Followers

Friday, March 29, 2013

Ang Ika Walong Kulay Ng Bahaghari 7

Indigo...

 Sumisimbulo sa kulay na siyang nagbibigay ng kapahingahan sa mga matang hapuhap at paguran...

 Ang kulay ng nag-iisang bulaklak sa gitna ng mga matatalim na talahib sa masukal na parang...

 Ang sumisimbulo sa isang mapanglaw na liwanag sa dulo ng isang madilim at masikip na lagusan...

 Ang Liwanag na nagbibigay pag-asa sa isang pagal na nilalang... 


...


...


...



"Kuya Bert...." Ang nasambit lang ni Enzo nang marinig ang huling sinabi ni Bert sa kaniyang ina.

Labis na ikinagitla ng mag-inang Bert at nanay Fely ang pagbungad at pagsasalita ng binata sa gitna ng kanilang seryosong usapan.

Di namalayan ng binatang si Enzo ang unti-unting pagpatak ng kaniyang mga luha habang taimtim na nakatitig siya sa mag-ina...

Labis siyang nasaktan at napahiya...

Hindi mawari ni Enzo kung kanino ba siya labis na naghinagpis...

Sa kaniya bang kuya Bert na aminado sa kaniyang tunay na pagkataong matagal na nitong itinatago...

Si Bert na nagdesisyong sundin kung ano ang nais ng kaniyang yumaong ama, ng kaniyang ina't kapatid...

O kaya naman kay nanay Fely na pansamantalang kumupkop sa kaniya at itinuring siyang isang bunsong anak...

Ang mapagmahal na ina ni Bert na siyang may labis na pagkasuklam sa kagaya nilang dalawa ni Bert...

Hindi makapagsalita si Bert at si nanay Fely nang tuluyan ng mabitawan ni Enzo ang dala-dala nitong bag at pasalubong. Kahit na ang mga matitikas na daliri ng binata'y tila bumigay na rin dahil sa biglaang panlulumo sa kaniyang mga narinig at napagtanto...

Agad na tumayo si Bert at nilapitan si Enzo.

Mahigpit niya itong niyakap upang mabigyan niya ito ng lakas ng loob...

"Lalo mo lang pinalalala Berto..." Mahinang paalala ni nanay Fely sa sumuway na anak.

Tila walang narinig si Bert kungdi ang munting pag-iyak lang ni Enzo...

Ang itinuring niyang bunsong kapatid...

Ang tahimik niyang pinangakuang magiging kuya siya nito...

Ang dapat niyang alagaan at mahalin bilang nakababatang kapatid...

Unti-unting naramdaman ni Bert ang pagpuno ng masakit na damdamin sa kaniyang puso dulot ng labis na pagsisisi...

Sakit na kagaya ng nararamdaman ni Enzo...

Sino nga ba ang tunay na nasasaktan...

Wala ng nagawa pa si nanay Fely sa anak kaya naman napagdesisyunan nitong tunguhin nalang ang kaniyang kuwarto't magkulong mag-isa. Naupo ang butihing ina ni Bert sa kama't kinuha sa ibabaw ng estante na nasa tabi ng kama ang kwadrong may litrato ng kaniyang yumaong asawa. Tinignan niya itong lubusan. Animo'y buhay itong kaharap niya't kinausap...

"Ano bang kasalanan natin Anselmo't binigyan tayo ng anak na bakla..." Ang naguguluhang tanong ni nanay Fely sa larawan ng kaniyang yumaong asawa. 

Tila naghihintay ng kasagutan ang mapagmahal at maunawaing ina...

Kasagutang matagal na nitong nasagot ng katotohanang pilit niyang winawaksi sa kaniyang puso...

"Roberto...." Ang sambit ni nanay Fely habang hindi na nito napigilang pumatak ang kaniyang mga luha.

Alam ni nanay Fely na hindi sumpa sa pamilya si Roberto...

Mahal niya ito...

Mahal na mahal...

Ayaw niya itong mapahiya...

Ngunit ayaw naman ng kaniyang kaloobang mahirapan ang kaniyang anak...

Mas magulo pa ang diwa't kalooban ng butihing ina kaysa kina Enzo't Bert...

Si nanay Fely ang higit na nasasaktan sa sitwasyon nilang dalawa...

Wala na siyang magagawa pa...

Nakatulog si Enzo na nakadantay sa isang braso ni Bert habang umiiyak. Hindi na nakapagbihis pa ang binata dahil sa pagod ang katawan nito sa biyahe't ganoon din ang kalooban nito dahil sa labis na kalungkutan dahil sa nabungarang nakakabiglang masakit na balita.

"Sorry Enzo..." Mahinang sambit lang ni Bert kahit alam nitong walang silbi ang kaniyang salita.

Labis-labis ang pagsisi ni Bert sa nagawa niya sa binata...

Hindi naman niya akalaing mauuwi sa ganito ang kaniyang panunukso kay Enzo...

Noong una palang nang sinundo niya si Enzo sa terminal ay batid na nitong pareho silang dalawa ng pagkatao...

Batid na agad ni Bert na may isang nakatagong katauhang nahihimlay kay Enzo...

Isang hiwagang hindi maipaliwanag ng isang bakla o bisexual na maramdaman sa isang kapwa lalaki kung magkauri sila ng pagkatao...

Hindi talagang naka-undearwear lang si Bert sa tuwing matutulog ito. Sinasadya niya ito upang tignan kung totoo ang kutob niya sa binatang si Enzo. Wala ding pakiwari si nanay Fely sa kanyang binabalak noong una palang na pagdating ni Enzo sa kanila't pinayagang patabihin muna sa kaniya ang binata. Batid din ng maunawaing ina na naiwaksi nang lubusan ni Bert ang nakakasulasok nitong pagkatao.

Alam ni Bert ang lahat ng nangyari sa mga gabing nag-aapoy ng kapusukan ang buong damdami't katawan ni Enzo...

Alam niya ito dahil sinasadya niyang gisinging ang tunay na pagkatao ni Enzo...

Kahit ang malamig na pakikitungo niya sa binata nang tuluyan na niyang magising ang himlay at nakatagong katauhan nito'y wala sa kaniyang plano...

Gusto lang talaga niyang makipagtalik sa binata upang ibsan ang kaniyang uhaw at pananabik...

Pananabik na makipagtalik sa kapwa niya lalaki...

Hindi niya balak paibigin ang binata...

Lalong hindi inakala ni Bert na pati rin ang itinatago niyang lihim na pagkatao sa tulong ng kaniyang mahal na inang si nanay Fely ay tuluyang makawala kasabay ng pagkakagising ng tunay na si Enzo...

Ito ang labis niyang ikinatatakot na mangyari...

Ang magkaroon siya ng layang ilabas ang tunay niyang damdamin sa binata...

Ayaw niyang biguin ang kaniyang yumaong ama, ang kaniyang ina't kuya na labis na sumuporta sa kaniya simula palang...

Nunit ayaw din ni Bert na biguin ang kaniyang sarili...

Mas lalo na ang binatang tinuring niyang nakababatang kapatid...

Na kaniyang tinukso't pinagnasahan...

At tuluyang minahal...

Hindi niya ito ginusto't sinasadya...

Alam niyang mali ang ginawa niya sa musmos na puso ni Enzo...

Isang kasalanang maituturing sa mga pangkaraniwang mata ng mga madla...

Hindi na niya pwedeng bawiin pa ang sinabi niya sa kaniyang ina na pakakasalan na niya ang kababatang si Carol dahil nagbitiw na din si Bert ng kaniyang salita sa dalaga't mga magulang nito na kaniya itong pakakasalan pagkauwing-pagkauwi ng mga ito sa Pilipinas galing Canada. 

Batid din ni Bert na hindi niya talaga tinutugunan ang palagiang katanungan ni Enzo sa  kaniya...

Kung mahal niya ba ang binatang kaniyang tinukso't  lihim na minahal...

Ang katagang binitawan ni Bert kay Carol ay pinal na...

Ngunit ang itinugon ng puso ni Bert kay Enzo'y panghabang buhay...

"Maupo ka nga Roberto't mag-usap tayo..." Naiinis na utos ng ina nito.

Halos dalawang buwan din ang lumipas mula nang malaman ni Enzo ang desisyong pagpapakasal ng kaniyang kuya Bert sa matagal na nitong kababata't kasintahang si Carol. Talagang nag-iba na ang ikinikilos ng tatlo. Tahimik at pakiwari'y nagpapakiramdaman. May mga pagkakataong hindi nagkikibuan at tensiyonado ang bawat isa.

"Bakit ayaw mong maupo..." Malumanay na sambit ni nanay Fely kay Bert.

Alam ni Bert ang nais pag-usapan ng kaniyang butihing ina. Ipinakita nalang ni Bert sa kaniyang mukha na walang gana siyang makipag-usap. Alam ni Bert na kahit wala siyang sabihin ay magpapatuloy pa rin si nanay Fely ng sermon. Mas lalo namang  hahaba pa ang sasabihin nito kung tatalikuran nalang niya ang ina. Minabuti nalang ni Bert na manatiling nakatayo ilayo ang diwa sa sasabihin nito sa kaniya.

Tumayo si nanay Fely at lumapit sa tahimik na anak at walang pasabing pinalo niya ng pamatay ng langgaw ang bumbunan ni Bert!

"ARAY NAMAN! BAKIT NA NAMAN HO BA!" Nabiglang sambit ni Bert habang hinihimas-himas niya ang bumbunan. Tinignan niya ang ina. Nangiti si Bert sa hitsura ng mukha ni nanay Fely.

"PARA YAN SA TATAY MO! ETO NAMAN SA KUYA MO!" Masayang bulyaw ni nanay Fely sabay hampas sa isang tagiliran ng hita ni Bert.

"PROBLEMA NYO NANAMAN HO BA!" Malakas na panunukso ni Bert sa ina.

"PASAWAY KANG BATA KA!" Sagot na bulyaw ni nanay Fely sa anak na tumatawa.

"AT ETO NAMAN ANG PARA SA AKIN..." Pagtatapos ni nanay Fely.

Ipinikit ni Bert ang mga mata niya upang ihanda ang sarili sa isang mapagbirong paghampas ng ina sa kaniya...

"Mahal na mahal kita Roberto..." Sambit ni nanay Fely kay Bert habang mahigpit ang niyakap niya ito.

"BAKULAW NA BAKULAW KA NA!" Natatawa't naiiyak na sambit ni nanay Fely sa anak pagkatapos niya itong pakawalan sa kaniyang mapagmahal na pagyapos.

"Malaki ka na Berto't ikaw na ang magdesisyon para sa sarili mo." Talunang sinabi ni nanay Fely kay Bert.

Isang tapat na pangungusap na nanggaling sa puso ng isang mapagmahal na ina...

Ang puso ng isang ina na ayaw makitang nagdurusa ang kaniyang anak...

Ang anak niyang galing mismo sa kaniya...

"NAY SALAMAT!" Ang masayang sambit ni Bert sabay yakap sa ina.

Ang unang pagkakataong pumatak ang luha ni Bert dahil sa pagpapasalamat sa kaniyang ina...

Pagpapasalamat dahil lubusang tinaggap kung sino talaga siya...

"ILANG APO HO BA ANG GUSTO NYO?" Masayang sambit ni Bert kay nanay Fely.

Isang malakas na pagbatok ang ibinigay sa kaniya ni nanay Fely dahil alam niyang nagbibiro ito. Kilala niya ang kaniyang anak na si Bert. Alam niyang kung seryoso o kaya'y nagbibiro ito.

Kilala ng isang ina ang kaniyang anak kahit magkubli pa ang tunay nitong pagkatao...

"BAHALA KA NA SA BUHAY MO!" Sambit ni nanay Fely kay Bert habang tumungo na ito sa kaniyang kwarto...

"Patnubayan  mo ang ating bunso..." Ang tanging nasambit lang ni nanay Fely habang nakatingin siya sa hawak niyang kwadrong may larawan ng kaniyang asawa...

Sa loob ng dalawang buwang tahimik at walang imikan sa loob ng kanilang tahanan ay siya namang unti-unting pagkakatanto ng butihing ina upang malaman ang sagot na matagal na niyang itinatago sa kaniyang puso...

Hinubad na nito ang sariling maskarang isinusuot sa tuwing napag-uusapan nila ang tunay na kasarian ng kaniyang anak na si Bert...

Ang mala-asidong maskara na siyang nagpapahapdi sa kaniyang puso sa tuwing haharapin niya ang kaniyang anak...

Ang hapding idinudulot niya sa puso ni Bert...

Ang hapding napagdesisyunan ng kaniyang mapagmahal na pusong iwaksi't palitan ito ng tunay na damdamin para sa kaniyang bunsong anak na si Bert...

Ang anak na kaniyang tinanggap sa simula palang mula nang isinilang niya ito...

Ang minamahal niyang bunsong anak na si Bert na kahit anong klase pa ang pagkatao nito...

Dahil siya ang kaniyang ina...

Mahal na mahal niya ang kaniyang bunsong anak na si Roberto...

Tila nagkabuhay ang loob ng tahanan ng araw na iyon. Batid ni Enzo ang malaking pagbabago sa kaniyang nanay Fely at kuya Bert. Bumalik ang pagiging palasermon at palabulyaw ni nanay Fely kay Bert. Ganoon din namn ang pagiging mapanukso't mapanadya ng kaniyang kuya Bert sa ina. 

Iba ang pakiramdam ni Enzo't alam na alam nitong nagkasundo na ang mag-ina...

Katulad ng isang mapanglaw at malamlam na liwanag sa dulo ng isang napakadilim na lagusan ang pag-asang nararamdaman ni Enzo...

Unti-unting nanunumbalik ang kaligayahan sa puso ng binata...

"HOY BERTO'T MAGMADALI KA NA'T KUNIN MO NA ANG KOTSE NI KA RAMON MO!" Galit na utos ni nanay Fely kay Bert.

Muling pinasamahan ng kaniyang kuya ang asawa nito kay nanay Fely dahil nadestino na naman ulit ito ng dalawang araw sa malayong lugar. 

"Sumama ka na bunso't makilala mo naman ang panganay ko!" Masayang pag-anyaya ni nanay Fely kay Enzo.

Halos dapit hapon na nang maka-alis sina Bert at Enzo sa bahay ng panganay. Napasarap ang kanilang kwentuhan kaya nama'y hindi na nila namalayan ang paglipas ng mga oras.

Sumisipol si Bert habang nagmamaneho itong masayang-masaya. Nakatingin lang ang binatang si Enzo sa kaniyang kuya. Ang masayang mukha ni Bert ay siyang lubusang nagpapaginhawa sa kalooban ng binata. Ito ang una niyang naramdaman nang makita niya si Bert. Wala ni isang bahid ng tensyon mula sa mga nagdaang buwan ang mga ngiti ng kaniyang kuya Bert. 

Mga ngiting nagbibigay ng pag-asa't namumuong kaligayahan sa puso ng binatang si Enzo...

"Bunso... Mamaya na tayo uuwi ha." Malambing n sinabi ni Bert kay Enzo.

"May dadaanan lang tayo..." Malumanay na paliwanag pa ni Bert upang hindi na magtanong pa ang binata.

Tahimik lang na binagtas ng dalawa ang kalye papunta sa sinasabing lugar ni Bert...

"Diyan ba kuya Bert?" Laking gulat na tanong ng binatang si Enzo kay Bert habang ipinasok na nito ang minamanehong sasakyan sa loob ng isang Motel.

"Para special..." Tahimik na sinabi ni Bert kay Enzo.

Kung gaano kasabik na inaasam ni Enzo na makatalik muli niya ang kaniyang kuya Bert katulad ng pakikipagtalik nito sa kaniya noong dumalaw ito sa probinsya'y mas hinigitan pa nito ang pag-angkin sa katawan ng binatang sabik sa kaniyang kuya Bert...

Sabik  sa mga maiinit na dampi ng mga labi nito sa kaniya...

Sa mga yakap nito...

Sa maiinit nitong palad na humahaplos ng marahan sa kaniyang balat...

Sa buong katawan ng kaniyang kuya Bert...

Sa mga pag-ulos...

Sa pagsakop nito sa kaniyang binatang katawan...

Katawang malaya at kaya niyang ipa-ubaya kahit kailan man naisin ng kaniyang kuya Bert...

Unti-unting nagliliwanag kay Enzo ang lahat...

Maligaya sila sa piling ng bawat isa...

"I love you kuya Bert..." 

Puno ito ng pag-asa...

"Alam ko bunso..." 

"Alam ko..."

"Mahal din kita..."

Ang mga katagang matagal nang gustong marinig ni Enzo...

Hindi mapantayan ang tamis ang ibinibiigay ni Bert sa katawan at puso ng nagpapa-ubayang si Enzo...

Ang matamis nilang pag-iisang katawan...

Ang maalab at mapusok na pagtatalik...

Na sinigurado ni Bert na hinding-hindi malilimutan ng binata...

Pagtatalik na lubusang sinamantala ni Bert upang ipadama kay Enzo ang tunay nitong nararamdaman...

Maligaya siya sa piling ng binata...

Mahal niya si Enzo...

Kaya labis niyang binigyan ng di matumbasang kaligayahan ang minamahal niyang binata sa buong magdamag...

Ang magdamag kung saan tutuldukan na ni Bert ang lahat-lahat...

Ang pinakahuli niyang pakikipagtalik sa kaniyang tinuring na bunsong kapatid...

Sapagkat mahal na mahal niya ang binatang si Enzo...

Ang pinakamasakit at pinakamahirap na desisyong gagawin ni Bert sa buong buhay niya...


***Pula... ang pag-alibugho ng kakaibang pagnanasa.***

***Kahel... ang pagsikat ng isang bagong umaga.***

***Dilaw... ang pagmulat sa liwanag ng katotohanan.***

***Luntian... ang desisyong tanggapin ang kapalaran.***

***Bughaw... ang pagkakataong talikuran ang tinatahak na landasin.***

***Indigo... ang mapanglaw na kaligayahang dulot ng kakarampot na pag-asa.***

Lila... ang nakakabit na walang hanggang kapighatian.




Mga kulay ng Bahagharing sumisimbulo sa buhay ng karamihang mga bakla at  bisexual


na kagaya ni Lorenzo at Roberto...


No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails