Followers

Sunday, March 17, 2013

Look at me with Love Part 1 – Goodbyes



Look at me with Love Part 1 – Goodbyes

“Good morning mahal ko, bangon na, 6:00 na, baka malate ka pa” and sabi ko sa aking kausap sa cellphone. Ganito ako palagi, ako ang tagagising sa kanya tuwing umaga.

“Hmmmm… di k aba pupunta dito?” ang tinatamad na sagot ng kausap ko sa telepono.

“Napag-usapan na natin yan di ba? Finals ko ngayon”

“Huhuhu, sige hindi nalang ako papasok sa trabaho ngayon, hehehe”

“Ha? Hindi pwede! Justin! Pumasok ka! Naku naman, di ko talaga kayang pumunta dyan, 9am ang exam ko, marami pa akong gagawin at kelangan iprepare!” naiinis kong banggit.

“Hehe, joke lang, naiintindihan ko naman mahal ko, nakaleave po ako ngayon. May gagawin kasi akong importante ngayon.” Malambing nyang pagkakasabi.

“At anu naman yan ha? May aasikasuhin ka nanamang iba?” kunwaring nagseseslos. “Oh sya, mag-aayos na ako, baka malate pa ako, I love you mahal kong Justin”

“Mas mahal na mahal kita mahal kong Simon” mahina,  ngunit sapat na para mabingi ang puso ko sa lakas ng mensaheng ipinaparating sa akin. “Sana marami pa tayong oras”

“Oo naman! Adik!” sigaw ko. “Bye na nga, malelate ako” at bigla nalang “toot toot toot” “abat, binaba agad” at ako ay bumangon na nga para kumain ng umagahan at maligo na rin.

Habang sa bahay nila Justin, ay masayang bumangon si Justin na may ngiti sa kanyang mga labi at mata. Pabababa na ng hagdan siya ng marinig nya ang boses ng kanyang mama. “Anak, papasundo na sana kita kay manang, at kakain na. Teka? Bakit ang aga mu ata nagising ngayon? Hindi na ba kelangan pumunta dito ni Simon para gisingin ka?” takang tanong ni tita Carmen. Tuwing umaga kasi ay kailangan ko pang puntahan si Justin, hindi sya bumabangon hangga’t di ako nadating maliban nalamang kung may usapan kami na hindi ako makakapunta. At oo, tanggap na tanggap kami ng pamilya ni Justin.

“Para naman pong magpapagising ako kay managn, Ma, wag kang mag-alala, ngayon lang to” sabay ngiti “exam din po kasi ngayon ng mahal ko kaya di sya makakapunta, tsaka po may aasikasuhin po ako para sa bakasyon namin ni Simon, malapit na po kasi ang sembreak nya” Pag-uusap ng mag-ina habang papunta sa hapag para kumain . Nadatnan nila ang kuya nyang, si kuya Jerome, kumakain na at nagmamadali.

“Oh anak, bakit kumakain ka na? Di ba sabi ko sayo intayin mo kami?” sabi ni tita Carmen.

“Eh Ma, akala ko po kasi mamaya pa babangon yang si kapatid, at aantayin na naman si Simon ko” pang-aasar ni kuya Jerome.

“Ha. Ha. Ha. Wag mo nga syang matawag tawag ng ‘Simon ko’, akin lang sya no!” mabilis na sagot ni Justin. “Kuya wag mong sasaktan ang Mahal ko ha” malungkot nyang pagkakasabi.

“Hahaha, para naming hahayaan mo, mapatingin nga lang ako sa kanya, nag-aalburoto ka na e”

“Mga iho, kumain na nga tayo, Jerome bakit ka ba nagmamadali?”

“May meeting po kami with the stockholders” 22 palang si kuya Jerome pero sya na ang tumatayong vice president ng kumpanya ng kanilang pamilya. Dalawang taon naman ang pagitan niya sa kanyang kapatid na si Justin. Habang ako naman ay 21 na.

“Ma, kuya, I LOVE YOU!” biglang sambit ni Justin

“Anu naman yan? May kailangan ka no?” pang-aasar ni kuya.

“Naku ang anak ko naglalambing ata, parang masama ata yan, di pwede pag paguran mo dapat ang ipanggagastos mo” tatawa tawa si mama

“Ma, di naman po, kuya masyado naman kayo, wala lang masama bang maglambing!” pacute na sabi ni Justin naq naguguluhan din kung bakit nya ito nasabi. Yumakap nalang ito sa kanyang mama.

“Naku, sige na, bibigyan na kita, pero dahil lang mahal ko si Simon pero dapat pagpaguran mo pa rin” ganyan si tita, di nya hinahayaang maging spoiled ang kanyang mga anak.

Oct 8 na, mahigit isang lingo nalang at matatapos na ang first semester, konting tiis nalang at makakagraduate na ako sa aking kursong Industrial Engineering, malapit na ang sembreak, excited na ako kasi mas marami na kaming time ni Justin ngayon dahil nga bakasyon na.  Malapit na rin an gaming 2nd anniversary, October 16, naaalala ko pa kung pano kami unang nagkakilala, nakasabay ko sya sa dyip, coding daw kasi sya nuon, magkaiba kami ng school pero napunta ako sa school nila dahil sa isang seminar na duon ginanap. Nakatitig sya sa akin nuon at nakangiti, habang magkatapat kami sa dyip, napakalagkit ng kanyang tingin, nakakailang, di ko tuloy malaman kung kakilala ko ba sya dahil sa mga tingin nya. Napakaganda ng kanyang brown eyes. Kumikislap ang mga ito at waring nangungusap. Napakaexpressive ng mga matang iyon, ngunit di ko maintindihan kung bakit ganuon nalamang ang epekto nito sa akin. Ngunit huli na ang lahat dahil malapit na akong bumaba. Tumawag ang kaibigan ko sa aking cellphone at nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo. Sabi nya sa akin pag nagkukwentuhan kami, nagseselos daw sya, na ikinatawa ko naman dahil nagselos agad? Hahaha. Natapos ang eksena naming sa dyip at hindi ko na sya nakita pang muli. Isang araw habang nagffb ako ay nakita ko syang nagcomment sa isng common friend naming, at hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon para imessage sya. At duon na nagsimula an gaming regular na pag-uusap at pagkikita at ayun ngayon ay KAMI na!



No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails