Look at me with Love Part 3 – Love, Tragedy and Last Goodbye
By: simonusimon
“Tita, uuwi
nap o ako, sisimba pa po kasi kami, baka pagalitan ako” nagmamadali kong
pagpapaalam kay tita Carmen. Minsan lang
ako matulog kina Justin dahil nga hindi kami legal, umiimbento pa ako ng
dahilan para makapag-overnight sa kanila, once every two months lamang.
“Ma-ma! Di ba tinuruan na kita?”
suway ni Justin na para akong batang tinuturuan magpronounce ng mama.
“Oo nga naman anak” wika ni tita
Carmen na talaga namang ikinapula ko dahil sa hiya, saya, at kung anu ano pang
emosyon sa kadahilanang tanggap na tanggap ako ng kanyang mama at kuya.
“Ah-Eh sige po----“ nauutal kong
wika
“ma-ma” pag uulit ni Justin ng
pagbigkas na pagtuturo ng bata, na lalo ko pang ikinamula
“Hahaha, O sige na anak baka
malate ka sa misa’t mapagalitan ka” masayang wika ni mama.
“Sige po mama” wala sa isip kong
nasabi
“yown!!! Good boy” sabay hawak
sa aking ulo. Sa hiya ay lumabas na ako at hinabol ni Justin “Ma, sasabay na
ako kay Simon sumimba ha!” at tango nalang ang sagot ni mama.
Matapos ang misa ay nagpaalam na
din si Justin para umuwi.
Oct 12, last day na ng klase ko
dahil maaga nagbigay ng finals ang mga professor ko. Completion nalang ng mga
requirements ang inaatupag ko ngayon sa school. Konti nalang naman ang gagawin
ko, isang paimportanteng prof nalang ang problema ko. Siguro by 1pm makakauwi
na ako, at mag-eenjoy ng sembreak!
Nakareceive ako ng text kay
Justin, ‘Mahal ko, ready ka na ba? Aalis
tayo ng 14, sana wala ka ng klase nun. I LOVE YOU :* ‘ kinilig naman ako
sandal at natauhan agad. Naisip ko nalang na kung anu meron sa 14? Kaya
naisipan ko nalang na itxt sya kung anung meron pero di na ito nagreply.
Dumating ang Oct 13, at hindi pa
rin sya nagpaparamdam sa akin. Di nya sinasagot ang mga text ko kaya
napagdesisyunan ko na lang na si mama ang aking kontakin. Sumagot naman si mama
na abala daw para sa 14. ‘Anu ba talagang meron sa 14?’ tanong ko sa sarili ko
Habang nagtatanghalian ay
tinanong ako ng aking mga magulang, si mommy at tatay, “San kayo pupunta bukas
nila Justin?”
“Ha?” takang tanong ko
“Pumunta siya ditto nung 12,
isasama ka daw sa family outing nila” si tatay
“Ahhh, uo un, oo nga” sagot ko
“Saan nga..” si mommy
“Wait lang tatanong ko uli
nalimutan ko ung lugar hirap kasi bigkasin, text ko lang si mama”
“Sinong mama?” si mommy
“Si mama… mama ni Justin” at
tinext ko na nga si mama kung saan dahil nga tinatanong na ako sa bahay. Agad
namang nagreply si mama at sinabing sa Quezon daw kami pupunta. Napangiwi naman
ako sa text ni mama. Na napansin ni mommy.
“Oh, saan daw?” tanong ni mommy
“Sa… sa… sa Quezon daw” sagot
ko, sabay ligpit ng pinagkainan ko, baka
kasi marami pang matanong.
Gabi na ng nakatanggap na naman
ako ng text mula kay Justin, ‘Mahal ko pang apat na araw ang iempake mo’ Napabuntong
hininga nalang ako, ‘anu ba yan di na ba ako dapat kasama sa pagpaplano?’ sabi
ko sa sarili ko. Mag-iimpake na sana ako ng maalala kong kasama sa 4 day
vacation namin ang anniversary namin nina Justin.Napabalikwas tuloy ako mula sa
pagkakaupo at nagmadaling nagpaalam at umalis para bumuli ng regalo. Bumili ako
ng dalawang bracelet, matagal ko na din itong pinag-ipunan. Pinalagyan koi to
ng L at J initials.
Umuwi ako ng tuwang tuwa, dahil
bihira ako bumili ng regalo, minsan cake lang, di ko kasi hilig magregalo,
hirap kasi mamili lalo na pag walang pera.
Pagdating ko sa bahay ay
naaninag ko agad na may bisita kami, dahil na rin hindi ako mahilig sa bisita
at minsan lang ako mag-imbita ng bista sa bahay, bukod sa mga kaklase kong
makapal ang mukha na pumupunta sa amin kapag fiesta kahit hindi imbitado.
Pagkapasok ko palang ng pinto ay
namukhaan ko agad ang aming bisita, si
Justin, tumingin sya sakin ng may ngiti sa mga labi at kumikinang na naman ang
kanyang mata na imbis na magtanong kung bakit sya naroon ay napatulala na
lamang ako, pero agad ko namang binawi.
“Nakaimpake ka na ba?” tanong ni
Justin
“Hin-hindi pa. bakit ka---“
“Dun ka na matulog sa kanila, pahirapan
ka pa naman kung gisingin, maaga daw ang alis nyo, kaya pumayag na ako na dun
kayo matulog, wag magpupuyat ha…” di ko na tinapos ang mga bilin ni mommy at
pumunta na sa kwarto.
“Bilisan mo” mahinahong wika ni
Justin sa likod ko na ikinagulat ko naman.
“Bat ka andito? Labas, magagalit
si ate” lumabas naman sya agad. Maliit lang ang bahay naming, mga 1/10 ng bahay
nila Justin.
Mabilis kong inimpake lahat ng
aking kailangan kasi baka may kung anu pang makwento si mommy kay Justin.
Habang nasa kotse kami ay
binasag ni Justin ang katahimikan ng byahe pauwi sa kanila “BUGOY!”
Nagulat ako, ‘Tae si mommy,
sinabi ang palayaw ko’ inis na inis talaga ako sa palayaw kong ung di ko alam
kung sang basurahan nila un napulot. “Tigilan mo ako Justin” may inis at hiya
kong sabi.
“Cute kaya” wika nya habang
diretso ang tingin sa kalsada
Nilingon ko sya at nakita kong
seryoso naman sya kaya napangiti nalang ako. Bigala naman siyang tumingin sa
akin at nagwacky face sabing “MAHAL KITA BUGOY!”
“JUSTIN! AYOKO NA!”
“Joke lang po mahal ko, cute
naman talaga eh.”
“Ewan ko sayo!”
Pagdating naming sa bahay nila
ay nakita ko ang kuya nya sa sala na hinihintay kami.
“Oh antagal nyu, di na kayo
naintay ni mama, natulog na sya” sabi ni kuya Jerome
“Naku sorry natagalan ako sa
pag-iimpake” sagot ko
“Oh sige kuya tulog ka na, kain
lang kami” si Justin
“Di ka pa nakain?” sarkastikong
tanong ni Justin
“Hindi pa, inintay ko kasi si
Simon” sabay kindat sa akin.
“Bu--- “ tiningnan ko si Justin
ng masama at di na tinuloy ang sinabi nya
“sa kwarto na tayo kumain padala nalang ako kay manang, sige kuya enjoy”
tatawa tawang wika ni Justin. Wala na akong nagawa kundi sumunod nalang sakanya
at nagpaumanhin kay kuya at naiintindihan naman daw nya. ‘wah kung di mo lang
nalaman ang aking darkest secret!’ sigaw ng utak ko
Matapos kumain ay naghugas na
kami, nauna siya bago ako, paglabas ko ng banyo sa kanyang silid ay nakahiga
ito at tanging boxers lang ang suot, waring nang-aakit.
“Tigilan mo ako! May usapan
tayo!” sabi ko sa kanya
“Ngaun lang, plsss” makaawa ni
Justin sabay pacute
“Mukha mo! Hahaha”
“Seseryosohin mo talaga yon?
Nagloloko lang naman ako nun e” paliwanag ni Justin, nangako kasi kami nuon na
di kami magsesex hanggang di kami kasal, imagine ang korni! Hahaha, virgin pa
sya. Ewan ko ba kung pano ko
napanindigan yun, maganda ang katawan nya, walang abs pero flat di tulad ko may
flabs, pero yun ang paborito nyang unan.
Sa halip na sagutin ko sya ay
nagbihis na ako at natulog. Di naman sya mapilit. Siguro dahil gusto nya lang
talaga maexperience, tanda ko nga nuon sabi ko duduguin sya, nakita ko pa sa
mukha nya ang takot pero sinabi nyang kaya nyang tanggapin lahat ng sakit kasi
sa nabasa nya daw sarap din ang huli nun.
Nakatulog na kaming pareho,
nagising nalang ako sa pagyugyog ni Justin sa akin. “Gising na, aalis na tayo!
May utang ka pa sakin, di ako nakatulog, ginulungan mo ako kagabi.”
Alas tres ng umaga, Oct 14 ay
umalis na kami sa bahay, sa pagpupumilit ni Justin ay humiwalay kami ng
sasakyan. Dala nya ang sarili nyang kotse. Mabilis ang daloy n gaming byahe.
Habang nagmamaneho ay may biglang may dinukot si Justin sa kanyang bulsa. Isang
maliit na kahon na pula. Binuksan nya ito, Nakita ko ang isang gold ring.
“Di ko na gusting patagalin pa to, baka kasi wala na
tayong time makapagsolo sa pupuntahan natin” Natigilan ako. Natuwa. Akmang
tatanggalin nya ito sa kahon ng bigla itong nahulog. Tinanggal nya ang kanyang
seatbelt at sinubukan nyang kunin. Nawala sa isip naming na nasa gitna kami ng
byahe. Nagcounterflow ang sasakyan namin sa highway.
NAGLIWANAG!
NAKAKABINGING BUSINA!
CRAAASH!
SIGAWAN NG MGA TAO!
NAKAPALIGID SA AMIN!
ISANG DELIVERY TRUCK NA MAY
LAMANG DALAWANG DUGUANG TAO
Namamanhid ang aking binti,
naipit. Iginala ko ang aking mata, nakita ko ang duguang ulo ni Justin. Ang
mahal ko nakatingin sa akin, umiikot ang paningin. Lumuluha. Namimilipit sa
sakit. Hindi ko alam ang gagawin, di ako makakilos, unti nararamdaman ko ang
pagkaipit ng aking binti. Masakit ngunit mas masakit ang Makita ang mahal ko sa
sitwasyon nya, sa kanyang tiyan, may nakabaon na tubo, walang salita ang
lumalabas sa aking bibig, di ko marinig ang mga taong nagkukumpol sa paligid,
ang mahal ko may sinasamkbit, ngunit di ko marinig, nabasa ko ang kanyang labi.
Itinaas nga ang kanyan kamay
patungo sa akin, hawak hawak ang singsing at sinambit “pwede na ba? At ngumiti.
Bumalik ang aking pandinig,
nagkakagulo ang lahat. Narinig ko mula sa malayo ang pagdating ng ambulansya.
Muli ay nagsalita si Justin, nakangiti, “Mahal ko. Kiss ko”
Nangilid ang aking luhad at di
ko na napigilang tumulo ito.
“Please” dagdag nya
Gumalaw ako mula sa pagkakaipit,
masakit ngunit pinilit ko syang abutin at mahalikan ang kanyang mga mata. At
kasabay ang pagtataksil muli ng aking paningin at pandinig.
Itutuloy...
di pa po ito ending, simula pa lang po ito
Itutuloy...
di pa po ito ending, simula pa lang po ito
whoah! sna mkaligtas cla pareho. hmph, bitin aman maxado eh!
ReplyDeletehuwattt?? is this happening?? really nice story.
ReplyDeletethe last part is really bad. so justin will die or not?? i hope not.. kulit ko noh?? ahehehe mr. author keep it up and i hope the update will be faster.. hehe demanding lang po.. :)
JAP :)
awww.. what do you mean by bad? bad ung pagkakasulat?
Deleteui parang lalong naging ka abang abang ah... nice nice nice
ReplyDeletepls change font color po. hrap basahin ii. nice story p nman.
ReplyDeletesalamat sa mga komento, salamat talaga, as much as gusto ko sanang iupdate ngaun ung storya nagkaroon ako ng problema kanina, hahaha, napatakbo ako sa skul ng nakashort kasi deadline ng pasahan ng greencard for masterlist ng gagraduate... hahaha la lang share lang
ReplyDeletei am so much open to criticism hehehe, koment lang para mag-improve din ako
ReplyDeleteAwts! Ano ba yan, anniversary pa ata nila. T.T Hope na walang mangyari sa kanilang dalawa. Nice story author. Keep it up! :D
ReplyDelete