By: Mikejuha
getmybox@hotmail.com
http://men4menphilippines.ning.com (group: Kwentong Kanto Ni Kuya Mike)
Author's Note:
Yeheeeeeeeeeeeeeyyyyyyyyyyyy! May 60 followers na ako sa blogspot ko, wohooooooo! lol!
Para akong gagong nagbibilang, hehe. Happy ako at salamat sa mga nagfollow sa akin dito. Lage ko kayong binibilang, parang mga itlog kung kelan mapipisa, lol!
Lapit na din ang bakasyon ko, May 13 at Pinas, here I come!
Uli, salamat sa mga floowers ko. Sana dadami pa kayo, hehe.
TC!
-mikejuha-
----------------------------------
Kambal na parehong lalaki at isang babae ang resulta ng ultrasound. Kaya tatlo kaagad ang anak ni Kuya Rom. Sa kay Edna, ang nagpakilalang girlfriend ni Kuya Rom ang babae, at kay Nadine naman ang kambal.
“Walang hiya talaga ang babaeng ito! Inagaw na nga sa akin si Romwel, at ngayon, pati ba naman sa pagbubuntis agaw-eksena ka pa rin? Epal!” ang sambit ni Edna. Alam kasi niyang ang inaasam-asam na apo ni papa ay lalaki talaga at may bonus pang sinasabi sa kung sino man sa kanila ang makapagbigay nito sa kanya.
“Ate ha… hindi ko na kaya ang pang-aapi mo. Dati, gusto mong ipalaglag ang baby mo ngunit ngayon, gusto mo na ng kambal. E, hindi ko naman ginusto ang mabuntis at magkaroon ng kambal eh. Kung pwede nga lang sanang ilipat itong mga bata sa tiyan ko d’yan sa tiyan mo, papayag ako. Gusto kong manahimik, makauwi na sa Tita ko. Nag-alala na siya sa akin ngayon. Iyan ang mahalaga sa akin! Hindi ang bonus o ano pa man!” ang may pagka-irita namang sagot ni Nadine.
“Hmpt! if I know…” ang pigil na sambit na lang ni Edna ramdam ang pagkapahiya.
Iyan ang banatan ng dalawa. Natatawa na lang kami ni mama.
At dahil sa nalamang resulta, hindi magkamayaw sa tuwa si papa dahil may instant na dalawang apong lalaki na kaagad siya. Si mama naman ay natuwa na rin dahil sa wakas ay maranasan na rin daw niya ang mag-alaga ng babaeng apo.
Ngunit ako? Hindi ko lubos maintindihan ang naramdaman. May saya din itong dulot dahil magkakaroon na ako ng mga pamangkin at tatlo pa kaagad. Isa pa, sumiksik din sa isip na dahil sa inaasahang mga apo, maaari ding mangyaring lalambot na ang puso ni papa at pabayaan na lang niya ang relasyon namin ni Kuya Romwel.
Ngunit ang pagkakaraoon ng mga anak ni Kuya Rom ay may dala ding kirot sa puso ko dahil sa syempre, kung sa akin lang nanggaling sana ang mga bata ay mas kumpleto na sana ang buhay ko. Imagine, magkaanak ako kay Kuya Romwel. “Sarap mangarap talaga!” ang nasabi ko na lang sa sarili.
So, iyon ang arrangement namin. Sa bahay namin nakatira pansamantala sina Edna at Nadine. At maayos naman ang pakikitungo ng dalawa sa amin bagamat may patagong iringan at inggitan pa rin sila sa isa’t-isa. Sabagay, hindi naman ganoon kalala. Kasi, kahit babae ang magiging anak ni Edna, ipinangako din naman ni papa sa kanya na bibigyan pa rin ito ng pabuya sa maayos na pag-aalaga niya sa sarili habang nagbubtis. Sa totoo lang, buhay reyna din sila sa bahay. May sariling mga nurse at ang yaya para sa mga bata ay nagsimula na ring manilbihan at sa kanila nakatutuk.
Lumipas ang dalawang buwan at nanaganak din ang dalawang babae. Unang nanganak si Nadine at makaraan ang isang linggo, si Edna naman. Parehong malulusog ang mga bata nila. Maganda ang babae, matangos ang ilong, mahahaba ang pilik-mata, kuhang-kuha ang mga ito kay Kua Rom. Ngunit ang pinakapaborito ko sa lahat ay ang kamabal na kahiwig na kahawigni Kuya Rom. Ang ku-kyut ng mga ito, at mistulang kino-clone kay Kuya Romwel.
Tinawagan ko kaagad si Kuya Romwel na tuwang-tuwa naman. “Ok pala ang pagkagawa ko tol?” ang pabiro niyang sabi.
“Oo! At magaling ka. Magaling ka naman sa lahat ng bagay eh.”
“O… e kung magaling, bakit parang sarcastic ang tono ng salta mo?”
“Wala… naiinggit lang ako sa kanila. Naanakan mo sila smantalang ako…” ang pagparinig ko, hindi na itinuloy pa ang sasaihin.
“Huwag ka nang malungkot. Ito naman o… Syempre, kung pwede nga lang sana. E… di naka-ilang anak na sana tayo, di ba?” Sabi niya sabay tawa ng malakas. “Atsaka, oo, nabigyan nga nila ako ng anak pero hindi ko naman sila mahal. Ganoon din. At least ikaw, iyong-iyo ang puso ko”
Nahimasmasan naman ako sa sinabing iyon ni Kuya Rom. Feeling kinilig ba. “I love you,. Kuya!” ang naisagot ko na lang.
“I love you too, bunso!”
Napag-alaman din naming nanganak na rin si Kris. Noong biisita namin siya sa ospital, nalaman naming babae din ang anak niya. Maganda din ito, malusog. Syempre, magandang babae si Kris, at pangmodelo di lang ang katawan kungdi pati na ang hugis ng mukha. At ang mga features na nakuha ng bata ay sa kanya lahat. Tila wala man lang ni kaunting nakuhang hawig kay Kuya. Nag-usap sila ng mga magulang ko ngunit hindi na lang nila ipinaalam na may iba pang nabuntis si Kuya.
Tinwagan ko din si Kuya at inierport sa kanya ang lahat. “Kuya, hindi tumalab ang bagsik ng iyong kamandag sa girlfriend mong epal. Lahat ng feature ng mukha ay sa kanya, sinolo niyang lahat.” Ang panggagatong ko.
“E, di mabuti... OK lang iyon.” Ang sagot naman ni Kuya na tila wala lang sa kanya.
“At, kuya… nag-iilusyon pa rin pala siyang magpaksal ka daw sa kanya sa pag-uwi mo dito?”
Ngunit tawa lang ang isinukli ni Kuya.
Nakalipas ang ilang araw, aalis na sina Edna at Nadine sa bahay namin upang uuwi na sa kani-kanilang mga tahanan. Lahat ay plantsado na para sa kanilang pagbabagong-buhay. Naipasok na sa mga bank accounts nila ang mga “tulong” na ipinangako sa kanila ni papa at masayng-masaya naman sila sa arrangement na kapag maisipan nilang bisitahin ang mga bata, bukas ang bahay namin para sa kanila sa amo mang oras. Syempre, kahit Iglesias ang mga batang iniluwal nila, sila pa rin ang nanay na hahanap-hanapin ng kanilang mga anak balang araw.
Malaki ang pasasalamat nila sa mga magulang ko dahil kung hindi sa kanila ay siguradong natuloy ang plano nilang pagpapaabort. At kung nangyari iyon, siguradong habambuhay nilang pagsisisihan ito at hindi sila patatahimikin ng kanilang mga konsyensya. At hindi lang iyan, malaki din ang pasasalamat nila sa kabutihang ipinamalas ng mga magulang ko at sa tulong na ipinagkaloob sa kanila, sapat upang makapagsimula silang muli at maipagpatuloy ang ano mang plano nila sa buhay.
Kinarga-karga na nila ang kanilang mga anak at hinahalik-halikan upang makapagpaalam na noong biglang may nag doorbell. Noong buksan ng pinto ang katulong, namangha kaming lahat sa nakitang pumasok na bisita. Si Kris at karga-karga din niya ang kanyang anak.
“Waaaahhhh!” Sigaw ng utak ko. “Eksenang bukingan na!”
Kitang-kita ko sa mukha ni Kris ang pagkamangha sa nasaksihang dalawang babaeng may karga-karga ding mga bata.. Dahan dahan itong pumasok na tila hinuhulaan sa kanyang isip kung sino ang mga babaeng iyon at kaninong anak ang mga bata. Syempre, obvious naman na hindi kay papa iyon at lalong hindi sa akin.
Napansin ni papa ito at agad siyang sumingit. “Ah… Kris, this is Edna, at ang baby girl niyang si Baby Sarah Mae Iglesias” turo kay Edna at ng kanyang baby, “At ito naman si Nadine at ang dalawang kambal niyang mga baby boys na sina Baby Romwel, Iglesias Jr. at Baby Romwel Iglesias III!” ang pag-introduce ni papa kay Nadine at sa mga baby, hindi itinago ang matinding kagalakan sa pagkakaroon ng dalawang apong lalaki.
Napatakip naman si Kris sa kanyang bibig. “Tatlo kaming sabay na inanakan ni Romwel?”
“Ganoon na nga!” Ang pagsingit naman ni Edna na ang tono ay palaban, ipinamukha kay Kris na may karapatan siya kay Kuya Rom. “Ngunit ako ang original na girlfriend niya.”
Nagreact naman kaagad si Kris. “Hoy! Hoy! Hoy! Ako ang girlfriend ni Romwel simula noon pa at matagal na kaming magkasintahan!” sabay lingon sa akin, “Di ba Jason?”
Ngunit dahil sa inis ko pa rin kay Kris noong una ko pa lang itong nakita sa isang athletic meet at mga sumunod na date nila ni Kuya na hindi niya ako pinapansin at initsa-pwera pa ako ni Kuya kapag nand’yan siya, ang isinagot ko na lang sa kanya ay, “Malay ko sa inyo!”
“Ate… umalis na tayo dito at ayaw ko ng gulo. Dapat happy na tayo sa naging kinahitnan sa atin. Kung pakasalan siya ni Romwel, hayaan mo na siya, ibigay mo na sa kanya si Romwel ng buong-buo.”
“Ikaw…” lingon naman ni Edna kay Nadine, “…palibahasa nakisawsaw ka lang sa boyfriend ng may boyfriend, kaya ganyan na lang kadali ang paggive-up mo kay Romwel. Hindi ako papayag na makasal si Romwel sa babaeng ito no!” ang mataray na sabi ni Edna.
Nasa ganoon kainit ang diskusyon ng tatlong babae noong pumagitna na si papa. “Mga hija, pabayaan na lang nating si Romwel ang gumawa ng desisyon, ano? Hintayin natin ang pagbalik niya. Kapag nakabalik na si Romwel, ipaubaya natin sa kanya ang lahat.” Ang sabi ni papa.
Sa pagkarinig sa sinabi, may kaunting kaba naman akong naramdaman. Syempre, baka igigiit na naman ni papa na magpakasal si Kuya Rom sa isa sa kanila. Hindi ko kayang makitang maikasal si Kuya Rom sa isang babae at pbayaan na lang ako. Hindi ko kakayanin pa kapag hindi ko siya makapiling.
“Pasensya na po. Ngunit hindi ako papayag na hindi ako pakasalan ni Romwel! Kapag hindi ako pinakasalan ni Romwel, magkikita na lang kami sa korte! Papanagutin ko siya sa ginawa niya sa akin!” and sigaw ni Kris sabay walkout karga-karga ang kanyang anak. Palibhasa si Kris ay may kaya din sa buhay kaya hindi ito takot na habulin si Kuya Rom.
“Maghabol ka sa tambol mayor! Itsura nito!” sigaw din ni Edna sa papalayong si Kris. “Buti na lang nag-walkout dahil kung hindi, papatulan ko talaga ang babaeng iyon. Anong akala niya sa sarili niya, siya lang ang may angking ganda? Hmpt!” Dugtong pa niya.
Hindi na magawang makaimik pa ni papa.
“Taray pala talaga ng babaeng iyon!” ang sigaw ko na lang sa sarili.
At maya-maya lang, tuluyan nang nagpaalam sina Edna at Nadine. Ma-drama din ang eksenang iyon dahil kahit sa maiksing panahon, nakapiling din nila ang mga anak nila at naranasan ang maging “ina” kahit panandalian lamang. Iyon siguro ang pinakamatinding sakit na naranasan nila dahil sa gustuhin man nilang dalhin ang mga bata, hindi naman nila kaya iton buhayin at masisira pa ang reputasyon nila at maaaring hindi din matanggap ng pamilya nila.
Sabagay, wala naman talagang mawawala sa kanila sa pagpaubaya nila sa mga bata sa amin dahil hindi naman namin itatago ang mga bata at walang hahadlang sa kanila kung bibisitahin nila ang mga itokahit ano mang oras.
Kaya muli, solo na naman naming pamilya ang bahay, bagamat may tatlong nadagdag na rito. “Hayyyyy! Pwede na akong pumanaw” ang sambit ni papa. “Nand’yan si Romwel na mapagkakatiwalaan natin, may mga apo na tayo, panatag na ang kalooban ko. Wala na akong mahihiling pa.”
Hindi na ako kumibo sa sinabing iyon ni papa. Kung hindi ko lang mahal at hindi kami nagmamahalan ni Kuya Rom ay talagang magseselos ako sa sinabing iyon ni papa. Kasi palagi na lang si Kuya Rom ang bukambibig ni papa, sa kanya ang lahat ng paghanga, tiwala… lahat Romwel. Hinatyin natin si Romwel, sabihin natin ito kay Romwel, hayaan na lang nating si Romwel ang magdesisyon niyan, si Romwel na ang gumawa niyan, nasaan ba si Romwel? bakit hindi nyo sinabi ito kay Romwel? Nagawa kaya ni romwel ang ipinapagawa ko? Para bang wala lang, hindi ako nag-iexist.
Pero sa isang banda, totoo naman din kasi. Kung ako ay panatag ang loob at feeling secure kapag nand’yan si Kuya Rom, ganoon din si papa, kaming lahat. Mapagkatiwalaan kasi si Kuya, masipag, at magaling dumeskarte. Kaya simula noong inampon siya ng pamilya namin, parang siya na itong sinasabi nilang “rock” at bayani ng pamilya namin. At syempre pa, hindi matatawaran ang ibinigay niyang kasayahan sa mga magulang ko sa pagbibigay niya ng mga apo sa kanila.
Kaya balik na naman kami sa dating setup sa bahay, maliban sa ano pa nga ba, naging mas masaya at inspired ang aking mga magulang sa pagkakaroon ng tatlong apo na siyang nagbigay-buhay sa tahanan namin. Minsan pa nga, dinadala nila ang mga ito sa opisina, ipinagmamalaki talaga sa mga empleyado ang mga apo nila, lalo na ang kambal.
At kung gaano kasaya ang mga magulang ko sa pagkakaroon ng mga supling sa bahay, ganoon din ako. At lalo na sa kambal. Feeling ko kasi, ako ang nanay nila – bunga ng pagmamahalan namin ni Kuya Romwel. Nangarap ba. Tuwang-tuwa ako sa kanila, sumasaya ang araw ko sa kanila. Nakikita ko kasi si Kuya Romwel sa mga bata; sa mga ngiti nila, sa mga tawa, sa mga hitsura nila.
Ang buong akala ko, tuloy na ang kaligayahan kong iyon. Ngunit isang araw na inaasahan na namin ang pagdating na ni Kuya Romwel, may dala naman itong masamang balita sa akin.
Noong una, excited na excited ako na darating na siya. Subalit, sa last minute bago ang flight niya, may natanggap akong text. Hindi daw siya natuloy sa pagsakay sa eroplano. Walang sinabing dahilan, walang explanations. Ayaw magsalita kung bakit.
Tinawagan ko siya at inalam ang dahilan. Ngunit ang sagot niya lang ay, “Tol… si Shane na ang magpaliwanag pagdating niya d’yan. Nakasakay na siya sa eroplano, antayin mo na lang, ok?”
May naramdaman naman akong pagkainis noong marinig ang sagot niyang iyon. “Bakit ba kailangang si Shane pa ang magsabi? Sabihin mo na sa akin Kuya… Di ako mapakali nito!” ang pangungulit ko sa kanya.
“Kay Shane na lang Tol, ok?” ang tugon niya. “O sya… may urgent pa akong aasikasuhin dito kaya bye na muna ha? I love you! Mwah! Mwah!” Dugtong niya.
At iyon na ang huling salitang narinig ko sa kanya.
Wala na kaong magawa pa. Hindi ko na naman maiwasang hindi kabahan sa inasta ni Kuya. Syempre, hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niyang sabihin ang tunay na dahilan nang hindi niya pagtuloy na umuwi at kung bakit kailangang si Shane pa ang magbunyag nito sa akin. “Bakit ba? Napakahirap bang sabihin kung bakit? Hindi naman siguro ako ganyan ka bobo upang hindi maintindihan ang kung ano man ang sasabihin niya.” pagmamaktol ko.
Dumating nga si Shane. Dumeretso siya sa bahay galing ng airport. Tinanong ko kaagad siya kung bakit hidi nakasama si Kuya Rom sa kanya.
“A… e… N-nanganak kasi ang kapatid kong babae, Jason…” ang sagot ni Shane.
“Ano? Nanganak?” ang tanong ko, ang boses ay tumaas sa pagkalito, hindi maintindihan ang ibig sabihin. “At ano naman ang kinalaman ni Kuya Rom sa pagpanganak ng kapatid mong babae?”
Tahimik. Hindi nakasagot si Shane, hindi makatingin sa akin ng deresto at mistulang nag-aalangan sa kanyang isasagot.
“Ano Shane?! Sagutin mo ang tanong kooooooooo!!!” bulyaw ko sa hindi kaagad pagtugon ni Shane sa aking tanong.
(Itutuloy)
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
No way!!! Don't tell us that!! No!!! Arrrrggghhh!!! No kuya wag!!!! Sana umabot ng hanggang 50 ang episode nito. Ayaw kong matapos ang story na ito!
ReplyDeletenakakabitin naman! palagay ko si romwel din ang tatay nung anak ng kapatid ni shane. napakalibog talaga ni kuya rom!
ReplyDeleteGrabeh kuya rom thats too much.. cguro di nya love si bunso.. nasa canada na nga't lahat nakabuntis pa ata dun..Haistt, ramdam ko talaga bigat ng loob ni bunso.. Ituloy na ang kwento kuya mike.. :D hehe naiintriga ako sa ending nito.
ReplyDeleteohh my!my naanakan din yata si romwel sa canada!?hahahha.tibay naman ni rom!
ReplyDeleteggggrrrrrr......si kuya romwel talaga oh!! kakainis naman eh...hehehhe...pero ang ganda talaga kuya mike ng kwento mo....pwedi bang isulat mo yong lovelife ko??? kasi di ako marunong magsulat eh.....umwah!!!,,,
ReplyDeleteOver!!!
ReplyDeleteKuya ROm anlandi, kainis!!!
Hay Jason kung ganyan din lang yan, wag ka ng magpakatangga, uubusin ni Romwel ang kayamanan nio na dpat sayo lang. Sa sobrang dami niyang anak, niloloko ka pa.
pero anu malay natin baka hindi nman un totoo, hehe. malay mo magbabantay lang sya ng baby. Kung ako kay Jason, magpupursige na lang ako, tutal laging si Kuya Romwel na lang ang bida sa pamilya. Kelangan ipakita nia rin na kaya nyang maging successful. His life is not just romwel. Kelangan may mapatunayan din sya for him to be also deserving sa love ni romwel
More power kuya mike!!
omgeeeeeeeeeee..well well well mukhang alam n ntin ang eksena .. nabuntis n ni rom ang kapatid ni shane.. anu bng klasng kargada meron yan c romwel.. pde ako din whahaha :D sna matuloy ang kwentoh!
ReplyDeletepang 3rd time ko na binasa to.Hehe kaasar kuya rom.. dnt wori bunso, kaw naman ang bida dito., wahehehe mambuntis ka din para maprove mu sa daddy mu na my silbi ka din naman.. :D
ReplyDeletegrabe talaga c kuya rom!!!
ReplyDeletenkakainis n xa ah...andami nyang suspense sa buhay..puro msasama,tpos nkabuntis p xa ng canadian
crap!!!!! nakakainis naman!
ReplyDeletehello bunso. take gud care of urself..
ReplyDeletehello bunso,,prove to ur parents na kaya mo din gawin kung anu man ang nagwa ni kuya rom..isipin mo ang sarili baka 1 of dis day mwala kana sa ere niyan...mag papakasal pa din yan ng gurl...paano ka nlng...since pareho na kau ng apelyedo...d natin kung anu nag maging takbo ny buhay mo...mag pursige ka...kasi ur parents is d permanent dito sa mundo...paanko ka nlng kung si romwel is mag asawa ng gurl?
ReplyDeletekuya mike....ang ganda ng story po...na encourage akong mag share po...kasi parang mgakahawaig ang story namin ni jason,,peru inisip ko ung ko baka ma[ag iwanan ako ng tadhana
ReplyDeletekuya mike...nag hirap po ungkatin ang nakaraan kasi po..were a little bit same story ni jason
ReplyDeletehrrrrrrrr....kuya i cant w8 so long the karugtong nito..kainis ka romwel. lagi mo sinasaktan si jason..sana si julius nlng...
ReplyDeletekuya mike.......antagal nman ng nextpart.....grabe
ReplyDeletetagal po yung chapter 24...
ReplyDeletekakainis c romwel... julius nalang para kay jason
Tol, i'm waiting for episode 24. Day by day i keep checking your site if it's already posted. Hope to read it soon... Thanks & take care.
ReplyDeleteoo nga noh? si julius nlng tsaka si jason total mag ka edad lng sila..tska bagay naman sila...d pa maubos kayamanan nila na pra sa kanya..mas palaguin pa ito ni juluis..
ReplyDeletekuya mike..true po ba ung idol ko si sir? kasi pag totoo un...uuwi ako maaga mula office at iiyak sa bahay...super touch talaga ako..huhuhu..even im working here..na iiyak na nga ako..gusto ko ibuhos lahat..po...para maalis tong hinagpis at habag ang nadarama ko ngaun..
ReplyDeletenasan na yung next??? im soooooo hooked!!!
ReplyDeletewahehehe kuya mike, wala paba update jan? Lapit na kami magtayo ng jayson-julius fans club.. Wait ko po ung chapter 24..Thanks!
ReplyDeletenice ng story... kahit sa office binabasa ko to... hehehe...
ReplyDeletebadshot naman tong si kuya rom oh...saksakan ng libog...
ReplyDeletewow... salamat mike... mga apektado na mga tagasubaybay mo bro....keep it up... tnx..... isa sa mga humahanga s pagsusulat mo (sinned__)
ReplyDeleteang hirap namang mabitin hahaha...
ReplyDeletenakakapag taka, kasi base on the phone conversation nina rom at jay, wala naman sa tono ng boses ni rom ang natatakot or nalulungkot or naaawa kay jay, kaya paano natin mahuhulaang na si rom nga ang naging cause ng pagbubuntis nung canadian, and nag i love you pa sya kay jay, parang normal saying of goodbye lang na parang walang kasalanan. well i don't know...tapos nanganak na yung kapatid nung canadian bakit hindi yung kano ang nagpaiwan at si rom pa talaga ang nagpaiwan, kung anak nga ni rom yun, sana si rom ang umuwi kasi umiiwas nga sya dun sa mga naanakan nya.
ang gulo... hahahah...
well kaya ni mike yan...
more power...
hi eric, hihihi
Hi writer, silent follower lang me, pero di ko na talga kaya na maging silent hehe...
ReplyDeleteOk lang naman kung nagkaanak si Rom duon, but the fact that he promised na hndi niya kakaliwain si bunso(as if magasawa)yun ang bitter part....
Tsaka cnungaling rin si Shane sabi niya iaalert daw niya si buso kung may mangayayari...
Suggestion ko po sa ending if ever hindi mo pa po nasimulan:(Engligh-Tagalog writer ako eh hhehe)
I was shocked when I heard Shane that i didn't noticed the tears that was rolling down my cheeks.
The fact that Ron promised me not to mingle with others hurts the most, i just loved him too much. blablablabla antok na kuh... basa dapat pahirapsn ni Rom si Buso hanggang masagasaan si buso at umuwi si Ron, but patay na si bunso ganun
Sana nga pahirapan pa ni Rom si
sobra naman! wag tipong mamamatay si bunso! siguro po pwedeng manlamig na lang si bunso then he'll gonna almost ruin his life, play with julius and kuya paul jake, yung tipong palalabasin nia he doesn't like Kuya Rom na but deep inside, sasabog na emotions nia in so much love with Kuya Rom, tipong parang LQ taz laging susumbatan ni Jason si Romwell. SANA WALA NANG MAMATAY, SANA WALANG VERSION 1 AND 2 ANG ENDING. LET'S BE REALISTIC. i'm your avid fan. geasscode91@yahoo.com or at FB Allen Mark Marcellana. add me up.
ReplyDeleteadik talaga tong si romwel. haayys! hoy jason gumawa ka na rin ng anak mo no. di lang para kay romwel ang kayamanan niyo. naku si papa naman, tuwang-tuwa kasi andami an ng iglesias. naku, suwerte nmn nung mga babae.
ReplyDelete-haixt aman ooh s0brang kabitin kuya mike .. baka nmn set-up ulit ni romwell ang nang yayaring buntisan , na naanakan .. ewan kuya plss yung ' sunod na episode nito!
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletenakakabitin na po, hehe,
ReplyDeleteang tagal ng next part but it's okay.
>>..nakakabitin nman ..!!! :((
ReplyDeleteupdate nyo na poh ung next chapter ..!!
sna gwin itong movie kc pg nangyari un ay cguradong madami ang manood sa sinehan ..!!
more power poh sa n'yoh ..!!
Dear Author,
ReplyDeleteDo you mind if you will include the sex scene(s) of Shane's sister and Romwel?Nacaca-relate na po casi aco eh.I'm pinoy and may gf aco na half greek/half norwegian,and may gf pa aco na half french/half german,sya po yung sa picture.I will tell you about my sexual orientation in private.
It would be lovely if you can grant my request.
Thanking you,
Daucus
The funny thing is i'm always opening this site after every 0ne (1) hour to check if the continuation(s) has been posted.
ReplyDeleteCan't wait any longer.
Ha ha ha!
Daucus
Kuya Mike..... kung alam mo lang, you've got so many, many readers... and we are patiently waiting for the coming chapters.
ReplyDeleteSUPER GREAT GREAT STORY! DAIG PA ANG TELESERYE, TELENOVELA AT IBA PA. GOD JOB!!!
sana mas mahaba pa ang kwento. Tiyak 'di ako magsasawang susubaybay
ReplyDeleteAng tagal naman ng kasunod nito!!
ReplyDeletedi ko na matiis..
kainis si kuya Rom!! saksakan ng kalibugan!!
Anyway, itong dalawa ang pinaka-favorite ko na story dito..
itong "Ang Kuya Kong Crush ng Bayan" at syempre ang NAPAKAGANDANG "Tol.. I love You"
the best yang dalawang yan..
doon po sa di pa po nakakabasa ng "Tol.. I love You", you can view it sa January 2010 up to february 2010 I think..
Maganda din po yun.. nakakaiyak.. hayy.. palibhasa wala akong bestfriend ehh.. LOL!!
i hope mapost agad ung kasunod ..
ReplyDeleteheto.... nagtitiis, naghihintay pa rin ng part 24... hmmm :-(
ReplyDeletekua mike, follower mo na ko! sign-up n me khapon.jejejeje....
ReplyDeleteganda ng mga stories mo, galing mong writer. can't wait to see this in books. adik n nga ako sa blog mo eh! lungkot kc d2 sa riyadh, wla mgawa. buti n lng anjan ka at ung mga kwento mo...
enjoy ur vacation nga pla. ingat plagi...
thanks ulet, kua mike! God bless...
--Matt
ReplyDeleteNice Nice story talaga, pero sana not like story of IDOL ko si kuya na may namatay in the end.. huhuhu...
kung pwede lang damihan mo pa ang chapters pero bilisan ang pag update mike! Gooo! hehehe, sorry excited ako sa story.. now let's play..
LETS VOTE GUYS!
sino ang gusto niyo magkatuluyan
A. kuya Rom - Jason
B. Jason - Julius
C. Rom - Shane
D. wala, i want it TRAGIC! hahaha
ROM AND JASON PARIN AKO
pero i want to be the ending like this,
pinakasalan ni rom c kris and magkakaroon pa ng isang baby pero while giving birth namatay si kris sa second baby while jason nung after magpakasal si ROm at Kris, umalis ng ibang bansa nat dun nag aral ng Masteral sa Paris, he meet different people nkabuntis rin pero namatay din ang girl kaya bumalik siya sa pinas! atleast patas ang laban parehas silang may anak! hahaha
i think the ending of this chapter, niloloko lng ni shame si jason,remember before nagpanggap na bf ni shame si rom. so ngayon baka wala lng.. hehehe
MORE POWER MIKE!
A!!! Kuya Rom at Jason pa rin!!
ReplyDeleteI want a happy ending.. yung parang kay Warren at Lito na against all trials, sila pa rin ang nagkatuluyan :)
And I hope na magkaroon ng fight scene si Jason at Kris para mas maganda!! LOL!! pahabaan na lang sila ng hair.. bwahahaha!!!
yung tipong magsasagutan at magmumurahan or WORSE, as in physical!! LOL!! Basta sana mag-away sila.. at mas maganda, sa harap ng parents ni Jason at kuya Rom para mas mainit!! nyahahaha!!
On the other hand, I want to see the Strong side of Jason.. Yung palaban at sana, i-try nya magsikap at ipakita sa parents nya na may silbi sya.. :)
magunaw na ang mundo Kuya Rom at Jason pa rin!!! hahahahahahaha
ReplyDeletekuya mike., ganda ng story ni jason., sana kung hindi sila ni kuya romwell,sila nalang ni julius..kelan po next part..
ReplyDeletehaaayyyy...i can relate to jason s story nito...kelan mdudugtungan to???grabe...ndadala ako ng kwento...
ReplyDeleteAlam ko na tooooo..... ahahahahah i.su.surprise na naman ni.kuya rom si bunso.... may kakalabog na naman sa bintana ni bunso... waaaaahhhhhhh ahshahahah
ReplyDelete