Followers

Thursday, March 21, 2013

Look at me with Love Part 4 – Left Alone



Look at me with Love Part 4 – Left Alone
By: simonusimon
Add nyu din ako sa fb simonusimon@gmail.com
                “Hanggang dito na lang ba ako” tinig ng isang lalaki “Pero di pa ako nakakapagpaalam sa mahal ko, pede bang kahit isang minute pa” pagsusumamo nya.
                Tumango na lamang ang kausap nya.
                “Mahal ko, pasensya ka na, di ko naman gustong iwan ka na e.” sabay ng pagpapahid nito ng luha nya. “Alam ko ipinangako ko sayo noon na di kita iiwan, natatandaan ko pa nga ang sinabi mu noon, na di mo kakayanin, wag ka mag-alala mahal ko, ako ang bahala sayo, may makikita ka pang iba, at ako rin mismo ang maghahanap para sayo.”
                “Justin!” sigaw ko, naluluha nyang sambit mula sa pagkagising.
                Agad naman akong nilapitan ni kuya Jerome na halatang nagliwanag ang mukha dahil sa pagkakaroon ko ng malay. Wala naman akong major injury, bukod sa sakit mula sa pagkakaipit ng paa ko.
                “Kuya… si Justin” umiiyak kong tanong habang nakaakap ako sa kanya.
                Sasagot na sana si kuya ng biglang nagring ang kanyang cellphone na agad naman nyang sinagot. Mula sa mahinahong ekspresyon ng mukha nya ay gumuhit ang lungkot. Labis na kapansinpansin ang pag-iiba ng kanyang ekspresyon.
                “Kuya, si Justin?!” may diin na pakiusap kong tanong kay kuya.
                Yumuko lang si kuya at umiling. Nakita ko rin ang mumunting luhang dumadaloy mula sa kanyang mata pababa sa kanyang pisngi.
                “Kuya anong ibig mong sabihin? Kuya pls naman wag kang magbiro.” Akmang tatayo na ako ng makita kong may benda ang baking kaliwang binti, sinementohan ito dahil sa nabaliaan ako mula sa pagkakaipit ko sa kotse.
                Agad akong tinulungan ni kuyang maupo at tumawag ng nurse para kumuha ng wheel chair. Pagkaupo ko sa wheel chair ay agad naman kaming tumungo sa kwarto na kinaroroonan ni Justin. Nadatnan naming na tinatanggal na ang mga aparatong nakakabit kay Justin.
                Tumigil ang aking mundo. Anong nangyayari. Please naman kung panaginip lang to, gisingin nyu ako. Di ko na kaya. Nagmamakaawa ako, gisingin nyu na ako. Napakasakit. Putang ina! Ano ba? Please naman.
                Narinig ko nalang ang malakas na palahaw ni mama na nagpabalik sa akin sa sarili. “Anak, bakit mo kami iniwan? Mahal na mahal kita anak… anak…” ang huling wika ni mama bago sya mawalan ng malay. Agad naman syang nilapitan ni kuya at humingi ng tulong sa mga nurse. Dinala si mama sa emergency room. Naiwan ako sa kwarto ni Justin. Nakaupo pa rin sa wheel chair. Tumutulo, bumubuhos ang masaganang luha sa aking mata. Hindi lamang ang aking binti ang namanhid, ngayon pati ang puso ko ay walang maramdaman. Blanko. Wari bang di tumutibok. Napakabigat ng aking pakiramdam. Malamig.
                Pinilit kong tumayo at hindi naman ako binigo ng aking mga paa.  Ngayon ay napagmamasdan ko na ang mukha ng aking pinakamamahal. Walang malay. “Panginoon, gagawin ko lahat ibalik mo lang sya sakin” Walang tugon. Muling tumulo ang aking luha. Inilapit ko ang aking mukha sa kanyang mukha, hinalikan ang kanyang mga mata, “Justin mulat na.” walang tugon. Halik uli. “Justin”sigaw ko. Hinalikan ko muli, niyugyog ang walang buhay na katawan. “JUSTIN!” pagmamakaawa ko ditto, “Please naman gumising ka na, Justin, please!”
                Naramdaman ko ang mga kamay sa aking balikat, si kuya Jerome, umiiling. “Hindi kuya gigising na sya, kulang lang ung halik ko” Akmang hahalikan ko uli sya, ngunit pinigilan ako ni kuya ng kanyang yakap, puno ng pag-aalala ang mga yakap na iyon, nagpapakalma ng pusong pagod na. “Kuya, iniwan nya tayo, kuya Andaya naman e” lalong humigpit ang mga yakap na iyon, walang mga tugon akong narinig, tanging mga luha na naramdaman ko sa aking likod ang tanging sagot. Inuupo nya akong muli sa wheel chair.
                Dumating na ang mga nurse para ayusin si Justin, hiniling ko na sa huling pagkakataon ay mahalikan syang muli. Muli akong inalalayan para makatayo. Hinalikan ko ang mata ni Justin, kaliwa, kanan, at hinalikan ko rin ang kanyang mga labi. “Mamimiss kita, mahal ko. Mahal na mahal kita”
                Bago maghapon ay naiuwi na ang mga labi ni Justin, maraming tao ang dumating, tinawagan na rin ni kuya ang kanilang papa, at sa makalawa ang uwi nito. Si mama ay nasaknyang kuwarto lang, labis na nagdadalamhati, nasaktan, inabisuhan muna ng doctor na magpahinga si mama.
                Maraming nakiramay, mga kaibigan naming ni Justin. Palagi akopng kinakausap ni kuya ngunit wala akong maintindihan sa kanyang mga sinabi. Puro “oo, sige po, kung yan po ang gusto nya, sige po” na lamang ang tugon ko. Sinabi nya ang mga huling habilin ni kuya, pagkatapos kong mawalang ng malay sa aksidente ay naabutan pa nila si Justin at nagpaalam.
                Dumating ang araw ng pagdating ng papa ni Justin. Anniversary na namin. Ang dapat na masayang araw para sa amin ay naging puno ng pagdadalamhati. “Oct 16 na, Happy Aniversarry!”
                Dumaan pa ilang araw, hanggang sa libing ni Justin. Wala na akong luha pang mailuha, wla ng lakas ang aking katawan. Nakaupo lang ako sa wheel chair. Maging si mama ay wala sa paghahatid kay Justin sa huling hantungan, tanging si kuya at ang papa nila ang nanduon.
                Umuwi na ang mga tao maging ang papa nila. Kami nalang ni kuya ang natira. Ilang oras lang ay nagpaalam na kami kay Justin. Ihahatid ako ni kuya pauwi. “Inabisuhan muna ng doctor si mama na magbakasyon” wika ni kuya “Sasama muna kami ni mama kay papa sa states.”
                Tanging tango na lamang ang aking nagging tugon, wala na akong lakas pa para sumagot. Maging ang pagsisimula ay di ko alam kung pano muling gagawin. Kitang kita ang lungkot sa aking mga mata na agad naman napansin ni kuya at inabot ang aking mga kamay.
                Sandaling itinabi ni kuya ang kotse nya. Pinisil ang aking mga kamay at nagwikang “Antayin mo lang ako sa aking pagbalik, isang taon mula ngayon” Pinihit ang aking ulo patungo sa kanya para halikan, nagulat ako at isang sampal ang aking nagawa. Galit ako ngunit wala na akong lakas para magsalita pang muli.
                “Sorry” mahinang wika ni kuya.
                Nakarating na kami sa bahay at duon nalang ako nagmuni muni. Anong mangyayari sa aking bakasyon? Hindi ito ang aking inaasahan. Bakit ganito?
                Itutuloy…

Maraming salamat nga pala sa mga nagcomment, robert_mendoza94@yahoo.com, pjberd, rinx at kay mister anonymous aniu pong ibigsabihin mo ng bad? panget ba pagkakasulat ko? open po ako sa criticism hehehe para mag-improve din

7 comments:

  1. Grabe ka emotional ang chapter na to.... :-(

    ReplyDelete
  2. ansakit tlaga pag bigla ang pagkawala ng mahal mo sa buhay! haizt nkakalungkot! mukhang mahal din talaga sya ni kuya justin. hmmmm cla kaya ang magkakatuluyan? he he he

    ReplyDelete
  3. ill be working on the next chapter this evening, makikita nyo ang napakalaking twist na sana ay magustuhan nyu, salamat uli, sana patuloy kayong sumubaybay... thanks uli! Malapit na ako grumaduate, tumatanggap ako ng regalo, hahahaha

    ReplyDelete
  4. ganda ng kwentong to.

    ReplyDelete
  5. sad part.. i'm excited to read the next chapter mr. author. I hope it can be uploaded tomorrow.. hehe very well done mr. author.. :)))))

    ReplyDelete
  6. maraming salamat po mga magigiliw na readers ng MSOB! thanks uli kuya mike

    ReplyDelete
  7. Ngaun ko lang nabasa to.. halata nman.. haha

    anywways.. ang bigat naman ang sakit nang mga pangyayari .. agad agarang pagkawala nang taong mahal mo..

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails