Followers

Thursday, May 27, 2010

Si Rodel At Ang Aking Pangarap [7 & 8]

WARNING: This post contains explicit scenes and is not suitable for readers below 18.

By: Mikejuha
getmybox@hotmail.com
http://men4menphilippines.ning.com (Group: Kwentong Kanto Ni Kuya Mike)

Author's Note:

May 122 followers na ako dito and again, salamat sa inyong lahat. Binibilang ko palagi mga followers ko sa blog ko na ito, hehe.

Chatbox:

Gusto ko rin pong sabihin sa mga viewers/readers/followers ko na may chatbox na po tayo sa right portion ng page na ito. If you got the chance to leave some messages or to do chat, please do so. And if I am available, I can answer your questions din po sa chatbox/chatroll.

Muli, sorry talaga na hindi pa ako nakapag-update sa "Ang Kuya Kong CNB" Hirap talaga kapag nasa bakasyon, maraming distractions dahil sa gala, mga family matters. Sa isang taong paghihirap kasi sa Saudi, isang beses ko lang makasama ang mga mahal sa buhay. At kapag nanjan sila, hindi ako makapag-concentrate. Pero nasa utak ko na po ang sunod na mga eksena sa part 24. Ang problema lang ay ang pasulat/pagdeliver nito sa inyo na may dating, may impact, at may emosyon... Kaya, pasensya na po talaga. But I will try pa rin po to be able to write the update as soon as I can.

Kaya pagtyagaan ninyo na lang po muna pansamantala ang kuwentong "Si Rodel At Ang Aking Pangarap"

Maraming salamat sa patuloy na pagsubaybay.

-Mikejuha-

-----------------------------

[7]

Maaga akong nagising kinabukasan. Naidlip lang ako ng sandali at kaagad hinanap si Rodel sa tabi ko. Subalit, wala pa rin siya doon.

Kahit kulang sa tulog, bumangon na rin ako, naghanda ng almusal, naligo at pagkatapus ay umalis na patungong opisina.

Alas 9 na ng gabi noong ako ay makauwi. Nandoon na si Rodel, at naghanda na rin pala ng hapunan. Kain na tayo sambit kaagad niya pagpasok na pagpasok ko palang ng kuwarto, pansin ko sa mga mata niya ang pagka-guilty.

Inirapan ko lang siya, hindi pinansin ang inihain niyang pagkain at dumeretso nang nagpalit ng damit at nahiga sa kama.

Hindi ko talaga siya pinansin hanggang sa nakatulog na ako at kinabukasan umalis ng bahay papunta uli ng trabaho. Hindi ko na rin tinikman o tiningnan man lang ang hinanda niyang agahan. Feeling ko, talagang guilty siya sa inasta niyang halos hindi makatingin nang diretso sa akin. Noong nasa trabaho na ako, nagtext nga, ngunit hayun, nangumusta lang.

Alas otso ng gabi ay nakauwi na ako ng bahay. Nauna na rin pala siyang dumating at nakapaghanda na ng pagkain. At muli, hindi ko pa rin pinansin ang pagkain niya. Sinadya kong kumain na sa labas bago umuwi. Pakiramdam ko kasi ay dapat hindi na ako aasa sa mga pag-aalagang ginawa niya dahil naisiksik na sa sipan na malapit na niya akong iwan.

Dumeretso ako ng kwarto, nagbihis, naligo, at nahiga na tila wala akong ibang taong kasama. Maya-maya, sumunod na rin siya at nahiga. Pinakiramdaman kolang siya. Sabi ko kasi sa sarili na hindi ako ang dapat na maunang magsalita. Ano ako, guilty? Sabi ko sa sarili. Tumagilid akong patalikod sa kanya.

Halos isang oras siguro kami sa ganoong sitwasyon hanggang sa, Derick... hindi ko alam kung paano manghingi ng tawad sa iyo...ang mahina niyang sabi.

Hindi pa rin ako umimik.

Patawarin mo ako Derick... Mahal ko si Christine Mae. Ngunit mahal din kita...

Sa pagkakarinig ko sa sinabi niyang iyon, dio ko na napigilan ang bumulyaw, Sinungaling! Mahal mo siya? Tapos mahal mo din ako? Ano ka, dalawa ba iyang puso mo? Dalawa ba iyang tarugo mot tag-iisa kami, ha? Magpakatotoo ka naman, Rodel! Wag mo akong gawing tanga!

Totoo iyan, Derick. Mahal din kita at di ko kayang mawala ka sa buhay ko.

Neknek mo! Paano ako maniwala sa iyo? E ngayon nga niloloko mo na ako! Bakit hindi mo sinabing may babae ka na pala?!!
Ayaw kong masaktan ka Derick, maniwala ka.

Sinungaling!

Ano ba ang pwede kong gawin upang maniwala ka?

Wala! Wala! Wala Ang bulyaw ko sabay tayo at tungo sa lagayan ng mga damit, dali-daling nagbihis at tinumbok ang pintuan.

Kung gaano ako kabilis sa pagbihs ay siya ding bilis ng pagharang niya sa akin sa may pintuan. Saan ka pupunta? Ang tanong niya, nakatayo sa harap ko at tanging puting boxers shortlang ang takip ng katawan.

Padaanin mo nga ako Rodel!

Hindi! Kung ayaw mong sabihin kung saan ka pupunta, di ka puweding lumabas...

Ano ba ang pakialam mo! Padaanin mo ako! Ibinuhos ko ang lahat ng puwersa upang labanan ang pagharang niya at makalabas ako.

Ngunit sadyang mas malakas si Rodel at wala akong nagawa kungdi ang paghampas-hampasin na lang ang dibdib niya habang niyayakap naman niya ang katawan ko.

Arrgggghhhhhh! Ansakit-sakit ng ginawa mo Rodel! Masakittttt!

Alam ko, Derik. Alam ko... ang sabi niya, habang patuloy niya akong niyayakap ng sobrang higpit, sinusuyo, marahang hinahalik-halikan ang buhok, ang mukha, ang noo. Animoy sumasayawkami ng walang tugtug.

Unti-unti namang napawi ang galit ko. Hinila niya ako pabalik ng kama. Nahiga kami uli. Niyakap niya ako. Derick... di ba ikaw na rin ang nagtanong sa akin kung ano ang pangarap ko? At... sinagot kita; na gusto kong magkaroon ng pamilya, ng anak. Hindi ako nagsisinugaling sa iyo.

Hindi ako umimik. Nanumbalik sa isipan ang mga sinabi kong iyon sa kanya.

At ang sabi mo pa, na nandiyan ka lang para sa akin, na handang tumulong at gumabay sa akin upang makamit ko ang mga pangarap ko. Bakit? Nagbago na ba ang sinabi mong iyon?

Totoo iyan Rodel. Sinabi ko iyan sa iyo. Ngunit napakasakit pala. Di ba sinabi ko din sa iyo na huwag na nating gawin pa ang ma-involve sa isat-isa sa ganitong relasyon? Di ba ang gusto kolang ay maging kaibigan mo, kapartner dito sa bahay at wala nang iba. At ikaw ang gumiit na gawin natin ang bagay na ito, ang ganitong relasyon. Di ba parang tinuruan mo na rin ang pusokong mahalin ka at kapag mapamahal ka na sa akin ng sobra, ay parusahan at pahirapan mo rin? Parang napakasadista mo naman yata. Di mo ba naiisip na paulit-ulit ko nang naranasan ang ganito, at ngayon... heto, mararanasan ko na naman ang tindi ng sakit ng iiwan ng taongmahal?

Hindi ako nagsisisi sa nangyari sa atin Derick, dahil mahal naman kita talaga eh... at hindi kita iiwan

Hindi mo ako iiwan? Paano na ang girlfriend mo?

Hindi ko alam, Derick...

Mahal mo ba siya?

Oo, mahal ko siya...

Pakiramdam ko ay sinaksak ng maraming beses ang puso ko sa sagot niyang iyon. Itatanong ko pa sana kung sino ang mas matimbang sa aming dalawa ng girlfriend niya ngunit natakot na akong baka mas lalong masaktan kung ang sagot niya ayhindi ko magustuhan. Kaya, A-ano ang gagawin mo ngayon.Iyon na lang ang naitanong ko.

B-bahala na Derick. Bahala na...

Iyon ang unang pag-uusap namin tungkol sa babae niya. Masakit at bagamat sinabi niyang hindi niya ako iiwan, hindi ako naniwala at umasa pa.

Kinabukasan, napag-isipan kong kausapin ang kaibigan kong hanapan ako ng isang houseboy. Ewan ko din kung bakit bigla kong naisipan iyon. At hindi naman ako nahirapan dahil sa nagkataon ding ang pamangkin ng kaibigan kong iyon ay kararating lang galing probinsya at naghanap din ng trabaho.

Si Marvin ay 20 years old at nakapagtapus lang ng high school. Bagamat sa hitsura ay tatalunin siya ni Rodel ngunit sa tangkad at ganda ng porma ng katawan ay hindi naman padadaig ito. At kahit na sunog ang balat sa trabahong-bukid, malakas din ang appeal ni Marvin. In fairness, yummy din ang kumag. At ang pinakagusto ko sa kanya ay ang kanyang pagka-magalang. Mabait

Dala-dala ang maliit na bag, sumama na siya sa kotse ko pauwi ng apartment sa gabing iyon.

Alas otso ng gabi noong dumating kami ng bahay. Wala pa si Rodel kaya inikot ko na lang si Marvin sa apartment habang binibigyan ko ng instructions at sa mga assignments niya. May kasama ako dito, Marvin; si Rodel. Doonkami natutulog sa masters bedroom at ikaw naman, sa kabilang kuwarto

Namangha si Marvin sa narinig na may kasama pala akong isang lalaki. K-kapatid niyo po ba?tanong niya.

Hindi

Ah kamag-anak?

Boyfriend ko iyon, Marvin.

G-ganoon po ba? Pansin kong tila natulala si Marvin sa narinig.

Oo at huwag mo na akong popo-in, Derick na lang. Bakit, ngayon ka lang ba nakarinig ng mag-boyfriend na nagsasama sa isang kuwarto?

Eh hindi naman, Sir, eh.. Derick pala. Hindi ko kasi akalain hindi na itinuloy pa ni Marvin ang sasabihin.

O sya Pero, kung maaari ay personal na bagay na namin ni Rodel iyan ha? Unless ako ang mag-open up sa iyo sa mga bagay-bagay, hindi na kasama sa trabaho mo ang alamin ang buhay namin. Mapagkakatiwalaan naman kaya kita?

Mapagkatiwalaan mo ako Derick, 100%. Wala akong problema sa ganoon.

Dahil sa tapos nang maghapunan ni Marvin, niyakag ko siya sa terrace. Umiinom ka ba?
tanong ko.

Napangiti siya. Umiinom din

OK. So doon tayo sa terrace at kinuha ko ang isang bote na gin, baso at ice at dinala sa terrace.

Medyo tumalab na ang alcohol sa mga katawan namin noong dumating naman si Rodel. Laking gulat niya noong makita kami ni Marvin na nag-iinuman sa terrace.

May ibang lalaki na pala dito sa bahay, wala man lang akong kaalam-alam! ang sambit niya kaagad pagpaparining sa aming dalawa.

Ah Rodel, si Marvin pala, pamangkin ng kaibigan ko. Siya ang magiging houseboy natin. Ang pag-introduce ko sa kanila.

Ah, ganoon ba? Wala man lang akong kaalam-alam... parinig niya sa hindi ko pagkunsulta sa kaniya. Rodel pare baling naman niya kay Marvin sabay abot ng kamay, matigas ang boses na tila may pagbabanta, pinapahiwatig na siya ang hari ng bahay na iyon.

