Followers

Thursday, December 1, 2011

Bulag Na Pag-ibig [8]

By: Mikejuha
Email: getmyox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com

Author’s Note:

Malapit na pong matapos ang kuwento na ito, baka sa part 9 na, upang ang KMB naman ang aking mapagtuunan ng pansin.

Muli pong inanyayahan ko ang mga sumusubaybay nito na hindi pa naka like at comment sa entry ko sa fb page ng PEBA please: (1) “like” at (2) “comment” po dito:
 http://www.facebook.com/#!/photo.php?fbid=10150327552732974&set=a.10150283934452974.356615.134794097973&type=3&theater

As of this writing ay may 317 likes po tayo at 2002 comments. Ang target ko po ay madagdagan pa ng 100 likes and 100 comments.

Sa blog entry naman, sana ay magcomment din kayo dito:
 http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2010/05/pantalan.html

As of this time, may 144 comments po tayo. Sana ay madagdagan din po ng 100 comments pa ito.

Ipaalala ko po lamang na hanggang January 5 na lamang po ang pag like at comment at iyong mga nag-comply lamang po a pag like at pag-comment bago ang Dec 15, 2011 ang aking bibigyan ng kopya sa huling kabanata nitong kuwento. Sa tingin ko, magiging “for request” na naman ang huling kabanata nito dahil matumal ang mga mambabasang pinagbigyan ang kahilingan ko.

Maraming salamat po.

=========================

Announcement:

I am happy to announce ang resulta nag Poll para po sa remaining slots 6,7,8,9, and 10 writers sa MSOB Book Anthology Project. (Thanks to Jojie for tabulating the results):

Writers Total Votes
1. Migs 189
2. Shufflin Lui 182
3. Lopez Dhenxo 171
4. Zekiel Palacio 159
5. White Pal 152
6. Alexander Cruz 140
7. Benedict Pangan 119
8. Ace.vince.raven 98
9. Jayson Patalinghug 77
10. Kirk Chua 56
11. DM Eduvije 6

We have to ask the top 5 if they are available pos a project na ito para ma-occupy para macover sila sa mga writers in order of succession.

I understand that Migs is unavailable already and so the 6th elevates to the 5th place.
I am not sure if white_pal is also availabale, I hope he will confirm so the 7th place also elevate to the next higher slot, etc...

Salamat sa mga sumali sa poll! Good luck to the writers! Good luck to the project!

-Mikejuha-

=====================================

Mistulang hinataw ang aking ulo ng isang matigas na bagay sa aking narinig at biglang nahinto. At ang excitement na nadarama ko ay napalitan ng matinding pagkahabag sa sarili at galit.

“B-bakit? Hindi ka ba masaya para sa akin?” ang tanong niya noong nakita ang biglang pagtahimik ko at paglungkot ng aking mukha. Pakiramdam ko talaga ay nawalan ako ng lakas at gustong maglupasay sa sama ng loob.

Umupo na lang ako sa damuhan at nakayukyok.

“Tol… sorry. Akala ko matutuwa ka kapag nagkaroon ka na ng pamangkin.”

Hindi na ako kumibo. Sa loob-loob ko lang, “Paano ako matutuwa? Ang buong akala ko ay hiniwalayan mo na ang babaeng iyon? Sabi mo sa akin noon ay hiwalayan mo siya. Bakit ngayon, nabuntis mo pa pala? At habang wala pa ako sa atin?”

Umupo sin siya sa tabi ko. “Tol… sorry na. N-natukso ako eh. Hihiwalayan ko naman talaga siya ngunit gumawa siya ng paraan upang akitin ako... At hindi ko alam na galit ka pa rin sa kanya.”

Ngunit tumalikod na ako. Naramdaman ko kasing babagsak na ang aking mga luha at ayaw kong makita niya ito. “Babalik na ako sa loob…” Dali-dali akong tumayo at tinumbok ang building ng center na hindi lumingon sa kanya.

“Sandali! Mag-usap muna tayo tol! Ano ba iyong isang bagay na sasabihin mo pa sana sa akin?”

“Bad news iyon! Walang halaga para sa iyo. Sa akin na lang iyon!” ang padabog kong sigaw, pinilit na huwag ipahalata sa boses ang aking pag-iyak.

Pagkapasok ko ng building, dumeretso kaagad ako ng CR, at sa cubicle pa mismo kung saan ako nagtangkang magpatiwakal.

Umupo ako sa toilet bowl at nag-iiyak, kinakausap ang sarili. “Ansakit naman! Ako na nga itong nagdusa sa pagsaksak niya kay Dencio, siya pa itong nagpapsarap at sa babaeng iyon pa! Makasarili siya!” Napahagulgol ako. Pakiramdam ko ay nag-iisa lang ako sa mundo, walang kakampi. Pati na ang nasa taas, pakiramdam ko ay pinabayaan ako at sinisi ko siya kung bakit ako binigyan ng ganoon kabigat na pagsubok. Matindi ang naramdaman kong pagkahabag sa sarili. Parang gusto kong magbigti muli, wakasan ang aking paghihirap. “Akala ko, siya ang magiging inspirasyon ko sa paglabas ko dito. Akala ko, magiging ok na ang lahat kapag nasa labas na ako…”

Umiyak na lang ako ng umiyak. Sa pag-iyak ko na lamang ibinuhos ang lahat ng sama ng loob.

Noong medyo nahimasmasan na, tinungo ko ang opisina ng tagapamahala ng bahay-kalinga. Nakisuyo ako kung pwede akong doon na lang muna sa loob, imbes na lumabas pa. Para sa akin kasi, nasanay na ako sa loob kaysa magsimula sa laban na mag-adjust muli at nandoon pa si Dante na may ibang babae na.

Ngunit hindi rin ako pinayagan.

Dumating ang takdang araw. Naka-set na ang aking isip na makalabas na talaga. May mga balakid din sa aking paglabas na iyon, kagaya ng kasong nakabinbin dahil nasa tamang edad na raw ako upang humarap sa kaso, ngunit may mga tumulong din naman na mga abugado na iginiit na biktima din ako ng pang-aabuso kung kaya nararapat lamang na i-drop na lang ang kaso. At ang mga magulang ni Dencio naman ay pinatawad na rin ako, at hindi na sila interesadong ipursige pa ito gawa ng wala silang sapat na pera at mahihirapan lang daw ang kalooban nila at lalong magdusa kung bubuksan muli ang mga nagnyari na. Gusto na nilang isara ang mapait na alaala nila kay Dencio at ipanalangin na lamang daw ang kaluluwa ng kanilang namatay na anak. At dahil sa maganda ang record kong ipinakitang kung kaya sa wakas ay pinayagan na rin akong makalabas. Ngunit may kundisyon din ang paglaya ko; ang buwanang pagreport sa presinto ng pulisya.

Pagkatapos kong magpaalam sa lahat ng mga kasama at sa mga staff ng bahay kalinga, lumabas na ako ng gate, bitbit-bitbit ang aking mga bagahe.

Sa labas nakita ko kaagad si Dante. Abot-tainga ang ngiti, bakas sa kanyang mukha ang saya. “Ako na ang pinapasundo nina itay at inay sa iyo. Abala sila sa tindahan. Ipapademolish daw kasi ang tyanggi at ililipat ito sa isang malayong relocation. Kaya binantayan nila ang puwesto baka magkagulo at matuloy ang demolisyon.”

Ngunit hindi ko siya pinansin. Hindi ko siya sinagot. Parang wala lang akong kakilala sa sandaling iyon. Nakasimangot akong binitbit ang lahat kong gamit patungo sa isang tricycle na nakaparada na may rotang patungong bus terminal. “Wala akong pakialam!” ang pagmamaktol ko sa sarili.

HIinabol niya ako at pilit na kinuha sa aking kamay ang bitbit kong bag. Binulyawan ko siya. “Ako na nga lang!”

“Ako na ang magdala niyan tol!” giit niya.

“Ako na! Kaya ko ito. Nakaya ko nga ang limang taon sa loob ng bahay-kalinga… ito pang napakagaan na bag.”

Pakiramdam ko ay natamaan siya sa aking sinabi. Kasi, bull’e eye nga naman. Naghirap ako sa krimen na siya ang may kagagawan at pagkatapos, malalaman ko na lang na nakabuntis siya.

Noong naupo na ako sa tricycle, hindi pa rin ako umimik. Nagtabi kami sa upuan, ang mukha ko ay nakasimangot at ramdam ang sobrang bigat ng damdamin. Hindi na rin siya kumibo. Marahil ay naisip niyang galit ako sa kanya.

Noong nakasakay na kami ng bus, nagtabi uli kami ngunit hindi pa rin nag-iimikan. Habang nakaakbay ang kamay niya sa aking balikat, ako naman ay lihim na umiiyak, nagtatanong ang isip. “Sobrang napaka-ironic naman ng mga pangyayari sa buhay ko. Dapat sana sa ay paglaya ko, maglupasay ako sa tuwa; magdiwang. Ngunit paano ako magsaya o magdiwang kung parang pinunit sa sobrang sakit ang aking puso. Taken for granted lang ba ako? Hindi ba mahalaga ang aking naramdaman? Kailangan ba talagang palaging ako ang magdusa?”

Noong naglalakad na kami patungo sa bahay, hinayaan ko na siya na ang magbitbit ng mga gamit ko. At nagulat ako noong bumulaga sa aking paningin ang kahoy na baliti sa harap ng aming bahay. Namumutiktik ito sa mga dilaw na ribbon! At may nakalambitin pang isang streamer na gawa sa cartolina kung saan ang nakasulat ay, “Welcome home Tol!”

Para bang eksena sa kantang “Tie a Yellow Ribbon” kung saan ang isang lalaking nagkasala at nabilanggo ng ilang taon ay uuwi na ngunit nag-alangan ito kung tutuloy pa sa bahay ng asawa niya o hindi dahil baka hindi na siya tanggap pa. Kaya ang ginawa niya ay sinulatan ang asawa na kung tanggap pa siya nito, talian ng isang dilaw na ribbon ang kahoy sa harap ng bahay nila upang kung Makita man ito, bababa siya ng bus at tutuloy sa paguwi sa kanya, at kung walang riboon na nakatali, hindi na lang siya tutuloy upang huwag nang masaktan. At noong ang bus ay huminto na sa harap ng bahay, hinanap niya sa kahoy ang ribbon. At laking gulat niya dahil hindi lang isang ribbon ang nakatali doon kundi napakarami na namumutiktik ang buong puno sa dami nito. Naglupasay siya sa saya na pati ang mga kasamahang pasahero at ang driver ng bus ay nagpalakpakan sa sobrang tuwa para sa kanya…

Sa totoo lang, touched ako sa ginawa niya. Ngunit masakit ang gainawa niya. Iyon ang kaibahan. Hindi ko kayang maglupasay sa tuwa at magdiwang. Hindi maiwaglit sa aking isip ang sakit na nadarama sa kanyang ginawa. Totoo, hindi kami magkasintahan; hindi niya alam na mahal ko siya ngunit alam niyang ayoko sa babaeng iyon para sa kanya. At nangako siya sa akin na hiwalayan niya iyon. “Bakit nabuntis pa niya???” ang malaking katanungan sa aking isip.

Hinayaan ko na lang ang mga luhang pumatak sa aking mga mata.

Dumeretso ako sa loob ng bahay na hindi ipinahalatang napansin ko ang kanyang ginawang paglagay ng mga dilaw na ribbons at ang streamer.

Noong pumasok naman ako sa kuwarto namin, pansin ko ang pag-aayos niya dito. May wallpaper ang mga dingding, bago ang kumot at unan, inayos ang kama, at may bagong kutson. Halatang pinaghandaan niya talaga ang aking pagdating. At noong tiningnan ko ang isang parte ng kuwarto, may mga yellow ribbons naman at may streamer na ang nakasulat ay, “Welcome sa nag-iisa at pinakamamahal kong utol”.

Muli, hindi ako nagpahalata na napansin ito. Hindi ko lang alam kung ano ang naramdaman niya sa aking inasta. Wala akong pakialam.

Kinagabihan, dumating ang aking mga magulang. Ramdam ko ang kanilang kasabikan noong nakita nila ako. Nag-iyakan sa sobrang tuwa, bagamat sa loob-loob ko, hindi ko alam kung paano magsimula sa bago kong buhay sa labas ng bahay-kalinga kung saan ang sumalubong sa akin ay kalungkutan.

“Ipagpatuloy ko ang aking pag-aaral nay…” ang sabi ko. May paaralan naman kasi sa loob ng bahay-kalinga at kahit papaano, nakahabol pa rin ako, bagamat hanggang high school lang ang natapos ko kasi walang college doon.

“Oo anak. Sa darating na pasukan, ipa-enroll ka na namin. Sasamanhan ka ni kuya Dante mo. Sayang, third year college ka n asana.” Ang malungkot na sabi ni inay. Third year college na kasi si Dante. At kung hindi ako nakulong sa bahay-kalinga, ganoon na rin sana ang naabot ko.

“B-bakit po kayo malungkot nay?” ang tanong ko noong napansin ang tono ng boses niya.

“K-kasi anak… ang tindahan natin, ililipat na raw sa isang lugar na malayo dito. May matitirhan naman daw na isang relocation site kaya ok lang. Ang problema, magsisimula na naman tayo at hindi kami sigurado ng itay mo kung paano ang gagawing pagsisimula. Syempre, kailangan natin ng pera. At upang makapag-concentrate kami ng itay mo sa aming pagsisimula, doon muna kami manirahan sa ibinigay na relocation site. At dito lang kayo kasi, nandito ang paaralan.”

“O-ok lang sa akin inay. Kasi dito, malapit lang ang eskuwelahan, malapit lang ang mga palengke, malapit lang sa syudad…”

“Ako na ang bahala dito, nay, tay…” ang pagsingit naman ni Dante.

“Salamat mga anak. Ngunit kung kailangan na nating lumipat doon at kabisado na natin ang pasikot-sikot at maayos na rin ang ating pagtitinda, siguro ay doon na tayong lahat tumira.” Ang sabi ni itay.

“Puwede rin namang kami lang dito ni Tristan nay, tay. Dadalawin na lang namin kayo doon.”

“K-kayo ang bahala mga anak.”

“K-kailan naman po kayo magsimulang maglipat? Tutulung po kami.” Tanong ni Dante.

“Bukas ng madaling araw, gigising kami ng maaga dahil i-demolish na raw ito bukas din. Huwag kayong mag-alala, kaya naman ng itay ninyo ang paglilipat. Dito na lang kayo.”

Iyon ang usapan namin ng mga magulang ko tungkol sa paglipat nila ng tindahan sa isang malayong lugar.

Sa dati pa rin naming kuwarto kami natulog ni Dante. Iyon ang una naming pagtabi simula noong nakalabas ako sa bahay kalinga. Bagamat nagtabi, nakatagilid akong patalikod sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nasa isipniya; ang nasa isip ko ay ang sama ng loob sa mga nangyari sa buhay ko: ang pagsaksak niya sa aking damdamin; ang tagpong iyon mismo kung saan sana ay pinakamasayang araw ko pagkatapos ng unos na aking nilabanan sa loob ng center na kabaligtaran sa aking inaasahan.

Nakakabingi ang katahimikang namagitan sa aming dalawa.

“T-tol… sorry na please???” ang pagbasag ni Dante sa katahimikan.

Hindi pa rin ako kumibo.

“H-hindi mo ba ako mapatawad? N-nabuntis ko lang siya ‘tol ngunit wala kaming relasyon. Hiniwalayan ko na sya”

At doon na ako nagsalita. “Buntis siya tapos hiniwalayan mo? Anong klaseng tao ka? Wala ka talagang paninindigan. Noong sinabi mo sa akin na hiwalayan mo siya, hindi mo ginawa; binuntis mo muna siya. At ngayong nabuntis na, hiniwalayan mo na?” Ang paninisi ko, ipinamukha na wala talaga siyang paninindigan at palabra de honor.

“Kaya nga hiniwalayan ko na siya dahil ayokong magalit ka sa akin e…” paliwanag niya. Para siyang isang kabiyak na naghanap ng lusot upang suyuin ang nasaktang mahal.

“Iyon lang? Dahil ayaw mong magalit ako sa iyo? Noong oras mismo na ginawa ninyo ang sarap ng pagpapalabas ng libog, hindi mo inisip na baka magalit ako? Ganoon?”

“Hindi ko naman akaling mabutis iyong tanginang babaeng iyon, eh”

“Pwes, nabuntis siya at ikaw ang tatay ng anak niya!”

“Ayaw ko nga sa kanya tol. Hiniwalayan ko na siya. Ayokong magalit ka sa akin…”

“At ako pa ngayon ang dahilan? Bakit ako? Ano mo ba ako?” ang sambit ko

Hindi agad niya nagawang magsalita. Maya-maya, “K-kapatid kita. Ayoko lang na magalit ang b-bunso ko sa akin... dahil ayaw mo naman kay Shiela, di ba?” sagot niya.

Hindi ako sumagot. Hinahangad ko kasing iba ang marinig kong sasabihin niya.

Tahimik.

“B-bakit ka ba galit kay Shiela tol?” ang pagbasag niya sa katahimikan.

“Ewan! Basta, di ko siya gusto para sa iyo.” ang mataray kong sagot.

“Nagseselos ka ba…?”

Gusto ko sana siyang sagutin ng malakas na, Oo! “Nagseselos ako!!!” Ngunit ang lumabas sa aking bibig ay, “Hindi ah! Bakit ako magseselos? Boyfriend ba kita?” ang pagdadabog kong sagot.

Ewan kung ano ang nabasa niya sa aking inasta. Hindi na naman ako umimik.

At naramdaman ko ang pagtagilid niya paharap sa akin. Maya-maya, lumapat ang kamay niya sa aking beywang. Niyakap niya ako. Idinampi niya ang kanyang bibig sa aking buhok. “Miss na miss na kita tol… Namiss ko ang mga yakapan natin, harutan, tawanan, kulitan…”

At doon na ako bumigay. Ewan, bagamat may galit ako sa kanya, na-sweetan talaga ako sa mga sinasabi niya. Marahil ay ganyan talaga kapag umibig. Nasasaktan ka man ngunit napapawi ang lahat kapag naramdaman mo ang mga yakap niya, ang mga paliwanag niya, ang pagka-sweet niya...

Humarap ako sa kanya sabay sambunot sa kanyang buhok. “Na-miss mo ako tapos hindi mo pinahalagahan ang naramdaman ko? Um! Um! Um!” At pagkatapos, kinagat ko pa ang kanyang braso.

“Arekop!!!” sambit niya. Ngunit ginantihan lang niya ako nag mas mahigpit pang pagyakap at paghahalik sa pisngi. “Cute talaga ng utol ko! Sarap halikan!” Alam niya, napawi na ang galit ko.

At tuluyan nang lumambot ang puso ko. Niyakap ko na rin siya, hinahaplos-haplos ang buhok, hanahalik-halikan din ang pisngi. “Naiinis ako sa iyo...” ang sambit ko

“S-sorry na. Alam mo naman, minsan pasaway ako. Pero alam mo rin naman na takot ako sa iyo eh. Spoiled kaya kita.”

“Weee! Lagi mo na lang akong sinasaktan”

“Hindi ko naman sinasadya...”

Tahimik.

“M-mahal mo ba talaga ako tol?” tanong niya.

“Mahal na mahal po…” sagot ko.

Hindi siya umimik. Ewan kung ano ang iniisip niya.

“P-paano na lang si Shiela kung manganak siya at wala ka?” tanong ko.

Binitiwan niya ang isang malalim na buntong hininga, tumiwalag sa pagyakap sa akin at tumihaya. “Manganganak pa rin naman iyon kahit wala ako.”

“P-paano kung malaman ng mga magulang niya at igit nila na pakasalan mo ang anak nila?”

“Hindi ah! Hindi ako papaya!”

“Paano nga kung idemenda ka o may gagawing masama sa atin o sa mga magulang natin? Hindi ka ba naaawa sa mga magulang natin?”

“B-bahala na… Basta ayoko. Ayoko pang mag-asawa. At kung mag-asawa man ako, iyong gusto mo para sa akin.”

Hindi ako nakapagsalita agad. Parang may gumapang na awa akong naramdaman para sa kanya. “Naawa naman ako sa iyo kuya...” ang sambit ko.

“Bakit ka naman maawa?”

“Wala lang. Kasi, alam kong nahirapan ka...”

“Ikaw nga itong dapat kong kaawaan eh. Mas naghirap ka kaya...”

“Ok lang iyon. Basta lang sana, palagi kang nasa piling ko.”

Niyakap niya ako muli. At sa pagkakataong iyon, mahigpit na mahigpit. “Promise, hindi kita pababayaan. Kahit ano man ang mangyari tol… kahit ano ay kayan kong ibigay pa para sa iyo; kahit buhay ko pa...”

Iyon ang hindi ko malimutang sinabi niya.

Kinabukasan, maaga ngang umalis ang mga magulang ko. Kaming dalawa na lang ni Dante ang naiwan. At dahil walang pasok iyon, sa bahay lang kami nagtambay.

Hapon, naisipan namin na maggala. Ang problema, bigla ding dumating si Shiela sa bahay. At deretso pa itong pumasok sa loob na para bang bahay niya ito.

Nasa may sala ng bahay kami ni kuya, ang lugar na siya rin naming kainan. Noong nasa loob na siya, basta na lamang din itong umupo sa isang silyang bakante at, “Kumusta Dante!” ang pagbati kaagad niya kay Dante. At noong nakita ako, “Uyyyy, nandito na pala si Tristan!”

Ngunit hindi ko pinansin ang kanyang pagsasalita.

“Bakit ka napadayo dito?” ang tanong sa kanya ni Dante.

“Syempre, walang pasok. At masama bang dumalaw sa ama ng batang nasa aking sinapupunan?”

“Wala na tayo Shiela…” sagot ni Dante.

“Ay wala na ba? Bakit hindi ko alam?” ang sarcastic niyang tugon. “Baka para sa iyo ay wala na tayo. Pero para sa akin, tayo pa rin. At may pruweba ako, ang batang nasa sinapupunan ko! Dahil… pinagsamantalahan mo ako!” ang galit niyang sabi.

“Nakakatawa ka naman. Ikaw nga itong nang-akit eh.”

“Anong nang-akit? Hoy, Dante, hindi ako mabubutis kung hindi mo ako pinuwersang gawin ang mga bagay na iyon!”

Pakiwari ko ay nag-init ang aking tainga sa narinig na si Dante pa ang nang-akit sa kanya. Kaya sumingit na kao. “Hoy! Nandito ka sa pamamahay namin! Huwag mong sigaw-sigawan ang kuya ko!”

“Ayyyyyy! Nakakatakot!!! May ex-convict palang nandito! Kuya mo lang ang pakay ko, hindi ikaw kaya huwag kang sumigit!”

“Hindi pala dapat sumingit ha? At, ex-convict pa pala? Sige…” ang panggagalaiti kong sabi sabay tayo, tinungo ang kusina at kunin na sana ang kutsilyo upang takutin siya.

Ngunit si Dante na rin ang tumayo at kinaladkad palabas si Shiela. “Huwag ka kasing manggulo dito. Huwag mo na akong guluhin!” ang sabi ni kuya kay Shiela, ang boses ay halatang nagpipigil sa galit.

Noong nasa labas ng bahay na si Shiela, kinaladkad siya ni Dante patungo sa isang kanto na medyo tagong parte na hindi na nakikita ng aking mga mata.

Ewan ko kung ano ang ginawa nila doon. Marahil ay ang-usap. Ngunit may naglalarong selos na naman sa aking isip. At lalo na noong halos isang oras na ang nakalipas at hindi pa rin bumalik si Dante.

Kaya sa inis ko, umalis ako ng bahay. Tinungo ko ang tindahan ng mga magulang ko. Sa isip ko, isusumbong ko sa mga magulang namin si Shiela at ang pagkabuntis ni Dante sa kanya.

Ngunit noong nakarating na ako sa dating puwesto namin, na demolished na pala ito.

“Nasaan na po sina itay at inay ko?” ang tanong ko sa isang dati ring nagtitindang sa pwesto ng tyangging iyon at namumulot sa mga nagkalat at naiwang gamit sa kanilang na-demolished na tindahan.

“Nasa relocation na sila Tristan. Nauna na sila. Pupunta na rin ako doon, kung gusto mo, sumama ka na sa akin.” Ang sagot naman niya.

“S-sige po, sasama po ako sa inyo!” ang sagot ko rin.

“O sya, antayin mo lang ako sandali ha?”

Nakarating din ako sa bagong lugar na puwestong tindahan namin. Medyo kaunti pa lang ang mga customers at nag-alala ang mga magulang ko na baka hindi nila mabawi ang puhunan. “Ngunit baka dadami na rin ang mga tao kapag tuluyan nang makalipat ang lahat sa relocation site.” Ang sabi naman ng itay.

“Bakit ka ba nagpunta dito? At saan ang kuya Dante mo?” ang tanong ng inay.

“N-nasa bahay po…”

“Bakit mo iniwan?”

“M-may babae po siya nay. Si Shiela. At buntis daw po.” Ang dire-diretsong pagsiwalat ko sa sikreto ni Dante.

“Anoooooo???!!” ang sigaw ng itay at inay. “Nagbibiro ka ba?”

“Hindi po. Totoo po. Hayun sa bahay ang babae, ayaw atang umuwi...”

“Diyos ko po! Ang babata pa! Nag-aaral pa si Dante!” sambit ng inay. “Ano ba itong problema na ito?!”

Ang buong akala ko ay nakahanap ako ng kakampi sa kanila upang mailayo si Shiela kay Dante. Ngunit, “E kung buntis na pala ang babae, e di ipakasal!” ang sabi ni itay.

MIstula akong nasabugan ng bomba sa narinig. “Ayoko pong ipakasal sila tay!” ang pagsingit ko.

“Bakit naman?”

“Basta, ayaw ko lang po. Bata pa po si kuya at nag-aaral pa.”

“Tristan, panindigan dapat ni Dante ang ginawa niya. Mahirap sa parte ng babae kapag nilayasan siya ng ama ng magiging anak niya. Paano kung malaman ito ng kanyang mga magulang? Ano ang sasabihin nila sa atin kapag kunsentihin nating ilayo si Dante sa babae?”

“Tama nga naman Tristan. Ipakasal natin sila…” ang dugtong pa ng inay.

Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko sa narining. Ang buong akala ko ay gugawa sila ng paraan upang layuan ni Shiela si Dante dahil bata pa ito at nag-aaral pa. Kabaligtaran pala ang takbo ng isip nila.

Dali-daling umuwi ng bahay ang inay, kasama ako at noong nakarating na kami, nandoon sa sala si Dante, matamlay at tila malalim ang iniisip. At noong nakita niya kami, bakas sa mukha ang pagkagulat.

“Dante! Ano itong sinabi ni Tristan na nakabuntis ka daw ng babae?”

Tiningnan ako ni Dante. “O-opo nay…”

“At sino naman itong babae na ito?”

“Ako po nay! Si Shiela!” ang sagot naman ni Shiela na nasa kuwarto pala namin ni Dante at nakinig sa usapan. Lumabas ito atsaka nagmano kay inay.

Pakiramdam ko ay tumayo ang aking mga balahibo sa nasaksihan. “Ang kapal ng mukha ng babaeng ito!” sa isip ko lang.

Kitang-kita sa mukha ng inay ang pagkabigla bagamat hinayaan niyang magmano si Shiela sa kanya. “Di ba ikaw iyong nakapunta na rin dito sa bahay ng ilang beses?” tanong ng inay.

“Opo…”

“Nag-aaral ka pa ba?”

“O-opo. Nasa third year college po.”

“Diyos ko! Ambabata niyo pa…” ang sambit ni inay na parang maiiyak na.

“A-anong plano ninyo ngayon?”

“D-dito na lang po ako titira. Kasi po, kapag umuwi ako at nalaman ng aking mga magulang ang lahat, baka po papatayin nila ako…”

“E, dapat pala talagang umuwi ka para mapatay ka nila! Ang tigas kasi ng ulo mo!” ang sarcastic ko namang pagsingit.

“Tristan...!” sambit ni inay, ang mga mata ay matulis, pahiwatig na huwag akong maging bastos. At baling kay Shiela, “Hindi ka namin puwedeng patirahin dito sa ngayon. Madadamay ang pamilya namin. Ang dapat mong gawin ay umuwi ka, sabihin mo sa mga magulang mo ang lahat. At kapag tinanong ka kung sino ang ama, sabihin mong si Dante at handa kaming makipag-usap kung ano man ang gusto ninyo. Kahit ikakasal kayo ni Dante, gagawin natin.”

Kitang-kita ko naman sa mukha ni Dante ang matinding pagkagulat at pagtutol. “Hindi nay ah!!! Ayokong magpakasal!”

“Talaga po???!!!” ang masayang sagot naman ni Shiela.

“Anong hindi??? Ginawa mo ang mga bagay na iyan, panindigan mo!” ang galit na sagot ng inay kay Dante. At baling kay Shiela, “Oo… pakakasalan ka ni Dante. Kaya sige na, umuwi ka na muna ha?”

(Itutuloy)

=====================================================
"Libre po ang mag-repost; huwag lang ang mang-angkin ng akda na pinaghirapan ng iba"
=====================================================

11 comments:

  1. bwisit talaga yang si Shiela, grrrr

    ReplyDelete
  2. may point naman ang magulang nila diba at tama ginawa ni dante kaya panindigan nya..

    ReplyDelete
  3. ganda kakaexcite kaya lng, katulad ng puno ng pag-ibig d ko na naman mababasa ang ending.

    ReplyDelete
  4. @ ram, hindi ko maintindihan kung bakit nasabi mong hindi mo mababasa ang ending. klaro naman ang instruction siguro kung paano mo makuha ito di ba? Bakit, ayaw mo bang sumunod sa instruction; sa munting hiling ko?

    kakalungkot naman...

    ReplyDelete
  5. sir mike hindi naman ganun. cp kc ang gamit ko pagnagbasa ako ng mga kwento, d ko kc ma access ang email ko sa cp ko. dont you worry madaming beses na ako nagvote sa peba(i think 4 times na ako nakapagvote dun), nakapagcomment na ako sa fb using my 2 accounts ng sa FB (though lately lng ako nagcomment kc ngaun ko lng nalaman na counted din young likes and comments sa FB.

    ReplyDelete
  6. AAYY ... sobrang kakainis naman...sana wag matuloy...

    Sana maglayas na lang si Tristan kapag pinagpilitan pa...para mapilitan silang hanapin siya...

    Puntahan niya ung dati niyang kaibigan sa loob ng bahay kalinga..tutal mabait naman eto at mayaman...

    ReplyDelete
  7. Sayang...d ko rin mabasa kz mobile internet din ako...by d way naka boto na ako...k lang kung bitin...napier214@yahoo.com

    ReplyDelete
  8. aray :( parang aq lng, lhat ng plano q kbligtaran ang nagging resulta sa inaasahan q x.x mgpakatatag lng xa, my ibng paraan pa naman 2lad ng pglason sa bruha lol joke lng po ^^v

    ReplyDelete
  9. anu ba nman, maglayas ka na lng tristan at mamuhay mag isa, malayo sa mga taong nananakit sau...

    ReplyDelete
  10. HAYSSSSSSSSSSSSSSS
    sadya b talaga ganyan ang life kunting ligaya san damakmak n problima naman ang hila,
    at nakakasira talaga ng araw un presence ng sheila n yan,
    goodluck nlng k tristan,

    thanks kuya mike s updated:

    ReplyDelete
  11. sa palagay ko lng hindi kay dante ang pinagbubuntis ni shiela, parang pinipikot lng nya..lilitaw din ang katotohanan at in the end si tristan at dante parin ang magkakatuluyan...sarap nman nun hehhehe tnx kuya..Jhay L

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails