Followers

Monday, March 18, 2013

Look at me with Love Part 2 – Your eyes



Look at me with Love Part 2 – Your eyes

By: simonusimon

Pls visit simonusimon@blogspot.com  Add nyu din ako sa fb simonusimon@gmail.com

                “Mahal ko, hindi ka ba pupunta dito? Hindi ka na nga pumunta kanina dahil sa exam mo, tapos di ka na naman pupunta ngayon, mahal mo pa ba ako? Miss na miss na kita? Di mo ba ako namiss?” sunod sunod na sinabi ni Justin sa kabilang linya.

                “Ay, grabe. Andaming nasabi? Di man lang ako pinasagot?” natatawa kong sagot. “Nandito na po kaya ako sa kusina’ kumakain.”

                “Ha? Kanina ka pa” sabay balikwas ni Justin sa kanyang kama.

                “Oo, kausap ko ngayon si tita”

                “Mahal ko……” pumainlanlang sa buong kabahayan nila Justin. Nakita ko itong nagmamadaling bumaba sa kanilang hagdanan.

                Hay, nakita ko na naman ang mahal ko, napakakisig nya, 5’8” mas matangkad ako ng 3” at higit sa lahat ang mga mata nitong bumihag sa aking puso. Napakaexpressive ng mga mata nya, ramdam at kita ko sa mga ito ang tuwa sa tuwing makikita ko sya. Kumikislap, maraming sinasabi ang kanyang mga mata. Ewan ko ba kung bakit ako ang napiling titigan ng mga matang iyon.

                Matapos ang hapunan ay nagpaalam at dumiretso na kami ni Justin sa kanyang kwarto. Pinilit nya akong duon na matulog dahil Saturday naman at wala na akong klase bukas. Minsan lang ako matulog duon, di kasi kami legal sa side ko, di naman ako minamadali ni Justin, dahil naipangako ko na sa kanya na oras na makahanap ako ng trabaho ay ipapakilala ko na sya, un lang kasi ang naiisip kong pagkakataon. Mabait naman ang pamilya ko, di ko lang matunugan kung open ba sila sa ganitong tipo ng relasyon.

                “Bakit ako?” tanong ko sa kanya habang magkaharap kaming nakahiga sa kanyang kama.

                “Anong bakit ikaw?”

                “Ako. Wala lang. Bakit ako ang napili mu. Nung nakita kasi kita dati akala ko hanggang dun nalang yun. Pero nagreply ka sa message ko sa fb.”

                “Kailangan pa ba nating pag-usapan ulit yan? Mahal kita un ang importante” sinserong pahayag ni Justin

                “Eh kasi naman ang gwapo ng mahal ko, matalino, maputi, mayaman parang lahat na nga ng good qualities na sayo na e”

                “Sabi na e, inlove na inlove ka sa akin” nakangising tugon ni Justin

                “Mukha mu!” sabay hampas ng unan “Eh anu nga nagustuhan mo sa akin? Di naman ako mayaman, maputi”
                 
“Hmmmm… sige tignan natin” nag-isip sya ng sandal at parang nag-ilaw ang bumbilya sa ulo nya. “Aha! Kasi you are tall dark and handsome” totoo naman
               
 “Yan nalang lagi sinasabi mo”
              
  “Ganun? Sige elaborate natin… you are the tallest among all the tall people” sabay smile “Di ka na nga magkasya sa puso ko eh”
            
    “Naks, bumabanat. Tapos?”
              
  “You are the darkest of all the dark people” tatawa tawa nyang bigkas
             
   “Ulol” sabay talikod.
            
    “Biro lang mahal ko” sabay akap mula sa aking likuran. “Alam mo naman kahit nasan kadiliman ka pa naroroon makikita ka pa din ng nagniningning kong mga mata’
             
   Natawa nalang ako, haha, fair complexion ako, oo na “Ewan ko sayo”

                “At ang huli?” bumitaw sya sa pagkakayakap, tumingin sa kisame at inusal ang mga salitang, “Mahal kita dahil mahal kita, ikaw ang bumuo sa akin, naramdaman ko nalang nung una kitang makita na ikaw ang dapat kong mahalin. Pinaramdam mo ang pagmamahal na hinahanap ko.”

                “Drama! Mukha mo! E panu ung last?” tanong ko

                “Anung last?”

                “Ung H”

                “anong H?” tatawa tawang sagot nya.

                “Ung H”

                “anong ngang H?”

                “ung handsome!”

                “Ahahaha, un ba? Sige next time, hahaha”

                “Goodnight mahal ko” si Justin

                “Good night mahal”

                “Kiss ko!”

                “Sige next time din” sabay ngisi.

                “Ah ganun?” sabay kiliti sakin

At napuno ng kulitan ang buong gabi naming ni Justin. Pumikit na si Justin at hinintay aking halik. Hinalikan ko si Justin sa kaliwang mata pagkatapos ay sa kabila naman, ganito na ang nakagawian naming ni Justin. Mas pinipili kong halikan ang kanyang mga mata di ko alam kung bakit, dahil siguro ditto ako na inlove ng todo.

“Mahal ko… mahal ko…” matamlay na ungot ni Justin pagkagising

“bakit” tinatamad kong sagot

“Di ako makahinga, ung binti mo nasa dibdib ko na”

“Adik” sabay bangon para maghilamos at magmumog

Hindi pa man ako nakakatayo ay nahawakan na nya ang aking braso at hinila muli sa kama sa sabing “Kiss ko po” Ganito na ang ugali nya, ako daw kasi ang tagasara at tagabukas ng kanyang mga mata tuwing umaga at gabi, ritwal na nya un, at kinunsinte ko naman, ewan ko ba enjoy ko rin halikan ang kanyang mga mata.

Pls visit simonusimon@blogspot.com  Add nyu din ako sa fb simonusimon@gmail.com

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails