Followers

Sunday, May 30, 2010

Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan [24]

WARNING: This post contains explicit scenes and is not suitable for readers below 18.

By: Mikejuha
getmybox@hotmail.com

Author's Note:

Sa mga nag-antay sa kuwentong AKKCNB, nandito na po... hindi ko tinantanan hanggat hindi ko natapos.

At oo nga pala, may chatbox na po tayo sa blogspot na to. Sana ay makapag-chat tayo, kapag may time ako ay bumibisita ako dito sa gabi between 8 - 11pm. At napansin ninyong maliit lang siya pero lalaki po iyan kung i-click ninyo ang popout sa lower right side ng chatbox. Salamat sa anak kong si "Josh". Siya po ang naglagay ng chatbox at iba pang mga gadgets. "Thanks Kuya!"

At ang bagong inilagayniya ay ang message bnoard kung saan kayo puwedeng magpaabot ng mga messages ninyo sa akin, pwede rin akong magreply through that board.

Medyo konti na lang ang nadagdag sa mga followers ko, hehe. Sana ay madagdagan pa. Pero salamat pa rin sa mga patuloy na sumubaybay sa mga kwento ko.

Happy Reading!

-mikejuha-

--------------------

“Si Romwel ang ama ng bata at... siya rin ang asawa ng kapatid ko.”

Mistulang umikot ang paningin ko at gumuho ang buong mundo sa narinig. At dahil sa hindi makayanang balita, dali-dali akong tumakbo patungo ng kuwarto ko, sabay sigaw ng, “Mga traydor! Mga traydor kayo! Pinaglalaruan lang ninyo ako! Arrgggghhhhhhhh!!!”

“Jason, makinig ka sa paliwanag ko!” sigaw ni Shane.

“Ayoko nang makinig sa iyo! Mga sinungaling kayooooo!!!!” bulyaw ko.

Hindi ko na alam kung ano ang nangyari kay Shane pagkatapos noon. Marahil ay doon na siya nagpaliwanag kina mama at papa dahil ang alam ko, wala ring kaalam-alam ang mga magulang ko sa nangyari kay Kuya Rom. At wala na akong pakialam. Ang alam ko lang ay matinding galit kay Kuya Rom ang aking naramdaman. Walang humpay ang pag-iiyak ko. Walang pagsidlan ang sobrang pagkahabag sa sarili. Pakiramdam ko, lahat ng tao sa mundo ay pawang mga traydor, mga sinungaling, at walang pakialam sa naramdaman ko.

Sobrang bigat ng damdamin ang naramdaman ko sa pagkakataong iyon. Pakiwari ko ay tinadtad ang puso ko. “Ano ba ang kasalanan ko at kailangan kong magdusa ng ganito? Ano ba ang ginawa kong masama sa kanila? Hindi naman siguro ako nagkulang sa pagmamahal ko kay Kuya Rom ngunit bakit nagawa niyang pagtaksilan ako?” ang mga tanong na naglalaro sa isip ko. At sa sandaling iyon, nabuo ang isang desisyon: “Ayoko na kay kuya Rom! Isarado ko na ang puso ko sa kanya. Ayoko nang marinig pa ang tungkol sa kanya!”

Buong araw din akong nagkulong ng kwarto at bagamat kinakatok-katok ni mama ang kwarto ko upang kausapin, hindi ko siya binuksan. “Jason, anak, kakausapin kita...”

“Ma... kung tungkol kay Kuya Romwel lang ang pag-uusapan, ayoko nang makinig pa. Ayoko na ma, suko na ako! Hirap na hirap na ang kalooban ko! Maawa naman kayo sa akin, pleaseee!”

“Kaya nga anak, hayaan mong magpaliwanag kami ni Shane. Pakinggan mo kami upang maliwanagan ang isip mo... Babalik na ng Canada si Shane bukas. Ikaw lang ang pakay niya sa pagpunta dito.” Ang mahinahong salita ni mama.

“Wala akong pakialam ma. Hayaan ninyo akong mapag-isa...”

“Anak, makabubuting makinig ka sa paliwanag ni Shane.”

Ngunit hindi pa rin ako natinag. Bagkus, ang nasambit ko na lang ay, “Ma, umalis na kayo kung ayaw ninyong may gagawin akong masama sa sarili ko! Tatalon ako sa bintana ma kapag iginiit ninyong makipag-usap kayo sa akin!”

Kaya sa takot na totohanin ko ang sinabi, narinig ko na lang ang mabilisang mga yapak nina mama at Shane palayo sa aking kwarto.

Wala akong ginawa sa buong araw na iyon kundi ang umiyak, ang maglasing, mahabag sa sarili, mag-isip, habang sumisingit naman ang mga masasayang ala-ala namin ni Kuya Rom. Tinanggal ko sa aking daliri ang singing na bigay niya at inilagay ko iyon sa isang drawer. Pakiramdam ko ay hindi ko kayang masilayan ang mga alaala niya sa akin. Nagri-ring ang cp ko ngunit hindi ko sinasagot ang mga tawag niya. Ang ginawa ko, tinanggal ko ang sim card at itinapon ito. “Arggghhhhhhh! Arrgggghhhh!” Sigaw ko sa sarili.

Ngunit sabuonbg araw na pagmumukmok ko, napagod din ako. Pakiramdam ko ay naubos ang mga luha ko at ang naitanong ko na lang sa sarili ay, “Bakit ko ba sisirain ang buhay ko nang dahil lang sa kanya? Bakit ko sasayangin ang mga luha ko nang dahil lang sa isang taong walang kwenta, na hindi karapat-dapat sa pagmamahal ko? Kung kaya niyang maglaro ng apoy, e di, maglaro na rin ako!”

At ang biglang pumasok sa isip ko ay si Julius.

Kinabukasan, inihanda ko na kaagad ang mga dadalhin at nagpaalam kay mama na doon muna titra ng mga ilang araw sa bukid. Pinayagan naman niya ako bagama’t may pag-aalangan sa kanyang mga mata.

Noong makarating ako sa bukid, masaya akong sinalubong ni Julius. Hindi ako nagpakita na may malaking problema akong dinadala.

“Kuyaaaaaaaaaa!!!!!” ang sigaw ni Julius sa pagkakita na pagkakita kaagad niya sa akin. “Na-miss kita kuya!”

“Namiss din kita, Tol! Kumusta?”

“OK naman kuya. Ikaw?”

“Ayos lang, Tol. Maraming nangyari sa buhay ko pero ok lang naman”

At iyon... dating gawi. Ligo sa ilog, ikot sa mga lupain angkas-angkas sa iisang kabayo habang yakap-yakap ko siya. At sa unang gabi kong pagtulog, hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. “Tol, tabi tayo sa pagtulog ha? Tatlong araw ako dito at dito ka rin matulog sa kuwarto ko.” Ang sambit ko.

Kitang-kita ko naman ang saya sa mga mata ni Julius. “Mas mabuti kuya, upang lagi tayong nagku-kwentuhan!” ang inosenteng sagot nio Julius, hindi alintana na may maitim akong balak sa pag-anyaya kong iyon sa kanya.

Bago kami natulog ay nag-inuman muna. Kuwentuhan. At noong med’yo nalasing na ay diniretso ko na siya sa tanong na, “Julius, magsabi ka nga sa akin ng totoo... mahal mo ba ako?”

Kitang-kita ko sa mga mata ni Julius ang pagkamangha sa hindi inaasahang diretsahang tanong ko. “E... kuya?” ang naisagot lang niya, hiondi makatingin sa akin ng diretso, nataranta kung aamin ba o hindi.

Inulit ko ang tanong at sa pagkakataong iyon, hinawakan ko ang kanyang mga kamay, ang mga mapupungay na mga mata sanhi ng kalasingan ay nakatitig sa mukha niya, “Mahal mo ba ako Tol?”

At tuluyan nang umamin ni Julius. “Oo Kuya, mahal kita... S-simula noong may nangyari sa atin habang nanaginip ka, hindi na kita malilimutan. Hindi ko na maiwaglit pa sa isipan ang nangyari sa atin kuya.”

Binitiwan ko ang isang nakakalokong ngiti. “Kung ganoon, gawin nating muli ang ginawa natin Tol.” ang nasambit ko sabay tayo at hubad sa t-shirt at pagkatapus, ay ang pantalon at brief. Lumantad sa paningin niya ang hubad kong katawan habang nanaunukso naman ang aking mga mata, “Paligayahin mo ako, Tol...”

Mistulang natulala si Julius sa di inaasahang nasaksihan. Dali-dali din siyang tumayo at tinanggal isa-isa ang mga saplot sa kanyang katawan hanggang pareho na kaming nakatayo, hubo’t-hubad na nakaharap sa isa’t-isa.

Sa nakitang magandang hubog ng katawan ni Julius, hindi ko naman mapigilan ang pagsingit ni Kuya Rom sa utak ko. Matipuno ang katawan, may mga ala pan-de-sal sa tiyan, matangkad, may malalaking mga biceps. Halos kasing hunk ni Kuya Rom. May sakit mang dulot ang pagpasok ni Kuya Rom sa utak ko, pilit kong iwinaglit ito.

Nakipagtitigan ako kay Julius ng ilang sandali hanggang sa kusang hinawakan ko na ang kanyang mga kamay at inilatag ang mga iyon sa aking beywang. Hinawakan ko ang ulo niya. Idiniin iyon upang mgalapat ang aming mga labi. Naghalikan kami. Matagal, mapusok, puno ng pag-aalab.

Sa gitna ng gabi, tanging mga ungol lang namin ang maririnig sa kabuuan ng kuwartong iyon habang ang iba’t-ibang klaseng panggabing hayop ay walang humpay sa paggawa ng kani-kanilang mga sariling rituwal. At sa buong magdamag, paulit-ulit naming tinamasa ni Julius ang sarap ng aming makamundong pagnanasa.

Kinabukasan, tila wala lang nangyari. Naghaharutan pa rin kami kagaya ng dati, naligo sa ilog na animoy ordinaryong magkaibigan lang ang turingan, nangabayo, nagkwentuhan... Sabagay, wala din naman kaming inamin o kina-klaro sa isa’t-isa na kami na nga o may relasyon na kami. Para sa akin, ang nangyari sa amin ay isang pagpapalabas lang ng libog, normal para sa mga lalaking katulad naming mapusok, bagamat maaaring may ibang kahulugan iyon para kay Julius. Ngunit kung may naramdaman man siyang kakaiba, hindi ko na ito binigyang pansin pa.

Sa pangalawang gabi, ganoon pa rin ang nangyari. Nagtabi uli kami sa pagtulog at muli, hinayaan naming alipinin ng aming mga sabik na damdamin ang aming mga katawan. At kagaya ng naunang araw, mistulang wala lang nangyari. Hindi namin isiningit ito sa aming mga kuwnetuhan, walang aminan naganap.

Pangatlo at huling gabi ko na sa bukid iyon. Kagaya ng dati, ginawa uli namin ang pagpapasasa sa makamundong kaligayahan. Dahil sa ito’y huling gabi ko na, pinilit kong hanapin sa kaibuturan ng aking puso ang pagmamahal para kay Kuya Rom na puwede kong ibaling para kay Julius. Gusto ko sanang si Julius na lang ang mahalin ko, ang taong siya kong bigyan ng lahat kong atensyon, pag-alaga, at pagtiwala. Ngunit gaano mang pilit ko, wala akong makitang ni katiting na naramdaman na puwede kong ibaling sa kanya. Si Kuya Rom pa rin ang laman ng aking puso. Siya pa rin ang nag-iisang bumabagabag sa aking isip. Siya pa rin ang umaalipin sa aking damdamin.

Hindi ko lubos maisalarawan ang tunay na naramdaman. Gusto kong kalimutan na lang siya, palitan, burahin sa isipan ngunit siya pa rin ang umaalipin sa akin. Nand’yan na sana si Julius na syang puwedeng humilom sa sugat ng puso dulot ng pagtaksil ni Kuya Rom sa akin ngunit hindi pala kayang gamutin ito ng basta-basta na lang. Bagkus, lalo pa yatang tumindi ang naramdaman kong sakit. Totoo pala ang sinabi nilang hindi puwedeng turuan ang puso kung sino ang puwede mong mahalin, o puwedeng ipalit sa taong minahal.

Hindi ko alam kung magalit o maawa sa sarili, o kung kanino magalit at kung sino ang pagbuntunan ng sisi.

Kinabukasan, araw ng aking paglisan upang bumalik na ng siyudad. Binuksan ko na noon ang pinto ng kuwarto namin ni Julius upang lumabas. Ngunit isang tanong ang binitiwan niya na mistulang isang napakalakas na bombang sumabog sa aking tenga. “Kuya... mahal mo rin ba ako?”

Sa pagkarinig ko, napahinto akong bigla, nilingon siya. Nakaupo lang siya sa gilid ng kama, kitang-kita sa mga mata ang matinding lungkot, ang mukha ay may bahid na kung anong takot o insecurity, marahil ay nagtatanong kung babalikan ko pa ba siya at kung babalikan man, kailan.

Sa pagkakita ko sa kanya sa ganoong ayos, ibayong awa ang naramdaman ko. Ngunit hindi ko tinugon ang tanong niyang iyon. Bumalik ako sa loob, hinarap siya, hinawakan ang dalawa niyang kamay, pinapatayo. Noong pareho na kaming nakatayo, hinalikan ko siya sa bibig sabay alis naman at hindi na lumingon pa.

Hindi ko alam kung naramdaman niya ang ibig kong ipahiwatig. Naramdaman kong umiiyak siya habang binaybay ko ang pasilyo hanggang sa palabas ng bahay at makapasok na ako ng sasakyan. Alam ko nasaktan siya. Ngunit mas nanaig ang tindi ng sakit na naramdaman ko sa ginawa sa akin ni Kuya Rom.

Mag aalas 9 na ng gabi noong makarating ako ng bahay. Diretso kaagad sa kuwarto at ibinagsak ang hapong katawan sa kama.

Alas 10, alas 11 ang lumipas ngunit hindi pa rin ako dalawin ng antok. Bumalikwas ako sa kama at dahil wala na ang sim card ng cp ko, tinungo ko ang landline na telepono at tinawagan si Kuya Paul Jake. “Kuya, puntahan mo ako dito sa bahay, pwede?” ang sabi ko noong sinagot ni Kuya Paul Jake ang telepono.

“Bakit anong mayroon?” Tanong niya.

“Wala lang... na miss kita.” Ang pangangatwiran ko.

11:30 ng gabi noong makarating si Kuya Paul Jake. Agad ko namang nihanda ang mainum at nag-inuman kami. Sinabi ko sa kanya ang lahat tungkol kay Kuya Rom at pati siya ay hiundi makapaniwalang nagawa ni Kuya Rom ang magpakasal sa iba nang ganoon-ganoon na lang.

“Paano ikaw?” tanong niya.

“E... ano ba ang dapat kong gawin, kuya? Sasayangin ko ba ang buhay ko nang dahil lang sa isang taong walang pakialam sa naramdaman ko?” ang sarcastic ko namang sagot. “Syempre, may karapatan naman akong mag-enjoy kahit papaano, di ba?”

Napangiti naman si Kuya Paul Jake. Nababasa ko sa isip niyang hindi siya naniwalang tagos sa puso ko ang aking sinabi. “Yan... dapat ganyan ang attitude. Dapat ay magpakatatag, huwag masiraan ng focus.” Ang naisagot na lang niya, sinakyan ang aking sinabi.

Iyon lang ang kuwentuhan namin. Nararamdaman kong alam ni Kuya Paul Jake kung gaano katindi ang sakit na kinikimkim ko kaya hinayaan na lang niyang respetuhin ang pagiging tahimik ko. Inum lang kami ng inum, tila nagpakiramdaman. At sinadya ko talagang bilisan ang pag-inum upang mapabilis ang pagkalasingnamin. Sa desperado kong kalagayang iyon, gusto ko na ring magwala at matikman si Kuya Paul Jake. “Bilisan natin ang pag-inum kuya!” sabi ko.

At naki-sakay lang din siya sa akin. Binilisan ang pagtungga.

Lampas alas dose noong malasing na ako, pati na rin si Kuya Paul Jake. Ang natandaan ko ay nagsasayaw-sayaw ako at hinubad ko ang pang-itaas kong damit. Tawa lang nang tawa si Kuya Paul Jake. Noong magsawa ako sa kasasayaw, pinatugtog ko ang isang mellow music at hinila si Kuya Paul Jake sa pagkaupo upang tumayo. Noong makatayo na kaming pareho, niyayakap-yakap ko na siya na parang babae’t lalaki kaming nagsasayaw. Balewala lang iyon kay Kuya Paul Jake. Sumasayaw-sayaw din siya ay niyayakap-yakap na rin niya ako.

“Hubarin mo na rin ang t-shirt mo Kuya!” sabi ko.

Binitiwan niya ang pagkayakap sa akin at at hinubad ang t-shirt, itinapon ito sa sahig at yumakap na naman sa akin, sabay sayaw.

Sa eksena naming iyon ni Kuya Paul Jake, ramdam ko ang paggapang ng init ng aking katawan. Ansarap yakapin ni Kuya Paul Jake. Maganda ang katawan, malalaki ang chest, walang taba sa tyan, may malalaking mga braso... Sumiksik na naman sa isip ko si Kuya Rom.

Sa ginawa naming iyon, ramdam kong nag-init na rin si Kuya Paul Jake. Dahil sa tangkad niyang 5’10” halos nasa dibdib niya lang ang ulo ko. At marahil ay sa naramdamang libog at plano na ring matikman siya, sinadya kong dila-dilaan at kagat-kagatin ang kanang utong niya.

Napaigtad siya ngunit hindi ko binitiwan ang pagdidila at pagkagat-kagat sa utong niya. Hanggang sa naramdaman ko na lang na umunat siya na parang nasarapan sa ginawa ko, ang harapan niya ay lalo pang bumukol na idiniin-diin pa sa harapan ko. At noong sinilip ko ang kanyang mukha, nakita kong nakapikit ang kanyang mga mata at kinagat-kagat niya ang ibabang labi niya.

Kaya lalo ko pang ginalingan ang pag dila at pagkagat sa utong niya. Hanggang sa narinig ko na lang ang pigil niyang pag-ungol. “Ahhhhhh! Ahhhhhh! Ahhhhh!”

Palipat-lipat sa dalawang utong niya ang ginawa kong pagdila at pag kagat-kagat. Hanggang sa pilit na inabot ng bibig ko ang kanyang leeg. Hanggang sa yumuko siya ng kaunti upang maglapat ang aming mga labi.

Naghalikan kami. First time kong maranasan ang halik ni Kuya Paul Jake. At ang sarap niyang humalik. Kuhang-kuha niya ang aking kiliti. Nag-espadahan ang aming mga dila. Matagal kami sa ganoong eksena. Ninamnam ang bawat paglapat ng aming mga balat.

Noong hindi na makayanan ni Kuya Paul Jake ang sarili, kinarga niya ako at pinaupo sa gilid ng kama. Humarap siya sa akin at idiniin sa aking bibig ang kanyang bakat na bakat na harapan. Dali-dali kong tinanggal ang sinturon niya at binuksan ang zipper. Pagkatapus, ibinaba ko ang pantalon kasama na ang brief. At bumulaga sa mga mata ko ang tigas na tigas at naghuhumindig niyang pagkalalaki...

(Itutuloy)

95 comments:

  1. I'm imprimis!!! aco naka-devirginized sa part 24,..he he he...

    ReplyDelete
  2. walang sex scene(s) in between Shane's sister and kuya Rom?

    ReplyDelete
  3. Waaahhh!! nakakabitin!! Sh*t!!
    hahahaha..
    mukhang mainit-init ang magaganap kay Jason at kuya paul jake ahhh..
    waahhh bitin!!

    kuya mike, bullseye sa akin itong line na ito:
    "Pakiramdam ko, lahat ng tao sa mundo ay pawang mga traydor, mga sinungaling, at walang pakialam sa naramdaman ko"

    waahhh!! hahaha..
    galing talaga ni kuya mike!!

    ReplyDelete
  4. ang tagal kong hinintay ang part 24 (tumalon-talon talaga ako sa tuwa nang makitang nakapost na.. hahaha) at wala akong ibang masabi kundi... mas lalo pa akong nabitin at mas na-e-excite sa susunod pang mga kabanata. Kuya mike ang galing galing mo talaga ...don't wori kung konti lang ang nadagdag na mga followers mo siguradong dadami pa yan at im sure libo-libo din naman ang mga readers mo

    ReplyDelete
  5. sobra naman... kawawang-kawawa na si bunso! anyway di pa naman natin alam kung ano nga ba talaga ang story behind kuya rom and shane's sister tska sa ibang banda medyo di na rin maganda ang sa part ni julius... hmmmmm anyway, mas nagiging interesting ang story for the mean time go bunso mag.enjoy ka na lang muna, wag nga lng sumobra :-)

    ReplyDelete
  6. natuwa ako nung pag kita ko na may chapter 24 na! pero parang iba si jason, maybe dala lng tlga ng pangungulila kaya niya nggwa, ano kaya mangyayari sa 25? biglang susulpot si kuya rom sa kwarto tulad ng dating gawi sa bintana dadaan at ng makita niya ang nagyari ay magsusuntukan sila ni paul jake? hahaha! xeet, haba ng buhok siguro ni jayson! pweees! maglaway at magdusa naman sana si kuya rom! it's time for bad romance! go JASON!

    heheheh..

    --MATT

    ReplyDelete
  7. Huhu kuya mike, ang galing naman.. awang awa na naman ako kay bunso, pati narin kay julius.. Lintik na kuya Rom yan..Hehe pero im sure my reason bt nya gnawa yun. Mabalik tayo kay julius, i think sya ang pinaka kawawa sa kwento, parausan at shock absorber nlang sya lagi.. Kuya mike enjoy mo na ulit vacation mo. Wahehehe

    ReplyDelete
  8. ..hehehe...ganda..

    kuya boytoytisoy to from piclink..

    morepower!

    ReplyDelete
  9. thanks kuya mike sa madaliang pagpost hehe, hmmmm gulo na ng buhay ni jayson ah???? kelangan nya ng space waaaaaaaaaaaahhhhhh nakakarelate ako nyahahahaha

    ReplyDelete
  10. tama nga si eric, mukhang si julius ang naging super kawawa dito sa story.. sana biglang linaw ni jason itong nangyayari kina julius, wag yung magmukhang hopeless fool yung tao, mabait tsaka gandang lalaki pa naman..., ok na yung magparausan nalng sila wag lang yung may umaasa sa wala, hirap kaya nun, ang sama sama naman ni jason kung ganun para na ring ipinaparanas nya sa iba ang kanyang nararanasan, at sa taong inosente pa naman... hmmm not good, ok lang naging instant puta c jason wag lang nanggagago ng iba

    ReplyDelete
  11. I've got a feeling na may mamamatay sa kwentong ito bagao matapos..
    basta, I feel something's tragic!!!
    waaaaaahhh!!!

    Sana lang, makinig si Jason sa paliwanag ni Shane at kuya Rom..
    I feel na baka pagsisihan nya sa huli ang di nya pakikinig..

    ReplyDelete
  12. been reading all your stories mike superb, pede kanang mag tayo nga isang bookstore hehehe

    bitin ako sa story na to. sana may kasunod kaagad para di naman ma wala yung momentum ko hehehe

    cheers.

    ReplyDelete
  13. Wag naman sanang may mamatay.. Wahehehe.. happy ending dapat, Anu kaya mangyayari kay julius?

    ReplyDelete
  14. most of story naman ni mike tragic, pati yung idol ko si sir na napakaganda ng story in the first to middle part.. yung tol,.. i love you rin, although may 2nd version ang ending but still tragic ang 1st version.. i wonder how does this ang kuya kong crush ng bayan ends, if this is tragic, hmmmm.. nakakahalata na ako kay mike.. hehehe

    more power and godbless mike

    --MATT

    ReplyDelete
  15. The story just keeps getting better and better... I realy sish makaabot ang book mo na "Idol ko si Sir" sa Bacolod cause I will definitely buy one! Goodluck! Allen Cayetano

    ReplyDelete
  16. To Anonymous from Bacolod!!!
    I'll be in Bacolod city on Jun 5 - Jun 7 (probably)!!!!

    Nanjan ang babes ko at bisitahin ko siya! Waaahhhhhh! Baka kilala mo sya, lol!

    Clue: Naglalaro siya ng basketball, at bago pa lang nagwork sa isang sikat na food chain jan sa Bacolod - lol!

    About the book, may outlet ang Central Book Supplies sa Iloilo City at out na ang book na ito sa mga Central Books Outlets. If you got the chance to go to Iloilo, please buy one or mer! Hehe.

    Tks...

    Mike

    ReplyDelete
  17. @ Anonymous from Bacolod: a.k.a. Allen Cayetano... sa iyo ang message ko re anonymous from Bacolod.

    @ Sa lahat ng mga commentors - salamat sa walang sawang pagsubaybay kahit alam kong atat na atat na kayo at di na mapakali sa kaaantay sa sunod na kabanata, hehe.

    Hirap kasing nasa bakasyon, wala sa tamang kundisyon ang utak, ang schedules ay hinhdi kuntrolado, maya-maya, may nagnungulit, nang-iimbita, nakikipag-inuman, lakwatsahan, ligo dito, ligo doon kung saan-saang paliguan, hehe. (Wala namang nag-offer ng sex - nyahahahaha!)

    Salamat sa pag-intinde at salamat na nanjan pa rin kayo.

    TC sa ating lahat!

    Mwah!

    PS. Book launching ko ha? It's one of my biggest event sa larangan ng pagsusulat, hehe. Sana you'll be there to share my success or (sana huwag naman) failure... :-(

    -mikejuha-

    ReplyDelete
  18. baka may mag.offer dyan ng sex maya-maya lng, baka nga madaming mag.pabook eh... nyahaha

    ui sa ganda ng kwentu malabong failure ang kahihinatnan... swear!!! go go go... :-)

    ReplyDelete
  19. Central Book Supplies pala ha... humanda kang libro ka.. hehehe, kuya mike thnx sa info... nafi-feel ko di magtagal kukulangin ng stocks yung mga outlets

    sana dadami pa yung published stories mo kuya mike :-)

    ReplyDelete
  20. kuya mike naisip ko lng... gumawa ka kaya ng ad or video clip showcasing your stories or kahit na info lng about your blog at iupload mo sa youtube gawin mong replies sa mga pinoy indie films na nakaupload doon or any other related vids... siguradong hahatak ka ng madaming readers/visitors :-) -if i got enough tym il make one for u

    ang ganda kasi ng stories mo, must-read stories for gays, bis, discreets, etc. at kahit na sa mga straight ---daming mapupulot na aral...

    i tried google-ing your stories medyo hindi gaanong satisfactory ang results sa net,

    ReplyDelete
  21. To Anonymous mentioning video clip on youtube?

    OIst!!! bagong idea yan para sa akin at sad to say... wala akong kaalam-alam sa paggawa ng mga ganoon!!! Huhuhu!

    Dito nga sa blogspot ko, anak ko lang ang gumagawa at naglalagay ng mga burloloy, pati chatbox, hehe.

    However, if you volunteer, malaking pasasalamat ko sa iyo. Sana maka-abot ang site natin sa youtube level, hehe. HIndi para sa akin kundi para sa part ng public na gusotng magbasa ng mga ganitong klaseng kwento na hindi makabasa o ma-reach ang michaelsshadesofblue dahil sa hindi nila alam ito...

    Kapag nagawa mo siya, sobrang laking pasalamat ko sa iyo, sino ka mang anonymous ka, malintekan ka sa akin pag nagsucceed hahahaha!

    Kidding aside. I will be really-really happy kung mangyari yan.

    May kaibigan akong marunong sana kaso... hindi sila makarelate sa mga kwento (ewan ko lang baka nagbubulag-bulagan o nagdedeny-denyan lang sila, hehe

    Anyway, salamat sa suggestion. Tingnan ko rin kung kaya ng anak kong gumawa ng ganoon o may time siya.

    Ingat!

    -mikejuha-

    ReplyDelete
  22. ay wow..ano kayang hitsura ni kuya paul jake if ever na totoo sya..haaay...imagination comes powerful than mere vision..!! nakaka elya naman tong chapter na ito! whoooooooooooooooooo!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  23. @anonymous(MATT)
    -- di naman cguro magiging tragic ending nito like dun sa idol ko si sir na hanggang ngayon d ko pa matanggap na deadz na si sir james.Wahehehe..
    @KUYA MIKE, bibili ako book mo promise! Paninindigan ko pagiging fan mo.. :D

    ReplyDelete
  24. kuya mike. sana si kuya paul jake at jason ang magkatuluyan. from the very start gusto ko ang character niya. hehe.

    matanong ko lang. diba sa first part sabi doon na 18 y/o na si jason, bakit sa mga bandang gitna na bakit underage pa siya? hmm.. :))

    ReplyDelete
  25. @anonymous (MATT) a.k.a eric,

    go! go1 go! panindigan mo talaga dapat, hehe. San ka ba dito sa pinas? Punta ka ba sa book launching?

    @ anonymous re Jason's age. Salamat sa pag point out sa age ni Jason. HIndi ko siya na edit - ngayon lang sa pagkabasa ko sa comment mo. Sa intro (part 1) nakalagay na na 16 lang siya. Di ba pag 1st year college ka normally ay 16 yo? Dapat 16 sya, hindi 18.

    Alam ko na edit ko na ito sa ibang posts ko pero nakalimutan ko dito sa msob blogspot ko, hehe.

    Thank you for pointing out this inconsistency.

    Kuya mIke

    ReplyDelete
  26. @ Idol Daucus: ngayon ko lang napansin ikaw pala naka divirginize nito (part 24) hehe. Mahilig ka talagang mangdivirginize, lol!

    Peace!

    ReplyDelete
  27. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  28. Heto na po...

    http://www.youtube.com/watch?v=D68hgBp8jJw

    http://www.youtube.com/user/HotUtol

    ReplyDelete
  29. @ hot utol!

    Waaahhhh! Maraming-maraming salamat Tol!

    Isa ka talagang hot utol!!!!

    Nakita ko na and I am really happy you went extra steps to do it for me and msob blogspot.

    May utoang na loob ako sa iyo tol...! Salamat! Salamat! Salamat!

    Hanga ako sa iyo. Pinaninindigan mo talaga ang sinabi mo, hehe.

    TC! At sana dadami pa ang mga taong gustong magbasa ng mga ganitong klaseng kwento...

    -Mikejuha-

    ReplyDelete
  30. @Hot Utol: WAAAHH!! ganda ng ginawa mong vid!!!
    ahahaha... at talagang theme song pa ni Jason at Kuya Rom ang ginamit mo ahhh!!
    hahaha...
    nice!!! MORE!!!
    yung mga lines naman po sa "Tol.. I love You", "Si Rodel..", "Idol ko si Sir", etc!!
    hahaha MORE VIDS!! = MORE PROMOTIONS SA SITE NA ITO!!!

    ReplyDelete
  31. kuya mik...ganda talaga eh....sunod na pls...enjoyin mo muna ung bakasyon mo jan....=)

    ReplyDelete
  32. @ERIC
    -sana nga hindi siya tragic ako rin hindi ko matanggap na patay na si sir james, minsan iniisib ko itsura ni sir james, kinikilig ako! syeeet. sana this one goes reality bites ang ending ang story na mpwedeng kahinatnan ng mga bilovers. hehe
    @mike
    -more powers, pagdating ko ng manila bibili ako niyan sana may stocks pa. hehe

    ---MATT

    ReplyDelete
  33. ganda ng part na to.,kapwa sila nag-tatraydoran.,hehehhe.bakit mo binitin mike ang sex scene nila ni kuya paul jake at jayson.,hahaha

    ReplyDelete
  34. @roy: hindi mo ba napapansin na kakaibang writer tong si mike, yung mga story niya maganda not bcoz of the sex part dahil sa mga scene na kaabang abang, unlike other story puro sex lang as in detalyade pa masyado ang sex scene, this is why i like mike's story. ssbihin niya na may nangyari at bibigyan ng pampainit pero not all the actions ay ilalantad niya dun parin iikot sa story. heheh

    inlove na ako kay mike! lol

    --MATT

    ReplyDelete
  35. patience is a virtue tagal ng 25! lol eexcite na ako

    ReplyDelete
  36. @anonymous na nag-repz sa comment ko
    alam ko yun.,kya nga nabitin kasi sinimulan na nga hindi pa tinapos ok.,pero i like the story very much.,tagal ng part 25.,

    ReplyDelete
  37. @MATT crush mo dn pala si sir james.Wahehe at si kuya mike naman love mo, ayos pare ah.Wahehehe..
    @KUYA MIKE pasay lang aq kuya mike, what time ba launching book mo kuya? pupunta sana ako pag di matapat sa duty hours ko, gusto po kta makita.Wahehe

    ReplyDelete
  38. @eric: yah! crush ko si sir james.. hahah! si kuya mike? joke lang yun, naiinlab kasi ako sa mga story niya, very nice.. bakit crush mo din si sir james?

    mike, sino ba si sir james? lol

    ReplyDelete
  39. @MATT yup crush ko din si sir james, pakiramdam ko perfect guy na sya eh.Wahehe sayang nga lang at pinatay ni kuya mike..Hahaha.. Piz kuya mike.. :)
    Naalala ko kay sir james yung clinical instructor ko nung college, mabaet at wafu din, kaso nga lang may bf sya na nurse din, i saw them sa isang bbq stall sweet na sweet. Wasak na wasak puso kuno eh. basag!Wahehehe..

    ReplyDelete
  40. @ERIC parehas pala tayong may naaalala, at nursing graduate k rin? heheh! i remember my college prof, straight looking,gwapo, mabango nagulat ako nagtanong skin kaya lang hindi naman ako pwede that time may bf ako. the last time na nagkausap kami months ago ayun sila na nung isang doctor..
    bsta kuya mike, walang patayan sa kuya kong crush ng bayan ah! hehehe

    ReplyDelete
  41. @MATT galing! sana ako din tinanong nung C.I. ko.Hehe.. sbgay wala naman siya idea na bi dn ako.Wahehe.. salamat narin sa internet kc dito nalalabas natin kung anu talaga tayo, sa totoong mundo eh kelangang straight acting tayo.Wahehe ulet...
    Nga pla tol, bili tayo book ni kuya mike ah, suportahan natin.

    ReplyDelete
  42. @ERIC: close kasi kami nung C.I ko na yun kaya inamin ko na BI ako weeks later, umamin siya sakin pinapaamin niya nga rin ako sino BF ko sa campus, ayoko naman ituro kasi straight acting kami, ewan ko ba sa mundo natin ruler na lang ang striaght! lol
    yeah, nagpareserve na ako sa barkada ko siya bibili para sakin..

    ReplyDelete
  43. @MATT siya pala nagpaamin sayo.Wahehehe, kau pba now nung bf mu dat tym?.. ako nalaman ko lang na bi yung C.I ko is nung nadulas sya sa lobby, maulan kc nun.Hehe lalo ako nainluv sa kanya nun pero when i saw him and his bf, na TO na ko, wahehehe basag!..

    ReplyDelete
  44. @ERIC: yeah kami parin and still surviving pa naman kahit on and off kami. yeah, napaamin ko siya sa text kasi hindi naman ganun ang straight kung mag textna may parang iba, hehe. Oh! bakit ka naman na TO nung nakita mo? ano bang meron? hehe

    ReplyDelete
  45. @MATT wow. Ayos pala kayo, ang tagal tagal niyo na pala. Walang dudang pagmamahal talaga bumubuhay sa relasyon nyo tol.. Dun naman sa CI ko, na TO ako when i saw them ng bf niya kasi hindi ko naman ugali ang sumawsaw, kaya move on nalang ako.Wahehehe. Hindi naman ako nagmamadali kaya wait ko nalang kelan darating ang sir james ko, wag lang siya mamamatay gaya sa kwento.Hehe.. Ilang years na nga pala kayo tol ng bf mu? (hehe ginawang chatroom lng eh)

    ReplyDelete
  46. @MATT change pic ako ngayon, parang facebook lang..Wahehe

    ReplyDelete
  47. @ERIC: 3years na po, yeah pagmamahal nga and some stuff narin. hehe! may mga pagsubok na dumarating din minsan di maiiwasan and like any birelations hindi kami legal on both side kilala lang siya sa family as friend and vice versa although some of my cousins know the truth and syempre yung mga kaibigan ko. haha! oo nga sana lang huwag mamatay ang sir james ng buhay mo, lol..

    oo nga eh! napansin ko change pic! nice naman :)

    ReplyDelete
  48. i smell another tragic story! hehehe

    ReplyDelete
  49. sana tanggalin ang salamin ni eric...
    hehehe...

    cheers
    RYE , dubai

    ReplyDelete
  50. @MATT 3years! Antagal na tol.. grabeng pagmamahal na yan, subok na.. buti di kayo nagkakasawaan sa "stuffs" na ginagawa niyo..Hehe if u know what i mean.. Sa sir james naman ng buhay ko, pag dumating na siya, papageneral check up ko siya..Hehe.. Tol, my balak kau magsama ng bf mo?. Panu pagnalaman ni mama mu at papa mu?
    @ANONYMOUS wahehe sa next pic ko, wala nang shades..Haha facebook na facebook talaga tol..

    ReplyDelete
  51. @ERIC: hahaha, hindi naman kasi sa "stuffs" na yun umiikot ang relation namin, lol. haha! inisip ko bakit mo papa check up? natawa ako, baka kasi mamatay at hindi mo makapiling. Yup, Tol! may mga ganung plano kami sakana rin pag stable na rin kami although takot na dumating ang araw na mawala lahat ng plano namin. Ramdam ko naman din na alam ng mga parents ko ang samin, hindi lang nila ako matanong pero alam ko pansin nila yung samin kahit friend lang pakilala ko. Siguro respect narin sakanila na straight acting ako.

    Oo nga tanggalin na yang salamin na yan! lol!

    @Marthy A: you look familiar po.

    ReplyDelete
  52. @MATT wahehe! dnt wori tol.. samahan nyo lang ng prayers ang mga plans nyo, matutupad yan for sure. Masaya ako malaman na my bi relati0nship na tumatagal gaya nyo. Nainspire 2loy ako maghintay sa sir james ko..Papacheck up ko nga tol para sure ball na di sya mamamatay..Wahehe.. Tol invyt mo ko sa kasal at house blessing nyo? Hopefully kasama ko na sir james ko nun..Wahehehehe.. Tol matt, nabasa mu na ba ung Ang Naglahong pangarap? maganda din yun.. Tungkol naman sa shades ko, eenjoy ko muna shades ko..Wahehe

    ReplyDelete
  53. @MATT ulet..Hehe..Tungkol naman sa parents mo. Napaghandaan nyo na naman cguro panu nyo sasabihin sa kanila nag magbf kayo..

    ReplyDelete
  54. @ matt - me tanong lang ako... kasi ako naka 2 relationship na pero, hindi successfull, pano ang ginagawa mo pag ramdam mo na merong iba ang bf mo, pero wala k namang proof...

    sa isip ko me dalawang option... hayaan nalang lumabas ang katotohanan hindi pa naman na poproved. pero para naman akong tanga na alam mong merong iba hindi ba ako mag rereact.

    yung second magrereact ako at kahit alam kong magkakahiwalay kami dahil mapapatunayan kung meron pero atleast hindi naman ako nag mukhang tanga...

    nangyayari ba sayo to... at kung oo paanong ginagawa mo.. maliban sa dalawang option na nasabi ko.

    @ eric.. rye ang name ko... ingats...

    ReplyDelete
  55. @Matt: yeah magkasama kaming nagsisimba,kaya siguro hanggang ngayon kami parin,nakakalagpas sa mga "stuffs" ulit na dumarating.Don't wori tol, darating din yan maybe not sir James who knows kuya romwell pala diba? just sit back and enjoy life muna. haha, house blessing talaga? sige, ano ba address niyo sa bahay para masend ko invitation, lol.

    About sa issue sa parents, minsan napapag usapan namin, and alam naman naming alam ng both side ang totoo. welcome naman kasi kami sa both party's eh.

    ReplyDelete
  56. @MATT- i look familiar? bakit? baka kilala kita, patay tayo diyan.. hehehe.. taga san ka ba? maybe we bumped each other way. pero wala pa akong nakikilalang MATT unless ikaw yung Grade School Classmate ko.. :))

    ReplyDelete
  57. @ANONYMOUS/RYE:
    ang hirap ilang beses ko binasa ang comment mo, wala ko maisip na sagot kasi may kulang. ang tanong kasi diyan, ano ba nararamdaman mo para mapaghinalaan mo siya ng ganun, ano ba ginagawa niyang kilos, etc.

    kasi samin before, ayan aamin na ako. haha! nangaliwa siya nung una tapos ako naman ang sumunod which is naging unhealthy kaya result to another break up.

    basta on your situation huwag kang padalos dalos hindi masama maghinala just be sure may ebidensiya kang kaya mong isampal sa pagmumukha ng syota mo. hehe!

    ang nangyari kasi samin ako nahuli ko siya sa mall. yung sakin nangalikot siya sa text ayun. nahuli ako!

    ReplyDelete
  58. @MATT ayoko ng kuya rom, andaming binuntis eh.Wahehe... Kaya pala strong ang relationship nyo tol kc lagi kayo nagsisimba.. Tol, what if nakabuntis si bf mo(knock on wood)?hehe... Anu gagawin mo?

    @Rye nice meeting you.. tatandaan ko name mo.Wahehe

    ReplyDelete
  59. @ERIC: nasabi na namin yan sa isa't isa, dun kami sa nabuntisan namin dahil mas kailangan kami doon. pero sabi nga niya bahala na, hindi pa naman kasi kami dumarating sa gaanong point at sana huwag. hehe

    haha! sabagay puro buntis ang nasa paligid mo kapag isang kuya rom ang minahal mo.hehe

    @Marthy A: bakit san ka ba nag grade school?

    ReplyDelete
  60. @MATT madali lang namang hindi makabuntis, makuntento lng sa isa't isa..Hehe,. Kung cnu mahal mo, dun mo gawin ang bagay na yun.. Ako cguro tol pag nakabuntis ako tapos my bf ako, syempre dun ako sa mahal ko .Hehe.. makukuha naman sa mgandang usapan at plano ang pagpapalaki sa anak.. Ayoko ikulong sarili ko habambuhay, cguro i have to pay for the price in an0ther way, wag lang kasal sa babae na nbuntis.. Tama ba dre?

    ReplyDelete
  61. @Matt: tama dre! hehe, ganyan din ako dun ako sa mahal ko sasama pero iniisip ko kasi ang magiging future nung bata baka in the end kamuhian kasi ako. haha! ikaw ready ka ba mag settle down, kasama ang lalaking mahal mo na alam mong hindi kayo kailan man magkakaanak? haiz, minsan yan pumapasok sa utak ko naiisip ko mag ampon na lang kami haha!

    ReplyDelete
  62. hahaha,gusto ko makisali, lol..

    @Matt- hmmmm got ur point, okei yang mag ampon pero there's a sense kasi na hindi parin galing sa isa sainyo yun maybe try a surrogate mother, atleast galing sa isa sainyo..

    ReplyDelete
  63. @MATT syempre minsan naiisip ko din magkaanak, pero cguro kung my makita akong babae na magpapatibok ng puso ko..Hehe sa ngayon, sir james ang hanap ko..Wahehe.. Panu kaya yun, gusto natin magkaanak pero lalaki naman partner mo..Hehe.. Tol? Hire tau ng baby maker..Hahaha...

    ReplyDelete
  64. @Marthy A: thanks sa idea, try namin ang ganun option right now focus muna kami sa present, wherever the future takes us, just go with the flow, hehe.

    @Eric: haha, surrogate mother nga. sige godbless sa paghahanap mo kay Sir James, ayan malay mo si Marthy Naghahanap naman ng Carl sa buhay niya, lol. peace lang dre!

    ReplyDelete
  65. @ matt

    I know me kulang medyo in general kasi yung tanong ko... well salamat sa sagot...

    yun bang sinasabing taong nahuli mo sa mall at yung taong nakialam ng cellphone mo at yung taong minamahal mo parin hanggang ngayon eh iisa lang???

    @ eric

    okies...

    ReplyDelete
  66. @MATT d ako kasing wafu ni carl.. wahehe tska half kano yun db?.. Hehe
    mahahanap ko na ata si sir james, magrerenew kc ako BLS, mejo trip ko yung instructor na nag accommodate saken kanina sa redcross..Hahaha

    ReplyDelete
  67. @Anonymous: yup, siya parin hanggang ngayon, wala paring iba. hehe

    @Eric: pero trip mo siya? lol. naku hindi ka makakapag focus niyan sa training pustahan, hahanap hanapin mo ang instructor na yun sure ako! haha

    ReplyDelete
  68. @ matt.

    well kung sya parin...
    nasagot na yung tanong ko...
    slamat...

    ReplyDelete
  69. @ANONYMOUS: nasagot ba? patawarin nalang? well, pwede kung mahal mo talaga yung tao magagawa mo siyang patawarin after all sure naman na minsan ikaw din naman nagkakasala sa partner mo, basta make sure na pakita niya na worth it siya sa second chance.

    ReplyDelete
  70. @ matt

    kanina nasagot ...

    at ngayon you point out the answer...

    salamat ulit....
    hehehehe

    so yun nalang ang gagawin ko sa next relationship ko...
    papipiliin ko sya kung sino sa amin incase na dumating sa ganung part...

    at kung ako pinili. dapat maging worth nga sya as you said...

    ReplyDelete
  71. @MATT syempre gagalingan ko para bumilib siya. After ko magpalista kanina, sya pa nagpapirma nung resibo sa treasurer at nagkwentohan pa kmi while pina pala nya yung mga bato sa harap ng red cross, madaldal sya at yun ang weakness ko.Wahahaha Malandi ba ko tol Matt?Wahehe adik! Adik! :D

    ReplyDelete
  72. @ERIC: haha! hindi naman normal lang yan, syempre ikaw ba naman kausapin ng taong crush mo sino nag hindi kikiligin diba? haha! i think my BLS training are already expired! hahaha

    ReplyDelete
  73. @MATT ntawa ako sa BLS mo.. d pa expire yan adik ka..Hahaha.. Sbi ko nga tol, madaldal siya, andaming kwento, excited na ko mag BLS, anu tol? Ipapacheck up ko na ba siya?WaHahahaha! Sir james talaga eh., :D Nurse dn xa, grad sya ng fatima..

    ReplyDelete
  74. @ERIC: i mean the sabi kasi good for 2 years, then irenew daw! haha. hopefully more kilig moments with you and your future sir James.lol

    ReplyDelete
  75. @MATT oo nga tol, kahit di siya ganun ka wafu, di din naman siya panget.Hehe.. May pinost pala ako sa blog ko.Wahehehe.. kakapagod pala magkwento..Hehe

    ReplyDelete
  76. @ERIC: nabasa ko blog mo ayos naman for a starter like us, makagawa nga ng love story namin, hehe. sabagay basta may itsura ayos na yan. huwag na magpaka choosy, hehe. sorry nga pala na late ang reply magkasama kasi kami, nag ayos na naman ng problema kaya ayos na ulit. hehe. musta naman ang training? anong stage na kayo ni sir James? hehe.

    ReplyDelete
  77. @MATT di ko na itutuloy yung blog ko tol..Binura ko na., bka maungkat lang.. waheheh. Dun naman tayo kay sir james, parang wala nalang tol MATT, infatuati0n lang ata yun.Hehe.. Masaya naman ako kahit single, kahit na minsan nkakainggit mga tropa ko na magsyota.. :) di naman aq panget, malaki naman anu ko, wahehehe.. Musta naman kau ng mahal mu tol?

    ReplyDelete
  78. @ERIC: sayang naman pero still kaw bahala it is still your decision, hehe! infatuation lang pala sayang naman. naku baka nga malaki hindi naman magaling sa kama, haha! joke lang tol ERIC! okei naman kami ng mahal ko ayun mahal ko pa din kahit minsan may pagka matigas ang ulo, asar! haha! kasi naman irereto na nga kita dun sa Marthy ayaw pa lol

    ReplyDelete
  79. @MATT magaling ako tol, walang cnabi si kuya rom sakin.Wahehe.. Pasaway din pala c bf mu..Hehe Tol matt wag m0ko ereto kay marthy nakakahiya..Wahehehe.. Nga pala wag ka manghinayang dun sa sir james ko, frends na naman kami dre..

    ReplyDelete
  80. @ERIC: good thing at good friends na kayo ni sir James mo, good friends nga lang ba? haha! edi magaling na, wala kang sakit? joke lang tol eric! sus, nahiya pa! huwag na walang hiya naman yan si marthy, lol! peace marthy!

    ReplyDelete
  81. @MATT wahehe wala akong sakit, sobrang healthy ko at ng anu ko.Hehe
    walang reto reto, gusto ko kusa darating nalang sakin.. At oo kaibigan ko lang c sir james..Wahehehe.. Tol MATT my idea kaba kelang balak i update ni kuya mike tong story na to?Hehe excited na ko.

    ReplyDelete
  82. Good evening kuya mike!

    and enjoy the vocation....


    emotional ang chapter na to kakapigil nihinga ang nagaganap for the first to the last line ng story swabe na bitin hahahahah....

    Next next next pls pls kuya mike.

    royvangonzales@yahoo.com

    ReplyDelete
  83. @ERIC: wala din akong idea tol e! sana soon, hehe. ayaw mo pala ng reto reto, edi kaw na at ang ano mo ang malusog! hehe

    ReplyDelete
  84. @MATT wahehe.. ang katawan ko malusog..Kaw ah..Hehe

    ReplyDelete
  85. @ERIC: bakit ako? ano ginawa ko? hehe kaw kasi ano ano iniisip mo, haha..

    ReplyDelete
  86. @MATT wala akong iniisip na kung anu anu..Wahehe i said malusog ang katawan ko.. :D ikaw nga jan ah..Hehe

    ReplyDelete
  87. @ERIC: sabi mo kasi ang ano ko, hindi mo naman dinirect na katawan mo, kaw kasi e! hehe!

    ReplyDelete
  88. @MATT ganun b? Sorry naman po..Hehe.. tol matt antagal ng update no? Busy cguro si kuya mike. My iba kpa bang sinusubaybayang blog?

    ReplyDelete
  89. @eric: wala tol e! busy din ako with work, ewan ko ba bakit wlaang update yung sinabi mo naman before na maganda rin, hindi ko naman mahanap. hehe! yung blog mo sinusubaybayan ko! more! haha

    ReplyDelete
  90. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  91. san na po ang kasunod?

    ReplyDelete
  92. over over , saan po yung continuation? huhu

    ReplyDelete
  93. grabe tinapos ko ung story na to from the 1st till the 24th very nice grabe... kelan ung next.. damn.. ang dming pingdaanan ni bunso na pain woohhh ----jei

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails