Bukas ko po ipopost ang Part 13. Maaga po ako nakatulog kagabi kaya hindi ko po na-post ito. Pasensya na po. Muli,
maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay, abangan ang mga huling
yugto ng "LMLIA!" ^_^
----------------------------------------------
BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com
"Love Me Like I Am"
BOOK 2: Vengeance of a Broken Heart
Part 12: "Revelations and the Engagement..."
Bumungad
sa akin ang isang taong nakahiga sa kama. Nababalot ng putting gasa ang mata
nito. Nakabalot din ng tela ang ulo niya. Pero alam ko sa itsura niyang iyan ay
may mabigat siyang karamdamang dinadala. Hindi ko alam, naguguluhan ako sa
nakikita ko.
“Ely?”
ang nanginginig na sabi ko.
“Hi
Gab…” ang sabi niya sabay bigay ng isang pilit na ngiti, bakas sa boses ang
hirap.
Tumakbo
ako palapit sa aking kaibigan at yinakap ito. Kinapa rin niya ang braso ko para
haplusin ito.
“Jared,
anong ibig sabihin nito? Bakit nakabalot yung mata ni Ely? Bakit ganyan ang
lagay niya? Bakit Jared?” ang sunud-sunod kong tanong.
Imbis
na sagutin ang tanong ko’y yumuko lang siya’t napahilig sa may pader ng
kwartong iyon.
“Ely…
Ano ibig sabihin nito? Ely wag mong sabihing…”
“Oo
Gab, ako ang donor mo. Binigay ko sa iyo ang mga mata ko.”
Hindi
ako nakapag-salita, nakaramdam ako ng pangingilabot sa natuklasan ko, dagdag pa
dito ang matinding pagka-awa sa kaibigan ko. Napaluhod ako kasabay nito ang
paghagulgol ko. Lumapit din sa akin si Jared para yakapin ako’t himasin ang
likod ko. Pansin ko din na sumunod pala sa amin si Ella na lumapit kay Ely.
“Bakit
Ely? Bakit! Bakit mo iyon ginawa?” ang sigaw ko habang humahagulgol.
“Kasi
Gab… ang laki ng pagkaka-sala ko sa iyo. Nang dahil sa akin kaya ka nabulag sa
galit, nang dahil sa akin nabuo ang plano mong paghihiganti. Nang dahil sa akin
ay kailangan mong pahirapan si Jared at itakwil ang mga magulang mo. Gab,
nakunsensya ako… Hindi ko dapat hinalikan si Jared noon… Kung hindi ko ginawa
iyon ay hindi ka magkakaganyan. Eto ang paraan ko para makabawi sa iyo. Kasi
Gab mahal kita… mahal kita hindi lang dahil kaibigan kita kundi dahil… dahil
kapatid kita.” Ang sabi niya pagkatapos ay tuluyan na siyang humagulgol.
Parang
isang malakas na bomba ang sumabog sa ulo ko nang marinig ko ang kanyang
rebelasyon. Parang mawawalan ako ng hininga ng oras na iyon, parang unti-unting
gumuho ang mundo ko. All this time, siya pala ang nawawala kong kapatid.
Dumating din sa puntong nagalit ako ng todo-todo sa kanya to the point na pati
siya, muntik ko ng paghigantihan.
“Ely
bakit!!! Bakit ka naman ganyan Ely? Bakit hindi mo sinabi sa akin? BAKIT?” ang sigaw
ko habang si Jared naman ay yakap-yakap ako para pigilan sa aking pagwawala.
“Ayokong
ipaalam sa iyo Gab. Kasi… kasi ayokong mag-alala ka pa, ayokong mag-alala pa
kayo sa kalagayan ko…” ang humahagulgol na rin niyang sabi.
Napatigil
ako’t tinitigan siya.
“Anong
kalagayan Ely?” ang nanginginig na sabi ko.
“Gab…
kaya ako umuwi ay para makuha ni Jared ang right sa anak namin. At ang dahilan
kung bakit gusto akong pakasalan ni Jared ay...” ang humihikbi niyang sabi,
bakas sa boses at sa itsurang hirap na hirap na ito.
Hindi
ko maintindihan ang gusto niyang ipahiwatig, naguguluhan ako, parang nag-clash
lahat sa utak ko ang mga natutuklasan ko.
“Ay
ano?” ang nanginginig kong sabi.
“Gab…
I’m dying…” ang mahina niyang tugon.
Sa
narinig ko, wala na akong nagawa kung hindi umiyak at magsisisigaw. Hindi ko
rin sinasadyang masuntok ang pader ng kwartong iyon na gawa sa kahoy. Ngayon na
nagsink in sa akin ang lahat, ngayon ko na unti-unting nabuo ang puzzle sa
kanyang pagbabalik kasama na rito ang planong pagpapakasal nila ni Jared.
Hindi
ko alam kung gaano katagal ako sa aking pag-iyak. Napansin ko na lang na
naka-upo ako sa labas ng kwartong iyon, tulala, balisa, wala sa sarili.
Napansin ko rin na biglang ihinilig ni Jared ang ulo ko sa balikat niya, muli ay
hindi ko napigilang humagulgol at magtanong…
“Diyos ko bakit naman po
ganito? Bakit kailangan maging ganito ang lahat? Bakit ganito ang nangyayari sa
pamilya ko? Ang tagal ng panahong hinanap ng mga magulang ko ang kapatid ko,
pero ngayon… bakit naman po ganito? Bakit kailangan magsakripisyo ng kapatid
ko? Bakit kailangan niyang mawala ng maaga?” ang sabi ko sa diyos.
“Iiyak
mo lang Gab… Nandito lang ako…” ang bulong sa akin ni Jared.
Dahil
dito’y napahawak ako sa kanyang kamay habang nakahilig pa rin ang ulo ko.
“Kasi
naman… bakit ganito? Bakit kailangan maging ganito?”
“Gab,
kagaya nga ng lagi kong sinasabi sa iyo… Lahat ng bagay may dahilan. May
mabuting dahilan ang diyos kung bakit nangyayari ito... Basta kahit anong
mangyari, nandito lang ako palagi… Hindi kita iiwan.” Ang malambing niyang
sabi.
Sa
totoo lang, na-touch ako kay Jared, kasi ba naman, after all nandito pa rin
siya sa tabi ko. Hindi siya bumitiw kahit kalian.
Hindi
ko namalayang nakatulog pala ako sa posisyon naming iyon.
Alas-kwatro
na ng hapon ng magising ako. Bumungad sa akin ang isang malaki ngunit simple na
may pagka-romantic na kwarto. Napansin kong nakahiga ako sa king-size bed na
gawa sa kahoy, may mga putting tela pa na nakasabit sa apat na gilid ng kama.
Tumayo ako’t tinungo ang salamin na sa kwartong iyon, hugis oblong ito at medyo
mataas sa akin. Nakita ko ang pamumugto ng mata ko. Napabuntong hininga ako,
naisip ko ang nangyari kanina. Muli ay hindi ko napigilang umiyak.
Nasa
ganoon akong pag-iyak ng biglang…
“Gising
na pala ang sleeping beauty.” Ang sabi ng lalaki na nasa may balcony.
Lumingon
ako’t nakita ko si Jared, nakatayo sa balcony ng kwartong iyon. Pinuntahan ko
doon at yinakap.
“Oh!
Iyak ka na naman!” ang sabi niya sabay himas sa likuran ko.
“Hindi
nuh! Gusto ko lang magpasalamat.”
“Wala
kang dapat ipagpasalamat Gab.”
Tumingin
ako sa kanyang mga mata, nakita ko na nahihirapan din siya sa nangyayari, hindi
lang niya pinapakita. Naisip ko, sana ganyan ako din ako katatag.
“Jared…
gusto ko pakasalan mo si Ely.” Ang mahina kong sabi.
Biglang
nanlaki ang mata ni loko.
“Sure
ka ba dyan Gab?”
“Oo…
Gusto ko ituloy niyo yung kasal niyo.”
Tumahimik
siya, at ilang sandali pa’y…
“Sa
totoo lang Gab, iniisip namin kung itutuloy ba namin ang kasal o hindi… Dahil
iniisip ka namin, yung kalagayan mo, alam kasi naming nasa recovery ka pa rin
eh.”
Napangiti
ako’t kasabay nito ang aking pag-iling.
“Okay
lang. Para sa bata at para kay Ely. Jared, ito lang yung tanging paraan para
mapasalamatan ko siya.”
Nakita
kong ngumiti si Jared at pagkatapos ay binigyan ako ng isang mahigpit na yakap.
“Salamat
Gab.” ang mahina niyang sabi sa akin.
Dahil
sa sinabi ko, tuloy ang kasal ni Ely at Jared at nakatakda itong gawin sa
lalong madaling panahon. Sinabi rin sa akin ni Jared na bilang na bilang na ang
oras ni Ely kaya kailangan ng madaliin ang lahat. Pamilya ko at pamilya lang ni
Jared ang dadalo sa kasal, gusto kasi ni Ely na simple lang ito’t talagang
kami-kami lang ang dadalo.
Isang
araw bago ang kasal, dumating ang isang taong matagal kong hinahanap kasama ang
mga kasambahay namin. Pagharap na pagharap niya’y binigyan ko siya ng isang
napaka-higpit na yakap.
“Namiss
kita ah.”
“Mas
na-miss kita Gab.” Ang mahinahon niyang sabi.
“Ace,
san ka ba nagpunta? Bakit ngayon ka lang?”
Imbis
na sagutin ang tanong ko’y binigyan niya lang ako ng isang matamis na ngiti.
“Gab…
tapos na ang lahat.” Ang simpleng sagot niya.
“Ha!?!?
Anong… anong tapos na ang lahat?”
“Nakakulong
na si Steph.”
Tuwang-tuwa
ako sa aking narinig, gusto kong magtatatalon sa tuwa dahil sa wakas ay
nakakulong na ang taong naging sanhi ng lahat ng problema ko. Para akong
nabunutan ng isang malaking tinik na nakatusok sa puso ko sa balitang hatid
niya.
“Papaanong
nangyari Ace? Papaano siya nakulong?”
“Sa
tulong ni Jared.”
Muli
ay natahimik ako, naisip ko na may ginawa na naman para sa akin si Jared, at
syempre kinilig ako.
“Papaano
nangyari Ace? Ikwento mo!” ang pangungulit ko na na-eexcite.
Natawa
naman siya sa reaksyon ko, halata kasing tuwang-tuwa ako sa nangyari.
“Noong
panahong comatose ka, ipinasa ni Sir Angelo ang shares nito kay Jared. Ibinigay
ko rin ang 50% ng shares ko kay Jared para mas mahigitan nito ang shares ni
Steph na nakuha niya kay Bianca… at ang desisyon ng board? Nagwagi si Jared
ngunit pagkatapos na pagkatapos ng meeting ay sinurpresa namin si Steph sa isa
pa naming plano, dumating ang nanay ni Steph sa kumpanya. Binulalas nito ang
lahat-lahat ng kahayupang ginawa ng kanyang anak. Si Miss Synthia ang lumapit
sa amin Gab, hindi niya nakayanan ang kanyang kunsensya. Kasama niayng dumating
ang mga pulis para dakipin si Steph.” ang sabi ni Ace.
“Malaking
tulong ang testamentong binigay ng nanay ni Steph sa kaso, kabilang sa kanyang
ibinunyag ay ang pagsagasa niya sa iyo na muntik mo ng ikamatay. Sinabi rin ng
ina nito ang ginawa sa iyo ni Steph apat na taon na ang nakakaraan kung saan walang
awa ka niyang pinagbababaril at hinayaang mahulog sa bangin. Inamin din ng ina
niya na silang dalawa ang mastermind sa pagsunog at pagpapasabog sa kumpanya ng
Papa mo. Lastly, sinabi niya na si Steph ang may kagagawan ng sunog sa bahay
niyo na kinapahamak ng Papa mo. Tumestigo rin si Ella sa ginawa sa kanya at sa
anak niya…Nakumbinsi rin namin ni Jared na magsalita ang mga dating tauhan ni
Steph tungkol sa nalalaman nila, at kinumpirma ng mga ito ang pahayag ng
kanyang ina.” Ang mahabang paliwanag pa nito.
“Anong
hatol sa kanya Ace?”
“Life
imprisonment.”
Alam
kong masaya ako dahil sa wakas ay nabigyan na rin ng hustisya ang lahat-lahat
ng ginawa niya sa akin. Dapat Masaya ako sa naging desisyon ng korte, ngunit
hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng matinding awa para kay Steph. Yun
bang, kahit ganoon yung ginawa niya, kahit sobra-sobra ang pagpapahirap niya sa
buhay ko’y hindi ko magawang magalit sa kanya tulad ng dati. Ang tanging
nararamdaman ko lang ay awa. Awa dahil sinira niya ang buhay niya, awa dahil
kailangan niyang pagbayaran habang buhay sa kulungan ang mga kasalanan niya.
“Ang
tahimik mo.” Puna sa akin ni Ace.
“Wala
lang, naaawa kasi ako sa kanya Ace.”
“Ano
ka ba Gab, she deserves it!”
“I
know, pero ewan ko. Kasi Ace… I want to end the hatred. Para talagang tapos na
ang lahat.”
Hindi
nagsalita si Ace bagkus ay yinakap ako nito.
“It’s
over Gab, there’s nothing to worry.”
Naikwento
rin sa akin ni Ace na naibalik ang perang ninakaw ni Bianca sa amin four years
ago. Nabanggit din ni Ace na nagkaroon ng malaking damage sa mukha ni Steph
gawa ng last confrontation naming sa Ospital. Hindi na ako nakasuhan ni Steph
gawa ng sinubukan talaga nilang madaliin ang kaso para makulong na ito.
Kinagabihan
habang sabay-sabay kaming naghapunan sa isang malaking kubo malapit tabing
dagat. Napuno ng masasayang kwentuhan at tawanan ang hapag-kainan. Lalo na’t
nandyan si Inday at Enso na humihirit ng mga nakakatawang linya nila.
“Alam
niyo ba nabwiset ako kanina!” ang maingay na entra ni Inday.
“Bakit
teh?” ang tanong ni Enso.
“Kasi
kanina naka-higa ako dyan sa buhangin, sunbating ba?” ang sabi ni Inday.
Bigla
kaming nagtawanan ng sabihin niyang “sunbating”
as in walang “H”.
“Inday,
sunbathhhhing!” ang sabi ni kokoy na tinatalsikan pa ng laway si inday ng
i-pronounce ang “H”.
“Sunbathing!
Kuha mo? Hindi sunbating! Boba!” dagdag pa ni kokoy.
“Whatever
kokie ko! Talsik mo lumalaway! Anyway, tapos may dalawang lalaki na tingin ng
tingin at tawa ng tawa sa akin. Ngumiti lang ako at sabay sabing… Ganda ko ba? Para akong sirena ano? Tapos
tumawa sila sabay sabi ba namang… Oo
sirenang lantutay! Sirenang mukhang pukeng panis! At nagtatakbo ang mga
walang-hiya! Kabwiset!” ang naiiritang sabi ni Inday.
Tawa
kami ng tawa sa kinwuento ni Inday. Pansin kong pigil tawa si Jared, Ace, Papa
at Tito Angelo samantalang kami nila Mama, Tita Jade, Ella, Ely at ibang
kasambahay ay go lang sa pagtawa.
“Hay
naku! Na-stress din ako kanina teh!” biglang sabat ni Enso.
“Bakla!
Bakit ka naman na-stress?” si Inday
“Na-stress
kaya ako dyan sa lintek na lechon na yan!” ang tukoy ni Enso sa lechong nasa
lamesa.
“Ano
naman meron sa lechon teh?” tanong ni Inday.
“Naku!
Noong in-order ko yan kanina, nabwiset ako sa nagbabantay. Sabihin ba namang nasira raw yung panluto nila ng lechon!”
“Kalerkey!”
“I
know right? Tapos sabi ba naman sa akin nung manong doon na tauhan na raw nila
ang nagpapa-ikot nung lechon. Ang sabi ko naman… So ano gusto niyong gawin ko? Tulungan ko? Tulungan ko siyang paikutin yung
puking-inang lechon na yan!?!?” ang pagpuputak ni Enso.
Tawanan
naman kami sa sinabi ng baklang bata. Pansin kong hindi na rin napigilan ni
Papa, Tito Angelo, Ace at Jared na humagalpak sa tawa.
Ilang
sandali’y kinindatan ako ni Jared at pagkatapos ay nagpaalam sa amin na lalabas
upang magpahangin. Makalipas ang limang minuto’y may nag-text sa akin, si
Jared.
“Samahan
mo naman ako. Dito lang ako sa batong inuupuan natin dati kapag sunset at
sunrise.”
Tumayo
ako’t nagpaalam na magpapahangin lang sandali. Kita ko naman na napangiti si
Ella.
“Goodluck
sa date!” ang sigaw ni Inday sa akin.
Agad
namang tinampal ni Aling Minda si Inday.
“Aray
naman Aling Minds!” ang sigaw ni Inday
“Ang
ingay-ingay mo madinig ka ni Ma’am Ely!” ang mahinang sabat ni Aling Nelly at
kurot pa dito.
“Aling
Nelly, wag ka namang mangurot!”
“Anyway!
Ella, kamusta ang chikahan niyo dyan ni Ely?” Ang biglang sabat ni Ace. Sabay senyas
sa akin na umalis na.
Dali-dali
naman akong umalis. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang nangyayari,
pero parang pinagplanuhan nilang lahat ito. Sa totoo lang ay parang
nakukunsensya ako dahil parang pinagtataksilan ko ang kapatid ko.
Binaybay
ko ang madilim na beach, ramdam ko ang lamig ng hangin at tanging alon lang na
nagmumula sa dagat ang naririnig ko. Medyo madilim ang buong kapaligiran, medyo
nakakatakot ngunit dire-diretso pa rin akong naglakad.
Nang
makarating ako sa harap ng malaking bato’y may biglang tumakip ng mga mata ko.
Pumalag ako at nagsisisigaw ngunit...
“Ssshhh…
Ako lang ito.”
Kilala
ko ang boses na iyon, bigla akong napangiti. Tinanggal niya ang kamay niyang
nakatakip sa mata ko’t iniharap ako sa kanya. Suot-suot niya ang putting pants
at color blue na polo, dagdag pa dito na nakabukas ang lahat ng botones kaya
naman kitang-kita ko ang magandang hubog ng kanyang katawan.
“Ikaw
naman kasi eh!” ang sabi kong naiinis.
Ngunit
imbis na sumagot ay bigla niya akong hinalikan, isang mapusok na halik. Lumaban
ako, sumabay ako sa sayaw ng aming labi kasama ang aming dila. Bigla niyang
inilapit ang katawan ko sa kanya. Naradaman ko ang kuryenteng bumabalot sa
kanyang katawan at ang init nito na pumapaso sa aking balat. Naramdaman ko na
lang ang paglikot ng kanyang kamay at ganoon rin ang sa akin. Ilang sandali
pa’y bumalik ako sa katinuan at pwersang inilayo ang sarili ko sa kanya.
“Jared…
Hindi tama.”
“Anong
hindi tama? Mali bang mahalin kita?”
“Hindi
tama kasi ikakasal ka na.”
“Para
lang iyon sa anak namin, pero Gab ikaw ang mahal ko. Alam mo yan.”
“Jared
don’t be selfish! Masasaktan si Ely! Masasaktan ang kapatid ko! Jared, ikaw na
rin ang may sabing bilang na bilang na ang oras niya.”
“I
know, pero gusto kong ipadama sa iyo na mahal kita Gab. Ayoko ring nahihirapan
ka.”
“Jared,
okay lang ako. Sige na, bumalik na tayo doon.” Ang sabi ko sabay talikod
“Wait!”
bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
“I
want to show you something.” Ang malambing niyang sabi sabay hatak sa akin.
Wala
na akong magawa kung hindi sumunod. Ngayon ko napatunayang kahinaan ko talaga ang lalaking ito. Haayyy.
Dinala
niya ako sa isang sulok ng isla, mapuno ang lugar na iyon at medyo madilim
ngunit hindi pa rin ito nalalayo sa tabing-dagat. Bumungad sa akin ang isang
maliit na bonfire at isang tent. Umupo kami sa labas noon at nag-umpisang
mag-usap. Napag-usapan namin ang tungkol sa mga buhay-buhay, sa kalagitnaan ng
aming pag-uusap ay biglang siyang tumahimik at ganoon din ako. Napuno ng
katahimikan ang buong lugar, tanging hampas lang ng dagat at wagayway ng mga
dahon ang aming naririnig.
“Tahimik
mo…” ang pagbasag ko ng katahimikan.
“Wala
lang… Iniisip ko lang kung tama ba ang gagawin ko bukas.” Tukoy niya sa kasal.
“Jared…
Napag-usapan na natin ito di ba?”
“Alam
ko, pero kasi di ba? Marriage is a choice. Nagpapakasal ang isang tao dahil
gusto nitong maging masaya, at ang dahilan ng pagpapakasal ay dahil sa mahal mo
ang taong pakakasalan mo. Other reasons than that is not necessary.” Ang matigas
at diretso niyang sabi.
Hindi
na ako umimik, alam kong may punto siya. Ilang sandali pa’y hinawakan niya ang aking
kamay.
“Gab…
Ikaw ang gusto kong pakasalan.”
Nanlaki
ang mata ko sa nadinig, bigla akong napatingin sa kanya gawa ng hindi ko
inaasahang sasabihin niya sa akin iyon.
“Jared!”
ang pasigaw kong sabi.
“Gab,
Mahal mo ba ako?”
“Jared,
tigilan natin ito ok?” ang sabi kong naiirita na.
“Mahal
mo ba ako!?!?” ang sigaw niya.
“Oo
mahal kita pero…”
Hindi
ko natapos ang sasabihin ko gawa ng bigla niya akong hinalikan. Madiin niyang
hinawakan ang aking braso’t inilock ito para hindi ako makapalag. Hindi ko
namalayang lumalaban na rin ako sa halik na iyon. Ilang sandali pa’y kumalas
siya’t marahang kinuha ang kamay ko.
“Gab...
will you marry me?” ang seryoso niyang tanong.
“Jared
ano ba!” ang sabi ko sabay talikod ngunit hinatak niya ang braso ko.
“Mahal
mo ba ako?”
“Ano
ba namang tanong yan Jared!”
“Oo
o hindi lang.”
“Mahal
kita!”
“So…
will you marry me?”
“Ehh
kasi.”
“Kung
mahal mo ako, pakakasalan mo ako.” Ang sabi niyang bakas sa boses ang
pagkairita.
“Oo
na! Mahal kita!”
“Para
ka namang napilitan eh.”
“Mahal
naman kita pero hindi naman kasi tayo pupwedeng ikasal. Lalo na si Ely---“
“Wag
mo siyang isipin.” Ang maiksing tugon nito.
Pagkasabi
niya ng katagang iyon ay napansin kong may kinuha siya sa kanyang bulsa.
Iniabot niya sa akin ang isang maliit na box.
“Buksan
mo.”
Hindi ko maipaliwanag ang excitement ng mga oras na iyon, nanginginig kong binuksan ang box at laking gulat ko sa aking nakita, ang singising naming dalawa.
“Papaano
napunta sa iyo ang singsing ko?”
“Noong
maaksidente ka, binigay sa akin ng nurse yan.”
“Gab,
mula noong una tayong magkakilala minahal na kita, noon pa mang mga bata pa
tayo alam kong mahal na kita, mahal na mahal. Kaya ako naging isang Jared Earl
Cruz dahil sa iyo, ikaw ang naging inspirasyon ko, you made me a better person.
Mahal kita Gab at walang ibang bagay dito sa mundo ang kayang humigit doon.
Lahat ipagpapalit ko, makasama ka lang. Gab. ikaw lang ang minahal ko ng
ganito, at alam kong kahit ilang libong beses man tayong magkahiwalay, ikaw at
ikaw lang din ang mamahal nito.” Sabay turo sa puso niya.
Pagkasabi
niya noon ay tumayo siya’t inalalayan din niya akong tumayo. Hinugot niya rin
ang kanyang cellphone at pinatugtog ang isang kantang malapit sa aming dalawa.
Rascal Flatts - Like I Am
Powered by mp3skull.com
Powered by mp3skull.com
“Will
you marry me?”
Muli
ay tumaas ang kilay ko.
“Mahal
mo ba ako?” ang pasigaw niyang tanong.
“Oo
nga!”
“Oh!
Edi umpisahan na natin.”
“Ha?”
“Wag
kang mag-maang maangan Gab alam kong naiintindihan mo ang ibig kong sabihin.” ang sabi niya sabay ngiting pilyo.
Hindi ko alam pero biglang may pumasok na kahalayan sa utak ko.
“Uuuyyy…
namumula siya oh. Iba ang gusto niya.” Ang pang-aalaska ni gago.
“Tigilan
mo ako!”
"Malibog ka!"
"Hoy Jared, sino kaya sa atin ang masmalibog aber? Sino kaya ang madaling..."
"Ano?"
"Wala!"
"Madaling tigasan..." ang pabulong kong sabi.
"Ano iyon?"
"Wala!!!" ang depensa ko.
"Malibog ka!"
"Hoy Jared, sino kaya sa atin ang masmalibog aber? Sino kaya ang madaling..."
"Ano?"
"Wala!"
"Madaling tigasan..." ang pabulong kong sabi.
"Ano iyon?"
"Wala!!!" ang depensa ko.
Kinuha
niya ang kamay ko ‘t isinuot ang singsing dito, at ganoon din ang ginawa ko.
“Engage
na tayo!” ang masayang sabi niya.
“Ha?”
ang maang-maangan kong tugon.
“Ayaw
mo?”
“Eh…
Gusto!” ang sabi kong kinikilig.
“Ayun
naman pala eh.” Ang ngiti-ngiting sabi nito at pagkatapos ay yinakap ako.
Nauwi
ang yakapan na iyon sa pagsayaw naming dalawa. Hindi namin namalayang
sinasabayan na pala namin ang background music na paulit-ulit na nagpi-play.
Ilang sandali pa’y hinarap niya ang mukha ko sa kanya at marahan nitong
hinalikan ang labi ko. Mula sa simpleng halik ay nauwi ito sa isang mapusok at
maalab na halik. Tanging bonfire, mga puno, at malalaking bato sa paligid ang
naging saksi sa aming paghahalikan.
(ITUTULOY)
Oh NO! Kawawa naman si Ely!!! She also deserves to be happy. Aminin kong nabwiset ako sa kanya, pero sobrang laking sakripisyo ang ginawa niya. Nalungkot naman ako sa Chapter na ito. :'(
ReplyDeleteNow may idea na ako sa Ending. Sana lang hindi na umatake ulit ang demonyong si Steph.
Biglang nabuhay ang dugo ko!!! I'm sure nabuhay rin ang dugo ng ibang mga Jared-Gab Fans diyan!!!
ReplyDeleteTHERE'S STILL A HOPE FOR THEM!!! YEHEY!!!!!
Sana lang may nangyari sa kanila nung gabing iyan. hihihihihi!!!!! KILIG SHOCKS!!!!! JARED-GAB TILL THE END!!!!!
As what I've always said. Ely is the lost Aliyah Montenegro. Pero hindi ko na-predict na mamamatay din pala agad ang kapatid ni Gab. Nakakalungkot lang na hindi rin pala magtatagal makakapag-bonding ang magkapatid. Tapos sa chapter na ito mukhang walang matutuloy na kasal dahil gustong ipaglaban ni Jared ang pagmamahal niya para kay Gab. The story is really unpredictable, and I can't guess the ending for this one. To the author, sana tumatak sa puso't isip namin ang katapusan nito.
ReplyDelete~Mighty_Dawn
super like ganda neto as in next na po pls :)
ReplyDeleteSalamat po sa mga patuloy na sumusubaybay sa story ko! ^_^
ReplyDeleteMatatapos na ito promise :)
thanks for finding the time to update your beautiful story..
ReplyDeleteGod bless.. -- Roan ^^,
thanks for sharing this story.
ReplyDeletegrabe, last sunday ko lng tong naumpisahan.
ang ganda ng pagkakaplot ng story.
the emotion...
the twist...
the transition...
huwow!!!!
the best ka mr. author.
-mhei
ganda ganda talaga neto kahit ulitulitin basahin ehehe :)) sana may updates na po pls.. We are all waiting for the progress neto.. PLSSS im a justine :D
ReplyDelete