Yakap ng langit
Chapter 3
James’s POV
Nasanay na ako na hindi kasama si Raffy. Hindi na
kasi sya nakabalik simula nung umalis sila halos magda-dalawang taon na din.
Nalungkot talaga ako ng sobra kasi hindi nya na naisip dalawin ako. Baka
nakalimutan nya na ako. Naging napakahirap ng lahat para sa akin. Nahirapan
akong dumiskarte noon sa pangangalakal mag-isa. Hindi na rin kasi ako naghanap
ng makakasama, gusto ko ako na lang para akin lang kung ano man ang kikitain
ko. May mga pagkakataon pa nga na napapasalita ako mag-isa kasi nakakalimutan ko
na wala nga pala si Raffy. Pagkatapos ay nalulungkot ako. Naaalala ko rin sya
kapag maliit ang kinikita ko dahil sa hina ko dumiskarte, parang naririnig ko
sya na sinasabi sakin na “Tsk! Aanga-anga ka na naman kasi eh”. Dahil sa
madalas na wala akong kitain sa pangangalakal ay inihinto ko na rin ito. Naisip
ko kasi na hindi na pwede ang ganun dahil tumatanda na rin ang mga magulang ko
at baka isang araw ay hindi na rin makapaglaba si nanay. Pag nangyari yun ay
siguradong pare pareho kaming mamamatay na dilat ang mata. Dahil nagawa ko na
rin naman ng ilang beses ay naisip ko na ngang gawing paupahan ang katawan ko
sa mga nangangailangan nito. Mga taong nangangailangan ng paglalabasan ng init
bakla, matrona, kahit lalake basta nangangailangan. Nagpatulong ako kay Rhoda
para maghanap ng mga magiging kliyente, Hindi naman ako nabigo dahil nun ko
lang nalaman na sandamakmak pala ang kaibigan nya. Kaya araw-araw ay mayroon
akong kinikita. 500, 700, 1,000 at umaabot pa nga ng 3,000 pag sobrang
nasiyahan sila.Naging bihasa na rin ako sa larangan ng pagpapaligaya kaya
Inirereto na rin ako ng mga nagiging kliyente ko sa mga kaibigan nila. Minsan
pa nga naiiyak na lang ako pag-naiisip ko na kailangan ko pa magkaganito para
lang mapakain ng matino ang pamilya ko. Pero walang mangyayari kung magiging
mahina ako. Nakakapag-ipon na rin ako dahil balak kong lumipat na kami ng bahay
,doon sa mas matino at mas kumportableng bahay. At tsaka magpapaenroll ako sa
high scool kaya kailangan maiayos ko na lahat. Bago pa dumating ang pasukan.
Nabibilhan ko na rin ng mga bagong damit ang mga kapatid at mga magulang ko.
Ako rin maayos na ako manamit. Marami na ngang nagbago at alam kong marami pang
magbabago. Hindi ako titigil hanggang sa mailagay ko sa maayos ang aking mahal
na pamilya. Hindi ako susuko, kahit ano pang ibato sakin ng buhay ay magiging
matatag ako, hindi ako kayang pabagsakin ng panahon.
Nalalapit na ang aking kaarawan pero hindi ko pa
alam kung kailangan ko pa ba maghanda, nag-iipon ako kailangan ko magtipid kaya
baka hindi na rin. Hindi naman nabuhay sa luho ang pamilya ko kaya siguradong
hindi na sila maghahanap ng handa. Ang mahalaga ay magkakasama kami sa kaarawan
ko. Dumating ang December 29 ang araw ng kaarawan ko. Ordinaryong araw kagaya
ng inaasahan ko ang kaibahan lang ay binati ako ng pamilya ko ng happy
birthday. Wala akong balak gawin ngayung araw, maghihintay lang ako kung merong
kliyente. Nagtetext lang ako sa mga naging kaibigan ko gamit ang nabili kong
cellphone nung isang buwan. Pero walang nagrereply sa akin kaya itnigil ko na
din. Mag-aalas singko na wala pa ring nagtetext sakin pero ok lang dahil wala
naman talaga akong gana sa kahit ano ngayun. Tinatamad ako. Maya-maya ay may
nagtext si Glenn Naging kliyente ko sya nung isang lingo.
Text Messages:
Glenn: hi James msta kna? Nga pala Happy B-day.
James: eto ayos lang kaw? paano mo naman po
nalaman na birthday ko? ( alam kong may nasabihan akong kliyente tungkol sa
birthday ko pero hindi ko matandaan kung sino)
Glenn: nu kba kaw may sabi sakin last wik, tinanong
p nga kta kung pwede pumunta sa inyo sabi mo naman oo.
James: Ah oo nga naalala ko na, pano pupunta kba?
Glenn: Oo sna. Gs2 kc kta makita eh, miss na kc
kta
James: Cge pnta kna, pro pangit bhay namin ah,
txt ka pag malapit ka na sa T.sora pra sunduin kta sa kanto.
Glenn: Ok lang yun ikaw nman pu2ntahan ko eh
hindi yung bhay nyo. Ok magtetext ako pag malapit na
James: Cge, kaw po bhala. Ingat.labyu po.
Glenn: Wow sarap nman nun kh8 alam kong hindi
lang ako sinasabihan mo nyan. Labyu 2
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Glenn ay medyo
umidlip ako. Hindi ko na namalayan ang oras. Tiningnan ko ang c.p ko pero wala
pa ring text galing kay Glenn. Tumawag si nanay at kakain na daw kami ng
hapunan. Maya-maya pa ay nagtext na si Glenn. Sunduin ko na raw sya sa kanto.
Nagpaalam ako na may pupunta sa bahay at susunduin ko lang. Sa kanto.
Raffy’s POV
Sobrang tagal kong hindi nakita si James dahil
kelan lang ako nagkaroon ng oras. Nagpunta kasi kami sa Hong Kong para
mamasyal. Nung pagbalik naman namin ay agad akong ikinuha ng private tutor ng
tatay ko, kinausap nya ang kaibigan nya na nagmamay-ari ng isang school para
tulungan akong kumuha ng PEPT . Nakapasok agad ako ng college at second year na
ako ngayun. Kailangan daw na makatapos na agad ako ng college, para makapagtrabaho
na at matulungan ko na sya sa kumpanya namin. Iba talaga ang nagagawa ng may
pera at kapangyarihan. Itinaon ko talaga na sa birthday ni James ako pupunta
para sorpresahin sya. Mage-eighteen na sya kagaya ko 18 na rin ako. Pareho kami
ng araw ng birthday magkaiba lang ng buwan October ako sya naman ay December.
Sabik na sabik na akong makita ang espren ko. Hindi ko sya nakalimutan kahit
isang Segundo lang kahit nga sa pag-tulog e napapanaginipan ko sya. Hindi na
ako makapaghintay, yayakapin ko talaga sya ng mahigpit. Malapit na akong
makarating sa Tandang Sora, medyo natagalan nga ang byahe ko dahil sa sobrang
traffic, eto pang driver na hinire ng daddy ko mahinang dumiskarte sa kalsada.
Dapat ako na lang kasi, ayaw kasi ako payagan ni dad na magdrive dahil hindi ko
pa daw kabisado. Nakakainis pero nawala na rin dahil malapit na ako. Malapit ko
ng makita si James. Nasa M.Aquino na ako, pangalan ng daan papunta sa dati
naming tinitirhan. Nagpababa ako sa driver sa kanto, dahil ayokong may makagulo
sa pagkikita namin ni James. Pinaghintay ko lamang ang driver ko sa may harap
ng shrine ni Tandang Sora. Naglakad na ako papasok sa kanto nang makita ko agad
si James na may kasamang lalaki. Napahanga ako sa lalaki dahil napakagaling
manamit nito, matangkad, maputi, at maganda ang tindig. Pero mas lalo akong
humanga kay James, dahil napakaganda ng porma nya. Hindi mo aakalaing
nangangalakal sya. Litaw na litaw ang maamo at napakagwapo nyang mukha, bumagay
din ang damit nya sa moreno nyang kulay. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko
nang makita ko sya sa ganoong ayos. Hindi ko maialis ang mata ko sa kanya,
gusto ko lang syang tingnan. Nakakahumaling ang mga ngiti nya, para akong
natutunaw. Ngayun ko lamang ito naramdaman sa kanya, marahil ay sobrang na-miss
ko lamang sya. Papalapit na ako sa kanila at masaya ko syang tinawag nang bigla
syang halikan ng lalaking kasama nya. Nagtaka ako, para kasing nakaramdam ako
ng inis sa kanila. Pero ayaw kong sirain ang araw nya kaya nagpatuloy pa rin
ako sa paglapit sa kanila. Nung tawagin ko sya ay lumingon sya, pero walang
reaksyon. Hindi ko alam kung galit o masaya syang makita ako. Nang magkaharap
na kami ay.
James: O kumusta. Buti napadalaw ka dito. Ah sya
nga pala si Glenn boyfriend ko.
Glenn: (Nagtaka kung bakit sya ipinakilalang
boyfriend pero di na sya nakapagreact dahil kinilig ito,at bumati na lang) Hi!
Raffy: (bumagal ang pagproseso ng utak ko dahil
sa nalaman, kinailangan pa ng ilang sandal para bumati rin.) Ah! Eh! Hello.
Happy birthday nga pala James.
James: Salamat, tara na at pumunta na tayo sa
bahay. Let’s go bheb.
Glenn: (nagtataka pa rin) hehe, let’s go bheb?
Hehehe
Napangiti lamang ako sa dalawa at sumunod na rin.
Naiilang ako sa kanila, naiinggit na hindi ko maintindihan. Napakabagal
umintindi ng utak ko sa nararamdaman ko. Kaya hindi ko masabi, para kasing
“SELOS? Selos ba itong nararamdaman ko? ”sabi ko sa isip ko. Para akong tanga
na kinakausap ang sarili. Ramdam ko na may ibang ikinikilos si James pero hindi
ko mawari kung ano. Parang hindi na sya katulad ng dating mahiyain. Ngayun ay
garapalan nya pang ibinabalandra ang lalakeng ka-holding hands nya habang
naglalakad. Marami ang mga bumabati sakin at nangungumusta na para bang masaya
silang makita ako. Ngunit ang dalawang taong nasa harap ko ay hindi man lamang
ako tinapunan ng kahit konting pansin, gayung alam naman nila na nakasunod ako
sa kanila. Hindi ko alam kung nagsisisi ako o maiiyak sa pagpunta ko dito. Para
kasing nasasaktan ako sa inaasal ni James, akala ko pa naman ay matutuwa sya
pag nakita ako. Nagmumukha na naman akong tanga. Bakit nya ginagawa to
nagtatampo ba sya sa matagal kong hindi pagdalaw? Galit ba sya dahil hindi ako
tumupad kaagad sa pangako ko sa kanya? “James” nasabi ko sa isip ko. Hindi ko
namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay nila. Unang pumasok ang dalawa,
nahuli ako dahil iniisip ko pa rin kung ano ang nangyayari.
James: Nandito na po kami nay. Eto po pala si
Glenn boyfriend ko po.( ngumiti lamang si Glenn at kumaway)
Pumasok na ako. Talagang hindi ako makapaniwala
sa narinig ko. Sinabi nya kila nanay Martha at tatay Rene na boyfriend nya ang
lalaking ito. Parang ako ang kinabahan para sa buong tapang nyang pagsisiwalat
sa mga magulang. Ngunit mali ang iniisip kong mangyayari, hindi nagalit si
nanay at tatay sa sinabi nya. Para bang normal sa kanila na may boyfriend ang
anak na lalaki. Anlaki talaga ng pagbabago ni James, parang hindi ko na sya
kilala. Parang hindi kami nagsama ng matagal na panahon kasi parang wala akong
nalalaman na kahit ano sa kanya ngayun. Hindi ko na kaya itong nararamdaman ko,
nalulungkot ako na may kasamang pagsisisi.
James: Nga pala may bisita kayo, baka namimiss
nyo?
Nanay: Aba oo nga, Raffy anak halika at umupo ka.
Lezel, Irene nandito si kuya Raffy nyo halikayo at batiin nyo. Pati na rin ang boyfriend
ni kuya.
Nagmamadali lumabas ng maliit na kwarto ang
magkapatid at sabay na bumati sakin. Mabuti na lamang at welcome pa rin ako sa
pamilya ni James. Kahit papaano ay nabawasan ang lungkot ko. Ganun pa rin ang
dalawang magkasintahan, masaya pa ring nagkukwentuhan at hindi ako pinapansin.
James: Nay, tay pasok po muna kami sa loob ng
kwarto ah. Medyo hindi kasi maganda ang pakiramdam ko eh. Tara bheb.
Tatay: O sige, bakit hindi muna kayo kumain at
baka nagugutom na yang kasama mo? Pati itong si Raffy baka nagugutom na din.
James: Oo nga pala, nagugutom ka ba bheb?
Glenn: Ah hindi naman, kumain ako sa bahay bago
umalis.
James: Hindi naman daw po nagugutom si Glenn tay,
pasok na po kami kayo na po muna ang bahala dyan sa bisita nyo.
Galit nga si James sa sinabi nyang iyon ko lamang
napatunayan. Wala akong ibang magagawa kundi intindihin sya, kung tutuusin ay
kasalanan ko nga dahil natagalan ako sa pagbalik. Pero sana ay pumasok sa isip
nya ang kahit konting pang-unawa sa naging lagay ko. Pagkapasok nila ay tuluyan
nang bumagsak ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigil. Gusto kong magsalita
at humingi ng tawad pero hindi ko alam kung papaano ko sasabihin. Lumapit na
lamang si nanay Martha sa akin at umupo sa tabi ko. Tinapik-tapik nya ang
balikat ko, pinipilit nya akong pakalmahin. Pero parang hindi ito sapat para
gumaan ang kalooban ko.
Nanay: Pasensya ka na anak kay James ah, sana
unawain mo na lang sya. Matagal ka rin kasi nyang hinintay na dumalaw dito e.
Lagi nga syang nariyan sa may pintuan, baka daw kasi bigla kang dumating. Gusto
ka raw kasi nya salubungin kaagad. Tumatambay din sya doon sa kanto kasi gusto
nya sya ang unang makakita sayo pag dumalaw ka. Naging malungkutin din sya kasi
akala nya nakalimutan mo na sya. Pero mabuti at pumunta ka ngayun, napatunayan
mo sa kanya na hindi ka nakalimot. Lalo na sa mahalagang araw na ito.
Patuloy lang akong umiyak at walang nasabi,
humihikbi ako pero pinipigil ko para hindi marinig ni James. Nararamadaman ko
na naaawa sakin ang mga magulang at kapatid nya. Pero wala silang magawa dahil
nakita rin nila ang paghihirap ni James nung mawala ako. Sising-sisi ako dahil
napakatagal ko bumalik para dalawin sya. Inisip ko na hintayin si James, kahit
matagalan pa. Magpapaalam na lang ako na dito na matutulog. Itinext ko na rin
ang driver ko na umuwi na. Nagpaalam na rin ako kay nanay Martha. Gumaan nga
ang loob ko nung sabihin nyang “nagpaalam ka pa e, anak na rin naman kita, at
hindi ko pinapatulog ang anak ko kung saan-saan”. Nagpasalamat ako kay nanay.
Lahat ng usapang iyon ay pawang pabulong lamang dahil iniiwasan kong marinig
iyon ni James, alam ko naman na iniiwasan nya ako. Siguro naman hindi dito
matutulog ang boyfriend nya, dahil sa tantya ko may kaya ang lalaking yun at
hindi sanay matulog sa ganito kasikip na bahay. Halos dalawang oras din bago
lumabas ang magkasintahan. Alam ko dahil panay ang tingin ko sa aking relo.
Nagpaalam na ihahatid daw nya ang boyfriend nya.
James: Nay pauwi na si Glenn ihahatid ko lang po.
Nanay: O sige, o Glenn iho mag-iingat ka ah.
Glenn: Opo nay, tatay uwi na po ako maraming
salamat po sa inyo.
Tatay: Sige mag-ingat ka at maraming gago dito sa
amin.
Tinanguhan ako ni Glenn, at tinanguhan ko rin
sya. Mabait rin naman pala si Glenn, napakaswerte nya kay James.
James: Una na kami, o yung bisita nyo hindi pa ba
uuwi yan? Baka ma-hold-up yan dito.
Walang sumagot at tuloy-tuloy lang sa paglabas
ang magkasintahan. Matagal tagal din bago bumalik si James, inabot din ng
mahigit isang oras. “Siguro nag-I-labyuhan pa ng isang daang beses, malamang e
ang-sweet nila eh”. Sabi ko sa isip ko. Nang makarating na si James
dire-diretso itong umupo sa tabi ni tatay Rene. May dala ito na kalahating case
ng RH, wala na sakin kung saan man nya nakukuha ang mga bagay na meron sya
ngayun. Ang alam ko lang, malamang ay uminom na ito bago umuwi dahil mabigat na
ang pag-bagsak ng paa nya at medyo sumusuray na pagpasok nya ng pinto.
Nananatili pa rin ako sa dati kong pwesto, nakaupo pa rin ako sa bangko na nasa
tabi ng pinto. Ipinagbukas ni James si tatay ng isang RH..
James: O tay, uminom tayo.
Tatay: O sige, tutal birthday mo naman e dapat
talagang may selebrasyon. Bukod pa dun nandito rin ang pinaka-matalik mong
kaibigan. Pero anak lasing ka na yata.
James: Hindi pa ako lasing tay. Matalik na
kaibigan? Sino yun wala akong matalik na kaibigan. Yung kaibigan ko matagal
nang patay inilibing ko na matagal na at walang patay na nabubuhay.
Sa totoo lang parang nao-OA-yan ako sa mga
inaasal nya. Alam kong matagal akong hindi nakabalik para sa kanya. Pero bakit
ganyan sya umasta, sukdulan na ba ang kasalanang ginawa ko para magkaganyan
sya? Halos magda-dalawang taon na din bago ko sya napuntahan kaya may karapatan
syang magtampo. Pero hindi dapat ganito katindi ang galit nya. Para tuloy
naalala ko ang ginawa ng tatay kong paghingi ng tawad sakin. Naiintindihan ko
tuloy ang nararamdaman nya nun. Pero hindi pa rin ako katulad ng tatay ko,
hindi ako ganung katagal nawala at tsaka hindi ko sya nakalimutan kahit ilang
saglit lang. ang katunayan nandito ako sa harap nya at kanina pa
nagpapakatanga, mapansin nya lang.
Nanay: Anak wag ka nga magsalita ng ganyan. Nasa
harap mo lamang si Raffy.
James: Raffy sino yun? Ah! Yan bang bisita nyo.
Oy pare kumusta ka inom tayo.
Raffy: James sorry.
James: Sorry? Sorry saan? Wala kang kasalanan
sakin, sino ka ba? Kilala mo ba ako? Inom tayo pare wag ka nang umarte dyan.
Raffy: Pakinggan mo muna ako please!
Magpapaliwanag ako kung bakit ngayun lang ako nakabalik.
James: Grabe! Para kang babae sa kaartehan mo ah.
Itigil mo nga yan. Wala kang kasalanan sakin. Kaya wala kang dapat ihingi ng
tawad at wala kang dapat ipaliwanag.
Tinawag ni tatay si nanay Martha para magpatulong
pumasok sa kwarto. At dahil hindi naman sya kayang buhatin ni nanay mag-isa ay
tumulong na din si James tsaka sya muling bumalik sa dating upuan.
Raffy: Sana mapatawad mo ako, James please!
James: Eh! Gago ka pala eh, angkulit mo. Umalis
ka na nga dito birthday ko ngayun sinisira mo. TANGINA MO!
Nanay: JAMES ITIGIL MO YANG PAGMUMURA MO HINDI
KITA TINURUAN NG GANYAN. Magusap kayo ng maayos hindi yang ganyan.
James: Sorry nay hindi na po mauulit. Eto kasing
bisita nyo eh angkulit.
Hindi na muling nagsalita si nanay Martha, dahil
naiintindihan naman nila ang damdamin ng anak. Galit lamang ito, pero alam
naman nyang hindi ito pala mura. Ang gusto lamang nyang iparating sa anak ay
kahit hindi sila nakikisali sa usapan ay naririnig pa rin nila lahat ng
lumalabas sa bibig namin.
Raffy: Hindi ako nakabalik kaagad dahil
pinag-aral kaagad nila ako. Dahil kailangan na nila ako sa kompanya. Sorry
James hindi ko talaga sinasadya na matagalan ang pagkikita natin ulit. Kahit
minsan hindi kita nakalimutan.
James: Sabing wala ka dapat ipaliwanag sakin
dahil hindi na tayo magkakilala. Binura na kita sa buhay ko kaya dapat ganun ka
din.
Raffy: Hindi pwede, ayoko, hindi ko yun magagawa
James please naman patawarin mo na ako. Mahal na mahal kita James kaya hindi ko
kayang kalimutan ka na lang basta.
Hindi ko alam kung sang parte ng puso ko hinugot
ang salitang pagmamahal na yun. Pero nung nasabi ko yun ay parang hindi bilang
kaibigan kundi pahayag ng isang taong nagmamahal talaga. Naguluhan din ako sa ibig
kong sabihin dun pero di ko na binawi at bigla na lamang akong napaluhod sa
harap nya.
Raffy: Sorry! Sorry! Sorry!
James: Ah alam ko na kung anong gusto mo sakin.
Habang nakaluhod ako ay bigla syang tumayo sa
harapan ko. Hinubad nya ang suot nyang damit at kinalas ang sinturon ng kanyang
pantalon. Dahandahan ay kinalas nya ang butones nito at ibinaba ang zipper.
James: Ito ang gusto mo diba? (hinihimas ang
umbok sa harapan)
James: Masarap to. Lalo na pag matigas, malaki
rin ito kaya siguradong maliligayahan ka. Naglalaway ka na ba? Gusto mo na bang
tikman ang tamod ko, ngumanga kana at isubo mo na tong burat ko. Maraming bakla
ang nahuhumaling dito kagaya mo. Mahal din ang bayad dito, pero para sayo libre
na lang. Basta pagkatapos mong namnamin ang masagana kong tamod ay umalis kana
at wag ka na magpakita.
Halos sumabog ang ulo ko sa mga narinig ko mula
sa kanya. Para akong nabibingi! Sobra sobrang sakit ang dumudurog sa puso ko at
parang nahihirapan akong huminga sa mga sinabi nya. Ang mata ko naman ay parang
bukal na karugtong ng dagat dahil hindi ako nauubusan ng luha. Halatang umiiwas
na madinig nila nanay ang mga lumalabas sa bibig nya. Kaya pabulong nyang
sinabi ang lahat nang yun sa akin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, gusto
ko ang nakikita ko. Pero hindi ako tinamaan kahit konting libog dahil alam kong
nagagawa nya yun dahil sa galit. Napatayo ako bigla at tinignan ko sya.
Raffy: James bakit mo ginagawa to sakin?
(nangangatal ang mga labi ko sa sobrang sakit)
James: Ang arte, ano gusto mo ba o hindi isasara
ko na to?
Nang akmang isasara nya na ay napangiti sya,
ngiti ng isang mortal na kaaway, ngiti ng isang demonyo ang nakikita ko. Pero
sa mga ngiting yun na kinatatakutan ko ay nararamdaman ko ang malalim na
kalungkutan. Marami akong nararamdaman ukol sa kanya awa, galit, takot,
pagkasabik at isang pakiramdam na hindi pa maiproseso ng utak ko. Napaatras
ako, may hinahagilap ako sa aking likuran, ang lugar kung nasaan ang pintuan.
Nang maramdaman ko na ang pintuan ay tsaka ako tumakbo palayo. Hindi ako
lumingon basta tumakbo lang ako ng tumakbo. Para akong hinahabol ng halimaw.
Patuloy sa pag-agos ang luha ko, para akong mababaliw sa halo-halong
nararamdaman ko. Umabot na ako sa kanto ngunit nagtataka ako kung bakit
nandirito pa rin ang driver ko.
Raffy: Bakit nandito ka pa, diba pinauwi na kita?
(Habang umiiyak pa din)
Driver: Hindi po ako pinayagan ni sir na iwan
kayo dito. Hintayin ko raw po kayo kahit umaga na daw po kayo umuwi.
Raffy: Tara umuwi na tayo.
Pagkauwi ko ay tumakbo ako papasok ng bahay.
Naroon man ang daddy at mommy ko ay hindi ko pinansin. Tuloy tuloy ako hanggang
sa kwarto ko at doon humagul-gol. Pinuntahan agad ako ng mga magulang ko, pero
hindi sila makapasok dahil ini-lock ko ang pinto. Kumakatok sila pero hindi ko
pinagbubuksan. Ganoon lamang ako buong magdamag. Hanggang sa wakas ay napagod
din ako ng kaiiyak. Kinabukasan sa hapagkainan ay tinanong ako ni mommy kung
ano nangyari sakin? Ang sabi ko lamang ay namatay ang mama ni Christian, ang
kaklase ko na madalas ko kasama sa gimikan. Hindi ako nag-alinlangan na yun ang
isagot dahil namatay naman talaga ang mama ni Christian ang mali lang sa sinabi
ko eh, last year pa nangyari yun at malamang naka-move-on na lahat ng taong may
kaugnayan sa namatay. Kilala lang nila si Christian sa pangalan pero kahit
minsan ay hindi pa ito nakakarating sa bahay namin. Kaya malamang ay hindi na
nila ako kulitin tungkol dun. Nasa isip ko pa rin ang mga nangyari kagabi.
Pinipilit ko lamang kumain para hindi masyadong halata na matindi ang kalungkutan
ko. Baka kasi sabihin nila na OA na kalungkutan yun para sa nanay ng kaibigan
na di ko pa nakikita personaly. Dahil sa gimikan lang talaga kami magkaibigan
at walang pakialamanan sa personal na buhay. Pero sa kaloob looban ng puso ko,
para rin akong nagluluksa.
James’s POV
Nagpakalasing ako kagabi, hindi naman ako
nagwawala at nag-iingay kaya hindi na nila ako pinaki-alaman. Inubos ko lahat
ng alak na binili ko, sa sobrang kalasingan ko nga e hindi ko na alam na sa
sahig na pala ako nakatulog. Ginising na lamang ako ni nanay nung makita nya
akong nakahandusay sa sahig. Halos hapon na nung mahulasan ako mula sa
pagkalasing, pero masakit pa rin ang ulo ko. Biglang bumalik sa isip ko ang mga
nangyari kagabi. Alam kong sumobra ako sa ginawa ko kay Raffy. Hindi yun
matanggap ng konsensya ko kaya nagpakalasing ako ng husto para mamanhid ang
katawan at ang isip ko. Ayaw kong maalala yun kahit ilang oras lang. nananabik
rin akong makita sya, sa totoo lang napakasaya ko nung nakita ko sya. Nung
nakita ko yung mukha nya parang huminto ang paligid ko. Pero naramdaman ko
kaagad ang napakalaking agwat namin. Hindi na kami bagay na maging magkaibigan.
Nahihiya na ako sa malaking distansya ng antas ng mga buhay namin. Mayaman na
sila samantalang ako kailangan ko pang ipababoy ang katawan ko para lang
kumita. Kung titignan mabuti isang kahig isang tuka pa rin kami. Mas mabuti
nang ganito kami, dahil hindi na rin siguro maganda para sa akin. Ako bilang
kaibigan ay naiinggit na sa katayuan nya ngayun. Ilalayo ko muna ang sarili ko
sa kanya pansamantala, hanggang sa marating ko kahit kalahati man lang ng
katayuan nila sa buhay. Alam kong imposible pero susubukan ko, kahit gaano pa
kahirap.
Dalawang linggo na rin ang nakalipas mula nung
mangyari sa amin ni Raffy ang isang hindi magandang ala-ala. Hanggang ngayun ay
nakokonsensya pa rin ako sa ginawa ko. Pero pinipilit ko na kalimutan dahil
lalo lang bibigat ang loob ko kapag inisip ko pa. Nangyari na ang mga nangyari.
Wala na akong magagawa pa, para mabago yun. Sa sobrang sakit ng nagawa ko sa
kanya baka hindi nya na rin ako patawarin kung hihingi man ako ng tawad. Sana
nga ay hindi na muna kami magkita dahil hindi ko naman alam ang dapat ko
sabihin sa kanya. Baka maulit lang ang nangyari samin nung nakaraan. Papunta
ako ngayun sa bahay nila Christian, isa rin sa mga kliyente ko. Isa sya sa mga
paborito kong kliyente. Bukod kasi sa maganda sya magbayad, napakabait pa at
malambing. Halos magkasing edad lang din kami kaya alam nya kung ano ang mga
gusto ko. Nung una nga e nahihiya ako sa kanya dahil sa batang edad nya
napakarami nya nang pera. Mayaman din kasi sila, “tsk hay buhay puro pera ang
kailangan” sambit ko na lamang sa aking sarili. Malapit na ako sa village nila,
nang makita ko ang kulay itim na sasakyan. Sigurado akong kay Christian yun
dahil ilang beses ko na ding nakita yung sasakyan na yun. Usapan kasi namin na
susunduin nya ako sa gate, na lagi nya namang ginagawa dahil hindi pwedeng
basta na lamang pumasok ang hindi residente ng village na iyon. Nakatanggap ako
ng text mula kay Christian na nagsasabi na pumunta na ako sa sasakyan. Pagpasok
ko ng sasakyan ay agad akong sinalubong ng isang halik sa pisngi. Napangiti
ako, lagi akong napapangiti pag ginagawa nya ito. Hindi ko alam kung bakit pero
nakakaramdam ako ng tuwa.
Christian: Kumusta? Namiss kita talaga. Hindi ka
manlang kasi nagtetext eh, nagtatampo na tuloy ako.
James: Sorry na, busy lang talaga ako hayaan mo
sa susunod itetext na kita palagi.
Christian: Promise yan ah. Pag hindi mo ginawa
yan magtatampo na talaga ako sayo.
James: Opo. (Sabay kiss ko sa kanya)
Nasanay na ako sa ganito, lahat ng kliyenteng
nakakaharap ko ay itinuturing ko na lang na kasintahan ko para hindi naman
ganun kabigat sa loob ko ang pakikipag-sex sa kanila. Pero sa lahat iba talaga
si Christian, sa kanya kasi nakakaramdam ako ng saya at kumportable talaga ako.
Parang naaalala ko sa kanya si Raf. Isa pa pag nagkikita kami, kadalasan sa
lambingan na lang nauuwi ang lahat, minsan nga ay hindi ko na tinatanggap ang
bayad nya dahil wala rin namang nangyayaring sex samin. Pinipilit nya lang ako
na tanggapin para daw hindi naman sayang ang pag-punta ko sa kanila. Palagi nya
akong ipinapakilala sa mga kaibigan nya na mababait rin naman. Isa pa ay
ipinakikilala nya ako bilang boyfriend nya, nakakahiya nga nung una pero
nasasanay na rin ako. Dalawa lang silang magkasama sa bahay nila, sya at ang
makulit nyang yaya na tuwang-tuwa sa aming dalawa. Nabanggit nya sa akin
kahapon na may kaibigan syang ipapakilala sakin, kaya naman nagpagwapo talaga
ako para hindi naman nakakahiya pag humarap ako sa kaibigan nya. Papasok na ng
gate ng bahay nila ang sasakyan, katulad ng dati nakakaramdam pa rin ako ng
kaba sa twing may ipapakilala sya. Ayaw kong bigyan ng ibang kahulugan ang
ginagawa namin dahil nakatatak pa rin sa isip ko na bayaran lang ako, at isa pa
ginagawa nya lang to para may maipag-mayabang sa mga kaibigan nya. Matagal ko
na tinanggap na darating ang araw, magsasawa rin to sakin at iiwan ako. Bumaba
kami ng sasakyan at dumiretso na sa loob, pagkapasok namin ay nagulat ako sa
kaibigan nyang ipapakilala sakin. Si Raffy, lintek pag minamalas ka nga naman
sa dinami-dami ng tao sa Pilipinas bakit sya pa. hindi ako nagpahalata kay
Christian tuloy tuloy lang kami sa pag-pasok. Ngunit hindi gaya ng inaasahan ko,
hindi tumayo si Raffy para suntukin ako. Umasta lang syang natural, nagkunwari
syang hindi ako nakikilala. Lumapit kami ni Christian sa kanya at ipinakilala
na nga ako bilang kanyang boyfriend. Nakipagkamay sakin si Raffy at umupo na
kami. Maya-maya ay iniwan kami ni Christian para tulungan ang yaya nya na
nagluluto ng aming kakainin. Ipinahanda iyon ni Christian para daw sa nagdaang
birthday ko. Sweet talaga. Naiwan kaming dalawa ni Raffy na hindi nag-iimikan.
Christian: Baka gusto nyo mag-usap. Wala namang
bayad, try nyo, masayang gawin yun kesa pareho kayong nakatunga-nga jan.
(pasigaw nyang sambit mula sa kusina)
Raffy: Sige kami na bahala. Magluto ka na lang
jan.
Christian: ok, Mabait yan si James ko muka lang
suplado yan.
Raffy: aahehehe Oo, Sige tingnan natin kung
mabait nga.
[Mabait huh! Eh may sayad kaya to. Tsk hindi mo
kasi kilala tong tukmol na to noh (sambit ni Raffy sa kanyang isip)]
Raffy: Oh kumusta naman ang buhay-buhay pre? Ayos
ba?
James: Ah eh. Oo Ayos naman. Hehe kaw. Kumusta?
Raffy: Baka may gusto kang sabihin sakin, sabihin
mo na habang wala pa Si Christian dito. Alam kong hindi mo gusto yung nangyari
satin kaya magpaliwanag kana kung bakit mo ginawa yun. Kung hindi sasapatusin
kita jan. (mahinang pagkakasabi ni Raffy sakin)
James: Wala akong dapat sabihin. Ginawa ko yun
para layuan mo na ako. Gusto ko layuan mo na ako. Naiintindihan mo. Wag mo na
ako kausapin na para bang kagaya pa rin tayo ng dati.
Raffy: James ano ba talagang nagyari? Sabihin mo
man o hindi, aalamin ko kung ano ba talagang nangyari sayo. Bat ka nagkaganyan,
napagod kaba ng kahihintay sakin? Diba sabi ko sayo tutulungan kita. Bakit
ngayun ganyan na ang Gawain mo. Wala ka bang tiwala sakin?
James: Ok na ako, sanay na akong wala ka. Tsaka
wala kang obligasyon sa akin o sa pamilya ko. Kaya kong buhayin ang pamilya ko
nang ako lang. hindi kita kailangan.
Raffy: James please wag ka naman ganyang kalamig
sakin. Kahit minsan hindi ako nagbago, kung yan ang iniisip mo. Ako pa rin to espren.
Pwede mo pa rin ako konyatan kahit ilang libong beses, basta bumalik lang tayo
sa dati. Ano ba kasi ang problema mo talaga ?
James: Wala nga akong problema, tumahimik ka na
jan at nanjan na ang kaibigan mo.
Bumalik na si Christian sa pwesto namin kasama
ang yaya nya si aleng saling at doon lamang tumigil ng kakukulit sakin si
Raffy. Dala nila ang mga pagkaing niluto, dun na lamang daw naming kainin para
mas masaya. At sa pagkakaalala ko ay hindi nga kumakain si Christian sa
hapagkainan dahil nalulungkot sya naaalala nya lang daw ang mommy nya na
namatay nung isang taon. Ilang buwan na rin kaming magkakilala kaya may alam na
din ako tungkol sa kanya kahit papano.
Christian: oh! Dito na tayo kumain ah, alam nyo
naman pareho ang dahilan ko diba? Tsaka para mas masaya.
At inihanda nya na ang bakemac at nilagyan nya na
ng kandila ang cake na sya raw mismo ang gumawa.
Christian: Ayan! Kanta muna tayo ng happy
birthday. Kahit late na eh, birthday mo pa rin hehehe. tsaka bilisan natin
kumain huh. kasi amboring ng ganito. Kundi lang dahil ditto kay James hindi ko
gagawin to eh. Parang childrens party kasi ang dating pag nakakakita ako ng
cake hehehe. Punta tayong bar mamaya treat ko.
James: ikaw kasi eh nag-abala ka pa eh hindi rin
naman ako sanay ng naghahanda.
Christian: ok lang yun. Para mabawi din natin
yung mga araw na wala kang handa. Kung gusto mo kahit araw-araw hahandaan kita
eh.
James: Sira ka talaga. Wag na at tsaka naiilang
ako pag may handa.
Kumanta na sila ng happy birthday, sa totoo lang
ako ang nahihiya sa ginagawa nila. Eh hindi ko naman na kasi birthday at tsaka
hindi talaga ako sanay ng ganito. Pero sa kabilang banda eh natutuwa na rin ako
dahil hindi ko pa nararanasan tong ganito. At nandito kasi si Raffy kahit na
hindi maganda ang pakikitungo ko sa kanya eh, hindi pa rin sya sumusuko para
maibalik ang dati naming samahan. Kagaya pa rin sya ng dati hindi ako iniiwan.
Ako, ako nga yata ang nagbago. Puro pera na kasi ang nasa utak ko, at pag-angat
sa buhay. Sana hindi na lang pera ang batayan ng maayos na buhay. Kasi wala
talaga akong laban.
Raffy: Oh James natahimik ka, hindi k aba
natutuwa sa ginawa namin?
James: ah eh, ayos lang, natutuwa nga ako eh.
Hehehe salamat sa inyo ah.
Christian: Sus wala yun. Tara na kain na tayo
tapos alis na tayo maya-maya.
Kumain na kami, halos sabay-sabay kaming apat na
natapos. Muntik na nga naming maubos eh, matindi pala kumain tong si manang at
si Christian. Halatang yun lang ang ginagawa nila dito sa bahay nila.
Nagpahinga kami ng halos isang oras din tapos umalis na kaming tatlo. Pumunta
kami sa BARCODE 99 ang pangalan ng pinuntahan naming bar. Hindi ko na alam kung
saan to, hindi na rin ako nag-usisa pa dahil hindi rin naman ako interesado sa
mga ganito. Pagdating namin sa loob ay nakahanap kaagad kami ng mauupuan. Hindi
katulad ng ibang bar na pinagdalhan sakin ng mga kliyente ko, ang bar na ito ay
medyo tahimik. May maliit na stage kung saan may bandang nag-hahanda sa
pagtug-tog nila. Umorder na ng maiinom si Christian. Si Christian lang halos
ang nagsasalita sa aming tatlo, kaming dalawa ni Raffy ay nagsasalita lang pag
meron syang tinatanong. Dumating na ang aming inumin at nagumpisa ng uminom.
Christian: Kayo bang dalawa may balak magsalita?
Kasi wala akong balak na bumangka sa usapang wala naman sumasagot.
Raffy: Sorry wala kasing mapagusapan eh. Open ka
ng topic.
Christian: Let’s talk about childhood. James san
ka lumaki?
James: Ahm. Mula pagkabata hanggang ngayun sa
Tandang Sora na kami nakatira. Dun din ako ipinanganak.
Christian: Hindi pa kayo lumilipat kahit minsan?
James: Hindi pa eh. Wala naman talaga kaming
sariling bahay. Dun lang kami sa squatter nakatira. (sinabi ko talaga yung
squatter, para malinaw kay Christian ang lahat hindi pa kasi sya nakakarating
sa amin.)
Christian: Ah. Ok alam mo sa tingin ko
napaka-exciting ng buhay mo. Minsan iniisip ko sana lumaki rin ako katulad mo.
Sana alam ko kung papano ka namumuhay, sana magkasama na tayo noon pa. kasi sa
totoo lang naiinggit ako sayo, boring kasi ang buhay ko. Eh ikaw Raffy san ka
lumaki?
(Umiinom si Raffy ng bigla syang masamid dahil sa
tanong ni Christian.)
Christian: Oh dahan-dahan kasi, maraming alak
dito, tsaka mamaya ka na nga magpakalasing aga-aga pa eh. Ano saan ka nga
lumaki? Alam mo kasi James kahit na last year pa kami magkakilala, wala akong
alam sa mokong na to. First time nya nga makapunta sa bahay kanina eh.
Raffy: Ah. Pareho lang kami ni. . . . … ( hindi
nya na naituloy ang sasabihin nya dahil sinipa ko yung paa nya)
Christian: Aray! … (ay mali yung paa pala ni
Christian ang nasipa ko) Bakit kaba naninipa jan labs.
James: Sorry inunat ko lang yung paa ko kasi mejo
namamanhid. Hehehe Sorry.
Christian: Ok lang, basta wag mo na uulitin
masakit eh. Ano na nga ulit yung sinasabi mo? (pagbaling nya kay Raffy,
kinabahan na talaga ako)
Raffy: Ah pareho lang kami ni James na hindi
lumipat ng bahay sa Taguig lang din ako ipinanganak at lumaki. (sabay kindat
nya ng palihim sakin. Mabuti na lamang at nakuha nya ang gusto kong mangyari,
hindi sinungaling na tao si Raffy kaya kung hindi ako gumawa ng paraan ay
malamang alam na ngayun ni Christian na magkababata kami. Ayaw kong malaman ni
Christian kasi baka magalit sakin, mabawasan pa ang kliyente ko.)
Christian: ako naman nakailang lipat kami. Sa
Baguio ako pinanganak sa Bakakeng, lumipat kami ng Manila para ipagamot si
mommy may breast cancer kasi sya, Tapos nun napilitan kaming lumipat sa Arizona
sa pag-aakalang mas magaling ang mga doctor dun. Pero wala ring nangyari, kung
mawawala ang tao mawawala. Kaya kayo hanggat nandyan pa pahalagahan nyo na, wag
kayong nagsasayang ng oras kasi pag nawala yan tsaka nyo yan pagsisisihan.
Hindi ko kasi masyadong nabigyang pansin si mommy kasi lagi nya ipinapakita
saking ok sya kaya akala ko ok lang talaga sya. At yun ang pinakamalaki kong
pinagsisisihan.
James: eh asan ang daddy mo?
Christian: nakasama namin sya dun sa Arizona,
madalang syang umuwi dito kasi may trabaho sya dun. At tsaka hindi ko rin sya
masyadong kinukulit kasi naiintindihan ko naman sya. Kung meron mang nalulungkot
ng husto sa pagkawala ni mommy eh sya na yun. Magaling kasi syang doctor kaso
sa dami ng award nya sa pagiging doctor hindi nya pa din nailigtas ang buhay ng
mommy ko. Kaya ayun sinisisi nya pa rin ang sarili nya hanggang ngayun. Ayaw
kong magpakita sa kanya ng madalas kasi lalo lang syang malulungkot, kamukha ko
kasi ang mommy ko.
Natahimik kami ni Raffy sa mga ikwinento ni
Christian, Napagisip-isip ko rin ang mga sinabi nya sa amin na pahalagahan ang
taong mahal namin. Naaawa tuloy ako kay Christian, masayahin syang tao pero
napakalungkot pala ng buhay nya. Ahy swerte pa rin ako, kahit hindi ako mayaman
katulad nila, may mga magulang naman akong handang makipagpatayan para sakin.
Kahit na salat kami sa buhay ay, magkakasama kami sa hirap at ginhawa.
Nakakatuwa nga isipin eh, na dahil sa kanya natauhan ako, nilamon na kasi ako
ng pride ko kaya hindi ko na napakitunguhan ng maayos si Raffy. Masarap mabuhay
kasama ng mga mahal mo, Tama hindi ko sasayangin ang panahon kailangan
maipakita ko sa kanila palagi na mahal ko sila. Para wala akong pagsisihan sa
huli. Mahaba-haba na rin ang aming kwentuhan ng biglang tumayo si Raffy. Akala
ko ay iihi lang, nang magulat ako dahil umakyat ito ng stage.
Raffy: Kakanta ako, walang kokontra, Ahm para to
sa isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. Hindi naman siguro bingi yun kaya
sana making ka. (sinabi nya habang gamit ang mic, nakita ko naman ang reaksyon
ni Christian na parang nagtataka. At sabay biglang tumugtog ang isang kantang
pamilyar sa akin dahil narinig ko na rin ito minsan at alam kong gusto ko rin
ito kaya medyo napangiti ako.)
(Please don’t stop the rain - James Morrison)
I don't know where I crossed the line
Was it something that I said
Or didn't say this time?
And I don't know if it's me or you
I can see the skies are changing
No longer shades of blue
I don't know which way it's gonna go
And if it's going to be a rainy day
There's nothing we can do to make it change
We can pray for sunny weather
But that won't stop the rain
You're feeling like you've got no place to run
I can be your shelter til it's done
We can make this last forever
So please don't stop the rain
Let it fall, let it fall, let it fall
Please don't stop the rain
Let it fall, let it fall, let it fall
Please don't stop the rain
I thought that time was on our side
I've put in far too many years
To let this pass us by
You see life is crazy thing
There'll be good times
And there'll be bad times
And everything in between
And I don't know which ways it's gonna go
And if it's going to be a rainy day
There's nothing we can do to make it change
We can pray for sunny weather
But that won't stop the rain
You're feeling like you've got no place to run
I can be your shelter til it's done
We can make this last forever
So please don't stop the rain
Let it fall, let it fall, let it fall
Please don't stop the rain
Let it fall, let it fall, let it fall
Please don't stop the rain
Oh we're a little closer now
In finding what life's all about
Yeah I know you just can't stand it
When things don't go your way
But we've got no control over what happens anyway
And if it's going to be a rainy day
There's nothing we can do to make it change
We can pray for sunny weather
But that won't stop the rain
Feeling like you've got no place to run
I can be your shelter til it's done
We can make this last forever
So please don't stop the rain
Let it fall, let it fall, let it fall
Please don't stop the rain
Let it fall, let it fall, let it fall
Please don't stop the rain
Let it fall, let it fall, let it fall
Can't stop it, you can't stop it
Let it fall
Please don't stop the rain
Nagulat talaga ako sa hayop na to, napakaganda
pala ng boses nya. Para tuloy akong sinisilihan na di ko mawari, hindi ako
mapakali dahil para akong nakakakita ng artista sa harap ko. Naghihiyawan ang
mga tao at nagpapalakpakan sa kanta nya. May talento pala si gago, hindi ko yun
alam ah. At hindi ko alam kung namamalik-mata ba ako, kasi parang kinikindatan
nya ako eh. Bigla tuloy akong yumuko at napahimas sa batok dahil naiilang ako
sa ginagawa nya. Di man lang nya naisip na nakikita sya ni Christian. Pagkatapos
ng kanta ay bumalik na muli sya sa pwesto namin.
Christian: Galing mo talaga pre, BIGYAN NG
JACKET.!
Kung ganun alam pala ni Christian na magaling
kumanta tong tukmol na to. Tsk para tuloy akong nagselos sa kanilang dalawa.
Kasi niyaka-yakap pa talaga ni Christian si Raffy parang mga sira. Napalitan
tuloy ng inis yung hiya ko kanina. Hindi naman sila mukang sweet, muka silang
mga may saltik. Tsk nakakainis. HOY! Para kayong mga takas sa mental dyan sa
ginagawa nyo eh. Boboljakan ko kayo pareho eh (yan ang mga lumabas sa isip ko).
Nang makaupo na sila pareho ay nagpatuloy kami sa kwentuhan. Nag-aral pala ng
pagkanta si Raffy kaya ganun sya kagaling. Hindi naman ganong nagtagal ang
usapan dahil may nagtext kay Christian at kailangan nya nang umalis.
Christian: Guys! Kailangan ko na umalis ah. Eto
pera Raf o pambayad. Tuloy nyo lang para makapag-enjoy pa tong si James.
Tatawagan ko kayo kung makakabalik ako ok?
Raffy: Ok lang sige ako na magbabayad. Umalis ka
na baka importante yan. Ako na bahala kay James.
Christian: Sige na ako na. Tapos eto pakibigay na
lang kay James mamaya. (pabulong nyang sinabi kay Raf tapos nakita kong medyo
sumimangot etong si Raffy.)
James: Samahan kaya kita, san k aba pupunta?
Christian: Wag na kasi, basta wag na ok jan ka na
lang at mag-enjoy kayong dalawa ok? Magtatampo ako pag-iniwan mo si Raffy dito.
James: Ok sige.
RAFFY’S POV
Umalis na nga si Christian at hindi na talaga ako
nakatanggi pang samahan si James nag-aalangan kasi ako baka mag-urumintado na
naman to sakin eh. Nagpatuloy ang inuman namin ni James, katulad ng dati walang
nag-uusap samin. Nagpapakiramdaman na naman kami. Maya-maya pa ay
James: Espren sorry. (parang napahigop ako ng
sariwang hangin sa sinabi nya. Kahit na puro usok sa paligid namin eh
napakaluwag ng paghinga ko, nung narinig ko ito)
Raffy: Huh. Ulit. Hindi ko naintindihan yung
sinabi mo.
James: Wala, wala akong sinabi bawal na ulitin.
Raffy: Ano nga ulit yun hindi ko nga narinig eh.
Ulitin mo na kasi.
James: Parang tanga, Sorry nga kasi, tsk nahihiya
na nga ako sa ginawa ko eh. Hindi ko nga alam kung mapapatawad mo ako eh.
(hindi makatingin ng diretso sa sobrang hiya)
Raffy: Alam mo nagalit ako sayo nun, pero nung
narealize ko yung sitwasyon mo natauhan ako. Kahit ano pang gawin mong hindi
maganda sakin, pipilitin kong humanap ng dahilan para unawain ka. Kasi ok lang
na mawala lahat ng yaman namin wag ka lang. mas mahalaga ka sakin kesa pera.
James: yun na nga eh, kaya mas lalo akong
nahihiya sayo eh, kasi nakaramdam ako ng inggit sayo. Tapos naisip ko pa na
anglayo na ng agwat ng pamumuhay natin ngayun. Sorry kasi naging ma-pride ako.
Raffy: Lam mo espren, hindi mo kailangang isipin
yun. Ganito na lang mula ngayun lahat ng akin ay iyo na rin. Maliwanag? Kaya
kung may kailangan ka, wag kang mahihiyang sabihin sakin dahil sayo rin naman
yun. Ok?
James: Wag espren, ayoko ng ganun tinatanggalan
mo naman ako ng silbi nyan eh. Magmumuka lang akong inutil nun kasi sayo ko na
inasa lahat. Babalik tayo sa dati, hihingi ako ng tulong sayo pero kailangan ko
yun bayaran. Ayaw ko ng bigay, syempre may pride din naman ako.
Raffy: Haynaku ayan na naman tayo sa pride
chicken mo eh. Ok naiintindihan kita pero pag hindi kaya lumapit ka sakin ah.
At tsaka sana espren maghanap ka ng ibang trabaho. Kasi hindi ako mapalagay dyan
sa ginagawa mo eh.
James: Oo sige, pipilitin ko maghanap basta
bigyan mo ako ng panahon. Wag agad-agad ah.
Raffy: Espren salamat, hindi ka nawala sakin.
Pakiramdam ko nung mga araw na yun wala ng kwenta buhay ko. Hindi ko talaga
kayang wala ka eh, kung hindi man tayo nagkikita sana maintindihan mo na mas
marami na ang obligasyon ko ngayun. Pero kahit na ano pa yan basta tumawag ka
lang, darating ako walang obligasyon ang mas mahalaga kesa sayo. Ok?
James: Pano yan espren lagi akong alltxt wala
akong pantawag.
Raffy: At talagang naluluha ka pa sa sisanabi mo
ah. Lintek ka?
James: hehehe Joke lang yun. Na-mis kasi kita
sobra-sobra.
Raffy: Ako rin, mis na mis na kita. Hehehe sana
una’t huling away na natin yun ah.
James: Oo, pero alam mo mas maganda kung minsan
nag-aaway din tayo. para namimis kita katulad neto. Pero hindi na ganung
katindi. Hindi ko gusto yung pakiramdam eh.
Raffy: Ah tigilan na nga natin yan. Noon pa man
nakokornihan na ako pag ganyan tayo eh.
James: korne pala ah. (sabay batok)
Raffy: ARAY! Gago to. Tara palakasan tayo uminom,
kung sino maunang tumumba, sampung konyat oh, deal?
James: Oo ba. Hehe nagkamali ka ng hinamon. Kaya
ihanda mo na yang ulo mo siguradong bukol-bukol yan.
Raffy: hahahahaha. Kelan ka lng natutong uminom
mayabang kana. Eh ako katorse pa lang tayo malakas na ako uminom at alam mo
yan. Baka ikaw ang mabukulan.
Sobrang dami na naming nainom pero wala pa ring
gusto magpatalo samin. Hanggang sa pareho na nga kaming nalasing. Inihinto na
naming dahil tumatatlo na ang paningin ko. Doon ko lang napatunayan na mas
malakas na nga uminom si James kesa sakin dahil kahit lasing na sya ay
nakokontrol nya pa ang sarili nya. Samantalang ako ay hindi magawang tumayo ng
tuwid. Iniabot ko kay James ang lahat nga perang ibinigay sa akin ni Christian
para sya na ang magbayad. Pagkatapos ay tsaka kami lumabas, inaalalayan ako ni
James. Niyaya nya na akong umuwi nang sabihin kong hindi ko na kayang umuwi at
kumuha na lang kami ng kwarto para doon na magpalipas ng gabi. Sumang-ayon
naman sya dahil sya man ay hindi na rin kaya at gusto nya na ding magpahinga.
Hindi na naming namalayan kung anong klaseng lugar yung napuntahan naming basta
ang natatandaan ko ay nagbayad kami at tsaka dumiretso na sa kwarto. Sinamahan
kami ng roomboy hanggang sa makapasok na kami sa loob. Pareho kaming bumagsak
sa kama at hindi namalayan ang sumunod na nangyari. Langong-lango na ako sa
alak. Sabay kaming nakatulog. Naalimpungatan ako, dahil sa mabigat na nakadagan
sakin at humihimas sa mukha ko, nang matauhan ako ay tsaka lang ako
napabalikwas ng mapansin kong nasa mukha ko ang paa ni gago, dinukot ko ang
aking cellphone sa aking kanang bulsa at nakita kong alas-tres na pala ng
madaling araw. Tumayo ako at iniayos ang pagkakahiga ni James. Nang maiayos ko
na si mokong ay bigla kong napansin ang maamo nyang muka. Tinitigan ko lamang
ito at. Nahuhumaling ako sa pagtitig sa kanya, parang tinutunaw ako sa sobrang
sarap nyang titigan. Habang mahimbing syang natutulog ay sinamantala ko na
sabihin ang mga bagay na hindi ko masabi pag-gising sya.
Raffy: Ang angas ng muka mo ah, bwisit ka
nakaka-inlab kana. Lam mo James di ko pa masiguro pero pakiramdam ko mahal na
talaga kita. Kaya wag ka mawawala sakin ah. Hindi ako nagbibiro ngayun. Gugulpihin
kita pag lumayo ka sakin. At tsaka lagi kang mag-iingat kasi palagi akong
nag-aalala. Pangako ko sayo nandito lang rin ako palagi sa tabi mo hindi kita
iiwan. Hindi na kita iiwan.
Buti naman nag ka balikan na sila. Thanks Mr Author.
ReplyDeletethanks... sana may kasunod na agad haha
ReplyDeletebharu
wow, nice aman. he he he. may kasunod pa ba e2? congratz author.
ReplyDelete