Look at me with Love
Part 7 – Chances
By: simonusimon
“Ha?
Sige po” wala sa sarili kong naisagot. Ako pa maghahatid dito, anu ba yan.
Gabi
na, may eksam pa ako bukas, pag sinuswerte ka nga naman. “Sir kaya nyu po bang
tumayo?” tanong ko ditto habang nakaakbay sya sa akin para maalalayan ko sya,
nakatungo lang si John nung mga oras na yun.
“Kak-kaya
ko namen e. hik”
“ay
lasyeng!” panggagaya ko, naiinis na kasi talaga ako, antagal ba naman dumaan ng
dyip. Hay buhay nga naman. “sir pagaan naman kayo, ambigat nyu na po”
Maya
maya ay narinig ko na ang mahina nyan hilik.
Patay,
yan ang nasabi ko sa sarili ko. Panu koi to isasakay sa dyip.
Habang
wala pang dumadaan na maluwag luwag na dyip ay napagdesisynan ko munang maupo
muna kami. Duon ko napagmasdan ang napakaamong mukha ni John. Ang maputi nyang
kutis at ang napakabangong amoy ng kanyang pabango at katawan. Ngunit bakit
parang malungkot ang ekspresyon ng mukha nya?
Eh anu
naman kung malungkot sya, di naman ako clown para pasayahin sya, tsaka may
eksam ako bukas un ang dapat kong isipin. Sakto ay lumabas ang dyip sa isang
kanto, mukhang bagong papasada palang ang dyip. Ayos, di nakakahiya ang kasama
kong nalasing. Inipon ko ang lakas ko sa pagtayo ko. At di ko na malaman basta
naiakyat ko sya sa dyip.
Naalimpungatan
sya nung maisakay ko sya sa dip, kaya medyo umayos na sya ng upo. Magkatapat
kami sa likod ako ng driver. Sa sobrang pagod sa eskwela, trabaho at pagbubuhat
ng lasing ay napaidlip ako. Nagising nalamang ako sa pagtigil ng dyip na
sinasakyan ko.
‘Hala!
Lagpas na ako. Andami ng sakay ng dyip! Ung kasama ko nasaan na?’ mga tanong sa
isip ko. ‘Walastek di man lang ako ginising?’ at bumaba na nga ako ng dyip.
Sumakay
uli ako ng dyip pauwi dahil nga nakalagpas ako. Magbabayad na ako ng makapa ko
na nasa akin pa pala ang wallet ni John.
Maaga
ako natulog, bukas ng umaga nalang ako mag-aaral. Ganun naman talaga ako mas
maraming pumapasok sa isip ko pag ganun.
Maaga
din ako nagising para mag-aral, maaga pumasok at dumaan muna ako sa fastfood na
pinagtatrabahuhan ko para idaan ang wallet ni John sa aking manager para kung
dumaan man ito ay maibigay agad ang wallet nya. Nagpaalam narin ako sa aking
manager na hindi ako makakapasok dahil alam kong madugo ang exam ko mamaya na
aabutin ng mga tatlong oras.
Paggising
palang ni John ay ramdam na nya ang sakit ng ulo nya, di na nya matandaan kung
paano sya nakauwi. Ang alam lang nya ay dumaan sya sa isang fastfood tapos ay
di na nya alam ang sumunod na nagyari. Bumangon na sya para ayusin ang mga
kailangan para sa libing ng kanyang yaya bukas.
“Ate
Linda, nakita mob a ung wallet ko?”tanong ni John sa kanilang katulong
“Hindi
po” maikling sagot nito.
‘Hay
nawala ko na naman ata wallet ko, buti nalang pera at isang id lang nakalagay
dun’ sabi nito sarili habang palabas ito ng kanilang bahay ng tumunog ang
kanyang cellphone.
‘Hi
sir, naiwan nyu po ung wallet nyu ditto sa fastfood naming and I belive sainyo
rin tong car na nakaparada ditto sa amin’ ang nakalagay sa text message.
Napangiti
nalamang si John dahil buti nalang at hindi nya nawala uli ang kanyang wallet.
Ilang beses na kasi syang nakakawala ng kanyang wallet. Agad na umalis si John
para kunin ang kanyang wallet.
“Good
morning, ahm kayo ba ung nakakuha ng wallet ko? Maraming salamat.” Wika ni John
sa manager.
“Ahhh
opo, actually di nyu naman po nawala talaga. Tinignan po kasi namin ung address
nyu tapos nakalimutan na pong isauli sainyo nung naghatid sainyo” ang aking
manager.
“Ganun
ba? Salamat. Teka sino po ung naghatid sakin? Para mapasalamatan ko naman po
siya ng personal”
“Naku
wala sya, part timer lang kasi un, may pasok sya ngayon”
“Ahh
ganun po ba? Sige pakisabi nalang po, salamat”
At
umalis na nga si John na naguguluhan, naaalala nya kasi na mag-isa lang syang
nakarating ng bahay nila.
Kinabukasan,
tanghali na ako gumising dahil wala naman akong pasok. Balak ko ding pumunta sa
puntod ni Justin ngayon.
Bandang
hapon na ako pumunta sa sementeryo para di na masyadong mainit.
Pagdating
ko sa puntod ni Justin na may bulaklak na naman duon at isang kandila. Mukhang
bagong sindi lang ang kanila. Luminga linga ako kung may tao sa paligid. Nakita
ko ang isang kumpol ng tao, nakasilong sa isang tolda. Mukhang may inilinbing na
kamag-anak.
“Hmmm,
Justin ha, may other man ka ata, lagi nalang pag pumupunta ako dito may mga
bulaklak ka?”
Nanatili
pa ako doon ng ilang oras. Pauwi na ako ng marinig ko ang isang pag-iyak ng
isang lalaki mula sa kaninang tolda. Mag-isa na lamang itong tumatangis.
Nakaupo sa tapat ng isang puntod.
“Yaya!”
sigaw ng lalaking umiiyak.
Nilapitan
ko sya at kinulbit para abutan ng panyo ngunit hindi ito lumingon.
Paalis
na ako ng marinig ko ang salitang ‘SALAMAT!’ Lumingon ako para sabihing walang
anuman ngunit nabigla ako sa aking nakita maging ang lalaki ay nagulat din.
“John?”
“Ikaw?”
Sabay
naming wika at sabay ding nagring ang aming cellphone.
“What?
Sige punta na ako dyan sa office” wika ni John
“Tatay
ni Justin? Dumaan sa atin? Nandyan pa ba? Sulat? Sige uwi na ako.”
At
nawala pareho sa isip namin ni John ang isat’t isa. Sumakay agad sya sa kanyang
kotse at ako naman ay nagmamadaling lumabas ng sementeryo pauwi.
Itutuloy…
Pls visit simonusimon.blogspot.com
Add nyu din ako sa fb simonusimon@gmail.com
Ask me
anything on http://www.formspring.me/simonusimon
Ang ganda po.. Please i continue nyo pa po.. It's indeed very interesting :)
ReplyDeleteGo!Go!Go! And more power!
Maraming salamat po kua Jay Lamberte
Delete