Followers

Friday, March 29, 2013

Ang Ika Walong Kulay Ng Bahaghari 2

PULA......         

Sumisimbulo sa matinding pag-lagablab ng emosyon...  

pag-aalimpuyo ng damdamin... pagsirit ng kapusukan.... 

pagniningas ng libido...  

pag-aalab ng matinding rebelyon...  

pag-ibig...  

pagnanasa.....



.....



.....



..... 


 Nagpaalam na si Nanay Fely na mamamahinga na ito at maaga pa ang kaniyang pamamalengke kinabukasan sa kasalukyang naghuhugas ng pinggang si Enzo.

 "O siya paano, Bahala na si Roberto sa iyo." Bilin ng mapagmahal na si Nanay Fely sa binatang si Enzo.

 "Hoy Roberto! Pinasok mo na ba ang mga bagahe ni Enzo!?" Galit na sinabi ni Nanay Fely sa anak na kasalukuyang papasok sa kusina.

 "Tapos na ho. Naayos ko na rin ang kwarto." Mabilis na sabi ni Bert at tuloy-tuloy na lumabasna ito sa pintuan ng kusina patungo sa labahan. Alam ni Enzo na maliligo ito sa posohan dahil nakatapi lang ito ng tuwalya.

 "Sige iho... pagkatapos mo diyan kung gusto mong maligo ay pwede ka sa banyo..." Huling bilin ni Nanay Fely sa tahimik na si Enzo habang tumungo na ito sa kaniyang kuwarto upang magpahinga.

 Pinagmamasdan ni Enzo ang bawat ikinikilos ng barakong si Roberto mula sa loob ng bintana sa tapat ng lababong pinaghuhugasan niya. Kitang-kita ni Enzo sa malamlam na sinag ng buwan ang pagtanggal ni Bert ng tuwalyang nakatapi sa kaniyang baewang. Napalunok si Enzo na tila naguguluhan sa simbuyo ng kanyang bagong nararamdaman.

 Hindi niya alam kung paghangga nga ba ang kaniyang nararamdaman para sa moreno at maskuladong katawan ni Bert.

 Ngayon lang niya nakilala sa buong buhay niya ang ganitong klaseng uri ng damdamin.

 Pantay na pantay ang kulay ng morenong balat ng barakong si Bert na bumagay naman sa matikas niyang pangangatawan na siyang ugmang-ugma sa barumbadong pagkilos nito habang nagbobomba ng poso upang punuuin ang timba ng tubig para sa pampaligo nito.

 Iniiwas ni Enzo ang ang kaniyang malikot na paningin sa hapit na manipis at puting bikini brief ni Bert ng mapansin niya na malaki ang ibinubukol ng ari nito kahit tulog pa. Mas lalong ikinabahala ng binatang si Enzo ang makakapal na bulbol ni Bert na nakalabas ng kaunti at aninag na aninag sa manipis nitong kapirasong saplot.

 Itinuon nalang ni Enzo ang sarili sa paghuhugas ng plato at nang matapos ay inaayos niya ang mga kaldero at iba pang mga bagay sa kusina na pwede niyang pagka-abalahan upang mapaglabanan ang panunukso ng tunog nang bawat pagbuhos ng tubig sa labas ng kusina. Lumikot ang imahinasyon ni Enzo habang inaaninag niya sa kaniyang balintataw ang larawan ng basang si Bert at ang suot nitong maputi at manipis na bikini briefs. Ipinasok ni Enzo sa kaniyang magulong isipan ang mga mailigayang karanasan niya sa probinsya upang iwaksi ang mapanuksong larawan ng basang katawan Bert.

 "HOY! GABI NA! MAGPAHINGA KA NA!" Panggugulat na tinig ni Bert kay Enzo. Nasa labas si Bert ng pintuan ng kusina at nakasilip ito sa nagulat na si Enzo habang kasalukuyang sinasabon ang ari nito sa loob ng manipis nitong saplot.

 "Ayos lang..." nahihiyang sabi ni Enzo sabay yuko ng masilayan niya ang kasalukuyang ginagawa ni Bert.

 "Pwede kang maligo sa banyo pero mas masarap dito sa poso." Paanyaya ni Bert.

 "Ipag-iigib kita pagtapos ko." Sambit ni Bert kay Enzo at tumalikod na ito upang magbanlaw. Sinundan ito ng tingin ni Enzo habang nakatuon sa hiwa ng dalawang maumbok na pisngi ng puwitan ni Bert na aninag na aninag sa basang saplot nito.

 "Bunso, inigiban na kita..." walang malay na habilin ng nakatapi ng tuwalyang si Berto kay Enzo habang pumasok ito sa kusina at tumungo na sa kaniyang kwarto.

 Kasabay ng barumbadong pagsara ni Bert sa pintuan ng kaniyang kuwarto ay siya namang pagbuhos ng pighati sa puso ng binatang si Enzo dahil sa katagang binitawan ni Bert sa kanya.

 Katagang nanggaling sa boses ng isang matipunong lalaki.....

 Katagang matagal nang inaasam-asam ni Enzong marinig...

 Katagang itinatawag sa kaniya ng kaniyang namayapang butihing ama at kuya...

 Katagang nagpabalik sa kaniyang katinuan..... 

"Bunso..." Ang salitang pumukaw sa buong puso at pagkatao ng binatang si Enzo....Kasabay nang pagbuhos ni Enzo ng tubig sa kaniyang katawan ay siya rin namang pagpatak ng kaniyang mga luha atpagbuhos ng mga ala-ala ng masasayang larawan ng kaniyang ama at kuya Mark.

 Kahit ilang paghilamos at pagbanlaw ang gawin ni Enzo sa kaniyang mukha ay wala pa ring epekto ito upang mapawi ang pamumugto ng kaniyang mga mata. Bago tuluyang pumasok si Enzo sa kwarto ni Bert ay huminga muna ito ng malalim at yumuko upang hindi mapansin ni Bert ang kaniyang namumulang mga mata.

 "PROMDING PROMDI NGA!" masayang pagbungad ni Bert sa kakapasok na si Enzo. 

 Labis na ikinahiya naman ni Enzo ang suot-suot niyang lumang pajama at puting kamiseta na siya namang nakasanayang isinusuot niya pangtulog. Tinignan niya si Bert upang suriin ang pananamit nito.

 Wala itong pang-itaas at panibagong basketball short lang suot-suot habang kasalukuyang inaayos nito ang kaniyang uniporme na isusuot sa kaniyang trabaho kinabukasan. Hindi namalayan ni Enzo na nakatingin na pala si Bert sa kaniyang mukha at nagkasalubong ang kanilang mga paningin na siya namang iniiwasan niyang mangyari.

 "Homesick ka ba bunso?"  Nag-aalalang sinabi ni Bert kay Enzo habang itinigil nito ang kaniyang ginagawa. Lalong kinakitaan ng pagkabalisa ang mukha ng masayahing si Bert ng makita niya ang matatabang luha na gumuhit sa mga namumulang pisngi ni Enzo. Nag-aalalang nilapitan niya si Enzo at inakap ng may paglalambing.

 "Nagbibiro lang naman ang kuya eh.Tahan na." ang malambing na pag-alo ni Bert sa binatang nangungulila. Naringgan na ng paghikbi si Enzo.

 "Shhhh.... tahan na... ang macho-macho mo iyakin ka..." pagbibirong muli ng nag-aalalang si Bert nang nadama niya ang katawan ng humihikbing si Enzo na matigas at banat mula sa mga mabibigat na panlalaking gawaing bahay. Ikinangiti naman yun ni Enzo dahil ganoon na ganoon ang ginagawa ng kaniyang kuya Mark noong nabubuhay pa ito sa panahong umuuwi siyang luhaan.

 "Naalala ko lang naman sina itay at kuya..." mahinang sambit ni Enzo habang kumawala sa makikisig na braso ni Bert. Pinunasan ng binata ang kaniyang mga luha at ngumiti kay Bert. Malungkot pa din ang larawan ng mukha nito dahil naikwento ng kaniyang kapatid sa kanilang dalawa ni Nanay Fely ang nangyari sa butihing ama't kapatid ng kinukupkop nilang si Enzo.

 Buong atensyon at pakikiramay na nakinig si Bert habang ikinukuwento muli ni Enzo ang kasadlak-sadlak na pangyayari na sinapit ng kaniyang  namayapang butihing ama't kapatid. Labis na pagkaawa ang nadama ni Bert sa binatang si Enzo habang pinagmamasdan niya ang malulungkot na mga mata ng nangungulilang binata na paminsan-minsan ay dinadaluyan ng luha.

 Guminhawa ang pakiramdam ni Enzo nang matapos niyang maikwento kay Bert ang ala-alang hindi na niya malilimutan kailan pa man. Nakangiti na siya at masayang kinakausap si Bert. Malaki ang ipinagpapasalamat ng kaniyang kalooban sa kausap at naibuhos niya dito ang lahat-lahat na matagal na niyang kinikimkim na kalungkutan sa pagkawala ng kaniyang ama at kuya. Napagdesisyunan ni Enzo na huwag ipakita sa kaniyang ina at ate ang labis niyang pangungulila dahil batid ng binata na siya nalang ang natitirang lalaki sa kanilang pamilya at kinakailangan niyang magpakatatag.

 Labis niyang ikinatuwa ang pagdating ni Bert sa kaniyang buhay dahil nakita niya ang larawan ng kaniyang kapatid na si kuya Mark sa katauhan ng kaniyang kausap.

 "Yan, mas lalo kang nagiging pogi pag nakangiti ka!" Aliw na sinabi ng masayahing si Bert nang walang pasintabi nitong hinubad ang kaniyang short upang tumambad sa paningin ni Enzo ang namumukol niyang harapan. Ikinagitla naman ni Enzo ang biglaang paglantad ng matipunong katawan ni Bert na natatakpan lang ng manipis,hapit at kupas na kulay itim na bikini brief.

 "Pareho naman tayong lalaki at gwapo pa!" Masayang pagbibiro ni Bert kay Enzo nang makitaan niya ng pagkagitla ang mukha nito habang sumamsampa na siya sa kama na kasalukuyang inuupuan ni Enzo.

 Labis na kilabot ang idinulot sa binatang si Enzo nang dumikit sa mga braso niya ang mainit na balat ni Bert nang pumuwesto na ito sa paghiga at humilata sa kaniyang tabihan.

 "Patayin mo nalang ang ilaw kung matutulog ka na." Bilin ni Bert kay Enzo habang iniuunat ang kaniyang mga pormadong braso at binti.

 "Sensya na bunso at ganito lang talaga ang suot ko matulog." Dagdag na sinabi ni Bert kay Enzo nang mahalata niya na hindi pa din nagbabago ang reaksyon ng pagkagulat at hiya sa mukha nito.

 "Subukan mo kasi..." Mabilis na sabi ni Bert sabay hawak nito sa laylayan ng kamiseta ni Enzo. Madali namang napagtanto ni Enzo ang gustong gawin ni Bert kaya naman itinaas na niya ang kaniyang dalawang braso upang tuluyan na nitong mahubad ang kaniyang kamiseta.

 "Nagbubuhat ka ba?" Interesadong tanong ni Bert kay Enzo nang mapansin niya ang magandang hubog ng makinis nitong pangangatawan.

 "Trabahong bahay lang..." nahihiyang sambit ni Enzo dahil ito ang unang pagkakataon na napuri ng kapwa niya lalaki ang kaniyang pangangatawan. Tumango naman si Bert dahil batid nito na si Enzo lamang ang maaasahan sa kanila upang gawin ang mabibigat na gawain sa kanilang bahay.

 "Sige tulog na tayo." Pag-aanyaya ng nakatihayang si Bert sa kasalukuyang nakatayong si Enzo upang patayin ang ilaw.

 Napalunok si Enzo ng makita niya ang nakakabighaning kabuuan ng katawan ni Bert. Mas lalo pang gumanda ang pagkakahubog ng katawan nito dahil sa malamlam na liwanag ng sinag ng buwan na nagmula sa bintana ng maliit na kuwarto.

 Hindi maalis sa pagkakapako ng paningin ni Enzo ang maumbok na bukol sa pagitan ng mga hita ni Bert habang pumupwesto na rin siya sa paghiga sa tabi nito. Ipinikit nalang ni Enzo ang kaniyang mga mata habang katabi niya sa isang maliit na kama ang halos hubo't hubad na si Bert.

 "Next time bawal na ang naka-pajama ha." Magiliw na biro ni Bert sa katabi. Hindi nalang umimik si Enzo sa narinig na kataga.

 "Ayos lang ba na tawagin kitang bunso?" Pagpapa-alam ni Bert kay Enzo. Tinignan ni Enzo ang mukha ng katabi.

 "Ayos lang kuya Bert." Tugon ni Enzo kay Bert na winakasan niya nang isang malumanay na ngiti upang ipakita ang taos-puso niyang pagsang-ayon sa iminungkahi ng natagpuan niyang panibago kuya.

 Lingid sa kaalaman ng nahihimbing na si Enzo ay ang seryosong pagmamasid ng kaniyang kuya Bert sa kaniyang maamong mukha.

 "Mula ngayon ako na ang bago mong kuya... hindi kita pababayaan bunso..." Ang ibunulong ni Bert sa nahihimbing na si Enzo.

 Kasabay nang pagpikit ng mga mata ni Roberto ay ang pag-uukit niya sa kaniyang puso ng katagang pangakong binitawan kay Bert...

 Sa kalagitnaan ng nakakabinging katahimikan ng magdamag ay hindi sinasadyang maalimpungatan si Enzo sa kadahilanang may parang kung anong mabigat na nakadantay sa kaniyang dibdib at mga hita. Tuluyan nang nawala ang antok ni Enzo nang naaninag niya na ang matitikas na isang braso at binti ng kaniyang kuya Bert ang tumatanday sa kanya...

 Ramdam niya ang init ng halos hubad na katawan ni Bert sa kaniyang balat at ang higit pa sa lahat ay ang unti-unting pagkabuhay ng nahihimbing niyang pagkalalaki sa loob ng kaniyang pajama.

 Kakaiba sa pakiramdam ng binatang si Enzo sa pagdampi ng mga balat ng katabi sa kaniyang katawan, ang init mula sa mga matitikas na kasukasuan nito, ang malamyos na pagdampi ng mainit na hininga ni Bert sa kaniyang leeg at ang higit sa lahat ay ang nakadikit nitong matigas na pagkalalaki sa gilid ng kaniyang hubad tiyan.

 Ipinikit ni Enzo ng marahan ang kaniyang mga mata upang damhin ang kabuuan ng halos hubad na katawan ni Bert. Itinuon niya ng buong-buo ang atensyon at pakiramdam sa gilid ng kaniyang tiyan.

 Ramdam ni Enzo ang mainit, malaki at matabang pagkalalaki ng kaniyang kuya Bert.

 Ramdam din niya ang makapal na bulbol nito sa kaniyang makinis na kalamnan. Alam niyang kumawala na ang buong pagkalalaki ng kaniyang kuya Bert sa hapit nitong suot na bikini briefs.

 Tila nagayuma si Enzo sa misteryosong nararamdaman at parang hinipnotismo ang kanyang isang kamay at kumilos itong mag-isa upang ilapat sa matigas na pagkalalaki ng kaniyang katabi.

 Damang-dama ng mga daliri at palad ni Enzo ang mainit na katawan ng malahiganteng pagkalalaki ng kaniyang kuya Bert. Ramdam din ni Enzo ang kaunting malapot na likido na lumabas mula sa ari ni Bert na siyang napunta naman sa kaniyang mga daliri.

 Inalis ni Enzo ang kaniyang nabasang kamay sa pagkakahawak sa pagkalalaki ng kaniyang nahihimbing na kuya Bert at inilapit niya ito sa kaniyang mukha upang amuyin.

 Lubusan nang naakit si Enzo at nahulog na ito sa misteryosong pakiramdam na bago lang sa kaniya dahil sa halimuyak ng katas na nagmula sa matigas na pagkalalaki ng kaniyang kuya Bert...

 Ang amoy ng buong pagkalalaki ng kaniyang kuya Bert...

 Hindi na batid ni Enzo na ipinupunas na niya ang kaunting malapot na likido sa kaniyang mukha lalo na sa parte ng bandang ilong niya upang lubusan niyang malanghap ang kakaibang gayuma na nagpapahumaling sa kaniyang kaibuturan...





***Pula... ang pag-alibugho ng kakaibang pagnanasa.***

Kahel... ang pagsikat ng isang bagong umaga.

Dilaw... ang pagmulat sa liwanag ng katotohanan.

Luntian... ang desisyong tanggapin ang kapalaran.

Bughaw... ang pagkakataong talikuran ang tinatahak na landasin.

Indigo... ang mapanglaw na kaligayahan dulot ng kakarampot na pag-asa.

Lila... ang nakakabit na walang hanggang kapighatian.



Mga kulay ng Bahagharing sumisimbulo sa buhay ng karamihang mga bakla at  bisexual

na kagaya ni Lorenzo...


No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails