Sorry sa pag-pull out q dti... cnigurado q lang na may kasunod >_<
sa katamaran q kcng to bka d q xa masundan kya aun, pasensya na... anyway, e2 npo, sna mgustuhan nyo :)
ROSE AND DAGGER: The Dagger
“Hoy! Tagay mo na!” ang pabulyaw na sabi ni Stephen na nagpahinto sa aking pag-iisip. “Di baleng magtagal sa suso, huwag lang sa baso!” dugtong pa nito na tinawanan naman ng iba pang kasama namin sa inuman.
“Luko-luko!” sagot ko ng natatawa sabay tungga ng red horse na kanina pa pala nakatapat sa akin.
“Bakit ba anglalim ng iniisip mo? Huwag kang mag-alala, mahal ka din nun!” pang-aalaska sa akin ni Mitchell na tanggero namin.
“Alam ko!” pabiro ko ding sagot sabay kuha ng baso sa kanya.
“Bakit pala hindi mo isinama yung bago mong tropa? Para makilala din namin. Mukang mabait naman yun.” Si Daniel naman yun na nilalantakan ang pulutan naming sisig.
“Si Dylan ba? Nagpapahinga yun, pagod yun sa trabaho.” Sagot ko naman.
“Akala ko Harry ang pangalan nun?” sabad naman ni Stephen.
“Harry lang tawag namin kasi kahawig nya si Harry Potter. Pero Dylan pangalan nun.” Paliwanag ko na natatawa din dahil sa naalala ko kung bakit ko nga sya tinatawag na Harry.
“Ah siya nga, kahawig nga nya. Oblong lang yung salamin samantalang yung Harry Potter bilog.” Si Mitchell habang nagbubuhos ng dalawa pang bote ng Red Horse sa pitsel.
“Sayang naman. Sana sinama mo pa din, para madagdagan tayo sa grupo.” Si Daniel.
“Hayaan nyo, sa susunod isasama ko na.” sagot ko nalang.
---==O==---
“Iinom ka na naman?!” malumanay subalit may bahid ng pagkainis na sambit ni Dylan. Nagpaalam ako na lalabas dahil sa sabado ngayon, schedule ng inuman namin ng mga katropa ko mula pa nung high school.
“Alam mo namang may Saturday session kami ng mga tropa ko diba?” sagot ko.
“Oo nga, pero apat na gabi ka ng sunod-sunod na naglalasing eh. Every week nalang 4-5x kang umuuwi ng lasing.”
Ngumiti ako at lumapit sa kanya upang maglambing. Upang pahupain ang inis niya. “Ai, hayaan mo na. Atleast hindi ako nagda-drugs. Isa pa, malambing ako pag lasing. Ayaw mo nun, halos gabi-gabi nilalambing kita?”
Bahagya ako nitong tinulak at tumingin sa akin ng salubong ang mga kilay. “Ok sana yung naglalambing eh, kaso alam mo namang ayoko sa amoy ng alak.”
“Hayaan mo, maliligo ako mamaya pag-uwi.” Pabiro kong sagot dito.
“Bahala ka na nga! Kapag ikaw nagkasakit sa kakainom mo, huwag mong sasabihing hindi kita sinabihan!” sagot nito at dumeretso ng banyo.
Natatawa nalang ako sa pagtatampo nito. Mabuti pang iwan ko na muna. Habang lalong inaalo lalong nagtatampo eh. Lumabas na nga ako upang magtungo sa bahay nina Mitchell.
---==O==---
“San mo pala nakilala yun tol?” tanong sakin ni Stephen.
“Sa training.” Maikli kong sagot.
“Ahh… Buti pa nga yun kasama mo araw-araw, ipinagpapalit mo na kami sa bagong tropa mo ah.” Si Stepehn uli.
“Hindi naman sa ganun tol. Di pa naman ako pumalya sa Saturday session natin diba? Kung di ako nakapunta dun ko kayo ipinagpapalit.” Natatawa kong sagot.
“Bugok!” sagot naman ni Mitchell sabay batok sa akin. “May balak ka pa atang pumalya ah. Subukan mo lang, lulumpuhin talaga kita!” pagbabanta nito.
“Nagbibiro lang! Kung makapagbanta naman kayo parang syota ko kayo ah!” sagot kong natatawa pa rin habang kinakamot ang aking batok.
---==O==---
Unang araw ng training sa aking pinasukang trabaho. Excited ako dahil sa unang pagkakataon ay mararanasan ko ng kumita ng sarili kong pera, may mga bagong makikilala, at bagong karanasan. Isa itong adventure para sa akin.
Pinapasok kami sa training room. 24 kami lahat-lahat na magtetraining. Kinailangan naming magpakilala-isa-isa sa harap. Natatawa ako dahil dinaig pa nito ang high school. Nakatitig lamang ako sa kung sino ang nagsasalita, upang kahit papaano’y may makuha akong impormasyon tungkol sa aking magiging mga katrabaho.
Matapos ng ilang sandali, isang lalaki ang tumayo. Ang unang mapapansin mo rito ay ang kaniyang suot na salamin na itim ang frame. Natatawa ako sa itsura nya kasi muka syang nerd. May makapal na buhok na one-sided na medyo wavy, maputla ang balat at siguro’y 5’5” ang taas. Nakasuot pa siya ng sweater, nerd na nerd ang dating. Nagpakilala ito at sinabi niyang Dylan ang kaniyang pangalan, kasing edad ko lang at taga probinsya. Parang nangangati ang palad ko habang tinitignan siya. Mukang may mabubully ako sa trabaho ko ah. Hehehe…
---==O==---
Ilang tagay pa ang dumaan sa akin, medyo hilo na rin ako pero hindi pa ako lasing. Tawanan, kantahan, alaskahan. Walang pagbabago, masaya talagang kasama ang mga tropa kong ito at kahit kailan hinding hindi ko sila ipagpapalit sa ibang barkada.
Nabigla nalang ako nang may tumabi sa aking kinauupuang pahabang silya. Paglingon ko dito ay halos malaglag aq mula sa aking pagkakaupo. Nanlaki ang mga mata ko sa ‘di inaasahang sasali sa inuman namin.
“Pare, tagay mo.” Sambit ni Mitchell sabay abot ng basong halos umapaw na ang alak.
“Salamat.” Sagot ni Dylan sabay tungga ng alak. Bottom’s up. Nang maubos ay halos pabagsak niayng inilapag ang baso sa mesa.
Kinuha ni Mitchell ang baso at nilagyan muli ng laman sabay abot sa akin. “Buti nakahabol ka? Sabi nitong kaibigan mo nagpapahinga ka na raw eh.” Sabi pa nito habang nakaharap kay Dylan.
“Hindi naman ako niyaya nyan eh.” Malamig niyang sagot.
---==O==---
Lagi kong inaasar si Dylan sa tuwing nakikita ko siya. Pag nasa pantry kami nandyan yung hahagisan ko ng balat ng candy ang pagkain o inumin nya. Nandyan yung bigla kong susundutin ang tagiliran nya para makiliti. Maeron ding panahong sinisipulan ko na para bang isang sexy ang dumadaan. Pero, tila ba isang bolang tumatalbog pabalik sa akin ang mga ginagawa ko. Sa tuwing may gagawin ako para asarin siya ay isang malamlam na titig lang ang ibabato niya sa akin. Isang titig na may kakaibang dala sa akin. Kakaiba dahil parang tinatalaban ako. Hindi ko maipaliwanag. Kapag binato na niya ang titig na iyon sa akin ay natatameme ako. Na parang ako ang napapahiya.
Nagpasya na akong kaibiganin siya kuno. Sa ganuong paraan ay malalaman ko ang kahinaan nya. Ang mga sikreto nya. Sa ganoong paraan ay maaasar ko siya ng big time. Hindi ako papayag na ako ang mapatameme nya. Wala pang taong nakapagbalik sa akin ng mga pang-aasar ko. At hindi ako papayag na ang nerd na to ang gagawa sa akin nun. Gaganti ako!
Ganun nga ang ginawa ko. Kinaibigan ko ang loko. Madali lang naman pala siyang pakisamahan. Simple. Walang halong keme. Sabay kaming nagla-lunch, pipila sa may counter habang nag-uusap. Sabay kaming naninigarilyo sa labas, nagkukuwentuhan ng kung ano-ano sa ilalim ng buwan. Natutuwa ako sa mga nangyayari. Di ko inaasahang ganito lang pala kadali makuha ang loob niya. Mas madali kong maisasakatuparan ang madilim kong balak sa kanya kapag nagpatuloy ito.
Papalapit na ang pagtatapos ng training at pinag-uusapan na mag-out of town kami para makapag-party bago matapos ang training at mag-umpisa ang totoong trabaho. Wala silang maisip na pupuntahan kung kaya inalok ko sa kanila ang isang beach sa probinsya namin. Isa yung beach na hindi nadevelop at pinepreseve ng gobyerno. Nung una ay maraming umangal dahil nga malayo ang probinsya namin. Pero napapayag din sila dahil kung iisipin ay mas makakatipid talaga gami kung sa probinsya nalang namin. May matutuluyan na kami at wala pang bayad yung beach. Bale pagkain at pamasahe lang ang gastos.
Dumating ang araw ng outing. Itinaon na Byernes kami aalis para akop ang Sabado at Linggo, tapos ay holiday pa sa Lunes. Nagkita-kita kami sa terminal sa Cubao. Sa bus ay tumabi ako kay Dylan. 8 hours din ang byahe kaya umapoy ang pwet namin sa pagkakaupo. Gabi na nang dumating kami ng bayan at umarkila ng mga tricycle papunta sa bahay ng lola ko. Sinalubong naman kami ni Lola at winelcome sa bahay niya. Malaki din ang bahay ni lola, ancestral house kasi. Nagpahinga muna kami dahil sa pagod ang lahat sa byahe.
Kinaumagahan ay agad silang nagluto ng magiging baon namin. Isang tricycle lang naman ang layo ng beach kaya nag-arkila nalang kami ng 5 tricycle para masakyan naming lahat. Nakakatawa kasi punuan talaga ang tricycle sa probinsya. Yung tipong pati bubong eh may sakay. Ganun ang lagay namin ni Dylan, nakasakay kami sa bubong na magkatabi.
Pagdating sa dagat ay nagtayo agad kami ng tents. Balak naming mag-overnight duon. May mga kasama kaming hindi na nakapag-hintay ay nilusong agad ang dagat na sa mga oras na yun ay payapa pa. Ang ilan naman, kasama kami ni Dylan, ay nag-ihaw nalang ng mga dinala naming karne. Nagkataong dumaong rin ang mga mangingisda at inalok kami ng mga lamang dagat at isdang nahuli nila. Mura ang isda rito, hindi tulad kapag nadala na sa palengke. Inihaw rin namin ang mga iyon.
Kitang kita ko kay Dylan ang kislap sa mga mata nya sa likod ng kanyang suot na salamin sa mga oras na yun. Batid kong masayang masaya siya. Sa di malamang dahilan ay napangiti rin ako sa tanawing aking nakikita habang nag-iihaw kami. Masaya akong makita siyang masaya. Dito ko naisip na huwag ng ituloy ang aking balak. Wala naman talaga siyang ginawang masama sa akin eh. Ako lang talaga itong bugok na gustong gumanti sa kabila ng pananahimik ng tao.
---==O==---
Patuloy ang pakikipag-usap ni Dylan sa mga barkada ko samantalang ako ay hindi niya iniimik, ni hindi man lang ako nililingon. Dito ako natatakot, kapag hindi na siya umiimik. Hindi ko maintindihan. Oo alam kong nagtatampo siya. Pero sa nakikita ko ngayon ay hindi lang ito tampo. Galit siya.
“Harry, may girlfriend ba tong kumag na ‘to?” tanong ni Daniel kay Dylan habang dinuduro nito ang noo ko.
“Ewan ko diyan.” Maikling sagot nito.
“Eh diba magkasama kayo sa boarding house nya? Wala ka bang nakikitang iniuuwi niyang babae?” muling tanong ni Daniel.
“Wala eh.” Si Dylan.
“Baka lalake na ang iniuuwi.” Sundot ni Stephen na dahilan upang maghagalpakan sila maliban samin ni Dylan.
“Bakit ba ako ang topic nyo, ha?!” inis na sabad ko sa kanila.
“Kasi asar-talo ka!” sagot ni Stephen at hagalpakan uli sila.
Nagpatuloy ang inuman at pang-aasar nila sa akin, pati na rin ang mga kung anu-anong tanong nila kay Dylan. Napansin kong marami na ang nainom ni Dylan dahil na rin laging puno ang basong ibinibigay ni Mitchell dito. Nagpasya na akong patigilin siya. “Par, tama na. Mahinang uminom si Dylan.” Sabi ko kay Mitchell.
“Hindi yan. Kaya pa yan, di ba Harry?”
“Yakang-yaka!” sagot nito sabay flex ng patpatin niyang biceps na dahilan upang matawang muli ang tropa. Iba na ang boses nya, halatang lasing na sya. Nag-aalala ako, hindi naman siya ganito. Napabuntong hininga na lamang ako.
---==O==---
Naging masaya ang bakasyon namin sa dagat. Swimming dito, kain duon, harutan dito, daldalan dun. Kinagabihan ay lumikha kami ng apoy na pinalibutan naming kahat. Pinagsaluhan namin ang mga pagkaing hindi pa namin nagalaw tulad ng dinuguan, pancit, puto at mga prutas. Sarap na sarap ako sa pagkain, halo-halo na ang pagkaing nasa paper plate ko. Nagulat na lang ako nang bigla akong binatukan ni Dylan.
“Bakit mo ginawa yun?!” inis na sabi ko sa kanya.
“Kain ka nang kain hindi mo muna chinicheck yung kinakain mo. Panis na kaya yung pansit.” Sabi niya.
Dun ko lang naisipang amuyin ang kinakain ko. Medyo may amoy na nga. “Pwede pa to, lamang tyan din to.” Sabi ko.
Hindi siya sumagot. Bagkus ay hinablot niya ang paper plate ko at agad na isinilid sa itim na plastic bag na lagayan namin ng basura. Tapos ay kumuha siya ng bagong paper plate at ikinuha ako ng puto at dinuguan. “Heto lamunin mo.” Sabi niya sabay abot sa paper plate.
Napangiti ako sa ginawa niya. Sweet naman nitong taong to sabi ko sa sarili ko. Ang ginawa ko ay isinawsaw ko yung puto sa dinuguan tapos ay itinapat ko sa kanyang mukha. Nung una ay inilayo niya ang mukha niya peo sinundan ko ito hanggang sa wala na siyang magawa kundi ang kagatin ang putong inaalok ko. Pinagtinginan kami ng mga kasama namin at kinantyawan. Para daw kaming mag-syota.
Nag-inuman muna kami. Tawanan, kantyawan, kwentuhan, isang tipikal na inuman ng mga magkakatrabaho. Nang oras na ng pagtulog ay pumasok kami sa tent na itinayo ko. Ang nakakapagtaka ay kaming dalawa lang ni Dylan ang pumasok duon. Parang tinitrip kami ng mga kasama namin ah. Napailing nalang ako.
Nakahiga kaming dalawa sa loob ng tent. Tahimik si Dylan, halatang nalasing ito kahit dadalawang bote ng red horse lang ang ininom nito. Nagpasya akong basagin ang katahimikang namamagitan sa aming dalawa.
“Harry, sorry sa mga ginawa ko sa’yo dati ha?”
“Ok na yun. Wag mo nang isipin pa.”
Bigla na nman kaming natahimik. Pinakikiramdaman ko kung magsasalita siyang muli pero wala akong naririnig sa kanya. Ako man ay walang alam sabihin. Huminga na lang ako ng malalim at nagsabing “Good night.”
Di ko inaasahan ang isasagot niya. Nakatingin siya sa itaas, sa kung saan pumapasok ang liwanag n nagmumula sa buwan. “Full moon pala ngayon. ‘Di kaya mag-high tide?”
Pagkasabi niya ng mga salitang yun ay biglang pumasok ang tubig-alat sa aming kinahihigaan. Nag-high tide nga. Bigla kaming napabalikwas. Sa aking pagtayo ay biglang nabunot ang tent mula sa buhanging pinagturukan ko, dahilan upang liparin ang tent namin ng malakas na panggabing hangin. Hinabol ko ang tent namin samantalang si Dylan naman ay hinabol ang bag naming tinangay ng mga agos.
Nahabol ko ang tent at muli ko itong itinayo na malayo-layo sa dagat. Lumapit si Dylan na tangan-tangan ang mga bag namin na basang basa. Nagtinginan kami at sabay na natawa sa nangyari. Kapwa basa ang aming mga soot na damit at basa rin ang bag namin. Wala kaming tuyong damit na maisosoot. Nakakhiya naman kung gisingin pa namin ang mga kasama namin upang manghiram ng damit. Kaya napagpasyahan nalang naming pumasok sa tent upang hindi lamigin. Pero dahil sa basa nga ang damit namin ay nilalamig pa din kami.
“Hubarin nalang natin. Baka magkasakit pa tayo neto.” Sabi ko. Sumang-ayon naman siya. Kapwa kami naghubo sa loob ng tent namin. Kapwa kami patagilid nahiga, nakatalikod sa isa’t isa.
Tahimik. Tanging ang ingay ng agos ng karagatan at ang malakas na hangin lang ang aming naririnig sa mga sandaling iyon. Nilalamig pa din ako. Ano ba ‘tong pinasok naming to?
Naramdaman ko na lang ang panginginig ng taong nasa likuran ko. Malamang ay nilalamig din siya tulad ko. Hindi, mas nilalamig siya kaysa sa akin dahil mas madaling lamigin ang mga payat. Naaawa ako pero hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Bahala na!
Tumagilid ako ng higa, ngayon ay paharap sa kanya. Dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko upang hawakan ang kanyang braso. Hindi siya umimik. Dahan-dahan akong lumapit. Ganun pa din siya. Nilakasan ko na ang loob ko. Idinikit ko ang aking dibdib sa kanyang likuran sabay yakap sa kanyang katawang walang tigil sa pagnginig dahil sa lamig ng gabi.
Nanatili kami sa ganuong posisyon. Naramdaman ko ang unti-unting pagkalma ng katawan niya. Idinantay ko ang aking hita sa kanyang hita upang lalo pang pawiin ang lamig na kawpa naming nararamdaman. Nakaramdam ako ng kapayapaan sa pagkakayakap ko sa kanya. Hindi ko namalayang nakatulog na ako.
Nagising nalang ako sa sigawang nagmumula sa labas. Iminulat ko ang aking mga mata at tumambad sa aking ang mukha ni Dylan. Nakaharap siya sa akin, yakap ang isa’t isa. Nagising rin siya sa aking paggalaw. Nanatili kaming nakatitg sa isa’t isa. Sa mga sandaling iyon ay tila tumigil ang pag-ikot ng mundo. Napakaganda pala ng muha niya. Ewan ko, pero sa mga sandling iyon ay parang kilala ko na siya, dati pa. Bumalik ang pag-ikot ng aming mundo nang biglang may yumugyog sa tent namin.
“Hoy! Love birds! Gising na!” sigaw ng isang babaeng kasamahan namin.
Dali-dali kaming kumalas sa pagyakap ay isinuot ang damit namin na hanggang ngayon ay basa pa din. Nang makabihis ay sabay kaming lumabas ng tent. “Anong oras na?” tanong ko sa babaeng istorbo.
“Alas-4 ng madaling araw.” Sagot niya sabay ngisi at takbo palayo.
“Als-4 pa lang? Ang liwanag na ah.” Sabi ni Dylan.
“Wala kasing sagabal sa liwanag ng araw kaya ganun. Hindi tulad sa siyudad na maraming nakaharang kaya hindi agad nagliliwanag sa silangan.” Sagot ko naman.
Nagpasya kaming maglakad-lakad sa dalampasigan. Malamig ang simoy ng hangin sa madaling araw pero ang tubig dagat na humahampas sa aming mga paa ay maligamgam. Nagtinginan kami at tila ba nagka-isa ang aming kaisipan. Bigla niya akong itinulak at humahalakhak na tumakbo palusong sa dagat. Natawa ako sa ginawa niya. Lumusong din ako upang habulin siya. Naligo kami sa init ng tubig, nagharutan, nagtawanan. Sinalubong namin ang bukang liwayway na may ngiti sa aming mga labi.
---==O==---
Muling pinuno ni Mitchell ang baso ng alak. Iniabot niya yun kay Dylan pero bigla ko itong hinablot at ako na ang tumungga. Pinagtinginan ako ng mga barkada ko. Nagulat sa pagsalo sa tagay na para kay Dylan. Hindi ko iyon pinansin. Iniunat ko ang aking kamay upang ibalik ang baso sa tanggero ngunit tila biglang namanhid ang kamay ko. Parang nawalan ako ng kontrol. Nabitawan ko ang baso na dahilan upang malaglag ito at mabasag.
“Anong nangyari sayo?” tanong ni Stephen sa akin.
“Lasing na ata ako, pre.” Sagot ko. Bigla akong tumayo at hinablot ang kamay ni Dylan at nagsabing “Uwi na kami.” Hindi ko na hinintay pa ang pagpayag nila. Naglakad ako, tangan ang kamay ni Dylan. Hindi naman siya pumalag, malamang ay dahil sa kalasingan.
Pagdating ng bahay ay bigla siyang kumalas sa pagkakahawak ko at akmang aakyat ng hagdan. Muli kong hinawakan siya upang alalayan subalit may lakas pa pala siya upang pumiglas.
“Ano bang problema mo?!” inis na sigaw ko. Hindi siya umimik. Patuloy siyang umakyat ng hagdan. Napailing nalang ako at bumungtong hininga.
Pumasok siya ng silid namin, kasunod lang niya ako. Gulat na gulat ako pagpasok ko sa kuwarto namin. Blacklight ang ilaw, may mga imahe ng mga bungo na nakadikit sa dingding na naggo-glow sa liwanag ng black light. Hindi ko maintindihan. Sinet-up ba niya ‘to?
Umupo siya sa kama namin. Malalim ang bawat pag-hinga nya. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. “Anong problema?” tanong ko.
Iniangat niya ang kanyang mukha, may nangingilid na luha sa kanyang mga mata at nagbigay ng isang mapait na ngiti. “Happy anniversary!” sabi niya.
Nagulantang ako. Anniversary pala namin. Nawala sa isip ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Naiinis ako sa kanya dahil sa pagsugod niya sa mga katropa ko upang sumali sa inuman, pero hindi ako inimik. Nainis ako sa kanya bakit hindi niya sinabi ang problema. Pero naaawa ako sa kanya, awa dahil sa gusto pala niyang magcelebrate kami pero ano ang ginawa ko? Inuna ko pa ang mga barkada ko. Ang masama pa, nakalimutan kong anniversary pala namin. Sobrang guilt ang naramdaman ko. Napayuko ako. “S-sorry… Sorry, Ai.” Ang tanging naisagot ko.
Tahimik.
“Ai…” pagtawag niya sa akin.
Humarap ako sa kanya na kanina pa nakatingin sa akin.
“M-mahal mo ba ako?” tanong niya.
“Mahal na mahal.” Sagot ko.
“May tiwala ka ba sa akin?” muli niyang tanong.
“Buo ang tiwala ko sa’yo, Ai.” Madiing sagot ko.
Bigla siyang tumayo at nagtungo sa cabinet niya. May kinuha siya pero hindi ko napansin kung ano. Itinago niya iyon sa kanyang likuran. Tapos nun ay nagpunta siya sa aking harapan. Lumuhod.
“Ai… totoo ba ang mga sinabi mo?” tanong niya na nakatitig sa aking mga mata.
“Oo, Ai. Mahal na mahal kita at tiwala ako sa’yo.” Sagot ko.
“Will you give your life to me?” tanong niya.
“I can die for you, Ai.” Sagot ko.
Pagkarinig sa sagot ko ay ngimiti siya. Inilabas niya ang itinatago niya sa kanyang likuran. Nanlaki ang mga mata ko, nawala ang kalasingan nang makitang isang kutsilyo ang kanyang kawak. Hinawakan niya ang aking kamay at pinahawak sa akin ang kutsilyo. “Patunayan mo, Ai. I want you to stab your heart for me.” Sabi niya.
Nanginig ang aking mga kalamnan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. “Are you serious?!” tarantang tanong ko sa kanya na sinagot niya ng isang tango. Pinagmamasdan lang niya ako, hinihintay ang aking gagawin. Napalunok ako ng laway. Mabigat ang bawat paghinga ko.
Inilapag ko ang kutsilyo sa kama at umiling. “Ai, this is crazy!” sigaw ko.
“You were lying then? You don’t love me? You don’t trust me? You can’t die for me?” sunod sunod niyang tanong. Nangingilid ang kanyang luha.
“Naka-drugs ka ba, Ai?!” sigaw ko sabay mahigpit na hinawakan ang kanyang mga braso.
“No. I’m just hurting.” Sagot niya.
“Ai, hindi naman ganyan ang sukatan ng pagmamahal eh! May ibang paraan!”
“This is the way I want you to prove your words.” Mahina niyang sagot. Matapos nun ay kumalas siya sa pagkakahawak ko at dinampot ang kutsilyo. Itinapt niya yun sa kanyang dibdib.
Nataranta ako. “Ai, don’t!” sigaw ko subalit huli na. Kitang kita ko ang pagbaon ng talim ng kutsilyo sa kanyang dibdib. Kitang kita ko ang buhay na dugong dumadaloy. “Ai!!!” ang naisigaw ko.
Kitang kita ko sa mukha niya ang sakit. Tumulo ang luha sa kanyang pisngi. “Ai, you don’t love me. You don’t trust me.” Sabi niya.
Nilapitan ko siya at akmang yayakapin subalit sinipa niya ako palayo. Dun niya hinugot ang kutsilyo sabay hagulgol niya. “You don’t love me. You don’t trust me.” Paulit ulit niyang sabi.
“Ai, halika na, dadalihin kita sa hospital!” sigaw ko. Nanginginig ang mga kalamnan ko dahil sa mga pangyayari.
“You don’t have to.” Sagot niya sabay saksak ng kutsilyo sa kanyang palad. Nanlaki ang mga matako sa nakita. Hindi makapaniwala sa ginawa niya.
“Y-you tricked me?!” sigaw ko. Isang laruang kutsilyo pala yun. Isang kutsilyong pumapasok sa hawakan ang talim kapag isinaksak. Bumabalik ito sa dating anyo dahil sa spring sa loob. Duon ko lang naamoy ang singaw na nanggagaling sa kanya. Amoy carrot syrup. Iyon ang inakala kong dugo. Marahil ay inilagay niya sa loob ang syrup upang sa pagpaloob ng talim sa hawakan ay puputok ang lalagyan nito upang tumulo ang syrup.
“Oo. Gusto kong malaman kung totoo ang mga sinasabi mo lagi sa akin. Ngayon alam ko na, na kasinungalingan lahat ng iyon. Kung mahal mo ako ay papahalagahan mo ako at ang namamagitan sa atin. Kung may tiwala ka sa akin, alam mong hindi ko gugustuhing mamatay ka. Kung kaya mong mamatay para sa akin ay papasa ka sa pagsubok na ‘to. But you failed. You failed me.” Salysay niya habang humihikbi.
Para akong hinampas ng kawali sa ulo. Tama nga siya. I failed him. Manhid ako. Tanga ako. Duwag ako.
Muli niyang tinungo ang cabinet at inilabas ang malaking bag. Planado nga ang mga to. Naglakad siya palabas sa pinto. Hinabol ko siya. Lumuhod. “Ai, please wag kang aalis. Di ko kakayaning wala ka.” Pagmamakaawa ko.
“Kaya mo, Ai. Kaya mong wala ako. Ang di mo kaya ay ang wala ang barkada mo at ang alak na pinagsasaluhan nyo.” Sagot niya at tuluyan ng lumabas. Naiwan akong nakatanga. Tuliro. Hindi alam kung ano ang gagawin ngayong wala na ang taong binalewala ko. Ang taong mahal na mahal ko
nakakalungkot naman itong sotry na ito. hay.
ReplyDeletetaga_cebu
sa isang relasyun kahit ano pa man un... ang pinaka importante sa lahat ay ang salitang tiwala sa bawat isa..na dapat bigyan ng halaga na d dapat ipagbawala lang...kapag nangyari un baka huli na ang lahat at doon mo na lang malalaman ang mga pagbabalewala mo sa taong iyun
ReplyDeleteramy from qatar
i dont believe on this kind of pagsubok. . . oo tama na sa isang relasyon, TRUST ang pinaka foundation but then may kaakibat na RESPONSIBILITY and DISCILINE. . . HINDI SA GANUNG KLASENG PAGSUBOK LNG DADAANIN KUNG MAHAL MO ANG ISANG TAO. SO WEIRD AND BARBARIC PARA SKEN UNG GANUN. . .DAPAT MAS MAGING MALAWAK ANG PANG UNAWA NATIN. . . OPINION KO LNG PO E2. TNX MR. AUTHOR.
ReplyDeletesalamat po sa pgbasa at sa opinyon^w^
ReplyDeletesir robert, tama po kau, hndi ang ganyang pgsubok ang sukatan.. hndi i2 ang orihinal na nsa icp q nung sinimulan q ang pgsulat neto pero mtgal aq nahinto..ngkataong emo aq nung tnuloy q kya ayan knalbasan lolz
again,slamat po sa opinyon nyo :)
ur welcome my frend! kc i base it on my own experince. ha ha ha at sa mga taong nkasalamuha ko e2 from my 51 years of existance in this world. oh ha, oh ha. he he he
ReplyDelete