Followers

Friday, March 29, 2013

Ang Ika Walong Kulay Ng Bahaghari 3

Kahel...

Sumisimbulo sa isang panibagong pag-asa at pagsibol sa puso ng isang taong nangangailangan ng kalunasan mula sa mahabang panahong pagkakaratay dulot ng pagluluksa't pagdadalamhati...

Kulay ng bukang liwayway na siyang hudyat na parating na ang isang panibagong umaga na siyang magkakaloob ng isang pagkakataong makapagsimula muli...


...



...



... 




 Buong magdamag lumikot ang mapanuksong imahinasyon ni Enzo na sanhi ng kaniyang kakaiba at panibagong pakiramdam para sa kaniyang bagong natagpuan na mahuhuwarang lalaki sa katauhan ng kaniyang Kuya Bert.

 Nakaupo lang si Enzo sa kama na may mga malalalim na itim sa kaniyang napuyat na mga mata. 

 Pinagmamasdan niya ang paghihikahos ng kaniyang kuya Bert habang nagbibihis ito ng uniporme dahil tinanghali sila ng gising. Karaniwang ang ina ni Roberto ang siyang gumigising sa anak tuwing umaga ngunit hindi na ito nag-atubili pa dahil maagang namalengke si Nanay Fely.

 "Maaga akong uuwi mamaya Bunso..." Natatarantang sabi ni Roberto kay Enzo habang iniaayos ang kaniyang sinturon.

 "Samahan kita mamayang gabi pagbumili ka ng school supplies..." tuloy-tuloy na sinabi ni Bert sa tahimik na si Enzo habang ipinasok niya ang kanang kamay sa kaniyang pantalon at brief upang ayusin ang pagkakalapat ng malaki niyang pagkalalaki upang hindi bumakat at maaninag ito sa suot niyang sedang pantalon.

 Napatigil sa ginagawa si Bert nang namalayan niyang nasa harapan na pala niya si Enzo at inaayos nito ang kwelyo ng kaniyang long-sleeve na polo. Matamis na nginitian nalang niya si Enzo dahil sa nakitaang pag-aasikaso ng binata sa kanya.

 "Hintayin mo ako bunso mamaya ha..." Paalam ni Bert kay Enzo habang lumabas na ito sa bahay upang tunguhin ang kaniyang motor.

 "Kuya Bert!" Malakas na tawag ni Enzo na siya namang ikinahinto ng nagmamadaling si Bert.

 "Helmet mo po..." Sambit ni Enzo habang iniabot niya ito sa nakangiting si Bert.

 "Buti't pinaalala mo..." Masayang sabi ni Bert sabay kuha at halik niya sa noo ng bago niyang bunsong kapatid. Pinagmasdan nalang ni Enzo ang pagharurot ng motor ng kaniyang kuya Bert habang ang mga daliri niya sa isang kamay ay marahang hinihimas ang noong hinalikan ni Bert. 

 Naamoy pa rin ni Enzo ang malamyos na panglalaking pabango na ginagamit ng kaniyang kuya Bert.

 "Ingat kuya...." Mahinang bulong ni Enzo sa kawalan ngunit alam ng kaniyang puso na ang mga katagang kaniyang binitawan ay maipararating ng taimtim niyang pananalangin para sa ligtas at payapang pagbiyahe ng kaniyang kuya Bert patungong opisina.

 Walang inatupag si Enzo kundi ang paglilinis sa loob ng pansamantala niyang magiging tahanan na kukupkop sa kaniya habang nasa kolehiyo pa siya. Matapos tiyakin ng binata na malinis na ang loob at ang lahat ng mga kagamitan ay nasasa-ayos na ay tinungo naman niya ang labas upang magwalis sa bakuran at mailigpit ang kung anumang pupuwedeng ligpitin. 

 Habang naglilinis si Enzo ay inaalala niya ang napakahabang habilin ng kaniyang Nanay at Ate Liza ukol sa pakikitungo ng binata sa mga taong nagmagandang loob na kukopkop sa kaniya pansamantala...

 "Buti nalang at nilinis mo ang bahay iho... Isang buwan ko ng inuutusan si Roberto..." Patuloy na pagsermon ni Nanay Fely sa anak kahit alam nitong wala naman ito sa kusina. 

 "Nagustuhan mo ba? Paborito din yan ni Berto...." Masayang sambit ni Nanay Fely kay Enzo habang tinitignan niya ang magiging reaksyon ng binata.

 "SABI KO NA NGA BA AT MUGUGUSTUHAN MO!" Parang masayang bata na sinabi ng mapagmahal na si Nanay Fely nang nakita niyang gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Enzo matapos matikman ang binili niyang bibingka sa palengke.

 "Ngayon lang po ako nakatikim ng ganitong klaseng bibingka Aling..." Naudlot na sabi ni Enzo nang inakap siya ni Nanay Fely ng buong paglalambing.

 "Nanay nalang ang itawag mo sa akin... anak..." Malambing na sabi ni Nanay Fely sa binatang si Enzo.

 Tumagos sa puso ng binatang si Enzo ang tapat at wagas na binigkas sa kaniya ni Nanay Fely upang tumulo muli ang kaniyang luha dahil sa labis na kasiyahan na mayroong mga taong tinanggap siya at kusang loob na gawin siyang bahagi ng kanilang pamilya.

 "Nay... Salamat po..." Nangangatal na tugon ni Enzo sa kaniyang panibagong natagpuang nanay sa kamaynilaan sa katauhan ni Nanay Fely.

 "Walang anuman anak..." Naluluhang sabi ni Nanay Fely kay Enzo habang akap-akap pa din niya ito. Katulad ng anak niyang si Bert ay batid din nito ang sinapit ng butihing ama't kapatid ng binata.

 Hinalikan ni Nanay Fely ang bumbunan nang bago niyang anak at pagkatapos ay ginulo ng mapagmahal na ina ang malalambot na buhok ng binata at ngumiti.

 "Ubusin mo na yan iho at pagnakita yan ni Bert... Malakas lumamon ang damuho ko.." Mapagbirong sinabi ni Nanay Fely kay Enzo. Labis ang kagalakan ni Enzo sa nasaksihan niya kay Nanay Fely. Alam na niya kung saan nagmana ang pagiging masayahing tao ng kaniyang kuya Bert...

 Isang malakas na dighay ang pinakawalan ni Bert matapos uminom ng isang basong tubig habang nakatayo ito sa tabi ng ref sa kusina.

 "Magbihis ka muna bago kayo umalis!" Sermon ni Nanay Fely sa anak habang tinutungo naman ni Bert ang kalanan upang tignan kung ano ang ulam nila. Kakarating lang ni Bert galing sa opisina.

 "Wala nang iba?" Reklamo ni Bert sa ina nang makita kung ano ang laman ng kaldero.

 "EH DI WAG KANG KUMAIN!" Malakas na sagot naman ng ina kay Bert. Natural sa tahanan nila ang ganitong klaseng eksena.

 "Nay naman! Nagmamadali pa naman akong umuwi para kumain!" Hindi papatalong malambing na sagot ni Bert sa ina habang inialis na nito ang pagkakabutones ng kaniyang suot na uniporme.

 "MAGBUKAS KA NALANG NG DELATA!" Pagbawi ni Nanay Fely sa hindi nagpapatalong anak.

 "Mas gusto ko ang lutong bahay..." Pananadya na ni Bert sa napipikon na ina. Umupo na ito sa mesa at isinampay ang hinubad na polo sa matikas nitong balikat. Nagpangalung-baba ito't sinimangutan ang nakatitig na ina.

 "ABA'Y TALAGANG HINAHAMON AKO NG BATANG IRE..." Nakapamewang na sambit ni Nanay Fely kay Bert. Di pa din natitinag ang barako niyang anak.

 "TALAGA NAMAN...." Pagtugon ulit ni nanay Fely sa humahamong anak.

 "Sabi ni Nanay favorite mo daw yan..." Ang pagsasalita ni Enzo upang sumingit sa usapan ng dalawa niyang bagong kapamilya. Napatitig sina Nanay Fely at Berto sa pinggang inihain ni Enzo sa harapan ng nakapangulumbabang si Bert.

 "Diba sinabi kong ubusin mo yan. Binili ko iyan para sa iyo." Namamanghang sambit ni Nanay Fely sa kabaitan ni Enzo.

 "OKAY ANG BUNSO KO!!!" Masayang sabi ni Bert habang nilingkis niya ng kaliwang braso ang leeg ni Enzo upang ilapit ito sa kanya sabay bigay ng isang mariing halik sa pisngi ng maaalalahaning binata. 

 Mabilis na dinampot ni Nanay Fely ang panghampas ng langaw at ipinalo iyon ng malakas sa bumbunan ng anak.

 "BAKA MABALE ANG LEEG NI BUNSOY... LAGOT KA SA AKIN.!" Matigas na sinabi ng ina kay Bert habang tumatawa.

 Masayang pinagmasdan ni Enzo na masaya at maganang kinakain ng kaniyang kuya Bert ang itinira niyang bibingka na ipinasalubong sa kanya ng kaniyang Nanay Fely. Ang masayang biruan ng mag-inang Fely at Roberto ang unti-unting nagpupuno  sa espasyo ng hungkag na puso ng binata dahil sa pangungulila sa kaniyang ama't kapatid.

 "Dalhin mo ang susi Roberto't doon ako matutulog sa mga kuya mo't walang kasama sina Maricel." Patuloy na sermon ni Nanay Fely kay Bert dahil pinakiusapan siya ng isa pa niyang anak na siyang kumpare ng yumaong tatay ni Enzo na samahan muna nito ang asawa't dalawang anak dahil ilang araw itong di makakauwi.

 "Dito na ho." Naaasar na sabi ni Bert sa ina habang inaakay nito si Enzo palabas. Nagmamadali naman niyang inilabas ang motor at sinakyan ito sabay paandar at pagpaparebolusyon dito.

"SAKAY NA BILIS!" Galit na utos ni Bert sa nakatanggang si Enzo. Mabilis namang umangkas ang binata sa likuran ni Enzo at kumapit ito ng mahigpit sa dalawang maskuladong balikat ng kaniyang kuya Bert nang sinimulan na nitong paandarin ang motor.

 "ROBERTO ANG HELMET NYO!!!" Naririnig ni Enzong palahaw ni Nanay Fely sa kanila habang hawak-hawak nito ang dalawang helmet na sadyang kinalimutan talaga ng kaniyang Kuya Bert na kasalukuyan namang tumatawa...

 "Huwag na bunso..." Masayang sambit ni Bert kay Enzo habang iniiwas nito ang dalawang kamay upang ipakita ang kaniyang pagtutol sa pagbabayad sa kaniya ng binatang si Enzo.

 "Kuya Bert naman... nakakahiya po sa inyo..." Pagpupumilit ni Enzo na ibigay ang perang ipinadala ng kaniyang Ate Liza upang ipambili ng kaniyang mga gagamitin sa pag-aaral bago siya lumuwas papuntang Maynila. Labis niyang ikinagulat ang ginawang pagbabayad ng kaniyang kuya Bert sa lahat ng kaniyang pinamili.

 "Bunso naman... magagalit ako sa iyo... gusto mo bang iwanan kita dito?" Pabirong sabi naman ni Bert na siyang ikinatigil ni Enzo. Hindi niya alam kung maniniwala siya sa mga biro ng kaniyang kuya o babalewalain nalang niya ito. Mas pinili ni Enzong itigil na ang pamimilit at tumahimik nalang.

 "Bunso naman biro lang..." Pagbawi ni Bert kay Enzo nang makitaan niya ng kaunting lungkot ang mga mata ng binata. Inakbayan niya ito at mahigpit na inilapit sa kaniyang dibdib.

 "Basta ba lagi mong ipagtabi ang kuya ng makakain!" Pagbibiro muli ni Bert kasabay nang paggulo ng kaniyang matikas na isang kamay sa buhok ni Enzo. Ikinangiti naman ng binata ang ginawa sa kaniya ng kaniyang kuya Bert...

 Habang payapang humaharurot ang kanilang motor na sinasakyan sa pagbabagtas  ng highway pauwi ay siya namang abala ang malalim na guni-guni ng binatang si Enzo.Inaalala ni Enzo ang mga masasayang larawan sa buong nakalipas na araw sa piling ng bago niyang pamilyang sina Nanay Fely at kuya Bert na nagsabi at nagpakitang handa sila at bukas ang kanilang pamilya't tahanan para sa kanya.

 Hindi namamalayan ni Enzo ang paghigpit ng kaniyang pag-kakaakap sa maskuladong baiwang ng kaniyang kuya Bert at ang pagdikit ng kaniyang isang pisngi sa matitikas at malalapad nitong likuran habang unti-unti ang pagkagunaw ng kaniyang takot sa pagsakay sa motor. Kasabay nang paghalimuyak ng malamyos na pabango ng kaniyang kuya Bert ay ang payapang pagkalinga at pagpuno sa kaniyang hungkag na puso ng wagas at tapat na pagmamahal na nagmumula sa kaniyang Nanay Fely at Bert.

 Katulad ng maligamgam na init na nanggagaling sa magandang pagsibol ng bukang liwayway ay siya ring nararamdaman ng binatang si Enzo habang unti-unting pinupunan at pinapalitan ng kaniyang kuya Bert ang kumukupas na larawan ng kaniyang namayapang butihing ama't mapagmahal na kapatid.

 Naging maluwag at payapa ang paghinga ni Enso nang tuluyang mawaksi ang kaniyang pangungulila kasabay nang mas lalo pang paghigpit ng kaniyang payakap at pagdikit sa bruskong pangangatawan ng kaniyang kuya Bert hanggang sa sila'y maka-uwi...

 Kasalukuyang naliligo si Enzo sa poso upang maging maginhawa ang kaniyang pagtulog habang ang kaniyang kuya Bert naman ay sinisigurong nakapinid ang mga pintuan ng bahay tulad ng habilin ng ina sa kaniya...

 Matapos sabunin ni Enzo ang buong katawan ay itinuon niya ang pagsasabon sa kaniyang likod...

 "Ako na bunso..." Tinig ni Bert. 

 Napatingin sa kaniya si Enzo...

 Papalapit kay Enzo ang nakataping si kuya Bert...

 "Nahihiya ka? Pareho naman tayong lalaki..."  Pagbibiro ni Bert sa binatang si Enzo dahil labis niyang nakitaan ng pagkahiya ito. 

 Tanging puting brief lang ang suot ng kaniyang bunso.

 Tahimik lang na pinagmasdan ni Enzo ang bawat kilos ng kaniyang kuya Bert...

 Walang pasabing tinanggal ni Bert ang malaking tuwalya sa baywang upang tumambad ang magandang pagkakalilok ng kaniyang pangangatawan sa binatang si Enzo. Manipis at hapit na kupas na brief ang tumatakip sa napakalaking kaselanan nito...

 Hindi namalayan ni Enzo na iniabot na niya sa kaniyang kuya Bert ang hawak-hawak niyang sabon at kaagad na tumalikod...

 Dama ng makinis at matipunong pangangatawan ng binatang si Enzo ang bawat malamyos na paghaplos ng dalawang maiinit na palad ng kaniyang kuya Bert...

 Ipinikit ni Enzo ang mga mata  at hinayaan nalang niya ang pagmamagandang loob sa kaniya ng kaniyang kuya Bert...

 Marahang sinabon ni Bert ang makinis na likod ng binata pagkatapos ay sinabon naman nito ang mga balikat ni Enzo...

 Damang-dama ng buong katawan ni Enzo ang paglapat ng maskuladong katawan sa kaniya ni Bert...

 Kahit basa siya ay nararamdaman niya ang init mula sa maskuladong katawan ni Bert...

 Kahit ang natutulog na pagkalalaki nito ay hindi rin nakawala sa matinding pangdama ni Enzo...

 "Bakit galit yan bunso...." Ang malamyos na malahanging pagbulong ni Bert sa isang tainga ng binata nang makitang nakalabas na sa suot na underwear ang gising na gising na pagkalalaki nito...



 ***Pula... ang pag-alibugho ng kakaibang pagnanasa.***

 ***Kahel... ang pagsikat ng isang bagong umaga.***

 Dilaw... ang pagmulat sa liwanag ng katotohanan.

 Luntian... ang desisyong tanggapin ang kapalaran.

 Bughaw... ang pagkakataong talikuran ang tinatahak na landasin.

 Indigo... ang mapanglaw na kaligayahan dulot ng kakarampot na pag-asa.

 Lila... ang nakakabit na walang hanggang kapighatian.



Mga kulay ng Bahagharing sumisimbulo sa buhay ng karamihang mga bakla at  bisexual

na kagaya ni Lorenzo...


No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails