Followers

Wednesday, December 7, 2011

The Right Time Chapter 13



by: Zildjian
email: zildjianace@gmail.com
URL: http://zildjianstories.blogspot.com





DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




“Arl?!” Ang kanya lang nasabi sa pagkabigla.



Nakita ko sa mga mata nya ang pagkagulat nang makita nya ako. Ginising ng presensya nya ang matagal nang nahihimlay na damdamin para sa kanya. Waring isa akong bulkan na malapit nang sumabog anu mang oras. 



Nag tense ang panga ko at naikuyom ang mga kamao ko.



“Anung ginagawa mo rito?!” Sigaw kong sabi at patakbo ko syang nilapitan at binigyan ng malakas na suntok. 



Dahil siguro sa pagkabigla hindi na sya nakaiwas pa.



Agad namang napatayo sa pagkagulat si Red. Napa sigaw naman ang mga babae naming kabarkada sa nang yari. Akmang bibigyan ko ulit sya ng isa pang suntok sa mukha ng pigilan ako ni Red.



“Ace teka anu ba?! Bakit mo sya sinuntok?” Ang gulat paring pag awat ni Red habang naka yakap sa akin mula sa likod.



“Hayop ka! Sinira mo ang buhay ko!” At nag pumiglas ako sa pagkakayakap ni Red sa akin para mabigyan pa ng suntok ang taong iyon.



Bigla namang natauhan ang mga kabarkada kong na bigla at saka lumapit sa amin para tulungan si Red na awatin ako. Hinila ako papalayo ni Red ka sa taong iyon. Si Carlo naman ay inilalayan itong tumayo.



“Putangina mo! Ang kapal ng pagmumukha mong magpakita dito hayop ka!” Pasigaw kung sabi.



Pinunasan muna nito ang dugong dumaloy sa ilong nya bago sya nag salita. Guilt ang nakita ko sa mga mata nya.



“Arl let me explain.” Ang may pagsusumamo nitong sabi.



“Explain? Para anu? Pag katapos ng anim na taon saka ka mag eexplain?!” Pasigaw kung balik na sagot sa kanya at binigyan sya ng masamang tingin. Tingin ng isang taong gustong pumatay.



“Wala nang magagawa ang page explain mo! Sinira mo ang buhay ko hayop ka! Papatayin kita! Bitawan mo ako!” Nag wawala pa rin ako sa mahigpit na yakap ni Red.



“Sino kaba? Bakit ka nandito? At bakit ganun nalang ang galit sayo ni Ace?” Sunod sunod na tanong ni Tonet.



“H-he’s my boyfriend, Richard.” Ang nag papanic na sabi ni Mina na nasa gitna namin ng boyfriend nya.



“Chad Blones! Sya ang taong sumira ng buhay ko sa STEFTI! Sya ang lalaking nasa picture na kahalikan ko!” nag hi-hysterical kong sabi sabay nang pag bagsak ng mga luha ko sa sobrang galit.



Kita ko ang gulat sa mga mata nilang lahat. Pati si Mina ay napanganga sa mga nalaman.



“Kung hindi dahil sayo hindi sana ako ma kikickout sa STEFTI! Kung hindi dahil sayo hindi mababa ang tingin sa akin ng mga taong malalapit sa akin! At kung hindi dahil sayo masaya na sana ako ngayon!” 



Nakaramdam ako ng panginginig ng aking mga tuhod. Humahagulhol akong napaluhod.



Para akong nauupos na kandila sa sobrang bigat ng dinadala ko. Hindi ko na mahagilap ang sarili ko sa tensyong nagaganap.



“ Arl hindi ko sinasadya. Nung nahuli tayong nag hahalikan ni Aileen ay agad nya itong kinunan nang picture at ginamit nya iyong pang blackmail sa akin para syotain ko sya. Wala akong nagawa at hindi kong anu ang dapat gawin. Natakot ako sa banta ni Ailenn. Hindi ko kagagawan kung bakit kumalat ang picture sila Crom at Romeo.”



“Bakit di mo nagawang sabihin ang totoo?! Bikit hindi mo inamin na ikaw ang nag initiate ng halik sa akin! Bakit mo ako nilaglag!?” Galit ko pa ring sabi sa kanya.



Hindi sya agad nakasagot.



“Nung binigyan ka nang pagkakataon na mag sabi ng totoo nung nasa Disciplines Office tayo, hindi mo ginawa! Imbis na sabihin mo ang totoo mas lalo mo pa akong idiniin!” panunumbat ko pang sabi sa kanya.



“Natakot akong itakwil ng pamilya ko dahil nakaabot sa kanila ang tungkol sa picture na iyon. Sila ang nag sabi sa akin na idiin ka dahil malaking kahihiyan daw iyon para sa pamilya namin.” Pag papaliwanag nya sa akin. “Bata palang tayo noon Arl di ko kayang suwayin ang mga magulang ko. Gusto ko mang humingi ng tawad sayo noon pero hindi ko nagawa. Sa tuwing babalakin kong kausapin ka, pumapasok sa isip ko ang pweding mangyari sa akin. Naduwag ako.”



Napatahimik ako. Tama si Chad pareho pa kaming bata noon hindi pa namin kayang panindigan kung anu man ang mga bagay na nagawa namin. Pero kahit na may bahid ng katutuhanan ang mga sinabi nya hindi ko pa rin magawang patawarin sya. Kung tutuusin dapat hindi na ito big deal pa sa akin. Marami ngang mga masasamang bagay ang nangyari na labis kong dinamdam ngunit hindi ko maitatanging sa gitna niyon ay ang pag dating ni Rome.



“Hindi mo alam kung anung mga pinag daanan ko pag katapos nun. Hindi mo alam kung anung trauma ang nagawa nun sa akin. Hindi ko magawang matanggap sa sarili ko ang mga taong tunay na nag mamahal sa akin dahil sa takot na baka katulad mo din sila.” Muli ay napaluha ako nang maalala ko nanaman si Rome.



“Alam mo ba dahil sa nang yari natakot akong mag mahal! Natakot ako na maiwan ulit sa ere. Sa takot kong yon nawala ang taong nag turo sa akin kung paano ulit mag mahal.” Pag lalabas ko lahat ng hinanakit sa puso ko.



Lumapit sa akin si Angela at Tonet. Hinagod nila ang aking likod siguro na awa sila sa akin. Siguro din alam nila kung anu ang ibig kong sabihin.



“Ace tama na.” ang maluha luhang sabi ni Tonet.



“Sorry Arl..” ang nasabi nalang ni Chad at napayuko.



“Hindi na maibabalik ng sorry mo si Rome.” Agad akong tumayo at binagtas ang pintuan ng bar.



Iisa lang ang gusto kong mangyari, Gusto kong mag lasing. Gusto kong kalimutan lahat ng pait at panghihinayang dahil hindi ko nagawang ipaglaban ang nararamdaman ko Rome. Hinayaan kong patuloy na mabuhay sa anino ng kahapon.



Sinundan ako ni Red sa labas kasama si Mina.



“Ace i-im sorry. Hindi ko alam na sya pala iyon.” Kita ko sa mga mata ni Mina ang awa at sinseridad ng pag hingi ng tawad.



Hindi ko lubos ma intindihan kung bakit humihingi ng tawad si Mina para kay Chad pero iisa lang ang naiintindihan ko, mahal na mahal nya ito. Sa tinagal tagal ng panahong nakiamot sya sa atensyon ni Carlo, ramdam kong nakita na nya ang matagal na nyang hinihiling na pagmamahal sa katauhan ni Chad. Hindi ko na siguro maaatim pang agawin ang kaligayahang iyon sa kaibigan ko. Ayaw kong maging dahilan nang pag kasira ng relasyon nya. Mahal ako ng mga kaibigan ko takot na akong mag isa sila nalang ang meron ako.



“Hindi mo kailangang humingi nang sorry sa akin. Ako ang dapat na humingi ng pasensya kasi nasuntok ko boyfriend mo. Pero sana ma intindihan mo ako kung bakit ko nagawa iyon.” Hindi ko alam kong saan ko hinugot ang mga salitang iyon. Kusa nalang itong lumabas sa aking bibig.



