Ito'y para sa bayan,
Prinsipyong 'di mo matalikuran.
Dahilan ay 'di malaman,
Ng nagmamahal sa girerong
patuloy na lumalaban.
Ngayon ikaw ay nagbalik
Marami ang nasasabik
Muling makita ang iyong ngiti
Sa iyong labi ay mamutawi
Lungkot sa mata ang tanging nakita
Bagsak ang pisngi at walang gana
Musika ng paglaban, lungkot at pag-alala
Sa nakikinig, pinahayag at pinadama
Nais kong sabihing ayos lang yan
Kahit katotohana'y "hindi naman"
Mabigat ang loob at nahihirapan
Pusong pagod, pano mapapagaan?
Sinong sayo'y makakapagpangiti?
Sa iyong tabi sana sya'y palagi
Mabalik ang galak sa pusong ngiwi
Panandaliang kalimutan ang sidhi
Nais kong makipagkwentuhan
Bagay na di pa nagagawa kailanman
Mga nangyari at karanasan
Magawang masilip nakatagong larawan
Sa pag-uwi, sa loob ay labag
Di malaman nasaan ang habag
Malamang ito'y sa kapakanan
Sa paglaban, may iba pang paraan
Sa girero'y lihim na nagmamahal
Ang tulad kong mandirigma'y nagdarasal
Makamit, ibalik ang dangal
Mithiin ay ipaglaban, walang pagal
Di ko naman talaga alam ang istorya
Lahat ay base lang sa nakita
Naapektohan sa matamlay mong presensya
Marinig mo man ito at mali, pasensya na
Hindi hinihinging ito'y mapansin
Nais lang ipadamang nagmamalasakit din
Tula ng pagdamay, paghangang laan
PARA sa natatangi kong kaibigan.
ginawa ko to dati... dedicated sa lihim kong minamahal na muntik ng sumapi sa mga rebelde sa baguio... meron kasi akong isa pang kaibigan na sumapi duon, ngaun pinaghahanap sya...
No comments:
Post a Comment