Kailangan Kita
Kabanata 3: Katas ng Pagsisikap
Tulad ng plano ni Camillo, tinapos niya ang mga dapat lakarin noong araw ding ‘yon. Narito ang pumunta sa Registrar’s Office, sa Finance Center, at maging sa chairman ng mga Academic Scholar na si Mr. Lee.
“Base on your exam results…” panimula ni Mr. Lee. “You are an achiever.”
“Oh, thank you for the complement, Sir!” masayang pagpapasalamat ni Camillo.
“But,” pambibitin ni Mr. Lee na ikinakaba ni Camillo. “As an Academic Scholar of our dear institution, we need to assign you to one of our offices here. Just think of it as your service and thanksgiving for the privilege and assistance that we’re going to give you.”
“No problem, Sir.” nakawala sa kaba na si Camillo.
“But,” nambibiting uli na si Mr. Lee.
“Ano ba naman ‘yan puro “but” na lang…ayaw n’yo ba akong papasukin dito?” tudyo ng isip ni Camillo.
“Academic Scholars can plan what day, and time they like to be in service, unlike SA Grant Holders, they need to serve and to be in duty in their designated offices everyday. And another one, Academic Scholars are only required to be in duty 16 hours per week.” masayang pagbabalita ni Mr. Lee sa kinakabahang si Camillo dahil sa dami ng “but” na inuusal niya.
“What about the maintaining grade, Sir?” magalang na tanong ni Camillo.
“Don’t you worry, just study much and more harder to have as high as 1.50.” pagpapalubag ni Mr. Lee sa nadamang kaba na bumakas sa mukha ni Camillo.
“Promise, Sir.” Pagtanggap ni Camillo sa hamon.
“So, that’s all, congratulations and welcome!” saka hawak sa balikat ni Camillo. “Come tomorrow and see me before 8:00 am to talk about your one (1) week training regarding your job in your office.”
“Okay, Sir. Again, thank you, Mr, Lee.” saka umalis si Camillo sa office ng chairman ng Acad. Scho.
Hindi alam ni Camillo pero nagkaroon ng epekto sa kanya ang paghawak sa kanya ni Mr. Lee. Napansin din niyang mataman ang pagkakatitig nito sa kanya. Pero inisip na lang din niyang baka ganoon lang talaga mag-welcome ang taong ‘yon. Isa pa lalaking-lalaki naman ito kung iyong pagmamasdan.
Si Mr. Lorenzo Abuevo Lee ay ang chairman ng kasalukuyang 30 Acad. Scho. Ng kanilang pamantasan. Nagtapos ng Business Administration sa parehong kolehiyo. May angking talino kaya madaling na-absorb ng sariling institusyon bilang isang professor. Kinahuhumalingan ng kanyang mga estudyante dahil sa mapang-akit niyang mga mata na nakuha niya sa kanyang ina at mala-Adonis na hulma ng mukha.
Banat din ang katawan dulot ng iba’t ibang trabahong pinasukan upang makapagtapos ng pag-aaral dahil mula sa isang maralitang pamilya. Anak ng isang intsik na hindi man lang niya nakilala. Tanging ina niya lamang ang kanyang nakasama mula pagkabata. Ayon sa kanyang ina, nasa sinapupunan pa lamang siya ay iniwan na sila ng ama na naka-fix marriage na pala sa kapwa intsik.
Sa kabilang banda, dahil sa tapat lamang ng CASR ang guardhouse na daanan ng tao palabas at papasok, napansin ni Ron si Camillo na palabas na sana ng kausapin ng isang babae. Nagkakatawanan pa nga ang dalawa.
“At kabago-bago pa lang, eh nambababae na, aba at nagyakapan pa rito ah. Humanda ka sa akin, ang balita ko eh dito ka maa-assign.” hindi alam ni Ron kung bakit ito ang nasabi niya. Natawa pa nga siya ng mahina dahil sa naiisip.
^^^^^^^^^^
fernandzsteppingstones.blogspot.com
^^^^^^^^^^
fernandzsteppingstones.blogspot.com
No comments:
Post a Comment