Followers

Tuesday, May 25, 2010

Si Rodel At Ang Aking Pangarap [5 & 6]

WARNING: This post contains explicit scenes and is not suitable for readers below 18.

By: Mikejuha
getmybox@hotmail.com

Author's Note:

Wohoooooooooooooooo! May 121 followers na ako!!!!

Muli, salamat sa mga followers ko at sa mga patuloy na nagpa-follow sa akin dito, pati na doon sa mga nang-recruit, lol! Salamat po ng marami.

Gusto ko ring manghingi ng paumanhin dahil sa sobrang busy po sa bakasyon. Halos di ko na alam ang takbo ng schedules ko. How I wish to be able to write and at the same time enjoy my vacation. Di kasi nawawala ang inuman, lasingan, hehe. Hirap magconcentrate.

Anyway, I am posting here my older story na wala pa dito sa blogspot ko. Ilalagay ko rin naman talaga dito ang lahat ng mga lumang stories na nagawa ko na.

Doon sa mga die-hard followers nina Kuya Rom at Jason, antay lang po. Di kayo ma frustrate sa susunod na mga eksena. Maraming dapat ipaliwanag si Kuya Rom kay Jason. Sana lang, ay makinig pa si Jason sa kanya at lawakan niya ang kanyang pag-iisip...

TC!

-mikejuha-

----------------------------------

[5]

Kaya iyon, balik-samahan na naman kami ni Rodel. At sa pagkakataong iyon, iniwasan ko na talaga ang magkamali, ang magpatalo sa tukso.

Ang hirap pala, grabe, sobrang hirap. Iyon bang kasama mo sa isang bahay ang taong mahal mo ngunit hanggang tingin ka nalang sa kanya, ang lahat ay may limitasyon.

In fairness, napakaganda din naman ng samahan namin. Lahat ng gawaing-bahay ay sa kanya habang ako ang naghahanap-buhay. Sex na lang kumbaga ang kulang. Bumalik ulit ang sipag nya sa pagtatrabaho sa akin, ang pagiging thoughtful, sa pagiging masinop sa lahat ng bagay. At hindi siya tumatanggap ng sweldo Kapag may gusto lang siyang bilhin, at saka lang siya nanghihingi ng pera, o kaya’y kapag nagsa-shopping kami ng mga gamit at may magustuhan siyang damit o pantalon, binibilhan ko siya. Kung tutuusin, parang alila nang maturingan siya sa set-up namin.

Medyo nagi-guilty din ako ng kaunti pero sa tingin ko naman ay masaya din siya sa ganoon. In fact, naging sobrang close kami sa isa’t-isa. Sa kanya natuto din akong maglaro ng basketball. Dahil sa athletic si Rodel, ginigising na din ako niyan alas kwatro pa lang at niyayayang mag-jogging o kaya’y makipag-sparring ng basketball. Aaminin ko, nagbago ang lifestyle ko sa impluwensya ni Rodel, naging conscious na rin ako sa physical activity.

Noong unang umagang niyakag ako ni Rodel na gumising ng maaga at samahan siya sa kanyang pagja-jogging at paglalaro, talagang inaayawan ko. Ngunit makulit siya kayat nahikayat na rin ako.

“Ayoko nga Rodel! Tinatamad ako, at di ko alam magbasketball! Eto naman o, istorbo! Inaantok pa ako, ano baaaa?” pagmamaktol ko habang hila-hila naman niya ang blanket ng kama ko.

“Wala akong kasama Direk... walang kalaro. Dyan lang naman sa baba eh. Samahan mo na ako, please...” pagmamakaawa niya.

“Ayoko nga...”

“Sige pag di mo ako samahan, mag-iingay ako dito. O kaya, maghanap ako ng kasama dyan sa labas, madaming chick dyan na gustong makipag-kaibigan sa akin.” Pananakot niya.

Kaya, “Oo na, sige, sama na ako! Hmpt! Istorbo nito.” Na lang ang naisagot ko.

“Ayan...” At ngingiti na ang loko at iha-hug ako, pasalamat na pinagbigyan siya.

Syempre, ako ba naman, sa ngiti pa lang ni Rodel lahat ng problema sa mundo ay napapawi na. Syempre, nalulusaw ang puso ko.

Kaya, 4am – 4:30 jogging, at pagkatapus, sparring na kami ng baseball sa court ng apartment, isang oras. Kahit di ako marunong maglaro, pinagtityagaan pa rin ako ni Rodel, pinagtatawanan, niloloko, iniinis, hinahamon. Kaya, kahit paano, pinag-igihan ko rin na matuto para hindi niya basata-basta pagtatawanan. At sa tingin ko naman ay natuto din ako, kahit papaano. Pagkatapus ng laro namin, naliligo na ako tapus tulog ulet, habang siya, diretsong magluto at pagkatapus, maligo. Gigisingin na lang ako niyan pag alas otso na, sabay kain kami ng agahan at aalis na ako papuntang trabaho.

Iyan ang routine namin ni Rodel sa araw-araw. Pagdating ko naman galing trabaho, nandyan lang din siya sa apartment, kung hindi nanunuod ng TV, nagwo-work out, tila hinihintay ang pagdating ko.

“O musta ang work?” Kaagad ang tanong niya.

“Ok lang naman....” At mag-share na ako sa mga experiences sa opisina, mga nakakabwesit na eksena, mga nakakaaliw at nakakabaliw na mga pangyayari, mga problema sa trabaho at tao, etc.

At magandang makinig at kakwentuhan ni Rodel sa mga hinaing ko. Nagsi-share din siya ng mga experiences niya, ng payo. Seryoso niyang pinapakinggan ang mga sinasabi ko.

Minsan din, kapag nakita niyang pagod ako galing work, nag-oofer iyan na mag-massage sa akin. Syempre, pinapaunlakan ko sa kabila ng pagpapakipot. Pero minsan, ako na din ang mag-oofer na mag-massage sa kanya, na pinapaunlakan din namanniya. Sobrang saya ko sa samahan naming iyon.

Ngunit... oo, aaminin ko na sa simula noong set-up naming ito, satisfied na ako sa kalagayan namin. Pero ang hirap pala. Iyon bang mahal na mahal moiyong tao, nand’yan na sa harapan mo, gusto mo siyang yakapin, halikan at sabihin sa kanya na mahal mo siya ngunit hindi pwede dahil hindi ikaw ang tinitibok ng puso niya. At syempre, dahil ayaw kong sirain ang pangako ko sa kanya na walang halong malisya ang pagtulong ko. Araw-araw mo siyang nakikita, naaamoy ang katawan, nagsasama kayo sa isang bahay, pinagsilbihan ka, ngunit hanggang doon na lang ang lahat.

Ansakit, grabe. Halos gabi-gabi, lingid sa kaalaman niya, humahagulgol ako, tinatanong kung bakit ba naging ganito ako; kung bakit tila unfair ang tadahana sa akin. Awang-awa ako sa sarili. At kapag ganyang nasa isang kwarto lang kami, matinding tukso palagi ang nilalabanan. Kagaya nang minsan, habang naglilinis sa bahay, naka-shorts lang sya, punong-puno ng pawis ang matipunong katawan. Para sa kanya, walang malisya iyon pero ang hindi niya alam, ang tukso na iyon ay tila naiipon dito sa puso ko.

Isang araw noong maisipan kong mag-shower, nandoon pala si Rodel sa loob. Hinintay kong matapos siya at noong matapus na nga, kitang kita ko ang tuwalyang nakatapis sa harapan nya, lantad na lantad ang pusod niya, ang six-pack abs at ang malalaking umbok ng chest. Flawless kumbaga. Noong tila nawala sa isip kong nakatitig pala ako sa kanya, “Hey!” ang sigaw niya kagad sa akin.

“Ay... ako na pala. Hehe.” Sagot ko na lang.

Napangiti na lang si Rodel sabay biro, “Pinagtitripan mo katawan ko, ah!”

Syempre deny-to-the-max ako kaya’t “Hindi ah. Bakit, meron din naman akong ganyang katawan. Yabang neto!”

At tumalikod na lang siyang tumatawa. Alam niya, meron akong pagnanasa. Si Rodel pa, nasabi niya na sa akin isang beses na sa isang tingin pa lang ng tao, alam nya na kung may pagnanasa ito sa kanya o wala.

Isang gabi, niyakag ko siyang mag-inuman. As usual, sa terrace. Noong medyo tumalab na ang alak sa katawan namin, naitanong ko sa kanya, “Rodel, ano ba ang pangarap mo sa buhay?” Iyon lang ang tanong ko. At matinding pagsisisi ang naramdaman ko sa tanong na iyon at kung bakit ko pa itinanong iyon.

“Ako? Syempre, magkaroon ng trabaho, pamilya, asawa, at mga anak na magsilbing inspirasyon ko at katuwang sa buhay...”

Pakiramdam ko binatukan ako sa sagot niyang iyon. Syempre, hindi ako kasali sa pangarap niya na iyon. Bigla tuloy bumalik na naman ang sakit na naramdaman sa paglayo sa akin noong mga nakarelasyon kong hindi na nagpapakita pa sa akin. Tila dinurog ang puso ko sa sagot niyang iyon. Natameme ako at namalayan ko na lang na dumaloy ang mga luha sa aking mga mata. Tumalikod ako kay Rodel at pinahid ng patago iyon. “Ah... g-ganoon ba?” Ang naisagot ko na lang.

“I-ikaw? Ano ang pangarap mo?”

Ewan ko. At lalo yatang bumigat ang pakiramdam ko sa tanong naman niya na iyon sa akin. Kaya hinayaan ko na lang na dumaloy ang mga luha ko sa harap niya. Hindi ko na mapigilan pa eh. “A, e... ako?” At binitiwan ko ang isang pilit na ngiti. “Syempre, isang lalaking magmahal sa akin... Ngunit tanggap ko na rin kung sakaling hanggang sa pagtanda ko ay nag-iisa lang ako, na walang mag-aalaga o humahawak sa kamay ko hanggang sa huli kong hininga. Alam mo naman sigurong walang lalaking papatol sa isang bakla nang paghabambuhay, diba?” ang sagot ko habang pahid-pahid ang mga luha sa pisngi.

Tahimik lang si Rodel. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya.

Nagpatuloy ako, “Alam mo Rodel, kahit ako ganito, may pera, matapang na hinarap ang lahat ng pagsubok, nakikita mo akong ngumingiti... ngunit sa gabi-gabi, umiiyak ako, dahil sa kabila nito, hindi ko pa nahanap ang taong magmahal sa akin. At nawalan na rin ako ng pag-asang mahanap pa siya. Sa totoo niyan, hindi naman talaga ako masaya sa buhay eh. Simula noong malaman kong isa akong bakla, at itinakwil ng pamilya, naghirap na ang kalooban ko. Paano, hindi naman talaga ako pwedeng magkaroon ng pamilya, di ba? Di ako pwedeng makapagbigay ng anak na siyang magiging inspirasyon sa buhay ng taong magmahal sa akin. Kaya kung sa panlabas nakikita mo akong tumatawa, ngumingiti, ngunit sa loob-loob ko, maraming katanungan sa buhay ang bumabagabag sa isip. Bakit ako? Bakit ako ganito? Bakit tila wala akong karapatang magmahal at mahalin? Bakit kailangan kong magdusa? Kung hindi lang sana makasalanan ang pagkitil ng buhay, matagal ko nang ginawa ito sa sarili. Pero iyon nga, wala akong magawa kungdi ang ipagpatuloy ito...” Wala pa ring patid ang pagdaloy ng luha ko.

Tinapik ni Rodel ang balikat ko at niyakap. Hinaplos-haplos ang buhok. Ewan, pero parang naramdaman ko rin ang labi niyang idinadampi-dampi doon. At ang yakap niya, mahigpit, may bahid ng pagkaawa. “Pasensya ka na. Tinanong pa kasi kita eh...”

Niyakap ko din siya. “Ok lang iyon Rodel. At least, alam mo ang saloobin ko.”

“Pangako Derick, ano man ang mangyari, hindi kita iiwan...”

Hindi ko inexpect na sabihin niya iyon. May tinik man na tila nabunot sa puso ko sa sinabi niyang iyon, may parte din ng utak kong nagsabing, “Asus... maniwala ka. Ilang lalaki na ba ang nagsabi niyan sa iyo, ngunit nasaan na sila ngayon? Hindi ka pa ba nadala? Mga sinungaling iyang mga lalaki! Wag kang magtiwala...”

Lumipas ang gabi na hindi ako makatulog sa kwarto ko. Hindi ko na rin alam kung ganoon din si Rodel. Kinabukasan, ganoon uli ang set-up, maagang nagising, jogging, basketball, tawanan, na parang wala lang nangyari.

Na-late akong umuwi ng gabing iyon gawa ng overtime na trabaho sa opisina. Noong makapasok na ako ng apartment, nandoon nap ala si Rodel sa terrace at nag-iinum.

“Ba’t late ka ngayon?” Ang tanong niya kaagad, habang dali-daling tinungo ang dining table upang ayusin ang mga nakahain na niyang pagkain.

“Ah... may mga hinahabol na trabaho eh. Sorry, di ako nakapag text. Sobrang busy. Tinungo ko na rin ang lamesa at umupo. Sabay kaming kumain. Kahit kasi late akong umuwi, hinihintay pa rin ako niyan upang sabayan sa pagkain.

“Nag-inum ka yata?” Tanong ko.

“Oo, walang magawa eh... Inum tayo pagkatapus nating kumain ha?” panghikayat niya.

“Oo ba... Bakit anong meron?”

“Wala lang... gusto lang kitang maka-bonding.”

“Asussss!” Sabi ko, pero sa loob-loob ko lang, may kilig din iyong dulot. Pakiramdam ko kasi, parang na-miss niya ako.

Kaya pagkatapus naming maghapunan, deretso kaagad kami sa terrace at nag-inuman. Sa kalagitnaan ng inuman, hindi ko alam kung malisyoso lang ang isip ko ngunit noong sinadyang hubarin ni Rodel ang t-shirt nya, tinanggal ang isang butones ng fly at tila wala lang na ipinagpatuloy ang pag-iinum, may kakaibang init ang gumapang sa katawan ko. Nakaukit sa isip ko ang ganda malalaking biceps, maskuladong chest, ang animoy mga pan de sal sa tyan, at ang kulay puting garter ng brief na nakausli gawa ng pagtanggal niya ng butones. Sobrang overwhelmed ako sa nakitang ganda ng hubog ng katawan niya.

“Hey! Nagnanasa ka naman sa akin no!” Pabiro niyang tanong sabay bitiw ng pamatay niyang ngiti.

Marahil ay sa pagka-heaven ko sa nakitang ngiti, o dala na rin ng alak, ang nasagot ko ay, “At bakit kung nagnanasa, may problema? Wala namang nangyari ah! Atsaka, Mr. Rodel, Bakit ka ba naghubad dyan, at tinanggal mo pa iyang butones mo. Di mo naman ako tinutukso niyan?” sagot kong biro din.

Bigla namang natawa si Rodel sabay sabing, “Palaban ka ah... Bakit, kahit hubarin ko pa ang broief ko ditto wala namang problema, diba? Kung gusto mo magsasayaw-sayaw pa ako eh, para lang sa iyo.”

Tila mabilaukan naman ako sa narinig, nanlaki ang mga mata ko. “Dyos ko, Rodel, wag mo akong tuksuhin pleaseee.” Sigaw ng utak ko.

Tumayo at hinubad nga ni Rodel ang pantalon niya, hinayaan ang brief na nakatakip pa rin sa katawan, at bumalik na sa kanyang upuan. Kitang-kita ko naman ang bakat na bakat niyang pagkalalaki.

“Dyos ko, ano ba ang plano nitong kumag na to!” sigaw ko ulit sa sarili. “Rodel! Bakit ka naghubad?” Sigaw ko sa kanya.

“Naiinitan ako eh. Kung gusto mo, maghubad ka din.”

Natawa naman ako sa sagot niya. “Ganoon?” sabay kurot ko sa gilid niya.

Lasing na lasing na kaming pareho noong magyaya na akong matulog. Dahil sa tila matutumba ako sa paglalakad papuntang kuwarto ko, inaalalayan niya ako, naka-brief lang siya, hanggang sa makahiga na ako sa kama.

Ang buong akala ko ay aalis na si Rodel at dideretso na sa kuwarto niya noong di inaasahang, “Usog ka nga ng konti Derick!” sabi niya.

“Hah?!” Tanong kong nalilito. “B-bakit?”

“Dito ako matutulog. Tatabihan kita...”

(Itutuloy)

----------------------------------

[6]

Tila nawala lahat ang kalasingan ko sa narinig. Bigla akong napabalikwas sa higaan, naupo sa gilid nito. “H’wag ka ngang ganyan, Rodel! Tutuksuin mo na naman ako tapus, kinabukasan iiwanan mo. Ayoko ng ganoon, Rodel. Masaya na ako’ng ganito tayo... bumalik ka na sa kwarto mo.”

Ngunit hindi natinag si Rodel. Humiga sya sa tabi ko na para bang wala siyang narinig.

Sa pagkairita ko, “Ok, kung gusto mong dito matulog, sige, doon na lang ako sa kabilang kuwarto.”

Tatayo na sana ako upang lilipat noong bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko, ang mga mata ay mapupungay na nakatitig sa akin, nagmamakaawa. “Bakit, ayaw mo na ba sa akin?”

“Hindi naman sa ganoon, Rodel... natatakot akong matukso na naman, at mawala ka. Ayokong maulit muli ang pagkakasala ko sa iyo. Solved na ako sa ganitong sitwasyon natin. Alam kong hindi tayo pweding maging tayo, at alam kong hindi ako ang taong pinapangarap mong maging katuwang sa habambuhay. Babae ang gusto mo, diba? Kaya, please, huwag mo na akong tuksu—uhmmmmpttt!”

Hindi ko na magawang tapusin pa ang sinasabi gawa nang bigla niyang pagyakap sa akin nang mahigpit. Hindi na ako makapalag. Namalayan ko na lang ang pagdampi ng mga labi niya sa mga labi ko.

At... Ate Charo, Dra. Holmes, isa lamang po akong bakla na marupok at naghahanap ng pagmamahal; ng makamundong kaligayahan kahit na panandalian lamang ito. Nangyari ang hindi dapat na mangyari sa amin ni Rodel. At sa pagkakataong iyon, biglang nabura ang lahat ng mga pangako ko sa sarili na huwag magpatalo sa tukso. Ang tanging nasa isip ko sa mga pagkakataong iyon ay ang matinding sarap na nalalasap dulot ng mga yakap at halik ni Rodel. At ewan ko rin ba, parang may niibang init ang mga halik at yakap niya... tila galing sa puso ang mga ito. Ilang beses din kaming nagpasasa sa kamunduhan sa gabing iyon. Kapwa mainit at nag-aalab ang mga damdamin.

Alas 7:00 na ng umaga noong ako’y magising. Si Rodel ay himbing na himbing pa at animo’y nasa kalagitnaan ng sarap ng tulog. Bumangon ako at naupo sa may study table, pinagmasdan ang hubad niyang katawan. Matangkad, matipuno, bilog at proportioned ang lahat ng parte ng katawan, moreno ang balat ngunit makinis, makisig. Nasa ikapitong langit pa rin ang pakiramdam ko, di makapaniwala sa nangyari. Ngunit sa kabilang daku ng utak ko, naglalaro na naman sa isip ang mga nakaraan; ang mga ganoong sarap na nalalasap sa piling ng mga nakarelasyon ko at ang sakit na naramdaman sa paglisan nila sa akin. Para bang feeling na may goal akong tinutumbok – na huwag lumampas sa isang boundary at maging kuntento na sa kung saan man ako. Nakamit ko na sana ang goal na iyon tapus may biglang nagtulak sa akin. At natikman ko ang kakaibang sarap sa kabilang daku... Sigurado, hahanap-hanapin ko na ang sarap na iyon. Ngunit iyon ay patikim lang dahil hindi naman talaga iyon nakalaan para sa akin.

Hindi ko namalayang tumulo ang mga luha ko habang nakatutuk pa rin ang paningin sa natutulog pa ring si Rodel.

Nasa ganoon akong ayos noong biglang, “Morning!”

Si Rodel pinakawalan na naman ang pamatay niyang ngiti.

Dali-dali kong inilingon ang ulo at pasikretong pinahid ang mga luha. “Morning too!” ang tugon ko habang nakatingin ibang direksyon, hindi nagpahalatang umiyak.

Tumayo si Rodel, hubo’t-hubad pa rin. Tinungo ang study table kung saan ako naka-upo. Hinila akong patayo, niyakap, hinalikan ulet sa pisngi, sa bibig. Tapus, hinila niya na ako pabalik ng kama. Humiga ulet siya habang ako ay nakaupo lang sa gilid. Hawak-hawak ang kamay ko, “Parang ang lungkot ng mukha mo? Bakit?” tanong niya.

“Wala lang... may naalala lang ako” ang matamlay kong sagot.

“Hindi nga? Bakit? Gusto kong malaman” pangungulit niya.

Nag-sip ako nang sandali, binitiwan ang isang malalim na buntong-hininga. “Bakit mo ginawa sa akin ang ganito?”

“A-anong ginawa...?”

“Iyong nangyari sa atin kagabi?”

“Ayaw mo ba?”

“Hindi sa ayaw... Una, dib a may usapan tayo na hanggang doon na lang. Pangalawa, di naman talaga tayo pwede, diba? Dahil ang gusto mo naman ay babae. Hindi ako ang katuparan ng mga pangarap mong magkaroon ng pamilya, ng mga supling. Kung ang ginawa naman natin kagabi ay ang pagpaparaos lang... masakit pa rin sa akin iyon dahil...” napahinto ako ng sandali noong dumaloy ulit ang mga luha ko at pinahid. “...mahal na mahal kita eh. Alam kong alam mo iyon, Rodel.”

“A-alam ko...”

“Kaya mo ba pinaglaruan ang damdamin ko?” ang mabilis kong tanong.

“Hindi”

“Kung ganoon, bakit mo ginawa iyon?”

“Dahil...” huminto siya, ang mga mata ay seryosong nakatitig sa akin. “...mahal na rin kita, Derick!”

Sa pagkarinig ko sa sinabi niyang iyon, tila biglang nagsi-kantahan ang isang-libo’t isang anghel sa paligid ko. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa sobrang galak ng puso ko. Pilit kong binura ang mga ilusyon na iyon at nagpakipot pa rin ako. “Wag ka ngang magbiro ng ganyan, Rodel!”

Ngunit inulit pa rin ni Rodel ang sinasabi. “Hindi ako nagbibiro, Derick. Mahal kita...”

“Paano mo mamahalin ang isang katulad ko? Paano ko paniniwalaan ang sinabi mo, samantalang babae naman ang gusto mo? Paano mo papatunayan sa akin ito?”

“Hindi ko alam, Derick... hindi ko alam. Nalilito din ako eh.”

“Arrrggggghhhh!” ang sigaw ko habang hinahampas-hampas ang kama. “Gusto mo ay babae ngunit mahal mo ako, ganoon ba iyon?”

Hindi na umimik ni Derik.

Hindi na rin ako kumibo pa. Sa loob-loob ko, may pagdududa pa rin ako, kahit gustong magtatalon sa tuwa ang puso ko.

Maya-maya, nagsalita si Rodel. “B-bakit hindi mo na lang hayaang patunayan ko ang sinabi ko, Derick? Kung ayaw mong maniwala, sige... Ok lang. Pero di ba, ang sabi mo sa akin ay tutulungan mo ako, na nand’yan ka palagi para sa akin? Wala namang mawawala sa iyo eh, kung hayaan mo na lang akong patunayan ang sinabi ko?”

At sino bang bakla ang di ma-engganyo sa mga sinasabi ng isang kagaya ni Rodel. “Ok...” Napag-isip-isip ko sa sarili, “Tama si Rodel. Dapat walang expectations at e-enjoy ko na lang ang mga pangyayari.”

So, naging mag-on kami ni Rodel. Sobrang saya ko at muli, nalimutan ko ang mga masasakit na karanasan sa mga naunang nakarelasyon. Tila araw-araw, gabi-gabi ay honeymoon namin. Pag weekends, nag-a-out-of-town kami, puntang Baguio, Palawan, Boracay, Bohol, Cebu... napakaraming masasayang experiences ko sa kanya. Syempre, dahil sa iba na ang level ng relasyon namin, pumapasok na sa akin ang selos kapag may mga babae o baklang kausap siya, o iyong mga gustong makikipagkaibigan. Pero, touched din ako dahil pinatunayan ni Rodel na totoo ang naramdaman niya sa akin.

May isang beses nga habang nagbi-beach kami at magkatabing nakahiga sa beach. Lingid sa kaalaman namin, may dalawang sexy at magagandang babae palang bumuntot-buntot kay Rodel. Habang nasa ganoong ayos kami, dumaan ang dalawang babae at nagparinig, “Ewww... sa bakla pa pumatol. Sayang ang pagka-pogi” sabay bitiw ng tawang nang-iinis. Syempre, nasaktan ako.

Marahil ay nahalata ni Rodel na medyo napikon ako, bigla na lang siyang tumayo at hinabol ang dalawang babae. “Excuse me... Sa akin ba kayo nagpaparinig?” Ang sabi ni Rodel nang mahinahon. Dinig na dinig ko pa ang usapan nila dahil sa hindi naman sila kalayuan.

“Bakit, mayroon pa bang pogi dito na pumapatol sa bakla? Ang guwapo mo sana, bakla lang pala ang katapat mo. Hindi ka ba nagagandahan sa amin?”

“Alam mo, Miss. Hindi ako nakikipagrelasyon sa taong iyan dahil sa panlabas niyang anyo. Sobrang bait po ng taong iyan at iyan ang nagustuhan ko sa kanya. Oo, nagandahan ako sa inyo, nalilibugan pa nga eh; sa ganda ba naman ng mga katawan at mukha ninyo. Puwede akong makipag-sex sa inyo kung gusto ninyo. Pero hindi lahat ng lalaki ang habol lang ay ganda ng katawan at mukha. Para sa akin, mas importante pa rin ang kagandahan ng kalooban.”

Hindi nakaimik ang dalawang babae. At marahil ay sa sobrang hiya, tumalikod ang mga ito at lumayo.

“Rodel pala ang pangalan ko!” Ang pahabol na sigaw ni Rodel at bumalik nang tumabi sa akin.

Syempre, feeling ko, ang haba-haba talaga ng hair ko.

Ngunit sabi nga nila kapag dumaan ka daw sa isang state of euphoria, ang kasunod noon ay feeling of disappointment naman. Siguro totoo. Simula kasi noong naging kami ni Rodel, pakiwari ko ay naging confident na din sya sa sarili, dumadami ang mga kaibigan. At hindi puweding hindi pumasok ang selos. Kapag nakikita kong may mga tinitext siya, nagtatanong din ako sa sarili kung sino iyon, lalao na kapag tila sunod-sunod na ang text na halos di na ako napapansin. Marahil para sa kanya ay ok lang iyon, pakikipag-kaibigan lang at baka sa isip niya ay naintindihan ko. Ngunit hindi ko na rin alam eh kung dapat ba akong magselos eh. Nahihiya din naman akong magtanong ng, “Sino ba ang nagtitext na iyan sa iyo? Pabasa nga?”

Anyway, noong dumating na sa puntong di ko na talaga kaya, nakikipag-usap ako sa kanya at inunahan ko na. Masakit, pero sinabi ko pa rin. “Alam mo Rodel, kung sakaling makita mo na ang babaeng pakakasalan mo at siyang tutupad sa mga minimithi mong pangarap, nand’yan lang ako palagi, patuloy na susuporta sa iyo…”

Tiningnan ako ni Rodel, hinaplos ang mukha. “Kung darating man siya, promise ko sa iyo, di kita iiwan… At ipapakilala pa kita sa kanya. Walang sikretuhan.”

“T-talaga?” ang sagot ko na lang. Ngunit syempre, sa loob-loob ko, hindi ako naniwala. Naka-ilang relasyon na kaya ako at ilang ulit ko na ring narinig ang ganyang mga salita. Ngunit nasaan na ba ang mga lalaking nagsabi sa akin nang ganoon?

Isang araw, marahil ay sa sobrang pagkainip nya na sa bahay, nag-suggest siyang maghanap ng trabaho. Dahil wala pa namang opening sa kumpanya ko, pinayagan ko na rin lang siya. At ang inaplayan niyang trabaho ay security guard.

At dahil sa tangkad at matipunong katawan, tanggap kaagad siya at pinapag-report na sa trabaho kinabukasan, sa isang malaking bangko sa Makati. Masayang-masaya siya dahil kahit paano daw, may suweldo na siyang matatanggap na talagang pinaghirapan niya. Ang hindi lang niya alam, malungkot ako at nakikinita ko ang unti-unting paglayo niya sa akin.

At hindi nga ako nagkamali. Simula noong makapagtrabho siya, dumami na ang mga nagtitext sa kanya, nakikipag kaibigan – babae, lalaki, baklang kasama sa trabaho, o mga empleyado ng bangko kung saan siya naka detail.

Minsan din, may mga gabing hindi siya umuuwi. Magtitext na lang iyan at sabihin sa akin na may special training daw sila, o minsan naman, absent ang ka-reliever guard niya. Syempre, malungkot ako. Pakiramdam ko unti-unti na ngang lumayo si Rodel sa akin.

Isang gabi, mag-aalas 10 na at wala pa rin si Rodel. Dapat kasi, nasa bahay na siya kapag alas-nuwebe. Subalit wala pa ring Rodel na dumating at wala ding text galing sa kanya.

Maya-maya, nag ring iyong landline. Ngunit hindi pala si Rodel ang nasa kabilang line. Isang babaeng sa boses at tono pa lang ng pananalita ay napi-figure out kong mataas ang pinag-aralan, maganda, at sexy. “Nad’yan po ba si Rodel?” and tanong niya.

“A, e… hindi pa dumating. Sino po sila?”

“Si Christine Mae po, girlfriend niya. May usapan kasi kaming magkita at 9:30. Wala pa siya eh, at naka-off ang cp niya. Baka kako nakalimutan niya ang date namin…”

Pakiramdam ko ay bumara ang lahat ng dugo ko sa puso. Tila huminto ang paghinga ko at hindi makasagot. “A-ah… g-ganun ba? B-baka na late lang, Christine. Antayin mo na lang.” Ang sagot ko na lang.

Hindi ko lubos maisalarawan ang matinding sama ng loob sa nalaman. Pakiwari ko ay dinurog ang puso ko, tino-torture, hindi makatulog. At habang tumatakbo ang oras, ramdam ko ding pabilis nang pabilis ang kabog ng dibdib ko. Sa gabing iyon, walang Rodel na umuwi ng bahay...

(Itutuloy)

7 comments:

  1. maganda rin ang kwento... galing mo talaga kuya mike, na-i-inlove na ako sa mga storya mo

    sa kabilang dako... mas napa.excite mo naman ako at gustong-gusto ko na talagang mabasa ang susunod na kabanata ng storya nina jason at kuya rom ...nakahanda na ang isang karton ng tissue paper, nararamdaman ko matindi itong susunod na kabanata, kung hindi drama aba'y lagpas langit na kalibugan o di kaya'y tagos sa butong kakiligan GALING TALAGA :-D ...kuya mike love na talaga kita mmmmmmwah jejeje

    ReplyDelete
  2. Wahehe.. kuya mike dinagdagan mu talaga ang susubaybayan kung kwento.. pero miss ko talaga c kuya rom at jason. Gud pm!

    ReplyDelete
  3. ...ang sya pong bsahin ng mga istorya nyo pong nakakainlove, madrama...at mdyo me kontin kalibugan...pero msya kyo gumawa..at naeexcite ako s susunod n kbanata ntong si derick at si rodel..Kuya mike..pde nyo po bng dgtungan yung .."Si utol at ang aking chatmate..."..ksi po msya po yng kwento mdyo me pgka commedy...at naeexcite po ao s ssnod n mga kbanata ng istoryang yon....gud work ....XD

    ReplyDelete
  4. grabe na to! affected na ang life ko, every now and then pabalik-balik ako sa site na to just to check kung nakapost na ba and next chapter ng story nina Jason at Kuya Rom. Ala pa rin? :-( huhuhuhu

    ReplyDelete
  5. Ang kuya kong crush ng bayan talaga ang inaabangan ko, tagal naman nina kuya rom at jason. Ano na kaya ang ngyari sa kanila. Nakakainip naman tagal bago masundan ang part 23. Huhu

    ReplyDelete
  6. salamat kuya mike! hindi lang simpleng storyang binabasa ang mga kwento mo. hinihiram ko na din ang mga attitude ng mga character mo para mahanap ang tunay na pagibig. at syempre inspirasyon na din. at higit sa lahat inuumpisahan ko na din ang pangarap kong maging story writer balang araw. hehehe. maraming salamat po!

    ReplyDelete
  7. tama ka derrick, walang sisiryoso s mga beki. belat parin ang gusto nila. s kwento lng tlga nangyayari to. wla pakong nakikita dito s pinas.

    rhon

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails