Followers

Wednesday, December 14, 2011

The Right Time Chapter 16



by: Zephiel
email: zildjianace@gmail.com




DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.





Kinaumagahan agad kaming tumungo na sa bahay nila Rome para ipaalam sa parents nya na dumating na kami. Gusto nyang doon nalang kami mag lunch sa kanila. Habang nasa daan kami pinag uusapan namin ang bago naming setup.


Nasa ganun kaming usapan ng maalala ko na kailangan ko rin palang ipakilala si Rome sa mga pinsan ko ngayong kami na. Isa yon sa napag desisyunan ko kagabi pagkatapos naming mag talik. Paninindigan ko ang relasyon namin tulad ng ginawa nya. Wala akong paki-alam kung anu ang sasabihin ng mga pinsan ko sa akin ang importante masabi ko sa kanila na si Rome ang mahal ko. Ang kinakabahala ko lang sa gagawin ko ay ang mga Aunties at Uncle ko isama mo na sina lolo at lola. Alam kong hindi ganito kadaling tanggapin ang relasyon namin pero anu ang magagawa ko tinamaan na ako eh.


Dumating kami ni Rome sa bahay nila mag aalas 12 na nang hapon.


“Mommy were home!” Pasigaw na pag tawag ni Rome sa Mommy nya.


“Sigurado ka na nandito sila? Baka umalis para atang walang tao.” Sabi ko sa kanya.


“Sure ako na nandito sila. Tinext ko si Mommy na pauwi na tayo kanina.” Sagot nito sa akin.


Agad namang ibinaba ni Rome ang mga gamit nya sa gilid ng pintuan nila bago namin pinuntahan ang kusina. Baka kasi nag lulunch na daw ang mga magulang niya dahil sa walang katulong na nagbukas sa amin.

Pag kapasok namin sa kusina nagulat nalang kami pareho sa biglang pag sulpot ng Mommy at Daddy ni Rome sa likod namin.


“Welcome back!” mag kasabay na sabi ng parents nya.
Sabay kaming napalingon ni Rome.


“Wag naman kayong manggulat.” Reklamo nito na ikinatawa ng mag-asawa.


“I can see na effective ang pangingidnap mo kay Ace. Okey naba kayo anak?” Sabi nang Daddy nito.


“Naku Dad more than okey!” Sabay akbay nito sa akin.


“That’s good. Does this mean na hindi kana ulit araw-araw mag lalasing?” sabi ng mommy ni Rome. Napangiti ako dahil ramdam ko talagang mahal na mahal sya nang parents nya.


“Promise hindi na.” ang sagot nito na habang naka ngisi.


“Good. Halina kayo nang makapag lunch na tayo alam kong gustom na kayo.”


Tinungo na namin ang dining table para kumain. Konting usapan at kwentohan ang namayani habang kami ay kumakain. Kita ko sa mukha ng parents ni Rome ang saya siguro dahil okey na ulit ang anak nila. Tawanan kami habang kenukwento ni Rome ang ginawang plano nila ng barkada para ma dala ako sa isla nina Carlo. 


Napagusapan din namin ang nalalapit na birthday ng mommy nya na invited ang mga magulang ko.
Napagusapan namin ni Rome si Red nang makapasok kami sa kwarto nya. Sinabi ko kay Rome ang kabaitan ni Red nung mga panahong wala sya. Nag promise naman sya sa akin na aayusin nia ang gusot nila ni Red.


“Rome punta tayo sa bahay nina lola bukas sakto family day namin. Ipapakilala kita sa kanila.” Sabi ko sa kanya.


“Di ba nakakahiya?” Nag aalangan na tanong nito sa akin.


“Hindi yan. Nandoon naman sina Ate Claire eh. Para narin makilala mo ang iba ko pang pinsan.”


Walang hiya hiya na tinanggal ko lahat ng saplot ko sa katawan habang nakatalikod kay Rome tutal nakita na naman nya lahat. Lumapit naman ito sabay yakap sa akin at hinalik halikan ang batok ko.

“Umayos ka. Baka mahuli tayo ni Tita.” Sabi ko sa kanya habang natatawa.


“One round lang Supah Ace.” Sagot nito habang hindi parin humihinto sa pag halik halik sa batok ko. 


Dinidilaan din nito ang kaliwang tenga ko. Ramdam ko na unti unting tumitigas ang nasa gitna ng mga hita nya habang kinikiskis nya ito sa likod ko.


“Loko ka masakit pa! Baka duguin nanaman ako.” sabi ko dito na ang ibig sabihin ay ang butas ko na kahit ngayon ay mahapdi pa. Kinabig naman nya ako paharap sa kanya at binigyan ako ng halik sa labi.


“Sige na nga. Ayaw ko na nasasaktan ang asawa ko eh.” Sabi nito nang mag hiwalay ang mga labi namin.


“Naks! Banatero ka talaga. Paki kuha naman ako ng damit sa bag Mr. Malibog. Makiki Shower na rin ako para fresh.” Pakiusap ko sa kanya.


“Pwedi ba sabay nalang ako para pareho tayo fresh?” sabay bigay ng nakakalokong ngiti.


“Humihirit kapa eh! Hindi pwedi! Naligo ka na kanina bago tayo umalis.” Ang natatawa kong sabi dito.


“Akala ko kasi makakalusot.” Sabay kamot nya ng ulo. “I love you Supah Ace.”


“Akala mo lang yon.” at binigyan ko sya ng matamis na ngiti. “I love you too Mr. Malibog.” At dumeretso na ako sa banyo para maligo.


Wala kaming ibang ginawa ni Rome kung hindi ang magkulita sa kwarto nya. May mga pagkakataong nag lalambingan kami at humihirit sya ng isang round. Ngunit hindi sya maka score sa akin dahil ayokong mapansin nila bukas na iika ika akong maglakad.






Alas 11 palang ay linisan na namin ang bahay nila Rome at tinahak ang daan papunta sa bahay nina lola. Habang nasa kotse kinuha ni Rome ang kamay ko at gi-nap nya ito sabay patong sa hita nya. Minsan hinahalik halikan pa nya ito. Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa tuwing ginagawa nya iyon. Ganito pala kasaya ang feeling ng nagmamahal. Sobrang pasalamat ko sa mga barkada ko dahil sa ginawa nila at syempre pati na rin kay Chad sapagkat kung hindi dahil sa pagpapakita nya malamang nakakulong parin ako ngayon sa nakaraan ko.


Narating namin ang bahay nina lola. Agad na pinark ni Rome ang sasakyan nya at pinatay ang makina nito.


“Dyan ka lang.” Sabi ni Rome sa akin. Nag taka man ako ay sumunod na lang sa kanya. Agad syang bumaba at umikot para pagbuksan ako ng pinto.


“Gentle Dog ka ngayon ah.” biro ko sa kanya nang mapagbuksan nya ang passenger seat kung saan ako nakaupo.


“Syempre naman mahal kita eh.” Sagot naman nito habang nakangisi.


“Keso! Tara na sa loob.”


Pagkapasok namin sa loob ng gate kita namin ang mga pamangkin ko na busy sa paglalaro nang habulan. Napansin agad ni Ram ang presensya namin.


“Uncle Rome!” sigaw nito sa pangalan nya sabay takbo para salubungin kami.


“Aba! ikaw ang tinawag hindi ako.” tampu-tampohan kong sabi sa kanya.


“Syempre mas pogi ako sayo eh.” Sagot naman nito sa akin.


Hindi na ako nakasagot pa dahil nakalapit na si Ram kasama ang mga pinsan nya. Agad itong yumakap sa amin ni Rome at binigyan kami ng halik sa pisngi. Lumapit naman sa akin ang iba at binigyan din ako nang halik.


“Hello Handsome how are you.” Tanong ni Rome sa bata.


“Im doing good Uncle Rome. I would like you to meet my cousins” sabay harap nito sa mga pinsan nya. “This is Maxine, Her sister Beverly, Asley and his little brother Tomtom.” Pakilala ng bata sa mga pinsan nya.

“This is my uncle Rome he was the one that I was talking about.” Sabi nito sa mga pinsan nya.


“Hello Uncle Rome!” sabay sabay na sabi ng mga bata.


“Hello guys nice to meet you.” Binigyan nya ito nang matamis na ngiti.


“Ace!! Sa wakas dumating ka rin!” Agaw eksenang sigaw ni Ate Claire mula sa pintuan nang bahay. Napalingon kaming lahat sa kanya.


Agad itong lumapit sa amin.


“Kung makasigaw ka naman parang ewan lang.” banat ko rito. Ngunit imbes na sagutin ako ibinaling nito ang atensyon kay Rome.


“Kamusta ang pangingidnap mo sa kanya Handsome?” tanong nito kay Rome.


“Successful naman ate.” At ngumisi ito sa akin.


“Mabuti naman. Kala namin kung ano na nangyari riyan nang makita naming buhat buhat mo. Buti na lang at sinabi sa amin ni Antonet ang dahilan kung bakit nag-collapse yang pinsan ko. Drama lang pala.” Ang natatawa nitong sabi. Nagkatawanan kaming tatlo.


“Oh sya tara na sa loob kanina pa kayo hinihintay nina Tita evette.”


Pumasok na nga kami sa loob ng bahay. Kinakabahan ako dahil siguradong may kaepalan nanamang sasabihin si Tita Laura sa akin.


Agad naming pinuntahan sila sa likod ng bahay kung saan nandoon sila. Nakita kami ni mama na palapit sa kanila.


“Dito na pala sila Ace.” Pagkuha nya nang attention ng iba. Agad namang natigil ang usapan nila at napatingin sa gawi namin.


“Walang pinagbago late pa rin.” Banat agad ng auntie Laura ko na sa hitsura ngayon ay mas lalong nagmukhang nakakatakot.


“Pasensya na po.” ang naisagot ko na lang at umupo na kami ni Rome sa mahabang lamesa at pinipilit na pakalmahin ang tensiyon sa katawan ko sa binigay na pang-welcome niya samin.


“Iho, di mo ba ipapakilala sa amin ang kasama mo?” tanong sa akin ng auntie Wilma, mommy ni ate Claire.


“Pasensya na po.” Ang pagpapaumanhin ko. Isang batas kasi ng pamilya namin na wag kalimutang ipakilala kung sino man ang bago sa paningin nila.


“This is Ervin Rome Ruales my uhmmm..” Hindi ko matapos ang sasabihin ko dahil hindi ko alam kung dapat ko nabang sabihin sa kanila ang totoo.


“His special someone.” Sabat ni Mmama na kinabigla ko. Nakita kong napangisi si ate Claire at Dorwin habang ang iba ko namang pinsan ay kita sa mga mukha nila ang pagkabigla.


Agad namang napataas ang kilay ni auntie Laura. Sinisipat nito si Rome at tinatantya kung totoo ba ang sinabi ni mama sa kanila. Matapos iyon ay tumingin ito sa akin ng nakakainsulto.


“How are you related to Dra. Nancy Ruales iho?” tanong naman ng mommy ni Ate Claire.


“ahh.. ehh.. She’s my mom.” Nahihiya nitong sagot.


“Small world! Anak ka pala ni Dra. Ruales.” Sabi nito na may pagkabigla.


“Opo.” Matipid na sagot nito. Halata pa rin sa mukha nito na nahihiya sya.


“How did you know Nancy ate?” sabat naman ni mama.


“Who wouldn’t? Dra. Ruales is one of the famous cardiologists here in our place. My friend recommended me to her. Sya ang doctor namin ni Mama.” May pagkaproud pa nitong sabi.


“Hindi ko alam na cardiologist pala si Nancy all I know is she’s a doctor. I should have spend more time with her medyo di kasi kami nakapag-usap ng maayos nung magkita kami sa opening ng bar nila Ace.” Ang nasabi nalang ni Mama.


“Tama ba ang rinig ko? Special someone?” Di makatiis na sabat ni Tita Laura.


“Yes ate special someone sya ng anak ko.” Sagot ni mama na nakangiti sa amin ni Rome. “Alam naman natin dati pa kung ano talaga kung ano si Ace di ba. Hindi kami naglihim sa inyo na bata pa lang siya ay napansin na namin ang pagiging mahinhin niya at ang paglalaro nito nang manika instead na baril.” Pinamulahan ako nang pisngi sa sinabi ni mama.


“I can’t believe this. So, tinolerate nyo lang sya at hinayaan sa kabaklaan nya?” may galit nitong sabi. Natahimik ang lahat. Parang may pwersang biglang dumaan. Kita ko ang pag-ismid ng mga pinsan ko maski ang mga anak ni Tita Laura ay napa ismid sa insal nya.


“Can you just calm down please ate. Kami nga na magulang siya eh tinanggap siya nang buo, bakit hindi mo magawa?” Sumbat ni mama.


“He’s a disgrace sa pamilya natin, isang kahihiyan. Hindi mo na ginalang ang pagiging military ni daddy!” Nanggagaliti pa rin nitong sumbat.


Napayuko na lang ako. Hinawakan naman ni Rome kamay ko saying na everything will be fine. Tiningnan ko siya at nasilayan ang ngiti sa kanya. Nabuhayan ako dahil sa ngiting iyon. Magsasalita na sana ako nang biglang umalingawngaw ang tinig ng batas.


“Laura!” May authority na sabi ni lolo.


“What dad? Kakampihan mo rin yang apo mong bakla? Kaya lumaking ganyan yang batang yan dahil kinukunsinti nyo lagi.” Mas lalo pa syang nagalit dahil sa pagpigil sa kanya ni lolo.


“Laura watch your manners! Hindi kita pinalaki para sagutin ng ganyan ang daddy mo. Besides, nasa harapan tayo nang pagkain.” May diin na sabi ni lola. Mas lalo akong kinabahan sa tensyon na namamayani.


“I can’t believe all of you!” Sabi pa nito na akmang tatayo na sana nang muling magsalita si lolo.


“We’re getting old and sooner or later magpapaalam na rin kami sa mundong ito. We don’t want na dumating ang araw na iyon na may hinanakit kami sa kinahinatnan ng mga apo namin lalong lalo na kayong mga anak namin. We just want to make the most out of the remaining days in our lives. Why don’t you give Ace a chance. Hindi siya kagaya nang asawa mo. They me be the same but that doesn’t mean na pareho sila nang likaw ng bituka. Ace is more than what you think Laura, take time to know the real Ace.” Mahabang litanya ni lola.


“Ate Laura, matagal na nating tinanggap sa pamilyang ito ang kalagayan ni Ace. Napag-usapan na rin natin na kahit kailan hindi manggagaling sa pamilyang ito ang pangungutya sa anak ko. Kaya nga natin di ipinaalam sa mga pinsan nya dahil hindi natin saklaw ang magiging reactions nila pag nalaman nila ang katotohanan. Marangal naming pinalaki si Ace at may tiwala kami sa kanya.” Ang may diing sabi ni Papa.


Nabigla ako sa nalaman. Noon pa man pala ay alam na nang pamilya ko ang tungkol sa akin. Kahit papaano ay nawala ang agam-agam sa puso ko.


Natahimik si auntie Laura sa sinabi ni Papa. Ito ang unang pagkakataon na sumali siya sa argumento nang magkakapatid.


“Tama si Arnold, Laura.” Sabat pa ni Tito Ruben, ang papa nina Dorwin at Dave.


“Besides gwapo naman itong si Rome, they’ll make a very good couple. Tsaka her mom is our cardiologist, makakahingi na kami ni mama nang discount sa kanya.” Dagdag pa ni auntie Wilma.


“You’re right hija. Sabihin mo hijo sa mama mo na since payag na kami sa relasyon niyo, it’s a little bargain na yung discount sa PF niya samin.” May ngiting sabi ni lola kay Rome.


“Okay po. Makakaasa po kayo. Kahit libre na nga eh.” sagot naman ni Rome.


“Kung makapag-decide ka eh kala mo ikaw ang cardiologist.” Banat ko na naging dahilan ng tawanan naming lahat.


Hindi pa rin maipinta ang mukha ni auntie Laura sa naging pagtanggap sa amin ni Rome.


“Alam na ba ng parents mo hijo about sa inyo?” Ang biglang tanong ni lola.


“Opo matagal na po.”


“So wala na pa lang problema. Kung sa side nang lalaki ay tanggap sila so bakit di natin magawa?” ang nakangiting wika ni lolo.


“So kelan pala ang kasalan?” Biglang sumbat ni ate Claire.


“Oo nga naman Ace, Rome. Kelan kayo ikakasal?” Tanong din ni uncle Ruben.
Namula ako sa mga tanong nila. Pinagkakaisahan na naman nila ako. Naku, Gisahan 101 na naman.


“Baka next year na po.” Nakangiting sumbat ni Rome.


Kinurot ko naman ito sa may tagiliran. Napa-aray siya sa ginawa ko.


Para akong nabunutan ng tinik sa aking mga narinig. Di ako makapaniwala na matagal na palang alam ng mga aunties at uncles ko ang tungkol sa akin. Ito lang naman kasi ang inaalala ko noon pa man at hindi ko akalaing tanggap pala nila ako. Ngayon okey na ang lahat mas lalo akong nakaramdam ng saya. Tumingin ako kay Rome at nagbigay ng matamis na ngiti. Kumindat naman ito sa akin at palihim na hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng mesa.


Nagpatuloy ang kinagawian ng pamilya na Gisahan 101. Sino pa ba ang ginigisa kung hindi kami ni Rome. Panay naman ang tawanan ng mga pinsan ko sa tuwing di nakakasagot si Rome sa mga tanong nila 
nauunahan kasi ito nang hiya. Si auntie Laura naman ay piniling manahimik na lang at nagngingitngit. Talo na sya eh. Alam kong hindi pa rin nya kami tanggap pero wala na akong pakialam sa kanya. Sabi nga nila “You cannot please everybody.”


Nagtapos ang buong araw namin sa pamilya ko. Nag-umpukan kaming magpipinsan kasama si Rome. Buti na lang at nag-fit in si Rome sa kanila. Lahat sila ay masaya para sa amin. Lahat sila ay suportado kami. Ako na ata ang pinakamasayang tao sa buong bundo. Nasa akin na ata ang lahat.


Gusto ko pa sanang puntahan ang mga kabarkada namin pero pagod na si kolokoy dahil halata na sa mukha nito ang sobrang antok kaya naman napag-desisyunan na naming umuwi sa kanila.


Lumipas ang mga araw at hindi pa rin nawawala ang saya namin ni Rome sa aming bagong relasyon. Nandyan ang makikitulog sya sa bahay o kaya ako naman ang makikitulog sa bahay nila. Ang mga barkada naman namin ay busy sa bago naming negosyo kaya naman hindi kami masyadong nakakapagbonding. Konting text at tawagan lang ang nangyayari.


Lumipas pa ang ilang araw at dumating na ang araw ng birthday ni auntie Nancy. Hindi kami nagkita ni Rome buong araw ng Byernes dahil busy sila sa mga preparation. Sya kasi ang ginawang driver ng mommy nya habang ang daddy naman nito ay umuwi ng Surigao para kunin ang iba pa nilang relatives.


“Anak mauuna na kami ng daddy mo sayo. Sasabay ata si auntie Wilma mo sa amin.” Bungad ni mama sa akin habang nasa kwarto ako at katatapos lang maligo.


“Pupunta si auntie Wilma?” Takang tanong ko sa kanya.


“In-invite din sya nang mommy ni Rome. Remember your byenan is the cardiologist of your auntie Wilma.” Sagot nito habang nakangisi.


“Ah ganun ba? Nice.” Ang nasabi ko na lang na hindi pinansin ang pang-iinis nya.


“Susunduin ka ba ng prince charming mo?” tanong nito sa akin. Ayaw talaga papigil.


“Yon ang sabi nya. Pero okey lang naman kung hindi naiintindihan ko naman na busy ang taong yon ngayon.” Sagot ko dito.


“How about your friends are they going to attend?”


“Yes, sarado ngayon ang bar dahil gusto ni Rome kumpleto kami. We have an announcement to make daw kasi.” Sabay ngisi ko sa kanya.


“Announcement? Buntis ka na ba?” singit ni Papa nung makalapit sa amin.


“Daddy naman!” ang namumula kong sabi dito.


“Bakit ka namumula? Naku ang anak ko di na virgin.” Pang-iinis pang lalo nito.


“Daddy pwede ba!” Mas lalo akong namula sa sinabi nito. Tinawanan lang nila ako ni Mama.


“Hon lets go. Nakakahiya sa mga byenan natin kung paghihintayin natin sila.” Sabay ngisi nito sa akin ng nakakaloko at umalis na.


Napailing nalang ako sa kalokohan ng mga magulang ko. Nag bihis ako, formal attire ang tema ng birthday ni Tita Nancy. Habang busy sa pag lalagay ng wax sa buhok biglang nag ring ang phone ko.


“Oh bakit?”


“Malapit na kami sa bahay nila Rome nasa likod na namin si Red. Ikaw san kana?” sabi ni Tonet sa kabilang linya.


“Nag bibihis palang ako.” Pero ang totoo nakapag bihis na ako gusto ko lang talaga syang inisin.


“Anu?? 7:30 na Ace at nag bibihis ka palang??” bulyaw agad nitong sabi sa akin.


“Sorry naman! Slow poke ako eh.” Pang aasar ko pa lalo.


“Hay naku! Sige na babay na dito na kami sa kanila. Bilisan mo!” sabay baba nito ng tawag.


Tatawa tawa akong pinag patuloy ang pag aayus ng buhok ko. Mga ilang minuto pa ang nakalipas nang makarinig ako ng katok. Pagkabukas ko ng pinto ay napa nganga ako sa ka gwapohan ng mahal ko.


“Ang pogi naman ng asawa ko. Did you miss me?” Nakangiti nitong sabi sa akin sabay halik.


“Kahapon lang kaya tayo di nag kita.”


“Kahit na. Na miss pa rin kita.”


“Cornetto!” Biro ko sa kanya.


“Anong Cornetto?”


“Corny ka.” sabay tawa ng malakas “Nga pala nasa bahay nyo na sina Tonet.” Pagbibigay impormasyon ko sa kanya.


“Alam ko, tinawagan na nya ako. So, lets go?” Tango na lang ang isinagot ko sa kanya at agad na kaming bumaba at tinungo ang sasakyan nya. Pinagbuksan muna nya ako nang pintuan bago sya sumakay. Nagpaka-gentleman talaga ang lokong to.


Agad nyang pinaharurot ang sasakyan at binagtas ang daan papunta sa kanila.


“Supah Ace?” Pag tawag nito sa atensyon ko.


“Yep?” Pero di parin ako lumingon sa gawi nya.


“Di ba asawa na kita?”


“Karelasyon lang Rome wag kang mangarap.” Ang pagpapatawa ko.


“Seryoso ako.” Sabi nito sa seyosong tono.


Napatingin naman ako sa kanya.


“Naisip ko lang kung okey sayo ang idea na bumukod tayo?” seryoso nitong natanong sa akin. Nabigla ako sa naisip ni Rome hindi kasi sumagi sa isip ko ang ganung setup. Okey naman kasi kami sa setup na minsan sa kanila ako natutulog o sya naman ang matutulog sa bahay.


“Okey I think it’s not a good idea.” Batid ko ang disappointment sa boses nya nang hindi ako nakasagot sa kanya.


“Hindi naman sa ganun kaso wala pa tayong trabaho Rome. Ano ang kakainin natin pag bumukod tayo at san tayo kukuha ng pangrenta? Nagastos ko na ang ipon ko sa bar.” Pag-eexplain ko sa kanya.


“Gusto ko lang naman na masolo na kita. Pwedi naman ako maghanap ng trabaho eh.” Pagrarason naman nito.


“Hanap ka muna trabaho bago ka magyaya.” Sabay ngisi ko sa kanya.


Hindi na ito sumagot at pinagpatuloy ang pagmamaneho. Nakaramdam naman ako nang guilt sa ginawa ko. Alam ko kasing pag natahimik ito ay siguradong nagtatampo.


“Alrigh kelan natin sisimulan mag balot?” Pag basag ko sa pananahimik nya. Kita ko na biglang nag liwanag ang mukha nito sabay bigay nito nang matamis na ngiti sa akin.


“I will ask our parents regarding that. Inuna muna kita para sure na.” sabay kindat nito sa akin.


Napatawa na lang ako sa ginawa nito. Ilang minuto pa ang lumipas ng marating namin ang bahay nila Rome. Kita ko na marami nang tao sa garden nila na nagkakasiyahan. Agad nyang inihinto ang sasakyan at lumabas para pagbuksan ako.


“Lets go wifey.” sabay lahad ng kamay nito nung mapagbuksan nya ako nang pinto.


“Wifey? Bago yan ah.” ngiti lang ang isinagot nito sa akin. Di ko talaga pagsasawaan ang ngiti ni Rome. Iyon ang ngiti na nagbigay sa akin ng ibayong saya nung mga panahon na malungkot ako at nag-iisa.


Agad naming tinungo ang garden nila. Kita ko naman agad ang barkada namin sa isang lamesa. Busy ang mga ito sa paglamon habang ang mga magulang ko naman at si Auntie Wilma ay nasa gazebo lamesa malapit sa mini fountain nila Rome kasama ang daddy at mommy nito.


“Dito na pala sila.” Ang narinig kong sabi nang Daddy ni Rome.


“Ace, Rome.” Pagtawag naman ng Mommy nya sa amin. Agad kaming lumapit sa kanila at sinenyasan ang mga kabarkada namin na saglit lang.


“Happy Birthday po Tita Nancy!”


“Thank you iho.” Sabay beso nito sa akin.


“Bakit di mo naman sinabi agad na kapatid pala nang mommy mo si Wilma.”


“Pasensya na po hindi ko rin kasi alam na patient nyo pala sila nang lola ko.” Pagpapaumanhin ko rito.


“Kaya pala ang gaan-gaan ng loob ko sa iyo nung una pa lang kitang makita. Connected ka pala sa isa sa mga pinakamasunurin kong pasyente.” Sabay tawa nito na sinundan naman ni Auntie.


“Mommy maya mo na interrogate ang asawa ko. Nagugutom na kami.”


“Oh sige kain muna kayo nak. Mamaya ipapakilala ko ang asawa mo sa mga kaibigan at mga katrabaho ko.” 


Ngiti lang ang naisagot ko dahil di pa rin ako sanay na tinatawag ako na asawa nang mga magulang ni Rome. Agad kaming pumunta sa buffet table para kumuha nang pagkain.


“Napakalambing talaga nang anak mo.” Ang dinig kong komento ni Mama.


“Ang lambing ko raw.” Sabi naman ni Rome na narinig din pala ang sinabi ni mama sabay akbay sa akin.


“Umayos ka nakakahiya sa mga bisita nang mommy mo.” Ang pabulong kong sabi sa kanya.


“Bakit kinakahiya mo ba ang itsura kong to?” sabay pa-beautiful eyes ni gago.


“Behave Mr. Malibog dahil kung hindi zero ka buong buwan.” Pabulong kong pananakot sa kanya. Agad naman itong nagbehave na parang bata na takot na hindi mapagbigyan ang gusto. Napangisi ako dahil alam ko na ngayon kung ano ang gagamitin kong panakot sa kanya.


Pagkatapos naming kumuha nang pagkain ay agad naming tinungo ang lamesa kung saan nag-uumpukan ang barkada. Minsan na lang kaming magkita-kita ngayon dahil busy ang mga ito sa mga buhay-buhay nila katulad namin ni Rome.


“Kumusta ang lovebirds? may label na ba?” bungad ni Tonet ng makaupo na kami.


“Actually, isa yan sa mga dahilan kung bakit gusto ko kumpleto tayo ngayon.” Sagot naman ni Rome.


“Ayay! So kayo na nga talaga?” Tila naman kinikilig na sabi ni Angela.


“Noong nasa Isla pa kami.” sagot ni Rome na may pagka-proud.


“So may nangyari na sa inyo? Sino ang nagpa-ano at um-ano?” Walang pigil na sabi pa nito. Umandar na naman ang pagiging taklesa nito.


“Ang baboy mo!” Alam kong namula ako dahil uminit ang magkabila kong pisngi. Ikinatawa naman nilang lahat ang reaction ko except Red na nakatingin lang sa akin.


“Gusto ko lang sabihin sa inyo na salamat sa lahat ng naitulong nyo sa amin ni Supah Ace lalo na sayo Tol.” At ngumiti ito kay Red. “Dami kong atraso sayo pero nagawa mo pa rin akong tulungan. Maraming salamat at sorry kung pinagselosan kita.”


“Wala iyon sa akin tol ang importante lang naman masaya si Ace.” Walang kagatol-gatol na sabi ni Red habang nakatingin parin sa akin.


Ramdam ko na totoo ang pagmamahal na pinakita sa akin ni Red dahil sya lang ang taong hindi ako iniwan nung mga panahon na tinataboy ko silang lahat. Kaso nga lang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya.


“So I guess this calls for a celebration!” Ang magiliw na sabi ni Mina.


“Congratulations sa inyo!” Sabi naman ni Chad.


“Congrats Tol!” wika naman ni Carlo sabay high five kay Rome “Nagbunga din ang mga ginawa mo.”


Kwentuhang wagas, inuman at tawanan ang sumunod na mga nangyari. Napag-usapan din namin ang nalalapit na pagpapakasal nila Tonet at Carlo kaso drawing pa lang muna daw. Habang nagkakasiyahan, kita ko na pilit ang mga ngiti na pinapakita ni Red. Alam kong kahit di nya sabihin ay nasasaktan sya. Hanggang sa magpaalam ito para magpahangin muna sa labas. Ito ang ginawa kong paraan para makausap at mapasalamatan sya.


Nagpaalam ako kay Rome na lalabas lang at susundan si Red para mag yosi na rin. Tumango naman ito sa akin.


“Okey ka lang ba?” Agad kong tanong sa kanya nang makita ko syang nakasandal sa sasakyan ni Tonet.


“Okey lang naman.”


“Red thank you ah. Salamat sa pag aalaga mo sa akin.” Sinsero kong sabi.


“Ah yon ba? It was nothing sabi ko nga gagawin ko ang lahat mapasaya kalang kasi ganun kita kamahal.” Kita ko ang lungkot sa mga mata nito.


“Sorry kung di ko nasuklian ang pagmamahal na iyon.” Nakayuko kong sabi.


“No need to say sorry Ace. I know from the start na si Rome talaga ang mahal mo. Kaya nga di ba sabi ko sayo hindi magiging hadlang ang nararamdaman ko sa relasyon nyo ni Rome. Ang importante nasabi ko sayo ang nararamdaman ko. Alam mo ba noon pa mang high school pa lang tayo attracted na ako sayo.” Pag-amin nito. “I just don’t have enough courage that time para ipaalam sayo. Siguro kung hindi lang ako naging duwag nung panahong iyon sa akin ka sana napunta at hindi kay Rome.”


Wala akong mabuong isasagot sa mga sinabi ni Red.


“Malas nga lang at ang pinaka unang taong minahal ko nang totoo ay iba na ang nagmamay-ari. I can love you selflessly Ace kaya handa akong isuko ka sa taong alam kong don ka masaya.” Alam kong tumutulo na ang luha nito sa mga mata nya dahil sa rinig ko ang pag crack ng boses nito. Hindi ko sya kayang tingnan na nasasaktan kaya naman nanatili lang akong nakayuko.


“Wifey, hinahanap ka na nina mommy sa loob.” Boses ni Rome. Agad akong napalingon sa gawi nya. “Bakit ka umiiyak tol may problema ba?” Kita ko ang pagtataka sa mukha nya nang makita siguro na nagpapahid ng luha si Red.


“Wala parekoy nagda-dramahan lang kami ng syota mo. Wag mo na ulit sasaktan to ah!” sabay akbay sa akin. “Kung hindi aagawin ko to sayo.” Dagdag pa nito sabay ngisi kay Rome.


“Di ako mangangako parekoy pero gagawin ko ang lahat para maiwasang masaktan ang wifey ko.” Nakangiti nitong sagot. “Tara na sa loob tama na yang dramahan nyo.”


Alam kong may idea na si Rome sa mga nangyari pero ngayon wala nang pagseselos sa mga mata nya. Agad naman kaming sumunod ni Red para ipagpatuloy ang gabi.





Next is the Epilogue

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails