Followers

Friday, March 22, 2013

Look at me with Love Part 5 – John



Look at me with Love Part 5 – John
By: simonusimon
Add nyu din ako sa fb simonusimon@gmail.com
                Hi dear readers, may big news ako, need ko din ng answer at pag-unawa… Nung last na part 4 kasi may nagcomment haha, nabahala ako, kung masyado na bang predictable ung istorya ko or what. Hehehe. Syempre gusto kong mapasaya pa kau, hehehe, actually isa akong kritiko(kuno) sa mga pinapanuod kong movie, gusto ko na nag-iisip ung mga manunuod. Ganun din ditto, gusto kong mag-isip din kau, para exciting, hehehe. May dalawa akong iniisip;
                Una ay tatapusin ko na ito, hanggang part 7, naisip ko na ang dalawang part nay un. Pangalawa ay magtatake muna ako ng bakasyon…. Haha, 3 days, pag-aaralan ko muna mula simula, para mas maging exciting to. Di naman kasi ako witer talaga, wala nga akong outline nito e. Sorry. Hehehe. Un, sana maintindihan nyu… pero syempre mas gusto kong matagal pa tayong magkasama ditto lalo na sa aking unang blog. Gusto kong matuwa kayo. Hehe. Comment nalang po kau.
                Maraming salamat pala sa mga nagcomment kua pjberdz, kua Robert_mendoza94@yahoo.com at sa mga patuloy na nagbabasa. Overwhelmed po talaga ako sa number ng nagbabasa. pero syempre wala parin akong binatbat kina kuya mike heheheh
                Last na at pinakaimportante…. GRADUATING NA AKO THIS APRIL, TUMATANGGAP AKO NG REGALO. BWAHAHAHAHA
                “Yaya?” si John.
Si John ay isa sa sakay ng delivery truck na nakabungguan namin ni Justin. Nakisabay sya sa kanilang company delivery truck. Sa edad na 22 ay siya na ang nagmamanage ng kanilang negosyo sa kadahilangang abala ang kanyang mga magulang  sa kanialang ring negosyo sa ibang bansa.
Kasalukuyan syang na sa ospital. May benda sa ulo at katawan, maraming natamong sugat dahil sa aksidente. Agad naman syang nilapitan ng kanyang yaya. “Anak, salamat at nagkamalay ka na.” wika ng matandang babaeng yaya ni John. “Ayos ka na ba? May masakit ba? Anong nararamdaman mo?”
“Ya, wala akong makita” nanginginig na boses ni John.
Pagkagulat at pag-alala naman ang mababakas sa mukha ng matanda. “Sandali tatawagin ko ang duktor.” At mabilis na nilisan ng matanda ang kwarto para puntahan ang duktor.
Ilang sandali lamang ay kasama na n matanda ang duktor at agad sinuri si John. “Natamaan po ng maraming bubog mula sa salamin ng sasakyan ang kanyang mata at naapektuhan ang ugat nito. Nagkaroon ng failure sa pagpoproduce ng tubig sa kanyang mata.”
“Dok, anu pong ibig nyung sabihin? Makakatita pa ba ako?” Tanong ni John na maririnig ang garalgal na boses nito.
“Titignan natin kung ang pressure sa mata mo ay macocontrol natin, pero kailangan ko parin magsagawa ng mga tests pa.”
Makalipas ang isang linggo, pagkatapos ng maraming paulit ulit na test ay lumabas ditto na hindi na makakakita si John. Ang tanging paraan lamang ay through transplant, naapektuhan ng labis ang kanyang cornea sa nangyaring aksidente.
Agad naman silang nakakuha ng eye donor sina John at ang kanyang yaya. Agad ding ginawa ang transplant. Matapos ang operasyon at ilang araw pa ang lumipas ay dumating na ang araw ng pagtatanggal ng benda sa mata ni John. Mga huling paalala ng duktor bago tanggalin ang benda. Kitang kita sa mga labi ni John ang pagkasabik na Makita muli ang paligid na minsan nyang akalaing di na makikitang muli.
Dahan dahan ay iminulat ni John ang kanyang mga mata. Sa umpisa ay Malabo nyang nakita ang imahe ng kanyang yaya at ng duktor, at unti unti ay lumilinaw ang lahat.
“Ahhhhhh…” sigaw ni John.
“Anak bakit?” agad na pagtatanong ng matandang babae sa alaga?
“May nakita po ako, lalaki, duguan.” Takot na pahayag ni John.
“Dok ano po ung nakita ko?” dagdag nito.
“Huminahon ka, marahil isa ito sa mga huling imahe na nakita ng donor mo, normal ito, wag kang mag-alala, mawawala din ito” pagpapakalma ng duktor kay John.
Lumipas pa ang ilang buwan, kalagitnaan na ng semester, January 14, pumunta ako sa sementeryo para dalawin si Justin. Nagulat na lang ako ng may madatnan akong mga bulaklak, sariwa pa ang mga ito. ‘Sino kaya ang dumalaw ditto? Sayang di ko naabutan.’ Sabi ko sa sarili ko. Unti-unti ko ng natatanggap lahat ng nangyayari. Masakit. Pero kailangan kong makamove on. Sigurado naman akong malulungkot si Justin kung makikita nya akong labis paring nagdadalamhati sa pagkawala nya.
“Justin… Mahal ko, miss na miss na kita. Nakakatulog k aba dyan kahit di ko na nahahalikan ang mata mo?” Wika ko. “Pasensya ka na kung natagalan bago uli ako nakadalaw sayo. Masakit pa rin kasi e. ikaw naman kasi bakit mo pa ako iniwan. Tumulo ang aking luha na agad ko namang pinunasan at nilakipan ng ngiti. “sorry, nakakaiyak talaga e. Wala na talagang makakapalit sayo.” I Love you! Mahal na mahal kita. Lagi mo akong bantayan ha” Umihip ang hangin. “Salamat. Alam ko nandito ka lang sa tabi ko. Sige di na ako magtatagal. Bye mahal ko”
Sa bahay ni John… “Anak san ka ba galing? Gabi na ah. Tumawag ang mama mo di mod aw sinasagot ang telepono mu?” tanong ng matandang yaya ni John.
“Dumalaw po ako sa donor ko” si John
“Nag-aalala na ung mga ung mga magulang mo”
“Di naman po siguro, baka may ipaaasikaso nanaman po yon sa negosyo” biglang naiwika ni John.
“Anak wag ka namang mag-isip ng ganyan” may pag-alalang wika ng matanda.
“Totoo naman yaya e” may sama ng loo bang tinig ni John. “Nabulag at nakakita ako ng hindi ko sila nakikita. Wala ngang pinagkaiba ngayon para pa rin akong bulag na hindi Makita ang pagmamahal ng mga magulang.”
“Anak” pagsuyo ng matanda “para naman sayo lahat ng ginagawa nila e” at niyakap niya ang alaga nya.
“Ya, salamat. Buti nalang nandito ka. Salamat po.”
Tumungo na si John sa kanyang kwarto para makapagpahinga. Hanggang ngayon ay marami pa rin ang gumugulo sa isipan nya. Kaya sya dumalaw sa sementeryo ay para magpasalamat sa kanyang donor. Marahil sa ganoong paraan ay mawala ang mga imaheng nakikita nya. Sinubukan ng matulog ni John ngunit Naalala nya lagi ang imaheng nakita nya nuong nasa ospital sya. Napakaamo ng mukha nito, puno ng pagmamahal at pag-aalala ang nakita nya habang duguan sa loob ng kotse.
                Muli ay sinubukan ni John na magpahinga na, ngunit mistulang ayaw pumikit ng kanyang mga mata. Simula nung matapos ang operasyon ay nahihirapan na syang matulog. Nahihirapan syang ipikit ang mga mata na parang may iniintay.
Itutuloy…

12 comments:

  1. Ako 'to yung anon. na nakapredict sa twist ng story mo. Mr. Author, for me mas maganda kung hindi mo agad ito tatapusin. Hindi naman porke't may nakahula sa itatakbo ng kwento mo mawawala na yung excitement namin bilang mambabasa. Mas lalo nga tuloy naging kaabang-abang ang mga susunod na eksena.

    Maganda naman yung tinatahak na daan ng kwento mo. Looking forward kami kung paano mo pagtatagpuin ang landas ng mga main characters mo.

    Kung tatapusin mo ito with two remaining chapters parang you will leave us all hanging. Alam ko at nararamdaman ko namang kaya mong lalong pagandahin ito.

    Basta go! go! go! lang para tuloy ang ligaya. Dapat mas marami pang kilig moments na mangyayari kina kuya justin/simon/john.

    Hoping for more chapters to come!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ikaw ang dahilan ng lahat! joke hahaha thanks kasi chinallenge mo ako... hehehe... salamt uli!

      Delete
  2. good job mr. author..

    JAP

    ReplyDelete
  3. Tama ang nasa taas ko. :p

    Maganda talaga yung pagkakagawa mu. Medyo bitin lang kasi mejo maiksi. Hahaha

    ituloy mu lang mas gusto ko ang mga smooth sailing na story! Simple pero kaabang-abang.

    jaceph_elric@y.c.

    ReplyDelete
  4. dagdagan daw kilig moments Mr.Author! Nakakaadik eh hahaha..grats and keep it up..mwah c: Chef Robz Cruz

    ReplyDelete
  5. It doesn't matter if it is predictable or not. The important thing is the consistency of the story. Mr. Author, your readers are always excited and interested for this story that you made.

    Go! mr. Author we're here to support you. Excited for the next chapter!

    JaP

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat mr jap! yey it's good to hear that! salamat po!

      Delete
  6. wow salamat naman at mabilis ang UD.... pero ang ikli naman... bitin ako ngayon ah... :-)

    ReplyDelete
  7. Maganda sana kung di lang mabilis ang pacing. :|

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails