Followers

Thursday, March 14, 2013

Love. Sex. Insecurity. [ Chapter 2 ]


Love. Sex. Insecurity.
[ Chapter 2 ]

By: Crayon




Di ko namalayang nakatulog na ko matapos makipagtxtan kay Renz. 

Nagpatuloy ang aking pagbabalik sa nakaraan sa panaginip ko.




Five days after i met Renz, i received a message from an unknown number. It was Renz's friend. The conversation went like this:

Number: Kyle?

Ako: yes. Cnu to?

Number: Ako nga pala si Aki. Pinakuha ko yung number mo dun sa friend ko last sunday sa bar, if you can still remember.

Naalala ko naman agad yung insidenteng yun. At biglang pumasok sa isip ko yung salitang 'pustahan'.

Ako: yup! Naalala ko. I can even remember your friend telling you guys na nanalo sya sa pustahan. How can i forget that.

Aki: ah, im sorry about that. Sana hindi ka masyadong galit. I was eyeing you that night sa bar and they were bullying me kasi nahihiya ako lapitan ka. So i challenged my friend, Renz, na lapitan ka and ask for your number. Hindi ko naman alam na seseryosohin pala nya. But we don't mean anything bad about that. I hope you wont take it against me.

Napataas ang isa kong kilay sa haba ng paliwanag nya. Sabe ko na lang sa sarili ko, guilty sya kaya ganun. I still replied to his message kasi wala naman ako magawa. Kakarating ko lang ng bahay galing sa work at nagpapahinga lang sa aking kwarto.

Me: ok. So anung meron? Bakit k npatxt?

Aki: ah wala naman gusto ko lang makipagkilala. Tsaka ayain ka sana for dinner, kasi we never had a chance to talk last week sa bar.dat is kung ok lng sau.

Napaisip ako. Wala naman akong naka-schedule na lakad tonight. Kesa sayangin ko ang gabe kakatulog, wala naman siguro masama kung sasama ako sa kanya. Besides, baka gwapo din to. Di ba nga sabe nila na birds of the same feather flocks together. So may malaking chance na gwapo din ang datingan nito. Sabi ng maharot na parte ng aking isip.

Me: wala naman problema saken gusto mo ngaung gabe na e. Wala kasi ako lakad mamaya at gusto ko din lumabas.

Aki: great! Sige pwede ko tonight. I'll text you na lang mamaya yung details.

Me: ok.

-----

7:00 pm. Nakatakda kaming magkita ni Aki sa isang mall sa makati. I was wearing a not so flashy shirt and jeans. Moments later i saw a guy walking towards me. Mula sa txt kanina sa akin ni Aki, The guy walking my direction fits exactly yung sinabe ni Aki na suot niya kapag nagkita kame.

And was i right about him. Hindi din sya papahuli sa kaibigan nya. He was slightly taller than Renz, at pinamukha nya sa akin na hindi ako matangkad talaga. His face was very innocent may pagkasingkit ang mata na may makakapal na kilay. Matangos ang ilong.  Rosy thin lips at prominent na jaw line. Sarap! Haha 

Mas buff din sya kaysa sa kaibigan nya, halata ang namumutok na chest at arm muscles sa suot nyang blue long sleeves na  nakatupi pataas sa bandang braso niya. Naka-slacks sya at black shoes, mukhang kakagaling lang niya sa opisina. At syempre kapag ang lalake naka-slacks di maiwasang may mga bagay na bumakat.

 I tried not to stare on that part, kasi baka mahuli niya ako nakakahiya,  but my eyes betrayed me. Naramdaman ko na lang na nagiinit ang mukha ko with what i saw. Very promising. Haha I tried to calm myself kasi malapit na sya saken. I need to gain my composure.

He flashed a smile when he reached me. Nawala na naman ako sa katinuan ng lumitaw ang kanyang mga dimples.

"Hi! Aki pre. Kanina ka pa ba?"tanong nya sa akin paglapit niya. "Bakit medyo namumula ka? Baka naiinitan ka dahil sa jacket mo." dagdag niya agad. 

Suot ko yung gray ko na jacket (yung mukang pang-jogging) kasi medyo umuulan sa labas ng mall kanina. Pero alam kong hindi dahil dun kaya ako namumula. I'm in front of a hercules incarnate, kulang pa nga yung mamula ako e.

"Hindi ok lng ako. " Habang pilit na tinatago ang pamumula. "Medyo napagod lang, mali kasi yung pinagbabaan sakin ng taxi so medyo malayo yung nilakad ko." palusot ko na lang.

"Hmmm, ok..Tara na, baka nagugutom ka na." yaya sakin ni Aki.

I just followed him. We stopped in front of a Japanese restaurant.

"Ok lang? Favorite ko kasi dito e." tukoy niya sa kainan na nasa tapat namin.

Tumango lang ako sa kanya. We went inside and we were escorted to a table. Maganda yung restaurant amoy pa lang, alam mong papalo na ng libo yung bill mo. 

Napaka relaxing ng ambiance, may pagka-spa yung dating  ng lugar. May mga ornamental plants na nagpapresko sa dating ng lugar.

"Ang tahimik mo naman. I hope di ka na galit dahil dun sa ginawa namin sayo." biglang sabi ni Aki.

"Hindi naman." mabilis kong sagot. Sa totoo lang, di na ko masyado galit kasi wala naman sya kasalanan ako lang naman ang assuming that time kaya nadaplisan yung ego ko.

Ngumiti lang sya bilang sagot. Walang nagsalita ng ilang minuto. Gusto ko man magsalita wala din naman ako masabi kasi wala akong alam sa kanya. Sanay kasi ako na 'action' agad kapag nakikipag-meet, wala na masyadong usap. Haha

"Ang boring ko kasama no?" biglang sabi ni Aki.

"Hindi. Nag-eenjoy naman ako." sagot ko.

"So nag-eenjoy ka na hindi ako nagsasalita, na parang wala lang ako dito, ganun ba?" sabay pakita ng kanyang gwapong ngiti.

"Ha? H-hindi ah. Wala ako sinabing ganyan." bigla ako nataranta. Ang bobo kasi nung sagot ko e sabayan pa ng pagpapacute niya. Medyo ayaw magfunctiong ng utak ko.

Tumawa lang si aki. Lalong lumabas ung dimples niya. Hayyy...

Tumingin sya sa akin. Napayuko na lang ako kasi di ko alam ang gagawin ng mga sandaling yon.

"Ang cute mo talaga." sabe niya.

Lalo akong di mapakali kasi, ayaw ko ng  mga ganung diretsang papuri, medyo awkward kasi para saken. Buti na lang lumapit na yung waiter at kinuha yung order namin.  Si Aki na ang pinapili ko ng kakainin namin kasi hindi ko naman alam ang specialty ng restaurant na yon. Nagulat na lang ako kasi parang andami masyado ng inorder niya.

"Parang andame ata? Alam kong medyo chubby o mataba ako so obviously medyo malakas ako kumain pero hindi ko ata kakayanin yung dami ng inorder mo. " wika ko.

"haha! Hindi ko naman kasi pinapaubos sayo e. Medyo gutom din kasi ako, bale ito ang first decent meal ko para ngaung araw." sabay ngiti.

"Huh? Bakit wala ba kayong lunch break sa opisina?" tanong ko.

Natawa lang sya sakin. Medyo pang-tanga nga naman kasi yung tanong ko. Naka-office attire tapos walang pa-lunch break ang kumpanya. Ang construction worker nga may lunch break di ba?! Anu bang nanyayare saken.

"Meron naman. Kaso sobrang dame ko ginagawa kanina. Kaya ngayon pa lang ako makakakain ng maayos." sagot naman nya.

Nagsimula na kame kumain nung dumating yung order at mas naging magaan ang aming pag-uusap. Masaya kausap si Aki, laging may sense ang sinasabi. Kabaliktaran ko na kanina pa nagkakalat. Nakakahiya na, tiyak iniisip niya na na ang bobo kong tao.

Nalaman kong 26 na pala sya, single at nagtatrabaho sa isang accounting firm sa makati. Pangalawa sa tatlong magkakapatid.

"So kuya pala kita?" sabi ko sa kanya.

"Bakit matanda ba ko sayo?" gulat na gulat niyang sagot.

Para naman akong tinulak mula sa bintana ng restaurant na kinakainan namin. Oo nga naman. Baby face pa sya. Eh ako mas bata lang sa kanya sa numbers pero sa mukha parang dehado ako. Ouch talaga. Basag na basag ako sa reaksyon niya. Nag-backfire agad sakin ung biro ko.

Nakita ko na lang sya na nakangisi. At ngpipigil ng tawa.

"Ang cute mo kapag ganyan ang itsura mo. Parang matatae na ewan. " biro sakin ni aki.

"Ewan ko sau!" galit galitan kong sagot.

"haha! Ilan taon ka na nga?' tanong niya.

"20." maikli kong sagot. Hinihintay ang magiging reaksyon niya ngunit hindi naman na sya tumawa.

"so nag-aaral ka pa?"

"no. Working na."

"vocational course nung college ganun?" 

"hindi. Undergraduate pa."

"bakit?" tanong nya uli.

"wow! Parang quiz bee ha, andaming tanong." natawa na lang kaming pareho.

"Medyo tinamad lang ako mag-aral. That's why. Third year na ko, 3 sem na lang tapos na din." seryoso kong sagot.

"Wala kang balak na ipagpatuloy?" tanong niyang muli.

"Meron pero di ko alam kung kelan. Wala pa akong sapat na sipag para ipagpatuloy e." sagot ko. Matapos nun ay hindi na sya nagtanung pa.

Sinipat kong muli si Aki. Only to find out na HOT talaga sya. At umiral na naman ang mga hormones ko sa katawan. Something has to happen tonight.

"So san mo ko balak dalhin after natin magdinner?" diretsahan kong tanong sabay tingin sa kanya. Binigay ko sa kanya yung pinaka-best na i-want-you-to-sleep-with-me-look na kaya ko. So far di pa ko binibigo ng technique ko na yun. Hopefully gumana sa demigod na to. Kita ko sa mga mata niya ang pagkagulat sa tanung ko.

Natawa sya saglit sabay ngiting maloko.

'Ayos mukhang may pag-asa' sabi ko sa isip ko sabay patuloy sa pagkain.

.... To be cont'd....



No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails