By Mikejuha
http://men4menphilippines.ning.com (Under the group "Kuwentong Kanto Ni Kuya Mike")
Author's Note:
Yeheeeyyyyyy! May 67 na followers na ako. Malapit ko ng maabot ang target kong "mahiwagang" numero, hehe. Salamat po sa lahat ng nagfollw sa akin dito. I really-really appreciate your having your log on names dito sa blogspot ko.
At habang wala pa po ang part 24 ng "Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan" na kuwento, ipost ko muna dito ang isa sa mga maiikling kwento ko, upang may mabasa pa rin kayong mga follower ko dito.
Later, Ipost ko na rin po dito ang iba pang mga lumang akda ko para dito na lang ako magpost later.
Happy reading!
-mikejuha-
--------------------------------------
Bisekleta tapos nilalagyan ng side car, ito yung pinaka-common mode of transportation sa sentro ng bayan namin. Tawag ng iba dito ay tri-sikad pero sa amin, tawag dito ay “potpot”. Talagang physical, at hindi lang nasusunog ang balat ng mga driver nito, bugbog pa ang katawan at buto.
Nung nag-aaral pa lang ako sa probinsya, dito na ako sumasakay. Isa ito sa mga bagay na na-miss ko simula nung mag-abroad ako. Kaya every time na magbabakasyon ako at umuuwi ng probinsya, hindi pweding hindi ako mag-hire ng potpot service, at gawing tour guide ang driver na mag-iikot sa na-miss kong lugar. Dito, narere-live ko ang mga nakaraan. May pagka-sentimental kasi ako. Yun bang pag na-miss ko ang isang bagay o tao, gusto kong puntahan o bisitahin ang lugar kung saan merong malaking significance. At doon, magmumuni-muni o i-enjoy ang hangin o music habang sinasariwa ang nakaraan.
First time kong baksayon nun galing Saudi. Dahil sa first time ko ring ma-experience ang abroad, matindi ang pagka-miss ko sa mga bagay-bagay sa lupang kinalakhan ko. Kaya di ko maiwasang maghanap. At isang araw nga, naisipan ko na lang sumakay sa potpot at mag-ikot. Gusto ko sanang magsama ng kaibigan kaso wala akong mahagilap dahil karamihan sa kanila’y nasa ibang lugar na at yung naiwan naman ay may mga trabaho at nakakahiya namang istorbohin. “Mag-isa na lang akong lalabas, tutal dati ko namang ginagawa ito...” sabi ko sa sarili.
So, naghanap nga ako ng potpot, at eksaktong may bakanteng dumaan. Bata pa ang ang driver, nasa 20 yrs old, matipuno ang katawan at may 5’9 ang height.
Madaldal si Jun kaya habang nagda-drive sya, madami na akong nalalaman tungkol sa kanya, kagaya ng pagkahinto nya ng pag-aaral dahil sa pagkamatay ng tatay nya; na walo silang lahat magkakapatid at sya ang panganay; ang pagpasok nya bilang kargador ng pier; at ang pagkakaroon ng sariling potpot na sa panahon na yun ay hinuhulug-hulugan pa. “OK lang ang potpot dahil sarili ko ang diskarte dito” paliwanag nya. Sa tono ng pananalita nya, masipag, madiskarte sa buhay at may paninindigan si Jun.
Nakarating na kami ng bayan ng magtanong sya kung saan ako bababa.
“Ay, oo nga pala” sabi kong mejo natawa. “Paano ba to i-explain... Ah, ganito na lang. Magkano ba ang kinikita ng isang potpot driver sa isang araw?”
Ipinarada ni Jun ang potpot sa gilid ng kalsada dala ng pagtataka kung bakit imbes na sumagot sa tanong nya ay ako ang nagtanong. “Di po pareho sir e. Minsan may 200 o mahigit, minsan nasa 100, minsan naman, 50 o kapag minalas, buti na kung may sampu. Pero sa akin naman, hindi pa ako dumanas ng mababa sa 50” paliwanag nya.
“Ok... Bigyan kaya kita ng 300 sa isang kondisyon. Tour guide kita sa buong araw hanggang 11 pm, libre kain. Kung saan ako kakain sama ka. At... kapag nagkasundo tayo sa iba pang bagay may bonus ka sa akin. Ano sa palagay mo?”
Mejo nag-isip muna si Jun. “Yung... magkasundo tayo sa ibang bagay, ano po kaya yun sir?” Tanong nyang kita sa mukha ang pag-aalangan.
“Syempre, yung oras mo na sinayang ko, at kapag nag eenjoy ako sa pagsama mo sa akin, may bonus ka. At mas malaki yun. Wala tayong gagawing kalaswaan kung iyon ang nasa isip mo?” paniniguro ko sa kanya “Atsaka, anlaki-laki ng katawan mo. Ako nga ang dapat matakot sa iyo, e.” sabi kong pabiro. “Di, biro lang... Gusto ko lang mag-enjoy na may kasama at nagga-guide sa akin. Kababakasyon ko lang kasi galing abroad” Dagdag-paliwanag ko.
“Ah, ok... Sige sir, ok sa akin yan.” Masayang sagot nya. “Pero kailangan ko po bang magbihis pa? Dyahi tong ayos ko eh, naka-sando lang, luma’t mabaho pa at tagpi-tagpi ang shorts...”
“Ikaw... kung gusto mong magbihis, ok din lang. Basta rugged lang dahil ang pupuntahan natin ay hindi naman party, mga lugar na rugged din gaya ng pier kung san dun tayo kakain ng lunch, beach, botanical, etc. T-shirt at maong or shorts, ok na... At pwedi ba, Mike nalang tawag mo sakin at wag mo na akong po-po-in, di naman magkalayo ang edad natin, ok?”
“Ah, OK po... e... Mike.”
So dumaan kami sa bahay ni Jun at habang nagbihis sya, naghintay naman ako sa potpot nya. After mga 20 minutes lumabas na sya ng bahay, nakabihis na nakapaligo pa. Faded straight-cut jeans at body-fit na t-shirt na kulay puti at may stripes na blue ang suot. “Wow, pamatay ang porma ng kumag! Cowboy na cowboy ang dating” sambit ko sa sarili. At kahit na sunog ang balat, litaw pa rin ang ganda ng hugis ng mukha nya na parang modelo ng isang jeans o t-shirt. Mejo singkit ang mata, makapal ang kilay, matungis ang ilong...
“Ey! Gandang lalaki naten ah!” Sabi ko habang paangkas na sya sa upuan nya.
“Hindi naman po... este Mike. Mas pogi ka pa rin syempre. Ikaw ang bosing ko ngayon eh!” ang nakangiting sagot ni Jun na kitang-kita ang mapuputi at pantay na mga ngipin.
“Buti naman at alam mo, hehehe. At buti na rin na naka-tsinelas ka lang dahil pag naka-sapatos ka pa, malamang iisipin ng tao na ikaw ang amo dito. Hayop ka kasi sa porma e. Kung alam ko lang na ganyan ka ka-pogi, di naghanap na lang sana ako ng ibang driver. Naiinsecure ako sa yo, tol!” Biro ko sa kanya.
Tawa lang ang isinagot sa akin ni Jun at umarangkada na sya.
Dahil alas onse na ng tanghali, dumeretso na lang kami sa pier, sa may barbecuehan ng manok at doon kami kumain. Ang barbecuehan na yun ay dinadayo ng mga tao dahil sa sarap ng barbecue at sa ambiance na naka-lutang sa dagat. At isa pa, may beer at videokehan. Kumain kami, nag-beer habang nakinig sa mga nagbi-videoke, at naki-kivideoke na rin kami. Ikini-kwento ko kay Jun na isa yun sa mga paborito kong lugar at sa mga barkada dahil sa sarap ng barbecue at sa tanawing dagat at malamig na hangin. May mga tatlong oras din kami dun tapos umikot na kami sa iba’t iba pang lugar.
Alas singko ng hapon ng nasa beach kami. Plano ko talagang ganung oras pupunta dun dahil sa kitang-kita ang paglubog ng araw. Nung nasa college palang kami yun na ang hangout naming magbarkada. Nakakarelax kasi ang lugar, ang tanawin lalo na sa papalubog na araw at mapayapang dagat. Minsan nagna-night swimming din kami dun o nagba-bonding.
Umorder ako kalahating case ng beer at pulutan at naupo sa buhangin. Naupo din si Jun sa tabi ko at habang pinagmasdan namin ang unti-unting paglubog ng araw, nagku-kwentuhan. Parang kilalang-kilala na namin ang isa’t-isa kahit sa ilang oras lang naming pagsasama.
“Alam mo, Jun, ito ang isa sa mga lugar kung saan ko na-experience ang pinakamasayang araw ko sa buhay, nung college days ko. Andami kong naaalala dito na puro masasaya. Kaya miss na miss ko talaga ang lugar na to at binabalik-balikan. At alam mo, sa tingin ko, swerte din sa akin ang lugar na to...”
Kalmante lang si Jun. Parang walang narinig habang umiinom ng beer. Napakalalim ng iniisip.
“Hoy! Nanjan ka pa ba?” tanong ko sabay tapik sa balikat nya.
“Ha? A, e... syempre naman!” sagot nyang parang natauhan. “Ano nga pala yun Mike?” nakangiting sabi.
“Wala... sabi ko lang, na kung sino pa yung pogi ay sya pang bingi!” biro ko sa kanya.
“Ano yun, ulit... hindi ko marinig?” sagot nyang nagbibingi-bingihan, pagpapapansin na ‘pogi’ nga sya.
“Oo na! Bingi ka na, wala na akong sinabi” sabi kong pabiro pero halong pang-iinis dahil sa hindi pagpansin nya sa kwento ko.
“Ay... pikon! Pikon! HAHAHAHAHA! Pikon!” pang-iinis din nya na may pa-kanta kanta pa.
“Sige, kanta ka pa jan inisin mo pa ako at maliligo ka ng buhangin, sige” pananakot kong ganun.
“Pikon! Pikon!” ang lalo pa nyang pang inis, sabay hubad ng T-shirt at tumakbong palayo at inihagis ang t-shirt sa harapan ng cottage.
“Pikon pala ha? Sige, humanda ka sa akin!” bulong ko sa sarili. Hinubad ko na rin ang T-shirt ko’t inihagis din at sinugod sya. Nagbatuhan kami ng buhangin, naghabulan, tawanan hanggang sa mapagod at magkatabing nahiga sa buhanginan, kapos ang paghinga. Natahimik kaming pareho ng mga ilang minuto hanggang muling nag-kwentuhan. Seryoso at nauwi ang usapan sa girlfriend at sex.
“Na-experience mo na bang makipag-sex, Mike?”
“Syempre naman, bakit ikaw hindi pa?”
“Wala pa akong girlfriend e... virgin pa ako” seryosong sabi ni Jun.
Parang gusto kong matawa. At bigla nalang sumiksik sa isip na pikunin sya. Sumigaw akong bigla, “Shittttt! Virgin ka pa? Hoy mga kapitbahay, virgin pa si - hmmmppppppttt!” sa hiya, mabilis nya akong dinaganan, niyakap tinakpan ang bibig ng isa nyang kamay at ni-lock ang mga hita ko. Hindi ako makapalag dahil sa lakas nya.
Hindi ko alam kung nagbibiro o dala ng pagkapahiya pero nasa ganung ayos kami nang sabihin nya, “Virgin pa nga ako at wala pang karanasan sa kahit paghalik. Pero kapag tinanggal ko ang kamay na to sa bibig mo at sisigaw ka pa rin, hahalikan na kita sa bibig!” pagbabanta nya.
Para akong natulala sa sinabi nyang iyon. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. May halong pagka-insulto ang nadama. Naitanong ko sa sarili kung iniisip kaya nya na pinaplano ko ang dalhin sya dun at biktimahin? O dahil kaya yun sa sinabi kong “bonus” kaya sasakyan nya ang iniisip nyang plano ko na yun?
Hindi na ako kumilos at siguro nahalata nya ang galit sa mukha ko, pinakawalan din nya ako. Patakbo akong bumalik ng cottage at naupo.
Hinabol nya ako at naupong tumabi sa akin, “Mike! sorry! I’m sorry Mike! Please.... di ko sinadyang saktan ka!” pagmamakaawang sabi ni Jun.
“Hindi naman yun Jun e. Ang gusto ko lang sabihin na itong pagpapasama ko sa iyo ay hindi dahil sa may masama akong balak. Gusto ko lang mag enjoy, ma experience ang mga bagay-bagay na hindi ko na-experience habang nasa abroad ako. Kung gusto ko ng sex, marami jan... at kung gusto mo ng pera, di mo kailangang gawin ang isang bagay na ayaw mo. Sabihin mo lang...” sabi kong halos tutulo na ang luha.
“Mike, wala yan sa isip ko, maniwala ka please... Talagang biro ko lang yun. Oo, aaminin ko na kaninang umaga nung nakipag-deal ka pa sakin, nag-isip ako ng masama sa bonus na sinabi mo. Ngunit nung magkasama na tayo, nagkwentuhan, nagbiruan, na-feel ko ang sarap ng pakiramdam na merong taong pumapansin, nagmamalasakit at nakikipagkaibigan sa akin. Ngayon ko lang naranasan ang may nagbigay-halaga sa akin, Mike... sa kabila ng pagiging ganito ko – na mahirap, driver lang ng potpot, ngunit tanggap ang pagiging ako. Hindi pinag-uusapan ang pera dito, Mike, kahit hindi mo ako bayaran sa potpot ko o sa oras ko, masaya na ako dahil nakilala ko ang isang taong katulad mo at naging kaibigan. Simula pa nung maliit ako, puro na lang kahirapan ang naranasan ko, Mike. Wala nga akong natatandaang masasayang alala. Kaya nung mag-kwento ka nung masasaya mong experiences sa lugar na to, tahimik lang ako, nag-iisip dahil naiinggit sa iyo. At nahiling ko sa sarili na sana mayroon din akong maging masayang alaala, at sana dito yun kasama ka...” paliwanag nyang tumutulo na ang luha. “Mike, wala akong pinag-aralan, at simula nung maliit pa lang ako, sabak na sa mabibigat na trabaho... nung mamatay ang tatay ko, ako na ang bumubuhay sa pamilya ko. Wala na akong iniisip kundi problema sa pamilya, kapatid, at nalimutan ko na may sarili din pala akong buhay... at sa araw na to, naranasan ko ang madama ang sariling buhay na yun, at napakasaya ko. Ramdam ko ang pagbibigay halaga ng isang tao sakin, at ikaw ang tao na yun, Mike... Pero kung hindi mo ako mapatawad, wala akong magawa.” At tuluyan ng humagulgol si Jun na parang batang musmus.
Tuluyan na ring tumulo ang luha ko. Niyakap ko si sya, hinaplos ang likod at ulo. Niyakap din nya ako. “Pasensya ka na sa nasabi ko, sorry Jun...” Nasa ganung ayos kami ng mga ilang minuto, walang imikan. Maya-maya sabi ko, “So friends ulit?”
Nag-shake hands kami, nag-hug, nagtawanan at nagpahid ng mga luha namin. “Para tayong mga baliw neto!” ang sabi nya habang tumayo at ibinigay sa akin ang isang kamay para alalayan akong tumayo.
Maya-maya, umurder pa ulit ako ng kalahating case ng beer at nagkwentuhan ulit. Mejo lasing na kami nung bumalik na naman ang topic sa pagka-virgin nya.
“Totoong virgin ka pa, Jun?”
“Di ka ba naniniwala?”
“Kasi, sa gwapo mong yan... kahit sa bakla, wala kang experience?”
“Meron ding mga nagpaparamdam, kaso, ayokong pumatol. Ayaw ko kasing gumawa ng ganun ng dahil sa pera. Kung gawin ko man, yan ay dahil gusto kong gawin, gusto ko yung tao, at walang perang pinag-usapan. Sa tatay ko natutunan ang paninindigan. Hindi daw lahat ng bagay ay nadadaan sa pera. At ang pera ay pinaghirapan, sa malinis na pamamaraan. Kaya nung sinabi mong kung gusto ko ng pera ay sabihin ko lang, nasaktan ako. Parang sobrang napakaliit ng pagtingin mo sa pagkatao ko. Pero naiintindihan kita. Hindi mo pa naman kasi ako lubos na kilala e.” Pangiting sabi nya sabay tingin at haplos sa mukha ko.
“Sorry din sa nasabi ko ha? Ngayon ko lang na-realize na masakit pala talaga yung nasabi ko...”
“Wala na sa akin yun, Mike... kalimutan na natin un. Ibang topic, please?” pabiro nyang sabi.
“OK... balik na lang tayo sa sex story. Wag kang magalit sa tanong na to, ha?”
“OK, shoot!”
“Sa tingin mo, kaya mong makipagsex sa kapwa lalaki?”
Nag-isip si Jun, hindi kaagad nakasagot. Tinitigan ako. “Hindi ko alam, Mike... hindi ko pa naranasan eh.” Ang seryoso nyang sagot.
“Kanina nung dinaganan mo ako dun sa tabing-dagat, anong nararamdaman mo? May kumakabog ba sa dibdib mo? May kahit konting sundot bang excitement o kiliti sa yu?”
“Hindi ako sigurado...”
“Gusto mong ulitin natin, i-simulate yung parteng dinaganan mo ako at tinakpan ang bibig at sinabi mo na ‘Virgin pa nga ako... pero kapag tinanggal ko ang kamay na to sa bibig mo at sisigaw ka pa rin...’?”
“Hmmmm... gusto mo? OK lang sa akin.”
Humiga akong patihaya sa papag ng cottage at pumwesto sya sa ibabaw ko, tinakpan ang bibig ko sa isa nyang kamay habang ang isang kamay ay niyapos sa katawan ko. Ini-lock ng mga binti nya ang mga paa ko. Pareho kaming naka-jeans pa rin pero hubad ang pang-itaas. Naglapat ang katawan at harapan namin, dikit na dikit ang mga mukha. Nagtitigan, nagpakiramdaman. Nag-init ang pakiramdam ko at habang lapat ang mga katawan namin, dama ko na may ibang nararamdaman si Jun.
Hinawi ko ng konti ang kamay nyang nakatakip sa bibig ko, “Ngayon, anong nararamdaman mo? May kumakabog ba sa dibdib mo? May--”
“Alam mo na yun, Mike, alam na alam mo na...” pag-interrupt nya sa tanong ko habang hindi natitinag ang malambing na pagkakatitig nya sa akin at tuluyan nya ng inalis ang kamay na itinakip nya sa sa bibig ko.
Sumigaw ako, “Mga kapitbahay! Virgin pa si – uhummmmpppppphhh! Sabay diin nya ng bibig nya sa bibig ko. Matagal, mapusok, puno ng kasabikan... at tuluyan na rin naming inalis ang natitirang saplot ng aming mga katawan.
Nung matapos na naming maipalabas ang bugso ng aming damdamin at humupa na ang init ng aming katawan, “Jun, meron ka na ring alaalang hindi mo malilimutan sa lugar na to, na babalik-balikan mo.”
“Alam ko, Mike, alam ko. At isang napakagandang ala-alang hinding-hindi ko malilimutan sa tanang buhay ko. At alam mo, may isang tao na bigla na lang sumulpot at nagpapaligaya sa akin ang pinaka-sentro sa napakaandang alaala na yan...”
“Talaga? Sino?” pag-iinosentehang tanong ko.
Tinitigan nya ako at binitiwan ang isang nakakalokong ngiti. “Gusto mo halikan kita uli?
“Isisigaw ko muna na virgin ka pa...” loko ko sa kanya.
“Correction please, hindi na po ako virgin...” sabay kindat.
“HOY! MGA KAPITBAHAY! HINDI NA VIRGIN SI – UHHHMMMPPPPHHH...!
(Wakas)
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
ganda.. Lagyan mo din kaya ng PART 2,3,4..... kuya mukhang maganda kc subaybayan din to.. Paki update na din po ung Ang Kuya kung Crush ng Bayan..Please....
ReplyDeleteang galing talaga ng imagination ni sir mike..g0!g0! wish to read more interesting stories..
ReplyDeletefeeling ko kuya mike mas gaganda pa yang story kung may next parts..:)kakainlove tlaga mga story mo!.hehe.
ReplyDeleteimagination lang pala
ReplyDeletehahahaha..
kainis
love it
ReplyDeletehaha;nka relate talaga ako at ang friend kung si noel..................wanted sex partner within cebu;09225487527
ReplyDeleteAng cute nung story!
ReplyDeleteAmbilis din ng takbo.
Pero parang bitin.
Sequel! Sequel!!! =))))))))))
I like how they suddenly became interested of each other.
Nakakapuzzle sa akin kung pwede nga yan mangyari sa tunay na buhay.
Anyways, a wonderful short story.
Keep it up, Kuya Mike!!
IDOL!!!
-Andrew Johnson
makakainlove si mike..hehehe
ReplyDeleteAng ganda . .galing moh po tlga idol. . .pnkangus2han qng gawa m0h ay ung ang kuya k0ng crush ng byan. .pnaiyak aq ng b0ngga dun. .nainspire dn. .slamat. .. . .
ReplyDeleteDenden Pantaleon
2 thumbs up!
ReplyDeletetotoo ba ito kwentong ito hahaha!!
ReplyDeletekung ganun eh grabe naman pala ang experience mo sa buhay kuya mike kakaiba andaming storya sa buhay nandyan na yung kwento sa bulag na kumakanta pati ito at yung kabataan mo at napakarami pang iba ang kewl naman ng buhay mo!!!!!hahaha
wala lang natuwa lang ako...
-Jasper
hahaha..nice story....ilang beses kong binasa uli.... and every time end it laughing...hahaha
ReplyDeleteending agad haissssssssssst sana gawin nyo nlang po eto na isang storyah eheheheheheh:) ganda poh pero medyo bitin
ReplyDeletesana lahat ng lalaki pareho kay jun ang pananaw,,,
ReplyDeletetxt me 09464217738 suck my dick
ReplyDeletecute sya...short but still great..nice one po ...
ReplyDelete..so nice.
ReplyDelete..ahrael
ganda po ..
ReplyDeleteWhile reading your story maning Mike, I listen to a song entitled here in my heart. May bigla akong na miss na ewan... i'm getting nostalgic actually. And thank you dahil ng dahil sa story na to, plus add mo pa yung song. Biglang nagflash back ang lahat with my "x".
ReplyDelete