At dito nagsimula ang naiibang set-up namin. Nasabi ko tuloy sa sariling, Tama lang siguro ang ginawa ko, may iba sya, dapat niya lang maramdaman din ang naramdaman ko

At pakiramdam ko, may epekto ding dulot ang pagpasok ni Marvin sa eksena. Maaga nang umuuwi si Rodel, at halos hindi na nagsi-sleepover sa labas. May isang beses pa ngang narinig kong sinabihan niya si Marvin, Pare, kapag nagtatrabaho ka dito sa bahay, lalo na kapag nandito kami, wag iyang nakadisplay ang katawan mo wag kang nakahubad.

Paano naman kasi itong si Marvin, mahilig maghubad ng pang-itaas na damit at naka-shorts lang. Palibhasa, hayup sa porma ang katawan at wala namang ibang nakakakita. Pero, alam naman niyang bakla ako eh. Sini-seduce kaya niya ako? Hehe. Ewan, baka malaswa lang din ang utak ko.

Kaya noong marinig kong pinagsabihan ni Rodel si Marvin tungkol sa paghuhubad noong huli, natatawa na lang ako. Alam ko, nagseselos ang hunghang.

Hanggang sa isang araw, marahil ay hindi na nakatiis si Rodel at kinausap nya na ako, Paalisin mo na kasi iyang si Marvin kaya ko namang gawin ang lahat ng mga gawain dito sa bahay eh. Bakit ba kailangan pa nating kumuha ng houseboy?

Sa pagkarinig ko sa sinabing iyon ni Rodel, bigla namang may pumasok na ideya sa utak ko. O sige, paalisin ko si Marvin, ngunit sa isang kundisyon.

Ano?

Isiwalat mo sa girlfriend mo ang relasyon natin at imbitahin mo siya dito upang magkaharap-harap kami.

Biglang natameme si Rodel sa narinig. Nag-isip. S-sige Ang tilang napilitan niyang pagsang-ayon.

Ok, deal! At kapag nagawa mo iyan, paalisin ko na si Marvin dito.

Dumating ang takdang araw nang pagbisita sa bahay at pagpapakilala ni Rodel ng girlfriend niya sa akin. Noong makita ko, pati ako ay napahanga. Maganda, maputi, sexy, matangkad, magandang magdala ng damit at bagay na bagay sila. Para siyang isang napakagandang prinsesa habang si Rodel naman ay isang napaka-guwapong prinsipe. Naramdaman ko kaagad ang sobrang pagka-insecure sa nakitang magkasamang dumating at kahit hindi ipinahalata ni Rodel, at pansin ko ang paglalambing ng babae at ang pagka-sweet nila sa isat isa.

Matinding lungkot at pagkaawa sa sarili ang bumalot sa buong pagkatao ko sa sandaling iyon. Iyon bang feeling na, Wow! Parang itinadhana sila sa isat-isa, bagay na bagay, at nandito ako, isang joker, panggulo, o kontra-bida Feeling ko, wala talaga akong role na puweding gampanan sa buhay ni Rodel. Lahat ay kinuha na sa akin ng babaeng iyon. Pilit kong pinigil ang mga luha upang huwag mapansin ang itinagong hinanakit ng kalooban.

Ah, ikaw pala si Christine Mae? ang sambit ko na lang, pilit na ipinamalas ang ngiti sa mga labi. Halikayo sa taas

Umakyat kami sa taas at sinabihan si Marvin na maghanda ng juice at sandwich.

Naupo silang dalawang magkatabi ni Rodel sa sofa habang ako naman ay sa upuang harap nila.

Kumusta po kayo pangumusta ni Christine Mae sa akin.

Okay naman ako Mabutit nagpunta ka dito at magkita tayo. Sagot ko naman, tiningnan si Rodel sa tabi niya na tila ay di mapakali.

Ako din po Masaya na nakita kayo, at itong tinitirhan ni Rodel. Hindi naman pala kalayuan sa opisina namin.

Ewan ko kung ano ang pumasok sa isip ko ngunit dinereto ko na ng tanong si Christine Mae, Sinabi na ba ni Rodel sa iyo ang tungkol sa amin?

Pakiwari ko ay tila binagsakan ng malaking bato sa ulo si Christine Mae sa narinig, halatang nagulat at naguguluhan. Lumingon siya kay Rodel. H-hindi pa po? Bakit? Ano po ba ang tungkol sa inyo?

Tiningnan ko uli si Rodel na halatang nataranta at namumutla. Mag kasintahan kami.

(Itutuloy)

-------------------------------

[8]

Tuluyan nang bumakat ang matinding gulat at galit sa mukha ni Christine Mae, hindi makapaniwala sa narinig. Nilingon niya uli si Rodel at tinanong, Totoo ba ito, Rodel?!!

Sa pagkabigla sa bilis ng mga pangyayari, hindi na rin magawang sumagot kaagad ni Rodel at ang tanging nasabi ay,M-magpaliwanag ako, Mae

Manloloko! Manloloko!! Ang sigaw ni Christine Mae sabay tayo at takbo palabas ng pintuan.

Nanlisik naman ang mga mata ni Rodel noong lumingon sa akin at bumulyaw. Bakit mo ba sinabi sa kanya?!

Sa narinig, bigla ding nag-init ang tainga ko. At bakit? Di ba iyan ang usapan natin? Bakit dinala mo dito ang babaeng iyon kung di mo naman pala sinabi sa kanya?! Ang sigaw ko din.

Hindi pa ito ang tamang panahon, Derick! Sana naghintay ka, tangina!

Tangina mo rin! At hanggang kailan ako maghintay? Hanggang mamatay na ako sa kunsumisyon? Sa sakit ng naramdaman sa sandaling kayo ay napapasasa sa kaligayahan? Hanggang kailan mo paglaruan ang damdamin koooooooo?! Punyeta!

Arrrgggggghhhhhh! Binitawan ni Rodel ang isang malakas na suntok na tumama sa pintuan sabay takbo nito palabas ng bahay.

Sige! Lumayas ka at huwag ka nang bumalik pa dito!! sigaw ko habang pinagmasdan ang tuloy-tuloy niyang paglayo.

Ilang araw din akong naghintay. Ngunit wala nang Rodel na nagpakita pa. Walang text, walang tawag, walang contact. Masakit at ang sumiksik sa isip ko ay ang magkasama silang babae niya, nagpakasasa sa kaligayahan, pinagtatawanan ako, kinukutya, nilalait, sinasaksak sa likod...

Sobrang sakit. Hindi ako makatulog, hindi makakain, nawalan ng gana sa lahat ng bagay. Animoy mababaliw ako. Ang lahat ng sakit na naranasan ko sa unang mga nakarelasyon ay bumabalik ulit. Hindi na ba talaga ako tatantanan ng malas? Ganito na lang ba ang papel ko habambuhay? Lecheng buhay talaga oh Pagmamaktol ko sa sarili.

Isang gabi, nasumpungan kong hikayatin si Marvin na mag-inuman. Tapos na kaming maghapunan noon at as usual, sa terrace ko siya dinala. Noong una, inum lang kami nang inum, nagpakiramdaman. Ngunit noong tumalab na ang alak sa mga utak namin, ako na ang unang nagsalita. Alam moMarvin, ewan ko, sobrang lungkot ang nadarama ko sa pag-alis ni Rodel. Mahal ko kasi ang hinayupak na iyon

Pansin ko nga Derick eh. Minsan tulala ka Sana kung may maitutulong lang ako

Salamat ha, kahit papaano, nandito ka. Hindi ko nga maintindihan kung bakit love na love ko ang punyetang iyon eh. Para tuloy gumuho ang lahat ng mga pangarap ko; tila wala nang kabuluhan ang lahat sa mundo, wala nang halaga pa ang buhay

Huwag naman ganoon, Derick. Alam mo, dapat ay huwag kang magpatalo sa lungkot. Isipin mo na kahit wala na siya, tuloy pa rin ang buhay. Nandyan pa naman ang mga kaibigan mo, umiikot pa ang mundo, nagbubukas pa ang mga malls, ang mga sinehan, ang mga clubs at diskohan.Pabiro niyang sabi. Anong silbing mga iyon kung magmumukmok ka at sirain mo ang buhay mo nang dahil lang sa isang tao?

Napangiti naman ako sa sinabi ni Marvin. May point siya ha. sa bi ko sa sarili.
Ako nga, mataas ang respeto ko sa iyo eh. Idol kita. Kasi, matalino ka, maganda ang trabaho, nakayanan mo ang lahat ng pagsubok, may pera. Samantalang ako at ang mga katulad ko, heto, walang pinag-aralan, kahit anong trabaho pinapasok. Di ba dapat ako at ang mga katulad ko ang mas nalulungkot at magsabing wala nang halaga ang buhay? Pero tingnan mo naman ako.Hindi ako nagrereklamo. Pero, ok lang. Tanggap ko ang ganitong buhay. Sadyang ganyan lang talaga. Buti ka nga, ang problema mo, pag-ibig lang. E, iyong iba na kagaya ko, wala na ngang pag-ibig, wala pang makakain. Kaya dapat, i-enjoy mo ang buhay, Derick dahil mas maswerte ka pa rin kaysa karamihan. Kaya ngiti ka naman dyan please...? sabay pisil sa baba ko.

Tila nawala naman ang pagkalasing ko sa sinabing iyon ni Marvin. May punto ka Marvin Ang ganda ng mga sinasabi mo. Siguro nga, napaka-selfish kong tao, ano? Sarili ko lang ang iniisip ko, sariling pagdurusa na kung tutuusin, ay mas magaan lang kumpara sa paghihirapng ibang tao.

Pakiwari ko ay biglang nagkaroon ng ningning ang mukha ni Marvin sa mga tingin ko noong marinig ang mga malalalim na salitang binitiwan niya. At ewan ko rin ba, marahil ay sa dami na ng alak na nainum, pakiramdam koy biglang gumuwapo siya. At lalo akong nataranta noong pahabol na sinabi niyang, Kung gusto mo, paligayahin kita, Derick, kung iyan ay isang paraan upang makatulong.

Tila isang bomba ang sumabog sa narinig ko. Natuyuan ng laway at biglang lumakas ang kabog ng dibdib. At noong tinanggal niya bigla ang pang-itaas na saplot at walang pakialam na itinapon ito sa sahig, lalo pa akong nanginig at di magkamayaw, nanlamig ang buong katawan sa ginawang pang-aakit.

Wala akong magawa kungdi ang pagmasdan ang hubad niyang katawan habang nakaupo pa rin sa harap ko ang ganda at matipunog chest area, ang mga maskuladong biceps, at ang abs wow! Animoy may mga pandesal sa gilid nito at sa gitna ay makikita ang mga balahibong-pusa na nagmukhang agos ng tubig papunta sa ilalim ng nakausling puting garter ng brief. At na-imagine ko kung saan humantong ang mga iyon sa nakabukol na parte ng kanyang harapan sa ilalim ng kanyang brief...

W-wag kang magsalita nang ganyan Marvin. Papatulan kita, sige ka. Hamon ko.

Di gawin mo na Derick, at dalian mo ang palaban naman niyang sagot habang hinahaplos-haplos ng isang kamay niya ang abs area at parting harapan niya, kinakagat-kagat ang labi, at ang mga matang mapupungay dala ng pagkalasing ay mistulang nangungusap, nagmamakaawa, nanunuksong nakatutuk sa akin.

Sa pakiwari ko ay nawala ako sa katinuan sa mga titig niya. Kung iyon man ang paraan ni Marvin na makalimot ako sa problema ko ay masasabi kong napakagaling niyang mangbura ng mga bumabagabag sa utak ko. Nawala lahat sa isip ko si Rodel. Parang nasa ilalim ako ng kapangyarihan niya at sunud-sunuran na lang sa kung ano man ang gusto niyang ipagawa sa akin.

At tuluyan niya nang binuksan ang kanyang zipper. Nanatili siyang nakaupo, hinawi ang kanyang puting brief, inilabas ang naghuhumindig niyang pagkalalaki, at sinenyasan akong lumapit. At noong makalapit na, hinawakan niya ang kamay ko, inilapit ang mga iyon sa mukha niya. Hinaplos-haplos iyonng mga kamay ko. Maya-maya, niyakap niya ako. Napayuko ako at sa ganoong ayos, naglapat ang mga labi namin. Naghalikan kami, yakap-yakap niya ako nang mahigpit. Sa mga labi niya ay damang-dama ko ang initng kanyang pagnanasa. Ilang minuto din kaming naghalikan hanggang sa hinawakan niya na ang mga balikat ko at unti-unting hinila ang mga iyon pababa. Habang di magkamayaw siMarvin sa pagbitiw ng nakababaliw na mga pabugso-bugso at pigil na ungol, dahan-dahang bumaba din ang dampi ng mga labi at dila ko sa balat niya sa ilalim ng baba, sa leeg, sa dibdib at isa-isang nilaru-laro ang mga utong doon, sa tiyan... hanggang sa tuluyang nakaluhod na ako at ang mukha ay nakatutuk sa matigas, malaki at sabik na sabik niyang pagkalalaki...

(HAHAHA! Syeeeeettttttt! Nakakapag-init. Sarap sanang i-detalye pa ang sex scene pero baka ma-delete na naman tong journal ko. Kaya teaser na lang... Sorry po, takot ako kay Admin lol!)

At nangyari ang hindi dapat sanang mangyari. Hindi ko napigilan ang sarili sa tukso ni Marvin. Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi din naman ako nagsisi dahil matindi pa rin ang kinikimkim kong galit kay Rodel.

Iyon ang simula ng aming patagong pagniniig ni Marvin. Inaamin kong sa tindi ng galit at sama ng loob sa paglayo ni Rodel, parang naging pakawala na ako, kahit pa sasabihing pampalipas-libog lang ang arrangement namin ni Marvin. Klaro sa usapan namin na nagtatrabaho lang siya sa akin bilang houseboy at parte ng trabaho niya ang pagbigyan ako hanggang kailangan ko, kahit ito ay nangangahulugang paggamit ko sa katawan niya. Ganyan ka-loyal siMarvin . OK lang sa akin Derick, basta masaya ka at malimutan mo siya, kahit panandalian lamang. Tutal, wala namang mawawala sa akin, at nasasarapan din naman ako. Iyan ang linyang binitiwan niMarvin. At Masaya ako sa offer niyang iyon. Sa totoo lang din, sobrang hot ni Marvin. Malibog kumbaga. Lalo na kapag nakapapanood ng x-rated, nakakasampung putok iyan. Inaamin niya naman na sa buong buhay niya, noon lang sa akin siya nagsawang manuod ng bold sa akin.

Siguro ay masasabi kong nakatulong din ang arrangement naming iyon. Kahit papaano, natuto akong lumaban, makalimot kahit panandalian lamang. Pero kahit ano pa ang gawin ko, si Rodel pa rin ang hinahanap-hanap ng puso at siya lang ang laman ng isip. Nandoon pa rin ang matinding pangungulila ko sa kanya. At hindi ko pa rin matanggap na wala na siya sa buhay ko.

Mag-iisang buwan simula noong umalis si Rodel, naisipan kong manghingi ng professional counseling. At ang sabi sa akin ng counsellor ay

Si Rodel ay matindi ang pinagdaanang karanasan sa buhay. Hindi naranasan ang pagmamahal ng mga magulang, nakaranas ng pang-aabusong seksuwal... Kung tutuusin, hindi normal ang dinaanan niya. He passed through stages of identity crises, confusion, self-pity, loss of self-respect, feeling of rejection... Noong mag-krus ang landas ninyo, noon niya naramdaman ang pagmamahal ng isang kapatid, o tatay. Mahal na mahal ka niya sa klaseng pagmamahal na ito. Subalit ang pagmamahal mo sa kanya ay romantic; may kahalong sex. Dahil sa mahal ka ni Rodel, gusto niyang i-compensate ang pagmamahal mo by meeting you half-way to submit to your sexual advances. Sub-conscious lang ito but physically, nai-translate niya ito sa pamamagitan ng pagpapaubaya. Remember, Rodel has experienced a serious psychological crisis. Maaring nagustuhan na rin niya ang pakikipag-sex sa iyo but that is because of his confusion. But remember, lalaki si Rodel. At ang sexual desires niya ay nakatutuk sa babae. Expect that ma-aattract, at magmahal siya sa babae. But this does not mean that he loves you less. It is only that iba ang need niya na na-fill mo, at iba din ang need niya na na-fill ng babae... Its like ikaw ay ang air conditioner sa kuwarto niya at ang babae naman ay ang TV. Walang point of comparison sa dalawa. They co-exist... Maaring Masaya si Rodel ngayon sa piling ng babae. But believe me, kung totoo ang pagmamahal niya sa iyo, babalik din siya upang makita, makausap, at makapiling ka...

Hindi ko lubos maintindihan ang naramdaman sa narinig. Masaya sa huling sinabi niya na hindi ako pweding makalimutan ni Rodel at maghahangad pa rin siyang makapiling ako ngunit nalungkot din dahil ibig sabihin, hindi ko pala siya pweding masarili at ma-puno ang lahat ng needs niya... Parang ang hirap tanggapin. Bumalik-balik din sa isip ko ang pangako ko na suportahan siya sa pangarap niya sa buhay na magkakaroon ng pamilya at anak, tinatanong sa sarili kung mgpaka-martir na lang at tiiisin lahat, o gumive-up na lang at tuluyang kalimutan siya.

Isang gabi, bugso ng init ng katawan, nagniig na naman kami ni Marvin. Dating gawi. Mainit, mapusok at nag-aalab ang aming tagpo. Paulit-ulit naming nilasap ang sarap at sinapit ang ruruk ng makamundong kaligayahan hanggang sa makatulog kami, latang-lata ang katawan sa kama kung saan namin dating pinagsaluhan ni Rodel ang aming pag-ibig.

Dahil walang pasok kinabukasan, hindi na ako nag-alarm pa. Gusto ko kasing makapagpahinga at makabawi ng lakas sa tindi ng pagod sa pagtatalik naming ni Marvin.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog. Nagising na lang ako noong may kumalampag sa kuwarto at nagsisigaw. Mga walanghiya!!! Sabi ko na nga bang may relasyon kayo!!! Mga traydor!!!

Si Rodel, at nagpupuyos sa galit sa nakita niyang ayos namin ni Marvin na parehong hubad at magkatabing nakahiga sa kama namin...

(Itutuloy)

4 comments:

  1. i loved to read this story very exciting and interesting kasi to be continued you need to wait the next episode para malaman what happen next.

    and you can feel the passion and sincerity of the story kala mo kasali ko sa mga characters.

    good work! and always continue writing a story like this you inspired lot of people to read this kind of story..... have a nice day

    ReplyDelete
  2. Kuya mike, ikaw pla sumulat nito.. nabasa ko na kasi to dati... hindi ko kinayang bsahin ung ibang chapter nito, heavy drama..

    ReplyDelete
  3. kuya mike..we miss ANG KUYA KONG CRUSH NG BAYAN!when can we have the next part??!

    ReplyDelete
  4. Ang Uganda po idol

    - hyye

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails