Sa di kabisadong lugar
Ako'y inabot ng lahar
Sa pwesto'y di makaandar
Sa sitwasyong di pamilyar
Abo ang nasa paligid
Sa hangin din ay nabatid
Sa mata'y tanging balakid
Ngayo'y di makapagmasid
Di malaman san papunta
Hanggang ikaw ay makit
Nakatayo sa may plaza
Wari koy'y naghihintay ka
Ika'y aking nilapitan
Upang tanungin ang daan
Minungkahi mong samahan
Ako, patungong labasan
Natupad ang aking hangad
Makasabay sa paglakad
Paang ayaw nang umusad
Loob ko sayo'y nabilad
Abo'y nakalimutan na
Biglang luminaw ang mata
Liwanag sayo'y nakita
Paligid ay nagkasigla
Nang nasa krus na daanan
Ika'y lumakad ng dahan
Ari pa ba kong samahan
O ito ang katapusan
Bumalik abong malamlam
Sa akin ay nagpaalam
Hiling mo ay wag magdamdam
Dahil iba iyong asam
Nagkamali sa paghusga
Nabulag ang mga mata
Akalang makakasama
Tungo mo ay iba pala
Humanap lang ng kasabay
Sa gawa mong paglalakbay
Makasama ko'y di tunay
Bakit ba di pa nasanay
Tinahak ang pasilangan
At kita'y pinagmamasdan
Mula rito sa kanluran
Di tukoy mararamdaman
Ngunit hindi ka lumingon
Kung san ako naroroon
Napaupo sa may kugon
Isip ko'y di na matunton
Lugar sa akin may awang
Bagay pilit tinitimbang
Tuloy sa paglakad na lang?
O ako naman mag-abang?
abang-abang lang lagi hanggang may matisod
ReplyDelete???
Deletesalamat madami pa namang oras eh
Delete