Agad syang napayakap sa akin at napaiyak na rin.



“Im very sorry Ace. Kung alam ko lang..”



“Shhhh..” Hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya. “Hindi kasalanan ang mag mahal Mins. Just give me some time mapapatawad ko rin sya.” Ang sabi ko sa kanya at gumanti nang yakap.



Umalis ako sa lugar na iyon at pumunta sa isang bar. Habang nag iinum inisip ko lahat ng mga nangyari sa amin ni Chad. Kinakapa ko sa aking dibdib ang galit sa kanya pero wala na akong mailabas. Imbes na galit para sa kanya ay matinding panghihinayang ang naramdaman ko para sa amin ni Rome. Alam kong wala nang chance para magkaayos pa kami dahil nakahanap na sya nang kapalit ko.



Napabuntong hininga ako. If only I can turn back time. Ang nasabi ko nalang sa aking isip kasabay ng pag tulo ng isang luha sa kaliwang mata.



“Dito ka lang pala. Kung saan saan na kita hinanap ah” at umupo ito sa katabing upuan. “ Johnny walker.” Sabay sabi nito sa barista.



Napalingon ako sa kanya.



“Gusto ko lang matikman kung ano ang tama nun.” sabay flash ng ngiti sa akin.



“Asan sila?” Pambabalewala ko sa sinabi nya.



“Susunod na mga yon. Nag hiwa-hiwalay kasi kaming anim para hanapin ka.” Simpleng sagot nito sa akin sabay tungga nia nang alak nia.



“Hinay-hinay lang baka matulad ka sa akin. Wala akong balak na ihatid ka pauwi.” Pagsaway ko sa kanya.



“Know what?” tanong nito sa akin.



“What?”



“Pinabilib mo ako kanina.” Sabi nito



“Saan? Nung inupakan ko si Chad?”



“Partly Oo. Pero mas bumilib ako kasi nagawa mong harapin yung ang nakaraan mo na buo ang loob mo. 



Makakapagsimula ka na ulit ng bago.” Ang makahulugan nitong sabi.



“What do you mean?”



“Kanina nung kausapin ka ni Mina kita ko na wala na ang galit sa mga mata mo. Tuluyan ka nang nakapag-let go sa mga nangyari Ace.” Sagot nito sa akin.



Napaisip ako sa sinabi ni Red. Tama sya yon lang pala ang kailangan ko para makapag-let go sa past ko. 
Kailangan ko pala itong harapin.



“I guess this is an eye opener for you. Start all over again Ace.” Sabi pa nito.



Hindi na ako sumagot pa. Um-order na lang ulit ako nang alak para ipagpatuloy ang naudlot na pag inum.
Makalipas naman ang 20 mins ay dumating ang iba pa naming barkada kasama si Chad. Bakas pa rin sa pagkatao nito ang pagsusumamo. Hindi sya makatingin sa akin diretso.



“My God ang hirap mong hanapin!” Sita agad ni Tonet sa akin.



“Sino ba kasing nagsabi sa inyo na hanapin ako?” Nanunuya kung sabi sa kanya.



Batok ang sagot na binigay ni Tonet sa akin.



“Job well done Red.” Sabi nito kay Red at nagbigay nang nakakalokang ngiti.



“Maglalasing tayo ngayon beh? Di ba bukas na ang opening natin?” si Carlo



“Naman! This calls for a celebration noh!” Sagot naman ni Tonet.



“Celebration dahil nasuntok si Papa Chad ni Ace.” Banat naman ni Angela na nakatanggap ng kutos mula kay Mina. Natawa ako kay Angela dahil wala talagang pinagbago ang babaeng to.



“Tatawa-tawa ka dyan!” Sabi ni Angela sa akin.



“Nakakatuwa ka kasi kaya lab na lab kita eh!” Napatawa naman silang lahat.



“Arl….” Biglang sabi ni Chad. Napatingin ako rito.



“Wag kang mag-alala. Ok na yon, kalimutan na natin ang nakaraan. Let leave it all behind and start moving on.” Ang pag-aasure ko sa kanya. “At wag mo lang lolokohin si Mina.” Pag babanta ko sa kanya. Kita naman rito ang matinding galak.



Habang tinitingnan ko ang mga kaibigan kong nagtatawanan at nagkukulitan, naisip ko kung paano kaya kung kasama namin sya ngayon. Pano kaya kung sinagot ko si Rome nung gabing magdinner kami sa kanila? Magiging masaya kaya ako kagaya nila? Napabuntong hiniga ako sa mga tanong na nabuo sa isip ko. ‘Sana maibalik ko ang oras’ pabulong kong sabi.



“Oh bakit bigla ka na namang nalungkot dyan?” pamamansin sa akin ni Red.



“Wala may iniisip lang ako.”



“Wag mong piliting isipin lahat. Tandaan mo hindi parin natin alam ang dahilan ng pagbabago ni Rome.” Malumanay na sabi nito.



“Kelan ka pa naging mind reader?” Biro ko dito. Nagkibit-balikat lang ito.



Tama si Red. Kailangan ko pang marinig ang mga sasabihin ni Rome kung bakit sya biglang nag bago siguro mag hihintay nalang ako ng right time.



“Maaayos din yan Ace. Ang importante natutunan mo nang magpatawad.” Sabat naman ni Tonet na nakikinig pala sa amin ni Red.



“Ace gusto mo puntahan ko si pareng Rome?” Biglang singit ni Carlo.



“Hindi na. Eventually matatanggap ko rin na wala na si Rome sa buhay ko.” At nagbigay ng pilit na ngiti.



“Hindi naman kami papayag na ganun ang ending ng love story nyong walang label dahil sa kaartehan nyo. Ang yummy pa naman ni Rome.” May panghihinayang na sabi ni Tonet. Napatawa nalang kami sa huli nitong sinabi.



“Baby naman eh… Mukhang pinag papantasyahan mo si pareng Rome.” Tampu-tampuhang banat ni Carlo.



“Yummy si Rome, oo, pero mas masarap ka naman kesa sa kanya.” Sabay kindat nito sa nobyo nya. Napatawa kaming lahat sa kapilyahan ni Tonet.



Natapos ang aming inuman bandang alas 4 ng madaling araw. Bago kami mag hiwa-hiwalay ay lumapit pa sa akin si Chad para humingi ulit ng tawad. Sinagot ko naman ito nang isang matamis na ngiti at tango bago ako sumakay nang aking sasakyan.







Pagkapasok ko sa bahay ay nagulat ako dahil gising na sina mama at papa.



“Ang aga nyo namang nagising mom, may lakad ba kayo?.”



“Ace anak we don’t mind kung paminsan minsan kang lalabas para makalimot but anak araw-araw kanang umaalis at naglalasing.” Ang sagot nito sa akin.



“Natatakot kami nang mommy mo anak. Unti-unting bumabalik ang dating ikaw. Kung anuman yang naging problema nyo ni Rome, I’m sure mapapag-usapan nyo yan. Wag ganitong sinisira mo ang buhay mo.” Kita ko sa mga mata nila ang pag-aalala at hirap sa sitwasyon ko.



“Don’t worry dad everything will be fine now. I have my friends to lean on.” At binigyan sila nang ngiti.



“I hope you don’t forget that you still have us anak. We don’t want to lose you.” Sabi ni mama sabay lapit sa akin at binigyan ako nang mahigpit na yakap.



“Salamat sa pag-aalala. By the way, later will be the opening of Seventh bar at kakanta ako.” Pagbibigay ko nang impormasyon sa kanila.



“Talaga??” ang mag kasabay nilang sabi. “Pupunta tayo sa opening mamaya diba hon?” Paglalambing ni mama kay papa.



“Syempre naman kakanta ata ang only daughter ko.” At binigyan ako nang magiliw na ngiti ni papa.



“Si Daddy talaga. Akyat po muna ako para makapag pahinga..”



“Sige nak pahinga kana.”





Itutuloy:

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails