Bughaw...
Sumisimbulo sa kulay ng walang kaulap-ulap na kalangitan na siyang nagtatago ng mga bituing hindi kayang masilayan ng mga payak na mata sa kinaarawan...
Ang kulay na nagpapatunay ng pagiging maharlika ng isang Hari at Prinsipe...Ang kulay na karaniwang pinipili ng isang batang lalaki upang sumimbulo at malakas niyang maipahayag ang kaniyang kasarian...
Ang kulay na karaniwang ginagamit sa maskara ng isang nilalang upang maitago ang kaniyang tunay na lihim na pagkatao na kaniyang kinakatakutang mabunyag...
...
...
...
Lumunok si Enzo at naramdaman ang masakit na pagkakagasgas ng kaniyang lalamunan dahil pakiwari niya'y natuyuan na siya ng laway dahil sa buong gabing ginawa niyang pag-iyak. Hindi na niya nakayanan ang ginagawang pakikitungo sa kaniya ng kaniyang kuya Bert. Ang tanging nagawa lang niya kaninang hapon ay tawagan ang kaniyang mahal na nanay upang kumuha ng lakas na loob.
Naka-usap din niya ang kaniyang mapag-arugang ate. Ang tanging paalala lang sa kaniya ng dalawang babaeng nagpalaki, tumingin at nangalaga sa kaniya'y magtiis-tiis muna sa pagka-homesick hanggang sa makatapos siya. Hindi nakayanang ipagtapat ng binatang si Enzo ang tunay na dahilan ng kaniyang kalungkutan sa kaniyang mapagmahal na ina at ate.
Buong lakas ng loob na nagdesisyon sa gabing yaon si Enzo na tanggapin nalang niya sa sarili na galit sa isang baklang katulad niya si Bert at pagtitiisan nalang niya ang malamig nitong pakikitungo.
Nagdesisyon si Enzong kalimutan at iwaksi ang kung anumang nararamdaman niya para sa kaniyang kuya Bert. Kahit na mahihirapan siyang gawin iyon dahil araw-araw niyang makikita si Bert at higit sa lahat ay nakikitira siya ng pansamantala sa bahay nito.
Huminga ng malalim si Enzo upang tuldukan nito sa kaniyang puso ang pinakamahirap na desisyon na kaniyang ginawa sa kaniyang buong buhay...
Tumayo si Enz' t nagtapi din ng tuwalya. Nakasanayan na niya ang matulog na naka-undearwear lang na mismong si Bert ang nagturo't nagpakilala sa kaniya...
Ang kaniyang kuya Bert na laging ginagambala ang kaniyang puso, isipan, damdamin at nagbibigay ng matinding kapusukan sa kaniyang pagkatao...
Tinungo ni Enzo ang pintuan upang lumabas para uminom ng malamig na tubig upang maibsan ang pagkatuyo ng kaniyang lalamunan...
Binuksan ni Enzo ang pintuan ng kaniyang kuwarto't nagimbal siya sa bumungad na larawan sa kaniyang harapan...
"Kuya Bert....." Ang tanging nasambit lang ni Enzo sa tahimik na si Bert na seryosong nakatingin ng malalim sa kaniya...
Isang mariing halik at mahigpit na pagkahawak ng malalakas na kamay niya sa mga matitigas na braso ni Enzo ang itinugon lang ni Bert sa namutawing pagtatakang nasambit ng binata....
Ipininid ni Bert ang pintuan ng silid ni Enzo't at hinayaan na niyang makawala ang matagal na damdaming muling nagising sa kaniya dahil sa ginawang kapusukan ng binata...
Bawat mapupusok na halik ni Bert sa mga labi at katawan ni Enzo'y bumubura sa pagtuldok ng binata sa kaniyang napagdesisyunan sa sarili...
Bawat haplos ng mga matitikas na palad ni Bert sa pormadong katawan ng binata'y pakiwari'y isang pulot na siyang pumapawi sa pait ng damdamin ni Enzo...
Bawat pag-ulos ni Bert ay siyang paggising, pagtanto't pag-ukit sa puso ni Enzong isa na siyang lubusan at ganap na bakla...
Bawat sakit sa kaniyang katawan ay kinayang lahat ng binata...
Bawat hapdi't kirot na lumalatay sa katawan ng binata ay siya namang pagpawi sa labis na kalungkutang ipinadama ng kaniyang kuya Bert sa kaniya sa mga nagdaang mga linggo...
"I love you kuya Bert...." Ang mahina at tanging namutawing sagot ni Enzo sa mga ungol ni Bert.
Naghihintay kung anong itutugon sa kaniya ni Bert na kasulukuyang umaangkin sa kaniyang katawan upang maibsan nito ang isang mahabang panahon ng pagkakauhaw...
Ang mga mahinahong pag-ulos ni Bert sa katawan ni Enzo'y unti-unting nagiging marahas...
Tumitindi ang kirot at hapdi na gumagapang sa katawan ng binatang nananabik sa inaakalang matamis na katugunan ng kaniyang kuya Bert...
Ang masakit na katugunan ni Bert sa sinabi ni Enzo...
Na siya namang madaling napagtanto ng binatang umaasa...
Umaasang tutugunan ng kaniyang kuya Bert ang kaniyang sinabi...
Hinayaan nalang ni Enzong magpakasasa sa kaniyang katawan ang kaniyang kuya Bert at iwinaksi nalang niya ang hindi magandang bagay na unti-unting namumuo sa kaniyang isipan...
Tangging ang ipinasok na lamang ni Enzo sa kaniyang puso ay ang pasasalamat at ang kaniyang unang nakaniig na lalaki ay ang kaniyang kuya Bert...
Kasabay ng pagtatalik nina Enzo't Bert ay siya namang pagpatak ng luha mula sa mga mata ng maunawaing si nanay Fely...
Walang imik na nakatitig lang si Enzo sa kaniyang kuya Bert habang isinusuot nito ang kaniyang underwear at kinuha nito ang tuwalyang kaniyang ipinantapi kanina bago siya tumungo sa silid ni Enzo.
"Dito ka nalang matulog kuya Bert." Ang pagbabakasakaling tanong ni Enzo.
Tinignan lang siya ni Bert sa mga mata't pagkatapos ay sinuri nito ang buong hubad na katawan ng binatang si Enzo. Dumako ang paningin ni Bert sa matingkad na mantsa ng dugo na nasa kumot at kobre'kama na kasalukuyang kina-uupuan ng binatang si Enzo. Walang paalam na tinalikuran ni Bert ang binata't lumabas na ito sa kwarto...
Iniwan niya si Enzong bagabag at guluhan na naman ang damdamin...
"Roberto...." Ang mahinang tawag ni nanay Fely sa kaniyang anak bago pa man ito tuluyang pumasok sa sariling silid. Nilingon at tinignan lang siya ni Bert at tulad ng ginawa niya kay Enzo'y tinalikuran lang nito ang ina at tuluyan nang pumasok sa kwarto...
Lumipas ang ilang buwan ay hindi pa rin nagbabago ang malamig na pakikitungo kay Enzo ng kaniyang kuya Bert. Nakasanayan na rin ni Enzo ang kalimitang pagpasok ng kaniyang kuya Bert sa kaniyang silid sa dis-oras ng gabi upang makipagniig sa kaniya at kaniya namang hindi tinututulan at lubos na pina-uunlakan ng binata. Kahit ilang ulit na niyang sinasabing mahal niya si Bert sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalik ay bigo pa rin siyang makakuha ng gusto niyang marinig na kasagutan na nagmumula kay Bert.
Tanggap na ng binatang si Enzo na pinagpaparausan lang siya ng kaniyang kuya Bert...
Pinilit niyang maging kuntento sa ganoong pakikitungosa kaniya ni Bert. Labis niyang nanam-namin ang bawat saglit na kahit sa pakikipagtalik lang sa kaniya ni Bert ay maramdaman lang niya ang kinasasabikan niyang pagsukli ng hayagan niyang pagmamahal sa kaniyang pansamantalang kuya sa lungsod...
Napakalaking pagkaka-iba na rin ang nangyayari sa loob ng bahay na pansamantalang tinutuluyan ni Enzo. Tila naging matamlay ang pakikitungo ni nanay Fely sa kaniyang anak. Ganoon din naman si Bert sa kaniyang nanay. Tila malaking katanungan kay Enzo kung nagkagalit ba silang dalawa o nagkatampuhan lang ba sa isang maliit na bagay.
Labis ang pagkabalisa ni Enzo sa nakikita niya't nararamdaman sa kaniyang nanay Fely dahil tila mas tinuturing na siyang tunay na anak nito kaysa sa kaniyang kuya Bert.
Bagabag ng isang malaking katanungan ang buong puso't diwa ni Enzo...
"O siya anak, ikamusta mo nalang ako sa nanay at ate Lisa mo ha. Mag-iingat ka." Paalala ni nanay Fely kay Enzo bago ito umakyat ng bus pauwing probinsya.
Dumating din ang matagal na panahong pinkahihintay ni Enzong Semestral Break ng kaniyang pinapasukang pamantasan. Nais ni Enzong makapagpahinga ang kaniyang katawan bilang parausan ng init ng kaniyang kuya Bert. Ninanais rin ng binatang makapagpahinga rin ang kaniyang isipan sa pagkabagabag na nararamdaman habang nakikituloy siya sa bahay ng kaniyang nanay Fely at kuya Bert.
"Kayo din po nay." Natutuwang sambit ni Enzo. Labis ang kaniyang pagkagalak dahil tinatawag na siyang 'anak' ng kaniyang pansamantalang nanay sa lungsod na si nanay Fely.
"Regards na lang po kay kuya Bert." Mahinang sambit ni Enzo kay nanay Fely na labis niyang nakitaan ng isang malaking pagkadismaya sa mukha nito nang marinig ang pangalan ng anak.
Nginitian nalang siya ni nanay Fely at kumaway na siyang hudyat para kay Enzong umakyat ng tuluyan at pumasok na sa loob ng bus. Matindi rin ang pagkadismaya ni Enzo sa kaniyang kuya Bert katulad ng kaniyang nanay Fely. Kaninang umaga'y lantarang niyang nagsalita si Bert sa kanilang dalawa na ayaw na niyang sumamang maghatid kay Enzo sa terminal na siyang ikinagalit ni nanay Fely.
Inialis nalang ni Enzo sa kaniyang isipan ang hindi magandang nangyari sa pagitan ng mag-ina kaninang umaga dahil labis siyang nagsisisi't siya ang kadahilanang nasermunan ni nanay Fely si Bert. Pinalitan nalang niya ng magagandang larawan ng kaniyang ina't ate Lisa ang kaniyang bagabag na diwa. Labis ang kaniyang pananabik na maka-uwi sa sarili niyang tahanan at makita na rin niya ang kaniyang mga kaibigan at kaklase sa probinsya.
Hindi naman nagkamali ang binatang si Enzo nang maka-uwi siya sa kanilang bahay. Labis ang kaniyang galak na mayakap muli ang kaniyang nanay at ate Lisa. Kahit ang mga kaibigan at mga kaklase niya noong highschool ay dumalaw di sa kanilang bahay upang kamustahi't makausap siya. Lahat ay labis na nag-alala sa biglaang pagbagsak ng katawan ni Enzo. Homesick at medyo naninibago pa sa lungsod ang tanging naidahilan nalang ng binata sa lahat.
Lumipas ang dalawang araw at unti-unting bumalik ang sigla't saya sa puso't mukha ng binata...
Nakakabawi na siya mula sa hindi niya maipaliwanag na pakikitungo sa kaniya ni Bert...
Binalak ni Enzong magpasama sa kaniyang nanay at ate upang dalawin ang puntod ng kaniyang yumaong butihing ama't kuya ngunit sa kasamaang palad naman ay maraming tahiin ang kaniyang ina't ang kaniyang ate Lisa naman ay may sariling lakad din. Walang nagawa si Enzo kung di mag-isang pumunta nalang sa sementeryo upang makita't malinis ang puntod ng pinakamamahal niyang yumaong ama't kapatid.
Labis na ikinagitla ni Enzong makita ang isang kumpol ng bulaklak sa puntod ng kaniyang ama't kapatid at habang nililinis niya ang puntod ay hindi niya mapigilan ang paglalaro sa kaniyang isipan kung sino ang taong nag-iwan ng mga bulaklak.Marahil ay isang kaibigan ng kaniyang ama...
Pinalipas ni Enzo ang buong maghapong nasa sementeryo't nagsasalitang mag-isa't kinakausap ang kaniyang butihing yumaong ama't mapagkalingang kuya. Ikinuwento niya ang lahat ng mga nangyari't naging kaniyang karanasan sa lungsod at sa piling ng kaniyang pansamantalang tahanan.
Gumaan ng lubusan ang buong kalooban ni Enzo nang maibuhos niya sa kaniyang ama't kuya ang kaniyang mga hinanaing na nagpapabigat sa kaniyang puso't damdamin. Masaya siyang nagpaalam sa puntod nila't lumisang dala ang panibagong pag-asa't lakas ng kalooban. Tanging laman ng kaniyang isipan ay sulitin at magpakasiya sa piling ng mga mahal niya sa loob ng dalawang linggo niyang Semestral Break...
"Saan ka ba nagpunta't di mo dinala ang Cellphone mo Enzo!" Galit na sabi ng kaniyang ate Liza sa kaniya pagkauwing pagkauwi sa bahay. Tila naghihikahos ito't may gustong sabihin. Napansin din agad ni Enzong maraming nakahaing pagkain sa hapag ng mesa't nagtanong.
"Anong meron te?" Sambit niya sa kaniyang ate Lisa.
"Tawagin mo na si Roberto't kakain na. Pinatulog ko muna sa kwarto mo't pagod sa biyahe." Malakas na tinig ng kaniyang ina mula sa kusina na sumagot sa kaniyang tanong.
Tila tumigil ang takbo ng panahon sa binatang si Enzo...
"HOY! ANO BA!?" Bulyaw ng ate Lisa niya kay Enzo nang mapansing tulala ito. Kasalukuyan itong naglalagay ng mga plato't kubyertos sa mesa. Walang reaksyong tinungo ni Enzo ang kaniyang silid upang sundin ang pinag-uutos sa kaniya ng kaniyang abalang ina.
Kinakabahang binuksan ni Enzo ang pintuan ng kaniyang silid at inihandang mabuti nito ang sarili sa kaniyang mabubungarang larawan ng lalaking labis-labis na bumabagabag sa kaniya...
Gulat ang reaksyon ng puso ng binata ng masilayan ang naka-upong si Bert na hawak-hawak at masusuing pinagmamasdan ang litrato ng kaniyang ama't kuya...
Napansin ni Bert ang pagpasok ni Enzo't nilingon niya ang binata...
Hindi maipaliwanag ni Enzo ang bigla niyang naramdaman dahil sa nakitang larawan ng mukha ng kaniyang kuya Bert...
Nakangiti ang mga labi nito sa kanya...
Ang mga mata nito'y hindi makikitaan ng kahit na katiting na bahid ng kasinungalinan dahil umaapaw ang mga ito ng labis na kasabikan na makita siyang muli...
Dagliang nilapitan ni Bert si Enzo kasabay nang pagsara ng binata ng pintuan upang bigyan ito ng isang matamis na pag-akap at halik sa mga labi...
Muling bumuhos ang napakaraming katanungan sa buong diwa ng binatang si Enzo...
Naguguluhan siya sa ipinapakita ng kaniyang kuya Bert...
Masayang naghapunan silang apat at nagkamustahan habang nagkakape. Napag-alaman ni Enzong inaanak ng kaniyang yumaong ama si Bert at napag-alalaman din ng binatang humingi ito ng dalawang araw na pagliban sa trabaho upang masundan siya sa probinsya't makapagbakasyon na rin kasama ang pamilya ni Enzo kahit sa napakaikling panahon lang.
Ang kaniyang kuya Bert rin ang nag-iwan sa kumpol ng bulaklak sa puntod ng ama't kuya ng binata..
Tila iba ang naramdaman ng binatang si Enzo sa pakikipagtalik sa kaniya ng kaniyang kuya Bert kinagabihan...
Ngayon lang niya naramdaman ang pagmamahal na may kahalong pananabik sa kanilang pagniniig...
Pala-isipan sa binata kung bakit ganoon nalang ang pagbabago ng kaniyang kuya Bert...
"Uuwi ka na ba talaga bukas..." Malambing na sinabi ni Enzo sa kaniyang kuya Bert.
Nakadantay ang kaniyang ulo sa matipunong dibdib ni Bert. Ang kaniyang palad ay marahang hinihimas ang maskuladong tiyan ng kaniyang kuya. Ang isa niyang binti'y nakadantay sa ibabang parteng bahagi ng katawan nito't nakapatong sa malaki't himlay na kaselanan ng kaniyang kuya.
"Two days lang ang ibinigay sa akin Bunso..." Malambing na sagot ni Bert kay Enzo.
"Mahal mo ba ako..." Dagdag ni Enzo upang samantalahin ang palaisipan na biglaang pagkakaiba ng pakikitungo sa kaniya nito.
Tanging isang malamyos na halik lang sa mga ipinikit na mata ng binata ang ibinigay na katugunan ni Bert sa itinanong sa kaniya...
Ipinikit ni Bert ang kaniyang dalawang mata upang ipakitang hindi niya masasagot ang matagal ng katanungan ng binatang si Enzo...
Ang tugon na buong pusong tinanggap ni Enzo na kahit may pagkabalisa't agam-agam siya sa loob ng kaniyang puso...
Magdadapit hapon na nang makarating na sa lungsod si Enzo't hindi na niya ipina-alam kay nanay Fely ang kaniyang pagbabalik upang mapaghandaan niya ng maaga ang enrollment para sa susunod na semestre ng kaniyang pinapasukang pamantasan. Balak ni Enzong sorpresahin ang kaniyang nanay Fely dahil lagi siyang nakakatanggap ng mga text nito na nagtatanong kung kailan siya babalik at nais na siya nitong makitang muli...
Tahimik na pumasok si Enzo sa pintuan ng bahay at marahang tinungo ang kusina...
Labis ang kaniyang kasiyahang makitang muli ang kaniyang nanay Fely at ganoon na rin ang kaniyang kuya Bert...
Natigilan si Enzo nang marinig ang seryosong pag-uusap ng mag-ina sa hapag kainan...
"Akala ko pa naman Berto't nakinig ka na sa amin ng kuya mo..."
"Kala ko pa naman nagbago ka na...."
"Nay, hindi ko talaga pwedeng baguhin kung ano talaga ang gusto ko...."
"Paano na si bunso..."
"Pasensya na nay... talagang pasensya na ho...."
"Berto naman...."
"Para lang sa amin ng sumalangit mong ama at pati na rin ang kuya mo...."
"Magbago ka na. Parang awa mo na..."
"Itigil mo na yang kalokohan mo't nakakahiya talaga lalo na sa kuya mo...."
"Ipinanganak kitang lalaki...."
"Nakakahiyang magkaroon ng isang anak na bakla..."
"Bakit ka nakasimangot...."
"Totoo naman ang sinasabi ko..."
"Pinagtatakpan ka namin ng kuya mo sa mga kapitbahay..."
"Nakakahiya ka talaga..."
"Oho na ho nay. Tama na please...."
Isang malaki't biglaang pagsabog ng mga kasagutan ang biglang bumuhos at kumawala sa puso ng binatang si Enzo...
Hindi galit ang kuya Bert niya sa kaniya...
Napagtanto niyang kagaya din siya ni Bert...
Alam ng buong pamilya ng kaniyang kuya Bert ang tunay na lihim ng pagkatao nito...
Pinagtatakpan nila si Bert sa mapanghusgang paningin ng mga taong hindi makaintinding kagaya nila...
Kagaya ng kaniyang nanay Fely...
Ang kaniyang mapagmahal na pansamantalang itinuturing na ina sa lungsod...
Ang maunawaing nanay ng kaniyang kuya Bert...
Ang inang lahat ay gagawin huwag lang lumabas ang itinuturing nitong nakakasulasok na pagkatao ng kaniyang anak...
Katulad ng pagsusuot ng isang maskara upang huwag makita ng payak na mga mata ng madla ang tunay na larawan ng isang taong may itinatagong lihim...
Lihim na kailanmay hindi dapat mabunyag...
Katulad ng lihim nila ni Bert...
"Ano nang balak mo Roberto..."
"Umuwi na si Carol galing Canada..."
"Pakakasalan ko na ho........
***Pula... ang pag-alibugho ng kakaibang pagnanasa.***
***Kahel... ang pagsikat ng isang bagong umaga.***
***Dilaw... ang pagmulat sa liwanag ng katotohanan.***
***Luntian... ang desisyong tanggapin ang kapalaran.***
***Bughaw... ang pagkakataong talikuran ang tinatahak na landasin.***
Indigo... ang mapanglaw na kaligayahang dulot ng kakarampot na pag-asa.
Lila... ang nakakabit na walang hanggang kapighatian.
Mga kulay ng Bahagharing sumisimbulo sa buhay ng karamihang mga bakla at bisexual
na kagaya ni Lorenzo at Roberto...
No comments:
Post a Comment