawanan kayo. Hay, sa akin ka na lang ata hindi pa tumatawa ngayong araw.
"Okay ka lang?" tapik sa akin ni Jess.
"Sana hindi na lang ako sumama rito." Malungkot kong sabi sabay higop at ubos ng kape ko.
"Bakit naman pare?" tanong niya.
"Sa negosyo, puro na kumpetisyon, kahit sa totoong buhay kailangan naming makipagkumpetensiya, pati ba naman kay Ray? Ewan ko pare. Naisip ko lang na kung ganito lang ay sana inasikaso ko na lang din ang negosyo namin ngayong araw, nakatulong pa ako sa pamilya ko." Bulalas ko kay Jess. Ewan ko kung saan nanggaling iyon. Siguro ay dala ito ng stress mula sa napakaraming bagay.

***

RAY:
Sumalubong sa amin ang malamig buga ng aircon ng eroplano. Tumingin ako kay Rome nakabusangot ito, nauna siyang pumasok ng aircraft, kasunod niya si Kim. Ano kaya problema ng lalaking iyon?
"Ang lamig grabe!" ginaw na ginaw na sabi ni Lyn habang mabagal itong naglalakad sa likod ko.
"Bilisan mo nga! Haharang ka na naman sa manok mo eh." Sabay tulak ni Jess kay Lyn. Alam ko ang ibig niyang sabihin.
"Guys dito tayo." Sabay turo ni Kim sa mga upuan namin. "Oh, walang palitan ng seats ah." Sabay upo nitong nakangiti. Sumunod si Jess at Lyn, napakamot ng ulo si Jess habang si Lyn naman ay inirapan si Kim. Katabi ko si Kim habang sa kabilang side naman ay katabi ko si Bae. Oo nga pala, si Kim ang bumili ng ticket namin, so I think sinadya niya rin ito mangyari.
“Oo na. Kayo naman lagi ni Lyn ang magaling. ” Pabalang na sabi ni Rome. Napatingin ako sa kanya. Padabog siyang umupo sa pwesto niya, sa pinakadulo katabi ng isang batang noo’y ngumangalngal. Katabi ni Rome ay ang aisle o ang daanan ng tao ng aircraft, umupo ang nakasimangot na si Kazuki sa pwesto niya katabi ng aisle na katabi rin ni Rome. Katabi naman ni Kazuki si Bae, sunod ay ako, then si Kim, pagkatapos nito ay aisle ulit then si Jess at Lyn.
Kinain kami ng katahimikan. Awkward. Pasimple akong tumingin kay Rome, sinsaksak niya ang earphones sa tenga niya at pagkatapos ay pinatungan ng hood ang ulo. Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka-badtrip.
“Lagot kayo kay Boss.” Bulong ni Jess kay Lyn at Kim.
“Pikon naman kasi siya. Palibhasa nauungusan na kasi.” Natatawang sabi ni Lyn. Bahagya akong tumayo at sinaplok siya sa mukha.
"Aray naman!" sigaw nitong hindi nahihiya sa ibang pasahero.
"Ikaw tumahimik ka na ah! Learn when to shut your fucking mouth!" pigil kong sabi.
"Hindi naman kasi yun ang rason kung bakit ganyan si Boss eh." Sabat ni Jess. "Stress na kasi siya sa family business nila, it's a business at hindi maiiwasan ang competition, tapos ngayon parang kailangan pa niyang makipagkumpetensiya sa dalawa para lang dito kay pareng Ray." Paliwanag ni Jess.
"Sino ba may sabing makipagkumpetensiya siya?" inis kong tanong kay Jess.
"Wala. But the pressure is there. Mahal ka nung tao kaya ganyan." Si Jess.
"Wushu! Mahal! Pero uma-attitude." Sabat ni Lyn.
"Matagal ng umeeffort iyan. Hindi lang kasi rinereciprocate ni pareng Ray. Napapagod din naman kami nuh, dagdag pa ang problema niya sa negosyo nila." Diretsong sabi ni Jess.
Natameme ako sa sinabi niya. Umayos ako ng upo. Nagbitiw ako ng malalim na hinga. Hindi ko maiwasang hindi mapaisip sa mga sinabi ni Jess.
"Bae, kamusta ka dyan?" tanong ni Kim kay Bae.
"I'm good." Maiksing tugon nito.
"You want some drinks or foods? Pwede tayong umorder sa flight attendant pag daan." Sabi ni Kim.
"Nope. Okay lang ako." Si Bae.
"Mag-uusap ba kayong dalawa? Gusto mo Kim palit na lang tayo." Sabat ko. Naiirita akong may nag-uusap sa dalawang magkabilang tenga ko na para bang ang dating sa akin ay dapat kong pansinin si Bae. Kaibigan ko si Bae, at okay naman kami nito, pero bigla akong naging akward sa lahat dahil sa inasta ni Rome. Ewan ko ba kung anong nangyari sa akin.
"Kim, pwede palit tayo?" biglang tanong ni Jess kay Kim na rinig na rinig ko.
"Why?" tanong niya sabay bitiw ng matulis na tingin.
"Eh, matagal na kasi kaming hindi nakakapag-bonding nitong si pareng Ray eh." Nakangiti nitong sabi.
"Teh, tayo na lang ang palit." Sabat ni Lyn.
"Nauna ako. Huwag kang epal." Sagot ni Jess.
"Bakit? Babae ako!" si Lyn.
"Wow! Gel ikaw ba iyan!? Ayos ng sagot mo ah. Wala akong pakialam kung babae ka, nauna ako ok?" inis na sabi ni Jess.
"Pag nakipagpalit ako sa isa sa inyo, panigurado pauupuin niyo ang manok niyo rito sa tabi ni Ray, aagawan pa nun ng moment si Bae at Ray! No way! Ayoko!" mataray na sagot ni Kim.
Napailing ako sabay ikot ng mata. Bwisit na mga ito, ayaw tumigil!
"Excuse me sir, do you want some coffee?" tanong ng isang gwapong flight attendant sa akin. Sobrang tamis ng ngiti niya sa akin.
"Water please." Gumanti ako ng ngiti. Sinalinan niya ng tubig ang plastic cup na nasa tray at pagkatapos ay inabot ito sa akin. Kinindatan niya ako. Nagulat ako, pero hindi ko ito pinahalata, pumasok ang isang kalokohan sa utak ko.
"Anything else Sir?" tanong niya sa akin.
"Can I order you? I mean, available ka ba?" tanong ko sabay bitiw ng pilyong ngiti.
"Sir naman." Natatawang sagot nito na para bang kilig na kilig.
Kitang-kita ko ang pag nganga ni Bae at Kazuki. Pasimple akong tumingin sa tatlo kong mga kaibigan, hindi maipinta ang mga pagmumukha nila. Gusto kong humalakhak pero hindi ko magawa. Para silang natalo ng milyon-milyon sa isang sugal.
Ininom ko ang tubig na binigay ng flight attendant, pagkatapos ay pasimple at dahan-dahan kong dinilaan ang labi ko. Nanlaki ang mata ni kuya, bakas sa mukha niya ang pamumula. Dahil sa hiya ay tumalikod ito at umalis. Dahan-dahan ko tiningnan si Jess, Kim, at Lyn.
"What?" tanong ko sa kanila sabay taas ng kilay.
Hindi sila nakakibo, para bang hindi sila makapaniwala sa ginawa ko. Umayos ako ng upo.
"Sinong nanalo?" mahinang bulong ni Lyn sa dalawa, bakas sa mukha niya ang kalutangan.
"Wala!" sabay na sigaw ng mag-jowang si Jess at Kim.
Humalakhak ako sa isip ko. I get it, may pustahan pala ang mga loko, pero dahil sa ginawa ko sa flight attendant ay walang nanalo sa kanila. I'm so bad and naughty. I'm so damn good.


12 comments:

  1. Thanks for reading. Pasensya na sa delay. Nagkasakit ako last week.
    Comments, feedback, and suggestions are welcome! :-)

    ReplyDelete
  2. Weeeh but u never post any of my past comments...
    I just want to ask, is ray really a boy? Daig p niya any girl eh...
    Don't get me wrong dude, but I think the twist of the story make
    It more complicated and unrealistic anymore...
    It doesn't exite me any longer.... its getting dull and its surreal...
    Sorry...

    #LSDee

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ako nag-aapprove ng comments dito, yung ADMIN. Contributor lang ako at hindi ko hawak ang pag-approve ng mga comments, in fact naghihintay ako maapprove ang mga comments niyo.
      Yes he is, but not the usual one. It's safe to say na meron siyang psychological disorder (I forgot yung tawag dito). After ng naexperience niya noon kay Gel, bumagsak ang self-esteem niya at nagkaroon siya ng issues sa sarili niya, and etc. It's not unrealistic, kasi nangyari iyon sa akin. Nangyari din sa akin ang magkaroon ng "Takot" at "Galit" sa taong minahal ko noon, at ang naging result ay ang nangyayari kay Ray. Denial, umiiwas, natatakot, natatabunan ang katotohanan sa puso niya. And para lang din sa kaalaman ng iba, it takes time, A LOT OF TIME para mag-heal ang mga taong nakaranas nito.
      Thanks for reading at sa feedback.

      Delete
    2. BTW, I checked the previous chapters, na-aapprove yung mga comments naman ng ADMIN ang mga comments niyo. Plus something is different with the way you write compare before. I wonder if you're the same person or ginagamit mo lang din ang name ng totoong #LSDee. Your way of writing at yung pagkakasulat ng sentence ay magkaiba. Noong previous chapter 21 and 22, sabi mo na-eexcite ka at nagustuhan mo ang twist then biglang ganito ngayon. Hmmm... Sorry ha, pero ewan ko kung ikaw ba talaga yung reader ko o isa kang hater o basher lang.
      Anyway, have a nice day! Thanks for reading my story. :-)

      Delete
  3. can u finish the stories bcoz id getting boring n

    #taiyo040516

    ReplyDelete
    Replies
    1. like saang part naging boring?
      thanks for reading!

      Delete
  4. Galing nyo po, Sir Gab!
    Ngayon ko lng po natapos basahin ang whole story from book1 up to dis chapter.
    Parang ang sarap maenlab palagi...
    Sana may kasunod na kaagad.

    ReplyDelete
  5. Excited ako magcomment dahil nakakatuwa ang chapter at mukhang maganda ang mga susunod na mangyayari, but I'm surprised na may mga ganitong comments ang ilang readers. For me the story is good at maganda ang pagkakalatag. Tama lang ang phasing at hindi nauubusan ng kwento ang author and knowing him as his follower since his first story, sigurado ako na may pasabog siya sa after all this cool and chill chapters lang.

    Gab, hayaan mo na ang mga comments. Sabi nga you can't please everyone. Let the majority speaks and the majority says that we love your story.

    - Zefyr

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Zefyr. Nagtanong ako sa mga readers ko na friend ko sa FB, okay naman daw kahit sa wattpad positive ang comments. Ewan ko ba ano pinaglalaban nung iba rito. Hindi man lang tinumbok specifically ang concern nila. Parang diagnosis lang na walang basehan kasi walang explanation. Hehe.

      Delete
  6. Denial si Ray na may concern siya kay Rome. Halata naman mahal niya. Next na po!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Good observation. Denial si Ray. Doon pa lang dapat nakukuha na ng ibang nagrereklamo dito yun. I can't write Ray saying na denial siya sa sarili niya dahil that is contradicting. Denial ka pero nasabi mo sa sarili mong denial ka? Impossible yun at unrealistic. In short someone must tell him na denial siya or siya mismo sa sarili niya marealize ito. Sometimes acceptance is the first step para ma-solve ang problema. At sa oras na ito, hindi pa natatanggap ni Ray na denial siya. :-)

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails