Followers

Tuesday, December 6, 2011

EXCHANGE OF HEARTS pt20

Unang una po.. muli humihinge po ako ng patawad at pangunawa sa lahat ng nag mamahal kay bayag at pwet sa mahabang panahon na wala na kayong nababasa tungkol sa kanila.. alam nyo naman siguro po kung gaano po ako ka busy i need to prioritize things first at ito na nga po ang 2nd to the last part ng kwento ni bayag at pwet.. sana po kahit sobrang tagal ko nawala sa update anjan parin ang supporters ni bayag at pwet.. sobrang nahihiya na po ako sa inyong lahat dahil sa tagal ng upadate ko dahil jan humingi ako ng dispensa sa nangyari.. sana po matapos ko na rin ang huling yugto ng kwento nila bayag at pwet.. tulungan nyo po sana ako sa pag tapos nito sa pag bibigay komento sa gusto nyong mangyari.. wag po sana kayong mag-isip ng tapos sa mababasa ninyo sa chapter na ito.. REMEMBER!! maraming pwedeng mangyari.. sana kahit sobrang tagal nawala ang storya na ito nasa inyo parin ang spirit of reading this story.. once again SORRY and sana mag bigay po kayo ng komento ninyo upang makatulong din sakin.

-----------------------------------------------------------------------------


By: Gelo

Ako si louie, bayag kung tawagin ni Andy na pwet naman ang tawag ko sa kanya. Simpleng tao lang ako, walang extraordinary sakin. Hindi sa pag-aangat ng sariling bangko marami din naman nag kakagusto sakin mapa babae o bakla man, ewan ko ba hindi naman ako ganun kagwapuhan eh at may kaliitin pa, siguro nga may tinatawag na SEX APPEAL? Ang totoo nyan, ayaw ko noon sa mga bakla o bading. Ewan ko ba hindi lang ako komportable pag katabi sila o kausap man lang. Noon pag may lumalapit saking bakla o kakausapin ako talagang naiilang ako minsan pa nga may malapit na akong upakan dahil hinawakan ako sa braso bigla nanggigil ata sa malaki kong braso? Hehehe.. pumasok na ako sa kolehiyo mas madami pa akong na engkwentro na tulad nila, napakamot nalang ako ng ulo sabi ko pa. “bahala na nga anjan na iyan eh”. Masaya sa kolehiyo mas madaming kaibigan, syempre kasama na mga CHIKS duon. Sa kolehiyo ako nabungad sa mga bisyo, paninigarilyo at panginginom pero hinding hindi ko sinubukan ang droga kahit ganito ako pinangako ko sa sarili ko na iyon ang hinding hindi ko titikman pati bading.

Dumating ang isang araw na hindi ko naman inaasahan, isang rebelasyon na mismo ako din hindi ko alam kung haharapin ko o matatawa nalang ako dahil sa tingin ko ay pinag laruan ata ako ng tadhana kung ano pa yung ayaw ko yun pa ang binigay sakin. At ito na nga si Andy, nalaman ko na sya pala ang kababata ko nuon at kinakapatid ko. Hindi ko naman akalaing mag kikita pa kame sa kahaba haba ng panahon. Kung hindi nga kame nag kita pa ulit malamang burado na sya sa memorya ko. Nagulat din ako sa nalaman at nakita ko sa kanya, ayon nga.. haayyss.. bading sya. Hindi ko naman akalaing ganun ang mangyayari sa kanya dahil nung bata pa kame nag lalaro pa kame ng basketball at kung ano-ano pang panlalakeng laro. Dahil wala na din akong choice tinangap ko na din sa sarili ko na magkakaroon nga ako ng tropa at kinakapatid na bakla.

Hindi ko alam anong nangyari, hindi ako nakaramdam ng ilang, pandidiri o kahihiyan pag kasama ko si andy. sa halip naging sobrang gaan ang naging pakiramdam ko sa kanya yung tipong dinaig pa yung pakiramdam na pakikitungo ko sa isang bestfriend kong lalake. Hindi rin siguro imposible na ganun ang mangyari siguro nga dahil kababata ko sya at kinakapatid kaya madali saking maka adjust sa tulad nya. Pero ang totoo nyan sobrang hinahangaan ko sya, kakaiba sya sa lahat ng nakilala kong katulad nya. Nakapatinong tao nyan sa tipo ng kasarian nya na nagpahanga sakin. Matalino, masipag sa lahat ng bagay lalo sa sa gawaing bahay alam nya lahat gawin iyon mula sa pag luto hanggang sa paglalaba ng damit, matured kung mag-isip na minsan hindi ko na maabot sa sobrang taas ng level, kapag nagsalita sya hindi pwedeng hindi lahat makikinig sa kanya, napakadesente kung mag damit kung tutuusin kung nagging tunay na lalake lang sya mas matindi pa ang appeal sakin eh, soooobrang caring tipong pati balakubak ko sa ulo papakelaman nya pag natutulog na kame, at higit sa lahat mahal nya ako sa kahit sa pinaka pangit na ugali ko.

Hindi ko talaga akalain sa buong buhay ko na mag kakaroon ako ng isang sobrang malapit na kaibigan na tulad nya, na mga tulad nya na hindi ko ginusto kasama nuon. Simula ng makikila ko si pwet malaki ang nag bago sa sarili ko, tulad ng pakikitungo ko sa mga tulad nya, marami akong natutunan sa kanya sobrang na aamazed ako sa mga bagay na alam nya sa murang edad nya. Sa totoo nyan hindi ko na maalala ang mga bagay na kadalasan kong ginagawa sa pang araw araw dahil lahat iyon na takluban na ng mga bagay na pinagsamahan namin. Binuo na nya ang bawat minuto ng magiging pang-araw araw ko. Nakakatawa kung iisipin, pero wala na akong pakelam sa iisipin pa ng iba tungkol samin. Ito kame eh, alam ko na madami sa kanila ang nag-iisip ng masama sa patungkol saming dalawa ni andy pero wala na akong pakelam duon ang sinasabi ko nalang sa sarili ko. “wala kayong pwet na tulad na meron ako, ako lang” tapos ngingiti nalang ako.

Ang akala ko sa mga may relasyon lang uso ang complications. Dumating kame sa point na hindi ko inaasahan sa buong buhay na kasama ko si pwet. Kala ko puro saya nalang ang lahat, oo may mga oras nga na meron kameng hindi pag kakaintindihan, pero pinipilit kong maayos iyon bago matapos ang araw. Pero ang nangyari samin nila kim at andy, iyon na ata ang pinakamalaking problema na tinahak ko sa buong buhay ko. Duon ko lang narasan ang sobrang hirap at sakit, halos sirain ko na buhay ko para kay andy pero wala pa rin sobrang naging matigas si andy sa lahat ng bagay hindi ko rin naman sya masisi dahil alam kong may naging kasalanan din ako.

At ito na nga, hindi ko inaasahang hahantong kame sa gantong pangyayari sa buhay namin ni andy, sa naging problema namin hindi na ata kinaya ng katawan nya dahil na din sa karamdaman nya sa kanyang puso. Nasa harap ko sya, nakaratay na parang wala nang buhay. Malamig ang mga kamay nya at paa kung hahawakan, nangingitim ang mga kuko at labi, malalim ang pag hinga at walang malay. Parang dinudurog ng pira piraso ang puso ko sa sobrang sakit nakikita ko si andy sa sitwasyong ganon. Kung pwede lang ako ang humiga sa kinahihigaan nya at makadama lahat ng sakit na nararamdam nya papayag ako ng walang alinlangan. Sobra kong sinisisi ang sarili ko kung bakit nangyari kay andy ito, napakasama kong tao sa kanya wala syang ginawa sakin kundi lahat kabutihan pero nagagawa ko parin syang saktan!

“doc sanchez, ano na pong susunod nating gawin?” tanong ng lola ni andy sa doctor. Samantalang ako naman nakaupo lang sa tabi ni andy nakikinig sa usapan nila.

“nay, tatapatin ko na kayo.. critical na po nag kundisyon ng apo nyo.” Parang hinatak lahat ng dugo ko pataas sa ulo ko na parang gusto kong mawalan ng malay sa narinig ko. Napayuko nalang ako upang itago ang luha na namumo sa mata ko.

“so ano na nga susunod na mangyayari doc? May magagawa pa ba tayo?kayo?” maluha luha na din ang lola ni andy.

“halos 60% ng puso ni andy ay patay na, wala na kameng magagawa para mabuhay ang namatay na tissues sa puso nya kaya the only thing we can do is through heart transplant.” Parang nabuhayan naman ako ng loob sa sinabi ni doc na may pag-asa pa si pwet.

“sige doc! Kahit magkano iyan kaya bayaran ng ama nya iyan gawin nyo lang lahat para mag survive apo ko.” Pag mamakaawa ng lola ni andy.

“opo nay wag kayong mag-alala my specialist tayo dito sa hospital para sa heart transplant, gusto ko lang din pong malaman nyong pang 19 si andy sa listahan ng Heart Donation. Sa sitwasyon po ng apo nyo kailangan na kailangan na nya ng heart transplant as soon as possible.” Nanlamig ang buo kong katawan sa narinig wala akong nagawa kundi yumuko na lamang at hawakan kamay ni andy.

“Diyos ko po!! Ano po bang pwede nating gawin para mas mapabilis syang makakuwa ng Heart donor?” nagsimula ng maiyak ang lola ni andy.

“wala po, hindi naman po natin pwede iurong ang pangalan nya dahil mas madami pong nauna sa kanya, may isa pa pong paraan.” Napalingon kame kay doc sa sinabi nyang iyon.

“ang may mag volunteer na mag donate ng puso nya, pero wala naman po sigurong baliw na mag dodonate ng puso nya.”

“doc ano-ano po bang requirements para makapag donate?” tanong ko agad.

“dadaan sa maraming screening ang mag vovolunteer na mag donate para masiguro na walang magiging komplikasyon na mangyayari, pero hindi pa po tapos ang lahat duon maaring i-reject ng katawan ni andy ang pusong na transplant sa kanya. Kaya ang recommendation po na kapamilya nya ang mag donate to lessen the complications.” Lumakas ang loob ko sa narinig ko kay doc, hinawakan ko ng mahigpit ang malamig na kamay ni andy at tinignan sya sa muka.

“bakit iho? May kilala ka bang pwede mag donate?” na sakin ang atensyon ng lahat ng oras na iyon, nag hihintay sa sasabihin ko.

“ahmm..” nilingon ko muna si andy at mas hinigpitan ko ang kapit sa kamay nya para makakuwa ng lakas ng loob sa sasabihin. Ng mag mamasalita na ako.

“si andeng gising na!” sigaw ng pinsan ni andy. naudlot ang sasabihin ko at na divert ang atensyon kay andy.

“ahmmm.. ang sakit..” daing nya.

“ng ano? Anong masakit?” tanong agad ni doc. Sobrang saya ko ng marinig ko boses nya parang gusto ko lumabas at mag tatalon sa tuwa. Matapos itinaas nya ang kamay nya.

“anong masakit andy? tell me.” Sabi ni doc.

“itong kamay ko.” Nakita ko namumula ang kamay nya, napakamot nalang ako sa ulo kasi sobrang higpit ata ng kapit ko sa kamay nya kaya nagising hehehe.

“ayun ba? Bukod duon ano pang masakit?” tanong ulit ni doc. Wala na syang nasagot at umiling na lamang.

“oh sige pahinga ka na ha? Dapat malakas ka ok?” sabi ni doc. Ngumiti lamang sya ng pilit kitang kita na may hirap syang pinag dadaanan. Matapos umalis si doc kasama ang nurse habang nag-uusap. Lumapit naman agad lola at pinsan ni andy para kausapin sya, habang ako nakaupo sa tabi nakikiramdam kung hahanapin nya ako.

“deng musta na? uuwi daw papa mo itong buwan para makita ka.” Sabi ng lola nya na parang walang problema.

“oo kuya, tiyak! Dami mo na naman pasalubong duon kay tito.” Ganon di ang pinsan nya na pinaparamdam sa kanya na maraming nag mamahal sa kanya para hindi sya mawalan ng lakas ng loob.

“oh, wag ka na umiyak! Ito naman, pano ka gagaling nyan?” napatayo naman ako agad nung narinig kong umiyak sya, tinignan ko umiiyak nga gusto ko sana lumapit kaso ayaw ko makisasaw sa usapang pamilya kaya pinili ko na lamang umupo.

“bakit ka umiiyak kuya? Tama na makakasama yan sayo.” Sabi ng pinsan ni andy.

“mama ko? Kelan pupunta dito?” ang hina ng boses nya na halos hindi ko marinig.

“ano kamo? Ano daw?” tanong ng lola nya sa pinsan ni andy.

“kelan ba daw uuwi si tita dito la?” pag-ulit ng pinsan ni andy para maintindihan ng lola nya.

“ah.. uuwi daw ang sabi baka sa makalawang araw sige na wag na umiyak ha?” pero ang totoo nyan hindi naman sa makalawang araw ang uwi ng mama nya baka pag nakarating na ang papa nya baka duon lang ito makarating.

“andeng, aalis lang kame ng pinsan mo ha? Bibili kame ng pagkain at gamot mo, andito naman si aweng mag babantay sayo ha?” tinuro ako ng lola nya at napalingon naman sya sakin at ako naman ay ngumiti lang at dali dali naman nyang inalis ang tingin sakin.

“weng dito ka muna ha? Bibili lang kame at uuwi kukuwa kame ng mga damit nya.” Sabi ng lola nya.

“opo la, ako na po bahala dito.” Matapos umalis na din agad lola at pinsan nya. Hindi ko alam pano lalapit sa kanya, ramdam na ramdam ang tension sa loob ng kwarto.

Tahimik ang lahat ingay lang mula sa aircon ang maririrnig. Huminga muna ako ng malalim bago tumayo at lumapit sa tabi nya. Umupo ako sa tabi nya at hinawakan kamay nya, pero pinilipt nyang itago ito sa loob ng kumot nya. Mas kinabahan tuloy ako hindi ko tuloy alam pano mag sisimula pinanghinaan agad ako ng loob sa una kong hakbang palang palya na. pero hindi ako sumuko hinanap ko kamay nya at hinawakan ito ng mahigpit yung tipong hindi nya makakalas ewan ko ba! Pakiramdam ko duon ako huhugot ng lakas ng loob para makapag salita.

“kamusta pakiramdam mo?” tanong ko ng may alinlangan. Hindi hindi man lang nya ako matitigan, parang wala syang narinig sa sinabi ko. Grabe! Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko! Ginalaw galaw ko ang hinlalaki ko at hinimas himas ang kamay nya. Ayaw nya talaga mag salita.

“gagaling ka na.. wag kang mag-alala gagawin ko lahat para gumaling ka.” Napayuko ako at nag simulang namuo ang luha sa mata ko, nakita ko naming gumalaw ang ulo nya at nilingon ako.

“ok lang kahit hindi mo ako kausapin, basta hayaan mo lang ako sa ginagaw ako ha? Hayaan mo lang akong andito, hayaan mo lang akong hawakan ka para maalagaan ka kahit hindi mo ako pansinin basta hayaan mo lang ako please.” Umiiyak pa rin ako ng mga oras na iyon. Hindi naman sya nag salita pero alam kong payag sya sa gusto kong mangyari.

“nga pala, uuwi na mga magulang mo. Kaya lulubos lubusin ko na na andito kasi syempre pag andito na sila , sila na mag-aalaga sayo. Dito na ako matutulog hangang wala pa sila hindi kita iiwan dito.”

Ngumiti ako kahit my bahid ng luha sa mata ko. Nakatingin lang sya sakin, tingin na parang kinakausap ako sa mga mata ko, tingin na may bahid ng awa at paghihinagpis. Hindi ko natiis sarili ko hinalikan ko sya sa labi hindi naman sya pumalag at matapos sa nuo nag tagal ako sa parting iyon. Nung tinangal ko ang labi ko sa nuo nya. Nakapikit lang sya at may bahid ng luha ang nakapikit na mata. Pinahid ko naman agad ito ng mga kamay ko.

“wag kana umiyak, hindi makakabuti sayo yan.” Sabi ko habang pinapahid ang luha nya.

Tumigil sya sa kaka-iyak, hangang sa nakatulog na ulit. Tinititigan ko lnag sya habang natutulog. Kahit may karamdaman sya ang maliwalas parin ng muka ni andy. parang wala lang sakit na pinag dadaanan, ang di nya alam pag nagtatabi kameng matulog mas nauuna akong nagigising sa kanya napupuyat nga ako sa kakatitig sa kanya habang natutulog. Si andy na ata ang unang tao na nakita ko kung matulog na parang nakangiti pero hindi naman nakangiti? Hindi ko nga maintindihan, siguro nga kasi maganda ang mga labi nya na kahit hindi nakangiti kung titgnan mo nakangiti ito. Madalas nga pag magkatabi kameng matulog labi nya ang lagi kong pinag tutuunan ng pansin, hahawak hawakan ko ito matapos hahalik halikan hindi ko lang alam kung may alam sya sa ginagawa ko basta Masaya ako sa ginagawa kong iyon ang sarap sa pakiramdam.

Umupo ako sa upuan tabi sa kama nya habang hawak parin ang kamay nya sa kahimbingan ng tulog nya. Nagtext naman itong sila faye at aldrin na pupunta daw sila, samanatlanag si joner naman ay baka kinabukasan pa daw makakapunta gawa ng madami sila I-aadjust sa pagkawala ni andy sa banda nila. Naidlip muna ako habang hawak ko ang kamay ni andy. maya-maya nagising na lamang ako sa pagbukas ng pinto. Si mama kasama mga kapatid ko.

Sumenyas naman ako agad ng wag maingay dahil natutulog si andy. nung tinangal ko ang kamay ko sa pagkahawak gumalaw si andy nakaramdam ata na tinangal ko ang kamay ko kaya binalik ko din agad. Habang hawak ko kamay nya nag-uusap kame ni mama tungkol sa mangyayari sa kanya at ayon nga nalungkot si mama sa narinig nya na malubha na nga ang kalagayan ni andy pati sya naiyak sa niring nya.

“tanging dasal na lamang sa Diyos ang pwede natin itulong sa inaanak ko.” Matapos ay hinaplos ni mama ang ulo ni andy.

“opo ma, malaking tulong ngayon ang dasal sa kanya.”

“kelan daw balak operahan sya?” tanong ni mama.

“pag may donor nap o ma at pang 19 po sya sa listahan.” Malungkot kong sabi.

“Diyos ko po! May iba pa bang paraan?” tanong ni mama.

“opo, ang may mag volunteer na mag donate ng puso nya. Pero ang nirerecomendation ng mga doctor as much as possible ay kapamilya nya para maiwasan ang complications.”

“manalig lang tayo anak, may darating para gumaling si andeng hindi sya pababayaan ng Diyos.”

“sana nga po ma, sana..” matapos hinalikan ko kamay ni andy. maya maya din dumating na lola at pinsan ni andy. unti-unti kong tinangal ang kamay ko, hindi naman nag react si andy kaya hinayaan ko nalang. Lumabas muna ako saglit upang makapag isip-isip.

Nasa terrace ako ng hospital, ang aliwas ng paligid at mapuno ang lugar. Ang sarap mag tamby duon at makakapag-isip ka ng maayos. Napabuntong hininga ako, hindi ko inaasahan na darating kame sa puntong buhay naming na ganito halos buhay na ang mawawala. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam na hindi ko na alam anong sunod na mangyayari. Ni ayaw ko na matulog baka pag gising ko wala na sya sa tabi ko. Nasa ganung pag ninilay nilay ako ng napa tingin ako sa langit, nagulat ko sa nakita ko nag korteng puso ang ulap. Parang gusto kong umiyak, pati ang kalikasan nakiki-isa sa pangyayari. Naisipan kong pumunta sa chapel ng simbahan at duon mag hanap ng makakusap na makakatulong sakin ang Panginoong Diyos.

Lumuhod ako, nag dasal ng taintim. Ito ang unang beses na nag dasal ang ng sobrang malalim na ganto kaproblemado sa buhay ko. Nag internalize ako ng mabuti gusto ko makausap ang Diyos.

“Diyos ko, alam kong nagging makasalanan akong tao at dahil duon hinihingi ko ang iyong kapatawan at awa sa mga bagay na makasalanan na nagawa ko. Hindi na po mag papaligoy ligoy pa, nasa panganib po ang buhay ng taong pinakaimportante sa buhay ko ngayon. Panginoon ko gagawin ko ang lahat wag nyo lang sya kunin sakin, wag ngayon nakikiusap po ako sayo parang kinuwa nyo na rin po ang buhay ko pag ginawa nyo iyon. Mabuti pong tao si andy, maraming masasaktan pag nawala sya. Marami po kameng pangarap na gustong makamit sa buhay namin. Marami pa kameng balak gawin. Kahit po nag kasala kame sa inyo panginoon hindi naman po kame nag kulang sa pag dinig sa inyo. Lahat po gagawin ko kahit buhay ko ibibigay ko buhayin nyo lang sya.” Bigla naman akong napa isip sa sinabi kong “kahit buhay ko ibibigay ko mabuhay lang sya” at hindi ko rin pansin ang luha na tumulo sa mata ko. Napatayo ako at nagpasalamat dahil diningsin agad Nya ang panalangin ko.

Dumaretso na ako sa kwarto ni andy upang kamustahin sya, sa malayo palang pansin ko parang nagkakagulo ang mga staff nurse sa nurse station. At isa-isa silang pumapasok bandang dulo ng ward kung san andun ang kwarto ni andy. kinabahan ako bigla napatakbo agad ako, mas kinabahan ako nang makita ko sa kwarto nga ni andy nag papasukan ang mga nurse. Matapos nasa labas si mama at ang dalawa kong kapatid umiiyak.

“ma! Anong nangyari?” hindi ko magawang sumilip sa loob natatakot ako sa pwede kong makita.

“ma ano ba?!” napapasigaw na ako dahil hindi makasagot si mama kundi pag-iyak lang.

“kuya si kuya andy biglang huminto huminga habang nag-uusap kame tapos ang ingay nung machine kanina tapos straight line lang yung nakikita namin.” Mangiyak-ngiyak kapatid ko habang sinasalaysay ang pangyayari. Halos matumba ako sa kinatatayuan ko sa panghihina ng tuhod ko sa narinig ko hindi ko alam anong magiging reaksyon ko sa narinig ko.

Nakabukas lang ang pinto ng oras na iyon, kitang kita sa labas kung pano nila nirerevive si andy, gustuhin ko man pumasok pero parang dumikit na ang paa ko sa kinatatayuan ko at nawalan ng lakas upang lumakad. Biglang bumagal ang lahat, bawat sigundo at minuto napakabagal nung oras na iyon. Biglang nawala lahat ng senses ko sa katawan bukod sa paningin. Wala na akong marinig ni maramdaman kahit yakap yakap ako ng kapatid ko hindi ko iyon maramdaman. Gustong gusto ko ihakbang ang paa ko papasok at hawakan si andy ngunit talagang napako na ako sa kinatatayuan ko habang kitang kita ko ang bawat eksena na binubuhay si andy.

Maya maya huminto ang lahat, hindi ko alam kung bakit. Tumigil sila sa pag revive kay andy. isa-isa nag-aalisan ang mga nurse naiwan nalnag ang doctor kausap lola ni andy. hindi ko na alam ano nangyayari pumasok sila mama at kapatid ko, isa-isa nilang niyakap si andy hindi ko alam kung bakit. Walang wala na ako sa ulirat ko, bigla ko naman nakita ang muka ni aldrin sa harap ko. Parang may sinasabi sya sakin na hindi ko marinig, parang sumisigaw sya. Hangang nakaramdam nalang ako ng isang malakas na suntok sa muka ko na gumising sakin.

“tol! Ano ba? Ano nababaliw kana? Ano nang nangyayari ha?” nilingon ko si aldrin, kasama nya si faye at joner. Hindi parin ako makasagot. Matapos umupo ako sa gilid at sumandal sa dingding at tinakpan ang muka ko at nag simulang humagulgol.

“tang ina naman eh!” sigaw ni aldrin matapos hindi ko na sya narinig mag salita, rinig ko lumakad sila palayo sakin papasok sa kwarto ni andy. paralisang paralisa ako ng oras na iyon, pakiramdam ko tapos na ang lahat. Sabi ko sa sarili ko may gantong pakiramdam palang tinatawag? Yung tipong sa sobrang bigat nawawala lahat ng pakiramdam mo na halos tumigil ang mundo at hindi ako makagalaw. Nagagalit ako sa sarili ko nung oras na iyon, ang daming kong oras na sinayang! Bakit pa ako umalis sa tabi nya! Kasalanan ko ang lahat! Sobrang sinisisi ko ang sarili ko ng oras na iyon. Inuuntog ko ulo ko paatras sa dingding kung san ako nakasandal. Maya maya naramdaman kong lumambot ang ding ding kung san inuumpog ko ulo ko. Tinangal ko ang kamay ko sa pagkakatakip nito sa muka ako. Nakita ko si joner hinarang ang kamay nito upang proteksyonan ang ulo ko.

“tol, tara na tayo kana jan, kailangan ka ni andy.” isang wagas na ngiti ang binigay nya sakin.

“tol, hindi ko kaya makita sya.. hindi ko kaya..” umiiyak parin ako.

“mas hindi mo kakayanin pag hindi mo sya makitang ok na.” nakangiti parin sya nung oras na iyon. Biglang lumaki ang tenga ko sa narinig ko at napa tayo.

“ano tol?”

“ok na sya.” Inakbayan ako ni joner at sinamahan paloob ng kwarto ni andy.

Hindi ko agad sya tinignan pagkapasok ko, lumingon muna ako kung nasan sila mama at sila aldrin. Nakangiti lang sila sakin. tumulo ulit ang luha sa mata ko sa galak na nakita silang nakangiti. Hanggang sa nilingon ko na si andy, humihinga na sya ulit pero mas malalim na ang pag hinga nya ngayon. Stable na din ang mga vital signs nya sa monitoring machines. Sobang saya ang naramdaman ko ng mga oras na iyon gusto ko mag tatalon sa saya. Ngunit wala akong magawa kundi maiyak nalang. Lumapit ako kay andy at hinawakan ang kamay nya, ramdam ko ang biglang kapit nito sa kamay ko na nagpahagulgol sakin at napaluhod ako sa sahig at yumoko sa pag-iyak. Tumayo ako at hinalikan ko sya sa nuo matapos sa labi. Wala na akong pakelam ng mga oras na iyon kung sino man nakakaita samin. Alam ko gulat ang iba sa kanila pero wala na akong pakelam. Umupo ako sa tabi ng kamay nya at kinausap sya.

“pwet, andito na ako.. sorry kung umalis ako saglit kinausap ko lang si God na wag ka munang kunin samin. Diningin naman nya ako agad. Gagaling ka na.. sorry, hindi na aalis si bayag dito. Dito nalang ako sa tabi mo ha? Wag mo na uulitin yon.” Mangiyak-ngiyak parin ako pero pinipilit kong pigilan ito upang hindi nya marinig. Ramdam ko ang pagkapit nito sa kamay ko na parang sumesensyales na naririnig nya ako.

“paumanhin pos a istorbo, sa ngayon po stable na si andy. pero hindi po natin alam kung hangang kelan. Good thing na lumalaban ang bata at gusto pang mabuhay. Praprangkahin ko na po kayo, matagal na ang isang buwan sa kanya. Kaya kung may alam pa po kayong agency na pwedeng lapitan do it as soon as possible para masalba ang buhay ni andy.” pag basag ng momento ng doctor.

“opo dok, as soon as possible makakahanap na po kame.” Sagot ko agad ng walang alinlangan. Nag lingunan naman silang lahat sakin sa sinabi ko.

“oh sige po.” Sabay alis ng doktor.

“sige aalis na din kame aweng kayo muna dito sasamahan ko si tiya upang makahanap ng agency na makakatulong kay andeng.” Sabi ni mama.

“sige ma, contact nyo ako agad kung anong balita.” Sabi ko. Agad namang alis nila mama at lola ni andy kasama mga kapatid ko. Naiwan nalang kameng mag trotropa.

“teh! Anong drama naman yan! Ang o.a mo na ha! Masyado mo ng pinapa-iyak tong si bayag!” sabi ni faye, umiiyak sya ng oras na iyon pero pinipilit nyang wag ipahalata sa boses nito.

“andy, joner to.. kapit lang ha! Kunti nalang makakahanap na kame ng Heart donor.” Sabi ni joner.

“ui andy! palakas ka lang!! gragraduate pa tayo ng Nursing oh! Dean’s lister ka pa naman! Malay mo Cumlaude ka diba?!” lahat sila nag-iiyakan ng oras na iyon pero hindi lang nila pinapahalata sa boses nila si faye naman lumayo dahil hindi na kinaya ang emosyon. Sobrang sakit ng momentong iyon na tipong nagbibigayan kame ng panlakas ng loob kay andy pero mismo kame nanghihina sa nakikita namin sa kanya.

“pinaalam na naming sa buong school ang nangyari kay andy, baka lang may makatulong at magbigay alam kung san pwede tayong makahanap ng heart donor.” Sabi ni faye.

“ako din tol, nagpa meeting kame sa brad willing silang tumulong sa pag paskil ng mga posters upang magbigay alam sa publiko.” Sabi ni aldrin.

“ang banda naman ay nag aanounce sa kada play namin ng song upang mag bigay alam kung sino ang pwede lapitan para sa may nakakalam na pwedeng maging Heart donor.” Sabi naman ni Joner. Naiyak naman ako sa lahat ng sinabi nila, dahil lahat sila may ginagawa upang makatulong samantala ako wala akong magawa.

“salamat sa inyo, laking tulong ng mga ginagwa nyo. Buti pa kayo may nagagawa ako wala!” napayuko lang ako upang itago ang luha na dumadaloy sa aking mata.

“louie.. ikaw ang may pinakamalaking role dito.. alam ko kung bakit lumaban pa si andy ngayon ay isa ka sa pinakamalaking dahilan kung bakit gusto pa nya mabuhay. Wag kang aalis sa tabi nya, dahil ikaw ang nag bibigay lakas sa kanya upang ipagpatuloy pa ang buhay nya.” Sabi ni faye. Na touch naman ako sa sinabi nyang iyon. Tama sya, dapat hindi ako umalis sa tabi nya kahit anong mangyari.

“tama tol, sayo humuhugot ng lakas si andy. tol hindi nyo man sabihin alam at pansin naming kung gano nyo kamahal ang isa’t-isa. Wag kang mag-alala tol! Hindi nakakabawas para samin mga tropa mo sa pagkalalaki mo iyon. Mas hinahangaan nga kita eh, dahil nagawa mong harapain iyan. Siguro kung ako nasa posisyon mo ngayon? Malamang mas mauuna na ako kay andy.” sabi ni aldrin na ikinagaan ng loob ko.

“basta tol ito tandaan mo. Anuman ang mangyari lahat ng ito may dahilan, planado ito ng Diyos. Harapin natin ang katotohanan. Gusto naming maging handa ka sa lahat ng pwedeng mangyari. Anuman kakasalabasan ng lahat ng ito, asahan mo walang iwanan sa tropa. Andito kame tayong lahat at ramdam ko hanggang sa huli kasama si andy gragraduate tayong sabay sabay.” Napa-iyak naman ako sa sinabi ni joner. Alam kong may hindi kame pagkakaintindi ni joner pero ngayon ko lang naramdaman na tunay kameng tropa lahat. Ganun pala talaga pa gang magkakaibigan nadadaan sa matinding problema mas tumatatag at kame iyon kahit sang dakok ng buhay kame dalhin sama sama naming iyon tutuukin.

Nagyakapan kameng apat matapos niyakap namin si andy, napatigil kame ng nakita naming may luha na tumulo sa mata ni andy kahit nakapikit ito. Dapat pala hindi kame nag-uusap sa harap nya ng mga ganung bagay baka mas makahina sa kanya ito. Agad ko naman pinunasan at nag-alibi.

“pwet, tignan mo kung gano ka naming kamahal? Kaya ikaw wag ka na malungkot ha? Hindi ka namin iiwan hangang dulo ok? Walang bibitaw! Wag kana umiyak ha? Hindi makakabuti yan sayo. Hindi ka ni bayag mo ha? Dito lang ha?” ramdam ko ulit ang pag higpit ng kapit nya sa kamay ko. Matapos hinalikan ko sya ulit sa labi.

Maya maya nagpaalam na din ang tropa, gabi na din kasi.. pero nangako silang bibista araw araw, at aabisuhan nalang daw nila ako kung anong balita sa mga tulong na ginagawa nila.

Napakabilis ng mga pangyayari sa buhay, hindi natin alam kung kelan ang huling beses na pwede nating maka-usap o mahawakan ang isang taong importante satin. Matapos ang pangyayari ng gabing iyon, hindi ko na nagawang matulog o maidlip man lang. buong gabi hawak ko kamay nya at nakatitig lang sa kanya. Minsan kinakausap ko sya at pinapaalala ko sa kanya lahat ng masasayang pangyayari samin napapangiti nalang ako mag-isa tapos tatawa, parang baliw nga ako sa loob ng room pero alam kong nakikinig sakin si andy.

Hindi ko namalayan nakatulog ako habang hawak ko ang kamay ni andy. Nagising nalang ako dahil nakaramdam akong na may humaplos sa ulo ko. Pag lingon ko parang pamilyar ang ginoo na nakatayo sa likod ko. Ng ginuskos ko ang mata ko para luminaw ang paningin naanig ko at nakilala ko na ito. Si ninong pala, ang papa ni andy.

“ninong! Kamusta po? Kelan pa po kayo dumating?” nag bless agad ako sa kanya at tumayo agad.

“kaninang madaling araw lang, ng malaman ko sitwasyon ni andy agad agad akong nag pa book ng flight.” Andun na din pala lola ni andy sa loob ng kwarto hindi ko man lang napansin sa sobrang idlip ko sa pag tulog. Lumapit ang papa ni andy sa kanya at hinawakan ang kamay nito.

“bilib talaga ako dito sa anak kong ito, napakatapang at matatag. Manang mana sa nanay nya. Nak, andito na si papa gagawin ko lahat gumaling ka lang kahit maubos pa lahat ng kayamanan ko at ari-arian ko. Kumapit ka lang, ikaw nalang ang meron ako.” Unang beses kong nakita si ninong na umiyak. Ramdam na ramdam ko ang sobrang hinagpis ng isang ama sa kanyang anak.

“nak sorry kung laging wala ang papa ha? Mula ngayon gumaling ka lang hindi na ako aalis sa tabi mo mag sasama sama na tayo mag tatayo nalang ko ng negosyo dito sa Pilipinas, kaya mag pagaling ka ok?”

“nong, kelan po ba ang dating ng mama ni andy?” pagbasag ko sa momento ng mag-ama.

“mamayang gabi dating nya.” Sabi ni ninong habang hinahaplos ang anak nya.

Nalungkot ako sa nalaman kong darating na din si tita ng gabing iyon, hindi ko na kasi magagawa ang solohin ang pag-aaruga sa kanya medyo nag selos ako. Madami kaming napag-usapan ni tito ng araw nay un habnag hinihintay ang pag dating ni tita, kinuwento ko sa kanya lahat ng achievements ni andy. Napapanginiti nalang sya sa bawat pagpuri ko sa anak nya lalong lalo sa pag dating sa school achievements ni andy.

“ninong pansin ko lang, bakit parang hindi ka masyadong natutuwa sa mga naabot ni andy. Kung ibang magulang pa iyon tiyak nag tatalong sa tuwa.” Tanong ko na may pagtataka.

“sanay na ako jan sa anak ko, mula nung nursery palang yan achiever na iyan.. magugulat pa ako kung hindi nakapasok sa top 3 iyan. Nalulungkot lang ako pag binabalikan ko yung nakaraan nung bata pa iyan ni hindi ko man lang yan tinuruan pag dating sa mga school assignments nya di tulad ng ibang kapatid nya. Ewan ko ba sa batang yan, pag hindi nya alam ang isang bagay sisiskapin nyang malaman yun ng mag-isa pag hinding hindi na nya alam duon lang magtatanong.” Sabi ni ninong na may lungkot sa muka nito.

“oo nga po eh, ayaw na ayaw nyang tinuturuan sya lalong lalo ng pag alam nya gawin ang bagay na iyon. Hindi ko nga po alam kung bakit ganon eh, kung sino pa yung may magandang kinabukasan at maraming nag mamahal sya pa yung sinusubok ng tadhana.” Sabi ko habang nakatigtig ako kay pwet ng oras na iyon.

Buong magdamag nag kwentuhan lang kame ni ninong di alintana ang mabilis na oras na lumilipas. Habang nag-uusap kame ni ninong my kumatok sa pintok. Alam kong si tita na iyon, kaya tumayo kame agad ni ninong.

“yan na ata sya.” Sabi ni ninong patungkol kay tita. Matapos bumukas ang pinto, si tita nga ito. Nag-salubong ang tingin nila ni ninong. Matagal sila sa ganong eksena, tila biglang huminto ang oras hindi ko alam pati ako nadama ko iyon. Marahil sa tagal nilang hindi nag kita na halos 10 taon din. Matapos nagyakap sila, kitang kita ko kung gaano nalang sila nanabik sa bawat isa ang higpit ng yakap nila at nakapikit si tita habang magkayakap sila at biglang nag salita.

“ang anak ko?” unang bigkas ng salita nya ay damang dama na ang hinagpis na matagal nyang kinimkim. Kitang kita ang namumuong luha sa mata ni tita habang sinasamahan sya ni tito na lumapit kay andy.

“nak, dito na mama.” Ayun lang ang nasabi ni tita habang haplos haplos ang muka ng anak. Tumulo ang luha nito sa kumot ni andy,unti-unti hanggag lumaki ang parte ng basang kumot gawa ng luha ni tita. Hinawakan nya ang kamay ni andy ng dalawa nyang kamay matapos ay hinalikan na pikit ang mata. Ang akala ko sa teleserye lang ang gantong eksena, pwede rin pala sa totoong buhay at kung tutuusin ay mas nakakabagabag damdamin pa ito. Hindi ko kinaya ang emosyon napatalikod ako upang punasan ang luha na nag sisimulang tumulo. Halong awa at guilty ang nararamdaman ko ngayon, dahil sakin madaming tao ang nasasaktan at naghihinagpis dahil pakiramdam ko ako ang dahilan bakit nakahiga si andy sa kamang iyon. Lumabas ako hindi ko kinaya ang sakit na nadarama ko, gusto kong pag susuntukin ang ding ding at mag wala. Gusto ko sumigaw at sumigaw upang ilabas ang galit na nadarama ko para sa sarili ko.

Dahil dito, buo na ang desisyon ko. Kung mabuhay man ako at mawala sakin si andy daig pa nito ang namatay ako kaya wala ding silbing mabuhay pa. alam kong isang malaking katangahan ang gusto kong manyari, pero wala na akong pakielam. Kung sa ikakabuti naman ng taong pinakaimportante sakin at madaming taong sasaya bakit hindi. Buong loob kong pinag desisyonan ang lahat ng ito, hindi dahil ayaw kong mabuhay ng puno ng galit at pagsisi sa sarili, gagawin ko ito dahil ito ang nararapat at ikakabuti ng lahat. Pumunta ako sa isang tahimik na lugar kung san walang makakarinig at makakakita sakin, duon sinubukan kong mag-isip ng mahinahon yung tipong hindi ako madadala ng emosyon ko sa magiging desisyon ko sa simbahan kung san kame madalas ni andy nag sisimba. Duon umupo ako kaharap ang Diyos, humingi ako ng tawad sa gusto kong mangyari alam kong mali ito sa batas Nya pero mas gugustuhin kong wag na mabuhay kesa mabuhay na wala si andy. Duon din gumawa ako ng Video para kay andy, lahat lahat sinabi at inamin ko na sa video na iyon. Buong buo na loob ko sa desisyon kong iyon.

Lumabas ako ng simbahan ng buong tapang at panatag sa aking gagawin. Tinawagan ko si mama.

“ma?” halos walang lumabas na boses sakin.

“oh bakit aweng? Anong balita kay andeng?” tanong ni mama na walang kaalam alam sa pwedeng mangyari.

“ahh.. anoo.. ok na sya ma, nakahanap na ng donor wag na kayo mag-alala.” Nag simulang tumulo ang luha ko at halos nag babasag ang boses ko pinipilit na huwag mahalata ni mama.

“Diyos ko po!! Mabuti naman at ganon anak napaka buti talaga ng Diyos.” Rinig ko kung gaano nalang kasaya ni mama sa nalaman nya.

“ma, sorry ma.. mahal na mahal ko kayo, kayong ng kapatid ko pati ni papa.” Halos hindi na maintindihan ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko na kinaya nag emosyon at nilamon na ako nito.

“ha ano aweng? Ano bang nangyayari sayo?” medyo napapasigaw si mama sa phone dahil hindi nya maintindihan ang sinasabi ko.

“sige na ma, mauubusan na ako ng load. Basta mahal na mahal ko kayo ma. Sorry..” matapos pinatay ko din agad ang phone ko. Naglalakad ako pabalik sa hospital biglang nakatangap ako ng text kay joner.

“tol, malapit na kame papunta jan sa hospital.” Naisipan ko namang tawagan din agad si joner.

“tol!!” bungad ko kay joner.

“oh? Malapit na kame tol, medyo traffic lang halos 5 minuto nalang anjan na kame.” Sabi ni joner.

“sige tol, hinihintay na kayo ni andy! Kayo na bahala tol kay andy ha? Wag nyong pababayaan kahit anong mangyari kundi yari kayong lahat sakin!!” halos sumisigaw ako sa sinabi ko upang hindi mahalata ang boses kong sinasabayan ng luha at dala din ng ingay mula sa sasakyan na dumadaan.

Bigla akong nagulat at may humablot sa phone ko habang nag sasalita. Pag lingon isang binata, biglang tumakbo! Hindi ko na sana hahabulin pero naisip ko andun pala ang Video na ginawa ko para kay andy kaya hindi pwedeng mawala iyon. Kumaripas ako ng takbo, saktong ang takbo nya ay patungo sa Hospital kung saan nakaadmit si andy. Naabutan ko naman sya agad sa bilis ng takbo ko, matapos at sununggaban ko agad ng suntok sa muka. Sa lakas ay natumba sya sahig at nabitawan ang phone ko.

“gago ka ha!! Sa lahat ng kukunin mo ito pa!” pag dampot ko, bigla akong nakaramdam na parang may tumusok sa likod ko. Hindi naman ako nakaramdam ng sakit pero parang nanlambot buong katawan ko at nung nilingon ko sya nakita kong may hawak syag isang matulis na bagay hindi ko mawari kung kutsilyo ba ito o isang uri ng patalim. Hawak hawak ko parin ang phone ng subukan nya itong hablutin sakin ulit, ngunit nanlaban ako! Unang pumasok sa isip ko si andy hindi pwede mawala ito kaya kahit nanlalambot ang katawan ko nagpumilit akong makipag agawan sa snatcher. Matapos kitang kita ko kung pano nya ako sinungkagaban ng saksak sa bandang dibdib matapos ay hinugot ulit at isang saksak ulit sa tagiliran ko. Wala akong naramdamang sakit. Nandilim ang paningin ko at unti-unting nahihirapan akong huminga at halos parang nalulunod ako. Nung nakalagpak na ako sa sahig susunggaban ulit ako ng snatcher ng saksak at wala na akong nagawa kundi hawakan ng maiigi ang phone ko at pumikit. Sabi ko, kung ito man ang paraan na mabubuhay si andy gagawin ko para sa kanya. Nung oras na iyon, nakakita ako ng liwanag sa pagpikit ko. Hindi ko alam kung ano iyon basta isang mapayapang liwanag na hindi ko mawari. Dinilat kong muli ang mata ko, nakita ko si joner sa harap ko may sinisigaw sya inikot ko ang paningin ko nakita ko si aldrin gapos gapos ang snatcher na sumaksak sakin.

“tol!!! Tol!!!” sigaw ni joner.

“tol, ipagpalit nyo puso namin ni andy. Ngayon na habang may oras pa.” halos ibulong ko nalang ang mga sinasabi ko sa hirap at panlalambot na nadarama ko.

“tol!! Hindi pwede!!” sigaw ni joner, nuon ko lang syang nakitag nagalit at sumigaw.

“tol!!! Utang na loob!!!” binuhos ko lahat ng pwersa ko upang maisigaw lamang ang gusto kong masabi. Agad akong binuhat ni joner, halos ilang hakbang nalang kame hospital nuon. Matapos naipasok na ako sa loob ng hospital, halos magulantang ang loob ng hospital lahat halos kumikilos. Maingay at nagkakagulo ang lahat! Hindi ko na alam anong eksaktong nangyayari at ginagawa sakin. Nakikita ko si doc Sanchez ang Doktor ni andy. Matapos umaandar ang kamang hinihigaan ko, halos liwanag lamang galing sa ilaw sa kisame ang nakikita ko. At bigla akong hininto sa isang sulok. Sinubok kong iikot ang ulo ko upang makita ang paligid, nakita kong may papalapit na stretcher sakin. Sabay na tinulak ang stretcher na nilapit sakin, sinubukan kong aninagin ang taong nakahiga duon. At nakita ko nga si andy, napangiti ako. Inabot ko ang kamay nya habang umaandar ang stretcher naming kumapit ako ng mahigpit. Naramdaman kong humigpit din ang kapit nya sa kamay ko. Tumingala ulit ako sa taas, at muli puro liwanag mula sa ilaw ang nakikita ko. Nawala ang lahat ng sakit nararamdaman ko, tumulo ang luha sa mga mata ko at pumikit ako ng may halong ngiti sa mga labi ko.

Sa wakas, gagaling na si andy. Ang pinakamamahal kong si andy. Ang pwet ng buhay ko.

27 comments:

  1. ito na siguro ang sakripisyo na gagawin mo sa buhay mo anoh..

    ReplyDelete
  2. grabeee na iyak ako sa chapter na to ! huhuhuhu

    ReplyDelete
  3. hmmm.. bkit prng may nlktawan ako na part... anyway so sad :(

    ReplyDelete
  4. as in grabe talaga..... naluha ako sa chapter na to... sana mg-post na agad ang kasunod na chapter... at sana lang ay di mamatay sa bayag... sana nakahanap sila ang ibang donor...


    saimy

    ReplyDelete
  5. iyak ako grabe d ko mpigilan.... ang galing ng writer n gumawa ng story n ito,,,,, good job

    ReplyDelete
  6. wahhh bayag naman eh.. wag kang ganyan.... wag mo iwan si pwet....

    sa tingin mo matututwa si pwet pag iniwan mo siya... huwag please... may iba pang paraan....

    ReplyDelete
  7. kaiyak ko naman dito ...

    sana walang mamamatay...

    author, kahit matagal ka mag update di ko nakalimutan na icheck araw araw tong blog kung nandito na ang next chapter..

    galing author..

    Bentot.

    ReplyDelete
  8. Sobrang like ko ang part na ito. Gusto kong umiyak ng todo habang binabasa ito pero nasa public place ako. Napaka intense ng story. Hoping na may kasunod agad. Keep it up writer.

    ReplyDelete
  9. kuya mike wag mu. man pTayin c bayag
    may ibang praan nmN plsssss...

    ReplyDelete
  10. waaaa.... ang tagal kong inabangan ang story nila bayag at pwet,,, grabe naiyak ako,,,,, BAKA NMN PWEDE MAGING HAPPY ENDING ANG STORY NILA BAYAG AT PWET,,, PLSSS,,,, PLSSSS,,,, PLSSSS,,,

    TNX MIKE :-)

    ReplyDelete
  11. Uy Gelo, ang ganda nung story. Worth reading. ang galing din ng twists. ^_^

    Sana lng msagot yung ibang mga katanungan sa last part nito kagaya ng:

    1. bakit kailangan magpaiwan ni louie sa probinsya ng 3 araw, bakit di p sya sumama pauwi? ano yung sabi nya kay andy na malalaman nya din yun sa tamng panahon

    2. Bakit si Kim yung una nyang inabotan ng kamay at hindi si andy?

    3. Bakit pinili pa din ni louie maging sila ni kim, despite na alam nya yung ngyari? Bakit hindi nya maiwan si kim? alam naman naten n mahal nya si pwet.

    4. Anong sinabi ni kim kay louie nung nagkita sila sa mall bago bumalik alaala ni andy. Bakit sabi nya kay kim "sayo ako diba sayo"?

    5. Bakit nga ba tinago ni louie kay andy yung nangyari nun sa rooftop?

    6. Msasagot ba ang mga ito dun sa video recording na ginawa ni louie bago sya msaksak?

    7. Bakit sinabi ni joner kay louie na "HINDI PWEDE" nung sinabi ni louie na ibigay nya yung puso nya kay andy

    -- sana huwag muna magending, bigyan mo pa kami ng ilan pang mga chapter.. ^_^ maxado ng mdaming lungkot haha sna msya yung ending

    -- naiisip ko sa ending, sana nga ganito:
    *Nakahanp ng donor para kay andy bago pa man gawin ni louie ung video
    *Operation ni andy and si louie maoospital
    *magigising si andy hinahanap si louie
    *si louie naospital, hinahanap si andy pagkagising nya, akala nya wala na si andy
    *nakita ni andy yung recording sa phone ni louie kung saan nandun lahat nung mga sagot sa tanong ko hahaha
    *magsama ulet silang dalawa, happy ending! ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama sana masagot at happy ending. Grabe yung emotion dito. Nakakaiyak sobra. 4 thumbs up writter. Sana Maging Happy ending talaga.

      Delete
    2. waaaaaaaahh!! now lang ulit ko na buksan itong blog at nasaba itong mga comments nyo lalo na itong comments ni akobayag na nagpukaw sa atensyon ko.. unang una AT PALAGI!! ahahaha humihingi ako ng paumanhin sa sobrang tagal kong pag update tulad ng lagi kong sinsabi sobrang hirap ako sa sched ko but anyways.. na appreciate ko talaga tong comments na ito ni akobayag.. actially lahat ng katanungan mo ay masasagot sa susunod na kabanata.. THUMBS UP FOR YOU akobayag dahil nakuwa mo lahat ng tanong na umiikot sa isip ko at marahil sa isip din ng ibang readers.. sana mahintay nyo po ang susunod na katabana at wag kayong mawalan ng gana sa paghihintay.. pray nyo po na bigyan ako ni Lord ng time para matapos na ito.. :D

      Delete
    3. ^_^ i can't wait for the next chapter.. gelo sana magkatym k na..

      im actually still waiting for it till now, i've been going back and forth here in this blog just for ur next chapter..

      sna lng tlga magkanext na hahaha mga 5 chapters will do, hahahaha


      i'll go back here after 2 weeks sna may new chapter k na gelo (no pressure) lol but seriously sna tlga.. ^_^

      email ko: chinese.swagger@gmail.com, not my fb though

      Delete
    4. nsan n po ung ending ang gnda

      feeling ko kng bkit ngpaiwan si byag dhil ung sa bhy kubo n gnwa at pngnda ngtrabho xa pra don sa gmit sa bhy kubo

      Delete
  12. PLS. wag buhayin nyu po si andy pati na rin si louie. happy ending po.

    ReplyDelete
  13. kailan po kaya maipopost ung susunod na kabanata?? waaahhhh

    ReplyDelete
  14. uhmm mr. Author.. kelan po release nung next chapter? I can't hardly wait...=)

    ReplyDelete
  15. wala pa bo ba ang kasunod? tagal ko ng hinihintay... =(

    ReplyDelete
  16. sisimulan ko na guys :) bigyan nyo ako 3days to 1 week para tapusin ang ending :) need ko kasi basahin yung ibang chapters para ma refresh ako :) miss ko na sila bayag at pwet at alam kong mas miss nyo sila :)

    ReplyDelete
  17. san na po ung sunod na chapter i nababaliw na ko kakaisip.. wag ka naman ganun author pliss post na sakit na ng ulo ko pati mata ko kakaintay....

    "lonelyhandsomeguy"

    ReplyDelete
  18. akala ko tapos na. wala kasing word na ITUTULOY.. ahahaha kakalungkot yung chapter na to.

    ReplyDelete
  19. Gelo, ang emotions ng story ay ramdam talaga. Super naramdaman ko ang yung buhos ng emotions. Na feel ko yung feeling ng characters ng story. Super ganda talaga and I even cried a lot habang binabasa ang story na ito. Yung suggestion ng isang commenter sana ganun mangyari.hehehe. Ayaw ko kasi ng may mamamatay na isa sa kanila. Pero ang naiisip ko talaga ay yung biglang si bayag ang mamatay kasi yung puso niya ang ibibigay niya kay pwet. Pero pwede ring may nahanap silang iba kaya tumawag sa kanya si Joner. Maraming pwedeng mangyari sa story kaya Boss Gelo update na po.hihihihi. :)

    -marqymarc (mark)

    ReplyDelete
  20. May kasunod pa po ba? Sobrang nakaka-touch yung story nila eh. I cried so hard while reading this chapter. sana hindi tuluyang namatay si Louie. Sana may ibang way na nagawa, hindi yung heart niya ang ipinalit.

    ReplyDelete
  21. wahhhh,.,anu bayn,.,mganda na sana ung story,.,kso mukhang mamatay nman si louie,.,wag nman sana,.,sana may iba png mangyari,.,kso sabi nga sa title,.,EXCHANGE OF HEARTS,.,hahahaha,.bk8 wala aqng mkitang chapter 21,.hahah

    ReplyDelete
  22. last na ba ito? nakakabitin naman... ayokong mamatay c louie gusto ko magkatuluyan cla.


    vinz_uan

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails