Followers

Sunday, March 24, 2013

Mahal Mo Ba Ako? - 3


Chapter 3 – Intramurals

-----
Kung gusto nyo lang naman, walang pilitan.

You can add me up on fb: facebook.com/ignis.dominguez

Or follow me on twitter: https://twitter.com/ignisdominguez

fair warning though, suplado po talaga ako. haha.
                
 -----

"Para naman kausapin mo ako ng matagal-tagal at hindi na lang puro OO, HINDI, at one-liner ang sagot mo. Ang suplado mo kasi." sabay ngiting nakakaloko at check sa paper ko.

"What's wrong with you?" tanong ko sa kanya.

-----

Iyon na sana ang gusto kong sabihin pero hindi ko na ginawa. Sa ngiti niyang parang engeng, hindi ko talaga siya ma-gets.

“Ah, ok”, sabi ko.

Nawala ang ngiti na nakasilay sa kanyang mukha kani-kanina lang. Tumalikod na si Rey ng upo at hindi na kumibo hanggang matapos ang klase at nagpatiuna sa barkada niya.

Ako, balik sa pakikipagbalitaktakan kay Lyn. Hindi ko na naisip ang idudulot ng ginawa ko.

Sa mga sumunod na linggo, ganun na naman ang set-up sa klase. Hindi na masyadong nakikigulo si Rey sa mga oras na nagkwekwentuhan kami.

“Buti naman,” sabi ko sa utak ko.

August na pala. Ilang araw na lang intrams na namin. Excited na ako na ewan. Gabi-gabi na lang kasi hapong-hapo ako umuuwi ng dis oras dahil sa rehearsals ng cheering. Isa iyon sa mga extra curricular activities ko sa school. Doon ko nakilala ang babaeng tinawag ko sa pangalang Nanay Letty. Well, hindi pa naman siya ganoon katanda dahil 3 taon lang agwat namin kaya lang ginagawa niya kasi akong bunso. Kapag sa oras na tinatawag na niya akong “Butotoy”, hahanapin ko sa kanya kung sino ang tatay ko at titigil na siya palibhasa miyembro siya ng ‘No Boyfriend Since Birth Society’.

Minsan, pagkatapos kong bumili ng Nescafe Ice Blast sa cafeteria, nadaanan ko siya na tumitingin sa isang booth sa may lobby ng building namin.

“Nanay Letty! Ano na naman yang tinititigan mo diyan?”, sigaw ko.

“Anak! Nahanap ko na ang tatay mo.” kikisay-kisay niyang sabi na halatang kinikilig ang matanda.

“Weh?!” ansarap talaga asarin nito.

“Oo anak, kapag ako nilapitan nito, sasagutin ko siya agad. Magpapaanak ako para may kapatid ka na”, anas niya.

“Nay akala ko ba kailangan kasal ka muna bago ako magkaroon ng step sibling? Kung sabagay baka magsara na iyan at umabot sa deadline bago mangyari yun,” asar ko uli sabay tawa.

“Tse! Eh sa gwapo nga siya anak. Kahit souvenir na lang ang kapatid mo ok na ako,” kinikilig pa rin talaga siya.

“Sino ba kasi yang fantasy tatay ko?”

“Correction. Hindi siya fantasy anak. Totoo siya. Flesh and bones. Siya ang tatay mo Ignis,” habang kilig na kilig, itinuro niya ang isang litrato ng isang lalaki na nakadikit sa bulletin board para sa Mr. and Ms. College of Allied Health Sciences.

Tiningnan ko ang direksyon sa kung saan nakaturo ang hintuturo niya. Pinagmasdan ang larawan. Ay teka!

“Siya?! Bakit siya?” tanong ko kay Nanay Letty.

“O diba, ang gwapo niya kaya Ignis, magkahawig pa kayo pero lamang – “

“Ako!” banat ko.

“Hindi. Siya kaya.” Sabay irap.

“Hindi naman” ginaya ko siya.

“Bakit mo naman tinanong anak, kilala mo ba yan?” tanong niya.

“Si Rey? Medyo. Kaklase ko kasi iyan sa Philo eh,” Sabi ko.

“Talaga?! Anak close ba kayo? Kuhanin mo naman number niya para sa akin oh. Please. Please,” nagniningning ang kanyang mga mata habang sinasabi ito.

“Oo ‘Nay kaklase ko nga siya. Sorry, hindi kami close dahil napakayabang ng mokong na iyan,” paliwanag ko.

“Edi kunin mo na lang yung phone number niya para sa akin. Problema ba iyon? Siga na naman oh”, pagpupumilit niya.

Tiningnan ko siya sa mata na may kakaibang kinang. Nakangiti ako sa kanya sa paraang ala Maricel Soriano.

“Nay, parang hindi mo ako kilala. Kelan AKO kumuha ng number ng ibang tao aber? KELAN Nay?” nakangiti ako niyan.

“Hay, oo na. Tanggap ko naman na wala akong mapapala sa iyo kapag ganyang mga bagay. Kahit na alam mo na parang wala na akong pag-asa maging isang ina,” asus nagemote na.

“Tigilan mo na ‘yan Nay. Halata umaarte ka lang,” sabi ko na lang.

“Hmp. Kainis ka! Panira ito ng moment,” turan niya at biglang bulong, “halata bang acting lang iyon?”

“Oo kaya. Tsaka anong drama mong hindi ka magiging ina? Bakit baog ka ba? Hindi mo pa naman proven yun at wag mo munang aalamin kasi wala pa akong tatay,” asaran uli.

“Meron na nga diba, yan na nga oh”, sabay turo uli sa larawan.

“Tss! Sige na may klase na ako, bye ‘Nay”, at sabay talikod.

“Anong class mo?” tanong niya.

Lumingon ako at sinabi, “Philo, bakit?”

Biglang sukbit niya sa braso ko at sabing “Sige anak sabay na ako sa ‘yo”.

Umakyat na kami sa 4th floor ng building at hinatid muna niya ako sa classroom ko. Bigla kong naalala na iyon nga pala ang klase namin nila Rey.

“Kaya ka pala sumama, kala ko naman worried ka sa bunso mo at hinatid mo pa ako. Lalandi ka lang pala,” sabay tawa.

“Oi Ignis Butotoy hayaan mo na ang nanay mo ok?! Madalang lang ito. CHEC tayo mamaya treat ko, hihihi,” pati tawa ang landi.

“Sige ba, sabi mo yan eh, gusto mo pumasok? Hehe,” natuwa ako sa sinabi. Ililibre ba naman ako ng 4-layered sandwich na ang palaman ay ground Chicken,Ham, Egg, at Cheese. Peyborit ko pa naman yun.

“Hindi na. Masaya na akong matanaw siya sa malayo,” parang stalker naman ang dating niya ngayon.

“Bahala ka,” at iniwan ko na siya sa pinto para sa mainit na debate naming ni Mane este Lyn. Memory gaps na naman.

Lumipas ang isang oras ng klase naming na puro kalokohan lang ginawa. Buti na lang walang ‘quiz’. Pagbaba ko ng hagdan pauwi na sana ng maabutan ko si Nanay Letty sa lobby.

“Oi Inay. Ang libre mo hindi ko makakalimutan”, kinalimutan ko na ang pag-uwi.

“Saglit lang anak. Hinihintay ko pang bumaba ang tatay mo,” titingin-tingin siya sa hagdan.

“Sorry to burst your bubble, pero hindi diyan dadaan ‘yung mokong. Sa likod sila dumaan kasi sa may hospital siya nag-park ng kotse. Pupunta kasi sila ng SM,” sabi ko.

“Ganun ba? Sayang naman. Teka bakit mo alam? Kala ko ba hindi kayo close?” sunod-sunod na tanong niya na parang abogada.

“Hindi nga. Niyaya kasi ako ni Evan eh, yung bestfriend niya na sumama sa kanila, yun yung nakakausap ko,” nagpaliwanag talaga ako.

-----

Si Evan Eusantos ang singer ng barkada nila Rey. Siya ang isa sa pinakamabait pero kalog. Mas matangkad sa akin ng isang pulgada at siya iyong tipong friendly kaya kasundo ko na kaagad. Hindi ko nga alam kung paano sila naging magkaibigan ng hari sa kayabangan. Madalas namin siyang biruin ni Lyn na bigyan kami ng pasalubong ‘pag uuwi siya sa probinsya nila na itatawa lang niya.

-----

“Oi Ignis, nakita mo na pala si Rey jan sa bulletin. Vote mo naman siya oh”, si Evan pala, sabay pakita ng box na may pangalan ni Rey.

Biglang singit si Nanay Letty at suksok ng singkwenta pesos sa box ni Rey. Kapa ako ng barya sa bulsa ko at may dos pa pala na nilagay ko rin kung hindi lang ako nahihiya kay Evan.

“Salamat ah,” sabi ni Evan.

Sasagot sana ako ng biglang sumabat si Nanay Letty. “Wala yun basta para kay Rey,” at ngumiti na halatang nagpapa-cute. Napangiti na lang si Evan.

“Siya nga pala Evan, siya si Nanay Letty ko. Kasama ko siya sa cheering. Nay, si Evan kaklase ko,” pakilala ko sa isa’t isa.

“Alam ko anak,” biglang baling kay Evan, “Ikaw yung bestfriend ni Rey, diba?”

“Oo, bakit?” naguguluhang tanong niya.

“I-hi mo na lang ako sa bestfriend mo ah, hihihi,” walang kupas ang landi sa tawa ni ‘Nay Letty.

“Bakit di ka pala sumama sa kanila, Evan? Sayang naman yung gala. Ililibre pa kasi ako nito ni Nanay eh” nagpaparinig na ako.

“Wala lang. Kung sumama ka siguro sasama na din ako,” walang gatol at emosyon na sabi ni Evan.

“Ganun ba? Sensya na at ILILIBRE pa ako ni Nanay Letty eh” nilalakasan ko na ang boses ko para mahalata ni Nanay Letty.

“Sige pala, mauna na ako” paalam ni Evan.

“Geh tol, ingat,” paalam ko rin.

Paglinga ko kung nasaan si Nanay Letty, wala na pala siya sa tabi ko. Nakita ko na lang siya na nakaharap na naman sa larawan ni Rey at nakatitig na naman dun. Kaya pala hindi man lang kumibo ang loko.

Hinawakan ko na lang siya sa braso at marahang hinila. “Tama na iyan, nagugutom na ako tsaka baka matunaw yang picture wala ka ng titingnan bukas” asar ko uli.

“Tara na nga. Kainis ka talaga pero may point ka,” sabi niya.

Punta na kami dun sa store na kung saan may CHEC. Umorder kaming dalawa at syempre dalawang CHEC sa akin at tig-isang 12oz. na Pepsi. Pagkaupong-pagkaupo namin sa table biglang tumunog ang cp ko.

“Shet! Bakit special pa kasi yung napili kong alert tone kapag may text,” sabi ko sa isip ko kasi biglang tumingin lahat ng tao sa direksyon ko. Biglang nawala ang feeling ng pagkahiya ko ng basahin ko ang text. Weird naman. Hindi ko pa naman binibigay number ko sa kanya ah paano niya nalaman?

“Ano kayang topak ni Evan?” tanong ko kay Nanay Letty.

9 comments:

  1. pramis. nakakabitin.
    -frontier

    ReplyDelete
  2. Ui parang maging tatsulok ito ah?????? Hahaha exciting.. ay hindi pala tatsulok parang parisukat na nga...

    ReplyDelete
  3. ..kakabitin.

    ..ahrael

    ReplyDelete
  4. haba ng hair, pang shampoo ng kabayo commercial
    hahaha
    mukang may hinahalong putaheng mtagal ng natimpla peo d pnagsasawaan, love triangle. hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha. di pa naman pa-rapunzel.

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails