Followers

Thursday, March 14, 2013

Love. Sex. Insecurity. [Chapter 3]


Love. Sex. Insecurity.
[Chapter 3]

By: Crayon




***Renz***


11:00 am, Sunday
March 13


Mag-isang oras na simula ng huling magreply si Kyle sakin ngunit hawak ko pa rin ang cellphone ko, umaasang magtitext siya bigla kahit na alam kong tulog na sya ng mga oras na to. Ayaw ko naman syang kulitin pa kasi alam kong susungitan niya lang ako lalo na't wala pa siyang tulog. Pasaway talaga ang isang yun kung kaninong lalaki na naman siguro sumama / kumama kagabe. Sayang lang talaga.


Napangiti ako bigla ng maalala ko kung pano kami naging magkaibigan ng gagong yun.


FLASHBACK



Nakagawian na namin ng mga barkada ko ang maginuman every third friday ng bawat buwan. Medyo malaki ang barkadahan namin. Nagsimula sa limang miyembro nung college hanggang sa dumami ng dumami dahil sa mga bagong taong aming nakikilala habang kami ay tumatanda. Yung iba hindi ko na naman din masyadong ka-close, nakakasama ko nga lang sa aming mga jamming sessions. 

Hindi lingid sa grupo namin ang aking sekswalidad at hindi ko naman ito tinatago sa kanila. Nagkakagusto ako sa kapwa ko lalake. Sa tangkad na 6'2, medyo maskuladong pangangatawan, at matikas na mga galaw di mo naman talaga mahahalata na ganito ang preference ko. Nakakasundo ko din naman kasi sila pagdating sa babae, nagkakagusto pa din naman kasi ako sa babae minsan kaya kasama nila ko minsan sa pangchi-chics nila. Isa pa, hindi lang naman ako ang ganito sa grupo. May mga katulad din akong kasali sa grupo. Wala namang kaso sa mga kaibigan ko basta wag ka lang gagawa ng mga bagay na ikasisira mo at rerespetuhin ka nila bilang tao at ituturing ka talaga bilang isang kaibigan.

Pangatlong friday ngayon ng buwan kaya inihanda ko na ang atay ko sa inuman naming magbarkada mamaya. Sa bahay ng kaibigan naming si MJ sa Shaw kami naginuman. Maraming pumunta ngayong araw sa aming inuman, para kaming frat na ewan. Duon kami sa may garden ng bahay naginuman para presko. May kalakihan naman ang garden nila MJ kaya naglagay na lang ng long table at ikutan ang tagay. Katulad ng dati puro tawanan, alaskahan, harutan, at kwentuhan ang ginawa namin habang nagiinuman. 


Alas-10 na ng gabe, medyo may tama na ang iba ng alak dahil sa taas at bilis ng ginagawa nilang pagtagay. Di ko inaasahan na may hahabol pa kaming bisita ng ganung oras. Dumating si Aki. Hindi kami masyado magkadikit pero nagkakakwentuhan naman kami minsan. Masyado kasi seryoso ang isang to kaya parang ang hirap biruin. Isa siya sa masasabi mong medyo normal at tamed sa grupo. Titingnan mong gwapo at matipuno si Aki pero pareho kami ng preference, kung nagkataon nga na close kami e baka niligawan ko na sya e. Mukhang kakagaling lang ng mokong sa opisina dahil sa suot niyang long sleeves at slacks.

Naglakad siya palapit sa amin habang nakangiti na parang first time nakipagsex. Habang pinagmamasdan ko sya , Nagulat na lang ako ng may sumulpot na tabachoy mula sa likod niya. Hindi naman talaga tabachoy na matabang mataba, siguro chubby ang mas tamang itawag. 
Chinito ang features ng kasama ni Aki, maputi, sakto lang ang tangkad mga 5'6 cguro, matangos ang ilong, at mukang inosente sa mundo.

" Oy pare mukang naka-quota ka na ngayong gabe ah? " sigaw ng may-ari ng bahay na si MJ, halata na ang tama ng alak sa pagsasalita niya. " Nakailang rounds ka ba bago ka pumunta dito?"

Nagtawanan naman ang grupo sa birong yon ni MJ. Napansin ko ang biglang pagpula ng mukha ng kasama ni  Aki. Mukhang virgin pa ata sabi ko lang sa isip ko. Tingin ko kasi medyo bata pa din naman sya at katulad ng una kong nasabi inosente ang dating.

" Tado ka talaga. Wala pa nga e, pwede ba makigamit ng kwarto para makapagsimula na kami?" ganting biro ni Aki.

Lalong lumakas ang tawanan ng grupo. Kasabay non ang lalong pamumula ng mukha ng kasama niya. At ngayon ko lang napansin na parang nakita ko na sya somewhere hindi ko lang matandaan.

" Nga pala, si Kyle." sabay akbay ni Aki sa kasama. "Kyle these are my friends. Pasensya ka na sa mga yan ha, mas madumi pa kasi sa ilog pasig ang utak ng mga yan kaya ganyan." Napansin ko ang alangang ngiti ng kasama niya parang napahiya ata sa biro ng barkada. "Children, kindly introduce yourself to your new classmate." utos ni Aki at nagsimula ng magpakilala ang bawat isa. Kanya kanyang kagaguhan sa pagpapakilala. Natatawa naman ang bisita ni Aki sa kagaguhan ng mga ksama ko. Nawawala na din ang kanyang pamumula at pagkailang. Nang minsan syang ngumiti dun ko napagtanto kung sino sya. Nagmark sa aking yung ngiting siga niya na yun, na isang side lang ng bibig nya ang gagalaw para ngumiti. Parang Robin Padilla lang.

" Hey, I'm Renz." bigla kong singit sa kaguluhan para magpakilala. Agad ko namang nakuha ang atensyon ni Kyle. Pansin ko ang biglang pagrehistro ng gulat sa kanyang mukha." Ikaw ba yung kinuhanan ko ng number sa bar last Saturday? Sya ba yung type mo non Aki?" sunod sunod kong tanong. Kita kong tumango lang si Kyle ngunit nakatitig pa din sa akin. Mukhang di kinaya ang kakisigan ko haha.

" Oo, sya nga yon." maikling sagot ni Aki. Tumango-tango na lang ako at nakipagkamay kay Kyle. Ramdam ko ang pamamawis ng kamay ni Kyle di ko alam kung dahil sa pasma o sa kaba pero ayos lang di naman ako maarte at malambot naman din yung palad niya.

" Yun oh! Binata na tong  si Aki natin, nakikipagkilala na!" hirit ng isa naming barkada.

"Dahil dyan! Tagay tayo!" sigaw ng isa pa.

Masyado kasing reserve si Aki. Bibihirang magpakilala ng babae o lalake sa grupo. Di ko naman akalain na seseryosohin niya tong lalaking to na na-spotan niya lang sa bar. Infairness, cute naman si Kyle pero medyo alangan sya para sa isang tulad ni Aki. Ewan, hindi ko na siguro dapat pakialaman pa yun.


Nagpatuloy ang inuman, matapos ang makapagpakilala ng bawat isa. Umupo sa kabilang dulo ng table na malayo sa akin sina Aki at Kyle. Agad naman silang tinagayan ng mga kaibigan namin. Lihim kong pinagmasdan si Kyle. Tahimik lang ito nung una, lagi lang nakadikit kay Aki. Sasagot kapag tinatanong tapos tatahimik lang uli.

Matapos ang halos 2 oras. Lalong gumulo ang umpukan namin dahil ilang bote na din ng alak ang naubos namin. Hindi ko na nga din maintindihan yung iniinom namin, halo -halo kasi o iba-ibang klase. May bacardi tas naging tequila tas ngaun redhorse na. Medyo nahilo na ko pero alam kong tuwid pa ang aking pag-iisip at alam kong tuwid pa ang aking magiging paglalakad mamaya.

Paminsan minsan ko pa ring tinatapunan ng tingin sina Aki at Kyle. Medyo nakikigulo na din si Kyle, kumbaga nagsusustain na siya ng conversation, di yung puro sagot lang pag tinatanong. Ang nakakatawa sa tuwing tatapunan ko ng tingin si Kyle parang di siya mapakali at biglang ibabaling sa iba ang tingin o di kaya ay yuyuko na lang. Mukhang may gusto pa sa akin ang kasama ni Aki. 

Hindi naman sa pagmamayabang pero madaming nagkakagusto sa akin, haha. Babae, lalake at bakla, at alam ko ang mga kilos ng mga taong kursunada ako. Kung paano sila tumingin, magsalita at kumilos kapag pinapansin o kinakausap ko. Kung tama ang obserbasyon ko, at kung ibabase sa mga encounters ko dati may gusto sa akin si Kyle. May masamang ideya ang pumasok sa isip ko pero di ko na lang in-entertain bilang respeto kay Aki.

Pansin ko ang pamumula ni Kyle. Mukhang ganun ang reaksyon ng katawan niya kapag nasosobrahan na sa alak. 

"Aki, paabot naman kay pareng Kyle, tagay niya na to e." sabi ng tanggero namin na malapit sa side nila kesa sakin.

"Aki, abot mo nga- hik." wika ni Kyle habang sinisinok. Halata na may tama na sa nainom. Weak pala to eh hahaha sabe ko lang sa isip ko. 

Inabot naman ni Aki yung tagay ni Kyle at saka diretso ring ininom, bottoms up. Hindi na umabot pa kay Kyle ang baso dahil binalik niya na din agad yung baso sa kaibigan namin.

"Hoy! Bakit mo ininom?!" reklamo ni Kyle.
Tiningnan lang sya ni Aki habang nagpupunas ng bibig.

"Oo nga bakit mo ininom? Hindi sau yun brad, lasing ka na ba?" tanong rin ng taga-tagay namin.

"Ako na lang tatagay ng kay Kyle. Namumula na kasi sya." sagot ni Aki sa  taga-tagay.
 
Napatingin ang mga barkada ko sa kanya, at sabay-sabay na nagsabi ng "sweeeeeet". Tawanan na naman kami.

"Alam kong hindi naman kayo papayag na tumanggi sa alak tong kasama ko, kaya ako na lang ang sasalo sa tagay niya. Dalian mo na pre, wag mo ko titigan, tagay mo na yung akin." sabi ni Aki sa taga - tagay. Inabot naman ang tagay na para talaga sa kanya at ini-straight niyang muli. Nakatitig lang sa kanya si Kyle na mukhang naguguluhan sa nangyari. Ganun kasi sa barkada, kapag may dayo o bago sa inuman hindi pwedeng hindi uuwi ng di sumusuka. Napagtanto siguro ni Aki ang plano ng tanggero kaya inako na ang tagay ni Kyle.

Ganun nga ang nangyari halos dalawa lagi ang nagiging tagay ni Aki. Pero minsan nangungulit si Kyle na tumagay din, siguro dahil nahihiya kay Aki.



Mga 2:30 am, nagpaalam si Aki na mag-cr saglit. Alam kong lasing na sya dahil sa paniningkit ng mata niya kasabay ng mabuway niyang paglalakad patungong banyo.

Naiwan magisa si Kyle sa upuan at nakikinig lang sa kwentuhan ng barkada. Tila may bumubulong sa akin na lapitan sya at gawin yung binabalak ko kanina pa. Napabuntong hininga ako sa pagpipigil sa sarili.

 Makalipas ang limang minuto ay di parin bumabalik si Aki. Sa puntong yon di na ko nakapagpigil at nilapitan ko na si Kyle. Umupo ako sa upuang binakante ni Aki. Napalingon lang sa akin si Kyle at ibinaling muli ang tuon sa pakikinig sa pag-uusap ng kanyang dalawang katabi.

"Ang sunget mo naman" wika ko para makuha ang kanyang atensyon.

"Huh? Baket?" sagot niya pero di pa din tumitingin sakin.

"Wala. Hindi ka kasi tumitingin sakin e." sagot ko. Naisip ko na ang susunod niyang gagawin kaya medyo nilapit ko ang mukha ko sa kanya.

"Oh ayan."mataray na sabi ni Kyle pero agad din siyang napatigil. Dahil sa ginawa niyang paglingon sa akin ay sobrang nagkalapit ang mukha namin.
Hindi sya nakapagsalita ng matagal. Wala namang nakakapansin sa aming posisyon dahil ang karamihan ay lasing na dahil sa alak at tingin ko ay wala ng pakialam sa paligid nila.

"Gwapo ba?" basag ko sa kanyang pananahimik. Namula na naman ang kanyang mukha dahil sa aking sinabi.

"ah o-oo. Ay hindi pala... Adik ka! lasing ka na ba?." tarantang sagot sa akin ni Kyle saka lang niya timanggal ang pagkakatitig sa mukha ko.

"Haha. Virgin ka pa ba? Lage ka kase nagblu-blush e."

"Hindi na no!!!" mabilis niyang sagot sa biro ko na akin namang ikinatawa. Huli na ng marealize niya yung sinabi niya kaya lalong namula ang kanyang mukha.

"haha. Ok lang yan." sabi ko. Sabay ngiting maloko.

Lumapit akong lalo sa kanya dahil may nais kong ibulong.

"Kung yayayain ba kita ngayon sa unit ko, sasama ka ba?" diretsa kong tanong.

"Bakit?Anu bang dapat natin gawin sa unit mo?" mapanukso niyang sagot. Mukhang marunong makipagflirt ang isang ito.

"Uhmmm. Check lang natin kung di ka na nga virgin. Hehe" sabi ko sa tapat mismo ng tenga niya. Nilabas ko pa ang dila ko after magsalita para kilitiin sya sa parteng yun. Napabuntung hininga si Kyle, halatang nasarapan.

"Una, hindi na talaga ko virgin." sabay biglang dakot sa bukol ko na noo'y malambot pa. Medyo kinagulat ko ang kanyang aggressiveness na epekto marahil ng alak. "Pangalawa, im with Aki tonight. It would be so mean to just leave him here after treating me to dinner."

Natamaan ang aking pride sa sinabi niya. Di ako sanay ng tinatanggihan.

"But," habol niya, "i'm free next week. You can call if you really wanted check if im still a virgin. I believe you still have my number." 

Bigla siyang tumayo, " Saan ka pupunta?" tanong ko.

"I'll just check on Aki."  sagot niya.

"Last question. Are you going to do 'it' tonight with Aki?"

Kyle just answered me with a teasing smile. Saka tumalikod para tingnan si Aki.


Ilang minuto ng wala sa paningin ko si Kyle pero nakatingin padin ako sa tinahak niyang daan. 

Katulad lang sya ng mga naka-one night stand ko dati. It's all about sex, typical whore. Inabuso ang salitang 'liberated'. Someone you can't trust. Definitely someone you can't love. Sayang, ang bata bata pa, ginagawang patapon ang buhay. Total opposite ng taong gusto kong mahalin.


Ang nakakainis lang, pilit kinukunsidera ng isip ko ang makipagkita sa kanya next week. Siguro, tigang lang talaga ako. Medyo matagal na kasi yung huli ko e. Tama, yun nga siguro ang dahilan. Bahala na sa isang linggo.



.....to be cont'd...

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails