Chapter 1: Si Mokong
I really don’t know kung may karapatan akong magsulat. Hehe. Hindi ko kasi talaga hilig ito mula pa noong bata pa ako pero mahilig akong magbasa at kumuha ng mga litrato. Photojournalis ako nung high school ako pero pagdating sa paglalagay ng caption ako nadadale. I was inspired with the stories I have read here. Parang halos lahat na ata nabasa ko. I can’t discuss any of my information since di ko pa din naman tanggap sa sarili ko na bakla ako kasi mas malakas pa din ang dating ng chix sa akin. Pero may isang tao na nagpabago ng buhay ko na siyang nagpagulo ng isip ko mula noon. This happened four years ago and most of the details, memorized ko pa din. Itago nyo na lang ako sa pangalang Ignis (pinaikling Ignacio). Hindi ito para kay Ate Charo ah. Haha. Hango ito sa kwento ng buhay ko sa maikling panahon na nakasama ko and lalaking nagpabago ng isip ko.
SADYANG BINAGO ANG PANGALAN NG LAHAT NG TAUHAN PATI ANG KANILANG MGA PERSONAL NA DETALYE PARA NA DIN SA KANILANG IKABUBUTI.
Maraming salamat po kay Sir Mike Juha sa inspirasyon mula sa kanyang mga akda at pagbibigay sa akin ng pagkakataon na makapagsulat muli at suporta mula kay Kuya Ponse.
-------
"Ignis, mahal mo ba ako?" tanong ng isang taong kinakainisan ko.
Tinignan ko ang mukha niya na napakaamo at nagsusumamo ng pagmamahal?(weh)
"Ano? Ignis?" tanong niyang muli at umakbay pa sa akin.
"Ah..eh..kwan", hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Lalapit pa sana ako para makilala ko siya pero bigla na lang niya akong sinampal. Nabigla ako at nasaktan. Bakit ganoon? Tinatanong niya kung mahal ko siya pero sinampal ako? Naulit pa iyon ng dalawang beses. Napapikit ako sa sakit at nagmulat na may galit sa aking mga mata. Ngunit hindi na siya ang nasa harapan ko bagkus ang matabang landlady ko na tumatalak.
“Hoy bata ka! Kahit kelan para kang mantika matulog. Kung hindi pa kita sampal-sampalin ay hindi ka pa magigising. Aba?! Unang araw ng klase nyo ngayon ah,” bulyaw niya.
Panaginip lang pala.
---------------
It all started on the first day of my second year as a college student. I was not really excited kasi nag-shift ako from Biology to Pharmacy. Hilig ko talaga maging doctor kahit na noong bata pa ako kaso dahil hindi kaya ng mga magulang ko na pag-aralin ako ng medisina ay hindi maaaring Bio ang kukunin kong pre-med na course since tanggap ng lahat na kapag Bio graduate ka, medyo hirap humanap ng trabaho. Kahit kasagsagan ng Nursing noon bilang pinaka-usong kurso ng bansa eh hindi talaga sumagi sa isip ko na iyon ang kunin ko.
Tulad ng nakagawian, kapag first day boring. Hindi pa lahat ng instructor ko pumasok ng araw na iyon. Magsisimula ang klase ko ng 7:30 at ang last period ko pa ay 5:00 pm pa matatapos. Sayang lang ang pinasok ko. Hindi ko pa kaklase yung mga kaibigan ko noong first year ako kasi nga irregular student na ako at iba ang oras ng subjects nila.
Alas kwatro ng hapon. Kahit batong-bato na ako sa buong araw na wala kaming ginagawa ay pumasok ako sa kahuli-hulihan kong subject. Sa bungad pa lang ng pinto, isang malakas na hiyaw ang narinig ko.
“Ignacio!”, sigaw ng isang babae na kilalang-kilala ko.
“Mane?” at biglang nagliwanag ang mukha ko. Siya si Manilyn Reyes. Oo halos kapangalan ng kilala nating lahat na artista. Kaklase ko siya mula pa noong elementary kami at nahinto lang nung high school dahil sa ibang school ako nag-aral.
“Uy, kamusta ka na? Di ko alam na dito ka din pala nag-aaral. Parang kelan lang Ignacio mukha kang totoy ngayon binata ka na!”dire-diretso niyang banat.
“Gago (palambing) antagal na din na hindi mo ako nakita kaya ganyan ka,”sabay tabi sa upuan niya.
“Tsaka pwede ba wag mo akong tawagin sa buong first name ko. Dyahe ka naman eh. Ignis na ako dito. Hehe.”
“O siya, siya. Ignis na kung Ignis. ‘Wag na wag mo nga akong matawag-tawag na Mane at masakit sa tenga. Lyn na huh?! Alam kong meron akong mani at wag mo ng ipangalandakan pa.” sabay tawa niya ng malakas.
Nagbago na din pala itong kaibigan kong ito. Dati kasing manang iyan kung ituturing. Bawal ang double meaning kapag kasama siya, bawal magsabi ng kahit anong salita patungkol sa ari, bawal pag-usapan ang sex education kahit na itinuturo iyon sa amin noon, nakuha niyo na siguro, at heto ngayon siya pa ang unang bumanat sa akin ng ganun.
Mukhang wala pa kaming instructor ng araw na iyon. Ten minutes na kasi kaming nag-uupdate ni Mane este Lyn daw pala. Sa loob ng sampung minuto parang napagkwentuhan na namin lahat ng kaklase namin noong bata pa kami. Kung sino na ang buntis, may asawa na, saan sila nag-aaral, kung may kuto pa ba sa ulo yung isa, kung saan na napadpag ang long time love niya, bengkong pa din ba ang lakad ng kaaway niya at higit sa lahat eh kung dapat ba talaga na si Jenny ang first honor namin na laging issue kada matatapos ang taon. Nalaman ko din na Med Tech iyong block na kung saan ako napadpad dahil nga lagalag na ang schedule ko.
Thirteen minutes after four o’clock. Two minutes na lang at matatapos na ang palugit namin sa instructor namin. Tingin ako ng tingin sa relo ko at sa pinto kung may darating. Tae hindi na ako makapag-concentrate sa sinasabi ni Mane este Lyn (nasanay na kasi at iyan din ang tukso ko sa kanya nung bata kami..hehe).
Tiningnan ko uli ang relo ko at isang minuto na lang. Para akong naghihintay kung matatapos na ba ang laro ng basketball sa tv nang biglang pumasok ang isang lalaki.
Hindi kami nagkakalayo ng tangkad. Sa tantiya ko eh nasa 5’7” ang tangkad niya samantalang ako ay 5’8” nung panahon na iyon. Napatitig ako sa mukha niya na isang chinito kasama ng singkit na mata, matangos na ilong, makikipot na labi na sa may ibabaw ay pinong bigote na makapagbibigay ng kiliti sa kung sino mang mukha o kahit ano pang parte ng katawan ang dumampi. Bagsak ang buhok na naka-new wave ang tawag. Kasabay din niya pumasok ang ilan pang mga kaklase naming lalaki pero hindi ko na sila alintana.
Ang buong mundo ko ay napako at nakatingin sa kanya. Parang slow motion pa ang lahat habang naglalakad siya sa harapan ng klase at umupo sa bakanteng silya sa tapat ko. Hindi ko alam kung anong halimuyak ang naaamoy ko. Ang bango niya. Hindi ko nga alam kung ano yung pabango niya pero sigurado ako na hindi yung pabango ang nagbibigay sa akin ng ibang pakiramdam. Hindi naman amoy pawis, hindi din amoy yosi, at lalong hindi amoy alak pero iba talaga ang samyo.
“Ignis…Ignis…Ignacio Dominguez!”
Nagulat na lang ako. Si Lyn pala kanina pa ako tinatatawag kasi hindi ko na siya pinapansin.
“Ano na kasi yun Mane? Este Lyn? May iniisip lang kasi ako,” defensive ang lolo niyo.
“Eh kasi kanina ka pa nakakunot diyan. Parang ang aga mo naman naging seryoso pumasok lang si Sir,” sabi niya.
Hindi ko napansin na nakapasok na pala ang instructor namin na siyang dahilan ng pagpasok sa loob ng klase ng mayabang na mokong na iyon. OO! Mayabang ang turing ko sa kanya sa una ko siyang makita.
“Andyan na kasi si Sir Rodriguez eh kaya tumahimik na ako”, tanaw ko ang apelyido ng instructor namin sa ID niya kaya kahit hindi pa nagpapakilala eh alam ko na para may palusot ako kay Lyn.
Hindi ko alam kung bakit biglang kumulo ang dugo ko sa lalaki na nasa harapan ng table ko ngayon. Kung di nga lang siya gwapo babangasan ko na ito eh. Mayabang kasi. Wala pa naman siyang ginagawa at hindi pa nagsasalita pero mayabang na? ukil ng aking konsensya. Basta, para sa akin mayabang ang mokong na ito.
Nagpasubmit si Sir Rodriguez ng one fourth na kung saan andun yung mga pangalan namin. Binigay ko kay Lyn yung papers na inabot mula sa likod ko kaya kahit na umabot si Mokong wala ng papel akong hawak. Isa-isa kaming tinawag ng instructor namin sa Philosophy. Kung ano-anong katatawanan ang ibinigay sa amin sa bawat palayaw na nakasulat doon. Sabi kasi ni sir isulat naming para mas madali niya kaming matawag.
“Mr. Dominguez, bakit Ignis? Pwede namang Igan, o kaya Acio, Cio?”, tanong ni sir kasabay ng halakhakan ng mga kaklase kong bago. Feeling close ang mga engeng.
“Sir, Ignis as you know is latin for ignite. I was born in the year of the dragon in which breaths fire,”mahaba kong tinuran at tameme ang mga loko.
“Sus, relax ka lang. Ang dami mo namang sinabi. Baka mamaya niyan bugahan mo ako ng apoy. Sige ka sira ang kilay ko,” sabay pahid ng kilay niya. Tawanan na naman kami lahat. Hindi naman bading ang instructor namin pero talagang nakakaaliw ang pagpapanggap niyang bading.
“Oh ikaw naman Mr. Tan, bakit Ice and nilagay mo dito? Baka ginawin ako dito.”
“Wala lang sir, para may pang kontra sa mga bumubuga ng apoy, Hehe”, banat ni mokong na lalong nagpakunot ng noo ko.
“Loko ka Rey napipikon na ata si Ignis oh,” sabi ng katabi niya na si Evan.
Rey pala ang pangalan niya ah. Loko ito ah. Ang yabang talaga. Hmf. Sabi ng mapang-husga kong utak.
------- Itutuloy...
Followers
Monday, March 18, 2013
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
Wow naman :) Salamuch din :)
ReplyDeletesalamat sa push kuya ponse. =D
Delete..ang kulet ng simula. hahaha.
ReplyDelete..kuya al, ayan ha, napa visit na din ako sa blog na ito dahel sayo.
..ahrael
haha. thanks po sa comment ahrael.. galing ng convincing powers ni kuya ponse diba.. =D
Delete..hehehe. oo nga po eh. siguro dito na din ako tatambay mula ngayon.
Delete..kelan po yung update ng story mo?
..ahrael
weekly po ang target ko para dire-diretsong ang update ko. madalas kasi ang writers block eh.
DeleteNice one Ignis..nandito na pala si Kuya Ponse?hmm..anyare sa kabilang blog Kuya Ponse?
ReplyDeleteDi din alam ng KuyaPonse eh :)
Delete..something fishy happened.
Delete..
..ahrael
lipat bahay kami. haha. no one really knows kung ano nangyari doon.
Deleteparang nabasa ko na ito dati? di ko lang alam kung saan.=dereck=
ReplyDeletekuya dereck nai-post ko na po yung other parts ng story sa ibang site pero nawala kaya po lahat ng latest chapters dito sa MSOB na.
Deletenice
ReplyDeletethanks po meloh.
Deleteganda ng simula mr. author.. nakaexcite at sana madalas ang update.. hehe
DeleteJAP
Ganda naman.... Talagang dito na ako nakatambay sa MSOB.... Dami palang magandang kwento dito :-) kung hindi lumipat si kuya ponse hindi ko ma discover ang mga magandang kwento
ReplyDeletethanks pjberdz.. opo madaming magandang story dito lalo na po yung mga akda ni sir mike juha..
Deleteoo eh buti't ngayon ko lang na disover kasi isang basahan lang ang iba yung mga complete series.... hehehe
ReplyDeletegandang simula ah...
ReplyDeletesna patuloy ang update :)
reggie
thanks sir reggie.. don't worry po weekly po ang update ko..
Deletegandang simula ah...
ReplyDeletesna patuloy ang update :)
reggie
ang cute ng simula at natawa aq sa mane xD
ReplyDeletekala q nung una mane as in buhok lol
thanks sir lawfer.. =D
DeleteNice! :)
ReplyDelete