Followers

Saturday, April 9, 2016

Unconditional - Chapter 11

Apologies for the late posting!

Happy Reading!

--

Chapter 11

Kinabukasan ay maaga akong ginising ni Miles para daw maaga kaming makabalik ng Manila at hindi kami ma-traffic. Sinabi niyang magbbrunch na lang daw kami sa isa sa mga gas stations na madadaanan namin sa NLEX mamaya. Kaya naman ay agad na akong nag-impake at nag-ayos ng aking mga gamit bago tuluyang pumunta sa banyo para maligo.

Habang naliligo ay bigla ko namang naalala ang mga sinabi sa akin ni Isaac kagabi. "Mula ngayon ako naman ang magpapasaya sa'yo," na parang isang sirang plaka na paulit-ulit na tumutugtog sa utak ko. Ngunit bukod doon ay mas lalong nakapagpabagabag sa akin ang naramdaman ko kagabi matapos niyang sabihin sa akin iyon. Ang problema pa ay hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang impact ng mga salitang iyon sa akin.

Umiling na lamang ako upang pilit itaboy ang mga naiisip ko tungkol doon. Pinagpatuloy ko na lamang ang paliligo ko at pinilit mag-isip ng ibang mga bagay para i-distract ang sarili ko bago pa ako tuluyang malunod sa mga maling bagay na naiisip ko ukol sa nangyari sa amin kagabi.

Pagkalabas ko ng banyo ay doon ko siya nadatnan. Nang magtama ang mga mata namin ay binigyan ako nito ng isang matamis na ngiti.

"Good morning," ngiting bati ni Isaac sa akin.

"Uhm, morning... bakit ka pawis?" nahihiya at takang tanong ko rito. Hindi na muna ako nito sinagot dahil hinubad muna nito ang t-shirt niya at saka tumalikod sa akin.                  

"Nagjogging lang ako diyan sa labas. Naka-pack ka na ba?" tanong nito sa akin. "Oo," simpleng sagot ko. "Sige, pahinga lang ako sandali tapos maligo na rin ako. Alis tayo by 8." pag-inform nito sa akin na siya namang tinanguan ko.

"Ano bang panaginip mo kagabi?" biglaang tanong nito na siyang ikinagulat ko. "Huh? Parang wala naman akong matandaang napanaginipan ko," takang tanong ko rito. Sandaling kumunot ang noo niya bago magsalita. "You were twisting and turning kasi last night. Parang di ka mapakali, di ka ma-pirme. Parang masama ata panaginip mo," komento nito na siya naman talagang nakapagpaisip sa akin. Panandalian akong nalito hanggang sa mapagtanto ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Ah, iyon ba? Hindi lang ako makatulog," sagot ko.

"Mhhm, bakit naman?" curious nitong tanong.

"Kailangan ko talaga sagutin?" biro ko rito na medyo kinakabahan na. Kung maaari ko lang sabihin na siya at iyong sinabi niya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon ay malamang ginawa ko na. Ngunit syempre, komplikado ang sitwasyon kaya mas pinilit ko na lamang itago iyon.

"Oo. Magkaibigan naman tayo di ba?" pangongonsensya nito sa akin.

"Gago, wala lang yun. Ganon lang talaga, fucked up na ang sleeping pattern ko," pagdismiss ko rito.

"Weh? Pag sa dorm naman maaga ka naman nakakatulog ah! May bumabagabag lang talaga sa'yo. Come on, tell Sacsac!" pang-aasar pa nito sa akin. Sa likod ng pabirong tono niya ay kita ko naman sa mga mata niya ang sinseridad na malaman ang totoo at matulungan ako. Alam kong nakakahalata na itong nagsisinungaling ako ngunit ayaw pa rin nitong pilitin akong magsabi ng totoo kung ayaw ko.

Natigil ang pangungulit nito nang biglang may marinig kaming katok mula sa pinto.

"Guys, be ready in 20 minutes. Aalis na tayo," tawag ni Miles mula sa labas.

"Okay, ate! Ito lang kasing si Kyle ang tagal maligo!" sagot ni Isaac na siyang ikinagulat ko. "Gago ka talaga. Ate, kanina pa ako tapos! Itong si Sacsac nagdadadaldal pa!" protesta ko. Natawa naman siya. "Hahaha! Ang cute niyo! Magready na kayo!" sagot nito sa amin.

"Maligo ka na nga!" asar kong baling rito. TInawanan lamang ako nito bago tuluyang magpunta sa banyo.

Mukhang tinototoo nga niya ang pangako niyang papasayahin niya ako, sabi ng utak ko na siyang dahilan para mapangiti ako na parang isang baliw.
--

Habang nasa biyahe ay may naisip na pakulo ang kasama namin si Carmela para naman daw hindi boring ang mahabang byahe namin pabalik sa Manila. Kakatapos lamang naming maglunch sa isang gas station sa NLEX nang biglang kunin ni Carmela ang atensyon ng lahat ng tao sa loob ng van.

"Guys, I think it's time for some fun. Maglaro tayo ng game. Truth or dare! Pero since hindi naman tayo makakapag-spin the bottle dito, ibang way na lang para malaman kung sino ang sasagot. Mag-exhaust na lang tayo. Paramihan ng mabibigay na examples ng kung anumang category ang ibibigay. Kung sino ang unang mablanko o walang maibigay, dapat sagutin yung tanong o gawin yung dare. G?" anunsyo nito sa grupo. Excited namang lahat na sinang-ayunan ang pakulo ni Carmela.

"Okay, ako na muna magbibigay ng category. Uhm... gulay sa bahay kubo! Singkamas. Go!" pagsisimula ni Carmela.

"Bataw!" sagot ni Derrick

"Patani!" sagot ni Enzo

"Patola!" si Kara

"Uhm, patatas?" nagbabakasakaling sagot ni Patrick. Medyo naghinala na rin ako na hindi masasagot ni Patrick ang tanong na ito dahil halata naman sa kanyang mayaman ito at hindi gaano sanay magsalita ng Tagalog "Boom!" sigaw ni Carmela. "Ayan, so sa ating very easy first category ay may natalo na agad. O, Patrick. Truth or dare?" tanong nito sa binata. Napaisip naman ito. "Uhm, truth na lang," medyo alangang sagot nito. "Guys, mag-isip nga kayo ng tanong," utos ni Carmela sa amin.  "OMG, meron ako!" excited na pagvolunteer ni Kara.

"Heto, kung dalawa na lang ang tao sa mundo, at sinabi ni Lord na dapat magparami ulit ang human race, sino kay Miles at Carmela ang pipiliin mong makasama?" tanong ni Kara na siyang nakapagpatawa sa aming lahat. "Fuck it's so awkward!" reklamo ni Patrick sa aming lahat. "Beh, paano pa sa amin? Doon sa hindi mo pipiliin?" sagot ni Carmela rito na siyang lalong nakapagpatawa sa amin. "Patrick, just remember. Choose me because I know how to please a man," biro ni Miles na siyang dahilan para mamula ang mga pisngi ni Patrick.

"Okay, okay! I'll just go with Carmela," pagsuko nito na siyang dahilan para asarin namin ang dalawa.

"O, ikaw naman magbigay ng category," utos ni Kara kay Patrick.

"Okay. Uhmm... Universities in U-Belt? UST!" si Patrick.

"Uhm, uhm... FEU!" aligagang sagot ni Miles sa isang tabi ko.

"UE!" sigaw ko dahil medyo nadadala na rin ako ng time pressure.

"San Beda!" sagot ni Isaac sa kabila ko.

"Lintek... wait! Wait!" pagpapanic ni Derrick na hindi nakaligtas sa aming lahat. "HIndi na! Wala na! SI Kuya na!" sigaw ni Kara bilang pang-aasar sa kapatid niya.

"Fine!" pagsuko ni Derrick.

"Truth or dare?" tanong ni Patrick dito.

"Dare, because the truth is boring," sagot nito. "Ay wow naman," komento ni Carmela. "O, Patrick ikaw na magbigay ng dare kay Derrick," utos pa nito. "Hmm... would it be okay for you to make out with Kuya Enzo?" nakangising tanong nito kay Derrick. Lahat naman kami ay natawa dahil sa dare na ito ni Patrick nang biglang tumutol si Enzo.

"Hoy wag naman gany--" pagrereklamo nito nang walang ano-ano'y hinawi ni Derrick ang mukha into at siniil ng halik. Lahat kami ay natulala sa nangyayari sa harap namin. Noong una ay nanlalaban pa si Enzo ngunit kalaunan ay nagpaubaya na rin ito. Hindi ko mapigilang hindi mamangha at mainggit sa nakikita ko ngayon sa harap ko. Nami-miss ko lalo tuloy si Eth--

"Uy guys! Guys! Nakakahiya na kayo!" birong pagsaway ni Carmela sa dalawa kaya naman natigilan ang mga ito. Halata sa pamumula ng dalawa na hindi nila intensyon na tumagal ng ganoon ang halikan nila. "Shet, ang weird makitang nakikipag-momol ang kapatid mo," buntong-hininga ni Kara na siyang dahilan para matawa ako.

Nagpatuloy pa ang game at proud ako sa sarili ko dahil palagi akong nakakalusot without having to implicate myself with having to do or answer anything. Wala na namang naganap na halikan o kung ano pa man matapos noon. Puro nakakahiyang mga dare na lamang o mga nakakatawang tanong na lamang ang tinanong matapos noon. Ngunit hindi pala iyon ang dapat ikapag-alala ko.

Tumatakbo ang laro na parang normal hanggang sa matalo si Isaac sa isang category tungkol sa mga hayop na nakikita sa loob ng zoo.

Napailing ito dahil sa frustration ngunit sa huli ay nangiti na lamang dahil sa kahihiyang mararanasan niya matapos ipagawa o ipasagot sa kanya ang kung anuman ang maisipan ng mga kupal naming kaibigan.

"Truth or dare?" tanong ni Carmela rito.

"Truth dahil mas masakit malaman ang katotohanan!" matapang na sagot nito na siyang dahilan para matawa lahat ng tao sa van. To be honest, inexpect ko na rin na ito ang pipiliin nito base sa pagkakakilala ko sa kanya. 

"Ito, ready ka na ba Isaac?" tanong ni Enzo sa kanya. "Ever ready!" masigasig nitong sagot.

"If there is one guy in school you're willing to go gay for, who would it be at bakit?" tanong ni Enzo.

Sa di malamang dahilan ay bigla akong kinabahan.

--

Kinabukasan.

"Bes, nasaan ka ba noong weekend? Pinuntahan ka namin ni Benj sa dorm mo, yayayain ko sana ikaw magdinner pero sabi ni Ate Gina wala ka daw. Actually, wala daw kayo ni Isaac... Hmm, I smell something fishy..." nakangising pahayag ni Janine matapos ang mga pang-umaga naming klase. Sila Luke, Marco, at Benj naiwan pa sa loob ng classroom dahil hindi pa nila tapos ang essay na pinapasulat sa amin ng prof namin sa Social Psychology.

"Ulol. Nag-outreach kami sa Tarlac. Volunteer siya doon, hinatak lang niya ako. Nagmedical mission kami and feeding program," paliwanag ko rito. Bigla namang nagliwanag ang mga mata ni gaga. "O em! Bakit hindi mo kami niyaya? Parang ang saya pa naman magvolunteer!" reklamo nito sa akin.

"Hindi naman ako may event noon. Dapat si Sacsac--si Isaac ang nagyaya sa'yo," baik ko sa kanya. Doon ko narealize na hindi ko na pala naitama ang pagtawag ko kay Isaac. Masyado ng nagstick sa akin ang tawag sa kanya ni Tantan na siyang ikinatuwa ko talaga. "Kaloka! Nagweekend lang, may pet names na agad?!" gatong nito sa akin. Pabiro ko itong sinuntok sa braso.

"Oo na, titigil na nga eh but seriously... parang kanina ka pa lutang. Parang may nangyari noong weekend na gumugulo sa'yo, and don't lie, alam mo namang magaling akong bumasa ng tao! Shet kaya bagay talaga ako dito sa Psych!" daing nito. And as much as I hate to admit it, tama siya. Magaling talagang bumasa itong si Janine ng tao kaya naman minsan nagpapasalamat ako sa kanya dahil alam niya agad kung may problema akong dinadala, ngunit gaya ng mga pagkakataong ito kung saan may gusto akong itago, dito ako naiinis sa talento niya.

"Uhm, mamaya ko na lang kkwento sayo? Merienda tayo, tayo lang?" alangan kong anyaya rito.

"Date tayo? Sige! G ako diyan!" tuwang-tuwang pagpayag ni Janine sa alok ko.

"Basta magkkwento ka ah!" banta pa nito sa akin.

"Oo na, oo na!" pagsuko ko.

--

"Punta kayo sa weekend sa amin sa Laguna," out of the blue na pagsingit ni Marco sa conversation namin habang naglu-lunch kaming barkada.

"Anong meron?" tanong ni Benj rito.

"Eh kasi si mama... ayoko naman, pero dahil 18 na naman daw ako eh..." nahihiyang paligoy-ligoy nito ang bigla kong maalala kung ano nga ba ang meron sa date na iyon.

"Uy! Birthday mo nga pala!" biglaan kong bulalas sa usapan. "Uy thanks, naaalala mo pa pala," nahihiyang sagot ni Marco. Medyo naninibago na talaga ako sa kanya. Napansin ko kasi na nagiging tahimik na ito lately. Hindi na siya iyong dating kupal na maingay na magulong kaibigan ko. Tila ba nahihiya na ito. Naisip ko na lamang na baka dahil bago pa lamang siya sa grupo namin kaya hindi pa niya alam kung saan siya lulugar.

"Shet! Overnight ba 'yan?!" sabik na tanong ni Janine. Nang tumango si Marco ay biglang napapalakpak si Janine. "Oh my Gosh! Excited na ako!" pahayag nito. Tumango naman ang boyfriend niya na mukhang excited rin.

"O, sama ba kayo?" patungkol na tanong ni Marco sa aming dalawa ni Luke.

"Sige, I think papayagan naman ako ni dad," reply nito. Binaling naman ni Marco ang atensyon niya sa akin. Nagtama ang mga mata namin at doon ay nabasa ko na tila nage-expect siya na sumama ako. "Sige na, Kyle. Matagal ka na ring hindi nakikita ni mama," pagkumbinsi nito na siyang nakapagconfirm ng hinala ko.

"Sige, miss ko na rin naman si Tita Pinky," tango ko kay Marco.

"Yes! Okay, exciting 'to!" galak na galak niyang sabi sa aming lahat.

"Uy, sama na rin natin si Isaac! Kyle, di ba sabi mo hindi siya umuuwi ng weekends? Sama na rin natin siya! Okay lang ba Marco?" tanong ni Janine rito.

"Palengkera ka talaga. Uy wag ka na mag-invite, di mo naman 'to party!" pagbasag ko rito. Alam kong hindi naman siya mao-offend dahil matagal ko na siyang inaasar na palengkera.

"Hindi, Kyle. Okay lang. Mas marami mas masaya," simpleng tugon nito. Hindi ko alam kung masyado lang ba akong nag-iisip pero tila nabawasan ang saya ni Marco nang sagutin niya ang mungkahi ni Janine.

--
Nagdesisyon kaming pumunta ng mall ni Janine para doon na lamang magmeryenda. Sabi niya ay may titingnan din daw siya roong damit na gusto niyang bilhin kaya naman ay pumayag na rin ako sa suhestyon niya. Pagdating namin doon ay pumunta kami sa paborito naming pizza place at doon ay umorder na lamang kami ng isang pizza at pasta na siyang paghahatian namin.

"O ano na? Magkwento ka na. Lumalamig yung pagkain pero yung chika mo ang init-init pa," banat nito pagdating ng mga inorder namin.

"Ng ano ba?" pagmamaang-maangan ko.

"Kay Papa Isaac! Anong nangyari noong weekend at parang may iba sa'yo ngayon? You're practically glowing! Grabe, kung ano man ang nangyari, I am sure na medyo matindi iyon. Ang tagal ko ng hindi kita nakitang ganyan kaya ikwento mo na," pagpupumilit nito.

"Well... ano, medyo nag-open up nga sa akin. Basta, it all started noong Friday. Di ba sinamahan ko si Luke maghanap ng gift para sa mommy niya noong Friday? After naming magdinner, pagdating ko sa dorm, nakita ko siya, nakaupo siya sa sahig tapos umiinom ng alak," pagsisimula ko na siyang ikinasinghap ni Janine. "Hala! Hindi ko alam na umiinom pala si Isaac?" medyo gulat na tanong ko.

"Umiinom naman siya. Noong nag team building kami uminom siya pero konti lang. Noong Friday medyo lasing na siya tapos iyak siya ng iyak sa akin kasi nagbreak na sila ni Charie," pagpapaliwanag ko.

"Sabi na nga, eh! Jusko kung maka-akap kay Anton 'yang babaeng 'yan... kawawa naman si Isaac," reaksyon ni Janine.

"Oo nga eh, tapos umiyak siya sa shoulders ko. I mean, siya mismo yung naglagay ng ulo niya sa balikat ko. Pakiramdam ko kasi wala siyang makausap about it. Dati pa medyo may nabanggit na kasi siya sa akin na parang idea lang daw ang tingin sa kanya ni Charie, na doon sa idea ng Isaac siya in love at di doon sa tao mismo. Ayon, pero nagulat na lang ako na nagbreak na sila. Naiiyak siya kasi syempre malungkot siya, pero I think it's mostly frustration. Sino bang mag-aakalang ang dami pala niyang insecurities?" pahayag ko.

"Mhhhm, pero hindi naman talaga deserve ni Charie si Isaac so I guess good riddance, right? Pero beh, ano bang nangyari noong weekend sa outreach niyo?" tanong ni Janine.

"Well, ayon... pero bago iyon. Grabe pala. Sobrang mahal niya yung ginagawa niya. May time na may nag-away na dalawang bata tapos sinettle niya. Doon talaga ako humanga sa kanya. Pero ayon, since overnight iyon, nagstay kami doon sa bahay ng isa sa mga kasama naming volunteers sa Tarlac. Since malaki yung bahay nila, pumwede yung dalawang tao per room, so roommates ulit kami. Doon ano, inamin niya sa akin na dahil daw sa akin kaya siya umalis sa condo nila Jerome..." nahihiya kong pagkkwento rito.

"Hala! Bakit? Anong kinalaman mo doon?!" gulantang na tanong niya gaya ng inasahan ko.

"Napag-usapan daw nila ako... alam mo naman na ayaw ko sa grupo niya di ba? Kaya nga di ko alam bakit close si Isaac sa kanila... but anyway, ayon... pinag-usapan nila ako and I guess Jerome was being Jerome, kung anu-ano siguro sinabi tungkol sa akin. Umalis siya kasi sabi niya hindi daw niya nagustuhan, kasi daw hindi tama, kasi daw kilala niya ako at kaibigan niya ako..." pag-amin ko.

Panandaliang natahimik si Janine bago siya nagsalita.

"So you mean to say... na sobrang care niya sa'yo na ginawa niya yon? And wala naman talaga siyang balak sabihin sayo noong una?" pagkumpirma nito.

"Siguro..." ako.

"Oh my God... ang... I don't know," si Janine.

"What's weird is that... tingin ko may hinala na siya tungkol kay Ethan. Lagi niyang binibring-up sa akin, kasi siguro akala niya na he dumped me kaya malungkot ako... sabi niya from now on, siya na daw ang magpapasaya sa akin," sabi ko kay Janine.

"Oh my God! So ano? Gusto ka niya?! Hindi ba hindi niya alam na crush mo siya? Di ba straight siya?" sunud-sunod na tanong niya.

"Tangina! Kaya nga gulung-gulo ako! Masyado kasi siyang open sa akin ngayon, parang sa akin niya lahat nilalabas. And kilala ko naman siya na caring and affectionate kaya hindi ko alam if I should read more into it... and what's worse, noong nag truth or dare kami ng mga kasama namin, sinabi niyang if there's one guy he'd go gay for... ako daw yun!" dagdag ko pa. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko at ang pamumula ng mga pisngi ko habang sinasabi ko kay Janine ang mga bagay na ito.

"Shet! Sino bang mag-aakalang si Isaac pala?!" reaksyon niya na agad ko namang pinabulaanan.

"Huy! Wala naman siguro iyon!" protesta ko. "Straight 'yun. Mabait lang talaga siya," depensa ko. Ayokong pag-isipan kasi ng iba si Isaac.

"Tingnan na lang natin. Beh, if this is for real, then go. Mabait siya, nasa kanya na ang lahat. Swerte mo sa kanya," tugon ni Janine.

--

Pagbalik ko ng dorm ay nadatnan ko roon si Isaac na nakahiga sa kama niya at nagbabasa ng libro. Nang magtama ang mga ngiti namin ay binigyan ako nito ng isang matamis na ngiti na siya rin namang sinuklian ko. Doon ay bigla kong naalala ang sinabi ni Janine kanina tungkol sa posibilidad na maaaring may nararamdaman na nga para sa akin si Isaac, ngunit gaya ng lagi kong sinasabi sa sarili ko, huwag dapat akong magpadala sa agos ng damdamin hanggang walang kumpirmasyon ang kung anumang haka-haka ang mayroon ako.

"Saan tayo kakain? Gutom na ako, eh." nahihiyang bungad nito sa akin na siya agad na tinawanan ko. Tiningnan ko ang relo ko at nakita kong alas sais na pala.

"Nagmerienda kami ni Janine. Medyo busog na rin ako pero pwede naman kita samahan. Order na lang ako ng konti," tugon ko.

"Sige. Thanks!" pasalamat niya.

"Bakit nga pala ang aga mo? Hindi ba Mondays ang council GA's niyo?" nagtatakang tanong ko rito. Umalis ito sa pagkakahiga at umupo sa gilid ng kama niya.

"Yeah, pero kinancel ko muna. Gusto ko lang makonsensya sila ng konti dun sa hindi nila pagsali sa outreach," tugon nito. Halata ko pa rin sa kanya ang pagkadismaya dahil doon. "Buti nga sumama ka eh. Hay nako," pagrereklamo pa nito.

"O, kakain na ba tayo?" tanong ko na lang para mabago ang usapan. Hindi naman ako nabigo at biglang sumigla muli ang pagmumukha nito. "Sige sige!" excited nitong tugon bago tuluyang bumangon at isuot ang tsinelas niya.

--

Paglabas namin ng dorm ay naisipan niyang sa isang tapsihan na lamang kami magdinner. Dapat sana ay hindi na ako oorder ngunit nang makita ko ang mga pagkain roon ay natakam ako kaya naman napasubo na rin ako. Umorder ako ng liempo at siya naman ay tapa. Tahimik lamang kaming dalawa habang iniintay ang order namin.

"Itong taong 'to ang payat-payat pero ang daming kinakain," puna ko agad nang makita ang order nitong ulam at dalawang extra rice.

"Exercise kasi," bara nito sa akin.

"Eh tumatakbo ka lang naman lagi sa umaga. Hindi ka naman naggym o sports pero ang ganda ng---" at nang marealize ko ang mga salitang lumalabas sa bibig ko ay agad na lamang akong napatigil dahil sa kahihiyan. Ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko.

Tiningnan ko kung ano ang magiging reaksyon niya. Panandaliang blangko ang mukha nito bago tuluyang ngumisi ng nakakaloko.

"Ano ulit 'yun?" pang-aasar nito, na as if hindi pa sapat ang pagkapahiya ko kanina. Bwiset kasing bunganga ito!

"Wala," simpleng sagot ko at ipinagpatuloy na lamang ang pagkain ko.

"Ano nga 'yon? Narinig ko na eh. Ulitin mo na!" pagpupumilit nito. At kahit pa nahihiya na ako ay medyo natuwa rin ako sa naging reaksyon nito, na ang ibig sabihin ay walang kaso sa kanya iyon.

"Sabi ko ang taba mo!" iyon na lang ang tanging naitugon ko bago ko ipagpatuloy ang pagkain ko habang nakayuko at hindi makatingin sa kanya.

Narinig ko na lamang ang paghagikgik nito.

"Crush niya ako, oh..." bulong nito na siyang dahilan para mapatingala ako sa kanya at matigilan.

"Joke lang! Masyado kang tensed!" natatawa nitong pagdismiss sa sinabi niya marahil dahil sa nakita niyang reaksyon ko. Hinugot nito ang cellphone niya sa bulsa niya, panandaliang may hinanap at iniharap ang screen sa akin. Doon ay nakita ko ang isang larawan ni Isaac.

"Oh... kaya pala. You do contemporary dancing?" hindi ko makapaniwalang reaksyon patungkol sa larawang ipinakita niya. Nakatayo roon si Isaac na may puting polo na nakabukas lahat ng butones, puting pantalon. Nakataas rin ang isang paa nito, pointed toes and all. "Hindi ko alam na sumasayaw ka pala!" tudyo ko pa rito. "Parang wala yatang may alam niyan?!" dagdag ko pa.

Natawa naman ito.

"Yup. Most people don't know this, but both my parents are actually artists. Director si dad and painter si mama. Kami ng kapatid ko habang lumalaki kami, they gave us the freedom to choose whatever art form we'd like to focus on. 'Yung ate ko, hayon, nagphotography. Weird pero dancing ang pinili ko. Inenroll kasi ako ni mama sa ballet school noong bata pa ako tapos doon ko nadiscover 'yung contempo..." pagpapaliwanag nito.

"Nice, nice" ngiting tugon ko.

"Hindi na ako gaano sumasayaw ngayon pero marunong pa naman ako. Hindi ko na pinagkalat dito, hindi dahil sa nahihiya ako o ano, pero I just don't see the need to. Baka maabala pa ako eh ang dami ko na ngang ginagawa. At saka gusto ko na meron akong outlet na parang private outlet ko sa pagexpress ko ng emotions ko. So weird talaga na nagpharmacy ako. Tapos siguro NMAT pa ako this year. Hindi ko rin alam kung bakit gusto ko subukang magdoctor. Noong una, ayaw ng parents ko pero wala rin naman silang nagawa so sinuportahan nila ako," pag-explain niya.

"Ahh... So after this sem after ng grad niyo mag-med ka na?" tanong ko sa kanya, still fascinated sa mga nalalaman ko.

"Siguro? Hindi ko alam. Hindi ko pa rin naman sure kung mag NMAT ako... baka magwork muna ako," sagot nito.

"Parang ang saya ng pamilya mo," komento ko.

"Oo naman. Which reminds me... kapag umuwi ako ng Makati, sama kita. Pakilala kita sa family ko. Tingin ko magugustuhan mo sila. Very open sila, medyo weird pero mahal ko sila," pag-anyaya nito. Natouch naman ako sa imbitasyon niyang iyon.

"Sige. Oo nga pala! Free ka ba sa Saturday?" tanong ko nang maalala ko ang patungkol sa birthday ni Marco.

"May meetings ako eh... pero bakit? Anong meron?" tanong nito. Medyo nadisappoint naman ako sa naging sagot niya pero alam ko namang busy siyang tao kaya hindi na rin ako gaanong nagulat.

"Birthday kasi ni Marco sa Sabado. Overnight sa kanila sa Laguna. Niyayaya ka niya," sagot ko.

"Really? Ang saya naman niyan! Sige sasama na ako," ngiting sagot niya na siyang ikinagulat ko.

"Huh? Akala ko ba marami kang meetings?" tanong ko rito, nagtataka.

"Wala, joke lang. Tinatamad lang ako hahaha!" biro nito.

"Gago!" sagot ko sa kanya.

"Maganda naman katawan!" parang batang pang-aasar nito, at muli ko na namang naalala ang katangahan ko dahil roon.

--

Marco.

Pagod na pagod akong dumating sa bahay matapos ang dalawang oras na biyahe. Ngayon ay nagsisisi na talaga ako kung bakit hindi ko inasikaso ang accommodation ko sa Manila pagbalik ko from London. Kung ganito ba naman araw-araw ang mararanasan ko, dagdagan pa ng kailangan kong gumising muli ng maaga bukas... ewan na lang.

"Ma, dito na ako!" sigaw ko pagpasok ko ng pinto.

"Nasa kusina lang ako!" sagot ni mama kaya naman pinuntahan ko siya. Nagmano naman agad ako sa kanya.

"Kamusta?" tanong niya habang naghahain ng makakain namin. Agad naman akong umupo sa la mesa at nagsimulang kumain ng hapunan.

"Ayun, ma... pagod sa biyahe," tugon ko rito. Mataman akong tiningnan ni mama bago magsalita. "Si Kyle? Sinagot ka na ba?" tanong nito na parang wala lang sa kanya ang mga sinasabi niya.

Matapos naming mag-usap ni dad sa London ay inamin ko na rin kay mama ang mga saloobin ko tungkol sa mga nangyari. Inamin ko rin sa kanya na baka nga may posibilidad na may nararamdaman na rin ako para kay Kyle. Nagulat naman ako dahil parang hindi na niya ginawang big deal pa iyon kahit takot na takot ako nang umamin ako sa kanya. Katwiran niya ay dapat naman daw ay normal lang iyon kaya naman hindi na niya ginawang issue.

"Hindi ko pa sinisimulan. May pinagdadaanan eh...namatay pala ex niya," balita ko kay mama na siyang nagulat.

"Hala, kawawa naman siya..." concerned na sagot nito sa sinabi ko. Tumango naman ako.

"Kaya nga eh... binibigyan ko muna ng panahon," sagot ko rito na siyang sinagot lamang ni mama sa isang tango. "Pupunta ba sila dito sa Sabado?" tanong nito na siyang nakapagpangiti sa akin.

"Yes, ma," sagot ko.

"Good," ang tanging reply niya.

Matapos kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko. Kakahilata ko pa lamang sa kama ko nang magring ang phone ko. Nang makita ko kung sino ang nasa caller ID ay agad ko itong sinagot.

"Janine! Teka nga... bakit mo nga ba niyaya si Isaac dito? Kala ko ba tutulungan mo ko pero inaya mo pa yung crush niya?" agad kong pagrereklamo dito nang maalala ko ang nangyari kaninang umaga.

"Relax! I think mas mabuti nga iyon para makita mo at mabantayan mo sila, kasi honestly.... I'm worried," sagot nito.

"At bakit naman?" nagtataka kong tanong.

"Nagkwentuhan kasi kami ni Kyle kanina... at base sa judgment ko, medyo okay na siya," si Janine.

"So? Hindi ba mabuti iyon?" tanong ko.


"Yes, but sa tingin mo ba kung si Isaac ang dahilan noon okay lang sa iyo?" pahayag nito na siyang ikinatahimik ko. "Marco, I think kailangan mo ng gumawa ng move, kasi feeling ko hindi malabong magkagusto rin si Isaac kay Kyle, eh..." pag-amin nito na siyang dahilan para tuluyan akong matahimik.

7 comments:

  1. TeamIsaac here!!

    Friends nalang sila ni Marco kasi marami naman silang napagdaan haha

    _Vin

    ReplyDelete
  2. Omg ugggghhj fhsjsjsmdd binasa ko ulit to since anlakas talaga makabitin ng chapter na to, nakakatuwa na nakakainis lol! Sobrang excited na ako sa susunod na kabanata! Keep up the good work, sir A!

    ReplyDelete
  3. TEAM Isaac,, haha, pero gusto ko p rn mangyari yung twist na buhay pa si Ethan :)

    -Rave

    ReplyDelete
  4. Galing ng kwento sobra. Isaac- kyle dapat magkatuluyan. Atsaka maghiganti si kyle kay marco haha..sana mkaupdate kaagad.

    -Zack

    ReplyDelete
  5. NASA n po chapter 12

    ReplyDelete
  6. San NA yung author nito.
    Sinundan ko yung mga kwento mo dati sana tapusin mo din po to.

    ReplyDelete
  7. Wala ng karugtong? Sayang naman...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails