Followers

Friday, March 29, 2013

Ang Ika Walong Kulay Ng Bahaghari 4

Dilaw... 

Sumisimbulo sa nakakasilaw na liwanag dulot ng mga sinag na nagmumula sa kalagitnaan nang matinding pagsikat ng haring araw...

Kulay ng liwanag na nagpapabatid sa tunay na larawan ng isang nilalang upang mabunyag ang nakakubli nitong itinatagong katauhan... 


...


...


... 

  

 "OY BUNSO! BAKIT MATIGAS NA YAN?!" Malakas na pagbibiro ni Bert kay Enzo dahil sa paglabas ng ari ng binata sa suot nitong undearwear.

 "BAKLA KA BA!?" Dagdag na pagbibiro ni Bert sabay hawak sa ari ni Enzo. Labis ang pagkagulat ni Enzo sa ginawa ng kaniyang kuya Bert kaya hindi nito napigilan ang kusang paggalaw ng kaniyang mga braso upang sikuhin si Bert sa kaniyang likuran.

 "ARAY!...Bunso naman ... nagbibiro lang ang kuya..." Impit na sinabi ni Bert habang hinihimas niya ang isang tadyang dahil sa sobrang sakit. Natauhan naman si Enzo at sinapo niya ng kaniyang dalawang palad ang nakalabas niyang ari at humarap sa nasiko niyang kuya.

 "S..ss..sorry... po..." Kinakabahang sinabi ni Enzo. Nginitian lang naman siya ng kaniyang kuya Bert.

 "Ayos lang iyon bunso... mas matindi pa ang gagawin ko kung tinawag din akong bakla." Tugon ni Bert sa nag-aalalang si Enzo. Labis namang kinaginhawa ng binata nang malaman niyang hindi ikinagalit ni Bert ang kaniyang ginawa. 

 Tahimik nalang nilang pinagpatuloy ang paliligo nilang dalawa. Hindi sila nag-iimikan hanggang sa makarating na sila sa kanilang silid.

 "Papajama ka pa?" Walang malisyang sinabi ng nakangising mapanuksong si Bert kay Enzo habang nakahiga ito sa kama. Natigilan naman ang binatang si Enzo habang isinusuot ang kaniyang pajama at napatitig ulit sa kaniyang kuya Bert na nakahilata't suot ang  kinasanayang pangtulog na hapit na bikini brief na talaga namang nagpapahalatang may malaki itong tulog na ari.

 Matagal na ipinukaw ni Enzo ang kaniyang paningin sa maselang bahagi ng kaniyang kuya Bert hanggang siya'y mahimasmasan.

 Kaagad namang hindi na itinuloy ni Enzo ang pagsusuot ng kaniyang pajama't itinabi naman niya agad ito sa estante't kaagad na pinatay ang ilaw ng kuwarto. Katulad ng kaniyang kuya Bert ay tanging brief nalang din ang suot-suot ng binatang si Enzo.

 Tahimik at nagpapakiramdaman sina Enzo at ang kaniyang kuya Bert. Ramdam na ramdam ni Bert ang matinding pagka-ilang sa kaniya ni Enzo kaya naman siya na mismo ang bumasag sa nakakabinging katahimikan

 "Bunsoy.... Galit ka ba sa kuya? " Malambing na sinabi ni Bert sabay yakap niya ng kaniyang makisig na bisig sa binata. Muling ikinagulat ni Enzo ang ginawa ng kaniyang kuya Bert. Pilit na inialis ni Enzo ang pagkakayakap sa kaniya ng kaniyang kuya Bert ngunit lalo pa nitong sinasadyang higpitan ang pagkakayakap sa kaniya.  

 "Kuya Bert naman nakikiliti na ako..." Sambit ni Enzo habang pinipigilan ang kaniyang pagtawa dahil sa kipilyuhang ginagawa ng kaniyang kuyang yumayakap sa kaniya.

 "Galit pa ba si Bunsoy?" Mapagbirong tanong ulit ni Bert habang lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap kay Enzo.

 "Hinda kuya..." Ang natatawang sambit ni Enzo kay Bert sabay pabirong tinulak niya ito.

 "Ang lakas pala ng bunso ko!" Paghangang sabi ni Bert sabay bigay nito ng isang malambing na pagyakap kay Enzo. Napapikit muli si Enzo na tila sinasamantala nito ang kasalukuyang saglit upang damhin ang buong katawan at ang ipinapakitang pagmamahal ng kaniyang kuya Bert.

 "Goodnight bunsoy..." Mahinang paalam ni Bert sa isang tainga ni Enzo.

 "Goodnight din kuya Bert..." Ang mahinang katagang binitawan lang ni Enzo na nanggaling sa kaniyang puso.

 Lumipas ang ilang oras ngunit gising na gising pa din ang buong diwa ni Enzo habang pinagmamasdan nito ang himbing na himbing na si Bert. Katulad ng nakaraang gabi ay nakaakap ang isa nitong braso't binti sa katawan ni Enzo.

 Labis ang paggambalang ginawa ni Bert sa puso ng naguguluhang binata. Kung kagabi'y ang katawan ng kaniyang kuya Bert ang nagpapagulo sa kaniyang isipan; ngayon naman ay ang katagang sinambit nito sa kaniya nung kasalukuyang naliligo sila sa posohan.

 "Bakla ka ba?" ang paulit-ulit na boses ni Bert sa isipan ni Enzo. 

 Hindi maipaliwanag ni Enzo kung bakit ang simpleng tatlong salita ng kaniyang kuya Bert ay napakatindi ng epekto sa kaniyang puso't isip.

 Walang nagawa ang naguguluhang binata kungdi ipikit nalang ang kaniyang mga mata't sambitin ng paulit-ulit sa kaniyang isipan ang mga katagang hindi siya bakla...

 Maagang sinigawan ni Nanay Fely upang gisingin ang kaniyang anak na si Bert ngunit pati na din ang bago nitong kinupkop na anak na si Enzo'y hindi sinasadya nitong nagising.

 "BUMALIK KA NA SA PAGTULOG BUNSO'T MAAGA KO TALAGANG GINIGSING ANG KUYA BERTO MO'T NAPAKABATUGANG KUMILOS!" Malakas na sabi ni Nanay Fely sa pupungay-pungay na si Enzo.

 "Eh paano naman makakabalik ng tulog yan eh gising na gising ang boses nyo." Pang-aalaska ni Bert sa kaniyang ina habang papalabas ito sa kwarto.

 "Hindi na po't sanay naman po akong magising ng maaga." Nakangiting sinabi ni Enzo kay Nanay Fely. 

 Mabilis na naghilamos at nagsepilyo si Enzo pagkatapos ay tinulungan niyang maghanda ng agahan si Nanay Fely.

 "Huwag ka ng mag-abala't sa opisina na si Berto nag-aalmusal." Masayang sambit ni Nanay Fely.

 "Eh paano naman ako hindi mag-aalmusal sa opisina! Hindi naman ho kayo nagluluto ng breakfast!" Birong sumbat nito sa mapagmahal na ina habang tinutungo na ang kwarto nito upang magbihis.

 Kakaiba ang nararamdaman ni Enzo ngayong umaga dahil ganadong-ganado siyang paipaghanda ng makakain ang kaniyang kuya Bert kahit na labis nitong ginugulo ang isipan ng binata. Hindi niya maipaliwanag kung bakit niya kailangang pagsilbihan ng mabuti si Bert.

 "Sarap naman nito Bunso!" Masayang pagpuri ni Bert kay Enzo habang magana nitong kinakain ang inihandang almusal ni Enzo para sa kaniya. Tila kakaiba kay Enzo na marinig ang mga papuri na nangagaling sa kaniyang kuya Bert. Bawat sambit nito ng paghanga ay katumbas nang pagpupuno ng kaligayahan sa hungkag na puso ng binata.

 "HOY BERTO ANG HELMET MO!" Pasigaw na paalala ni Nanay Fely sa mapanandyang anak.

 "Kukunin na nga eh!" Pang-aasar na sabi ni Bert sa ina.

 "Bunso, maghahalf day ang kuya at ipapasyal kita!" Masayang sabi ni Bert sa nakatinging si Enzo. Labis namang ikinamula ng mukha ni Enzo ang kaniyang narinig mula kay Bert.

 "Dapat lang at sa isang linggo na ang pasukan nyo." Natutuwang sambit ni Nanay Fely kay Enzo kasabay ng pagyakap dito ng malambing.

 "Selos naman ako!" Paglalambing na sinabi ni Bert kasabay ng paglapit nito sa kaniyang ina't niyakap ito ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. Pagkatapos naman ay nilapitan niya si Enzo't niyakap din ito't hinagkan ang noo ng binata.

 "Pakabait ka bunso ha!?" Malambing na paalala ni Bert kay Enzo.

 "PAGPALAIN KA BERTO'T MAG-IINGAT KA! HUWAG KANG KASKASERO!" Malambing na bulyaw ni Nanay Fely sa papalabas na anak.  Nakatalikod lang na kinawayan nito ang nagpapa-alalang ina

 "Bumalik ka na sa pagtulog bunso't ako na ang bahala rito." Maaalalahaning bigkas ni Nanay Fely kay Enzo.

 "Hindi na po ako inaantok!" Maganang sagot naman ni Enzo dahil sa ipinakitang paglalambing sa kaniya ng kaniyang kuya Bert.

 Kakaiba ang bilis sa paglilinis at pagtulong ni Enzo sa mga gawaing bahay na sinasabayan naman ng mabilis na pintig ng kaniyang puso. Hindi na tinanong ni Enzo ang sarili kung bakit ganoon ang reaksyon niya sa walang malisyang paglalambing sa kaniya ng kaniyang kuya Bert. Ang tanging alam niya'y napapasiya siya ng mga papuring kanyang naririnig galing sa kaniyang kuya Bert...

 Tagaktak na ang pawis ng binata nang matapos niyang ilipat ang mga nakatambak na gamit sa dating pinaparadahan ng motor ni Bert. Nais niyang matuwa ito sa kaniya kapag nalamang iniayos niya ang nasabing lugar. Hinubad niya ang sando't isinampay sa isang lumang gamit na kaniyang inilipat kanina.

 Mabilis niyang natapos ang gawaing bahay ngunit napagpasiyahan niyang humanap pa ng pupuwedeng pagka-abalahan upang palipasin ang oras dahil labis siyang naiinip ng may pananabik sa pag-uwi ng kaniyang kuya Bert at tupadin nito ang binitawang pangako nito sa kaniya kaninang umaga.

 "LAKI NG KATAWAN NATIN AH!" Boses ni Bert na ikinagulat bigla ni Enzo.

 "Naks naman! THANK YOU BUNSO!" Sambit ni Bert na nasa likuran na pala ni Enzo. 

 Malalim na iniisip ng binata ang kaniyang kuya Bert kaya hindi nito narinig ang kaniyang pagdating ni ang tunog ng sinasakyang motor nito. 

 "Ayos ha!" Tuwang-tuwa pa din si Bert matapos nitong iparada ang motor sa nilinis na lugar ni Enzo.

 "Matagal ko na talagang balak ayusin yan. Ala lang time kasi." Nakangiting pagpapaliwanag ni Bert kay Enzo na tila nahihiya sa ginawa ng binata.

 "Ayos lang kuya." Masayang sagot ni Enzo kay Bert kasabay ng pagsukli nito ng isang matamis na ngiti. Sinuklian lang ni Bert ng paggulo nito ng isang kamay sa buhok ng kaharap, tila nakagiliwan na niyang gawin ito kay Enzo.

 "ANG BATUGAN MO KASI!" Biglang bulyaw ni Nanay Fely sa kanilang dalawa patuon sa kaniyang anak habang nakadungaw ito sa bintana.

 "HALA'T KUMAIN NA KAYO!" Malakas na dagdag na iniutos nito kina Bert at Enzo sabay talikod sa kanilang direksyon...

 "Bunsoy mag-ayos ka na't para maaga tayong maka-alis." Sambit ni Bert pagkatapos nilang kumain.

 "O siya't magready ka na't ako ng bahala dito." Ang mahigpit na utos ni Nanay Fely kay Enzo. 

 Gusto pa sanang tumangi ng binata ngunit hindi nalang niya itinuloy at sinunod nalang nito ang kanyang Nanay Fely't kuya Bert. 

 Pagkatapos maghanda't mag-ayos ni Enzo ay agad naman silang lumisan ng kaniyang kuya Bert para maipasyal nito and binata sa kauna-unahang pagkakataon niyang paninirahan sa lungsod.

 Labis ang galak sa puso ni Enzo dahil sa mga lugar na pinuntahan nila ng kaniyang kuya Bert. Nagpunta sila sa mga naglalakihang mga kilalang Mall ng lungsod pati na rin ang mga pasyalang tanging sa telebisyon lang napapanood ni Enzo noong elementarya pa lamang siya. 

 Ikinatuwa lang din ni Enzo kinalaunan nang saglit lang nilang bagtasin sa kanilang rumaragasang motor ang kahabaan ng EDSA; Noong una'y takot na takot ito sa mabilis na pagpapatakbo ng kaniyang kuya Bert sa motor ngunit sa kalauna'y naging malumanay na rin ang kaniyang pakiramdam nang malaman at masiguro niyang ligtas siya habang nakayakap sa matitikas na baywang ng kaniyang Kuya Bert. 

 Hindi batid ni Enzo na sa kaniyang bawat ngiti na nagmumula sa kaniyang labis na pagkamanghang ipinapakita ay siya namang pinagmamasdang palihim ni Bert. Labis din na ikinatuwa ni Bert na kahit sa simpleng paraang alam niya'y napasaya niya ang nangungulilang si Enzo. Hindi batid ni Bert na iba na ang kaniyang naididulot sa tahimik na puso ng binatang kaniyang palihim na pinangakuang aarugain.

 "SARA MO NGA YAN AT BAKA PASUKAN NG LANGGAW!" Malakas na pabirong sinabi ni Bert kay Enzo habang nakatingin ito sa mga mamahaling mga Rubber Shoes sa estante ng isang kilalang Department Store.

 "Ang ganda kasi..." nahihiyang sabi ni Enzo sa kaniyang kuya Bert. Alam niyang baka alaskahin na naman siya ni Bert.

 "Sukat mo." Patay malisyang sinabi ni Bert habang abala din ito sa pagtingin sa mga sapatos.

 "Di naman ako bibili." Maikling sabi ni Enzo.

 "Bakit sinabi ko bang bumili ka!?" Mabilis na sinabi agad ng mapang-asar na si Bert kay Enzo sabay tawa nito ng malakas na siya namang ikinapula ng pisngi ng napahiyang binata.

 "Sir libre pong magsukat." Nakangiting pag-singit ng saleslady upang hindi na lalong mapahiya si Enzo.

 Masayang tinulungan ng saleslady si Enzo sa pagsusukat ng mga mamahaling Rubber Shoes habang tinatanong siya ng saleslady kung ano ang pinakagusto niya sa lahat. Lingid sa kaalaman ni Enzo ay tahimik lang na pinagmamasdan sila ni Bert. 

 Pagkatapos namang magsukat ni Enzo'y niyaya na siya ng kaniyang Kuya Bert na umuwi.

 "Bunso! May nakalimutan lang ako. Diyan ka lang at huwag kang umalis!" Biglaang sinabi ni Bert kay Enzo kasabay ng kaniyang biglang pagtalikod sa kausap at naghuhumikahos na pumasok sa mall. 

 Walang nagawa si Enzo kung hindi hintayin nalang niya si Bert habang binabantayan niya ang nakaparadang motorsiklo.

 Makalipas ang mga ilang minuto ay nakita na niyang naglalakad papalapit ang kaniyang kuya Bert. Labis ang pagkahanga ang makikita sa mga mata ni Enzo dahil kitang-kita niya ang ganda ng tindig at pangangatawan nang papalapit niyang kuya Bert.

 "O Bunso!" Masayang sambit ni Bert sabay bigay ng isang kahon na nasa supot ng Department store kay Enzo. Hindi kaagad naka-imik si Enzo sa ginawang iyon ng kaniyang kuya Bert.

 "Kuya..." Tanging sambit lang ni Enzo. Tahimik pa ding nakangiti't nakatitig si Bert sa nagulat na binata. Tinignan niya ang mga nanlalaking mata nito kasabay din naman ng pagtitig ni Enzo sa kanya hanggang magdikit muli ang kanilang paningin.

 "SALAMAT KUYA!" Malakas at masayang sinabi ni Enzo kay Bert at walang pasintabing niyakap niya ito ng lubusan at mahigpit.

 "O.A. ka naman bunso, halatang-halatang promdi ka!" Natatawang sambit ni Bert sa nakayakap sa kaniyang si Enzo...

 Kung gaano kahigpit ang ginawang pagyakap ni Enzo sa kaniyang Kuya Bert nang sinorpresa siya nito ay ganoon din kahigpit ang pagkaka-akap ni Enzo sa mga baywang nito habang mapayapa nilang binabagtas ang highway papauwi sa kanilang bahay.

 Kasabay ng mabilis na paglipas ng mga araw ay kasabay din naman nang unti-unting pananabik ng binatang si Enzo sa pag-uwi ng kaniyang Kuya Bert mula sa opisina...

 Labis-labis ang kaniyang pananabik sa mga oras upang makapiling niya ang pangalawang bagong natagpuang kuya...

 Ang mga katagang pabiro't pang-aasar nito...

 Ang mga magaganda't nakakataba ng pusong mga papuri sa kaniya ng kaniyang Kuya Bert...

 Ang ilang araw na lumipas ay mistulang isang malakas na sinag ng araw na unti-unting nagpapakita at sumasagot sa katagang itinanong ni Bert sa naguguluhang puso ng binatang si Enzo...

 Liwanag na nagpakita't nagpamulat sa mga mata ni Enzo kung anong klaseng puso meron siya...

 Ang nakakasilaw na sinag na pilit nagpapakita sa binata ng kaniyang tunay na nararamdaman na pilit niyang iniwawaksi't ikinakaila sa isipan sa mga nagdaang araw...

 Ang liwanag na nagpakita kay Enzo sa kaniyang tunay na larawan...

 Lumipas ang mga araw at sumapit na ang kinagabihan bago magbukas ang klase nina Enzo sa kinabukasang araw...

 Tahimik na pinapagmasdan ng binata ang payapa't nahihimbing nitong Kuya Bert...

 Kakaiba ang kaniyang nararamdaman habang pinagmamasdan ang hubog at hugis ng lahat ng parte ng mukha ni Bert....

 Tuluyan ng nahumaling ang binatang si Enzo sa mukha ng kaniyang kuya Bert kasabay nang pagsabog ng buong katotohanang kaagad naman niyang napagdesisyunan na lubusang tanggapin sa kasalukuyang saglit...

 Marahang inilapit ni Enzo ang kaniyang mukha sa mukha ng kaniyang nahihimbing na Kuya Bert...

 Inilapat niya ang kaniyang mga labi sa mga labi nito...

 Inialis din agad ni Enzo ang mga ito makalipas ang ilang saglit nang makuntento't malasap na niya ang kaniyang pinaka-unang paghalik sa mga labi ng kapwa niya lalaki...

 Muling pinagmasdan ng binata ang mukha ng kaniyang Kuya Bert at sa di-inaasahan ay nagkasalubong muli ang kanilang mga mata...

 Walang bahid na pagkatako't pangamba ang nasa sa puso ni Enzo habang hinihintay niyang magsalita ang nakadilat na si Bert ngunit nanatiling nakatikom ang mga labi nito't patuloy siya nitong pinagmamasdan...

 "Kuya...." ang pagbasag ni Enzo sa katahimikang  namamagitan sa kanilang dalawa. 

 Kalmado pa rin ang larawan ng mukha ni Bert...

 "Alam ko Bunso....."



***Pula... ang pag-alibugho ng kakaibang pagnanasa.***

***Kahel... ang pagsikat ng isang bagong umaga.***

***Dilaw... ang pagmulat sa liwanag ng katotohanan.***

Luntian... ang desisyong tanggapin ang kapalaran.

Bughaw... ang pagkakataong talikuran ang tinatahak na landasin.

Indigo... ang mapanglaw na kaligayahan dulot ng kakarampot na pag-asa.

Lila... ang nakakabit na walang hanggang kapighatian.


Mga kulay ng Bahagharing sumisimbulo sa buhay ng karamihang mga bakla at  bisexual

na kagaya ni Lorenzo...



No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails