Followers

Tuesday, March 26, 2013

PEDESTAL (Superstar ka ng buhay ko!)


Magkaiba ang mundong ating ginagalawan. Iisa ang ating pinagmulan ngunit magkaiba ang mundong ating tinatahak. Tinitingala ka, pinagpapantasyahan, kinikiligan, iniidolo... samantalang naiwan ako sa babang tumitingala sa iyong kasikatan. Ngu...nit paano ngayong hindi na lang isang fan ang nararamdaman ko sa'yo. Mahal kita, alam kong iyon din ang tibok ng iyong puso. Ngunit paano magtatagpo ang mundo ko't mundo mo lalo pa't sa paniniwala ng lahat ng tao, nagmamahalan kayo ni Erin? Kailangan bang samahan kita sa mundo mo para lang tayo magkasama? Kung pareho na ba tayo ng mundo ginagalawan, mapapansin mo na din kaya ako? Ipaglalaban mo na ba ang ating pagmamahalan o ipagpapalit mo ako sa natamo mong kasikatan? Paano kung maagaw ko ang ningning ng bituin mo, handa mo bang ipatalo na lang mundo mo at samahan ako sa mundong alam kong liligaya tayong dalawa o pipilin mong ipaglaban ang pinaghirapan mong pedestal kapalit man nito ng pagkasira ng aking pagkatao. Isa lang ang kailangan mong piliing Pedestal? Ang pedestal na pinalilibutan ng kamera at mata ng iyong mga tiga-suporta o ang pedestal sa puso ko ngunit ipapangakong ibigay ang saya at buong atensiyon ko sa'yo?
ABANGAN PO! LALABAS NA BUKAS ANG UNANG KABANATA SA LINK NA ITO:
(Just click the link below)
http://joemarancheta.blogspot.com/
 
Gusto ko hong magpasalamat din kay Sir IDOL MIke Juha sa suportang ibinigay niya sa akin at sa blog na ito kung saan ako unang naglathala ng aking mga akda tulad ng Everything I Have at Chaka (Inibig mo'y Pangit). Kung hindi sa kaniya maaring tuluyan na akong tumigil sa pagsusulat. Hindi ako magsasawang uulit-ulitin ito dahil siya ang nagbigay sa akin ng inspirasyon para itulloy lang ang pagsusulat...

1 comment:

  1. i popost din pala dito pedestal
    umpisahan na sir joem

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails